Loveless Story
November 20, 2021...
bale..
may alternative naman...
kaso tagilid ako sa presyo..
Php 36,000 para sa 2 event..
kaso bukod pa yung Php 750 na para sa rapid test ng mga dadalo..
so mga nasa Php 39,000 na 'yon..
eh madami pang ibang gastusin... 🙁
kumpara doon sa una kong naisip na nasa Php 34,000, eh ang laki nung Php 5,000 na difference..
wala akong kuwestiyon doon sa nasa level Php 10,000..
pero hindi kasi pang-Php 8,000 ang dating nung isa..
malayo ang level kumpara doon sa dati kong nakuha na Php 8,000..
at lalong malayo ang level doon sa target ko na Php 7,000 lang...
is feeling , nakakapanghinayang kasi kung hindi galing sa Lottery ang pera...
---o0o---
November 21, 2021...
yung plano nang muling buksan ang bus station sa Buendia...
sana nga..
ang paborito kong bus station..
ang bus station kung saan maraming pahinga..
ang pinakamalapit kay YAM..
ang bus station ng pag-ibig...
is 💘 feeling , nang magamot na ang puso kong kinasangkapan lang pala para makuha nang libre ang mga pera ko...
---o0o---
November 22, 2021...
kailangan ko din pala ng extra na pera para makabili ng external drive..
mahirap na..
hindi ko alam kung anong iskandalo ang binabalak gawin nung p*ta..
baka madamay pa ang mga koleksyon ko ng memories at ang trabaho ko dahil sa mga kalokohan niya...
is feeling , extra na pera, lumapit ka naman sa akin...
---o0o---
November 25, 2021...
tapos na sa paglilinis ng mga redundant files..
kailangan namang i-organize pa yung iba bago ang pagtatagpo...
is feeling , ang dami pang kailangang gawin...
-----o0o-----
November 20, 2021...
[Gadget-Related]
yung hindi pasok sa specifications ng Windows 11 si Unit 02..
primarily dahil hindi kilala ng CPU yung upgraded na OS..
lagot na..
maiiwanan na naman... 🙁
is feeling , so paano..? maghihintay na lang ng Unit 03...??
---o0o---
November 21, 2021...
[Game]
ang 4th month ko sa pagpi-piloto sa Axie Infinity..
3 months, noong supposedly naka-ROI na ako..
pero na-extend nga ako dahil sa Php 15,000 na reinvestment..
at ngayon ngang 8th 15-days ko na, eh kinapos pa rin ako dahil sa mababang palitan ng SLP, at dahil na rin sa pinahirap nilang pagkita ng SLP mula sa Arena...
anyway..
padalawang beses ko nang na-stuck sa Binance, with XRP na asset..
kasi suspended na naman yung transfer ng XRP gamit yung sarili nilang network papunta sa Coins PH..
Php 3.37 yung naabutan kong palitan ng SLP kaninang umaga, pero nasa Php 3.30 na lang noong nakapaglabas na ako ng SLP mula sa Ronin..
Php 54.53 naman ang palitan ng XRP noong namili ako nun..
base sa recent trend niya, mas madali na lang mabawi yung ganung palitan kumpara doon sa last kong na-experience na Php 60.07..
basta ang price to beat ko ay Php 5,619.90...
nakakatakot yung madalas na pagiging down lately ng XRP network..
pero wala naman kasing balita kung bakit..
at available pa rin naman yung asset sa market ng Binance..
kaya kailangan lang na umasa na magiging maayos ang lahat..
kesa naman kasi maglipat ng Ethereum-based assets papunta sa Coins PH na maraming libo ang bayad sa pagke-create ng papasahan na address...
is feeling , pending.. kailangang maayos yung network.. tapos kailangan ulit ng magandang palitan...
>
natapos na rin sa paggawa ng mga promotional materials...
sunod, kailangan kong mag-back up ng mga files..
ng mga ebidensya..
at iayos lahat para sa itinakdang araw na iyon...
is feeling , ang laking abala.. samantalang binabawi ko lang naman ang pera ko...
---o0o---
November 23, 2021...
[Game]
so bawal nga daw talagang maglaro ng higit sa 1 account..
pero pwedeng mag-may-ari ng maraming accounts bilang manager..?
eh hindi ba halos parehas lang iyon..?
dahil madami pa rin yung nagagamit na accounts...
t*ng ina..
nang-scam sila ng mga tao para mag-invest sa partner nilang Ethereum market..
tapos ipagbabawal nila na gumawa ng paraan ang mga maliliit na investors para mabawi naman ang mga ipinuhunan nila..??
ay anak talaga ng mga scammers..
totoong hinahadlangan yung iba na makabawi sa sinapit nilang pandaraya...
kagaya na lang ngayong araw..
2nd day matapos ulit akong maglabas ng SLP..
kahapon nag-losing streak ako hanggang pababa sa 900 plus MMR..
tapos kanina 7 beses akong pinaliguan ng mga critical ng kahit na anong kalaban..
hindi lang nga 7 beses eh, dahil may nakalaban pa akong Aqua at Bird na 3 beses nagpakawala ng critical laban sa akin sa loob lamang ng 1 match..
so nasaan ang pagiging patas ng sistema nila..?
bakit, ganun ba kasama ang mag-cash out ng SLP mula sa ipinangako nilang play-to-earn na laro..??
kahit papaano umabot naman ako sa 11 wins, plus 1 draw..
kaso nga eh nasa 1 SLP zone lang yung karamihan sa mga iyon..
at nasa 92 SLP pa lang ang average ko for 2 days...
dati, wala namang pressure sa laro na ito eh..
kasi may sigurado naman na 150 SLP kada-araw..
at dahil wala namang MMR requirement para kumita ng SLP..
ang tanging nakakakaba lang noon eh yung pag-iisip kung kailan mo ba mababawi yung investment, o kung mababawi mo pa ba talaga..
kaso niloko nila ang mga tao eh.. 🙁
naging depressing yung laro noong kinaltasan nila ng 50% ang basic daily rewards..
depressing din noong gumawa nga sila ng 800 MMR requirement para kumita ng SLP..
at panibagong depression din ang idinulot nung pag-downgrade sa mga piling cards, lalo na para sa akin dahil 4 na Axie sa mga team ko ang tinamaan...
naging puno ng stress ang laro na kung saan eh dapat masaya ka lang habang kumikita ng extra na pera..
kaya anong karapatan nila na pigilan ang mga players sa paggawa ng paraan para mabawi ang kanilang mga puhunan..?
o gumawa ng paraan para makaipon at makapagpalakas ng sariling team...??
is ⚠ feeling , hanggang kailan hindi magiging patas ang mundong ito...??
>
[Game]
nailipat ko na sa Coins PH yung huling sahod ko..
halos 2 days din na na-delay dahil sa network suspension..
kaso bagsak-taas ang galaw ng XRP..
maghihintay na naman ako ng tamang timing para mapalitan yung asset ng totoong pera...
tapos..
Level 24 na yung scholar..
ang lakas talaga ng critical..
nasa Ruin 34 na rin siya ngayon..
hihintayin ko lang mag-Level 25 para matalo ang speed nung iba pang mga kalaban...
is feeling , para sa 300 SLP...
---o0o---
November 24, 2021...
[Game]
lagot na..
matapos ang maya't mayang tugisan sa Imperyo..
at ang planong regulation sa USA..
gusto na ring ipagbawal ngayon ng India ang cryptocurrency sa kanilang teritoryo...
is ⚠ feeling , lagot na naman siguro ang market nito...
---o0o---
November 26, 2021...
[Game]
sobra-sobra nang depression 'tong napapala ko sa buhay... 🙁
kahapon, kahit papaano naka-10 wins naman ako..
pero ang masakit kasi doon..?
naligo ako ng mga critical sa loob ng 7 matches..
ang hirap lang talaga nung pakiramdam ng pagiging sobrang malas... 🙁
ngayon naman, naranasan ko yung lowest earning ko in a day..
naka-6 wins lang ako, considering na sa may 1000 MMR na lang nga ako nagsimula..
naligo ako ng mga critical sa loob ng 5 matches..
nahila ako hanggang 816 MMR..
at 81 SLP na nga lang yung kinita ko... 🙁
pero ang totoong masakit dito..?
hindi ko matanggap na Php 85,000 ang worth ng team ko..
sa tingin ko kasi sa ganung halaga eh dapat Terminator na RBP team na ang meron ako..
o di kaya eh AAP team na may Tail Slapper..
pero hindi eh..
nag-invest ako para sa isang team na pang-800 MMR lang..
na mahilig maligo ng mga critical..
at pinarusahan pa ng mga card downgrade...
is feeling , Lottery na lang talaga ang pag-asa ko para subukang maitama pa ang lahat...
>
[Game]
dahil nakaka-depress nang manatili sa 1 SLP zone..
nag-decide ako na sumugal sa muling pagbagsak ng mga cryptocurrency, na dahil daw sa balita tungkol sa bagong South African variant...
nangutang ako ng nasa Php 6,000 para madagdagan yung WETH ko..
ang 5th Axie na binili ko, padalawa mula sa marketplace..
pamalit sana para sa Mid o Blocker ko..
gusto kong subukan na gumamit ng Aqua na may Tail Slap at Speed plus na skill..
nasa Php 8,250 yung panibago kong investment dahil lang sa mga bagsak na palitan..
at base sa presyuhan, mas mahal dun yung posibleng bentahan nung pakakawalan kong Blocker...
is feeling , kaso bagsak na bagsak naman ang palitan nung XRP ngayon.. sana lang umubra...
---o0o---
November 27, 2021...
[Game]
first day ng bago kong Blocker..
okay naman yung Tail Slap at Acrobatic..
ang problema eh nasa Main Attacker ko..
ang laki nga pala nang inihina ng mga cards ko..
ultimo yung 88 na shield eh sapat para maharangan yung mga mahihina niyang atake..
sobrang pangit pa naman ng card distribution..
kung hindi kulang sa Speed plus, eh kulang naman sa shield...
naligo lang ng 3 critical ngayong araw..
at naka-10 wins lang sa loob ng 20 matches...
is feeling , mas pag-aaralan pa kung paano makakabalik sa 6 SLP...
No comments:
Post a Comment