Saturday, November 20, 2021

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of November 2021 (A Date Set)

Loveless Story


November 14, 2021...

hindi na daw welcome kahit na ano pang mangyari..
linis-linisan para sa nobyo..
pero inilalako naman ang sarili sa iba pang mga lalaki...

pero ang masama nito..
iginigiit na wala daw siyang utang sa akin..
biglang ginawa ko lang daw utang lahat ng mga naitulong ko sa kanya..
p*tang ina, so yun yung script niya para sa mga kakilala niya..?
para palabasin na ako yung masama..?
para palabasin na wala na dapat akong habol sa sarili kong pera..?
samantalang kitang-kita sa lahat ng mga messages niya na inutang o hiniram niya lahat ng iyon..
kasalanan ko pa daw kung bakit nagkautang siya sa akin, kasi daw tinulungan ko siya...

isang sobrang garapal na p*ta na sinasamantala ang pagiging malayo ko... 🙁

gustung-gusto ko nang lumapit kay YAM para sa tulong..
para makalimutan ko na ang lahat..
pero ang demonyong p*ta na 'yon, ayaw man lang gumawa ng paraan para maisauli na yung pera ko...

is 💔 feeling , pinapaikot mo ang mga tao para makapagkunwari ka na inosente ka...

---o0o---


November 15, 2021...

[Strange Dream 18+]

nandun daw kami sa lumang setup ng bahay namin..
yung katabi kaagad ng kama ang pintuan..
pero this time, walang cabinet na nakaharang doon sa kama, kaya bubungad talaga kaagad sa sinumang papasok sa pintuan kung ano man ang naroroon sa kama...

nakahiga daw ako, habang may katabi na kung sino na natutulog naman..
sumampa na rin sa kama si Miss Cn, tapos umibabaw siya sa akin..
at nauwi nga sa sex yung ginawa niya..
hanggang sa punto na parang pagod na yata siya noon..
pero patuloy pa din daw ako sa paglabas-masok sa kanya..
kaya ayun, nainis siya, nasasaktan na yata siya noon, so bumangon na siya at tumayo na lang nang naka-hubo't hubad...

sobrang kampante ko daw that time..
wala akong ine-expect na baka may makakakita sa amin o ano..
nang bigla na lang pumasok yung biological brother ko na nakiki-work sa bahay namin..
natural nakita niyang totally nude si Miss Cn..
napangiti na lang daw yung tao nang makita kami nung babae sa ganung ayos..
siyempre nagkagulatan..
nabisto ako na may kasama na hindi kaanu-anong babae eh..
pero si Miss Cn eh sobrang casual lang na pinatuloy sa bahay yung biological brother ko..
akala mo eh sanay na sanay siya na makita ng mga tao ang kanyang voluptuous na katawan...

at hindi pa dun nagtapos ang lahat..
dahil kasunod naman na pumasok sa bahay namin yung biological mother ko..
so ayun, nabisto daw niya kung ano yung alternative love life ko...

is feeling , wala naman akong magagawa eh.. eh sa 'yon lang yung pwede kong kapitan eh...

---o0o---


November 17, 2021...

nakakarumi yung mga babae na basic need ang turing sa pagpapa-salon..
pero hindi obligasyon ang turing sa pagbabayad ng mga utang... 🙁

is feeling , bakit ganito ang pagkakagawa sa mundo...??

---o0o---


November 18, 2021...

jamming maghapon..
may nag-practice kasi na banda sa tapat..
mala-Gigi De Lana yung range nung babae..
mala-Bamboo naman yung sa lalaki...

ang hirap maging okay kapag gustung-gusto kang tapusin ng kapalaran..
buong buhay ko mali..
na para bang ipinagbabawal na nabuhay ako sa pesteng mundo na 'to..
bakit ako..?
bakit ako..?
bakit ako..?
pero kahit na ano pang tanong ko, patuloy lang naman akong pinababayaan... 🙁

kaya naman, salamat sa mga free music na gaya nito..
gusto ko talaga yung mga live band na hindi masakit sa tenga..
ang lakas maka-Wish..
kahit papaano nalilibang ako..
at nakakalimutan ko ang mga kamalasan...

is  feeling , ang bastos.. kumanta ng Kung 'Di rin lang Ikaw...

---o0o---


November 19, 2021...

[Strange Dream]

medyo pang-18+...

kasama ko daw yung babae na dating bahagi ng buhay ko sa paglalakad..
hanggang sa narating namin ang isang iskinita kung saan usually ay may mga nangungursunada..
may memory din daw kaming 2 nang pagdaan sa lugar na iyon earlier...

una naming nadaanan ang isang nakalatag na higaan sa daan, kung saan may mga bata..
kaya iniwasan lang namin na matapakan yung higaan..
ilang liko lang daw at yung malapit na sa post office yung tinutumbok namin..
pinaalalahanan daw ako ng kasama ko na kailangan naming magmadali sa paglampas sa area na iyon..
sa panaginip ko, paahon yung daan sa ilalim nung building doon..
kaya naman sobrang baba na lang nung bandang dulo para maka-exit..
pagkalampas doon eh may pababang lupa naman..
naupo daw muna yung kasama ko, na parang naghahanda na mag-slide paibaba..
panay ang paalala niya noon sa akin tungkol sa pagbabago ng mga iskinita kung saan may mga nagsisiga-sigaan..
nang bigla na lang siyang nawala sa paningin ko..
pagsilip ko sa ibaba ay nakita ko na nag-plakta na siya sa lupa..
akala ko pa daw noong una na nagbibiro lang siya..
pero noong ch-in-eck ko siya ay nakita ko na may sugat at dugo na sa ilalim ng kanyang baba...

madali ko daw siyang tinulungan na bumangon..
naka-puti pa naman siya noon na parang white loose tee shirt..
so tinulungan ko daw siyang magpagpag nung brown na lupa na kumapit na sa kanyang damit..
habang pinapaalalahanan siya na mag-ingat kasi..
pero dahil sa close contact ko sa kanya, at dahil na rin hindi nga ako sanay na nakakalapit sa mga babae, eh bigla daw akong tinamaan ng boner..
naramdaman daw niya iyon at bigla siyang lumayo sa akin dahil sa takot..
todo sorry naman daw ako sa kanya dahil hindi ko din naman intensyon na mangyari iyon sa ganung klase ng sitwasyon...

is feeling , matandang binata ka na nga...

-----o0o-----


November 14, 2021...

[Game]

ang laki ng difference..
1,667 SLP para sa main team ko for 15 days..
2,213 SLP naman sa scholar account para sa ganun ding period..
parehas na gumagamit lang ng 15 Energy sa PvP kada-araw..
546 SLP ang pagkakaiba, at nasa Php 1,911 din iyon sa Php 3.50 na palintan..
at naabala pa 'yon mula sa 9 SLP zone dahil sa naging wasakan ng mga cards...

tapos ayun..
nakagawa ng ilang winning streak yung main account ko..
ngayon na lang ulit ako naka-experience ng 13 wins, at may plus 1 draw pa..
dahil dun nakabalik ako sa 1,100 MMR..
di gaya kahapon na parang pang 1,200 to 1,300 MMR yung mga nakakaharap ko, mas Chopsuey yung mga nakalaban ko ngayon dahil sa hindi balanseng mga body parts..
pero ang totoong weird na nangyari ngayong araw..?
karamihan sa panalo ko eh parang hindi nagdesisyon yung mga kalaban na gamitin yung lahat ng current best cards at i-maximize yung Energy nila..
so hindi ko masasabi na dahil sa effort ko yung mga panalo ko..
sa halip eh parang sinuwerte lang, o di kaya eh AI lang yung mga nakalaban ko...

is feeling , ang tagal i-transfer ng scholar share ko.. gusto ko nang mag-invest para sa RON...

---o0o---


November 16, 2021...

[Game]

parehas na apektado na ng downgrade yung mga accounts na hawak ko..
yung main account ko, nasa 1 to 3 SLP zone na lang..
yung scholar account naman, nasa 3 to 6 SLP zone...

17 days ang nakalipas bago ako nasahuran nung manager, busy yata eh..
55% pala ang share ng piloto, so nasa 1,331 SLP ang natanggap ko (sobrang lapit na sa sahod ng main account ko)..
nasa Php 4,538 sana iyon sa palitan kanina na Php 3.41..
USD 4,294.56 naman ang palitan ng ETH noon, pero bumulusok pa paibaba hanggang USD 4,100 plus..
'yon nga lang, napamahal pa rin ako sa pagbili ko ng WETH..
kaya kailangan na nasa USD 4,300 to 4,700 ang range niya kapag ipinambili ko na siya...

tapos gaya ng plano, pumasok na ako sa staking ng LP para kumita ng RON o WRON..
since plano nga nila na gamitin iyon bilang gas fee in the future..
nasa Php 1,000 plus yung taya ko..
160 SLP, plus yung katumbas nun sa WETH..
mabilis naman siyang maka-farm ng fractions ng WRON kahit ganun lang kaliit yung halaga...

is feeling , kailangan ko pa ring subukan, dahil halos papatay na yung career ko...

---o0o---


November 17, 2021...

bagong internet account at connection..
fiber mode..
pinagbigyan din yung matagal ko nang request, na hindi daw available sa area namin dati..
kung hindi pa nagka-issue yung internet noong isang araw eh hindi pa kusang maaalok nun..
same price, pero iniakyat din sa wakas sa 10 Mbps, matapos ang ilang taon nang pagbabayad ng mga bill na pang-10 Mbps na pero 5 Mbps lang ang speed...

is feeling , titingnan...

---o0o---


November 18, 2021...

[Game]

nakakatawa na talaga yung laro...

yung main account ko, ang dalas maligo sa critical mula sa kahit na anong Axie..
pinaka-nakakaasar lang yung sa mga Bird, dahil sobrang taas na nga nung damage ng mga 'yon, pero may critical bonus pa nga kapag mga Aqua ko ang kaharap...

pero yung scholar team ko..
puros Morale-type nga sila, pero hindi tulad ng nararanasan ko sa main team ko, eh sobrang bihira namang makagawa ng natural critical..
hindi ko ma-maximize yung Energy refund, kasi nga eh parang mga walang taglay na Morale..
at ang sobrang nakakatawa pa neto..?
mga Aqua naman ang madalas na mag-critical laban sa scholar team ko..
seriously, Aqua..??
ang pinaka-api pagdating sa Morale...

na-realize ko din na nawala na yung pang-Counter ko laban sa mga Speed-type na Aqua at sa Terminator Reptile..
nasa 134 pa din naman yung Counter Speed shield ko, na tama lang gamitin bilang 2nd attacker..
pero alanganin na yung 110 na 1st attacker version..
mas naging basura din nga yung shield ko laban sa mga Bird..
at sobrang laking bagay na nawalan ako ng additional na 22 shield laban sa mga Terminator Reptile...

is feeling , parang joke na lang yung ginawa sa akin...


>
[Online Marketing]

sa wakas, lumabas na yung result ng product review para sa 2nd store..
pasado naman yung mga na-hold kong items dati..
kaya naman nakabalik na sila sa 2nd store..
iyon nga, after na masabotahe nung product review yung promo sale ko, kaya naman hindi na nakakilos pa yung sales ko simula noon...

ang masama nito..
may panibago silang nasita na 2 items..
at apektado nun ang 1 bundle..
kaya naman mababawasan din ako ng mga paninda..
pero wala akong magagawa eh..
payment processors ang may control sa sitwasyon..
nakakalungkot lang isipin na fantasy yung genre ko, pero pinapaliit nila maging iyong mundo na iyon dahil lang sa gusto nilang mag-stick sa reality...

is feeling , trade off...

---o0o---


November 19, 2021...

natapos na rin sa project #21..
85 days lahat-lahat ang nakalipas..
55 days ang nagamit ko para sa construction ng mga scenes, kasama na yung ilang araw ng pagre-render..
at additional 13 days naman para sa photoshop..
nasa 6 days yung wala akong nagawang trabaho para sa 1st at 2nd part..
tapos 11 days naman yung hindi ako nakapag-photoshop dahil sa klase ng labor na kailangan para doon...

ganito ang klase ng schedule ko simula naging piloto ako..
at double pilot na rin nga lately...

is feeling , kung makakaya lang sana ng mundo na maging patas para sa maliliit na artist na kagaya ko...


No comments:

Post a Comment