Loveless Story
October 30, 2021...
hindi na nga ako inalok..
tapos wala na namang hulog ngayong buwan... π
is π feeling , sobrang sasama ninyong lahat laban sa akin...
---o0o---
October 31, 2021...
mukhang naka-screen ako ah..
siniraan yata ako nung demonyong p*ta na 'yon... π
ni hindi ko na alam kung totoo nga bang may balak pa siyang magbayad..
o kung nagsisinungaling na lang siya sa tuwing nagtatanong ako sa kanya...
isumbong ko na lang kaya silang lahat sa mga may kapangyarihan..?
kaso anong silbi..?
eh mukhang tino-tolerate naman sila ng basurang pamunuan ng bayan... π
is π feeling , husto kayo sa kasamaan laban sa akin...
---o0o---
November 1, 2021...
[Strange Dream]
hindi bastos... XD
nasa parang isang simbahan daw ako..
wow, simbahan talaga..?
hindi ako sigurado, basta maliwanag sa loob nung malaking establishment na iyon...
nakaupo ako kaharap nung parang stage..
then napansin ko na family ni Miss Tf pala yung nagpi-picture-an doon sa harapan..
naka-makulay na Sunday dress siya, katipo nung mga disenteng one piece dress na madalas na suot nung relihiyosa niyang kapatid..
hanggang sa napatingin siya sa direksyon ko..
nahiya ako dahil baka kako ma-recognize niya ako..
(pero hindi pa talaga kami nagkakakilala sa totoong buhay sa personal)...
noong una eh parang nasa mahabang bench ako..
pero noong nagpaka-busy na ako, para hindi ako mapansin ni Miss Tf, eh biglang nasa mahabang mesa na ako na may mga upuan sa palibot..
nakatalikod na ako noon sa may stage..
nang biglang lumapit ang family ni Miss Tf doon sa table..
hinila ni Miss Tf yung upuan na katabi nung sa akin, sabay paalam na makikiupo daw sila..
nahiya naman ako sa biglang pagtabi sa akin ni Miss Tf, kaya tumayo daw ako at inalok yung buong family niya to take their seats...
hanggang doon lang yung natandaan ko tungkol sa panaginip na iyon...
is feeling , bakit siya madalas lately ang laman ng mga panaginip ko..? siya ba ang pag-asa...??
---o0o---
November 3, 2021...
[Strange Dream]
medyo pang-18+ eh...
kasama ko daw si Miss Hn sa isang unfamiliar place..
may desktop sa ibabaw ng isang table na nasa may tabi ng bintana, na nasa left side nung room..
nakaupo daw yung babae..
habang ako naman eh nasa likuran niya at tinitingnan ang kanyang ginagawa...
supposedly, social media account yung bubuksan niya..
nang biglang mag-display yung mga censored naman na nude at full frontal na pictures ni Miss Lu..
parang may mga star na takip..
katipo ng sistema na ginagamit ngayon sa social media nung masamang human trafficking syndicate...
may ibang tao noon sa paligid namin..
kumbaga hindi safe na buksan yung mga ganung klase ng website in public..
tapos ipinaalala ko nga sa kanya na iyon yung sinasabi o babala ko para sa kanila...
is feeling , benta nang benta ng online content, tapos eh maninisi...
>
after more than 2 months..
nagpadala na ulit ako ng mga report laban dun sa human trafficking syndicate..
ipinapakita yung mas lantaran na ngayon na operasyon nung grupo..
dahil sa paparating na holiday season, at dahil sa pagluluwag sa Capital...
9 na follow up report..
2 para sa mga e-mail address na ini-refer sa akin ng mga nag-reply dati..
7 naman bilang reply..
at nakakuha na ako ng 1 acknowledgement...
is feeling , kumilos naman kayo.. wasakin ninyo ang mga demonyong nagwasak sa akin...
---o0o---
November 5, 2021...
hmmm..
hindi sya konektado doon sa Kabayong bakod..
bakit kaya..?
dahil ba sa desisyon niya na bumalik sa mundo ng maskara..?
dahil tinatamad sila na maghanap ng regular pero mas stable na trabaho...?
tinanggap na rin ulit yung Kabayong bakod doon sa sideline niya sa online media...
is feeling , pero ang mahalaga lang naman eh makabayad na yung p*ta sa mga utang niya...
>
lagot..
na-cut yung link nung drone ko.. π
mukhang naglinis siya ng mga connections niya..
bulag na ako ngayon...
hindi ko na makikita ang mga kaluhuan niya habang tinatarantado niya ako tungkol sa mga utang niya...
is feeling , kailangan kong makahanap ng ibang paraan...
-----o0o-----
October 31, 2021...
[Game]
kahit papaano, hindi pa naman sobrang bumabagsak yung win rate ko..
pero hindi talaga nakakatulong ang pinadalas na Critical ng mga non-Morale Axie lately..
kagaya kanina, 2 high shield ko na naman ang nabastos ng mga kapwa ko Aqua.. π
2 panalo sana iyon, pero ipinagkait pa ng basurang sistema...
4 days nang below 10/20 ang win rate ko.. π
at kailangan kong magtiis sa 3 SLP lang...
ang basurang kompanya na iyon..
nagpakagat ng play-to-earn scheme..
nangako ng pagkita ng pera..
pero sa mga isip nila eh kailangan nilang hadlangan ang mga players sa pagkita ng pera..
kaya naman ini-scam nila yung mga maliliit lang na investors..
isina-sacrifice nila ang mga mahihirap sa kanilang pay-to-play scam...
is π feeling , mga demonyo kayo...
---o0o---
November 1, 2021...
[Game]
first day ko bilang isang scholar..
RBP team..
pang 1,400 to 1,600 ang MMR..
inagawan ko muna ng account yung Engineer dito sa bahay, tutal eh mayaman naman siya.. XD
pag-aaralan ko pa kung paano ang mga diskarte nung Beast para sa PvP...
first 100 days ko naman para sa main account ko..
medyo okay ngayong araw..
hindi masyadong ma-Critical ang mga kalaban..
at nakaakyat ako sa 1,100 MMR..
bale ititigil ko na yung paghahabol sa 20 matches, habang nasa 15 pa lang ang Energy ko..
hindi ako kukuha ng additional 5 matches basta't nasa 1,100 MMR ako pagkatapos ng initial 15 matches...
is feeling , anak ng.. pababa na ulit yung SLP...
>
[Game]
ayun..
first day nga sa scholarship..
9/15 ang initial win rate ko..
nasa 1,400 plus to 1,500 plus MMR..
mukhang teritoryo talaga 'yon ng mga Reptile...
grabe yung 174 SLP na kita sa isang araw..
ngayon lang ako nakahawak ng ganun..
doon kasi sa main team ko eh 138 SLP pa lang ang highest ko simula noong in-adjust ang daily reward..
6 wins na 12 SLP..
at 3 wins na 9 SLP..
samantalang yung sa akin eh nagtitiis ngayon sa 3 SLP... π
yun nga lang..
wala ng tulugan sa hapon..
at sa 7 hours of sleep a day, eh talagang bugbog ang mga mata ko..
pero wala eh, sobrang daming nawala sa aking pera ng dahil sa mga kamalasan ko...
tapos..
untikan ko nang matalo ang Ruin 34 kanina..
iyon na yung closest fight na nakagawa ko laban dun..
131 HP remaining para sa kalaban..
nag-Last Stand ako with 2 extra life..
kaso ayun, nag-Gold Clad naman nang maige yung huling Emperor Rock..
kinulang lang ako ng 1 Critical... π
is feeling , kailangan kong kayanin 'to...
---o0o---
November 2, 2021...
ayun..
wala sa bahay buong umaga..
nagpa-ID picture para sa Age of Bioweapon..
mas nagtagal ako sa labas dahil sa mall na lang ako nagpa-ganun...
bago 'yon..
nag-deposit muna sa bangko..
tamang update na rin ng passbook mula February..
tapos ayun, nasa passbook #2 na ako..
inabot ng more than 3 years bago magpalit...
nagtatrabaho sa Axie Infinity sa tuwing naghihintay...
is feeling , multitasking...
>
[Game]
ang pangit ng laro ko doon sa scholar account ngayong araw..
actually, okay naman siya noong sa mall pa ako naglalaro..
kaso nagtapos sa 5/15 ang win rate noong nasa bahay na ako..
pero kahit paano eh nakakuha pa rin ng 132 SLP mula sa mataas na MMR..
plus 200 SLP mula sa Ruin 21...
nagulat naman ako sa main account ko..
10/15 ang naging win rate ko..
129 SLP ang nakuha ko for today..
at nakaakyat pa ako ulit sa mas safe pagdating sa reward na 1,200 MMR...
kaso..
ang bilis ng battery nung lumang phone na gamit ko para doon sa scholar account..
1 day lang ang inaabot dahil sa paglalaro ng Axie Infinity, samantalang nasa 5 days ang standby time nun..
bukod dun, eh nakakapagod talaga ng mata ang walang pahinga sa hapon...
is feeling , kailangang kayanin sa ngalan ng ROI...
---o0o---
November 3, 2021...
[Business]
grabe naman..
yung bago kong baryahan na sideline gamit ang Coins PH ko..
sa pamamagitan ng pagbabayad ng bills at load..
after only a few months eh inalis na rin kaagad sa akin ng FATE... π
sorry sa lahat ng mga gumagamit ng Coins PH.. π
na-detect ako ng FATE na pinakikinabangan yung cash back system..
kaya naman heto, inalis na nila lahat, para muli akong ilubog sa kahirapan... π
ewan ko kung anong sunod na pwedeng asahan mula doon..
sana naman eh mapapakinabangan yung reward points kung saka-sakali...
is feeling , ni hindi pa nga ako nakaka-Php 100 na rebate eh...
>
[Piracy]
last month, kumita ako ng mahigit USD 3.00 dahil sa advertisements..
at malaking bagay na iyon considering yung limited amount of time at yung konting effort na ginawa ko para doon...
naiisip ko tuloy..
kung ito sanang 1,000 to 6,000 plus na supporters ng pirated copies ng mga projects ko eh maglalaan lang ng konting oras nila..
kung talagang sobrang babarat nila para hindi maglabas ng pera kapalit ng pagkuha nila ng pirated copies ng mga projects ko..
kahit hindi araw-araw..
kung madalas lang nilang bibisitahin yung Light Blog ko..
at iki-click yung mga advertisements doon..
edi sana eh nababayaran nila ako sa pagnanakaw na ginagawa nila kahit na papaano...
is feeling , ang kakapal ng mukha.. mga kriminal...
---o0o---
November 4, 2021...
[Business]
lagot..
so magpapalit nga ang Coins PH mula rebate system papuntang reward points system..
at wala akong ginagamit sa kahit anong reward na ino-offer nila...
is feeling , magbebenta pa yata ako ng vouchers nito...
>
[Game]
hindi mabuti..
pero okay lang na araw...
naka-147 SLP doon sa scholar account..
8/15 wins na tig-9 SLP...
naka-117 SLP naman doon sa main account..
7/15 wins lang na tig-6 SLP, kaya medyo nahihila na ulit ako pababa..
9 wins dapat, kaso 2 crucial na 1-on-1 battle ang ibinigay na naman sa mga kalaban dahil sa Critical blessing..
yung alam mong panalo ka sa defense at speed bonus matapos ang palitan ng atake, pero talagang binibigyan nila ng Critical yung Aqua at Reptile na kalaban mo.. π
paano nga ako aangat sa MMR kung ganito...??
is feeling , tapos wrong timing na naman ang SLP.. pabagsak na ulit ang palitan kung kailan malapit na akong sumahod...
---o0o---
November 5, 2021...
[Game]
ganito..
nagulat ako kagabi nang makita ko na pumalo sa Php 4.00 plus ang palitan ng SLP..
tapos this morning, saka ko lang nalaman na bunga iyon ng pag-launch sa Katana Dex..
nalaman ko na umabot sa may Php 6.53 yung palitan..
pero kaninang umaga eh nasa Php 5.48 na lang siya...
dahil dun, nag-decide ako na mag-cash out na ulit today ng SLP..
dahil sobrang laki ng paggalaw niya eh..
unfortunately, nasa Php 4.61 na lang ang palitan noong nailabas ko na yung SLP ko hanggang ngayong araw...
ang laki ng talo ko..
sa Php 6.53 na palitan eh abot sana sa Php 10,885 yung 1667 SLP ko..
sa Php 5.48 na rate naman eh nasa Php 9,135 pa sana iyon..
kaso sa Php 4.61 na rate eh Php 7,684 na lang siya..
ang laking sayang nung mahigit Php 2,000 increase sana kumpara sa huli kong palitan na nasa Php 3.46 lamang...
kaso ayun..
hindi ko rin natapos yung pagte-trade ko kanina..
tigil muna ang transfer ng mga cryptocurrency mula sa Binance eh..
nakakatawa lang yung USDC sa Ronin..
kasi pagdating sa Coins PH eh may one-time fee para sa pag-create ng Ethereum address para sa transfer ng ganung coin..
at halos nasa Php 8,000 ang gas fee para doon...
but anyway..
dahil sa nangyari, naka-stuck pa sa XRP ang sahod ko..
pero basta ang price to beat ko ay Php 7,684..
ibig sabihin, kailangang umangat sa Php 60.02 ang palitan ng XRP bago ko papalitan ang coins ko...
is ⚠ feeling , delayed...
>
[Game]
gaano ako kamalas sa buhay...??
dahil nga bumagsak ang palitan ng SLP mula sa Php 6.53, eh pinatulan ko na yung Php 4.61 na rate..
pero anong nangyari just a few hours after that..?
pagkabuhay ko ulit ng computer ko eh nakita ko na nakaakyat na ulit sa Php 5.58 ang palitan..
Php 9,301.86 sana iyon, as compared sa inaasahan kong Php 7,000 plus na lang na sahod..
nasa Php 1,617 ang natalo sa akin dahil lang sa maling oras ko ng pagte-trade... π
at ang masama pa nito..?
naka-stuck ngayon ang XRP ko sa Binance..
hindi ko alam kung anong network issue ang tinutukoy nila..
big deal iyon, dahil XRP na ang pinakamatipid na ruta ng asset mula Binance papuntang Coins PH eh..
pabagsak ang palitan ng XRP habang hindi ko siya magalaw..
at ang lapit pa pala sa peak ng rate nung nag-convert ako papuntang XRP..
meaning..?
mas malaki yung chance na madalas na bababa pa yung palitan niya... π
is ⚠ feeling , ano na naman ba 'tong napasok kong gusot...??
No comments:
Post a Comment