Friday, May 28, 2021

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Week of May 2021 (Loan & Run)

Loveless Story


May 22, 2021...

may nabubuo daw na grupo..
faction..
apparently, yung mga nabiktima ng kasamaan nung Demonyong Tabachoy..
yung mga ayaw sa masamang sistema niya..
ewan ko lang kung uubra...

sana nga..
sana kagaya nung dati..
yung may totoong independence..
yung kung sino ang may deal, eh siya lang ang magdedesisyon..
at hopefully eh mas malinis na yung sistema..
wala ng gaguhan ng dahil lang sa pera...

wala lang..
baka may mapaggamitan pa akong event kasi...

is feeling , curious ako kung sino ang nasa likod ng management..? magiging welcome pa kaya ako...??


>
pasaway..
hiniritan ako na gusto niyang magpaganda..
ayoko nga..
bakit ko sasagutin ang pagpapaganda niya para sa iba..?
gusto niyang magpakalbo nang husto..
samantalang hindi nga siya nagkalbo noong ako yung katagpo niya.. 🙁
ang salbahe talaga nun pagdating sa akin...

mukhang hindi pa rin buo ang kanyang loob...

pagkakataon ba ito para i-repair ko yung Dream Date..?
pero paano..?
eh wala na nga akong sapat na pondo..
hindi ko pwedeng isagad yung savings ko..
hindi ko pwedeng galawin yung pambayad ko sa mga benefactor ko..
kaya paano ko bubuuin yung mga bagay na sinira nila...??

sana lang..
sana lang talaga..
sana nga..
kailangan ko ng sobrang daming pera...

is ⚠ feeling , sobrang ikli lang ng palugit ko...

---o0o---


May 23, 2021...

nagising ako ngayong umaga na pangungutang yung bumungad sa akin..
akala ko nga eh message na noong gabi pa eh..
pero saktong paggising ko pala siya nag-text...

as usual, garapal pa rin ang approach.. 🙁
tapos hindi nagtagal eh tungkol na sa pagpapakamatay yung sinasabi niya...

ngayon ko lang siya nasaksihan na nagkaganun..
for more than 2 months na personally kakilala ko na siya, madalas na tiwala sa diyos yung kanyang sinasabi..
na kesyo thankful siya na nagagawa pa rin nilang maka-survive..
ganun din sa loob ng maraming buwan na inoobserbahan ko lang siya noon..
hindi siya kailanman nagsalita ng tungkol sa kamatayan..
at sinusubukan niyang maging positive palagi...

pero bakit nagkakaganito na siya ngayon..??
tungkol sa love yung iniisip niya..?
ano, sinaktan ba siya ni Arjo...??

kung magpapakamatay rin lang pala siya..
ano pang silbi nung mga perang ipinahiram ko sa kanya..?
ano, dadalhin na lang niya iyon sa hukay..?
thank you, thank you na lang..?
t*ng ina, sa hirap kong ito, tatakbuhan pa ako ng babaeng gusto ko..
edi sana sinamahan na nga niya ako nang lubos noong huling pagkikita namin... 🙁

ano bang dapat kong gawin..?
tutulungan ko pa rin ba siya..?
o susukuan ko na at hahayaan na lang siyang mamatay...??

is 💔 feeling , bakit ba ganito itong put*ng inang kapalaran na 'to...??


>
ano ba talagang klase ng buhay 'to...? 🙁

talunan ako..
basura lang ako..
tapos yung babaeng gusto ko eh gusto na ring tapusin yung buhay niya... 🙁

ano ba 'to..?
nadamay na siya sa mga kamalasan ko sa buhay..?
kaya gusto na rin siyang durugin ng universe...?? 🙁

alam kong marami siyang pagkukulang..
mali na pinagsasabay niya yung mga bagay na gusto niya at yung mga obligasyon niya..
alam kong marami rin akong pagkakamali..
lahat ng mga nagiging desisyon ko sa buhay eh mali.. 🙁
lahat ng napipili kong landas, yung tipong inaabuso lang ng ibang mga tao..
at lahat ng napipili kong tao, lumalabas na hindi rin tama para sa akin...

pero kamatayan na lang ba talaga yung kapalaran na naghihintay para sa amin...?? 🙁

is 💀 feeling , wala kayong kaawa-awa...


>
sa ilang dekada ng buhay ko dito sa mundo..
wala akong hindi kadugo na itinuring ako na utangan..
wala akong kakilala na namihasa sa pangungutang sa akin...

kaya bakit 'to ginagawa sa akin ng babaeng gusto ko..?
bakit naaalala niya ako sa tuwing kailangan niya ng pera..?
samantalang wala nga siyang pakialam sa nararamdaman ko eh.. 🙁
within less than 2 months, nakaka-3 pangungutang na siya sa akin..
sa kabila nga 'yon nung Php 45,000 na naubos nila in less than a month..
pero yung simpleng request ko na makita yung isusuot niya sana sa dinner date namin eh hinding-hindi niya magawa para sa akin... 🙁

napakagarapal mo..
napaka-unfair mong magtrato ng tao..
pero hinding-hindi kita magawang pabayaan... 🙁

is 💔 feeling , 3 YAM na sana yung pwede kong makatrabaho sa halagang iyon...


>
sinabi ko sa kanya na ang hirap niyang mahalin..
ayun..
nagalit dahil diniretsa ko siya sa pagkakataon na ito..
hindi na tuloy ako kinakausap.. 🙁
at pagkatapos lang iyon nang mabilis kong pag-asikaso na naman sa hiniram niyang pera...

ang totoo matagal ko nang sinasabi sa kanya yung bagay na iyon..
kaso pasimple lang..
kasi nga may boyfriend siya dati..
naka-code lang..
at akala niya siguro na pangalan niya ang ibig sabihin nung code...

hindi ako dapat nakulong sa nararamdaman ko na 'to.. 🙁
mas okay ako noong experience lang ang trato ko sa mga bagay-bagay..
pero yung put*ng inang Dream Date na 'yon..
hindi 'yon dapat nawala sa akin..
hindi dapat 'yon yung tinarantado nila... 🙁

hindi ko kailangan ng pagmamahal..
pero gusto kong makumpleto yung put*ng inang Dream Date na iyon..
at hindi ko na alam kung paano ko pa gagawin iyon ngayong maya't mayang may nangungutang sa akin... 🙁

is 💔 feeling , palayain nyo na ako.. kailangan ko ng sangkatutak na pera...

---o0o---


May 24, 2021...

mali ba na umasa pa ako...?? 🙁

pinautang ko siya sa ikalawang pagkakataon..
kasi akala ko na seseryosohin niya yung request kung uulitin ko 'yon sa kanya..
at kung medyo ipapamukha ko sa kanya yung mga hinihingi niyang pabor..
pero idinahilan niya ang kanyang pimples..
at nagkaroon pa ng mas mahabang dahilan noong nagkasakit siya... 🙁

sa ikatlong pagkakataon..
ayoko na nga sana siyang pagbigyan..
kasi nga eh hindi naman niya tinutupad yung mga sinasabi niya, pero hiram pa rin siya nang hiram ng pera..
kaso pinabayaan na nila yung business nila pagkagaling niya sa pagkakasakit..
at gusto niyang sumubok na ulit ng mapangahas na trabaho..
tapos nagsabi pa nga ng kung anu-anong tungkol sa kamatayan...

ang ending..?
pinagbigyan ko na naman siya.. 🙁
nangako siya ulit..
pero biglang ginawa namang palusot yung kanyang emotional na pinagdaraanan..
tapos eh umiwas na nga sa pakikipag-usap sa akin matapos kong mabanggit yung tungkol sa feelings ko... 🙁

sana nga..
sana sa katapusan ng lahat ng ito, eh wala na talagang ibang buhay na naghihintay para sa akin..
dahil hindi ko na kayang ulitin pa ang lahat ng mga kamalasan na patuloy kong pinagdaraanan sa buhay... 🙁

is 💔 feeling , yung pakiramdam na gusto mong maging kasing-lagim yung mga sindikato na kayang mangdukot at magpawala na lang ng mga tao nang basta-basta...


>
hindi lahat ng babaeng galing sa mundo ng mga maskara eh masasama..
hindi lahat eh tuso..
alam ko..
kasi may mga nakilala na ako na mga patas na tao...

nakakilala na ako nung mga tipo na binago ang mga buhay nila pagkatanggal nila sa kanilang mga maskara..
yung ginamit yung naipon nilang pera para mapabuti ang kanilang mga sarili..
yung mga nagsipag at nagpursige para mabago ang mga buhay nila...

kaya nga ako umasa eh...

pero bakit ang malas ko..?
para maipagkatiwala ang Dream Date ko sa isang tuso at makasariling babae...??

is 💔 feeling , laging mali.. laging palpak...


>
yung bubuo sana sa akin na Dream Date..
siya pa talaga yung sumisira sa akin sa ngayon... 🙁

hindi ko in-expect na lalamunin ako ng galit dahil sa pagpupursige kong matapos na iyon..
ang galit ko sa pa-terorismo ng Imperyo at ng mga kasabwat nila sa bayan na ito, na dahilan kung bakit ko minadali ang lahat..
at ang dahilan din kung bakit naging mas magastos ang lahat..
ang kademonyohan ni Tabachoy..
yung mga nawala kong pera..
at ang katusuhan at pagiging makasarili ni Miss Racal... 🙁

yung paghahangad ko na maka-date ang isang babae na totoong gusto ko..
yung masaksihan ko ang kanyang mga totoong ugali..
winawasak ako ng mga bagay na hinding-hindi ko makuha... 🙁

gusto kong gumanti..
gusto kong may mga mamatay..
gusto kong makuha ang lahat ng mga gusto ko na kinuha sa akin ng kamalasan...

is 💔 feeling , universe.. gaano kayo kademonyo para pabayaan akong mawasak nang ganito...??

---o0o---


May 25, 2021...

mukhang mahal pa rin niya yung lalaking 'yon..
gamit pa rin niya yung unan eh..
mukhang yung pagiging paranoid lang niya talaga yung naging problema sa pagitan nilang dalawa..
gumagawa ng sariling mga multo yung utak niya...

hangga't laman siya ng account nung lalaki..
ibig sabihin na hindi pa totoong tapos yung sa kanila... 🙁

is 💔 feeling , sila yung may problema.. pero ako yung financial victim...

---o0o---


May 26, 2021...

hindi ka masamang tao..?
edi patunayan mo...

nangutang ka ng pera..
akala ko dahil magsisimula ka ng bagong trabaho..
pero sa halip, nagpatuloy ka lang sa pagmumukmok mo..
nandiyan pa yung negosyo kahit papaano, pero ayaw din ninyong pagkakitaan..
ipinagmalaki mo pa na alam mo ang ginagawa mo..
anong magagawa ng Php 3,000 kung lulustayin mo lang sa pa-hundred-hundred sa mga resort...??

ano yun..??
sasagutin ko yung mga gastusin ninyo habang may pinagdadaanan ka pa..?
habang yung mga kadugo ni Arjo eh nakikinabang pa rin doon sa paupahang bahay..
kagaya niyan..
malapit na ulit ang bayaran ng bahay at ng iba pang mga bills... 🙁

hindi ko alam kung anong kultura ang kinamulatan mo..
pero maling-mali na pangungutang ang gagawin mong trabaho para lang maka-survive ka..
at lalong mali na gagamitin mo yung inutang na pera para lang sa mga luho... 🙁

is feeling , universe.. kailangan ko na talagang manalo sa Lottery.. gusto ko nang tapusin lahat ng mga dapat kong tapusin, para makalaya na ako sa pakiramdam na ito...

---o0o---


May 27, 2021...

so ganun pala ang ugali niya..
kapag nakipaghiwalay siya, eh naninipa sa social media...

naka-tago din yung account ni Arjo sa ngayon..
pero bakit nga ba..?
ano bang nangyari talaga sa pagitan nilang dalawa...?

ang sabi niya noong naghiram siya ng pera, eh may nanakit nga daw sa kanya..
although base sa pagkasabi niya eh indirect naman yung nangyari kung kaya siya nasaktan..
pero mukhang hindi naman grabe yung isyu..
kasi kung malala 'yon at totoong kagalit-galit, edi sana walang rason si Miss Racal na patuloy na gamitin yung unan ng pagmamahalan nila.. 🙁
edi sana winasak na niya iyon at itinapon...

hindi pa rin tapos yung sa kanila hangga't hindi nila binubura ang mga alaala ng bawat isa... 🙁

is 💔 feeling , mahal niya pa rin.. pero pinakawalan niya para sa ikabubuti ng kanyang sarili...


>
siguro takot din ako..
na baka kapag tumigil ako sa pagtulong sa kanya..
eh bigla siyang magalit..
at baka putulin niya yung communication sa pagitan namin...

siguro mahirap din ngang ma-appreciate yung pera..
kasi kapag na-convert na siya sa item na binayaran..
eh pumapasok sa pag-iisip nung bumili na sa kanya na iyon..
pera yung hiniram, at hindi yung item..
tapos nasa isip pa nung humiram na babayaran din naman niya yung utang..
kahit pa wala nga siyang naipapakita na kapasidad na magbayad...

is feeling , mas naa-appreciate niya yung mga bagay na bigay sa kanya...

---o0o---


May 28, 2021...

end of day 1 ng kanyang pang-i-ignore sa akin..
nagalit yata talaga dahil napagsabihan ko siya... 🙁

ayoko lang naman na mas mabaon pa siya sa mas mabibigat na problema eh..
limpak-limpak yung utang niya sa kanyang mga sadyang kakilala..
tapos in less than 2 months eh katumbas na ng 22% nung halagang iyon yung nautang naman niya mula sa akin..
so siyempre mas pinapaliit nun yung probability na mas mama-manage niya yung lumolobong utang..
at paparating na nga yung mga bills nila for the end of May..
kumuha ng mamahaling paupahang bahay, pero hindi na iyon nagagamit para sa trabaho..
nag-apply ng monthly internet plan, pero hindi na rin nga iyon nagagamit pa sa trabaho..
hindi ba pagtatapon ng pera iyong may nasa Php 4,000 kang binabayaran na hindi mo naman talaga napapakinabangan...?? 🙁

tapos ayun..
naisipang magbiyahe sa kung saan, so sayang na naman ang pera na pinamasahe..
at tuloy pa rin nga sa kanyang mga bisyo... 🙁

pero hindi ko siya matutulungan kung hindi rin lang ako yayaman..
kailangang mailayo siya sa lugar na iyon, para ma-check kung may kakayahan ba siyang magbago pa..
at siyempre, kailangan ko ng sariling bahay kung susubukan kong gawin iyon... 🙁

is 💔 feeling , masasayang yung napakaganda niyang ngiti kung hindi naman siya magiging mabuting tao...


>
kung naging pwede lang sana..
para ibigay ko sa kanya yung offer...

huwag nyo nang problemahin yung bahay, dito na lang muna kayo sa akin kung saan libre..
huwag mo nang problemahin yung utang, ako na muna ang magbabayad sa lahat ng iyon..
huwag nyo nang problemahin yung lalabas na baby, ako na ang bahala sa lahat, tapos pagtulung-tulungan na lang natin palakihin..
ako na muna ang bahala sa mga araw-araw na gastusin natin..
tapos mag-focus na lang kayo doon sa business, at sa inyo na lahat ng kita nun...

pero yung mga totoong pangyayari sa buhay ng mga tao..?
hindi para maghintay ng plano ang masasamang bagay na iyon... 🙁

is 💔 feeling , wala akong kuwentang lalaki...

---o0o---


May 29, 2021...

end of day 2 ng hindi niya pagpansin sa akin... 🙁

wala na..
naglulustay na talaga..
gala nang gala sa panahon ng bioweapon... 🙁

ako dapat yung tumitiis sa kanya dahil sa request ko..
pero nabaliktad na naman, at siya na ang nangtitiis sa akin dahil lang napagsabihan ko siya..
mukhang nakalimutan na ulit yung tungkol doon sa request..
wala talagang utang na loob... 🙁

tapos ayun..
nakita ko yung totoong ex- niya dati..
mali pala yung una kong nahanap..
at aaminin ko..
nakakapanlumo na makita yung kakayahan nung taong iyon.. 🙁
yung sasakyan..
yung negosyo..
yung lifestyle..
nakaka-discourage sa buhay..
nandun yung pakiramdam na parang basura ka lang talaga...

nakakatakot din..
mukhang single pa rin yung taong iyon..
magkaibigan pa rin sila..
at meron silang common friend na malakas ang kapit sa kanilang dalawa... 🙁

is 💔 feeling , kung kani-kanino na yata sumasama yung babaysot na iyon...

-----o0o-----


May 27, 2021...

[Lottery]

talo na naman..
wala na ulit yung pag-asa ko na magkaroon naman ng patas na tsansa laban sa buhay... 🙁

is feeling , laging talunan...


>
4 years na ako doon sa company na dinadaanan ng mga kinikita kong pera...

sorry..
ang daming taon na..
pero hinding-hindi ko pa rin maabot yung 7 digits...

is  feeling , pero sana manatili ka pa rin para sa mga katulad kong walang ibang padadaanan ng pera...


No comments:

Post a Comment