Loveless Story
May 15, 2021...
[Gadget-Related]
down na naman yung Lenovo everseer ko..
ngayon na lang ulit nangyari 'to..
dahil yata sa init ng panahon..
battery temperature problem...
hindi ko na tanda kung nakakailan na 'to..
basta first time niya for this year..
sana naman eh kayanin pa niya..
madami pa siyang gamit bilang Android Jelly Bean...
is feeling , god's Eye...
>
day 5..
ako na yung nangungumusta sa kanya..
may sakit eh...
posible pa ba talaga siyang magsawa kay Arjo..?
inutil nga siguro yung lalaki pagdating sa gastusin..
pero nagagawa naman niyang maglaan ng pera para sa mga celebration..
may pera din yung angkan nila..
at mukhang may tindahan yung parents niya..
yung mga sasakyan naman eh doon sa relatives niya na may mga negosyo..
sa ganung paraan niya napapagalaw yung mga resources ng angkan nila para sa kanilang relasyon..
habang madami pa siyang panahon para makasama si Miss Racal..
at totoong maalaga naman nga siya..
pabaya lang at pahamak silang magkakadugo, party galore... 🙁
is 💔 feeling , kasi naman.. napaliguan ko na sana siya noon sa original location ng Dream Date namin eh.. demonyo ka talagang Tabachoy ka para wasakin ang lahat...
---o0o---
May 16, 2021...
[Manga]
kapit lang...
ang kaisa-isang bagay na pinaghuhugutan ko ng lakas sa buhay..
sa Anime ko unang nalaman yung tungkol sa kanya, sa isang local TV channel..
pangit pa noon yung drawing..
pero dahil matagal na akong fan ng Marvel dahil sa pagpe-present nila ng iba't ibang attribute ng mga bagay bilang powers, eh naging madali lang para sa akin na mahalin ang One Piece..
bukod pa sa maganda talaga yung mundo nun..
hanggang sa napalipat ako sa Manga dahil hindi basta-basta bumibili ng airing rights yung mga taga-dito sa bayan..
mabuti na rin lang at nalaman ko yung tungkol sa VIZ Media..
kasi kahit na mahirap lang ako, eh hindi ko na kailangan pang bastusin yung karapatan ni Oda para lang ma-enjoy yung mga istorya niya...
August 2019..
noon pala binigyan ni Oda ng taning ang bukod tanging literature niya..
so parang logical na 2020..
2024 or 2025 niya tinantsa na matatapos yung Manga..
so may more than 4 years pa nga ako na kailangang pagtiisan dito sa mundo...
is feeling , nasimulan na rin lang kita, edi tatapusin ko na rin.. basta huwag ka lang mamamatay nang una sa akin, Oda...
---o0o---
May 17, 2021...
yung poot ko, worth Php 70,000..
may plus Php 10,000 pa na pautang..
hindi ko tuloy alam kung paano pa huhupa yung galit ko...
basically, wala na ring natira sa akin na budget para i-repair pa yung Dream Date.. 🙁
himala na lang talaga yung makakapagsalba pa sa akin...
meron na lang akong mahigit 4 years na natitira dito sa mundo..
kaya hindi na rin ako nangangarap pa ng mga mala-alamat na bagay na gaya ng pagmamahal.. 🙁
kaya nga wala akong inaasahan sa buhay kundi yung Dream Date eh...
pero yung basurang universe..
paulit-ulit na hinayaan ang ibang tao na wasakin yung simpleng pangarap ko..
na para akong Egyptian o Palestinian, tapos panay mga piling tao niya yung nagpaparusa sa akin... 🙁
tapos yung mayayabang na tao, walang alam sabihin kundi yun ang kagustuhan ng mga nasa itaas..
t*ng ina ninyo..
hindi ko na tanda kung kailan, dahil hindi ko naman isinulat..
pero according sa dati kong girlfriend, eh December ko ginawa ang bagay na iyon..
meaning by December this year, eh mag-e-18 years na yung losing streak ko..
6 na babae within almost 18 years, hindi ko na isinali sa bilang yung mga hindi ko na masyadong nadibdib dahil panay may boyfriend naman na..
ni isa sa kanila walang nagmahal sa akin..
so yung kapalaran ko kagaya lang ng sa iba..?
mga sanggol na namamatay bago pa man ma-appreciate ang buhay..?
mga tumatanda at namamatay nang nag-iisa sa buhay nang dahil sa lubos na kahirapan..?
at gustong sabihin ng ibang tao na tanggapin lang ang kapalaran na ini-assign ng mga put*ng inang nasa itaas..?
o nagagawa lang nilang magyabang dahil wala sila sa kaparehas na sitwasyon...??
ang problema kasi kapag naloloko ka ng mga tao..?
mas nawawalan ka ng tiwala sa sistema..
gusto kong bumawi..
pero hindi ko na alam kung paano pa..
hindi ko alam kung may maaasahan pa ba ako..
hindi ko alam kung may mapagkakatiwalaan pa ba ako ng pangarap ko..
someone na papayag na kumpletuhin yung mga wala pa sa buhay ko...
is 💔 feeling , hindi ko in-expect na magiging ganito kahirap na i-defy ang naka-assign sa akin na kamatayan...
---o0o---
May 18, 2021...
finally..
may nag-respond din..
sa news sa TV sana ang gusto ko eh..
kaso eh mukhang mga trending na balita lang yung willing silang ibalita... 🙁
t*ng ina..
5 days nang luma yung scoop bago pa may sumagot...
bahagi ng pamunuan yung nag-acknowledge..
ewan ko lang kung aaksyunan nga..
sana nga eh gawin nila ang mga trabaho nila...
is feeling , durugin ang angkan ng mga pasaway at maluluho.. ang t*ng inang angkan na nakikihati sa pakikinabang sa pera ko...
>
may sakit pa rin siya..
sumasakit ang ulo niya since last Tuesday..
Thursday tinamaan ng lagnat matapos nilang mag-swimming nung basurang angkan somewhere..
at may ubo at sipon siya ngayon kahit na sobrang tag-init sa lokasyon nila...
gago talagang boyfriend 'yon..
una, nagpaalaga na nga siya dun sa babae noong siya yung may sakit kamakailan lang..
bagay na pilit itinatanggi ni Miss Racal, since hindi niya alam yung mga bagay na naoobserbahan ko..
parating magkatabi sa pagtulog..
at nangungulit pa ng panghahalik yung lalaki..
ilang araw nang may sakit yung girlfriend..
may mga mala-COVID-19 na symptoms..
pero ayaw pa ring magkusa na ipa-checkup yung babae...?? 🙁
ang daming budget para sa mga party..
pero walang pampa-swab test..?? 🙁
basurang angkan...
is feeling , wala akong pakialam kung yung angkan niya ang masabugan ng bioweapon.. tutal eh mataas yung tsansa na siya yung nakahawa sa girlfriend niya.. pero hindi pwedeng si Miss Racal yung mamatay sa tagpong ito...
---o0o---
May 19, 2021...
ano kaya ang category ko para sa libreng vaccination program..?
Z26..??
eh nasa A pa lang ngayon, at hindi pa natatapos..
o baka nga i-require pa ako na bumili ng sarili kong vaccine eh... 🙁
pero hindi na rin ako nae-excite para sa vaccine..
kahit pa kasi mabakunahan na ako..
eh ano pang silbi..?
wala na rin naman akong mahanap na babae na magiging willing na tumulong sa akin.. 🙁
yung seryoso, at hindi panay scam lang...
is feeling , wala akong gustong gawin kundi maghiganti lang...
>
t*ng inang angkan talaga 'yon..
meron na namang may birthday doon sa magkakapatid..
patatlo na 'yon eh..
yung ina nung isa pang inutil na lalaki na nakikinabang doon sa upa nung bahay... 🙁
mukhang may celebration pa rin sila eh..
ewan ko lang kung nakasali pa rin si Miss Racal dahil sa sakit niya...
is feeling , party lang.. nang maubos na ang angkan ninyo.. ang kakapal ng mga mukha ninyong pakinabangan ang pera ko.. in-invest nga sa negosyo, hindi rin naman makapagtrabaho dahil panay ang yaya sa mga party simula noong April...
>
so nakapag-weaponize na ako ng mga resources..
gusto ko na ngang mangwasak ng mga tao eh...
kaso hindi pa pwede..
hindi pa ako pwedeng umatake kung hindi ako yayaman muna...
is feeling , or pwede din naman kapag walang-wala na talagang pag-asa...
>
bawal pang gumanti.. 🙁
wala pa din namang paraan para mag-rebuild ng Dream Date... 🙁
wala pa akong pwedeng gawin...
magtrabaho lang ang magagawa ko sa ngayon..
pero yung utak ko, punung-puno ng masasamang alaala... 🙁
is 💔 feeling , hinayaan nila akong makalapit nang husto sa bagay na kailangan ko, para lang masaksihan kung paano nila durugin iyon...
---o0o---
May 20, 2021...
ano na kayang nangyayari..?
unang nawalan ng koneksyon sa business account niya yung tagabuntis na relative ni Arjo..
samantalang isa 'yon sa hinihingan nila ng tulong para mag-promote ng business...
tapos kahapon eh nawalan na rin ng koneksyon doon sa business account si Arjo..
bukod pa sa pahiwatig ni Miss Racal tungkol sa pagtatapos ng mga bagay-bagay..
ilang araw na ring hindi napi-feature yung boyfriend niya sa kanyang social media..
ano 'yon..?
lovers' quarrel habang nasa gitna siya ng karamdaman...??
pero hindi rin naman nakakatuwa, dahil maging ako eh hindi pa niya ulit pinapansin at kinakausap... 🙁
basta ang weird pa rin ng setup nila..
so mukhang hiwalay nga yung nagbuntisan..
pero hindi ko maintindihan yung mga pagkakataon na umaakto sila bilang mag-asawa..
isinama nina Miss Racal yung hindi kaanu-anong babae sa inuupahan nilang bahay..
idinamay din nila sa negosyo kahit na wala namang ambag..
most probably dahil sa influence nung basurang angkan, dahil kaanak nga nila yung nakabuntis..
concerned yung mga direct in-law para sa nabuntis ng kanilang kapamilya, at may access sila doon sa bahay..
yung baby na kadugo nung angkan eh may access doon sa bahay, at madalas na nandoon sa bahay..
yung nangbuntis na lalaki eh may access din doon sa bahay..
at si Arjo mismo eh may access doon sa bahay, pero doon sila natutulog ni Miss Racal nang magkasama sa bahay ng parents niya...
kaya nakakarumi pa ring isipin na ilang beses nang ginamit yung pera ko bilang pangrenta sa bahay na 'yon... 🙁
is feeling , don't tell me na may nakilala na siyang lalaki na totoong stable sa buhay..?? yung hindi lang dependent sa mga magulang at mga kamag-anak niya...
---o0o---
May 21, 2021...
after ng 1 araw na walang paramdam..
nag-update na siya ulit sa akin kagabi..
at mukhang pagaling na siya..
mabuti naman kung ganun..
parati na lang niya akong pinag-aalala sa mga kapabayaan nila sa buhay...
bukod doon..
eh mukhang sa paupahang bahay na siya natutulog...
ano kayang ginawa sa kanya ni Arjo..??
bakit ganun siya lately...?
is feeling , pwede ang kahit na ano.. basta maghiwalay lang sila.. pero pwera ang bagong mayaman na boyfriend...
>
universe..
ano bang pwede kong gawin...??
bakit yung ibang mga tao..
sinasabi nila na ginagabayan ninyo sila sa magandang buhay..
pero ako, bakit puros pagkawasak na lang...?? 🙁
gusto ko ng hustisya laban kay Tababoy..
pero bakit hanggang ngayon eh operational pa rin yung human-trafficking na trabaho nila...?? 🙁
kailanman, hindi ako humiling ng lovelife..
kasi alam ko naman na hindi rin talaga kakayanin ng kahirapan ko eh.. 🙁
ang hiniling ko, isang kumpletong date lang..
kahit 1 araw lang sa buong buhay ko..
kasama yung babaeng gustung-gusto ko..
kahit na alam kong mali, dahil may boyfriend na siya..
pinili kong makasama yung maskara niya, kasi sa ganung paraan ko lang siya pwedeng mahalin..
pero bakit ninyo biniyayaan si Tababoy ng kakayahan na wasakin yung more than 2 years kong pinaghirapan na pangarap sa buhay...?? 🙁
tinanong ko kayo noon..
anong gusto ninyong gawin ko sa babaeng gusto ko..?
pagbibigyan ba ninyo yung pangarap ko, o wawasakin ko siya..?
pinaboran ninyo yung plano ni Tababoy na wasakin yung date ko..
inakala ko rin na 'yon yung ginusto nung babae.. 🙁
kaya naman pinili kong wasakin si Miss Racal sa harapan ng kanyang ibang mga kapamilya..
ginusto kong mawala siya sa mundong iyon..
oo, ipinahiya ko sila sa kanilang mga kadugo, hoping na maiintindihan din nila yung naging sitwasyon eventually..
at hoping na mawawasak yung naiwan nilang sindikato dahil sa kaso ng human-trafficking..
pero hindi iyon nangyari... 🙁
ngayon, ano ulit ang gusto ninyong mangyari..?
wala na akong patutunguhan..
walang gumaganti doon sa sindikato for my sake.. 🙁
at si Miss Racal eh kasama na nga ng kanyang boyfriend.. 🙁
kahit na ano pang mangyari..
mahuli man si Tababoy ng mga awtoridad..
hinding-hindi ko na rin mabubuo pang muli yung Dream Date ko nang walang perang involved.. 🙁
so anong pwede kong gawin..
magpapalamon na lang ba ako sa aking galit..?
ako na ba mismo ang wawasak sa kanilang lahat..?
ilalagay ko ba ang paghihiganti sa mga kamay ko..?
at saka tatapusin yung mga paghihirap ko sa buhay pagkatapos kong magawa iyon..?
o kaya ba ninyo akong bigyan ng himala..?
hayaan akong magkaroon ng sangkatutak na pera..?
pabayaan akong i-repair yung nasira kong Dream Date para sa Phase 3..?
at bigyan ako ng kakayahan na bilhin ang lahat ng tao na kailangan ko para lang mabuo yung sarili ko sa loob lang ng isang araw..??
para lang makalimutan ko na ang paghihiganti...?
is 💔 feeling , universe.. hindi ko gusto ng divine na pagmamahal.. pwede na ninyong burahin yung existence ko pagkatapos kong mamatay, basta huwag nyo lang akong ipapadala sa habambuhay na Impiyerno.. pero kahit minsan lang sana.. baka pwede ninyo akong ituring na isa din naman sa inyong mga anak...??
>
so tama nga yung observation ko..
single na nga ulit siya..
at totoo na this time..
tinotoo na niya yung pakikipaghiwalay niya..
after 6 months..
ayaw niyang pag-usapan, basta ayaw na daw niya eh..
dahil sa pressure ng klase ng buhay niya sa ngayon... 🙁
siguro kasi inutil yung boyfriend niya at wala namang maitulong sa financial problems niya..
panay party ang alam at ayaw na lang i-redirect yung pera sa pagbabayad ng mga obligasyon...
pero hindi ko maintindihan kung bakit pa niya inamin sa akin yung tungkol sa pakikipaghiwalay niya..?
umasa ba siya na sasaluhin ko siya - kaagad..?
pero hindi, imposible, dahil may sinabi siyang ibang plano nila...
masakit..
masakit para sa akin na tanggapin na hindi nakasapat yung Php 45,000 na naibigay ko sa kanya para makapagsimula sila ng panibago.. 🙁
kung sa ibang tao kasi iyon eh malamang na mas napabuti yung investment..
kaso eh nakita ko rin nga yung mga masasamang impluwensiya sa kanila ng kanilang mga kakilala..
at nakita ko rin kung paano sila maghabol ng mga luho sa buhay..
bukod pa yung napakaraming beses na tumakas sila sa trabaho... 🙁
at ito na nga yung ikinakatakot ko..
na hindi ko kayang maging sapat para sa babaeng gusto ko..
hindi ko siya kayang hatakin sa buhay na mahirap..
hindi ko yata makakayang ituro sa kanya yung paraan ko ng pagtitipid sa buhay..
hindi ko kayang saluhin yung mga utang na nagawa niya, dahil hindi niya in-expect ang terorismong ginawa ng Imperyo laban sa buong mundo..
at kahit pa malapit yung ipon ko sa halaga na kailangan para tapusin na yung mga dati niyang utang, magiging constant lang na problema yung kawalan nila ng permanenteng bahay ng ate niya... 🙁
kung pwede ko lang sana siyang kupkupin..
pero hindi ko kaya yung package deal nilang magkapatid.. 🙁
at lalo naman kung sa kanila lang mananatili yung magiging baby..
lalong hindi ngayon na ginawa ng parang ospital itong bahay namin...
universe..
kahit ngayon lang talaga..
hindi ko siya kayang tulungan sa current na level ko.. 🙁
kulang na kulang ako para sa kanya..
kailangan ko ng sangkatutak na pera..
kailangan ko ng bahay para sa amin..
kailangan kong maging mas ligtas siya sa buhay, lalo na sa panahon na ito ng bioweapon..
gusto ko siyang bigyan ng rason para magpatuloy sa buhay..
gusto kong subukan kung makakaya ko pa ba siyang baguhin, yung maging mas simple lang sa buhay...
is 💔 feeling , gulung-gulo pa siya sa ngayon...
---o0o---
May 22, 2021...
kung ako na lang sana yung kumupkop sa kanila matapos silang mapalayas..
baka mas naalagaan ko yung investment na ibinigay ko sa kanila...
libre yung bahay..
malayo sa mga bad influence nilang kaibigan..
malayo sa mga bar at party..
at iwas sa mga luho...
siguro mas natulungan ko silang tumutok na lang sa negosyo kung ganun... 🙁
alam ng kapalaran na sinubukan ko silang tulungan..
pero hindi ako naging sapat para magawa nila iyon... 🙁
bukod sa hindi ko sila kayang tustusan sa pang-araw-araw..
may pasyente kami sa bahay..
at katalo din ang lahat sa paggamit sa nag-iisang banyo... 🙁
is 💔 feeling , hindi ko kayang maging yung lalaking bubuo sa kanya...
>
mahina siya sa ganitong pagkakataon.. 🙁
yung unang 2 niyang relationships, napasagot siya dahil sa ganitong sitwasyon..
parehas na hindi nagsimula ang mga iyon sa purong pagmamahalan..
parehas niya lang in-accept, dahil kinaya nila siyang alagaan...
kailangan lang niya ng magliligtas sa kanya mula sa mga nagawa niyang obligasyon..
isang taong single at walang ibang pananagutan..
at isang taong hindi siya lolokohin at sasaktan...
is ⚠ feeling , kailangan lang niya ng taong mayaman na kayang magbigay sa kanya ng maginhawang buhay...
>
so nakuha ko na yung sagot sa tanong ko..
hindi ako pwedeng maghiganti..
dahil wala namang rason para umatake...
it only took a little more than 2 months..
at nabigo na kaagad sila sa attempt nilang lumaban sa buhay, sa tulong ng pera ko... 🙁
ang bilis lang ng mga pangyayari..
after ng ilang weeks ng sunud-sunod na mga party simula noong kalagitnaan ng April..
dire-diretso lang sila sa paggawa ng mga masasayang memories..
tapos 1 week siyang nagkasakit after nung huli nilang pagtitipon..
inalagaan pa siya noon ng kanyang boyfriend..
tapos biglang ayaw na niya...??
tama naman siya eh..
kailangan niya ng lalaki ng mag-aangat sa kanya sa buhay..
hindi yung hihilahin pa siya paibaba...
is 💔 feeling , kaya hindi ako yung lalaking nararapat para sa kanya sa ngayon...
-----o0o-----
May 15, 2021...
[Gadget-Related]
hindi na naman maganda yung ginawa ng Google na pagbabago sa Dashboard nila..
mahalaga para sa akin ang pag-monitor ng image count, pero ngayon eh estimate na lang yung pino-provide nila..
hindi na nga mabuti para sa storage limit na automatic na may backup yung ina-upload mo sa system nila, at hindi mo pa alam kung saan ia-access yung mga backup copies na 'yon..
tapos nawala pa nga ngayon yung quick monitor mo... 🙁
is feeling , pero ganun talaga.. libre naman eh...
---o0o---
May 17, 2021...
[Manga]
talo na naman si Luffy.. 🙁
Dragon Balls mode na naman (kailangan munang matalo, lalakas, tapos saka babawi para manalo)..
sabi na nga ba eh, malaki pa rin ang agwat sa experience..
Alliance pa rin ang kailangan para talunin ang mga Yonko...
naging mayabang nga si Luffy noong matutunan niya na Haoshoku Haki ang gamitin na aura..
pero in a way, nakatulong 'yon para mag-buy time at hindi kaagad atakehin ni Kaido yung iba..
kaso parang kulang din dahil wala pa naman masyadong bumabagsak sa mga kalaban, maliban kina Page One at Ulti..
ano kayang plano ni Oda..?
bakit hinayaan niya na matalo kaagad si Luffy habang hindi pa natatapos yung mga matchup nung iba...?
hindi pa iniri-reveal yung taong gumamot sa Nine Red Scabbards..
tapos si Momonosuke lang ang kayang maka-detect na wala ng malay si Luffy..
at kaya din naman niyang lumipad bilang isang artificial Dragon, pero makakaya ba niyang buhatin si Luffy...??
is feeling , sino kaya ang magliligtas sa kanya sa kanyang pagbagsak sa dagat..? may kinalaman kaya sa itinapon na sulat ni Marco...??
---o0o---
May 18, 2021...
yung mamamayan na galit na galit sa Imperyalismo..
pero noong malaman yung nangyari sa mga kakilala nila matapos na maturukan ng mga non-Imperial vaccine..
eh ayun at Imperial vaccine na ang ini-endorse sa kanyang mga relatives... 🙁
eh kagaya din 'to ng kabobohan niya sa pag-e-endorse nung Imperial app eh... 🙁
baka naman walang masyadong side effect yung Imperial vaccine kasi nga eh palpak..
hintayin ninyong magkasubukan nang husto yung mga vaccines..
takot kayong gumastos ng milyong piso in case na malala ang magiging side effect..?
edi huwag na lang munang magpaturok, at hintayin na lang na mas ma-evaluate pa ang lahat...
is feeling , put*ng ina.. nasaan ang dangal ninyo...??
---o0o---
May 22, 2021...
kung gipit ka sa pera..
kung meron kang Php 500 na pangharap sa isang na pa-unli na Samgyeopsal..
eh mas mabuti pang i-budget mo na lang yung Php 500 na iyon para sa pangkain mo for 5 days...
Php 10 na pandesal sa umaga..
Php 40 to 50 na pang-ulam na hahatiin para sa lunch at dinner...
is 💀 feeling , lason ang mga luho sa buhay...
No comments:
Post a Comment