Loveless Story
May 1, 2021...
nagsinungaling silang magkapatid sa akin..
o baka siya lang, habang gamit yung phone ng kanyang ate... 🙁
nasira daw yung phone niya..
nabasag..
nabasag ba, o binasag ng boyfriend niya..??
so ganito ba niya planong putulin yung communication niya with me..?
habang may utang pa siya sa akin..??
samantalang nakikita naman siya ng everseer ko... 🙁
nagtanong lang ako kung anong iniisip niya tungkol sa feelings ko para sa kanya..
kung nakakasagabal o nakakagulo na ba yung pananatili ko para sa kanya..
anong klaseng coincidence naman 'yon..?
biglang iiwasan niya ako dahil lang hindi niya ako kayang sagutin nang diretsahan...??
noong panahon ni Miss C, ginagamit lang ako nung babae sa oras ng trabaho..
nagsisinungaling, nagpapaasa, para sa ngalan ng trabaho at pera..
pero this time, ginagamit ako ni Miss Racal kahit na nasa totoong mundo na kami..
bakit, isang kliyente pa rin ba yung tingin niya sa akin..?
hanggang kliyente na lang ba yung tingin niya sa akin..??
na kesyo source ako ng pera..??
na hangga't napanghahawakan niya yung feelings ko, na pwede siyang humiram o mag-demand sa akin ng pera..?
so paano ngayon, wala na siyang balak magbayad dahil pinutol na niya yung communication...??
bakit hindi niya ako kayang sagutin nang tapat..?
dahil ba ika-6 months na nila bukas ni Arjo..? 🙁
tapos sa sunod na araw eh birthday naman ng future mother-in-law niya...
magkakaalaman din naman..
kapag nagkaroon siya ng update tungkol sa ika-6 months nila..
kapag nagkaroon siya ng update tungkol sa birthday ng future mother-in-law niya..
then ibig sabihin na niloloko na naman nila ako..
gaya ng pagtatakip niya na mga relative ni Arjo yung ibang kasama nila sa bahay...
is 💔 feeling , talaga bang pipiliin nila ang landas tungo sa pagkawasak...??
---o0o---
May 2, 2021...
nag-aaral siya ng tungkol sa pagmamahal..?
don't tell me nalilito siya..??
ano namang kailangan niyang ikalito, eh hindi ko naman itinanong kung may nararamdaman din ba siya para sa akin...?
ano 'to..?
puputulin niya yung communication namin, para hindi siya ma-guilty para sa boyfriend niya...??
anyway..
bibigyan ko lang siya ng ilang araw, para itama yung ginagawa niyang pagpapanggap sa ngayon..
kapag pinanindigan niya yung kasinungalingan, ipapakain ko na silang lahat sa internet...
is 💔 feeling , do you hate how i feel...??
>
ano ba, universe..?
pumili ka lang..
Php 110 Million..?
o Php 90 Million...?
ibinigay ko ang lahat para sa Dream Date na 'yon..
pero hinayaan mong mawasak ng 2 beses..
at anong sabi ni Miss Racal..??
na hindi lahat ng mga pangarap ay natutupad.. 🙁
naging patas ako..
kaya bakit kailangan nilang umabuso...?
bigyan nyo naman ako ng pagkakataon na makaganti sa lahat ng mga nanakit sa akin o'...
is 💔 feeling , put*ng inang buhay 'to...
---o0o---
May 3, 2021...
yung nagsinungaling ka na kesyo nasira yung phone mo..
pero alam mong hindi uubra..
kasi post ka nang post..
at gamit mo din sa trabaho..
kaya naman todo paliwanag ka after the lie, gamit yung mismong phone na tinutukoy mo... 🙁
humingi ka sa akin ng pera para hindi ang boyfriend mo ang pumasan sa inyo..
tinanggap mo yung inialok kong deal para makapagsimula kang muli para sa boyfriend mo..
hindi mo tinupad yung mga nakasaad sa deal at isinakripisyo mo yung mga pangarap ko bilang respeto sa boyfriend mo..
tapos nangutang ka sa akin kasi hindi kaya ng boyfriend mo na saluhin yung renta sa bahay, samantalang may pera sila para sa birthday party...
is 💔 feeling , nagpagamit ako sa isang mangungutang...
>
the day following the night na hindi niya nasagot yung tanong ko, ate niya ang pinagpaliwanag niya sa akin..
kagabi naman, kahit pa araw ng ika-6 months nila, nag-send din siya ng paliwanag sa akin..
tapos kanina nagtatanong na siya kung galit ba daw ako..?
kasi daw binabasa ko lang yung mga messages niya...
at hindi ko na naman nga siya nagawang tiisin..
oo, simula noong nag-text sa akin yung ate niya, parang napagod na ako..
parang ayoko nang pag-usapan pa yung mga bagay na hindi naman totoo..
pero noong nagtatanong na siya kanina, hindi ko na naman napigilan ang sarili ko na kausapin siya, at may kasama pang iyak... 🙁
ano bang ginagawa niya talaga..?
bakit pa niya ako kinakausap..?
tumitigil na nga ako eh, para sa kanilang mag-boyfriend..
pwede namang saka na lang niya ako kausapin kapag may nakahanda na siyang pambayad..
pero bakit mini-maintain pa rin niya talaga yung halos araw-araw na conversation...
is feeling , ano bang motibo niya...??
---o0o---
May 5, 2021...
hindi na naman sila nagtrabaho kahapon..
may pera na naman yung family ng boyfriend niya para magdaos ng party..
put*ng inang probinsiya 'yon, hindi hinuhuli ang mga taong nagpapakasaya at nagsasalo-salo sa mga for rent na place...
ilang buwan pa lang naman..
pero parang ang close-close na niya, nila, sa angkan na 'yon..
nila nga, kasi nakadagdag pa sa mga utang na loob yung ate niya..
na parang baon na baon na sila sa utang na loob sa mga taong iyon...
is 💔 feeling , bakit panay suwerte ang mga taong iyon..? bakit hindi sila matamaan ng bioweapon..?? gusto ko silang maubos...
>
mukhang tama nga yung hinala ko..
kahit may inuupahan na silang bahay, eh madalas pa rin siya sa bahay ng boyfriend niya..
este sa kuwarto..
nakikiligo pa siya doon..
at nagpi-picture sa salamin ng naka-bra lang...
nakakaasar lang ang universe..
kasi kung sila man talaga yung nakatakda para sa isa't isa..?
edi sana hindi nila hinayaan yung Tabachoy na demonyohin yung original plan para sa date namin..
wala naman talaga akong plano na maging bahagi ng buhay niya eh..
kasi alam ko na hindi ko kaya..
kasi mahirap lang ako, kaya hindi ko kayang mag-maintain ng relationship..
pero mas masahol pa dun yung binagsakan ko..
pera ko yung gamit nila sa pagsisimula nila para sa kanilang mga pangarap..
tapos ako din yung utangan in case of emergency...
ako lang yung wasak na wasak..
dahil winasak nila yung mga plano na ilang taon kong binuo..
yung Tabachoy maligaya pa rin sa pagbebenta ng mga malalaswang pictures at videos online..
at si Miss Racal eh masaya sa piling ni Arjo, at masaya din na hindi ko pa siya magawang pabayaan... 🙁
is 💔 feeling , kapag nabuntis siya.. wala na.. tapos na ang laban...
>
ang sakit..
nagsayang na nga siya ng pera para ibili ng cake yung future mother-in-law niya..
tapos naging "Mama" pa yung tawag niya... 🙁
eh usually naman eh "Tita" lang yung itinatawag niya dun...
hindi ko rin nga masisisi yung mga inutangan niya..
maganda naman yung punto nila eh..
nagagawa niyang pabayaan yung mga obligasyon niya..
matagal nang mga obligasyon..
nang hindi iniisip ang pinagdaraanan ng mga hiniraman niya ng pera..
pero pagdating sa iba eh nagagawa pang magpakitang-gilas, na parang madaming reserbang pera... 🙁
hay naku..
huwag mo lang talagang susubukang umulit sa akin..
isasampal ko sa'yo lahat ng mga ginawa ninyong kaluhuan sa mga nakalipas na linggo...
is 💔 feeling , masasamang impluwensiya.. alam ng hirap yung mga tao.. pero panay party pa ang nasa isip...
>
matagal siyang nasa relationship dati..
pero surprisingly, hindi naman siya nabuntis..
kahit pa marami ng mga anak yung lalaki...
then naging safe naman yung sumunod niyang relationship..
kasi walang posibilidad na makabuo sila ng baby ng naging partner niya...
matatagal din naman yung mga panahon na kaya niyang manatiling single...
kaso this time..
lalaki na ulit yung boyfriend niya..
magaslaw..
maloko..
at bastos..
kaya hanggang kailan niya kaya mapoprotektahan ang kanyang sarili...??
sa part naman nung lalaki..
close sa kapatid niya at sa family din nila yung dati niyang girlfriend..
pero kahit na ganun eh nauwi pa rin nga sila sa hiwalayan...
is feeling , posible pa ba silang maghiwalay...??
---o0o---
May 6, 2021...
sobrang malaking pagkakamali talaga yung naging desisyon ko..
na pahiramin siya ng pera... 🙁
bangungot para sa akin na makita ang halos live-in na setup nila..
tapos pera ko naman yung gamit sa pagbabayad ng renta.. 🙁
wawasakin ako ng galit na nararamdaman ko para sa kanila...
bakit kailangan nila akong gamitin sa ganung paraan..?
hindi pa ba sapat na pinakawalan ko yung Php 35,000 para lang sa kanya, kapalit ng downgraded na deal..??
hindi pa ba sapat yung Php 10,000 na ibinigay ko..??
bakit ako ang kailangang pasaluhin nila sa mga obligasyon ng put*ng inang angkan na iyon...??
pero hindi naman totoo yung mind over matter..
dahil sa sobrang daming beses ko nang pinatay sa isipan ko lahat ng mga demonyong nagpahirap sa akin..
wala..
buhay pa rin silang lahat hanggang sa ngayon..
at masasaya pa sa buhay..
o siguro mas malakas lang talaga yung taglay kong kamalasan sa kahit na anong pagnanais ko na mabigyan naman ako ng katarungan...
tinutukso ako ng galit ko na ipakain na sila sa internet..
mawasak na ang reputasyon ng may reputasyon..
lalo na sa mata ng mga kakilala at kalapit-bahay lang nila..
tapos panonoorin ko kung matatanggap pa nila ang bawat isa after that...
is 💔 feeling , demonyo ka universe para kaladkarin ang Dream Date ko sa ganitong punto ng pagkabigo...
>
kapag siya ang may kailangan ng pera..
eh inaasikaso ko kaagad..
pero yung simpleng request ko na ipakita man lamang sa akin na suot niya yung dress na gagamitin niya sana para sa nawasak naming date..
plus black high heels sandals..
eh hinding-hindi niya magawa.. 🙁
nakailang sang-ayon na siya..
pero hanggang ngayon eh wala pa rin...
bakit ganun..?
tinanong ko siya kung nakakagulo lang ba sa kanya yung feelings ko..?
tinanong ko siya kung mas gusto ba niya na lumayo na lang ako sa kanya..?
pero bakit sinabi niya na 'hindi'...??
is 💔 feeling , ano ba talaga ang papel ko sa put*ng inang mundo na 'to...??
>
kinabahan ako kanina..
nag-send na naman ng picture..
tapos biglang bumuwelo na kesyo may gusto daw siyang sabihin, pero nahihiya siya...
pero this time, hindi ko na siya kinulit matapos niyang sabihin na hindi na lang daw..
mahirap na, baka mangungutang na naman ng pera..
tapos eh si Arjo na naman ang makikinabang..
bahala na silang mawalan ng inuupahang bahay..
bahala silang mam-roblema sa pera..
tutal mga pamilya naman nila ang magkakasama eh...
pa-milktea-milktea pa..
ang luluho..
kulang naman sa paghahanapbuhay...
is feeling , tingnan natin kung hanggang saan at kailan kayo tatagal...
---o0o---
May 7, 2021...
universe..
ano bang ginagawa ko..??
alam kong talo na ako sa puso niya..
ni wala nga akong kalaban-laban to begin with dahil kay Arjo..
pero bakit gusto ko pa rin siyang tulungan..?
kahit pa nakita ko na lahat ng mga kaluhuan nila sa buhay, sila at yung angkan na iyon..
kahit pa nakita ko na yung pagmamahalan nila...
kailangan ko ng tulong ng universe..
ng sandamakmak na suwerte na pangontra sa infinite na kamalasan ko sa buhay..
kailangan ko na talagang maging milyonaryo..
gusto kong malaman kung hanggang saan ako dadalhin ng pakiramdam na 'to..
gusto kong malaman kung maibibigay ba ng sangkatutak na pera yung Dream Date na hinahangad ko...
is 💔 feeling , bakit winasak ninyo ang lahat ng mahalaga para sa akin...??
---o0o---
May 8, 2021...
so may sakit yung boyfriend niya..
sana naman eh bioweapon na nga..
pero ang problema..?
parati na nga silang magkatabi sa pagtulog... 🙁
ang inutil na lalaki na 'yon..
parating nandun sa bahay na 'yon..
pero wala namang kakayahan na magbayad ng renta..
panay party lang ang alam ng angkan niya..
puwes sana nga eh ubusin na sila ng bioweapon...
siraulong lalaki..
may sakit siya, pero ayaw mag-isolate..
ano ba naman yung mag-ingat man lamang siya para dun sa babaeng mahal niya...??
tapos may okasyon na naman bukas..
baka magpakitang-gilas na naman siya sa future mother-in-law niya... 🙁
is 💔 feeling , heto.. tanga pa rin...
-----o0o-----
May 1, 2021...
[Natural Calamities]
yung nasa Magnitude 6.8 na lindol sa Japan...
is feeling , tama-tama na ang lindol sa bayan ng sining.. sa Imperyo na lang...
---o0o---
May 2, 2021...
may record na..
hindi lang lumalabas sa mga balita...
kapag nalaman ng mundo yung naging epekto ng isang vaccine sa blood relative ko..
malamang magulo na naman ang tiwala ng mga tao.. 🙁
sino bang tao ang gustong gumastos din ng halos milyon para lang subukang malabanan ang bioweapon...?
is ⚠ feeling , kung ako ang tatanungin..? mas mabuting maghintay sa mas consistent na vaccine...
---o0o---
May 4, 2021...
[Gadget-Related]
okay..
so compatible din pala yung Nokia 2.3 ko sa Android 11..
kaya in-update ko na rin nga..
para lang talaga hindi maiwanan ng OS gaya ng nangyari dati...
yun nga lang..
sinira niya yung display, particularly yung wallpaper ko..
hindi ko naman gusto yung zoom in at zoom out na effect..
medyo nagulo din niya yung control..
nalilito siya kung yun bang swipe left or right eh pang-navigate sa mga page o kung panggalaw ng text cursor...
is feeling , pumangit...
---o0o---
May 5, 2021...
[Lottery]
tumama naman nga..
kaso 4th prize lang..
3 numero..
Php 20..
yung Lucky Pick pa ang nakakuha...
is feeling , hay.. kailan kaya..? nang makabili na ng matinong ka-Dream Date...
No comments:
Post a Comment