Loveless Story
January 27, 2020...
wala na..
kasado na..
bulkan na lang ang posibleng makapigil..
at depekto rin pala sa mata...
is feeling , umayos kayo...
---o0o---
January 28, 2020...
tapos na sa grocery..
kaso ayun..
nadale na naman ako sa counter..
kung last time eh may nalaglag lang na item na hindi na nai-punch..
this time naman eh nai-punch, pero hindi naisama ng bagger sa balot... :(
pero grabe na talaga ang panahon ngayon..
6 na products ang nagtaas ng presyo simula 2018 (dahil wala naman akong data from 2019)..
nasa Php 67.75 din yung total difference compared dun sa mga dati nilang numero..
majority eh konti lang naman ang increase, but still tumaas pa rin sila sa panahon ngayon..
ang malalaki naman ang increase ay yung mga galing sa 7 Eleven, kung saan nasa Php 57 yung itinalon nung 1 key item...
bukod dun..
meron din akong nabiling mas mahal kumpara sa dati, pero hindi naman dahil sa taas-presyo ng produkto..
Php 14 ang dahil sa pagpapalit ng volume ng product..
at Php 6.50 dahil napilitan akong bumili ng brand na mas mahal kumpara sa sadya kong binibili dati...
may less than 2 days na lang ang mata ko para maka-recover...
is feeling , grabe naman talaga...
---o0o---
January 31, 2020...
nakauwi na nga..
malungkot..
Friday tapos sira pa ang internet noong Wednesday, kaya madaming hahabulin...
malas..
pati sa bagay na yun eh sunud-sunod na rin ang mga kamalasan ko..
pakiramdam ko na na-trap ako..
hindi ko inasahan na gumagawa na rin pala sila ng ganung klase ng pandaraya lately... :(
is feeling , review pa tuloy tungkol sa scam ang isusulat ko...
>
[Strange Dream]
pero kahit na sobrang iikli at putul-putol yung tulog ko kagabi eh talagang naalala ko pa rin siya...
sa school ko daw noong elementary ang setting..
may kinukuha daw ako na information mula sa isang classmate ko doon sa school rin na iyon..
for some reason eh na-associate ko yata siya dun sa dirty old man na nagpaikot sa akin dati..
may inaalam daw ako na data tungkol sa relationship ni Miss C..
ewan, pero parang sa London o sa UK pa yata yung tinutumbok na lugar..
basta paulit-ulit ko daw na sinusundan at tinatanong yung dati kong classmate kung saan man siya magpunta..
kaso ang bagal ko daw i-type sa cellphone yung mga words..
hindi ko kasi maintindihan nang maayos yung mga sinasabi niya...
ganun, habang busy naman ang karamihan ng tao doon sa school dahil sa isang kanta...
is 💔 feeling , at talagang kung kailan pa ako malungkot...
>
in a way, masasabi ko naman na okay pa rin yung first part nung adventure..
nagawa naman nila yung kanilang mga purpose..
tipong nalugi lang ako dahil desisyon kong magpalugi...
pero simula noong 13th adventure parang nagsimula na akong madali ng mga scam..
time haggle scam sa 13th adventure..
deed haggle scam sa 15th adventure..
advertising scam sa 17th adventure..
at bait-and-switch scam naman nitong 19th adventure...
is feeling , wala na ba talaga ang generation ng matitino...??
-----o0o-----
January 26, 2020...
[Medical Condition]
hindi pa pwedeng magpatingin sa Ophthalmologist..
matapos yung pagpaga sa may left eye ko..
sa right eye naman ngayon..
upper eyelid...
baka makagulo lang yung paga sa vision ko..
saka na lang, kapag bumalik na sa normal ang lahat...
is feeling , huwag mo lang sisirain ang plano ko...
---o0o---
January 28, 2020...
[Scam?]
medyo matagal na rin akong may Cliqq card ng 7 Eleven..
more than a year ago..
pinatos ko lang dati kahit hindi naman ako mahilig mamili dun, eh kasi Php 10 lang naman kako...
so ngayon ko lang naisipan na i-register..
ang sabi kasi sa akin dati eh magagamit naman daw yun kahit na hindi pa naka-activate..
pero ayun at sabi sa website eh nai-register na daw yung card number dati...
so anong ibig sabihin nito..?
- may hacker ba ng Cliqq card since hindi na talaga kailangan yung physical card lately, at sa kanya napupunta yung mga mumunting points na naiipon ko
- o registration error lang
wala akong planong tumawag sa customer service para lang dun..
baka madagdagan pa ang mga bayarin ko...
is ⚠ feeling , anyway, yung card lang naman ang mahalaga sa akin since hindi nga ako madalas sa 7 Eleven...
---o0o---
February 1, 2020...
lagot na..
sumabay pa nga pala ang end of the month..
pati ang 1st day of the month...
is feeling , karibok na sa kapalpakan...
No comments:
Post a Comment