Friday, January 10, 2020

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - First Full Week of January 2020 (Worn Out Cat)

Loveless Story


January 9, 2020...

may mga retirement na ulit..
69th (67th) at 70th (68th)..
inalis na yung pangalan nung suicidal na sobrang tagal na rin namang nakabakasyon..
at hindi ko sigurado kung nag-retire o muli na namang nag-hide yung member nila na walang mukha...

is feeling , sobrang hirap na ng buhay, tapos sinipa pa ako nung source ko ng happiness at relaxation...

---o0o---


January 10, 2020...

sobrang busy si Miss Rice ngayon..
ratatat ang mga papuri para sa hiyas niya...

hindi pwedeng kumilos hanggang katapusan ng January...

is feeling , may araw ka ring filter ka...

---o0o---


January 11, 2020...

puro kamalasan na naman yung buhay ko ngayon... :(

deteriorating body..
kinakain ng piracy yung career ko..
filter naman ang kalaban ko sa fantasy world..
at nilalamon ng lumalalang ekonomiya ang finance ko...

patuloy ang reminder sa akin ng kapalaran na wala akong dapat asahan na magandang kinabukasan..
patuloy ang hamon na mag-take na lang ako ng shortcut para hindi na ako muling makaramdam ng mga sakit sa buhay..
dahil kahit anong makita kong mumunting paraan para maghabol ng kaligayahan, eh tiyak na hahadlangan lang yun at paulit-ulit na sisirain ng mga nasa itaas... :(

pero kung iisipin ko..
maliban sa payapang bahay at ang mabasa ang One Piece hanggang sa katapusan..
eh nakuha ko na rin naman sa buhay yung mga gusto kong goal..
hindi man perpekto, pero meron na rin partially..
sa kabila ng mga kamalasan, eh may mga pagkakataon na naisahan ko pa rin ang mga nasa itaas..
at sapat na yun in general...

kaso..
ganun talaga ang nature ng mga tao..
araw-araw ang fight for survival..
at kada araw na buhay ka, hindi rin maiiwasan na maghahangad ka for more..
na magke-crave ka sa iba pa...

is ðŸ’€ feeling , kaya naman mali rin yung live one day at a time...

-----o0o-----


January 5, 2020...

natapos na kahapon sa lahat ng render..
kasama na yung permanent na last page...

kailanman walang permanenteng nanalong legal na paraan laban sa piracy..
ilegal na paraan rin lang ang kayang sumagupa sa kasamaan nun nang hindi naglalabas ng maraming pera...

pero sa ngayon..
wala akong magagawa kundi mangonsenya lamang...

is feeling , general cleaning muna...

---o0o---


January 6, 2020...

[Climate Change]

hindi ka pwedeng sabay na pro- o contributor sa Climate Change at anti- naman sa pagkasira ng kalikasan.. :(
hindi rin lahat ng adhikain eh madadaan sa salita lamang... :(

unfortunately, mukhang nabago na talaga ng mga tao ang weather system ng mundo..
apoy kung apoy, tubig kung tubig..
so mukhang adaptation na lang ang magagawa simula sa punto na 'to..
katulad ng ginawa ng mga sinaunang nilalang para maitawid ang lahi nila hanggang sa kasalukuyan..
humanap ng lugar na pwede pang matirhan, at mag-adapt sa kung anong meron sa kalikasan...

is feeling , rapid destruction...


>
[Medical Condition]

early this January, nagkaroon ako ng bump sa left lower eyelid ko..
talagang kung nasaan pa yung deteriorating eye ko.. :(
parang paga lang noong una..
hindi ko masyadong ginagalaw kasi baka kako maging kuliti..
hanggang sa hindi na masakit hawakan, pero halata na may mass siya sa loob..
eventually napansin ko na lang na may nag-form na parang maliit na pimple sa medyo inner part nung eyelid, basta yung hindi katulad ng usual na balat ng tao..
kusa na siyang nag-pop..
tapos nilagyan ko na lang ng konting puwersa para lumabas pa yung ibang mass...

sa ngayon, parang meron pa rin siyang natitirang mass sa loob...

is ⚠ feeling , kailangang mag-ingat dahil madalas na January nangyayari ang masasamang bagay sa nakalipas na ilang taon...

---o0o---


January 7, 2020...

[TV Series]

The Killer Bride

ni-lead si Iking ng kanyang pakiramdam sa isang silid sa punerarya nila..
nakita niya ang isang picture na kinunan sa Las Espadas sa taong 1961..
namukhaan niya si Belinda Dela Torre, at sinabi nga niya sa kanyang tiyahin na ito ang nakikita niyang kaluluwa sa likod daw ni Camila...

natunton nga nina Camila at ng mga pulis ang bagong tinataguan nina Alice..
saktong kasusumbong lang ni Agnes sa kanilang Belladonna nang tambangan ito ng mga bida..
nakatakas si Alice, pero nakuha naman nina Camila ang bangkay ni Luciano mula doon sa lugar..
bad trip si Alice na nawala sa kanya ang katawan ni Luciano...

dahil naka-preserve nang maayos ang bangkay ni Luciano, naisip ni Camila na mahalaga ito para sa killer..
at in-assume nga niya na sa bandang huli ay isa pa ring Dela Torre ang totoong kalaban...

is feeling , simula na ng pagpain...

---o0o---


January 8, 2020...

[Medical Condition]

naka-1 year na simula noong nag-undergo ako ng surgery dahil sa cyst sa right thigh ko...

is ðŸ’€ feeling , may bakas pa rin...


>
[Piracy]

nakaka-depress.. :(
kahit mga baguhan lately, eh hindi na nila pinapatawad..
naka-turbo ang pamimirata..
kari-release pa lang, at ginagawa na kaagad nilang libre...

sana mamatay na sila..
lindol..
bagyo..
hurricane..
virus..
kahit na ano..
basta mamatay lang sila...

sobrang unfair na sila yung kumikita ng malaki dahil sa pagnanakaw..
sa pamamagitan ng pagho-host ng libu-libong pirated na materyales..
tapos kami yung nai-ignore, kasi nga eh nag-release na sila ng libre... :(

wala bang nararapat na katarungan para sa amin...??

is ⚠ feeling , pakiramdam ko na hindi na ako tatagal kahit na 5 taon lang...


>
[TV Series]

The Killer Bride

nagpakalat ang mga bida ng picture ng bangkay ni Luciano sa social media para makiramdam kung sino sa mga suspek nila ang magre-react..
at sobrang naapektuhan si Alice sa mga sinasabi ng bashers nila...

bago nahuli ng mga kalaban, ay nag-iwan ang tatay ni Elias ng liham..
hindi daw niya kayang isuko ang sarili niya, pero tutulong siya na mahanap ang killer..
kaso ay nahuli nga siya, at kasalukuyang ginagamitan ng kung anong gas sa lugar na pinagkulungan sa kanya...

nagsimula naman na si Iking na subukang buksan ang kanyang Third Eye..
this time eh kay Emma niya nabanggit na nakikita nga niya ang kaluluwa ni Belinda Dela Torre na umaaligid kay Camila, at na kabuntot na nito ang kamatayan...

plano naman ni Camila na palihim na ipa-DNA test si Luna..
gusto pa rin niyang makasigurado, lalo't kalaban ang nagsabi ng version na iyon ng katotohanan..
kaso ay tumututol si Vito...

hindi nagtagal ay muli namang ninakaw ang bangkay ni Luciano..
at sobra-sobra ang naging reaksyon ni Alice sa harapan ng mga pulis..
maging ang mga kapamilya niya eh nagulat sa kanya..
after that ay pinatawagan ni Camila sa adoptive mother ni Emma ang kanilang Belladonna..
nag-feed siya ng information na kesyo siya mismo ang nagnakaw sa bangkay ni Luciano, para ang killer na mismo ang lumapit sa kanya...

is feeling , pero may baraha pa rin ang mga kalaban...

---o0o---


January 9, 2020...

hindi ko na alam kung paano ko pa sasabayan ang mundo na 'to... :(

sa ngayon, nasa Php 7,000 plus pa rin naman yung monthly average ko..
that is for 30 months, simula noong p-in-ursue ko yung career ko..
pero dahil sa paglamon sa akin ng piracy, yung average ko for 2019 alone eh bumaba na sa Php 5,000 na lang monthly (meaning mas mataas yung average ko before that, at nahatak na lang pababa nung Php 5,000)...

pero madali lang ang computation sa ganung point of view..
samantalang ang totoo ay may mga buwan na 0, may mga buwan na konti lang ang kita, at may mga buwan naman na malaki-laki rin ang kita...

noong nag-start ako, nasa Php 4,730 pa lang yung monthly ko na gastusin..
kaso mabilis rin silang lumobo..
increase sa internet bill (na sinamantala rin lang yung panawagan na pabilisin ang service)..
increase sa water bill..
increase sa transportation allowance..
increase sa presyo ng bigas..
increase sa SSS contribution..
meron na rin nga ngayong increase sa PhilHealth..
at ultimo Lottery nga eh nagkaroon din ng increase..
hindi pa dun kasama yung iba pang gastusin...

walang kasamang gastusin para sa bahay, kasi hindi na magiging feasible yung buhay ko kung ganun..
kaya nga hanggang ngayon eh kinakapalan ko lang yung mukha ko sa pagtira dito sa bahay..
sinisikmura ko lahat ng negative thoughts na araw-araw kong nakukuha sa direct environment ko..
lahat ng yun, para lang manatiling buhay...

pero ano..?
aabot pa pala hanggang Php 450 yung monthly ko para sa SSS..
aabot pa hanggang Php 500 yung monthly ko para sa PhilHealth..
para ano..?
para mag-ambag ako sa benepisyo na libreng tinatamasa nung iba.. :(
so mula sa Php 530 na budget ko para sa mga yun buwan-buwan, eh lolobo na yun hanggang Php 950... :(

ang sakit lang kasi na parang wala ka talagang option kundi subukan lang na mag-survive on a daily basis... :(

is ðŸ’€ feeling , naipit na sa pagitan ng piracy at sa gataserong pamunuan...


>
[Medical Condition]

hindi ko masukat..
pero blurry na talaga yung vision ng left eye ko..
so no choice na rin ako sa parte na yun ng buhay ko.. :(
after ng project #14, kailangan ko na rin talagang magpa-evaluate...

basta walang operation..
walang laser..
hanggang salamin lang ang kakayanin ko...

is ⚠ feeling , sabay na lahat ng gustong sumabay na dagok ng buhay...


>
[TV Series]

The Killer Bride

in-assume na ni Camila na si Alice nga ang Killer Groom..
at sinabi na rin niya iyon sa kanyang mga kakamping Dela Cuesta...

nakita naman ni Emma si Fabio, sa panaginip yata o baka nagparamdam din nga ang kaluluwa nito..
sinabi ng ama-amahan niya na walang kasalanan si Camila, na patawarin na niya ito, at na kailangan nito ang tulong ni Emma...

inamin na rin naman ni Elias sa adoptive parents niya ang tungkol sa kanyang totoong tatay...

samantala, nagawa pa ring magpigil ng mabaliw-baliw nang si Alice..
hindi siya kumagat sa trap na ginawa nina Camila..
batid niya na may mga sumusunod at nagmamasid sa kanya, kaya smartphone na lang ang ginamit niya sa pagkilos...

si Ponce ang trumabaho sa DNA test nina Luna..
at lumabas na hindi nag-match ang dalagita kay Camila..
kaya nalaman nilang 2 ni Vito na hindi si Luna ang kanilang anak na si Vida..
dahil dun ay bumalik kay Camila ang lahat ng sakit dahil sa pagkawala ng kanyang anak...

si Elias ang kinasangkapan ni Alice, gamit ang tatay nito bilang panakot..
nagpalagay siya ng baril sa sasakyan ng binatilyo upang magamit nito..
at gusto niyang dalhin ni Elias si Camila sa kanya sa loob ng 1 oras...

sakto ngang nakita ni Camila si Elias, at minabuti niya itong kausapin upang makapagpasalamat siya sa ginawa nito para kay Emma..
at ginamit nga ni Elias yung baril laban sa kanya, inilahad rin naman nito ang dahilan kung bakit kailangan niya iyong gawin..
sinubukang kumbinsihin ni Camila ang binatilyo na gumawa muna sila ng plano..
kaso ay desperado at nagmamadali na si Elias...

is feeling , gumawa nga ba sila ng plano o hindi...??

---o0o---


January 10, 2020...

[TV Series]

The Killer Bride

umuwi si Alice sa mansyon, pero patakas rin na umalis para tagpuin sina Camila..
nahanap ng Belladonna ang lihim na lagusan ni Camila sa loob ng malawak na bakuran ng mga Dela Torre...

dahil sa babala ni Fabio, nakipagkita si Emma kay Vito..
hindi nila mahagilap sina Camila at Elias, kaya sinabi na niya sa lalaki ang tungkol sa pagkatao ng tatay ni Elias..
naisip rin ng dalagita na posibleng gamitin ng Killer Groom sina Camila at Elias laban sa isa't isa...

sa warning ni Vito, ay napasugod na ang mga pulis sa loob ng mansyon ng mga Dela Torre..
at na-confirm nga nila at ng mga taga-doon na nawawala na si Alice, na una nang nagdahilan na masama ang kanyang pakiramdam...

dinala ni Elias si Camila sa lumang kapilya, iyong tagpuan nina Camila at Vito noon..
at pinagsuot niya rin ito ng wedding gown..
nakatagpo nga nila doon ang Killer Groom na dala-dala ang tatay ni Elias..
ini-reveal ni Camila na si Alice ang Killer Groom, at in-assume niya rin na ito ang may pakana ng lahat simula't sapul at hindi naman ang tiyo niya na si Luciano..
pero ibinunyag naman ni Alice ang role ng tatay ni Elias sa pagkasira ng buhay ni Camila...

at tama ang hinala ko..
nagawang kumbinsihin ni Camila ang binatilyo na gumawa ng plano laban kay Alice..
naisip niya na walang mabubuhay sa kanilang 3, kasama ang tatay ni Elias, kung susundin ni Elias ang kagustuhan ni Alice..
na-realize din ni Camila na naglihim na naman sa kanya si Emma tungkol sa tatay ng binatilyo..
mukha daw mas mahal ni Emma si Elias kumpara sa kanya..
kaya nangako siya na hindi sila mamamatay ni Elias sa tagpong iyon..
at pagbaba nila ng sasakyan ay nagpanggap na sila at sinakyan ang kagustuhan ni Alice...

walang ma-contact sina Vito at Emma kina Camila at Elias..
pero sinadya ng 2 na mag-iwan ng smartphone na pwede nilang ma-track..
at itinuro nga sila nito sa lumang kapilya...

umatras si Alice nang i-reveal nina Camila at Elias na nagtutulungan na sila..
pinatakas na ni Camila ang mag-ama, pero makulit si Elias at ginusto pa ring tulungan si Camila..
ini-reveal naman ni Alice na ang totoong pakay niya ay ang patayin si Elias upang mas sirain ang relasyon nina Camila at Emma..
kaagad na iniwan ni Camila si Alice upang saklolohan si Elias..
nandun rin nga pala sa lugar si Agnes, at una niyang binaril ang tatay ng binatilyo..
nanlaban si Elias gamit ang baril na nasa kanya, pero wala siyang nagawa kundi tumakas mula sa babae..
hanggang sa nasukol ni Agnes ang binatilyo..
saktong dating ni Camila at binaril ang kalaban, pero hindi niya ito kaagad napatay..
habang kinukumbinsi ni Camila si Elias na huwag na munang balikan ang kanyang tatay, eh muling nakabaril si Agnes bago siya tuluyang bumagsak..
pero sa halip na si Elias, ay si Camila ang tinamaan..
hindi nasunod ang plano ni Alice...

is feeling , palitan ng mga baraha...

---o0o---


January 11, 2020...

[TV Series]

The Killer Bride

nagpaiwan si Camila upang mas makaligtas si Elias..
pinapasabi niya kay Emma na iniligtas niya si Elias para sa kanya...

nakita naman ni Iking ang conversation nina Camila at Belinda noong nag-agaw buhay na si Camila noon...

balik sa lumang kapilya..
nahuli nga ni Alice ang sugatan nang si Camila..
hindi iyon ang plano, pero at least ay makakaganti pa rin siya sa kanyang in-law..
bilang emotional torture, inamin ni Alice na totoong buhay pa si Vida kahit sinabi ni Camila na alam na niyang hindi naman si Luna ang totoong anak niya..
pero hindi niya sinabi ang pangalan ng bata..
matapos yun ay saka niya physically na t-in-orture si Camila...

nagising si Camila, nakita pa nga niya ang walang malay na katawan ng tatay ni Elias..
nagpalibot-libot siya sa Las Espadas pero walang pumapansin sa kanya..
hanggang sa makita siya ni Iking na isinama siya sa ospital...

mali yung theory #0 ko..
pero talagang mas nabigyan na nga ngayon ng highlight yung paranormal aspect nung istorya...

sa ospital, na-reveal kay Camila na patay na pala siya..
ganun din ang tatay ni Elias..
pero hindi ko nakita kung na-confirm na bang patay si Agnes..
at na-reveal din kay Iking na kaluluwa na lang ni Camila ang kanyang nakikita..
naulit naman ng kaluluwa na hindi pa siya pwedeng mamatay dahil hahanapin pa niya ang kanyang totoong anak...

sa rewind..
ini-reveal na tinuluyan nga ni Alice si Camila nang marinig niyang may paparating..
ginusto niyang i-torture pa ang kanyang in-law, pero dahil wala ng oras, eh pinatay na niya ito at saka siya tumakas...

sa kung saan..
nagpakawala na si Alice ng lantern, tanda ng pagkamatay ni Camila..
after that ay nagsaksak siya ng kanyang sarili..
mukhang plano niyang gumawa pa ng script para malusutan ang kanyang mga krimen, considering na si Elias na lang ang natirang testigo...

tila nagsisisi naman si Emma na ipinaramdam niya kay Camila na galit siya dito hanggang sa kamatayan nito...

is feeling , paranormal-mode officially on...


No comments:

Post a Comment