i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...
simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...
pilit na ngang nagpapasok ng mga smuggled na karne na positive sa African Swine Fever dito sa probinsya.
tapos source pa ngayon ng Novel Coronavirus..
ang sumpa ng isang Imperyo na napakatakaw sa resources... :(
-----o0o-----
lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2019/08/war-against-schools-victims.html
update ulit (503 + 501 + 181 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
- yung pangmamaliit kaagad sa mga kababayang atleta
- yung nag-offer ng bounty laban sa ibang napalaya ng palpak na sistema
- yung paninisi sa dating administrasyon kahit na ang pag-abuso sa sistema eh tao nila mismo ang may kagagawan, at sila mismo ay batid na may mga nagre-request upang magamit nga ang kahinaan nung sistema na iyon
- yung umamin tungkol sa pagpapa-ambush sa isang Mayor noong 2018
- yung nagtalaga na naman ng opisyal na may kinasasangkutan pang kontrobersya, kesyo suspek daw sa pagkamatay ng 10 preso
- yung palpak na tauhan na ibinalik na naman sa katungkulan
- yung sinabi habang nasa ibang bansa na may mga General daw na sangkot sa ilegal na droga, tapos sabay bawi dito sa bansa na kesyo wala daw pala
- yung gusto nang mangamkam ng mga lupain para lang makapagpatayo na ng dam sa tulong ng Imperyo
- yung walang tiwala sa kanyang itinalaga
- yung sinisilip yung mga kuwestiyonable daw na pondo ng ibang pinuno, gayong siya at sila rin ay may kuwestiyonableng pondo para sa premature na pagpapakilala
- yung sinibak na kaagad yung taong hinamon at itinalaga niya, na para bang may iniiwasan na mangyari
- yung naniwala at nagsalita dahil sa FAKE news, sa kabila ng napakalaking intelligence fund
- yung pakikisawsaw sa isyu ng mag-asawa
- yung patuloy na pagbabanta tungkol sa franchise ng isang TV network habang pinakikinabangan nila ang mga ito para sa SEA Games
- yung gusto pang dagdagan kung magkano ang itinakda ng batas, samantalang may iba pang sektor ang nangangailangan ng suporta nila
- yung ipinapabenta na lang ang isang TV network
- yung plano na ring idamay ang Visiting Forces Agreement para lang sa kapakanan ng visa ng ilang kaalyado
- yung pinuno na gustong magpauwi ng mga kababayan na mula sa area of origin ng nCoV
are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
- yung 7 pulis-Antipolo na sangkot sa kuwestiyonableng buy-bust operation noong May 2019, kung saan kabilang din ang ilan sa 2013 Pampanga Ninja Cops
- yung report from Laguna, yung PDEA agent at kasamahan niya na nahuling gumagamit ng ilegal na droga
- yung pulis na nahuli ng PNP-IMEG na bukod sa nakunan na ng video habang gumagamit ng ilegal na droga ay nahuli pa sa entrapment operation dahil sa pagiging pusher
- yung naka-AWOL na pulis na nahuli sa buy-bust operation malapit sa may New Bilibid Prison daw
- sa Taguig City, yung pulis na hinuli dahil kasabwat daw ito ng kanyang asawa na related sa ilegal na droga na ginagamit pa ang kanilang bahay bilang drug den
- sa Bacoor City, Cavite, yung Barangay Tanod na kasamang naaresto dahil sa pagtitimbre ng drug raid
- sa Sampaloc, Manila, yung Barangay Kagawad at pamangkin niya na nahuli sa buy-bust operation
- sa Sampaloc, Manila, yung Barangay Kagawad na nakunan ng video at nahuli dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga sa mismong bahay niya
- sa Cagayan de Oro, yung Barangay Kagawad na inaresto dahil sa involvement niya sa ilegal na droga
- sa Sto. Tomas, Batangas, yung Barangay Kagawad na nahuli dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga, bukod dun ay may 2 pang nahuli, at sila-sila ang nagturuan
- yung Barangay Coordinator na hinuli dahil daw sa pangingikil ng nasa Php 18,000 kapalit ng pag-aalis ng pangalan ng isang drug surrenderer mula sa drug watchlist
- sa Commonwealth, Quezon City, yung 7 Barangay Tanod na sangkot sa pangingikil laban sa asawa ng isang drug-related personality, bukod pa sa pangre-rape daw nila dun sa babae
- sa Quezon City, yung pulis na nahuli dahil sa pagbebenta ng mga baril at bala, ilan sa mga nasabat na armas ay government-issued pa daw
- sa Cavite, yung Barangay Kagawad na nakunan ng CCTV na nanloob ng bahay
- sa Iloilo City, yung Jail Guard na nanutok ng baril sa bar
- yung pulis na nambugbog ng Traffic Enforcer sa daan dahil naabala daw siya ng panghuhuli nito
- sa Pandacan, Manila, yung nakunan ng CCTV na pulis na nanakit ng mga kabataan matapos na may mabasag daw sa kanyang sasakyan
- sa Lapu-Lapu City, yung nakunan ng video na 4 na pulis na nambugbog ng 2 lalaking nanggulo daw
- sa Valenzuela City, yung lalaki na nag-amok daw na napatay naman sa pagkuyog sa kanya ng mga tanod at pulis
- sa Puerto Princesa, Palawan, yung babae na namatay sa pamamaril ng kanyang asawang pulis na nagbaril din naman ng sarili matapos iyong krimen
- sa Bohol, yung babaeng pulis na napatay sa pamamaril ng sarili niyang asawa na pulis rin, may problema daw sa pag-iisip yung lalaki at nagbaril din sa sarili
- sa Marikina City, yung shootout sa pagitan ng 1 sundalo at 2 pulis, kung saan napatay yung sundalo samantalang sugatan yung mga pulis
- sa Marawi City, yung pulis na hinuli dahil sa pagmamaneho ng carnap na sasakyan, bukod dun ay ni wala daw siyang lisensya
- sa Pasay City, yung Traffic Enforcer na nakunan ng video na nangongotong kapalit ng hindi niya pag-i-issue ng ticket
- sa Manila, yung Enforcer ng MTPB na nakunan ng video habang nangongotong sa driver ng isang SUV
- sa Manila, yung lolo na namatay matapos na mabangga ng motor na minamaneho ng isang pulis na lasing daw at mabilis magpatakbo
- sa Quezon City, yung Traffic Czar at mga kasamahan niya na nanira ng nasita nilang sasakyan na walang sakay
- sa Sariaya, Quezon, yung Barangay Kagawad at mga kaanak niya na nahuling nagpapatakbo ng online gambling
- sa Muntinlupa City yata iyon, yung teacher na nakunan ng video na nananampal ng mga estudyante
are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
- sa Iloilo City, yung mga pulis na nang-agaw daw ng ibang pera sa gitna ng anti-gambling operation, hindi daw kasama sa record ng mga nakumpiska yung perang kinuha mula sa biktima
- sa Bacolod City, yung naka-AWOL na sundalo na nangmolestiya daw ng isang special child na dalagita
- yung Mayor ng Misamis Occidental na itinumba habang nasa custody na ng mga pulis
- sa Bauan, Batangas, yung itinumba na yung suspek sa pagpatay sa isang 11 y/o na babae na sinasabing tinangka din daw na gahasain
- sa Marikina, yung lalaki na napatay sa pamamaril ng isang pulis, may tama rin yung isa niyang kaibigan sa tiyan
- yung pagtatanim daw ng mga ebidensya laban sa makakaliwang grupo
heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
- ang kawalan ng kakayahan ng mga awtoridad at ng justice system na kusang kasuhan ang mga kriminal sa kabila ng matitibay na ebidensya gaya ng video footage o ng mismong pagresponde ng awtoridad sa krimen
- sa Las Piñas City, yung 3 pulis na naabutang natutulog sa ginawang inspeksyon ng NCRPO
- sa Boracay, yung 2 pulis na nahuling nagmo-mobile games habang nasa duty
- sa Central Visayas daw, yung 3 police officers na nahuling naglalaro ng golf sa oras ng trabaho
- sa Bacolod City, yung nagawang pagsasaksakin ng gunting ng isang kaanak nung biktima na special child na dalagita yung naka-AWOL na sundalong suspek habang naaresto na ito
- sa Antipolo City, yung pulis na nakunan ng video na nagsasabong
- yung lumabas sa surprise inspection na marami nga ang private vehicle na ginagamit ng mga pulis na hindi rehistrado at/o walang plaka
- sa Taguig, yung sasakyan ng mga pulis na ilegal ang pagpaparada malapit sa presinto
- yung pulis na nahuli na namamasada DAW ng colorum na van
- yung nasa 18 na hinuli dahil sa ilegal na pagpapaputok ng baril kung saan kabilang ang ilang pulis at sundalo
- yung pulis na nahuli ng PNP-IMEG, na dati nang naalis sa serbisyo dahil din sa involvement sa ilegal na droga pero nagawang makabalik noong 2017 sa pagiging pulis
- yung ang daming isinisiwalat ngayon na modus ng mga armadong empleyado, pero ano bang ginawa nila noon pa lang na nalaman na daw nila ang tungkol sa mga ganun
- yung tangkang pagtatakip sa kaso ng Pampanga Ninja Cops noong 2013
- sa prusisyon, yung general na pulis na nang-agaw ng smartphone ng taga-media at sinubukan din daw na magbura ng video
- yung sobra-sobra namang ph-in-otoshop na picture DAW ng mga sumukong rebelde na i-p-in-resent ng Philippine Army
- yung panibagong kaso ng pagkamatay sa PMA nang dahil daw sa hazing
- yung wala nang ipinagkaiba ang hazing mula sa bullying
- sa Daraga, Albay, yung babae na sugatan matapos na sakmalin ng aso
- sa Pangasinan, yung 7 y/o na may 17 beses daw na pinagkakagat ng nasa 5 aso
- yung wala ng halaga ang mga karton para sa mga mangangalakal
- yung perwisyong idinudulot ng pag-a-adjust ng mga existing landline numbers
- yung pagtaas ng rate ng pamasahe sa provincial bus
- yung wala man lamang pakunsuwelo para sa mga motorista sa kabila ng hindi na pagiging expressway ng SLEX
- yung opisyales ng DOTr na isinisisi sa palpak na maintenance DAW ng nakaraang administrasyon iyong pagkasira na nangyari sa LRT 2, kahit na mahigit 3 taon na sila sa puwesto
- yung halos nasa 10,000 driver ng iba't ibang klase ng sasakyan na nahuli sa isinagawang sabayang panghuhuli
- yung tutol na tutol dati sa motorcycle TNVS dahil sa isyu ng safety, tapos biglang gusto ngayon na magbigay kaagad ng permit sa maraming kaparehong klase na service provider
- yung mabilis nga ang naging approval dun sa iba pang motorcycle TNVS kumpara dun sa nauna na hinarang nang maige
- yung pagbaba ng presyo ng bentahan ng lokal na palay
- yung may pa-commercial pa tungkol sa Rice Tariffication
- yung latest na pagkalugi ng mga magsasaka ng Benguet dahil sa maling sistema
- yung sobra-sobrang pagtaas ng presyo ng galunggong
- yung nakapasok na ang African Swine Fever (ASF) sa bansa
- yung may mga processed meat na rin na apektado ng ASF na hindi naman pinapangalanan yung kompanya
- yung may nakalusot na rin na kaso ng ASF sa isang kilalang supermarket
- yung totoong nabigyan nga ng certification yung mga karneng baboy na nag-positive sa ASF na nakalusot sa malalaking supermarket
- sa Bulacan, yung paggamit sa isyu ng ASF para makapanabotahe ng negosyo ng iba
- yung latest na kaso ng Lambanog poisoning sa Laguna at Quezon nitong 2019
- yung mga opisina ng gobyerno na umaasa pa rin hanggang ngayon sa manual checking at nire-require pa ang kopya ng mga resibo ng mga tao para sa pag-che-check, kahit na may kopya dapat sila ng mga nasabing resibo
- sa PAGCOR, yung tigil na nga muna ang pagbibigay nila ng assistance matapos na malusutan sila ng mga pekeng dokumento, pero laya na kaagad yung mag-asawang nahuli nila
- yung empleyado ng PAGCOR na hinuli dahil sa pagsa-sideline daw bilang fixer ng mga humihingi ng tulong
- yung balik operasyon na kaagad yung mga ipinatigil na laro ng PCSO, maging yung mga pinagdudahan na laro
- sa PSA, yung nagpa-correct na dati ng birth certificate kapalit ng nasa Php 10,000, pero nag-recur na ulit yung error ngayong 2020
- yung nagkaproblema daw yung gumagawa ng UMID card para sa SSS
- yung katulad ng sa SSS, eh yearly na rin magtataas ng contribution ang PhilHealth sa loob ng ilang taon
- yung pagtataas ng rate ng contribution ng iba't ibang services ng pamahalaan para lang ma-shoulder yung mga ipinangako para sa mga piling mamamayan
- yung mga kaso ng peke at for sale na mga PWD (persons with disabilities) ID
- yung Senator na gustong hati-hatiin at ipamigay na kaagad ang reward para sa mga Centenarian simula 80 y/o pa lang
- yung panukala tungkol sa pagpili ng mga Senador para sa bawat region, samantalang batid naman nila ang paraan ng pagbili ng property o paglipat ng residence para lang makatakbo sa pulitika
- yung hindi pa man nagtatagal, pero papalitan na nga ulit yung Php 5 coin na matagal nang sinisita ng iba dahil sa pagiging nakakalito nito
- yung pagwawaldas ng pera ng bayan para sa pagbili ng 2 mamahaling jet
- yung masyadong pagsasabay-sabay ng mga projects at pangungutang sa panahon na ito
- yung mga projects daw ng DPWH for 2020 na kulang-kulang ang detalye o di kaya ay kuwestiyonable
- yung nasa Php 50 Million worth ng cauldron na gagamitin lang sa torch lighting para sa 2019 SEA Games
- yung mga pinuno na tinatawag na crab mentality ang pagsita sa mga kuwestiyonableng gawain
- yung pinuno na pulitika naman ang sinisisi sa kabila ng mga totoong nangyayari na kapalpakan
- yung pinuno na pinagmumukha na ang mga bumabatikos sa mga kapalpakan ang masasama sa halip na yung mga pumapalpak mismo
- yung palpak na pagsalubong at pag-accommodate sa mga representative ng ibang bansa
- yung reklamo ng mga representative tungkol sa kakulangan ng masusustansiyang pagkain para sa mga atleta
- yung kulang daw ang Halal certified food para sa SEA Games
- yung Football team captain ng Brunei na inatake naman ng allergy dahil sa pagkain
- yung mga rifle ng shooting team ng ibang bansa na kinumpiska nang dahil sa miscommunication
- yung problema sa sasakyan ng mga representative
- yung pinakikinabangan nila ngayon yung TV network dahil lang sa event, samantalang kapag walang okasyon eh panay ang banat nilang magkakaalyansa tungkol sa katapusan nung franchise
- yung naha-hype lately dahil sa sports at gusto pang gumastos nang gumastos, habang may mga sektor na nangangailangan ng tulong ng gobyerno ang hindi nabibigyan ng pansin
- yung paglaki ng rasyon ng gatas para sa mga kinukuhanan nila ng suporta
- yung akusasyon ng pamumulitika gamit ang mga biktima ng lindol, na kesyo may nag-uudyok DAW dun sa iba na mamalimos na sa daan
- after 6 years, yung marami pa ring biktima ng Yolanda ang nagrereklamo tungkol sa kawalan ng pabahay sa kabila ng mga FAKE news noon na kesyo kaya DAW makapagtayo ng mga bahay within 3 weeks
- yung nakikialam na rin yung isang office sa pagpapabagsak sa isang TV network
- yung nagmura na naman si Non-Clam Defender
- yung tauhan ng gobyerno na ultimo relief goods eh binibigyan ng masamang kulay para lang masiraan ang target nilang pulitiko
- yung pinuno na gustong bumuo ng panibagong departamento, samantalang meron naman nang existing na ganun ang purpose
- yung mga pinuno na naghihintay ngayon ng report at nagrereklamo pa, sa kabila ng limitadong panahon at access na ibinigay nila sa taong sinisiraan nila
- yung mga pinuno na hindi matanggap yung resulta ng computation ng mga numero na sa mga hanay rin naman nila nagmula
- yung mga pinuno na ginagawang basehan ang resulta ng mga survey samantalang daan-daang mga hindi kilalang tao lang naman ang natatanong sa mga pa-survey
- yung idadamay lahat ng US citizen na papasok sa bayan kapag nagkataon dahil lang sa isyung politikal
- yung report tungkol sa maraming kaso ng mga preso na napahamak habang nasa custody na ng mga awtoridad
- yung paglilipat ng mga Criminal Witnesses sa ibang facility (na hindi kulungan) noong June 2019 pa
- yung mga opisyales at dating opisyales na hiningan ng sulat at tulong nung pamilya nung convicted na rapist-murderer
- yung ayon sa record, na qualified ang NGO Queen sa paggamit ng Good Conduct Time Allowance (GCTA), at rape ang kaso niya
- yung mga opisyales na isinasali ang mga kriminal na convicted for committing heinous crime sa nakagagamit ng good conduct time allowance
- yung libu-libo na DAW na convict na sangkot sa heinous crimes ang napalaya na dahil sa maling paggamit ng good conduct time allowance
- yung lumalabas nga na for sale pa yung Good Conduct Time Allowance sa bilangguan, ang access ng mga kontrabando papasok, at maging mga medical documents daw
- yung mga medical personnel ng New Bilibid Prison Hospital na kasabwat sa mga kalokohan ng mga bilanggong kriminal
- yung ngayon lang ginigiba yung mga kuwestiyonableng kubol sa Bilibid
- sa Bilibid, yung nasa 15 na pulis na nahuli dahil sa pagpupuslit ng kontrabando sa loob
- yung mga pinagsisirang kontrabando mula sa Bilibid, na tila wala tuloy nagawang pagbabago yung mga sinundan na pinuno
- sa Women's Correctional, yung mga nasamsam na mini-phone
- yung kakampi nga noon ng mga Ampatuan ang Cosplayer
- yung may panibago na namang civil case laban sa Dictator Clan ang ibinasura
- yung may nabalewala na naman na forfeiture case laban sa Dictator Clan
- yung panibago na namang ibinasura ng sandigan ng mga Diktador na Php 200 Billion forfeiture case
- yung kasunduan dun sa Imperial Telco, na planong maglagay ng facility nila sa provincial military base
- yung dinaya daw ang bidding para sa Kaliwa Dam para paboran yung Imperial contractor
- yung base sa kontrata ay may jurisdiction ang Imperyo in case na magkaroon ng kaso regarding sa Kaliwa Dam
- yung may kontrol na pala ang Imperyo sa national power grid ng bayan
at may kaso na iba-iba ang kategorya:
- yung mga petroleum-based enthusiasts na sabay-sabay pa ang paggamit ng mga sasakyan para sa paghahatid ng relief goods, sa halip na gumamit o umarkila na lang ng malalaking sasakyan
- yung mga TV network na tinutulungan pang patuloy na magkaroon ng public exposure yung mga pinuno na napatunayan nang nagkasala laban sa bayan
- sa Quezon City, yung sasakyan ng isang Party-list Representative na nabiktima ng Basag-Kotse sa parking area ng isang kilalang mall
- yung hanggang sa panahon ngayon ay may mga insidente pa rin ng pangre-rape laban sa mga sariling kadugo
- sa Malabon, yung kaso ng pagpatay sa isang beautician kung saan kinunan pa talaga nung 2 kriminal yung ginawa nilang krimen
- yung mga nag-aalaga ng baboy na basta na lang ipinaanod sa ilog yung mga patay na baboy, kung kailan pa talaga may banta ng mabilis na lumaganap na sakit ng mga baboy
- sa El Nido, Palawan, yung Forest Ranger na napatay sa pananaga ng grupo ng mga illegal loggers
- yung mga representative ng ibang bansa para sa SEA Games na hindi na nag-practice dahil sa sobrang traffic sa host na bayan
- yung mga atleta na pinagmumukha na ang mga bumabatikos sa mga kapalpakan ang masasama sa halip na yung mga pumapalpak mismo
- yung pati depensa tungkol sa SEA Games kikiam, na chicken sausage o hotdog daw pala, eh palyado pa rin dahil nutritional value naman ang totoong hinahanap nung mga nagreklamo
- yung nag-volunteer para sa SEA Games pero nagrereklamo at saka umatras
- yung pagkukumpara ng ibang mamamayan sa kakayahan ng ibang bansa sa pamamagitan lang ng basic na currency conversion, nang hindi isinasaalang-alang ang economic level, rate ng pasuweldo, at purchasing power
- sa Bocaue area, yung 2 bus na may sakay na mga foreign representatives na nasangkot daw sa aksidente
- yung mga negosyante na sinasamantala naman yung mataas na demand para sa mga mask upang magpataas ng presyuhan
- yung latest na kaso ng pambabato sa tren ng PNR, kung kailan naman nag-invest sila sa mga bagong tren
- yung mga naglalagay ng kung anu-anong bagay sa may riles ng PNR
- yung nagkanakawan na nga DAW sa ibang lugar na nasalanta ng pagputok ng Taal
- sa Batangas City Sports Complex, yung 3 security guard na nahuling nagpupuslit ng mga relief goods
- yung ultimo pagdating sa usapin tungkol sa kaligtasan ng mga mamamayan eh nagtatalo-talo pa rin ang mga tao
- yung nakawan ng kable ng kuryente sa Ayala tunnel
- yung lalong pagmamahal ng rate ng internet service sa panahon ngayon
- yung lumang agreement sa mga magtutubig na nagagamit nila ngayon sa pang-aabuso laban sa mga consumers at sa pamahalaan
- yung pumayag yung mga magtutubig na hindi na bayaran yung mga danyos
- yung tila pagpabor ng Catholic Bishop Conference of the Philippines sa pantay na pagbibigay ng Good Conduct Time Allowance para sa lahat ng klase ng bilanggo
- yung palusot nung pamilya nung convicted rapist-murderer na kesyo nawala na daw yung mobile phone at number na magagamit sana bilang ebidensya
- yung banta ng terorismo laban sa supply ng petrolyo
- yung mga laos na personalidad at iba pa na kayang magbiyahe papuntang Russia
- yung 2 Imperial citizens na nahuli dahil sa pagmamaneho ng lasing, at wala pang lisensya
- yung apology nung nambangga na Imperial vessel na may timing
- sa Parañaque, yung Imperial prostitution den sa isang building na under construction pa
- yung mga kaso ng kidnapping ng mga Imperial citizen laban sa mga kapwa Imperial citizen na related sa operasyon ng mga POGO
- yung smuggled na mga karne ng baboy na galing sa Imperyo na nagpositibo na naman sa ASF
- yung may nakapasok na nga na kaso ng Novel Coronavirus (nCoV) dito sa bansa na dala ng isang babaeng Imperial citizen na galing sa Wuhan
-----o0o-----
January 31, 2020...
yung smuggled na mga karne ng baboy na galing sa Imperyo na nagpositibo na naman sa ASF...
is ⚠ feeling , balak yata ng mga Imperyalista na ubusin ang mga baboy dito sa probinsya...??
>
yung nakapasok na nga ang Novel Coronavirus (nCoV) dito sa bansa..
Imperial citizen daw ang nag-positive..
parang babae yata yun..
galing Wuhan..
at nakapaggala na dito sa bansa bago pa na-detect... :(
samantalang noong umaga ng araw din na iyon eh nagmamalaki pa yung mga host ng isang morning show na kesyo magaling daw kasi ang bayan sa pag-filter ng mga ganung uri ng sakit...
is ⚠ feeling , huwag dapat parating proud...
>
yung pinuno na gustong magpauwi ng mga kababayan na mula sa area of origin ng nCoV... :(
eh ano pang silbi ng pag-ban muna sa mga Imperial citizens sa pagpunta dito sa probinsya, kung ibabiyahe din naman yung mga taong manggagaling mismo doon sa area...??
is feeling , minsan dapat matuto rin na hindi naman masyadong pahalagahan ang pagiging magkababayan.. eh mga kababayan din naman yung nasa mismong probinsya, kaya bakit nila ilalagay sa alanganin...??
>
yung empleyado ng PAGCOR na hinuli dahil sa pagsa-sideline daw bilang fixer ng mga humihingi ng tulong...
is feeling , sobra kasing makapagmalinis yung ibang pinuno nun eh...
>
sa Bohol..
yung babaeng pulis na napatay sa pamamaril ng sarili niyang asawa na pulis rin..
may problema daw sa pag-iisip yung lalaki, at nagbaril din sa sarili...
is feeling , medyo may paliwanag naman 'to.. though ganun pa rin yung involved...
>
sa SM sa [Name of City] kahapon..
pagkaalis ng sinakyan kong bus mula sa terminal..
may nakita akong lalaki na may binubuksan na parang manhole, sa portion yun na makalabas na ng area nung terminal na may bubong..
hindi yung pabilog na bakal, pero pa-kuwadrado ang hugis..
tapos parang may tubig nga sa loob..
napaisip lang ako kung anong ginagawa niya kasi 2 water container. yung pang-water refilling station, yung katabi niya noon..
at medyo maputik-putik na noon yung bandang ilalim (yung may gripo) nung mga water container...
naalala ko tuloy yung napanood ko na shared video kamakailan rin lang, kung saan may taong kumukuha naman ng tubig mula din sa parang manhole sa may kalsada at inilalagay iyon dun sa madalas na container ng palamig...
is feeling , may mga tindahan pa naman dun sa terminal...
>
[Natural Calamities]
balik na ulit sa Mindanao..
nasa Magnitude 5.2 na lindol na nasa Davao del Sur ang origin...
is feeling , patamaan na kasi yung ugat ng lahat ng mga kamalasan...