Friday, August 9, 2019

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - First Week of August 2019 (8 Years in Keypad)

Loveless Story


August 4, 2019...

[Gadget-Related]

naka-8 years na nga pala kahapon yung Nokia 2730c ko..
ang 4th sa mga functional phone (for mobile phone purpose) na naging pagmamay-ari ko..
pero 2nd lang para sa mga nakuha ko nang brand new...

naalala ko tuloy kung paanong pagsapit niya ng 5 years, eh saka lang talaga nagsimulang mag-deteriorate yung hardware niya..
mabuti na lang at wala pa rin namang issue sa software kahit na papaano...

nasa 6 months pa daw bago magkaroon ng sistema para sa pagsunod sa Mobile Number Portability Act..
kung tutuusin eh hindi ko naman dapat kailangan pa nung batas..
pero dahil madalas na mga tanga ang mga nakakausap kong empleyado, eh hinding-hindi ko magamit yung benefit nung option for SIM upgrade..
dahil sa diskriminasyon sa mga prepaid users..
so makikita kung magiging mas patas na nga ang sistema kapag ini-apply na yung bagong batas...

is feeling , kapit pa...

---o0o---


August 5, 2019...

nasa 7 days na ang absences ko while working on projects #12 and #13...

hindi pa maganda ang performance ng reboot project ko, ang project #8..
maging yung project #7 eh kulang pa rin sa target sales..
pero wala naman akong magagawa kundi patuloy lang na sumugal sa buhay...

is feeling , simula na rin ng bagong gimik sa platform.. USD 2 per month...

-----o0o-----


August 8, 2019...

[TV Series]

Sino ang Maysala?: Mea Culpa

mostly patungkol sa pagmamanipula ng mga maimpluwensiya at makapangyarihan sa tinatawag na sistema ng hustisya...

nagpupuyat na ako para lang mapanood yung last episodes..
tama yung tantsa ko na naroon naman yung mga mahahalagang revelations eh..
okay naman yung approach niya bilang crime series..
gusto ko yung pagkakaroon ng kanya-kanyang baho nung mga antagonists, dahilan para magsanga-sanga pa yung mga problema..
medyo okay din yung CCTV puzzle, although madali lang hulaan kung sino yung kriminal given yung plot, motibo, at depiction ng character...

is feeling , naka-2 TV series na si Bela Padilla, pero hindi pa rin tapos ang bayaw niyang si Cardo...


No comments:

Post a Comment