Loveless Story
July 28, 2019...
[Lottery]
so ayun nga..
katapusan na ng lottery..
at nauwi sa wala ang matagal ko ng research... :(
ibig sabihin..?
wala ng madaling paraan para matakasan pa ang kahirapan ng buhay..
gatas dito, gatas doon..
isang madilim na ekonomiya..
pero binawi na rin nila maging yung pag-asang dala nung sugal..
wala ng tsansa para maging milyonaryo..
at wala na ring tsansa para manalo man lamang nung mga consolation prize na above 5 digits...
mga mayayaman at mga Imperyalista na lang ang may karapatan na manalo ng maraming pera mula sa mga sugal...
is 💀 feeling , kaya nga ba mahalaga talaga na mag-save para sa sleeping pills eh.. para sa worst case scenario...
>
[Online Marketing]
ngayon ko lang naalalang i-record..
this month, may nag-attempt na mag-pledge sa akin ng USD 70..
katumbas yun ng access sa lahat ng mga existing projects ko...
kaso..?
kung kailan may willing na magbayad ng malaki for a single transaction..
eh saka naman hindi gumana nang maayos yung sistema ng paniningil...
is feeling , buhay talaga.. malas na, mas minamalas pa...
---o0o---
July 29, 2019...
[Piracy]
it only took 54 days naman bago sila makagawa ng watermarked attack laban sa project ko..
in-edit nila lahat ng projects ko at nilagyan nila ng sarili nilang watermark...
is 💀 feeling , hindi kailanman magiging patas ang buhay...
>
[Gadget-Related]
lintik na..
2 araw nang nakaka-detect ng tuluy-tuloy na fluctuation ng kuryente ang UPS ko..
mukhang yung construction ng mini mart sa malapit yung nagnanakaw ng kuryente direkta mula sa poste..
ang daming trabaho, pero natatadtad ng switching yung UPS... :(
sa loob lamang ng 2 years eh kung anu-ano ng construction ang ginawa dito sa lugar namin..
pagpapalit ng basketball court..
rooftop ng bahay..
buong pagpapalit ng bahay..
at ngayon naman nga eh construction ng mini mart...
buwisit na..
karibal ko na nga yun sa hinaharap..
tapos eh pati naman sa construction pa lang eh namemerwisyo na sila...
is feeling , estilo ng 7-Eleven ang gayahin ninyo.. para malugi sana kayo kaagad...
---o0o---
August 1, 2019...
end of July...
targeting more than 100 pages..
sa loob ng less than 2 months ay nakapag-set up na ako ng 83 scenes..
plus 4 additional materials...
17 scenes na lang ang kailangan...
is feeling , trabaho lang nang trabaho.. hindi man suklian ng buhay ang bawat effort.. kahit papaano eh nalilibang ka naman at hindi nakukulong sa ideya na ang pinakamalaking suliranin ng buhay ay ang mismong pagiging buhay...
---o0o---
August 2, 2019...
[Online Marketing]
ang sakit..
bukod sa nilalamon na nga kami ng Piracy..
yung dating 2.5% na currency conversion fee eh pumalo na para sa akin ngayong araw sa 3.3%... :(
is 💀 feeling , gigipitin ka ng mundo kapag ayaw nito sa'yo...
-----o0o-----
July 28, 2019...
[TV Series]
Altagracia
originally entitled La Mujer de Judas (Venezuelan, 2002)..
La Mujer de Judas meaning The Wife of Judas, pero Ang Babae ni Hudas lang sa Tagalog..
crime mystery siya na may halong paranormal element..
kuwento siya tungkol sa reputasyon, pagsasakripisyo, paghihiganti, at unfortunately - sa kawalan ng katarungan...
medyo napapanood ko 'to noong 2003..
kaso 2:00 PM siya, kaya hindi ko rin talaga nasubaybayan..
back then, nakaka-curious yung crime mystery nung script..
kung paanong parating si Altagracia yung sinisisi ng mga tao, kahit na obvious na imposibleng siya yung pumatay..
may 126 episodes yung series..
so nasa 6 months rin yung itinakbo niya on a weekday basis..
maganda yung naging takbo nung istorya sa kabuuan, kasi nga eh naging mahirap na idawit si Altagracia sa mga naging krimen matapos niyang makalaya..
at oo, marami ang namatay sa istorya na 'to...
isa sa mga naaalala ko noon ay kung paanong na-reveal na hindi lang iisa ang Babae ni Hudas..
na merong sabwatan na nangyayari..
at may lalaki pa nga na gumagamit rin sa katauhan ng Babae ni Hudas..
so buong akala ko noon na halos naresolba na nga yung mga krimen...
kagabi ko lang nalaman yung ending niya..
naalala ko kasi siya dahil dun sa bagong palabas na The Killer Bride, so nag-research ako..
though i doubt na totally iisa yung istorya nila..
posibleng naging basehan yung 2002 TV series..
pero base sa trailer, eh iba yung approach nung The Killer Bride...
nagsimula yung plot sa 2 krimen na inakala ng lahat na magkaugnay simula't sapul..
araw noon ng kasal ni Altagracia..
pero hindi seryoso yung kasal dahil magpapakasal lang siya dahil sa pera at para asarin ang mayaman niyang ama..
sa kaparehong araw, may nagtangkang mang-rape sa isa sa mga kaibigan ni Altagracia (bale 6 silang magkakaibigan na mga babae)..
dahil sa galit ay napatay nung magkakaibigan yung rapist (i'm not sure kung damay si Altagracia, dahil kakasalin na nga siya noon)..
isang pari yung naka-witness doon sa krimen..
sinubukan niya silang kumbinsihin na i-report yung nangyari, pero sa halip ay nag-decide silang pagtakpan ang isa't isa..
matapos maitago yung bangkay, ay kanya-kanya sila ng naging paghahanap dun sa pari sa takot na isumbong sila nito sa mga pulis..
eventually eh natagpuan ni Altagracia na patay na yung pari sa loob ng simbahan..
at doon nagsimula yung major mystery nung kuwento..
dahil initially eh yung 6 lang yung mukhang may motibo para patayin yung pari, eh sa kanila lang umikot yung misteryo...
si Altagracia noon ang inabutan ng mga mamamayan na kasama nung bangkay nung pari..
duguan rin yung wedding gown niya, kaya sa kanya napunta ang lahat ng sisi..
dahil sa insidente na iyon ay binansagan siya na Ang Babae ni Hudas..
ewan ko kung bakit, pero siguro kasi pari yung naging biktima at ang tingin dun ng mga tao ay parang gawain na patraydor...
20 years after ay nakalaya din si Altagracia..
pero kahit ganun ay nanatiling ilag at takot sa kanya ang maraming mga mamamayan..
that time ay nagsimula ang agawan para sa yaman na naiwan ng kanyang ama..
nagsimula rin noon ang mga bagong krimen na kagagawan ng Ang Babae ni Hudas..
pero sa pagkakataon na iyon ay serial killer na talaga yung dating..
naka-costume ng duguan na wedding gown, parating nakatakip ng belo ang mukha, naka-maskara pa ng parang bungo sa loob nung belo, at may paraan ng pagwa-warn kung sino ang sunod na target..
although matapang na babae si Altagracia, eh wala talagang palatandaan na may direkta siyang kaugnayan sa mga patayan...
hanggang sa unti-unti na ngang na-reveal ang mga bagay-bagay..
imposibleng si Altagracia ang pumatay dun sa pari, dahil siya lang ang lalaking minahal niya sa buong buhay niya..
kumbaga ay may bawal na pag-ibig yung 2, kaya inilihim rin nila ang lahat ng tungkol dun..
si Gloria ang naging bunga ng pagmamahalan nila, pero kinailangan ni Altagracia na ipagkatiwala ang bata sa pinakamatalik niyang kaibigan noon..
si Gloria yung naging main protagonist nung series dahil sinusubukan niya na alamin ang totoo tungkol sa Ang Babae ni Hudas..
sinubukan niyang alamin kung totoo nga bang inosente sa isa sa mga root crimes si Altagracia..
si Gloria rin ang naging love interest nung bidang lalaki kung kanino napunta ang lahat ng kayamanan ng pamilya nina Altagracia..
in addition, may kakayahan rin siyang makakita ng mga kaluluwa, mostly ay yung sa pari (yun yung paranormal element nung istorya)..
(hindi ko alam kung paanong napunta dun sa lalaki ang yaman ng mga Del Toro, at kung bakit sinusubukan rin niyang itago yung mga pangyayari sa nakaraan)...
ang ina pala ni Altagracia ang totoong nakapatay dun sa pari..
nalaman niya kasi that time ang tungkol sa bawal na pag-ibig nung 2..
tutol siya dito, at dahil dun ay napatay niya yung pari nang i-confront niya ito..
meaning, hindi talaga related yung pagkamatay nung pari sa pagtatago nung katotohanan tungkol sa pagkamatay nung rapist..
lumala lang yung mga krimen dahil sinubukan nilang lahat na pagtakpan yung original crime na inakala nilang naging ugat ng pagkamatay nung pari..
maging si Altagracia ay totoong sinubukan rin na pigilan lahat ng posibleng makapag-reveal ng katotohanan, para lang protektahan ang kanyang ina..
kumilos rin siya para masiguradong mapupunta kay Gloria yung kayamanan ng kanilang angkan...
sa kasalan sa bandang ending na-reveal yung marami sa katotohanan..
kasal noon ng anak niya, at pati na rin niya mismo..
parang ginusto sadya ni Altagracia na malaman na ng lahat ang mga ginawa niya sa katapusan..
isinumbat niya sa kanyang mga kaibigan kung paanong walang tumulong at nagmalasakit sa kanya sa loob ng 20 years ng kanyang pagkakakulong, sa kabila ng pagtatakip niya sa nagawa nilang krimen..
at isa rin sa huling target niya ang kanyang mismong mapapangasawa..
siya ang nagbansag noon kay Altagracia bilang Ang Babae ni Hudas, na naging legend na nga para sa mga mamamayan..
pinagbayaran niya sa loob ng kulungan ang isang krimen na hindi naman niya kayang gawin, at walang naging katarungan para sa kanya..
ginusto rin niyang malaman noon ni Gloria ang totoo nilang relasyon sa isa't isa..
pero pinigilan siya ng kanyang dating bestfriend (siguro para sa ngalan ng reputasyon), at nanatili na nga lang na lihim ang lahat hanggang sa huli..
nag-agawan sa baril si Altagracia at ang kanyang mapapangasawa..
unfortunately, ang babae lang ang namatay..
pero parang nakapaghiganti na rin nga siya laban dun sa lalaki..
inibig kasi siya nito nang husto, naipamukha niya na isa ito sa mga naging dahilan ng naging paghihirap niya noon, at na hindi naman niya talaga ito minahal..
so iniwanan niya ng lubos na panghihinayang at pagsisisi yung lalaki..
tila implied naman noon na nagkasama rin sa kabilang buhay si Altagracia at ang pari na pinakamamahal niya...
pero bukod dun ay na-reveal na madami pa nga ang gumamit sa katauhan ng Ang Babae ni Hudas..
4 na lang noon ang natitira sa mga kaibigan ni Altagracia (hindi ko alam kung anong nangyari dun sa isa)..
lahat sila ay ginamit yung katauhan nung legendary killer para pagtakpan ang kanya-kanya nilang nagawa na mga additional na krimen..
(mukhang nanatiling lihim yung tungkol sa kamatayan nung rapist hanggang sa dulo)..
at sa huli ay nagdesisyon sila na panatilihin na lang na lihim ang lahat ng mga nangyari sa nakaraan..
walang naging totoong hustisya para kay Altagracia..
at nagawa pa ng iba na takasan ang mga kasalanan nila, gamit ang sakripisyo ng kanilang dating kaibigan...
is feeling , maganda siya.. pero disappointing yung katapusan kasi parang lumalabas na more on fantasy na lang yung happy ending.. at wala yung hustisya sa totoong mundo...
>
minsan parang sobra na yung paghahabol ng mga non-genital-based na tao at ng mga supporters nila sa sinasabi nilang acceptance... :(
recently ko lang nabasa..
tungkol siya sa naging biglang pagkawala ng isang popular na babaeng adult performer..
23 years old lang siya..
nag-ugat ang lahat sa social media..
ang nangyari..?
may tinanggihan siyang project matapos niyang malaman na yung male-based actor sana na makakatrabaho niya eh may background na rin pala for doing homosexual projects..
bukod sa itinago sa kanya ng kanyang agency yung tungkol dun, eh hindi rin na-test for sexually transmitted diseases yung male-based actor..
umabot sa social media yung babala niya..
at dahil dun ay na-bully siya ng maraming tao dahil naka-focus lang sila sa aspeto ng diskriminasyon...
hindi isang anti- yung babae, in fact eh aminado siya na bisexual siya..
ang concern niya eh yung risk sa kalusugan niya at sa iba, dahil alam niya na mataas naman talaga ang rate ng sexual transmission ng mga sakit para sa male-to-male pairing..
at considering na hindi tested yung male-based actor, eh malaking kapabayaan nga iyon para sa agency niya..
karapatan niya na mag-decide kung kanino siya makikipagtrabaho..
pero naka-focus lang ang mga tao sa piling mga salita..
after a few days ay nag-commit ng suicide yung babae..
maraming nakitang factor kung bakit niya nagawa iyon, dahil may background rin siya tungkol sa mga disorder, pero yung insidente na iyon yung pinaka- naging trigger niya that time...
at ang gusto ng mga non-genital-based na tao at ng mga supporters nila eh tanggapin lang sila sa lahat ng bagay...??
is feeling , paanong naging gusto ng ibang tao ng pagkakapantay-pantay kuno, kung hindi sila marunong umunawa sa simpleng karapatan ng iba...??
---o0o---
August 2, 2019...
naloko ako ng Mathematics..
halos buong buhay ko naniwala ako na standard na ang mismong Math... :(
kanina ko lang nalaman na bukod sa PEMDAS ay meron rin palang BODMAS..
MDAS nga lang yung alam kong acronym eh...
kaya naman maging mga calculator eh posibleng makakuha ng magkaibang sagot sa iisang tanong, depende kung anong standard ang naka-program sa kanila..
so para makuha ang tamang sagot na hinihiling ng mismong nagbigay ng tanong, eh kailangan na malaman muna kung ano bang order ang kanyang pinagbabatayan...
is feeling , mga manloloko...
>
ilang beses nang idinadaan ng Facebook sa security check ang account ko..
wala namang kakaiba sa log-in history ko...
mukhang iniisip ng system na kakaiba yung ginagawa kong pagbubura ng sarili kong mga posts..??
at ina-assume nila na under attack ang account ko... :(
eh sa wala na akong panahon para magsulat sa journal ko eh..
kaya dito na lang ako gumagawa ng memory logs..
para mas mabilis..
at saka ko inililipat sa blog ko...
is feeling , kaya nga ba mahalaga yung mobile number ko na ayaw palitan ng Globe eh...
>
[Games 18+]
Goblin Walker
para sa mga gustong maranasan ang buhay ng mga Goblin..
para sa mga gustong magbuhay kontrabida at labanan ang sangkatauhan...
medyo SFW naman yung video..
implied lang ang meron..
hindi maganda ang presentation, pero pang-kontrabida kasi yung boses nung YouTuber...
is feeling , talunin ang Goblin Slayer...
No comments:
Post a Comment