Friday, April 26, 2019

Philippine Earthquakes: April 2019

[Natural Calamities]

heto ang mga lista ng mga lindol for the month of April, 2019..
yung mga date eh nag-i-indicate lang kung kailan ako nag-record, not necessarily kung kailan nangyari yung mga lindol...


April 22, 2019...

ang rasyon para sa April..
nasa Magnitude 6.1..
sa may Zambales ang origin...

is feeling , nagrarasyon simula April 2017...

---o0o---


April 23, 2019...

sa Eastern Samar naman ang origin..
nasa Magnitude 6.2 to 6.5 daw na lindol...

nagkaroon ng 7 magkakaibang araw na may mga may kalakasang lindol noong April 2017..
kabilang na doon ang area ng Samar..
ang Zambales naman ay tinamaan din that year pero bandang May na..
at for 2018 naman, eh bandang March noon tinamaan ang Eastern Samar...

is feeling , ang mundo na mismo ang gustong mag-regulate sa populasyon ng mapaminsalang lahi ng mga tao...

---o0o---


April 24, 2019...

2 naman na lindol sa Mindanao..
isang Magnitude 4.7 sa area ng Davao Oriental..
at isang Magnitude 4.5 naman sa area ng Sarangani sa Davao Occidental...

kabilang ang 2 lugar sa madalas rin na tamaan ng mga may kalakasan at halos monthly na rasyon ng lindol since April 2017..
last April 2017 nga, 3 beses noon na tinamaan ang Mindanao..
base sa record ko, that was Mindanao (not specific), Sarangani, at Surigao del Sur..
bukod dun ay may 2 pang ibang lugar sa Luzon na tinamaan din..
ayoko na lang banggitin pa ang pangalan nung mga probinsya na yun... :(

is feeling , huwag naman...

---o0o---


April 26, 2019...

sa Ilocos Norte naman..
nasa Magnitude 4.4 na lindol..
5th na 'to na may kalakasang lindol for April 2019...

noong April 2017, meron ring naging paglindol sa area ng Ilocos..
ayoko man, pero sasabihin ko na rin nga yung iba pang mga lugar na naging active rin during that month of 2017..
tinamaan na kamakailan ang Mindanao, pero wala pa ulit nag-o-originate sa Surigao del Sur..
nariyan din ang area ng Batangas na ilang beses na nilindol noong panahon na iyon... :(

may ilang araw pa na natitira para sa buwan ng Abril...

is feeling , hindi na masama yung Intensity 0...

---o0o---


April 27, 2019...

5 magkakasunod na lindol naman sa Surigao del Norte..
nag-range ng Magnitude 3.9 to 5..
bale Friday pa daw tinatamaan yung area, most notable yung nasa Magnitude 5.3 naman...

like i said, hindi ito del Sur, pero Surigao pa rin, Caraga Region pa rin..
halos kumpleto na yung listahan kumpara sa noong April 2017.. :(
at meron pang less than 4 days ang Abril..
Catanduanes yung isa pang tinamaan (noong 2018 naman) base sa proximity ng date..
hindi nakakatuwa yung pattern..
lalo't wala naman talagang paraan para basta na lang makalikas ang mga tao papunta sa ibang lugar..
so kung mangyayari din nga yun sa Batangas, eh sana naman eh mahina lang na Magnitude at Intensity...

is feeling , hindi na masama yung Intensity 0.. pero yung Magnitude 10 eh pwede para sa Imperyo...


No comments:

Post a Comment