Friday, April 12, 2019

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of April 2019 (A Year After)

Loveless Story


April 10, 2019...

1 taon na ang nakalipas since huli ko siyang nakita...

una, nakakalungkot isipin na parang na-scam ako sa huling tagpo na iyon..
na buong akala ko na siya iyong kausap ko, pero secretary lang pala..
then nag-effort ka para makabawi, pero pinutol naman niya yung oras mo...

nakakalungkot din na maisip pa rin..
na nagkaroon ako ng inclination para mas paniwalaan yung script na ginagamit niya..
nandun na yung mga clue na pera lang ang habol niya, magmula pa lang sa 2nd meeting namin..
pero kahit na sobrang vocal ko na gusto ko siya..
hindi niya ako kailanman pinigilan... :(

is feeling , kailangan ko pang malaman ang pangalan ng babaeng nanakit sa akin...

-----o0o-----


[V-League]


April 6, 2019...

[Video Link]

https://twitter.com/juliacmorado/status/1114132715547181057

astig!
ganito pala kalakas ang toss ni idol #12 Jia Morado..
pang-basketball din ang kalibre...

is feeling , malapit na ang May.. magdi-digmaan na ulit...


>

UAAP Season 81 Women's Volleyball - Eliminations (Round 2)


UST versus UE

Set 1, 25-20, ma-error pa ang UST, pero nanaig pa rin sila sa kabila ng kanilang 13 errors dahil sa kanilang 11 attacks and 4 service aces..
Set 2, 25-20, kinapos ang paghabol ng UE, lumamang ang UST sa kanilang 5 service aces..
Set 3, 25-16, maagang nabaliktad ng UST yung set...

3-0, panalo ang UST..
at hindi pa rin nakakuha ang UE ng kahit na 1 set laban sa UST para sa Season 81...

Player of the Game si Jimenez with 10 points from 6 attacks, 1 kill block, and 3 service aces..
Laure scored 14 points na may 12 attacks, plus 13 digs and 8 excellent receptions..
Rondina with 11 points from 9 attacks, 1 kill block, and 1 service ace..
Galdones with 8 points..
Galanza with 26 excellent sets..
para naman sa UE..
Abil with 11 points, plus 15 excellent receptions and 8 digs..
nalimitahan naman si Mendrez sa 6 points lamang...


UP versus FEU

Set 1, 21-25, madalas na lamang ang FEU, medyo ipinasok pa si Molde, inilamang ng FEU ang kanilang 6 service aces..
Set 2, 25-19, madalas naman na lamang ang UP, nakuha nila ang set dahil sa kanilang 12 attacks and 3 blocks..
Set 3, 23-25, madalas na lamang ang UP pero naagaw ng FEU, nakontra ng FEU ang sarili nilang 10 errors dahil sa kanilang 17 attacks and 4 service aces..
Set 4, 22-25, nakaagwat ang FEU sa bandang dulo, ipinasok pa ulit si Molde...

3-1, panalo ang FEU..
at nabawian nga nila ang UP...

Player of the Game si Guino-o with 22 points from 18 attacks and 4 service aces..
may plus 22 digs and 12 excellent receptions din siya..
Malabanan with 17 points na may 15 attacks..
bukod dun ay nakagawa ang team ng FEU ng 16 service aces in just 4 sets..
para naman sa UP..
Caloy with 22 points, plus 23 digs and 18 excellent receptions..
Dorog with 15 points...

ngayon ko lang nasaksihan na sabay na naging maganda ang laro nina Guino-o at Malabanan...

is feeling , good game para sa UST.. minalas naman ang UP dahil activated ang mga outside spikers ng FEU...

---o0o---


April 7, 2019...

DLSU versus AdU

Set 1, 25-15, naiwanan kaagad ng La Salle ang Adamson, kaya maaga ring nagkaroon ng oras sina Yandoc at Genesis, lumamang ang La Salle sa kanilang 12 attacks and 3 blocks..
Set 2, 25-18, nakadikit pa ang Adamson hanggang sa 16th point nila, pero nakalayo rin ulit ang La Salle, nakuha ng La Salle ang lahat ng stats..
Set 3, 25-16, madalas nang wala sina Soyud at Permentilla...

3-0, panalo ang La Salle..
wala, parating iwan kaagad ang Adamson sa simula ng bawat set...

Player of the Game si Dela Cruz with 13 points from 9 attacks, 2 kill blocks, and 2 service aces..
may plus 10 digs din siya..
Cheng with 11 points na may 10 attacks..
Ogunsanya with 9 points..
Clemente with 7 points..
para naman sa Adamson..
Flora and Genesis scored 7 points each..
at yun na yung pinakamataas para sa Adamson...


ADMU versus NU

Set 1, 25-14, nakalayo nang husto ang Ateneo, lumamang sila sa kanilang 12 attacks and 3 blocks plus 9 opponent errors..
Set 2, 24-26, extended at nagawang maagaw ng NU ang set, nanaig sila dahil sa kanilang 16 attacks and 3 service aces kontra sa sarili nilang 11 errors..
Set 3, 25-17, nakadikit ulit ang NU pero nakalayo ang Ateneo, nakuha ng Ateneo lahat ng stats..
Set 4, 25-19, nakadikit ulit ang NU, pero muli ring nakaagwat ang Ateneo...

3-1, panalo ang Ateneo..
hindi man nakabawi sa kanila ang NU, pero muli naman silang nakuhanan ng mga ito ng 1 set..
at nakakatuwa na mula Set 2 eh madalas nilang nadidikitan ang Ateneo...

Player of the Game si Samonte with 13 points from 10 attacks, 1 kill block, and 2 service aces..
Tolentino also with 13 points..
Madayag with 12 points na may 5 kill blocks..
BDL and Gaston with 10 points each..
Wong with 33 excellent sets..
para naman sa NU..
Robles and Lacsina scored 13 points each..
Nierva with 30 excellent receptions and 26 digs...

is feeling , walang nakakagulat.. pero nice game at experience para sa NU...

---o0o---


April 10, 2019...

FEU versus NU

si Chavez ang magandang example kung gaano dapat maging ka-consistent ang isang Setter..
from Libero tapos biglang Setter, eh hindi naman siya kasing dalas na matawagan ng violation di gaya nina Igao at Yandoc...

Set 1, 25-21, ibinalik sa Open Hitter si Lacsina, naiwan pero nakadikit rin naman ang NU, kaso natalo sila dahil sa kanilang 11 errors..
Set 2, 25-19, naiwan ulit at late nang nakadikit ang NU, lumamang ang FEU sa kanilang 14 attacks kontra sa sarili nilang 12 errors..
Set 3, 25-22, hindi naman masyadong naiwanan ang NU...

3-0, panalo ang FEU..
first time nilang manalo sa isang 3-setter lang...

Player of the Game si Malabanan with 10 pure attack points..
Guino-o scored 11 points na may 10 attacks..
Negrito with 21 excellent sets, plus 5 points na may 3 kill blocks..
para naman sa NU..
Paran with 11 points..
Lacsina with 9 points..
kaso ay nagpakawala ang NU ng 29 errors in just 3 sets...


UST versus UP

malalaman na kung sino ba talaga ang mananaig sa 2 challenger...

Set 1, 25-21, balik na sa starter si Molde, nagpabalik rin si Dorog bilang Libero, kaso hindi naalagaan ng UP ang lead nila, lumamang ang UST sa kanilang 2 service aces plus 9 opponent errors..
Set 2, 25-12, si Bicar na ang Setter para sa UST, nakalayo sila nang husto, nakuha ng UST lahat ng stats..
Set 3, 26-24, si Sotomil na ang Setter para sa UP, dikitan ang laban, kaso nabaliktad pa rin ng UST ang resulta ng set...

3-0, panalo ang UST..
at hindi nga nakabawi laban sa kanila ang UP..
hindi kaagad na-activate ang opensa ni Molde..
hindi rin ganun kaganda ang laro ni EstraƱero..
at bumawas pa nga sa opensa si Dorog..
parang tanga lang na yung team na hindi magawang matalo ng La Salle, ay natatalo ng mga teams na hindi maka-domina laban sa La Salle...

Player of the Game si Rondina with 20 points na may 17 attacks..
may plus 15 digs and 8 excellent receptions din siya..
Laure scored 11 points..
Pacres with 9 points..
Galdones with 8 points..
nakagawa ang UST ng 41 attack points sa loob lamang ng 3 sets..
para naman sa UP..
Buitre scored 16 points na may 15 attacks..
Caloy with 10 points, plus 17 digs and 11 excellent receptions..
nalimitahan naman si Molde sa 5 points lamang...

mukhang nagkamali si Dorog na bumalik sa pagiging Libero..
kasi pwede din naman siyang dumepensa bilang attacker..
pero hindi siya makakatulong sa attack variations nila bilang isang Libero...

is feeling , mabilisan lang.. may pag-asa pa rin ang FEU, kaso hindi naman nila kaya ang La Salle.. mukhang mabibigo na naman sina Caloy sa paghahabol nila sa UAAP Championship...

-----o0o-----


April 7, 2019...

bias yung mensahe nung palabas kagabi tungkol sa Autism...

totoong hindi kasalanan na magkaroon ng Autism o maging related sa taong may Autism..
pero isa yung malaking responsibilidad...

bullsh*t yung nakakasira na ng mga mahahalagang gamit yung may Autism, pero igigiit mo pa rin na unawain ng ibang tao ang sitwasyon at paulit-ulit na lang na gumastos..
bullsh*t yung nakakasakit na ng kapwa yung may Autism, pero igigiit mo pa rin na unawain nila ang sitwasyon at tanggapin na lang yung pain..
may ilang key words naman kasi eh..
pagbabantay at guidance or regulation..
dahil bullsh*t yung isasakripisyo ninyo ang ibang normal na tao habang sila rin ay lumalaban sa battle for survival dito sa mundo...

parang tanga yung ipagyayabang mo na kesyo naiintindihan mo ang kaso ng Autism..
pero hindi mo naiintindihan yung pangangailangan ng ibang tao sa isang normal na buhay na walang mga non-sense na extra gastos at activities...

kung gusto ng luho - eh siguraduhing nako-cover muna lahat ng mga responsibilidad para sa pangangalaga ng may Autism..
mag-invest sa 24/7 na tagapag-bantay kung gusto ng oras para sa sarili..
pero kung hindi kaya - eh matuto namang isakripisyo ang mga pwedeng isakripisyo..
kung kinakailangan na limitahan yung nagagalawang environment, edi yun ang gawin...

is feeling , huwag gawing sacrificial pawns ang buhay ng ibang tao...


>
late na nakatapos sa general cleaning...

una..
naisip maglinis ng kutson ng higaan...

ikalawa..
yung unexpected..
bastos na mga butiki yan..
naging peste na rin..
ginawang CR yung loob ng cabinet ko na may action figures at mga drawing...

is feeling , ano bang klaseng kapalaran 'to...?


>
[Medical Condition]

mukhang hindi rin ako tatantanan nito... :(

i was continuously having blister-like growth sa paligid ng surgical scar ko..
hindi ko alam kung ano yun, basta medyo nakaumbok at yellowish yung center..
currently, nasa patatlo na ako..
yung unang 2, binutas ko at sadya kong pinagsugat, at saka ko ginamot ulit...

pero mas naaalarma ako ngayon dun sa naging makunat na part nung balat ko..
noong una eh flat lang naman siya..
kaso ngayong araw eh napansin ko na medyo pabilog na rin yung pagkaumbok niya..
at parang may malambot na mass siya sa loob...

is feeling , hindi ko kayang makipagsabayan sa lahat ng depektong natatanggap ko...

---o0o---


April 9, 2019...

[Business]

oo nga pala..
pati Magic Sarap eh tumaas na ulit ang presyo..
panibagong plus Php 0.50 na naman...

is feeling , paano pa kaya kapag puros pro-train na ang mga naupo sa trono...??

---o0o---


April 11, 2019...

siguro kasama rin talaga sa tadhana ko na hindi umabot sa 6 digits...? :(

babalik sa 60,000 bago pa matapos ang April..
pero makakaakyat naman ulit sa 70,000 sa May...

kung magta-time deposit ako..
0.75 to 1.50% lang ang kaya kong abutin na level sa bangko ko...

is feeling , pero ang totoong tanong.. eh pwede ba akong mag-time deposit sa kabila ng nabubulok kong katawan...??


>
[Online Marketing]

ayoko mang sabihin..
pero nakakainggit yung mga babae doon sa platform..
kailangan lang nilang maghubad..
maging natural kagaya kung paano sila inilabas sa mundong ito (unless artificially altered na sila)..
take pictures and videos..
at kikita na kaagad sila ng daan-daang dolyares...

is feeling , kapag pumalpak ako sa May.. hindi na ako makakawala mula sa kahirapan...

---o0o---


April 13, 2019...

[Online Marketing]

ready na rin sa paglalabas ng pera for May yung 1st store..
nagkasabay na naman nung 2nd store...
pero okay lang..
welcome na pumasok ang kahit na anong kita...

is feeling , Php 10,000,000.. para mabili ko na ang sarili kong buhay...


No comments:

Post a Comment