Friday, April 26, 2019

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Full Week of April 2019 (Relist)

Loveless Story


April 21, 2019...

sa ngayon..
gusto ko lang na makasama ulit ang espesyal na taong iyon..
yung babaeng iyon kung kanino ako safe, at alam kong hindi ako mahuhulog..
pero yung kayang i-mimic yung bagay na parang katulad ng pagmamahal...

is feeling , greed.. ang isa sa mga lason ng pagiging tao...

---o0o---


April 22, 2019...

after almost a month..
kin-ontact na niya ulit ako..
hindi ko alam kung sinadya ba niya o ano..?
pero 2 magkasunod na messages yun..
sabihan ko daw siya kapag may libreng oras ako...

para ano..?
nag-reply ako pero hindi naman siya nagpaliwanag kung bakit...

is feeling , ano na naman kayang pumasok sa isip nung isang yun...??

---o0o---


April 24, 2019...

mukhang alam ko na kung anong dahilan at bigla siyang nagparamdam noong isang araw..
bumalik na naman pala siya..
naudlot ko lang yata talaga yung orihinal na plano niya...

mukhang wala talagang totoo sa kanyang mga sinasabi...

is feeling , mas mataba rin siya ngayon...

---o0o---


April 25, 2019...

[Strange Dream]

na naman...?

nangyari siya at the same unfamiliar location na nakita ko rin sa nakaraang panaginip ko...

i was in a bed, with her..
nakabalot siya ng kumot..
ang dating eh tipong katatapos lang namin ng isang round..
she was staring at me, gamit yung napakaganda niyang mukha, gaya ng madalas niyang gawin the first time we met...
ewan..
parang i tried to kiss her..
pero pinagbawalan niya ako, hindi daw pwede..
sabay adjust ng parang dental retainer sa loob ng bibig niya..
pero wala naman siyang ganun sa totoong buhay...

parang nagtampo daw ako, dahil hindi ako napagbigyan..
kaya nagpaakyat ako ng 2 pang babae doon sa room na iyon..
for some reason, 1 of them eh 2 totoong character ang pino-portray..
yung isa eh bilang elementary at college campus-mate ko, yung ikalawa naman eh bilang pinsan ko yung idea (though mukhang pamangkin ko siya sa totoong buhay)..
the other girl eh hindi ko namukhaan, at naupo lang siya nang paluhod sa ibabaw ng kama...

pinalapit ko yung isang pamilyar sa akin..
nahiga ako, at hiniling ko na yakapin niya ako nang padapa siya..
aw, blood relative, tapos ganun...??

dahil dun eh parang nag-react naman si Miss C..
nagbihis na siya..
bumaba ng hagdan..
at umalis sa lugar na iyon suot yung brown na parang basket na high heels niya mula sa huli naming pagtatagpo..
parang sinubukan ko pa daw mag-explain bago siya tuluyang makaalis..
pero may 2 pang unfamiliar na matanda na humadlang sa akin at sinita ang nagawa ko...

paglabas ko ay nakita ko na may kasunod pang alalay si Miss C..
parang driver na naka-blue uniform..
tapos ay may dalang water jag...

anyway..
this time eh nakahabol naman daw ako kay Miss C..
mula sa kanyang likuran, eh iniharap ko ang kanyang katawan towards me..
sabay yakap ko sa kanya nang mahigpit at nag-sorry habang umiiyak..
i'm not sure kung ipinaliwanag ko pa ba na pinsan ko yung babae kanina o hindi na lang...

after that eh na-extend pa yung eksena sa outdoor setting..
may mga kakilala daw ako na mga lalaki na nilapitan ko pa..
tapos ay nagpaliwanag daw ako tungkol dun sa nangyari...

is feeling , yung mukhang iyon.. hindi ko matandaan nang husto, pero hindi ko rin makalimutan...

-----o0o-----


[V-League]


UAAP Season 81 Women's Volleyball - Eliminations (Round 2)


April 24, 2019...

labanan ng mga llamado kontra dehado...


DLSU versus UE

wala si Mendrez para sa UE...

Set 1, 25-17, dikitan naman kaso naiwanan ang UE paglampas ng second technical time-out, nakuha ng La Salle lahat ng stats..
Set 2, 25-16, natambakan ang UE, nagkaroon tuloy ng oras ang bench ng La Salle, inilamang nila ang kanilang 16 attacks..
Set 3, 25-19, medyo close fight, pero nagamitan pa rin ng bench ng La Salle...

3-0, panalo ang La Salle..
as expected, hindi nakabawi laban sa kanila ang UE...

Player of the Game si Ogunsanya with 10 points from 8 attacks, 1 kill block, and 1 service ace..
Dela Cruz with 10 points, plus 10 digs and 6 excellent receptions..
Tiamzon with 9 points..
Cheng with 8 points..
para naman sa UE..
Abil with 16 pure attack points, plus 10 digs and a massive 20 excellent receptions in just 3 sets..
Rodriguez with 7 points...


ADMU versus AdU

Set 1, 25-16, Tolentino-mode ang Ateneo, inilamang nila ang kanilang 16 attacks..
Set 2, 28-26, dikitan, halos nakalaro lahat ng regular players ng Adamson, ang galing nung labanang Perez at Madayag sa blocking, hindi naman masyadong nagkalayo ang stats..
Set 3, 25-17, nakagawa pa rin ng mga substitutions ang Ateneo...

3-0, panalo ang Ateneo..
hindi rin nakabawi laban sa kanila ang Adamson...

Player of the Game si Tolentino with 17 points from 12 attacks and 5 kill blocks..
Madayag with 13 points from 9 attacks, 3 kill blocks, and 1 service ace..
Gaston with 9 points..
para naman sa Adamson..
Flora scored 9 points, plus some massive 25 digs and 18 excellent receptions in just 3 sets..
Permentilla also with 9 points...

ang dapat matutunan ng Ateneo - ay ang labanan lang ang physical na team ng La Salle at hindi ang konsepto na kesyo hindi pa nila natatalo ni minsan ang La Salle matapos ang era ni Morado...

is feeling , as expected.. pero magaling yung ginawa ng Adamson sa Set 2 nila...

-----o0o-----


April 22, 2019...

ang pagpapahalaga sa mga materyal na bagay ang isa sa mga dahilan kung bakit nagagalit ang mga tao minsan...

ang paghahangad ng security para sa mga bagay na may halaga..
pwedeng pagpapahalaga sa pera na katumbas ng basic needs sa kasalukuyang panahon..
pagpapahalaga sa mga gamit na may purpose..
pagpapahalaga sa mga bagay na may monetary value..
o pagpapahalaga sa mga bagay na may sentimental value...

is feeling , isa pa rin sa mga kahinaan ng pagiging tao...


>
[Manga Theory]

One Piece Theory #1

so far, sa tantsa ko ay si Jinbe pa lang ang posibleng mamatay sa Straw Hat Crew..
base na rin sa dating revelation ni Oda na may isa ngang mamamatay sa kanila sa bandang huli...

hindi pwedeng si Nami, dahil hindi pa niya naiguguhit ang mapa ng buong mundo..
hindi pwedeng si Robin, dahil hindi pa niya nababasa lahat ng mga Poneglyph sa lahat ng sulok ng mundo, at tsaka nag-iisa na lang siya sa lahi nila..
hindi pwedeng si Brook, dahil kailangan pa niyang ma-meet ulit si Laboon..
hindi rin pwedeng sina Sanji, Chopper, at Franky, dahil naman sa kani-kanilang specializations para sa grupo (kagaya rin ng naunang 3)...

although pwede din namang mamatay sina Luffy, Zoro, at Usopp..
si Jinbe lang ang pinaka-pwedeng mamatay, since ang goal lang niya ay ang masuportahan si Luffy na maging Pirate King...

is feeling , #1...


>
[Manga Theory]

One Piece Theory #2 & #3

kung totoo na nalagyan nga ni Ryuma ng built-in Haki ang Shusui (ganun din si Mihawk para sa kanyang Kokuto Yoru)..
sa tingin ko ay posibleng pakawalan na nga ni Zoro yung katana, at ibalik na lang bilang kayamanan ng Wano Country..
sa tingin ko mas gugustuhin niya na makagawa ng black blade gamit ang sarili niyang Haki..
at posibleng iyon ang maging papel ng Nidai Kitetsu - ang pumalit sa Shusui...

at kung makukuha nga niya ang Nidai Kitetsu..
sa tingin ko ay magkakaroon din ng posibilidad na magkaroon si Zoro ng 4 na katana (pero 3 at a time pa rin ang paggamit)..
makukumpleto niya ang 3 cursed swords, ang Shodai Kitetsu ang pinakahuli (na mukhang nasa kamay ngayon ng isa sa mga Gorosei )..
at siguro may special ability na maa-unlock kapag napagsama-sama ang 3 generation ng cursed Kitetsu swords...

is feeling , #2


>
[Online Marketing]

may dumating na ulit na backup fund mula sa Singapore...

hindi kalakihan..
hindi madalas..
pero naisip ko na kung titiyagain ko yun..
eh pwedeng yun na lang ang ipambayad ko sa mga obligasyon ko, eventually...

is feeling , perang katumbas ng ilang oras sa bawat araw...

---o0o---


April 24, 2019...

panibagong dagdag stress bilang isang tao... :(

yung Autistic..
kasama na ngayon sa mga pinakikialaman yung power cord ng computer system ko..
meron kasi siyang gamit nila (lalagyan ng mga laruan) na naisipan niyang isuksok malapit sa outlet na ginagamit ko..
iyon ang kaisa-isa na lang na outlet na posible kong magamit..
hanggang sa naging routine na nga niya iyon..
at recently ay maging yung power cord ko nga eh pinakikialaman na rin niya...

nakakasakit lang ng ulo kung paano ako sinasabihan ng mga tao dito sa mala-impiyernong bahay na 'to na kesyo maselan daw ako... :(

hindi pa bayad ang computer ko..
hindi pa bayad yung UPS ko..
ilang beses nang sumasalo ang UPS ko ng mga brownout at unstable na supply ng kuryente..
eh sa yung computer ko ang source of income ko eh..
tapos sasabihan nila ako na maselan ako...??

samantalang yung paboritong anak..
kailan nila sinita sa mga gastos..?
2 magkasunod na laptop, Php 30,000 pa yung pang-games..
3 magkakasunod na bigay na mamahalin na smartphone..
more than Php 50,000 na gastos para sa pagre-review sa board exam..
yung mga gagastusin pa sa pag-aasikaso ng lisensya..
at may panibago na naman na ipinangutang na Php 7,000 worth na smartphone...

tapos ako pa itong masama dahil pinoprotektahan ko ang kabuhayan ko na ipinangutang ko pa sa mga taong ni hindi ko nga kapamilya..??? :(
para ano..?
para lang masunod lahat ng luho ng may Autism na gawing playground itong bahay...??

is feeling , paulit-ulit na itinatanong ng pagkatao ko kung bakit hindi ako nagkaroon ng ganung kagalante na pamilya pagdating sa akin...


>
simple math...

kaya mong gumastos ng nasa Php 10,000 a month para sa iisang tao lang na lagpas na sa taon ng pag-aaral niya..
tapos sasabihin sa akin na baon kami sa utang na loob dahil sa more than Php 4,000 a month na kinikita niya sa pagyayaya, pagiging cook, pagiging labandera, pagiging katulong, at hindi madalas na pagtulog nang maayos sa gabi...?

is feeling , eh mas gusto ko na yung mas malaki ang kita na hindi rin buhay alipin...

---o0o---


April 25, 2019...

[Medical Condition]

may kung ano na namang tumubo sa katawan ko... :(

hindi ko alam kung ano..
pero yellowish blisters na dikit-dikit, na makati..
i have multiple affected areas, though 1 spot pa lang yung umabot sa blister level..
so base sa appearance, eh parang Herpes Zoster..
the same virus na dinala noon nung matandang lalaki dito sa bahay..
na kumalat pa sa 3 tao bilang Chichenpox version, kadamay na ako...

hindi pa naman sigurado..
ayoko nang gumastos pa ng pera just to get an opinion..
ang unang suspect, yung massager na ginamit nung matandang lalaki na sinubukan ko sa affected kong braso..
ang ikalawang suspect, yung mga nagpatakan sa akin na kung anu-ano habang nangunguha ako ng libreng hilaw na mangga...

is feeling , i can never be normal.. period...


>
[Piracy]

may na-leak na digital version ng Avengers - Endgame..
base sa screenshot nung Filipino user eh malabo yung kuha..
so malamang na kagaya yun ng trick na ginagawa dito sa bansa (though posibleng hindi naman dito yung source)..
sobrang bastos naman nun...

basically, hindi naprotektahan yung movie sa mga bansa kung saan ito unang ipinalabas.. :(
considering na 2nd day pa lang...

as for me..
ilang buwan pa bago ko mapanood yung movie..
maghihintay pa ng Blu-ray release..
pero nabasa ko na yung summary... XD

is feeling , sana maprotektahan yung movie.. kailangan ng USD 3 Billion para matalo na ang Avatar...

---o0o---


April 26, 2019...

halimbawa..
kung may kakilala kang lalaki na nagpa-apid kapalit ng babae at pera..
tapos eh tumigil naman siya sa pambababae kapalit naman ng araw-araw na pagtustos sa kanyang buhay..
pero basically, eh wala pa rin naman siyang silbi sa pamilya niya..
as in dependent lang para sa battle for survival...

kung isa ka ring lalaki..
na nakagawa ng kaparehong kasalanan laban sa pamilya mo, pero kapalit lang ng katawan ng babae..
at sa kabaliktaran, eh may matino ka namang trabaho...

sa ganun bang sitwasyon eh magiging convincing pa para sa'yo yung mga pangangaral at pagmamagaling nung lalaking nagkasala na eh wala pang kasilbi-silbi sa buhay...??

is feeling , anong gusto niyang palabasin..? na mas matalino siya..? na kesyo nambabae na siya, pero siya pa itong tinutustusan hanggang sa ngayon...??


No comments:

Post a Comment