i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...
simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...
patong-patong at combo-combo na mga paraan ng panggagatas..
12% VAT na patong sa pagbili ng halos lahat ng klase ng mga produkto at serbisyo..
20% na ipinataw na gatas sa pagtaya sa pang-charity naman at escape route sana na lottery..
20% na igagatas sa kahit na anong malalaking papremyo na makukuha mula sa lottery...
pamasahe sa jeep na gustong pataasin ng 50% mula sa dating nang Php 8.00..
ang kagustuhan na gawin ng 15% ng kita ang mapupunta sa SSS mula sa dating 11%..
ang kagustuhan na itaas ng 50% ang pinakamababang kontribusyon para sa PhilHealth...
basta ang gusto nila, mas mataas parati kumpara sa mga simbahan ang makukuha nilang porsyento mula sa mga tao... :(
---o0o---
October 12, 2018...
Listahan ng mga dapat kong iwasan na dagdagan ang tally:
- Cosplayer - dahil sa mga unresolved na kaso ng mga nawawalang gatas sa panahon nila, at dahil sa pagko-Cosplay
- Dictator's Daughter - dahil wala pang pinagbabayaran ang angkan nila, dahil sa pagkain ng galing sa nakaw, dahil sa pagiging historical revisionist, at dahil na rin sa mga kasalukuyang katiwalian niya
- Sarah ang Matabang Prinsesa - dahil sa manipulasyon ng malaking bahagi ng isang independent kuno na Branch
- Kape - dahil sa pagiging promotor ng mga FAKE news, pag-abuso sa kanyang posisyon, at kawalan ng delikadesa
- MRT Man - dahil sa kawalan ng prinsipyo para lang makasipsip ng kapangyarihan
- Patilya - dahil sa paggamit sa kanyang pangalan at propesyon para lang ipagtanggol ang mali, at dahil protektor siya ng mga sikat na illegal drug users
- Playgirls' Client - dahil sa pagpapauso ng Balik-Nakaw technique
- Proceed - dahil sa premature technique
confirmed runners:
- Long-Haired DOM - dahil sa pagiging Panatikong Zombie, at sa paghahangad na makiayon na lang sa mga kagustuhan nung idol niya
- Kalbo - dahil sa pagiging tuta, sa inaccurate na mga patayan, at sa paghahangad na makiayon na rin lang sa mga kagustuhan nung amo niya
- Monarch - dahil kasabwat siya ng Dictator Clan, isa ring historical revisionist
- Meme Queen - dahil sa pagkain ng galing sa nakaw
is feeling , day 2 guide...
-----o0o-----
lumampas na sa 500 ang bilang eh, kaya mag-i-start na lang ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
update ulit (503 + 69 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
- yung nagluklok ng tao sa isang mahalagang branch, sa kabila ng kawalan ng kakayahan ng tao na iyon na sumunod sa sarili nilang mga patakaran
- yung nagtuturo ng iba, maging yung hindi nila maidawit dun sa kaso, habang ipinagtatanggol naman yung ibang nalusutan DAW ng supply ng ilegal na droga
- yung idolo noon si Hitler, pero noong nagpunta sa Israel eh ginamit pa yung alaala ng Holocaust para magkunwari na mabuti sila
- yung inuna pa ang mga armas kesa sa isipin ang tungkol sa isyu ng kahirapan sa bayan
- yung gustong bawiin yung amnesty na ibinigay noon sa isang taong lumaban sa tiwaling gobyerno, na ang sinisilip na butas ay yung pinagdaanan na proseso
- yung umamin siya na meron nga at kasalanan niya ang pagkakaroon ng extrajudicial killings
- yung nagagawa pa nilang magbakasyon sa ibang bansa sa gitna ng bagsak na ekonomiya ng bayan at sa kabila ng pagtanggi nila na tumulong sa pamamagitan ng pagpapagaan muna sa bagong sistema ng pagbubuwis
are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan:
- sa Navotas, yung pulis at ang kasama niyang naka-AWOL na pulis, na inireklamo dahil sa pananakit
- sa Bacoor, Cavite, yung number 1 na SK Kagawad na nakunan ng video at hinuli dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga
- sa Naic, Cavite, yung dating pulis at ang karelasyon niya na active jail guard na nahuli sa buy-bust operation
- yung 4 na pulis ang suspek ng PDEA, na posible daw na nakipagsabwatan para maipuslit yung nawawalang nasa Php 6.8 Billion na ilegal na droga na isinilid sa mga magnetic lifters
- sa Balete, Batangas, yung dating Konsehal ng bayan ng Balete na nahulihan ng hindi lisensyadong baril
- sa Mabini, Batangas, yung Barangay Chairman na inaresto dahil sa pagtatago ng hindi lisensyadong M16 at mga bala
- yung dating kaso sa Cebu, yung lumabas sa imbestigasyon ng NBI na baril nga ng pulis yung nakatama dun sa bata na nadamay lang sa anti-illegal drugs operation
- sa Pangasinan, yung 17 y/o na binatilyo na player ng DOTA na sasali lang daw sa tournament sa Baguio na napatay DAW ng mga pulis sa engkwentro
- sa Bocaue, Bulacan, yung hepe ng mga pulis na hinuli dahil sa pangingikil daw at sa paggamit ng mga sasakyan ng mga nahuhuli nilang mga drug suspect
- yung pulis na miyembro ng HPG na hinuli dahil sa pangingikil laban sa mga service vehicle ng isang call center company
- sa Quezon City, yung may 3 nahuli mula doon sa grupo na responsable daw sa serye ng mga panghoholdap sa mga e-games at bingo establishments, isa sa mga nahuli ay kasalukuyang Barangay Kagawad ng Maynila, tapos ay dating pulis daw ang leader nung grupo
- sa Tagaytay City, yung 5 naaresto dahil sa pagbebenta ng ekta-ektaryang lupa na may mga pekeng titulo, na ang lider ay dating empleyado ng DENR
- yung airport security screener, yung hinalungkat ang bag at pinagnakawan ang isang pasaherong Taiwanese
- yung mga ghost employee daw sa Makati na tao ng Konsehal
are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
- (none as of the moment)
heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
- yung mga batas na pro-pets and pro-pet owners na mga asal peste naman
- yung paglaganap ng mga batang palaboy na lantarang umaatake ng mga pasahero sa mga pampublikong jeepney
- yung 2 MMDA Enforcer na magkaangkas sa motor na nasita ng ordinaryong motorista, yung blinker ang ginagamit na ilaw at hindi pa nakasuot ng tamang helmet
- sa Tagaytay City, yung firing range sa kampo daw ng Cavite Police kung saan may mga umaabot na slug ng bala sa isang subdivision sa hindi kalayuan
- yung panibagong surprise inspection na isinagawa ng NCRPO, kung saan may mga nahuli na naman na nakainom at natutulog na pulis habang nasa duty
- yung palpak pala yung mga police escort nung mga PDEA agent and company na natambangan sa Lanao del Sur
- yung Representative na hindi sumunod sa security procedure sa NAIA
- yung babaeng Representative na inirereklamo dahil DAW sa pagpapasagawa ng Gluta-drip session sa mismong opisina niya
- yung pati naman mga bagay na hindi na dapat pinakikialaman pa dahil sa historical value eh talagang gusto pang pag-aksayahan ng panahon para lang masabi na nagtatrabaho sila
- yung gustong sirain ng Bureau of Customs yung nasa Php 12,000,000 worth daw ng smuggled na mga sibuyas na nasabat nila sa halip na mapakinabangan ng mga mamamayan
- yung nasa Php 120 Million daw na halaga ng nasabat na smuggled na bigas na nasa poder na ng BOC sa Zamboanga, pero talagang nawala pa
- yung may shortage na rin daw sa supply ng siling labuyo
- sa Laguna, yung tone-toneladang mga kamatis na nasayang lang dahil hindi maibenta
- yung hindi rin naman napababa ang presyuhan ng kamatis sa kabila ng labis-labis na supply nito dahil sa manipulasyon ng ibang supplier
- yung reklamo na ipinarating sa Ombudsman, yung ipinambayad pala ng NFA sa utang yung pondo na nakalaan para sa pagbili ng bigas mula sa mga lokal na magsasaka
- yung walang sumasagot sa mga tawag sa isang opisina ng SSS kahit na office hours pa naman
- yung kagustuhan ng SSS na damay-damay ang mga miyembro sa pagsalo ng mga magiging dagdag na gastusin dulot ng pagpapalawig sa Maternity Leave and Benefits
- ang kagustuhan ng SSS na gawin ng 15% ang porsyento nila sa kita ng mga tao para daw masalo ang kakulangan sa pondo ng ahensya nila
- yung gustong taasan ng PhilHealth ang contribution ng mga members para lang masalo ang Universal Health Care Bill, 50% na pagtataas ang gusto nila para sa pinakamababang rate ng contribution
- yung babaeng mastermind daw sa ibang kaso, na c-in-laim kaagad nila na may kinalaman daw sa mga rebelde, tapos eh binawi rin yung paratang, kesyo wala daw pala silang sapat na ebidensya
- yung dagsa kaagad sa Senado yung mga tuta at bobong mga pulis na sabik na mang-aresto ng Senador kahit na wala namang warrant
- yung may pruweba naman na posible ngang may nagmamasid sa bahay ng isang Senador, pero kini-claim na kaagad ng mga nasa itaas na kesyo paranoid lang yung tao kahit na wala naman silang ginagawang imbestigasyon
- yung namamanipula ang mga records o documents sa mga base
- yung applicable yung seniority rule kahit na para sa mga taong gumagawa ng mali at hindi patas
- yung inabsuwelto na ng Supreme Court ang asawa ng Diktador, sa kabila ng presence ng nakaw na yaman
- yung inamin ng pinuno na ang Solicitor General ang trumabaho sa kaso ng Senador na dating nasangkot sa mutiny, pero iisang tao lang ang kanilang pinuntirya
- yung hindi naman hinahabol ng Solicitor General yung mga sundalo at miyembro ng Philippine Constabulary na umabuso sa panahon ng Martial Law
- yung premature campaigning na gumagamit ng term na "gusto namin ang boses mo sa ....."
- yung Representative na nagbanta na hindi magri-release ng PRC license sa mga hindi nakakakilala sa kaibigan niyang premature campaigner
- yung 2 nasa katungkulan na pinagtatakpan ang medical condition ng pinuno ng bansa, tapos saka nila sasabihin na hindi nila alam ang totoong nangyari kapag lumabas na ang totoo
- yung hindi na alam ng Spokesperson ang pinaggagagawa ng pinaglilingkuran niya at may mga pagkakataon na mali-mali na ang kanyang mga pinagsasasabi sa publiko
- yung may kalayaan yung isang government official na mag-post sa kanyang fake blog kahit na during office hours
- yung binastos na rin ng isang government official at ng kanyang kaibigan ang mga PWD para lang i-promote ang gusto nilang anyo ng pamahalaan
at may kaso na iba-iba ang kategorya:
- yung mga taong ang kakapal ng mukha na magsabi ng "i feel you" patungkol sa krisis na hinaharap ngayon ng bayan, pero patuloy naman ang pagsuporta sa mga palpak at tiwaling mga pinuno
- yung pagiging bias ng maraming tao sa pagsagot sa mga survey lalo na yung mga taga-Southern Island
- yung gustong gawin na Php 10 ang minimum na pamasahe sa jeep, at hindi na pasok dito yung kapritsosong modernization plan
- yung gusto nang paabutin ng ibang transport group sa Php 12 ang minimum na pamasahe sa jeep
- yung may gang war na rin sa [Name of City], malapit pa sa mismong munisipyo
- sa Caloocan, yung tila tino-tolerate na ng maraming tao ang patayan, at talagang may mga tao pa na nagchi-cheer para mangyari ito
- yung tila statistical defense na ginagamit ng ibang mga tao para bigyan ng katuwiran ang nangyayari ngayon sa ekonomiya ng bayan, sa kabila nang presensya ng mga totoong ebidensya
- yung negative impact ng Climate Change sa agrikultura ng buong bansa
- yung pakikipag-agawan ng maraming non-mass transport vehicle sa supply ng limitadong petroleum products
- yung pinakamataas daw ang bilang ng mga insidente ng rape sa Safest City
- yung parati na lang kini-claim ng pamahalaan na kesyo nahahaluan ng mga rebelde ang mga protesta laban sa palpak na pamumuno nila
- yung pagiging balimbing ni MRT Man, na kaalyado na ngayon ng kaalyado ng mga dating magnanakaw at abusado sa katungkulan
- yung may mga artista na gumagamit ng pangalan nila para sa demolisyon, para sa kapakanan ng kaalyado nila sa pulitika
- yung may bagong version na naman ng Dictator's Law history yung balimbing na tuta ng dating Diktador
- yung mang-aagaw na nga ng mga teritoryo ang Bestfriend Empire, tapos eh mang-aagaw pa ng mga trabaho yung mga mamamayan nila
-----o0o-----
October 7, 2018...
yung palpak pala yung mga police escort nung mga PDEA agent and company na natambangan sa Lanao del Sur...
iniwanan (dinistansyahan) na nga daw nila ang ini-escort-an nila..
tapos hindi pa angkop para sa long range na barilan yung mga dala nilang baril noon...
is feeling , something's fishy...
---o0o---
October 8, 2018...
hala!
wala na talagang alam si MRT Man..
puros kuwento na lang..
tapos lagi namang ipinapahiya ng pinaglilingkuran niyang Hokage na Mahilig...
bakasyon na muna...
is feeling , nagtampo na.. nagkamali ng nabalimbingan eh...
>
sa Laguna..
yung tone-toneladang mga kamatis na nasayang lang dahil hindi maibenta...
sayang naman..
wala man lang tumulong..
ini-export na lang sana..
o di kaya eh ginawang produkto na may preservatives..
kesa naman nasayang na lang talaga, at naging fertilizer na lang...
is feeling , minsan na nga lang lumakas sa agrikultura - nangamatis pa...
>
eh yung nagpapakasaya sila sa ibang bansa habang bagsak ang ekonomiya..
at habang may mga request ang mga naghihirap na hinding-hindi naman napagbibigyan... :(
sa bagay..
libre naman yata yung perang ginamit nila dun..
limpak-limpak nga ang pang-premature campaign eh..
yun pa kayang pang-bakasyon...
is feeling , buti pa sila, hindi nasapul ng lumalalang kahirapan...
---o0o---
October 9, 2018...
sinabi naman kasi eh..
hindi yun gagawin nang harapan sa publiko kahit na pahiyang-pahiya na sila...
anyway..
may plano nga si Kape na makipinuno rin sa bayan..
maalin sa Chunin o Jonin..
leche, matapos yung FAKE sacrifice niya kuno para sa opisina nila, eh bayan naman ang isasakripisyo niya sa pamamagitan nang pakikisawsaw sa kapangyarihan...
is feeling , ayos yan.. live show sa mga kampanya.. libre ang happy ending...
---o0o---
October 10, 2018...
yung labis-labis ang supply ng kamatis..
ipinagtatapon pa nga yung marami..
pero halos hindi naman bumababa ang presyuhan nito sa mga pamilihan...
is feeling , ang lalakas ng mga cartel sa panahon ngayon...
>
mayayabang lang magsalita ang mga tao tungkol sa inflation kapag sapat o sobra yung kinikita nila kumpara sa mga gastusin nila..
na para bang ordinaryong klase lang ng inflation ang nagaganap ngayon..
mga gunggong, combo attack yung nangyayari ngayon..
ganun yata talaga kayabang ang ibang tao hangga't hindi pa nakararanas na mag-skip ng important meal...
puros pang-ekonomista ang approach..
pero ni minsan wala pa akong nabasa na may matinong paliwanag tungkol sa:
- paanong may mga nakakapagmanipula pa rin sa presyo ng ibang mga produkto sa panahon ng change..?
- bakit kailangan na napakaraming klase ng gatas ang kunin sa ibang produkto, lalo na para sa basic need na petrolyo..?
- bakit masyadong umaasa sa value ng dollar ang supply ng tubig ng maraming mamamayan, samantalang hindi naman ganun sa ibang mga probinsiya..?
- bakit para sa charity na nga ang purpose ng lotto, pero kailangang patawan pa ng documentary stamp tax, pero kailangan pa ring buwisan ng 20% ang anumang malakihang mapapanalunan..?
- bakit pinagsabay-sabay ang mga projects na kailangang umasa sa malakihang importation..?
- after mabuo ang mga projects, anong kasiguraduhan na ibabalik sa dati ang antas ng panggagatas..?
- after mabuo ang mga projects, anong kasiguraduhan na lalakas ang ekonomiya gayong hindi naman properly distributed ang mga projects..?
may domino effect, mga gunggong..
para kayong nakatira sa mundo ng fairy tale sa pagyayabang ninyo...
gusto nyo palang sumuporta sa pamunuan eh..
edi 100% na ang ibigay ninyong gatas..
tapos saka kayo magyabang...
is feeling , sa rate pa lang ng gatasan, eh non-sense na ang mga paliwanag ninyo eh...
>
patay na sa SSS..
ang hirap na nga ng buhay ngayon, tapos gusto pa nilang lakihan ang porsyento nila sa kita ng mga tao..
hanggang 15% daw..
siguro nga babalik rin yun eventually sa mga members (yun ay kung hindi malulugi ang SSS), pero kasi mas importante pa rin yung pang-araw-araw na gastusin eh...
ang tatanga na naman ng mga Jonin at Chunin..
sa mga active members na naman ipapasalo ang benefits ng mga kumukubra na..
mga active members na naman ang magpupuno sa kakulangan sa pondo...
sa totoo lang nakakatakot pakinggan mula sa kanila yung "kakulangan sa pondo"..
parang ibig sabihin kasi eh mauubos talaga yung pera sa mga kamay nila bago pa maibalik ang benefits sa lahat ng mga naghulog...
is feeling , nagkamali yata talaga ako na pumasok pa ako sa SSS...
---o0o---
October 11, 2018...
sa mga survey..
yung kapag realidad ng buhay ang pinag-uusapan eh parang katitino naman ng mga sagot..
kumbaga eh nakikiayon naman sa totoong sitwasyon...
pero sa tuwing may pinag-uusapan ng may apelyido..
eh akala mo na ang itinatanong sa survey ay sino ang idol mo..?
ano ba yun, bias na talaga nila..?
o natatakot sila na baka may resbak sa kanila yung pagsagot sa survey..?
mga gunggong, eh promotor ng pagpapahirap yung sinasang-ayunan nila eh...
pero ang talagang panggulo ay yung mga nasa Southern Island...
is feeling , basta ako, hindi pa ako kailanman nadaanan ng mga survey na yan...
>
mga siraulong Chunin..
bakit hindi pa ninyo diretsahin..?
ipanukala na ninyo na si Bobong Diktador lang ang dapat pumalit in case na may mangyaring masama (sana) sa Hokage na Mahilig...
is feeling , mga simplehang galawan ninyo...
>
tsk!
sayang yung lindol na yun ah..
wala ring Tsunami...
hindi ba pwedeng pa-request..?
yung parang mala-milagro ang dating..
yung tipong special Tsunami na mga piling tao lang ang mamamatay..?
yung tipong hindi damay ang mga inosenteng mamamayan ng Indonesia...
is feeling , next time.. bingo na dapat...
---o0o---
October 12, 2018...
yung mga ghost employee daw sa Makati..
yung ginagamit daw ng konsehal...
ang kalakaran daw..?
may mga totoong tao na naka-register bilang employee..
kinontrata sila para maging employee kuno..
yung suweldo para dun sa item nung ghost employee ay hinahati sa pagitan nung kubrador at nung poser na employee..
siyempre mas malaki ang porsyento nung kubrador, nasa Php 2,000 naman daw yung napupunta dun sa poser..
at dahil peke naman ang setup, na pangalan lang ang parang inuupahan, eh hindi obligado yung poser na magtrabaho sa munisipyo...
is feeling , ganun din yung sistemang ginagamit sa 4Ps nung mga may kapangyarihan na maglista ng mga pangalan ng mga beneficiaries...
>
yung balak ring taasan ang kontribusyon sa PhilHealth para masagot ang gastusin ng mga freeloaders..
dahil sa pesteng Universal Health Care Bill...
putang ina..
yung Php 200 magiging Php 300 na..
at kasabay pa nun yung pagtatakaw din ng SSS... :(
mga hinayupak kayong mga walang alam kundi mag-mismanage ng pera ng mga members...
is feeling , ang sakit na ng ulo ko.. ngayon pa talagang napeste na ako ng Piracy...
No comments:
Post a Comment