Friday, May 11, 2018

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of May 2018 (2:00 PM)

[V-League]


PVL Season 2 - Reinforced Conference (Round 1)


May 6, 2018...

medyo maganda ang system ngayon..
though mas maganda pa rin at mas matagal ang Double Round-Robin..
Single Round-Robin with 8 teams muna, tapos pasok na yung top 2 teams sa Semifinals..
reset ang ranking for the remaining 6 teams, tapos Single Round-Robin ulit para ma-determine naman ang 3rd at 4th seed..
Best of 3 ang Semifinals at Finals...


PayMaya versus Fighting Warays

team pala ng BaliPure yung latest na nagwatak-watak, as in sila ulit (since noong time nina Baldo)..
ilan nga sa kanila, kasama na rin ang Coach eh napunta sa PayMaya..
for now, ang observation ko ay malakas na import si Rountree...

sa Warays naman..
mukhang mas pumayat pa ngayon si Shola (can't wait sa Galanza versus Shola match)..
kaso hindi masyadong matunog sa court yung pangalan nung replacement Thai import na si Sangpan..
sayang at hindi na nila nakuha ang reliable na si Thipachot...

mabilis lang na natapos yung match, maliban sa Set 2..
3-0..
panalo ang PayMaya...


Creamline versus Angels

halos babad sa laro si Gumabao, at dahil galing siya sa pageant, eh mas maganda ngayon ang form niya..
mukhang mas lumakas pa ngayon si Kaewpin; kung hindi baon ang palo, eh maalin sa off the block o pasok na deflect..
at ang kulit-kulit na niya sa court..
tuwang-tuwa siya noong na-block niya si Trach sa Set 1..
natapos ang Set 1, 25-18...

mas malakas naman ngayon ang palo ni Sato sa tulong ni Morado, combination na ng lakas at bilis, kasi kahit import eh hindi basta masalo yung palo..
wala namang #8 sa Creamline, pero #15 ang gamit na numero ngayon ni Galanza..
natapos ang Set 2, 25-16...

for now, maganda ang offense laban sa mga block at floor defense na ipinakita ng Creamline laban sa team na may imports..
lahat rin ng attackers ni Morado eh nagawang makapuntos..
nasa 3 points yung napanood ko na naipuntos ni Galanza sa Set 3..
natapos ang Set 3, 25-13...

3-0..
panalo ang Creamline..
at Player of the Game si Kaewpin..
as for Asceric, Middle Blocker kasi siya, hindi masyadong maatake, pero mukhang reliable naman...

parehas naman na malakas pumalo sina Trach at Kullerkann..
kaso kapansin-pansin na mahina ang depensa ni Kullerkann sa likod...

is feeling , #15 is Love.. thank you sa pagtulong ninyo kina Morado at Galanza...

---o0o---


May 9, 2018...

hindi na naman maganda ang schedule ng TV broadcast.. :(
at may mga back-to-back matches pa, dahil sa mga tour nila sa probinsiya..
tipong kung may laban ang isang team today, eh may laban ulit sila kaagad kinabukasan...


BaliPure versus Navy Oragons

3-1..
panalo ang Navy...

mukha namang close fight yung first 3 sets..
pero ibang NU team na yung hawak ngayon ni Coach Babes, wala na yung matutunog ang mga pangalan..
bukod dun eh isang import lang ang kinayang i-hire ng BaliPure, kumpara sa Navy na kaya na ngayong mag-hire ng 2 imports..
at mukhang malakas yung si Ubben ng Navy...


Fighting Warays versus Angels

3-2..
ang unang 5-setter match ng Season 2..
naka-survive ang Warays..
nanalo ang mga Thai imports laban kay Trach, though hindi pa rin malaki ang contribution ni Sangpan..
pero hindi rin kasi nakapaglaro si Kullerkann..
na-injured daw sa training eh...

is feeling , minalas ang Angels.. pero kulang pa ang data para makapag-tantsa...

-----o0o-----


May 6, 2018...

[Lottery]

pang-nth win ko na 'to..
kaso..?
3 numbers lang ulit..
palit card lang... :(

is feeling , ano ba, malapit nang mag-July...?

---o0o---


May 7, 2018...

collector problems... :(

busiest general cleaning day...

eh kasi naman..
late na nga akong nakapagsimula..
tapos eh naisipan pang i-check yung cabinet...

noon, halos mga papel lang na may drawing ko ang koleksiyon ko..
mga anay at langgam pa lang ang matindi kong kalaban noong mga panahon na iyon..
tapos nadagdagan ng Star Wars collection ko..
matakaw sa oras mag-inspection, kasi kasing-liliit ng molds and mildew ang posibleng umatake..
at nahati na nga nang husto ang oras ko simula noong mapatutok ako sa trabaho..
bukod pa yung nakisiksik na sa kuwarto ko ang mga pang-benta ko...

ang problema kasi..?
eh hindi ko rin talaga mache-check yung laman nung cabinet ko, kung hindi igagalaw yung mga gamit sa loob ng kuwarto ko...

kung dati eh natatapos ako ng bandang 6:00 PM..
kahapon eh naranasan kong matapos ng 10:00 PM..
at lampas 12:00 AM na ako nakatulog...

is feeling , so far eh safe pa naman ang halos lahat.. ang importante eh ma-check sila kahit 1 beses lang sa 1 taon, hangga't wala pa akong sariling bahay...


>
[Online Marketing]

okay na..
nakumpleto ko na yung kakulangan ko para sa 2nd store..
yun nga lang..
dahil May na ngayon..
eh ibig sabihin na sa July ko pa makukuha yung combined earnings ko...

sa tantsa ko kasi nasa 4.6% or more yung kaltas para sa pagpapadala ng payment, from Australia yata yun..
so para makontra yun, eh nag-request ako ng threshold...

is feeling , thank you...

---o0o---


May 9, 2018...

[Online Marketing]

na-encash na yung mga sahod ko for this month..
medyo mas tumatagal na ngayon yung processing, kumpara sa estimated date nila..
at ngayon pa lang ako nakatanggap ng halaga na nasa ganung level, as in yung matatawag ko na purong sa akin..
pero galing naman yun sa combined sales kasi...

okay naman..
kung ibabase sa monthly budget ko dapat..
eh pang-4 na buwan na yung katumbas niya, at may putal pa...

iniisip ko kung dapat na ba akong mag-invest sa ma-CUDA core na graphics card..
para sana bumilis ang productivity ko, at mapataas rin ang quality ng mga gawa ko..
pero nakakatakot pa kasi yung halaga..
sa release ng latest project ko, kapag na-meet niya yung required budget, eh susugal na ako sa upgrade...

is feeling , edi kunwari eh nagbakasyon ako sa ibang lugar gaya ng ginagawa ng ibang tao...


>
impressive pa so far ang PSBank...

kahit na wala na yung taga-masahe namin na si Anne Curtis, LOL..
iniwan na niya kami eh, at sumama na siya sa asawa niya...

sa ngayon, nasa 2-3 days pa yung ipinapamalas nila na processing ng mga transfer..
next month na lang ulit ako magpapasok ng pera...

is feeling , Php 120,000 pa...

---o0o---


May 10, 2018...

[Business]

grocery day..
magte-testing na ulit magbenta ng juice at tea..
Php 17.00 per sachet...

pero marami pang gagawin ngayong May..
- magpuputol na naman ng buhok (in case na swertehin para sa July)
- magwi-withdraw
- tapos eh boboto pa sa Monday (para lang hindi mawala ang pangalan sa listahan ng mga botante)

is feeling , andami na namang basag sa trabaho...


>
[TV Series]

Sana Dalawa Ang Puso

basted si Sir Martin..
basted rin si Mona...

ang tindi ng sakitan nila ng mga damdamin..
naiyak na naman ako kay Jodi... T.T

is feeling , ang galing...


>
[Games / Video]

Blade II: The Return of the Evil



naman!
Unreal Engine..
nami-miss ko tuloy mag-assassin..
at mag-wizard na rin...

credit goes to the original maker of the video...

— feeling , English please, para sa final version nung game...

---o0o---


May 11, 2018...

nag-try mag-withdraw kaninang umaga..
para pampalit sa perang ipinang-open ko ng bank account...

mabilis naman..
hindi masyadong matao..
tsaka para sigurado eh mas maige kung tatawag muna bago pumunta doon, para ma-check kung online ba sila...

tamang-tama rin, dahil sarado pala sila sa Monday...

is feeling , next, magpuputol ng buhok at saka magpapagupit...


>
[Movie]

Gantz: O



hala!
akala ko eh live action movie lang neto yung ginawa nila..
meron rin palang purong CGI...

credit goes to the original uploader of the featured image...

— feeling , mga Japanese talaga o'.. konting kibo eh kumakalog kaagad ang gusto...


No comments:

Post a Comment