Loveless Story
April 30, 2018...
napapaisip pa rin ako sa number na yun...
online siya tuwing weekdays..
at offline naman tuwing weekends...
bukod dun..
meron ring hindi nagtutugma sa mga sinabi niya noon sa akin..
tungkol sa kung ano ang pwede at kung ano ang hindi..
nagtataka ako kung bakit siya mismo ang gumagawa nung hindi pwede...
is feeling , decoy ba o hindi...?
---o0o---
May 2, 2018...
lagot na..
hindi ako naniniwala sa ganito..
pero mukhang kailangan ko na ring subukan ah...
dapat kasi ganito na lang yung libreng mouse pad kapag nabili ng computer eh... XD
credit for the image goes to its original uploader via eBay...
feeling , wala bang Megu Fujiura na ganito...??
-----o0o-----
[V-League]
UAAP Season 80 - Women's Volleyball (Finals)
April 28, 2018...
FEU versus DLSU (Game 1)
sa Set 1, medyo nangangapa ang naging simula ng FEU..
pero natauhan sila, at medyo na-disable nga nila ang depensa ni Macandili sa pamamagitan nang pag-iwas ng bola dito..
nakahabol sila at tumabla sa 16-16, at muling tumabla sa bandang 24-24..
kaso eh 2 service error ang napakawalan ng FEU sa 2 set point sana nila..
at nagawa pa ngang idiretso ng La Salle ang kanilang pagkuha sa Set 1 sa score na 29-27..
nakagawa ng 15 attacks ang FEU, kaso eh pinawalang-bisa naman iyon ng kanilang na-commit na 17 errors...
ang Set 2 naman ay natapos sa score na 25-21..
in favor ulit of La Salle...
sa Set 3, nauna nang lumamang ang FEU..
pero madali lang nakahabol ang DLSU sa bandang 9-9, at mostly ay dahil rin sa mga errors ng FEU..
muli rin naman silang lumamang, pero muli ring nahabol ng La Salle sa 15-15..
hanggang sa natapos na nga ang set sa score na 25-22...
natapos ang match sa 3-0..
sayang dahil mas tataas sana ang tsansa ng FEU na mag-champion kung matatalo kaagad nila ang La Salle sa Game 1..
kaso out of 3 games nila this season eh hindi pa talaga nila natatalo ang DLSU..
malakas rin naman ang opensa ng FEU, kaso eh kalaban nila ang mga sarili nila sa paggawa ng errors...
is feeling , wala na.. papalapit na ang 3-peat...
---o0o---
May 2, 2018...
ADMU versus NU (Game 2) - Men's Volleyball (Finals)
Set 1, 20-25..
Set 2, 29-31..
Set 3, 25-22..
Set 4, 31-33...
mas lumakas pa talaga ang NU this season..
halos nawawala na yung bola sa palo eh...
is feeling , mga walang respeto sa set point na 25 lang...
>
FEU versus DLSU (Game 2)
sa Set 1, nakakuha si Luna ng game time mula kay Cheng..
at leche, lumalakas na rin siya sa paglalaro..
lamang ang FEU hanggang 24-21, at tila maaga silang nag-celebrate..
pero biglang humabol ang La Salle at tumabla sa 24-24, bago nila inagaw yung unang set sa score na 26-24..
3 set points ang nakawala sa FEU, kahit pa na-minimize naman nila ang kanilang errors sa 4 lamang...
La Salle naman ang maagang nakalamang sa Set 2..
at naituloy nila yun hanggang sa 25-20...
nasa FEU ulit ang momentum sa simula ng Set 3..
pero kaagad na nakahabol ang La Salle sa bandang 10-10..
narating na ng La Salle ang kanilang championship point sa score na 24-21, pero saka pa talaga gumanda yung labanan kung kailan patapos na..
inilabas na ni Pons ang lahat ng kanyang makakaya para labanan ang dynasty..
dahil dun ay nakatabla pa ang FEU sa 24-24..
pero pumabor pa rin ang lahat sa La Salle at natapos yung championship match sa score na 26-24...
at ganun na lang nga natapos ang Season 80..
walang talo ang La Salle mula sa Semifinals..
at ni hindi nga nakakuha ng kahit na 1 man lang na set ang FEU laban sa kanila...
MVP Libero si Macandili..
at sobrang deserving naman siya..
dapat nang iretiro ang jersey number niya...
siguro naman ay mababago na ang takbo ng lahat sa Season 81..
mawawala na sina Dy, Baron, at lalong-lalo na ang key player na si Macandili..
kaso, naging reliable Setter na si Cobb..
nananatiling malakas sina Cheng at Tiamzon sa opensa..
okay rin naman ang laro ni Ogunsanya sa gitna..
at humahabol na dun sa 2 yung kalidad ng atake ni Luna..
bale Libero na lang na kasing-ganda ng disiplina ni Macandili ang kailangan nila...
siguro UST naman yung may best chance para hamunin ang La Salle sa Season 81..
kailangan lang talagang makabalik ni Laure para samahan si Rondina-papagod sa laban..
at kailangan ring ma-improve pa si Milena at ang iba pa nilang mga players...
is feeling , walang milagro for this season.. at nakuha na nga ang 3-peat...
>
heto na ang inaabangan ko talaga..
sa wakas mae-experience na ni Galanza yung mga set ni Morado..
baka mahirapan si Galanza sa opensa, dahil reinforced conference ito at may matatangkad na imports..
tapos kaagaw pa niya si Kuttika Kaewpin sa puwestuhan..
pero sana maalala ni Coach Tai kung gaano siya ka-reliable na defender sa likod, makakatulong siya nang malaki kay Gohing...
at dahil tanggal na si Coach Tai sa Ateneo..
sana makatulong naman ang La Salle will nina Gumabao at Gohing para mabigyan ng championship ang Creamline...
feeling , wala na munang sa-sideline sa iba ha...
-----o0o-----
April 29, 2018...
sacrifice na naman ng araw..
dahil nagkamali ako ng schedule..
dahil sa mga patraydor na brownout na yan...
grocery-mode na muna...
gusto ko sanang tuluy-tuloy lang yung momentum sa trabaho..
kaso eh trayduran na nga yung nangyayari..
5 lang na ready-to-render ang nakahanda ko..
good for almost 8 hours na auto-pilot yun...
is feeling , sana matapos ko by the end of May...
---o0o---
April 30, 2018...
[Online Marketing]
ano ba naman yun..?
wala na ngang sale..
umiwas na nga ako sa sale..
pero 6 na beses pa rin akong nagamitan ng 30% discount...
30% nga lang para dun sa iba..
pero ang sakit sa bulsa nung 44% na improved discount... :(
is feeling , pero walang magagawa.. sistema nila yun eh...
>
[Movie]
Thor: Ragnarok
si Surtur, ang son of... a b*tch, LOL...
bigatin yung mga artista sa play sa Asgard, LOL...
at hindi nga kinaya nina Thor at Natalie Portman yung Bifrost LDR...
so hindi naman pala itinumba ni Loki si Odin..
ang hilig ng makabagong Marvel na gawing bida yung mga supervillains...
si Dr. Strange pala ang mainam para sa mga inuman eh, may pa-unli-drinks..
at walwal si Loki laban sa kanya...
siguro kaya sa Norway nagpunta si Odin, eh dahil Norse Mythology yung background ng istorya nila..
sister Hela, panganay ni Odin (in contrast sa totoong mythology kung saan anak ni Loki si Hel)..
ang sobrang lakas na Goddess of Death..
siya pala ang dahilan kung bakit nawala na ang Mjolnir...
bagsak kaagad ang mga kakampi ni Thor kay Hela, ang Warriors Three..
pero siyempre eh wala nga si Sif sa movie na 'to...
Valkyrie sa ibang planeta..?
well, wala rin talaga akong alam sa comics o cartoon background ni Valkyrie..
at techie siya..?
Asgardian nga siya, at natalo (naubos) na sila noon ni Hela, at siya lang ang natira..
f*cking Valkyrior War..
anong ginawa ng movie industry kay Brunnhilde..?
sayang talaga, hindi na lang si Rosamund Pike eh, wala tuloy blonde na Norse braid..
naman, Valkyrie == blonde Norse braid eh... :(
ang Grandmaster, ang kapatid ng Collector..
yung d-in-eny ni Loki si Thor, LOL...
pekeng Infinity Gauntlet..
Eternal Flame..
si Fenris, bilang alaga lang ni Hela (anak rin siya ni Loki sa mythology bilang Fenrir)...
kaya pala naputol ang buhok ni Thor..
Thor versus Hulk..
na-trauma talaga si Loki kay Hulk, LOL..
lintik na kumustahan, MMK..
yung ginawa rin kay Thor yung ginawa ni Hulk kay Loki, LOL sa reaksyon ni Loki, relate na relate eh..
so nadaya lang pala si Thor, mas malakas talaga siya kay Hulk..
2 years na nanatiling Hulk si Banner, nang walang kamalay-malay yung isa..
hindi nga sila pwede sa Civil War..
baka namatay na yung iba kung sumali sila dun... XD
yung nakita ni Thor yung tutut ng Hulk, LOL..
yung d-in-eny ni Thor si Banner para makumbinsi si Hulk na tumulong, then vice-versa later..
away-bata, LOL sa pagtatampo ni Hulk, ang cute... XD
eh yung si Banner pala ang strongest Avenger na naka-register dun sa system nung Quinjet..
LOL sa reaksyon ni Thor...
yung ang melt stick kaagad ang ibinibigay nung alalay ng Grandmaster, LOL...
na-stress si Banner sa ibang planeta..
yung Banner versus Hulk, nagbilangan ng PHD, LOL..
tapos Tony Stark disguise..
yung t-in-esting kung totoo si Loki, laging binabato, LOL..
tsaka yung Get Help technique, LOL...
si Hela pala ang bumulag kay Thor..
pucha yung bagsak ni Banner sa bridge..
Hulk versus Fenris..
God of Thunder (wala na talagang naka-correct dun sa lightning)..
Ragnarok para lang matalo si Hela..
yung pati si Surtur ay papatulan ni Hulk...
sa kabuuan, light yung mood nung movie, parang kabaliktaran nung sa Civil War..
seryoso kasi yung nangyari sa Civil War, at nasubukan yung decision-making ng bawat miyembro ng Avengers..
pero dito sa Thor: Ragnarok, pagkasira na ng Asgard ang pinag-uusapan pero panay pa rin ang comedy nila kapag may pagkakataon..
basically a low level Ragnarok..
iilan na lang yung mga gods, walang masyadong giants, walang Einherjar, konti lang ang labanan..
at wala yung ikatlo sa mga anak ni Loki, ang World Serpent..
though posibleng ang rason sa likod nun ay dahil ang World Serpent ang nakapatay kay Thor sa mythology...
feeling , okay lang, para sa entertainment value.. ang pinaka-nakakatawang Avengers-related na movie...
---o0o---
May 4, 2018...
natapos na dun sa isang setting..
lilipat na ng ibang location..
panibagong timplahan na naman ng lighting...
is feeling , 2 setting pa...
>
[TV Series]
Ang Probinsiyano
Vendetta Hot Babes..
iba ang naiisip ko... XD
sayang at wala si Myles Hernandez...
pero seriously..
maganda na nata-tackle nila ngayon yung tungkol sa fake news industry..
pati yung manipulasyon ng pulitika sa mga religious sect, and vice versa...
is feeling , matinik talaga si Kuya Cardo...
No comments:
Post a Comment