Loveless Story
May 20, 2018...
may nanggaling sa Batangas..
sayang lang at hindi ko siya natiyempohan nang makapagpatulong sana..
pero sa bagay..
hindi pa rin naman handa ang plano eh...
wala pa rin eh..
ang hirap gumastos ng pera kapag pinaghirapan mo..
kaya hindi ako naniniwala dun sa expression ng ibang tao na kesyo masarap gastusin yung perang pinagpaguran mo eh..
sa tingin ko, mas magaan pa ring gastusin yung easy money lang...
kung tumatae lang sana ako ng Php 200,000, tapos na sana 'tong goal na 'to...
is feeling , Php 200,000 pa rin.. ang hirap mag-sorry...
---o0o---
May 23, 2018...
magkaiba yung 'gusto' at 'kaya'...
madali lang magkagusto, kahit na kailan at kahit na saan..
no limit pa nga eh...
madali lang sabihin na kesyo ganito-ganyan ang gusto mo..
pero ibang usapan na kapag kailangan mo nang patunayan..
kung 'kaya' mo ba..?
doon na pumapasok ang pagiging praktikal at lahat ng mathematical calculations na kaugnay ng buhay pag-ibig...
is feeling , parang hinding-hindi ko na maaabot yung stage ng 'kaya'...
---o0o---
May 24, 2018...
araw-araw..
naglalaan ako ng nasa 1 oras, o mahigit pa..
para lang mahanap ko siya..
pero hinding-hindi ko talaga magawa...
siguro kasi gumagamit siya/sila ng privacy settings na kasing-higpit ng sa akin... :(
is feeling , invisible mode...
---o0o---
May 25, 2018...
heto pala eh..
dito ako magso-sorry kapag tumama ako sa Lottery... :D
https://twoseasonsresorts.com/corontown/package_combination/4d3n-coron-island-town-family-package/
4 Days / 3 Nights..
Php 103,700 estimate for 5 pax...
credit for the images goes to Two Seasons Resorts..
and here are the links to their Coron websites:
https://twoseasonsresorts.com/corontown/
https://twoseasonsresorts.com/coron/
— feeling , kung lang naman...
-----o0o-----
[V-League]
PVL Season 2 - Reinforced Conference (Round 1)
May 19, 2018...
PayMaya versus Iriga Navy Oragons
mukhang hindi na naman pinaglaro si Soltones...
Set 1, 25-23, in favor of PayMaya..
Set 2, 25-22, in favor of Navy Oragons..
Set 3, 25-20, PayMaya na ulit ang nakakuha sa tulong ni Malabanan..
Set 4, 25-23, lamang sana ang Navy Oragons sa bandang dulo pero naghabol si Rountree gamit ang service niya...
upset yun para sa Navy Oragons since sila nga yung mas may kalamangan noon sa Set 4..
but then natapos pa yung match sa error ng substitute server...
3-1..
nanaig sina Rountree at Sullivan laban kina Ubben at Whyte..
si Ubben ang mas matunog ang pangalan para sa Navy Oragons...
Fighting Warays versus BaliPure-NU
Set 1, 25-22, in favor of BaliPure..
Set 2, 25-20, nakuha ulit ng BaliPure..
Set 3, nasa Warays ang kalamangan mula sa umpisa, natapos ang set 25-22..
Set 4, nabalik sa BaliPure ang momentum, nakuha nila ang set at match, 25-22 ulit...
nanaig sina Johnson at Mathews laban kina Hyapha at Sangpan..
Player of the Game na naman si Johnson with 27 points, patunay na malaki ang naitulong sa team ng pagkaka-recruit sa kanya..
Setter pa pala ang hinahasa ngayon ng BaliPure-NU...
is feeling , Bagyong Pablo na kaagad ang makakaharap bukas...
---o0o---
May 20, 2018...
as expected, Creamline pa rin yung team na malakas sa live spectators sa iba't ibang lugar...
BanKo versus Angels
ang 4th 5-setter match ng Season 2..
halong DLSU at Saint Benilde pala ang Angels...
Set 1, ang laki ng agwat na nagawa ng BanKo, natapos ang set 25-15..
Set 2, nasa BanKo pa rin ang kalamangan, natapos ang set 25-18..
Set 3, unti-unti nang nakakasabay ang Angels at nakakuha pa nga ng kalamangan, natapos nila ang set 25-18..
Set 4, maagang nakalamang ang Angels kaso may na-injure silang key player, pero nakuha pa rin naman nila yung set sa 25-20..
Set 5, nakapagsimula kaagad sa magagandang blocks ang Angels, nagmala-Ace Player pa si Mendrez, natapos ang set 15-9...
3-2, panalo ang Angels..
isang kumpletong come from behind win..
ang daming tapon na serve ni Kullerkann..
sa wakas nanalo rin sina Trach at Kullerkann, laban kina Montripila at Bright..
naka-Player of the Game na rin si Trach, with her 27 points...
Creamline versus Pocari-Air Force
Pablo versus Gumabao and Gohing..
at Racraquin versus Creamline...
hindi sanay si Galanza na parati siyang nasa bench...
Set 1, more on Asceric ang gumawa para sa Creamline, nakuha nila yung set 25-15..
Set 2, dikitan naman ang laban sa bandang dulo, pero nakuha pa rin yun ng Creamline, 27-25..
Set 3, lumamang ang Pocari-Air, masyado nang lumakas si Love sa punto na 'to, at kahit na na-injure si Pablo eh nakuha pa rin nila yung set, 25-17..
Set 4, dikitan ulit yung laban, pero nagtagal si Baldo sa service line sa bandang huli hanggang sa natapos na nila ang set at match, 25-19...
3-1, at nakatabla na ang Creamline sa PayMaya sa #1 spot..
halimaw sa lakas si Love, at malakas rin naman si Palmer..
pero nanalo sina Kaewpin at Asceric sa tulong na rin ng mga reliable na locals..
Player of the Game si Asceric, kahit na with only 13 points as compared to Kaewpin and Baldo, since best performance niya naman ito so far as a Middle Blocker...
delikadong kalaban sina Love sa Semifinals at Finals..
pero ang importante sa ngayon ay nalagpasan na ng Creamline ang Bagyong Pablo...
is feeling , thank you ulit team sa pagpapanalo kina Morado at Galanza.. last 3 matches...
---o0o---
May 23, 2018...
BanKo versus BaliPure-NU
Set 1, BaliPure kaagad ang naunang lumamang, natapos nila yung set 25-22..
Set 2, dikitan ang simula ng set, pero muli yung nakuha ng BaliPure sa 25-22..
Set 3, 25-22, in favor of BanKo naman..
Set 4, 32-30, at tinapos na ng BaliPure ang match...
3-1, panalo ang BaliPure..
Player of the Game si Cagande with 54 excellent sets..
mukhang may future ang NU kay Cagande bilang Setter...
malaking bagay talaga para sa BaliPure na nakakuha sila ng Ace Player na import..
nanaig na naman sina Johnson at Mathews..
lumalaban naman si Bright, pero medyo nananahimik si Montripila di tulad noong laban nila sa Creamline...
Pocari-Air Force versus Iriga Navy Oragons
Air Force versus Navy...
Set 1, overkill, 25-8 in favor of Pocari-Air..
Set 2, medyo dumidikit naman na ang Oragons, at nanalo pa sila sa dulo, 25-23..
Set 3, 25-18, nakuha na ulit ng Pocari-Air..
Set 4, nagsimula ulit nang dikitan pero nakalayo ang Pocari-Air matapos ang 2nd technical timeout, natapos ang set at match, 25-16...
3-1..
maganda nga ang balanse nina Love at Palmer, lalo na kapag maganda rin ang laro ni Pablo..
halos patas lang sa contribution sina Ubben at Whyte..
Player of the Game na naman si Love with 25 points...
is feeling , kailangan nang pababain sa standings ang BaliPure-NU.. top teams ang natitira nilang makakalaban...
-----o0o-----
March 19, 2018...
tama lang pala yung ginawa nung [Name of Electric Cooperative]..
yung gumamit ng photos para sa advisory ng mga scheduled power interruptions...
kahit papaano mas madaling masulyapan yung mga schedule kapag nag-view through Photos sa halip na Timeline...
is feeling , basta huwag lang makakalimutan mag-check, nang hindi nasisira ang UPS...
---o0o---
May 20, 2018...
most productive day so far..
4 na eksena..
nang makahabol-habol naman sa schedule...
is feeling , madami pang kulang...
---o0o---
May 23, 2018...
yung mga klase ng ina..
na mangungutang kahit halos araw-araw..
para lang mapakain ng lutong-ulam ang manugang..
at isali pa ang girlfriend ng anak na madalas na ring mamalagi sa bahay..
pati load ng girlfriend eh siya pa minsan ang nagbabayad...
seryoso..?
hindi ba sila pwedeng pag-ulamin ng toyo at mantika..?
o di kaya eh pancit canton...??
is feeling , that + TRAIN = killer combo...
>
[Sports]
Leonidas sa Finals...?
3-1 na sana eh..
kaso eh nakuhanan rin sila ng panalo ng GSW noong sa teritoryo nila ang digmaan..
kaya parang binawi lang nila yung talo na iyon kanina...
ang bad news eh nagawa na nga silang talunin ng GSW sa lugar nila nitong Finals...
is feeling , sayang talaga yung dating OKC team nila...