Friday, January 26, 2018

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Full Week of January 2018 (Rerouting the Fund)

Loveless Story


kapag gusto mo..
talagang mahirap pigilan..
kahit pa alam mo naman kung ano yung tama o mali..
kahit pa aware ka naman sa kung ano ang praktikal at hindi..
kumbaga parang hindi rin sapat na nakakapag-isip ka para makagawa ka ng magandang desisyon...

2 bagay lang yung makakapigil sa'yo kapag p-in-ursue mo na yung nararamdaman mo..
either makuha mo yung hinahangad mong pagsusukli sa nararamdaman mo..
o di kaya eh tumigil ka dahil nasaktan ka na naman nang labis...

is feeling , ganun naman parati para sa aming mga kaawa-awang mga lalaki - parang sugal ang lahat...

---o0o---


January 22, 2018...

kahit papaano, kahanga-hanga rin nga yung mga sabihin na nating success stories mula sa industry...

yung tipong nasaksihan mo kung paano yung naging struggle nung babae noon..
at halos kamakailan lang nga yun..
pero eventually eh nakapagpundar rin nga siya ng hindi man big time na business bilang isang professional (as in propesyunal na trabahador), pero okay naman yung pasok ng kita...

is feeling , ganun dapat ang diskarte.. yung may ipon at patutunguhan yung fast money...


>
bawas na ulit sila..
below maintaining na ulit..
usually 16 ang mini-maintain nila sa roster..
pero kapos na ulit ang bilang nila ngayon...

48th retirement..
sobrang bilis na lately..
halos bihira na yung tumatagal..
siguro dahil na rin sa lason na ginawa ng mga promotor sa mga sarili nila...

siyempre, hindi ko na naman maiwasan na mangamba..
dahil hindi ko masabi kung kailan na naman siya mawawala, habang unti-unting nauubos ang oras ko..
na baka mamaya bigla na lang silang ma-dissolve...

is feeling , meron na lang akong natitirang 9 days for January.. at 68 days hanggang sa katapusan ng March...

---o0o---


January 25, 2018...

hindi ko na naman maiwasan na mag-alala... :(

parang naka-red alert ang mga tao ngayon sa industriya..
ewan, pero parang may mga nagpapakalat na naman ng mga sakit..
yung mga lalaking ayaw gumamit ng goma, at yung mga babaeng pumapayag na hindi sila gamitan ng goma..
kaya ayun tuloy..
naaalarma na naman sila...

pero ang totoong pinag-aalala ko eh yung ka-partner ng ninja move na yun..
yung drugs, particularly yung date rape drug..
siyempre ayoko naman na may kakilala ako na magamitan nun...

gaya nun..
hindi ko naman siya makumusta pa..
bukod kasi sa hindi pa niya ako pinapayagan na ma-meet siya ulit..
eh naka-stuck yung pera ko dahil sa mga kapalpakan ng Globe at ng iba't ibang mga bangko... :(

is feeling , bakit ka pa kasi bumalik...?

---o0o---


January 26, 2018...

miss na miss ko na talaga siya... :(

considering yung output ko hanggang ngayong araw..
at considering rin yung 5-year contract ko..
sa tingin ko naman may kakayahan pa akong makabawi...

kung lalabas ako..
at kung magse-settle ako ng iba ko pang mga obligasyon..
mawawalan ako ng cremation fund..
at babalik ako sa 83% ng progress ko..
so siguro sapat pa yung 4 years para makabawi ulit...

sa ngayon gusto ko lang talaga siyang makita..
hindi ko pa kasi siya nakakausap simula noong mawala siya noon..
gusto ko siyang makasama ulit..
gusto ko siyang makatabi..
gusto ko siyang mayakap..
at gusto ko ulit maalala nang husto yung mukha niya...

kaso ang dami parating hadlang sa mga plano ko..
andyan ang Globe..
at putang ina, takot na takot ako sa BDO... :(

meron na lang akong 5 days na natitira for January..
at 64 days hanggang March...

is feeling , pwede ba akong makipag-date sa February...?


>
hindi ako makapag-focus..
ilang araw na ring tapos yung mga dapat at pwede kong gawin..
pero hindi pa ako tuluyang makabalik sa trabaho...

masyado akong distracted ngayon..
dahil sa pagbabalik niya..
dahil sa sunud-sunod na pagkawala ng mga kagrupo niya..
at dahil sa kumakalat na usap-usapan ngayon sa regulated network...

nang dahil sa mga yun..
mas nape-pressure ako na subukang ma-meet siya sa lalong madaling panahon...

naka-check ako sa Globe..
naka-check ako sa pagbubukas ng bank account..
right now inaalam ko kung may possibility ba na ma-reroute ko yung pera ko sa ibang PayPal account, tapos eh palabas sa PSBank..
at sana eh libre din...

is feeling , Anne Curtis, ikaw na ang bahala sa Valentine's date ko, please...

-----o0o-----


January 21, 2018...

ano bang meron sa dental braces...??

kaganda namang babae..
okay rin naman ang ngipin noon..
tapos biglang babanatan ng braces na dark-colored pa...?

okay lang yung for correction eh, tapos eventually eh tatanggalin rin naman..
pero yung okay na, tapos eh ginulo pa..?
ano yun, nakikiuso lang...??

ayaw na lang gumaya sa ate niya..??
wala lang..
sayang lang kasi yung natural na ganda...

is feeling , nagdumi lang yung ngipin...


>
andami ko nang na-reject na trabaho sa gobyerno...

kanina, under naman ng BOC...

samantalang yung ibang tao eh gustung-gusto ng trabaho..
ng kita..
ng stable na kita..
ng malaking kita...

kung naging tama lang siguro yung motibasyon ko para mabuhay..
kung nagkaroon lang sana ako ng mas maraming dahilan para mas ma-appreciate ang buhay..
siguro hindi ko para palagpasin ang lahat ng mga pagkakataon na may sinubukang tumulong sa akin...

siguro hindi ko na sana nararamdaman from time to time, yung pakiramdam na hindi ako makasasapat para sa kahit na sinong gugustuhin kong mahalin..
hindi naman ako kailanman na-pressure na kesyo baka kailangan ko na rin ng makakarelasyon puwerket meron na yung mga tao sa paligid ko..
dumarating lang naman yung frustration sa akin sa tuwing nakakakilala na ako ng babaeng talagang nagugustuhan ko...

meron naman akong mga inspirasyon sa buhay kahit papaano..
pero sa tuwing nakikita ko yung mas mahirap na bahagi ng pagiging at pananatiling buhay..
wala akong maisip na sapat na dahilan para lumaban pa sa paraan na ordinaryo...

well..
money-driven na rin naman ako..
matapos iparamdam sa akin ng buhay kung gaano na ka-basic ang pera para makuha mo yung mga bagay o tao na gusto mo..
kaso mas pinipili ko pa rin na subukang mabuhay sa paraan na gusto ko..
hindi stable..
hindi yung tipo na pwede kong ipagmalaki sa iba..
hindi marangya..
pero yung masasabi ko na gusto ko lang gawin...

is feeling , pasensya na talaga.. pero nakapagdesisyon na ako...

---o0o---


January 24, 2018...

[Gadget-Related]

matapos ang update ng Windows 10 ko from Version 1703 to 1709..
balik na naman sa dating behavior yung Service Host: Delivery Optimization..
kumakain na naman ng bandwidth pagka-connect sa internet, kahit wala naman talaga siyang ginagawang update...

is feeling , buti na lang gumagana pa rin yung method...


>
eh yung malaking update ng App na naman yung naging dahilan para magretiro ako..
leche, sinayang lang ang oras ko.. :(
last 2 + 1 na legendary chest na lang ang kailangan kong buksan eh...

nag-install lang naman ako ng Angry Birds 2 noong mga araw na naka-autopilot lang yung computer ko eh..
malapit ko na ngang ma-reach yung goal ko para makapagretiro na ako eh..
tapos sinira lang nang ganun-ganun kung kailan malapit na ako...

is feeling , hindi na nga ako mag-o-online games kahit na kailan...

---o0o---


January 25, 2018...

[TV Series]

Wild Flower

maganda yung ending ni Red Dragon..
yung sinubukan niyang ipapatay ang ama ng anak niya, kaya ginantihan siya nito at pinasabog...

si Arnaldo naman..
lamang na sana sa pagkukunwari niya na may amnesia pa rin siya..
pero natalo siya ng dahil sa pag-ibig at nag-suicide na lang sa bandang huli...

yung kay Raul naman eh akma rin..
na ginawa pa rin niya yung tama sa mga huling sandali ng buhay niya..
at asawa pa niya ang nakapatay sa kanya dahil sa pag-aakala na ibang tao siya...

para sa isang serye na nagpaulit-ulit na yung mga labanan at sakitan, at pati ang pagpatay sa mga guest..
eh okay na katapusan yung ibinigay nila para dun sa naunang 3 characters...

eh yung sa 2 pa kayang natitira...?

is feeling , sila-sila na rin ang nagpatupad ng hustisya...


>
[TV Series]

Sana Dalawa Ang Puso

badtrip naman ang ABS-CBN..
d-in-emote ulit si Jodie sa tanghali para lang mapagharian ang oras na yun..
mas komportable pa namang manood sa gabi...

kaso parang nakaka-discourage rin na manood..
kasama kasi dun yung isa pang manipulista sa botohan..
yung racist... XD

is feeling , sa susunod Quintuplets serye naman para unique yung idea...


---o0o---


January 27, 2018...

[Medical Condition]

ngayon ko lang naalala..
hindi pala naka-save sa calendar ko...

bale last January 25 eh isang taon nang butas ang katawan ko... :(

is feeling , wala akong magagawa.. sa wala siyang flesh na tinamaan eh.. konting tiis pa...


No comments:

Post a Comment