Loveless Story
January 15, 2018...
16 days left..
paano na yan..?
kulang-kulang na yung pera ko..
paano ko pa nyan idi-date yung babaeng gusto ko..?
paano ko pa siya mayayakap ulit..?
baka mamaya nyan bigla na lang ulit siyang mawala..
eh ang dami ko pa namang ikukuwento sa kanya...
ni hindi rin naman kasi ako makakuha ng at least 5 numbers sa lottery... :(
leche naman kasi yang Globe na yan eh..
kung hindi sana sila mga racist laban sa mga prepaid users, edi baka napagalaw ko na sana yung mga perang yun...
is feeling , kailangan ko ng taong may PayPal na naka-link na sa GCash niya, o naka-link na sa bank account niya...
---o0o---
January 20, 2018...
mukhang hindi ko na talaga siya makaka-date nitong January ah..
walang napasok na easy at/o excess money eh... :(
11 days left...
is feeling , miss na miss ko na siyang yakapin...
-----o0o-----
January 14, 2018...
dahil weekend naman at walang opisina ang gobyerno...
edi naghanda na muna ng mga easy SFX (sound effects) sa photoshop for future use...
umpisa na ulit bukas ng boksing...
is feeling , last 17 days...
>
[Strange Dream]
delikado nga pala yung napanaginipan ko kagabi...
papunta daw ako somewhere, na hindi ko alam sa totoong buhay..
parang may iba pa akong mga kasama noon na ibinilin ako sa isang lalaking magta-tricycle..
habang nasa biyahe na, (hindi ako pamilyar doon sa lugar na yun sa totoong buhay) pero alam ko daw sa panaginip ko na mali na yung dinadaanan namin..
kaya natanong ko daw dun sa driver kung bakit parang iba na yung dinadaanan namin..?
nakangisi namang sumagot yung loko na kesyo napansin ko daw pala...
pero tuluy-tuloy lang akong dinala nung tricycle driver sa kung saan..
hanggang sa makarating kami sa isang concrete na garahe..
ipinasok nung loko yung tricycle niya doon, tapos ay bumaba na siya at naglakad papasok doon sa establishment na yun..
samantalang may pumalit naman sa kanya na mukhang mas bata at mas payat na lalaki..
pagkasakay at pagkapatakbo niya sa tricycle ay dinala niya rin ako sa kung saan..
parang expressway sa mga probinsiya ang itsura nung lugar, mas makitid lang ang kalsada, at yung mga halamanan sa gilid ay parang nakalutang sa tubig..
bale mas mukha pala siyang kalye sa isang subdivision na marami pang bakanteng mga lote...
sa puntong iyon ay iniisip ko na daw na manlaban..
kasi nga hindi ko na naiintindihan yung nangyayari, at hindi ko sila mga kakilala..
nang biglang umikot yung tricycle at tumakbo sa may gilid lang ng kalsada..
for some reason eh parang naglalakad na lang daw kaming 2 nung driver sa puntong iyon..
pakapa-kapa na siya ng kung ano sa kanyang mga bulsa sa likuran, kaya kinabahan na ako kung ano bang balak ng lokong iyon..
hanggang sa nag-decide na nga ako na ibalibag na siya doon sa may halamanan..
nasa likuran niya ako noon, at bigla ko siyang hinawakan sa kanyang damit sabay balibag sa kanya..
bumagsak siya sa mukhang damuhan, pero lumubog rin siya dahil nasa ibabaw nga yun ng tubig...
matapos yun ay sinubukan kong kumaripas na nang pagtakbo..
pero kagaya ng madalas na mangyari sa mga panaginip ko sa tuwing may takbuhan na nagaganap..
eh sobrang bagal ko daw makagalaw kaya nandun yung takot ko na baka mahabol ulit nila ako...
at doon na naputol yung panaginip ko...
is feeling , holy crap! the strangers...?
>
[Movie]
Fast & Furious 6
kanina ko lang napanood...
so kaya pala malungkot ang aura ni Han sa Tokyo Drift..
dahil namatay yung character ni Gal Gadot para sa kanya dito sa 6..
tapos eh itinumba pala siya ng kapatid ni Shaw sa Tokyo...
ang tindi naman ng sakripisyo ni Elena..
ibinalik niya si Toretto kay Letty nang malaman nila na buhay pa pala ito...
is feeling , ang galing nung pagdikit sa Tokyo Drift...
---o0o---
January 15, 2018...
tapos na rin ako sa PhilHealth...
kung inabot ako noon ng 3 hours sa SSS..
40 minutes lang naman ako sa PhilHealth..
siguro dahil na rin sa mas limited lang yung services nung ahensya...
ni hindi ko rin nagamit yung birth certificate ko, kasi tumatanggap naman pala sila ng photocopy na hindi certified..
original na NSO at PSA na birth certificates na tuloy ang nasa pangangalaga ko ngayon..
tapos nasa Php 200 pa rin naman pala yung minimum na contribution para sa mahihirap na nasa informal economy..
malaking bagay na yun kung ikukumpa yung Php 600 vs Php 875 per quarter...
pwedeng sabay na ang schedule ng pagbabayad ko sa SSS at PhilHealth quarterly..
SSS muna parati dahil mas mahaba yung pila doon, tapos sunod ang PhilHealth..
bababa ng jeep sa may SSS, lakad naman papuntang PhilHealth, at saka sasakay pauwi (kung tutuusin eh kaya ko ring lakarin yun)...
is feeling , makapagparetoke na nga...
>
may panahon pa sana ako para mag-ayos ng bank account eh..
kaso nabawasan na naman yung iniipon ko dahil sa mga hinulugan ko..
tapos kung anu-ano pang iskandalo ngayon ang kinasasangkutan ng mga kilalang bangko... :(
sayang ang panahon...
is feeling , nailabas ko na sana eh...
---o0o---
January 16, 2018...
[TV Series / K-ture]
Goblin
yung babaeng may 2 punto sa kanyang buhay kung saan parati niyang pinagseselosan ang kanyang sarili..
ang first love ng Goblin...
at yung babaeng paulit-ulit na nai-in love sa iisang lalaki lamang magmula pa noong nakaraang buhay nila...
EDIT:
hindi pala yung kapatid ng Goblin..
binigyan pala siya ng diyos ng kalayaan na i-retain lahat ng memories niya..
mabigat sa loob, pero yun yung ginusto niya eh...
is feeling , haha...
>
bakasyon pa..
pero wala na akong magagawang iba...
babalik na lang ako sa trabaho..
kailangan pang mas kumayod dahil may dagdag na Php 530 na bayarin buwan-buwan..
bukod pa sa reporma sa panggagatas...
character design na muna ulit..
kailangan ko ng 2 bagong characters...
is feeling , kailangan ko ng extra na pera para makita ko siya ulit...
---o0o---
January 17, 2018...
na-approved na yung mga sample products ko para doon sa isa pang tindahan na nasa Australia...
medyo may nililinaw na lang akong ilang mga importanteng detalye...
kung magkakasundo kami..
pwede kong gamitin yung mga natitirang araw ng January para kumpletuhin yung mga requirements para masimulan ko na ring magbenta doon..
hopefully maging dagdag kita nga yun..
konting dagdag na trabaho rin yun compared sa usual, kaya sana masulit ko nga...
kailangan ko ring mas maging vigilant laban sa mga copyright violators..
so far wala pa naman akong nae-encounter na ganun mula doon sa unang store...
is feeling , usap.. deal...
>
[TV Series]
Ang Probinsiyano
wala na..
true to life na yung istorya..
mahirap labanan ang kasamaan ng mga maimpluwensiyang tao..
kasi nga napapaikot nila ang lahat, maging ang sistema ng hustisya..
kaya mukhang pagpatay na lang talaga sa kanila ang tanging paraan para mawakasan na ang kadiliman sa bayan na 'to...
is feeling , wala bang Vendetta sa bayan na 'to...?
>
hmmm..?
medyo low level 'tong ikalawang store..
puros design, pero mabagal ang sistema..
dahil rin dun kaya may pagka-istrikto sila pagdating sa schedule...
pero susubukan ko na rin..
nagpa-register na ako kanina..
titingnan ko kung may maiko-contribute na mga dolyares yung market share nila para sa akin...
is feeling , testing...
---o0o---
January 18, 2018...
hindi ko pa ulit nakikita si Emoji-Girl nitong January...
anyway..
so far wala pa naman halos nagalaw sa presyo ng mga bilihin sa binibilhan ko..
yung Milo 22 grams pa lang naman ang nagkaroon ng konting pagtaas..
pero kung tutuusin eh old stock pa yun base sa expiration date..
basta kaya ko pa naman siyang ibenta ng Php 6.00 lang...
is feeling , hindi pa naman kagaya nung presyuhan sa TV (sa NCR)...
>
[TV Series / K-ture]
Goblin
hala!
may twist pa rin hanggang ngayon...??
namatay pa pala si Missing Soul, yung Goblin's Bride..
may mamamatay kasi sana na mga bata na papasakay ng parang school bus o service eh..
mababangga sana sila ng isang rumaragasang truck..
kaya sana ni Missing Soul na makaligtas mula dun sa aksidente kung itinuloy niyang idiretso yung sasakyan niya..
kaso..
mas pinili niyang iharang na lang iyon sa daan, para mailigtas yung mga bata... :(
kaya ayun..
nalungkot na naman nang husto yung Goblin...
is feeling , died at 29...
---o0o---
January 19, 2018...
[TV Series / K-ture]
Goblin
bale talagang nagkahiwa-hiwalay din pala sila dun sa mismong timeline nung main story...
lumayo talaga yung kapatid nung Goblin..
at sa pinakahuling assignment ni Grim Reaper, eh ang babaeng pinakamamahal niya ang kanyang inihatid sa kabilang buhay (siguro namatay siya sa katandaan)..
after that eh iniwan na rin ni Grim Reaper ang Goblin..
bale, nasaksihan na naman niya na mawala ang lahat ng mahal niya sa buhay...
pero dininig pa rin ng diyos ang mga kahilingan ng Goblin..
muling nabuhay bilang mga tao yung Grim Reaper at ang kapatid ng Goblin sa parehong panahon..
wala na silang naaalala tungkol sa nakaraang mga buhay nila..
magkaganun man eh sila pa rin ang nagkatuluyan...
sa Canada naman..
na-reincarnate nga ang Goblin's Bride, at nagkita na ulit sila ng Goblin sa puntod ng mga tagapaglingkod nito..
at for some reason eh parang naaalala niya ang lahat ng tungkol sa Goblin, siguro hinayaan rin yun ng diyos para nga magawa ng Goblin's Bride yung pangako niya na siya naman ang maghahanap sa Goblin sa susunod niyang buhay...
is feeling , ang hindi ko lang maintindihan - eh bakit imortal pa rin siya..? parang hindi rin nawala yung sumpa sa kanya nun...
>
holy crap!
nag-autopilot na naman yata ako kagabi..
ang huli kong natatandaan eh yung kumakanta na yung may birthday..
after that, eh yung nagsuka na ako sa banyo..
matapos naman yun eh yung pinaakyat na ako para makatulog na..
tapos ay yung pagkagising ko noong pasado 3:00 AM na...
may mga nagawa ako na hindi ko maalala..
sa phone ko, may naka-save sa draft na "naku pr"..
samantalang sina Engineer naman ang huli kong kinumusta sa text kagabi, at tanda ko yun..
wala rin namang message sa inbox na kailangan kong reply-an..
tapos yung tablet ko eh halos na-drain yung battery..
39% yung last log niya..
nagawa ko ring baguhin yung sleep timer niya, from the usual 15 seconds to 30 minutes..
siguro nagsayang yun ng battery sa kaka-alarm, samantalang noong 3:00 AM ko na namalayan na tumutunog pala siya...
is feeling , autopilot...
---o0o---
January 20, 2018...
[Gadget-Related]
for some reason eh hindi na all the time ang pag-run nung Service Host: Delivery Optimization..
kahapon ko lang napansin eh..
wala na siya sa Task Manager kapag wala naman siyang ginagawa..
siguro dahil dun sa latest update na nakuha ko nitong January...
is feeling , ligtas na ang internet allowance - sa ngayon...
No comments:
Post a Comment