at dahil weekend..
ginamit ko na muna yung Day 3 ng bakasyon ko sa pagse-setup ng isang outdoor lounge para sa Project #6...
gagamitin naman areng linggo para sa general cleaning..
ang unang paglilinis para sa taong ito...
was feeling , 24 days left...
---o0o---
January 8, 2018...
may 47th retirement na..
idiniretso yung holiday vacation..
yung may tattoo sa tiyan...
anyway..
ang daming interesanteng pictures ni Miss H..
yung birthday niya kung saan i-invite niya yung mga kagrupo niya..
tapos may picture pa silang magkakaibigan na kasama si Miss P...
was feeling , pero talagang si Miss C lang ang hindi ko mahanapan ng kahit na anong data...
---o0o---
January 9, 2018...
hindi ko na kaagad matandaan kung anong day na ako..
masyadong busy ang utak...
kailangan ko muna ng Barangay Certification of Source of Income, though sabi sa website eh pwede naman daw yung mga proof of payment..
tsaka Birth Certificate na under na ng PSA at hindi ng dating NSO...
was feeling , isip-isip...
---o0o---
January 10, 2018...
madali lang magdeklara para sa PhilHealth..
pero sa SSS eh kailangan ko pang pag-isipan kung paano akong magdedeklara ng mababang kita..
kumbaga eh yung net...
parang tanga kasi..
11% ng kita..?
daig pa nila ang mga simbahan kung ganun...??
was feeling , ang sakit na ng ulo ko.. PSA muna...
>
certified malas talaga... :(
bagong set..
dahil na rin sa katangahan ng mga sistema ng gobyerno...
una sa barangay..
para sa Certificate of Source of Income..
na-declare ko na yung purpose mula umpisa, na para yun sa SSS..
nagtagal sa processing..
kaso noong panahon na ng pirmahan eh wala naman pala yung magaling na kapitan..
tapos pati yung magaling na secretary na pwedeng pumirma eh wala rin..
kaya yung mga nasa cashier na pinakauna ko ring nakausap yung pumirma sa certificate ko..
try ko na lang daw kung lulusot yun sa SSS..
at bumalik na lang daw ako kung hindi..
tang inang mga taga-peke ng mga dokumento yun... :(
ikalawa, sa PSA naman..
mahaba ang pila pero mabilis rin naman umusad..
mga 3:00 PM ako pumila, at mga 3:25 PM ay nakapagbayad na ako sa cashier..
so waiting na lang ako noon, na almost 2 hours lang dapat..
buong akala ko noon eh pulido na ang lahat..
kaso yung mga letseng iregularidad eh nagsimulang mangyari noong may 5:00 PM na..
1 and 1/2 hour na akong naghihintay noon..
nang biglang magtawag dun sa microphone nung mga taong mas huli pa sa aking pumila, alam ko dahil pinapanood ko lang sila noong ako pa yung naghihintay lang..
napansin rin yun ng iba ko pang mga kasabayan, at nainis nga at nag-inquire yung iba..
at gaano ako kamalas..?
6:00 PM na ako nagdesisyon na lumapit dun sa mga nagri-release, mga less than 20 na lang kami na nandoon noon sa opisina nila..
at nalaman ko na kabilang pa yung sa akin dun sa huling 4 na pini-print pa lamang... :(
tang inang yun..
akala ko pa naman may sistema sila..
na akala ko eh dire-diretso rin lang yung pila nung mga request..
yun pala eh nagkakamali pa sila nang pagsusunud-sunod nung mga request form... :(
o sh-in-uffle ba ni FATE yung mga letseng request..?
para talagang mapasali ako sa huling batch...??
was feeling , CERTIFIED...
>
madalas hindi ko na alam kung ano pang iisipin ko tungkol sa kamalasan ko...?
nawalan na ako nang ilang beses..
nagkaroon na ako ng kung anu-anong depekto sa katawan..
tapos yung mga nilalakad ko nga eh madalas na may mga aberya, hindi gaya sa ibang mga tao...
minsan naiisip ko na baka pati yung karma ko pagdating sa kamatayan eh maging sobrang lupit rin sa akin eh... :(
yung pakiramdam na sinasabi ng ibang tao na think positive..
na nasa isip lang yung pagiging malas..
na naaapektuhan yun ng mood..
eh putang ina, paano ko naman naaapektuhan ang paraan ng pagtatrabaho ng ibang tao...??
okay lang sana na tadtad ako ng negative karma eh..
kung ang positive karma naman na matatanggap ko eh mananalo ako ng jackpot sa lotto..
o yung ma-track ko man lamang si Miss C at least..
pero wala eh... :(
was feeling , anak ng ano eh...
>
sa sobrang bulok ng sistema ng gobyerno..
ang daming proseso ang paulit-ulit lang..
paulit-ulit na pinipilahan nang matagal, at paulit-ulit ring binabayaran...
sa certified photocopies pa lang eh malaking lokohan at pamemera na eh..
kung matatalino sana ang sistema..
edi magpe-present ka lang parati ng original copy mo..
tapos bahala na yung ahensya na naghahanap ng requirement na yun na mag-photocopy ng kopya mula doon sa original, at sila na rin mismo yung magse-certify o magba-validate nun..
sa ganung paraan eh mas aware sila na totoong kopya yung nakukuha nila kasi sila mismo yung gumawa...
samantalang kung may centralized database ang lahat..
kung may software platform lang sana sila kung saan nao-open lahat ng files ng isang mamamayan magmula sa kanyang birth certificate and so on..
kung may sistema lang sana kung saan mga awtorisado lang talagang tao ang pwedeng mag-access sa kung anu-anong required documents, at walang bentahan ng impormasyon na magaganap..
kung may kakayahan lang talaga sana dito sa bansa na mag-provide ng database at networked software na may matinong security..
yung tipo ng sistema na isang unique identifier lamang ang kailangan ng bawat mamamayan, para mabigyan ng limited access yung kung anu-anong ahensya sa mga government-related documents nila..
edi sana hindi paulit-ulit ang mga mamamayan..
edi sana mas mabibilis ang mga proseso..
at edi sana hindi rin masyadong magastos...
was feeling , kaso nasa bulok na level pa rin eh...
>
lagot na nga..
mukhang hindi ko muna magagamit ang kanang tuhod at left ankle ko bukas...
mukhang bakasyon rin muna ang paglalakad ko ng mga papeles..
SSS at PhilHealth pa..
ewan ko lang kung anu-ano ring aberya ang ipaparanas sa akin ng mga yun...
was feeling , 21 days left...
---o0o---
January 11, 2018...
anak ng..
inutusan yung kanyang ina na ipagluto siya ng pancit canton..
habang masaya siyang nagba-basketball...
tapos magtataka kung bakit may nilalaro ng karayom yung Autistic pagbalik niya..?
para naman kayong mga tanga..
anong gusto ninyong gawin dito sa bahay, na itago lahat ng gamit sa mga matataas o mga naka-padlock pa na mga lugar..?
samantalang may option naman na sa sariling bahay nyo na lang yung bata..
tang ina, laging yung kapitbahay pa ang mag-a-adjust para lang sa inyo...?
tapos hihiritan pa ako na kesyo ako ang magbantay at maghatid sa school dun sa Autistic..?
tang ina, eh paano ko pag-iipunan yung future cremation ko..?
parang may suweldo yung pag-aalaga dun sa mga bata kung makapag-utos eh...
walang problema kung mga normal na bata ang aalagaan..
gaya nung nauna kong 2 biological nephews..
pwedeng silip-silipin lang at bigyan ng mga laruan, at pagbilinan kung anu-ano ang mga hindi tamang gawin..
pero yung magbabantay ng Autistic na threat sa sarili niya mismong buhay, eh lokohan na..
bayarang-bantay ang kailangan nun..
peor tinitipid nyo siya kapalit ng mga luho ninyo...
andami ninyong oras para magtrabaho at um-extra..
andami ninyong oras para mag-relax sa labas..
andami ninyong oras para mag-a-attend ng mga event..
samantalang yung 2 matanda dito sa bahay eh nagrereklamo na nang palihim dahil matagal na silang hindi nakakapanood ng libreng sine para sa mga senior citizen..
at lahat ng yun para lang sa Php 4,000 plus groceries na kayo rin naman ang gumagamit...
samantalang hindi ninyo magawang magluto ng sarili ninyong pagkain..
hindi ninyo kayang maghanda ng sarili ninyong mga gagamitin sa pagkain..
hindi ninyo kayang maghugas ng mga pinagkainan ninyo..
hindi ninyo gustong magpaligo ng mga bata..
hindi ninyo gustong maghugas ng puwet kapag tumatae sila...
torjack-an kayo nang torjack-an tapos iaasa nyo lang sa iba yung mga bata...
was feeling , tigil-tigilan nyo yang pag-aalok sa akin ng paggawa ng charity.. pera lang ang mahalaga sa mundo...
>
ilang taon na..
hindi ko pa rin maintindihan kung bakit mas ginusto ng mga nakatatanda kong biological brothers at ng mga blood relatives ko sa demonic father side na muling isalaksak sa pamilya namin yung demonyong yun..
yun ay matapos niyang mambabae kapalit ng pera at sugal...
hindi ko maintindihan kung paano nilang nasasabi na mas mahalaga ang pangalan kesa sa welfare ng mga tao...
siguro majority ng panahon mula sa day 1 ng pagsasama nilang dalawa..
halos puros pasakit lang ang naranasan at patuloy na nararanasan ng biological mother ko..
hindi sa totally kasundo ko siya..
pero lahat ng paghihirap at kamalasan niya sa mundo ay mas pinalalala at ginagawang araw-araw ng asawa niya...
saan ka naman nakakita ng lalaking asawa na siya pa ang pabigat..?
saan ka naman nakakita ng inutil na asawa na siya pa ang senyorito..?
saan ka naman nakakita ng isang palamunin na siya pa ang nanunumbat sa araw-araw kesyo hindi palantsado ang mga damit niya, o hindi pa nalalabhan, o kesyo wala pang nakahanda na pagkain para sa kanya..?
yung tanga na naghahanap ng pagkain, samantalang hindi na nga makapagluto yung isa dahil wala siyang katulong sa pagbabantay sa mga pasaway na bata..
saan ka nakakita na 2 mahirap na alagaan na mga bata na yung inaalagaan nung isa pero gusto pa rin niyang ipasa ang lahat ng gawain dun sa kawawang alipin..?
yung lalaking t-um-orjack lang nang t-um-orjack dahil sa tingin niya ay by default dapat nag-eentrega lahat ng mga anak niya ng financial support para sa kanya, bilang kapalit ng tamod na ginamit niya sa pagbuo ng mga bata...
siguro nga wala ng pisikal na sakitan, hindi tulad noong mga bata pa kami..
siguro nga puros murahan lang dito sa bahay..
pero nakakaasar pa ring marinig lahat ng mga sumbat niya sa araw-araw..
kulang na lang eh sabihin niya na dapat nagre-relax na lang siya at sinusustentuhan ng limpak-limpak na pera eh...
sobra na ang kademonyohan mo..
ultimo yung mga sakit na nararamdaman mo sa katawan mo eh sa asawa mo pa rin isinisisi..
hindi namin kasalanan kung may bisyo ka at maluho ang lifestyle mo..
ikaw rin ang tanga na nagturo dun sa Autistic na pwede ka niyang pasunurin na parang aso para sa mga mali at mapanirang mga gawain niya, kaya huwag mo kaming sinisisi kung ikaw lang ang parating inuutusan niya - putang ina mong aso ka..!
aso ka ng dahil sa pera..
hindi mo kadugo ang asawa mo, wala siyang responsibilidad sa'yo, kaya wala kang karapatan na sumbatan siya..
magpasalamat ka nga dahil tinanggap ka ulit sa bahay para lang manatiling malinis yang basurang apelyido mo...
hirap na hirap ka sa buhay mo..?
pero hingi ka nang hingi ng pang-maintenance...?
was feeling , gusto ko nang magpainom.. putang ina mo ka...!
>
tapos yung hihirit pa na kesyo bakit daw hindi ako mautusan...?
putang ina mo!
hindi ko anak yang mga batang yan!
kung may reklamo ka - dun ka sa mga magulang nila magreklamo!
pero dahil sagot nila ang maintenance mo - hindi mo sila masumbatan!
hindi ko sila responsibilidad, kaya huwag kayong umasa ng kahit na ano mula sa akin...
was feeling , ang kapal ng mukha mo para sa isang iresponsableng sperm donor...
>
magbabalasa muna ako ng schedule...
yung Friday task, ililipat ko muna sa Saturday, tutal eh malaki naman na ang internet allowance eh..
tapos sa Sunday na muna ang grocery day...
para lang mailaan ko sa SSS at PhilHealth ang weekdays...
was feeling , okay na ulit ang mga binti ko.. pwede na ulit gamitin bukas...
---o0o---
January 12, 2018...
[V-League]
lagot si Morado..
magiging teammate na niya si Gumabao..
ayaw pa naman nun na natatalo ang team niya... XD
was feeling , pressure...
>
okay na ako sa SSS...
yung 8:00 AM kong dating eh pang-number 22 na ang inabot.. XD
nakalimutan ko kasing mag-photocopy ng mga ID ko eh..
mabilis naman yung takbo ng pila, at hindi rin naman mabanas doon sa lugar..
nakakaihi nga yung lamig nung aircon kung tutuusin eh...
kaso..
noong ako na yung nasa counter..
nalaman ko na pinapipila pala kami nung lady guard sa entrance sa maling counter, pero inasikaso pa rin naman kami nung cute na babaeng buntis..
pero mas nagulat ako noong sinabi nung babae na minimum of Php 3,000 na declaration of income na lang DAW ang tinatanggap ng SSS..
samantalang sa website nila at maging dun sa mga naka-post sa mismong office nila eh kasama pa rin yung Php 1,000 to Php 2,500 na bracket..
t-in-arget ko pa naman sana yung nasa Php 200 plus lang na monthly contribution..
para hindi masyadong mabigat kapag ipinares na sa PhilHealth..
tsaka bilang paghahanda na rin sa pagtataas ng contribution na isinusulong ng SSS..
mabigat na kasi kung papalo pa ako ng Php 500 plus...
sa isinusulong kasi nila na 12.5% na rate para sa contribution na base sa sahod, sa halip na maghabol sa mga hindi nagbabayad nang tama..
eh aabot pa yung sa akin ng Php 375 kapag nagkataon..
at kahit pa sabihin na sa akin rin naman mapupunta yun eventually, eh siyempre mapapaisip ka pa rin kung gaano ba ka-accurate at kabilis yung processing nila ng mga claims...
anyway..
nagbayad na rin nga ako ng paunang mga hulog ko..
mabilis rin naman ang usad ng pila..
though mas matalino sana kung may sadyang priority lane sila, since napakarami rin naman ang mga bigla-bigla na lang sumusulpot na may mga priority number na bumabasag dun sa pila...
pero okay ang training sa mga guard nila pagdating sa pag-aayos ng mga pila..
kagaya rin sa PSA..
walang nakakasingit...
was feeling , ano na naman yun, gobyerno..? bakit biglang minimum of Php 3,000 na lang...?
>
sa Monday na ang PhilHealth..
mukhang early bird rin ang kailangan dun eh...
hindi na naman ako makakapanood ng mga final episodes ng Goblin... :(
anyway..
quarterly ang plano kong approach para sa mga contribution ko..
para may time para mag-ipon...
iniisip ko kung okay bang gamitin yung *137# ng GCash para sa SSS..
kaso reference number lang ang makukuha ko kapag ganun, at walang hard copy na mas mainam for future reference..
considering na rin yung sinabi sa akin noon ng Globe (regarding a different issue) na limited lang DAW ang storage na ginagamit nila para sa pagre-record ng mga transactions..
hindi rin naman magandang ideya na sa payment center magbayad, dahil na rin sa bad experience namin noon kung saan kupas na yung resibo just few months after, at kung kailan hinahanapan na kami nun ng Globe...
pero sa bagay..
tolerable naman yung pila sa pagbabayad basta't dumating ka sa opening pa lang...
pag-aaralan ko pa rin kung totoong namo-monitor nga yung mga contributions..
o kung alamat lang yung mga online account para sa SSS...
next January ko ita-try ang pagkuha ng ID, kapag naka-1 taon na hulog na ako..
o di kaya eh bago mag-expire yung Postal ID ko...
makapag-loan kaya para sa MORE advance education...?? <3
was feeling , sana nga umubra.. kahit for 10 years lang...
>
[TV Series]
Ang Probinsiyano & Wild Flower
mukha lang nakakaumay at sobrang paulit-ulit yung mga labanan...
pero kung ikukumpara mo sa totoong mundo..
hindi nga siguro ganung ka-intense yung mga nangyayaring labanan sa pagitan ng kabutihan at kasamaan..
pero tama ang depiction nung mga TV Series na yun kung gaano kahirap na talunin ang mga demonyong mayayaman at maimpluwensiya..
yung mga tipo na guilty na, pero talagang nakakawala pa rin..
na parang ang tanging sigurado nga lang na paraan para wakasan ang kasamaan nila ay kung papatayin na lang sila...
maikli pa nga yung mga istorya na yun kung tutuusin eh..
dahil sa totoong buhay..
ilang dekada man ang makalipas, at patuloy pa rin na mapapaikot ng mga maimpluwensiya ang batas..
mahihinto lang ang lahat kung mamamatay ang masasama...
was feeling , napapanahon...
---o0o---
January 13, 2018...
sorry sa mga nanakawan sa BDO... :(
kasalanan ko rin yata yun..
dun ko kasi sana gustong magbukas ng bank account eh..
kaya baka nadamay sila sa kamalasan ko... :(
check (chess term)... :(
is feeling , naman FATE! hindi mo talaga ako hahayaan na mailabas ang pera ko sa PayPal, ano...??
No comments:
Post a Comment