Friday, August 18, 2017

V-League: Philippines Volleyball Galore

[V-League]


The "What If" of the
2017 Asian Senior Women's Volleyball Championship


August 12, 2017...

ah ganun pala yun..
parang Round Robin..
kaso may mga nada-drop nga sa bawat pool..
bale isang beses pa rin kakalabanin ng bawat team yung mga kasama nila sa bagong pool..
kaya hindi na muna ulit kakalabanin ng Philippines ang Kazakhstan..
South Korea muna, tapos Vietnam...

ang problema nila..?
power at speed type yung 2..
hindi naman siguro ganung nagkakaiwanan pagdating sa height..
yung South Korea may pang-K-Pop boy band pa na kasapi..
parang Risa Sato na matalas yung serve, pero mas mabilis at mas malakas...

was feeling , pero ang totoong problema..? walang chick na player...

---o0o---


August 13, 2017...

mas malakas ang Japan kesa sa Chinese Taipei..
halos even naman ang Thailand at China kanina..
pero nanalo ang Thailand with 3-2 sets..
power at speed versus height, power, at speed..
Thailand ang isang halimbawa na hindi lahat eh nakukuha sa tangkad, basta may power...


Philippines versus South Korea

rank #79 versus #10 sa FIVB ranking..
nakita naman yung effort sa Set 1..
lamang pa nga with 16 attacks, kaso na-negate naman with 9 errors..
inilabas pa tuloy ng South Korea si KYK..
andaming tapon na services sa Set 2..
tapos sa papahina na papuntang Set 3..
pangit rin ang rotation ni Vicente..
pangita na kung sino yung may pusong maglaro, pero balasa pa rin nang balasa...

regarding the latest FIVB Rankings..
Kazakhstan #21..
Thailand #14..
Japan #6..
China #1 (na tinalo kanina ng #14)..
at #66 na Hong Kong pa lang ang natatalo ng Philippines...

makikita bukas kung anong magagawa nila laban sa #44 na Vietnam...

was feeling , yan na nga ba ang sinasabi ko eh.. pinakawalan yung at least 2nd Place sa PVL kapalit nare.. nice one, sponsor!

---o0o---


August 14, 2017...

South Korea versus Kazakhstan

#10 versus #21..
na-3-0 ng South Korea..
maaga ring isinuko yung laban dahil hinugot yung mga key players para magbalasa ng squad..
kaso may na-injure na key player ng South Korea noong patapos na yung match...


Japan versus Thailand

#6 versus #14..
nagka-power issue pa sa venue, LOL!
3-1, untik na ang Japan kay Wipawee..
medyo nagkamali rin ng diskarte dun ang Thailand..
Japan ang mag-aabang sa putot mula sa block ng Philippines..
at Thailand naman sa 3rd seed...

dapat matutunan ng Philippines yung diet ng Thailand..
hindi malalaki, hindi rin naman masyadong muscular - pero ang lalakas humambalos...

was feeling , Japan at Thailand.. parehong delikado para sa Philippines...

>
End of Preliminary - Second Round

Philippines versus Vietnam

#79 versus #44, and Silver medalist sa SEA Games..
inagaw ng Philippines ang Set 1, 27-25..
inagaw rin ang Set 2, 26-24..
naiwanan naman sa 3rd Set pero hindi naisipan ni Vicente na ipahinga man lamang ang mga key players..
medyo nagdelikado pa sa 4th Set, pero tinapos rin naman ni Baldo...

anlakas ni Hue..
35 y/o na daw, pero mabilis, malakas, at flexible pa rin sa running attack...

medyo nasasanay na si Macandili sa bilis ng bola sa semi-international level..
si Jaja naman eh kailangan pang mas maging Ace Player, mga katipo ni KYK sa level ng power at accuracy..
at siyempre, yung simple at mahalaga - kailangang matuto ang national team ng pulidong service..
kahit hindi pamatay, basta ba sure ball at hindi pinamimigay lang...

putang ina, Sponsor!
nakita nyo yung laro na yun ni Baldo!?
ni hindi ipahinga kahit hopeless set na..
pero ipinagdamot nyo siya sa Creamline..
ano ba naman yung ipinatapos nyo man lamang kay Baldo yung Game 2 ng Semifinals, para man lamang na-secure ng team nila ni Morado yung Finals seat sa PVL...?

umpisa na ng palaglagan bukas..
qualification na lang for 5th to 8th place ang paglalabanan ng mga unang matatanggal...

was feeling , nalampasan na ang #66 at #44.. eh yung #14 kaya...?

---o0o---


August 15, 2017...

End of Quarterfinals

pasok na ang China at South Korea sa Semifinals..
pinalaglag nila ang Chinese Taipei at Kazakhstan..
panalo rin ang Japan laban sa Vietnam..
lahat ng laban nauwi lang sa 3-0...


Philippines versus Thailand

LOL! natawa naman ako dun..
hindi pa tapos yung 3rd Set, pero nakaayos na yung schedule ng Semifinals sa isang website..
pero tama rin naman yung encoder, talo nga ang Philippines...

pangit pa rin ang balasahan ng Philippines..
kita nang hindi maganda ang laro, pero ayaw pang palitan..
ang hilig rin mag-stick sa mga veteran..
ni hindi subukan ang laro ng 5'11" na si Kim Dy, samantalang maganda ang floor defense ng La Salle..
pinakamaliit pa pala si Gonzaga sa mga attackers ng Philippines, 5' 7 & 1/2" pero hindi halata..
nakakadikit naman eh, kaso andami pa ring service error na pinapakawalan ng Philippines..
kahit ang Best Server ng UAAP na si Fajardo eh sumasablay..
parang hindi rin yun yung totoong laro ni Santiago..
siguro dapat si Nabor ang kinuha sa halip na si Dimaculangan..
mas mabibilis at patusok ang mga palo noon ni Santiago sa nakaraang UAAP eh...

partida pa, 3 to 4 attackers lang ang ginagamit ng Thailand kanina..
Setter yung isa, Libero yung isa minsan, at si Captain Pleumjit na mahilig mag-decoy yung ikatlo..
yung decoy na kapag pumalo eh pamatay rin..
ang lakas nina Ajcharaporn at ang 17 y/o na si Chatchu-on, parehas nasa 5'10"..
ang lesson ngayong araw - hindi option ang dropball sa international level...

at dahil dun..
#55 na Chinese Taipei ang makakaharap ng Philippines bukas..
kung mananalo sila eh makakaya nilang makaabot sa 6th Place, at least..
#21 na Kazakhstan at #44 na Vietnam kasi yung isa pang pares na maglalaban sa pool for 5th to 8th...

was feeling , ano, Sponsor..? masaya na kayo sa ginawa nyo sa Creamline...?

---o0o---


August 16, 2017...

Classification for 5th to 8th

lagot ang Philippines..
panalo ang Vietnam laban sa Kazakhstan..
3-2 eh..
panalo sina Hue..
kapag minamalas-malas, malalaglag sila sa 8th place...


Philippines versus Chinese Taipei

konti lang ang tao, 12:30 NN kasi ang schedule eh..
mahina ang simula ng Set 1..
Set 2 eh parang anti-La Salle, inubos ang mga taga-DLSU sa court, sa dulo pa ipinasok sina Dy at Fajardo..
3rd Set had a good start, pero nag-stick pa rin talaga sa weak lineup hanggang dulo eh...

most stupid game ng Philippines..
nakaka-disappoint dahil sa kalibre pa ng Chinese Taipei sila nagkalat..
eh di hamak na mas malakas ang Vietnam at Thailand kumpara sa mga yun..
pero dahil sa kagustuhan ni Vicente na papaglaruin sina Molina, Ortiz, at Maizo eh ipinatalo na naman niya yung team..
all 3 players had their contributions, pero hindi sapat yun..
oo may blocking si Ortiz, pero halos tulak lang sa bola ang mga atake niya..
oo may attack si Maizo, pero hindi naman balanse sa level ng depensa niya..
oo may attack si Molina, pero hindi sapat yung power..
at si Dimaculangan, hindi maka-connect 100% kina Santiago at Baldo..
at ilang beses ba nadale ang Philippines ng drop ball ngayong araw..?
nagko-commit na ng errors at lack of defense yung mga piling players niya pero ni wala man lamang substitution...?

maganda ang ginawa ni Gonzaga sa Set 1 (in fact sa halos lahat ng laro nila), pero ano..?
ipinahinga na for the rest of the match..
si Tyang Abby pinagdamutan na rin ng playing time, samantalang mas malakas ang opensa niya bilang Middle Blocker..
si Kim Dy, iisang beses nabigyan ng pagkakataon na umatake, pero pinagdamutan rin ng playing time para sana maipakita naman ang potensyal niya..
siguro kung nagamit si Dy sa laban sa South Korea at Thailand, baka mas mataas pa ngayon yung naabot ng Philippines..
haaay, Vicente..
the best ka..
hindi na nakakapagtaka kung bakit ganun ang ranking ng UE sa UAAP..
sinisira mo ang national team..
ano ba naman yung subukan mo lang muna yung La salle chemistry kahit isang beses lang...?

wala..
mukhang hanggang 8th place na lang ang Philippines, out of 14 teams..
Kazakhstan na ulit ang makakalaban bukas eh...

10:00 AM ang laro bukas..
kapag ibinangko pa rin si Kim Dy eh lokohan na..
kapag nagpaka-anti-La Salle na naman ang coach eh lokohan na...

was feeling , ayos, Sponsor! talo na naman.. eh kalaban yung sariling coach eh...

>
End of Semifinals

panalo ang Japan laban sa China, 3-0..
panalo naman ang Thailand laban sa South Korea..
3-0 rin, kahit si KYK eh walang nagawa..
bagsak ang #1 at #10 laban sa #6 at #14 respectively..
Japan at Thailand ang maghaharap para sa Finals..
mas boto ako sa Thailand, though mukhang mas lamang ang Japan...

---o0o---


August 17, 2107...

Battle for 7th Place

Philippines versus Kazakhstan

still sticking with his veterans..
Set 1 eh nakuha ng Kazakhstan..
Baldo-less ang majority ng Set 2..
untik yata na ma-injure eh..
yung andami ng errors ni Maizo, pero wala pa ring substitution para sa kanya..
tapos si Molina pa na maganda yung laro yung biglang hinugot palabas ng court..
sa Set 3 saka pa sinubukan na alisin yung mga veterans, and it was better..
lamang ang Philippines sa maraming punto nung set..
si Kim Dy eh ipinasok pagpasok lang ng 19th point..
pero maganda ang nilaro ni Dy hanggang sa katapusan ng set na yun..
in fact, siya ang may hawak ng mga huling services noon, at hindi siya namigay ng puntos..
ganung player ba Vicente yung kabangko-bangko ha..?
maagang nalamangan ang Philippines sa Set 4, pero humabol sila at nanalo pa..
again, hindi 'to veteran lineup..
ipinasok si Kim Dy sa 13th point, at hindi siya nagkalat..
biglang lumakas ang blocking ng Kazakhstan sa Set 5..
wala, naging Ace Player si Zhdanova eh..
talagang naiwan ang Philippines..
isang beses lang na-block si Kim Dy, pero alis na kaagad siya sa game..
bakit hindi mo bilangin ang mga naging errors at pagkukulang sa depensa ng mga paborito mo, Vicente..?
natapos ang set sa score na 15-3, natapos ang match sa 3-2..
at dahil dun, nagtapos ang Philippines sa 8th Place, out of only 14 teams..
at ang maipagmamalaki lang natin ay natalo natin ang #2 seed sa SEA Games, ang Vietnam..
pero ang tanong ay makakaya ba yung ulitin ng national team sa mismong SEA Games, under the same coach...?

ang lesson ngayong araw..?
huwag ipilit yung mga players na na-score nga, pero nababawi rin naman yung puntos sa mga errors nila..
huwag ring maghabol ng blocking, kung hindi naman yun nako-convert sa kill blocks..
attacks pa rin ang pinakamagandang opensiba, at ang blocking ay pwede namang saluhin ng coverage..
ano kaya ang nangyari sa mga laban ng Philippines kung nabigyan lang si Kim Dy ng pagkakataon na mas sumali pa sa mga laro..
Kazakhstan nga eh pinahirapan nila sa loob lamang ng 2 sets, yun pa kayang smaller team ng Chinese Taipei...?

nasayang lang yung potensiyal ng national team sa liga na 'to..
may kakayahan ang Philippines na makipagsabayan sa mga team na gaya ng Thailand..
pero kung magiging maramot sa playing time eh wala talagang mangyayari..
unfortunately, mga Coach ang nagde-decide kung sinu-sino lang yung papasok sa loob ng court..
kaya kahit magaling pa ang isang player, wala siyang maitutulong kung nasa bench lang siya... :(

ano Sponsor..?
fulfilling ba yung 8th Place under such coach, kumpara sa at least 2nd Place sa PVL..?
kung tutuusin parehas nyo naman sanang nakuha yun, kung hindi lang sana kayo naging maramot gaya ng coach na gusto ninyo para sa national team... :(

yung isa pang masama sa nangyaring pagkatalo ng Philippines laban sa Chinese Taipei..?
ayun..
yung tinalo nilang Vietnam eh mas mataas pa sa standing ngayon..
salamat, Coach!
such a waste... :(

was feeling , hindi ba pwedeng si Coach Ramil na lang..? ang bulok talaga nung isa eh...

>
Final Matches

kinapos nga kanina ang Philippines laban sa Kazakhstan dahil sa magaling na coaching...

as expected naman..
tinalo ng Vietnam ang Chinese Taipei..
3-0..
pero close fight yun kahit papaano..
Vietnam ang nakakuha ng 5th Place, at Chinese Taipei ang 6th...

heto naman yung talagang nakakapagtaka sa latest na liga na 'to..
inapi rin ng South Korea ang recent FIVB #1 team na China..
iwan ang mga scores eh..
ewan..
baka nahihiya sila na maglaro sa bansa na gusto nilang gawing kolonya..
dahil dun ay nasungkit nina KYK ang 3rd Place, at 4th naman ang China...


Finals

Thailand versus Japan

unfortunately, it became an upset para sa Thailand..
pero magaling pa rin ang ipinakita nila laban sa Japan..
28-26 at 25-20 yung Sets 1 and 2, so parang abot kamay na yung tagumpay noong mga oras na yun..
pero hindi naging Rank 6 ang Japan para sa wala..
16-25 at 16-25 ang ending ng Sets 3 and 4, at parang nalamangan na talaga ang #1 seed ng South East Asia..
at kinapos na nga talaga sila pagdating sa Set 5 na natapos sa score na 7-15...

kaya naman Japan na ang #1 sa latest AVC..
at 2nd lang ang Thailand..
but that also means na mananatili ang threat ng Thailand para sa paparating na SEA Games...

pa-request na ng matinong coach para sa Philippines... :P

was feeling , ganun ang totoong labanan.. yung nababalasa ang mga nasa tuktok...

>
Awards

ang gagaling..
halos pinapak ng Japan at Thailand ang mga awards..

Best Outside Spikers sina Kim Yeon-koung (KYK) ng South Korea at ang 17 y/o pa lamang na si Chatchu-on Moksri ng Thailand..
isa naman sa 2 Best Middle Blocker si Hattaya Bamrungsuk ng Thailand rin..
Best Setter is also from Thailand, si Nootsara Tomkom...

at ang isa sa 2 Best Libero..?
non other than Dawn Nicole Macandili ng Philippines..
nice one, Macandili!
buti na lang hindi masyadong apektado ng decision-making ni Vicente yung diskarte ni Macandili sa pagsalo at pag-dive para sa mga bola...

was feeling , eh ganun ba naman kalulupit yung mga kalaban ni Baldo.. Chatchu-on, ambangis na bata...

---o0o---


PVL - End of the Open Conference


August 12, 2017...

PVL - Battle for Third

Creamline versus Air Force

labanan ng mga nadurog ang pangarap..
ang nagpahirap sa Champion Team, na nauwi lang sa wala ang effort..
at ang nag-sweep sa Eliminations, na isinakripisyo ng sponsor para sa mas risky na liga..
labanan ng mga veteran...

wala naman akong planong manood..
kaso pustahan ng mga baby yung palabas sa Channel 2, kaya napanood ko na rin nga yung katapusan ng laban..
3-0..
mukhang nawalan ng loob ang Air Force dahil sa naunsiyami nilang victory laban sa Champion Team...

hala!
pumalo si Morado ngayon, na bihira niyang gawin...

Awards

siyempre, natural na na hindi si Baldo ang MVP at Best Outside Spiker dahil hindi naman niya natapos yung conference..
untik na si Pablo kay Caloy, 143 versus 142 points respectively..
pero 2nd lang si Pablo kay Soriano pagdating sa attack rate, 39.75% versus 41.84%, kaso wala namang award yung accuracy...

kinaya naman ni Morado na maging Best Setter pa rin kahit na hindi naman elite na mga attackers yung mga kasama niya..
unang sali sa liga bilang pro, at nakakuha na kaagad ng award..
13 excellent sets per frame versus Nabor's 11.28...

was feeling , pero hindi pa rin sapat yun.. hindi dapat hinadlangan sa pagpasok sa Finals ang team niya...

>
PVL - Finals

Bali Pure versus Pocari

hindi ko rin pinanood..
pero natapos rin sa 3-0..
sige NU-Bali Pure..
nakaka-badtrip na puros Baldo-less Creamline yung tinalo ninyo ngayong wala ng mga reinforcement..
pero kahit papaano eh mababago rin ang istorya ng Finals kung matatalo niyo na yang Pocari...

was feeling , wakasan ang mga dynasty...

---o0o---


August 16, 2017...

PVL - End of the Battle for Third

Creamline versus Air Force

malakas na nag-start ang Air Force sa Set 1, kaya nakuha nila yun..
Creamline naman ang lumamang sa Set 2, pero untikan nang mahabol sa dulo, mabuti naman at hindi nila pinakawalan ang set na yun..
Set 3 ay talagang sa Creamline na ulit..
at ganun din ang Set 4..
kaya naman nakuha ulit nila ang 3rd Place para sa conference na 'to...

parang nawala talaga yung determinasyon ng Air Force matapos silang mabigo na pataubin ang Champion na Pocari...

saludo ako sa Creamline, pero hindi sa Sponsor nila..
mahusay talaga si #12 Morado..
yung klase ng non-attacker na volleyball player na kayang ilabas yung potensiyal ng mga teammates niya..
yung kahit hindi naman mala-ace player at hindi naman sobrang lalakas ng mga kakampi, eh nagagawa pa rin nilang manalo dahil sa pagtutulungan..
kung ipinahiram lang sana sa kanila si Baldo sa Game 2 ng Semifinals...

was feeling , ano, masaya ba kayo Sponsor kay Vicente...?

>
PVL - End of Finals

Bali Pure versus Pocari

sa wakas!
natapos na rin ang dynasty ng Pocari..
parang NU na ang maghahari sa susunod na conference ng PVL ah...

was feeling , ganun dapat.. hindi yung iisang team na lang parati ang champion...


No comments:

Post a Comment