Friday, August 18, 2017

Script Writers & Artificial Criminals

artificial as in man-made..
as in inimbento lang..
as in tinaniman lang nila ng mga ebidensya...

bakit hindi na mawawala ang kriminalidad sa bansa..?
eh mga awtoridad na mismo yung gumagawa ng mga kriminal eh..
ginagawa na nga nilang mga kriminal sa mata ng lipunan yung mga inosenteng itinutumba nila..
tapos sila pa mismo sa mga sarili nila eh nagiging mga kriminal na rin sa ganung proseso...

paano ba kino-compute ng pamahalaan kung gaano ka-isolated ang isang kaso ng tumbahan..?
bilang ba ng mga inosenteng tao na naitumba ng mga pulis na nagkaroon ng sapat na ebidensya (CCTV footages on most cases) divided by the total number of population in the Philippines..?
eh kung ganung kababaw ang pananaw ng gobyerno, eh magiging insignificant nga yung bilang ng mga inosenteng tao na itinumba kapalit ng accomplishment report..
sa ganung kababaw na perspektibo eh masasabi mo nga na madami pa (milyon pa) na mga mamamayan ang ligtas pa mula sa mga kaliwa't kanan na tumbahan...

pero sapat na ba yung dahilan para i-justify na tama pa rin na basta na lang itumba ng mga awtoridad lahat ng gusto nilang patayin, para lang may mai-submit sila na accomplishment report..?
para lang maipamukha nila sa mga mamamayan na magulo ang bansa, na sobrang sama ng epekto ng ilegal na droga, kaya dapat ay maglaan ng limpak-limpak na budget para sa intelligence fund na gagamitin kontra dito, pati na rin sa terorismo (pero hindi naman ipinapakita kung paano nga ito nagagamit)..?
para lang masabi nila na nagtatrabaho sila sa kabila ng marami pa ring nagaganap na krimen sa kung saan-saan sa bansa...

nasa panahon na tayo kung kailan lahat eh posibleng maging drug user at pusher..
nasa panahon na tayo kung kailan lahat eh posibleng magkaroon ng baril in an instant..
nasa panahon na tayo kung kailan lahat eh posibleng pagmukhaing kriminal ng mga alagad ng batas...

---o0o---


update ulit (150 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • ang pagpapalibing sa bangkay ng isang Diktador sa isang makabuluhang national cemetery
  • yung pagbibigay ng permiso sa isang Imperyalistang nasyon (na lantarang nang-aagaw at nang-aangkin ng mga teritoryo) ng kalayaan para mag-explore sa teritoryo na posibleng mapagkunan sana ng mahahalagang resources ng bansa
  • yung kagustuhan na kontrolin kung sinu-sino ang mga mamumuno sa mga Barangay hanggang 2020
  • yung pahiwatig na gusto niyang ipatupad yung Martial Law na katulad nung sa Dictator Clan
  • ang paulit-ulit na pagre-relate ng mga tao sa kanyang mga rape comments na para bang ginagawa pang katatawanan ang bagay na yun
  • ang pambabastos sa lider ng isang bansa na mahilig sa mga delikadong armas, kahit na hindi naman kaya ng bansa na lumaban in case na mapikon ang mga yun

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad:
  • yung mga lalaking itinumba kahit na naka-posas na sa likod
  • yung 4 year old daw na bata na nadamay sa pagpatay ng mga pulis sa tatay niya
  • yung army reservist na pumatay ng lalaking naka-bike matapos ang road rage at matapos nilang magsuntukan sa kalye, tapos may nadamay pang isang sibilyan sa pamamaril niya
  • yung OFW na dinakip sa checkpoint at naging biktima ng torture at pagpatay
  • yung mga taga-Quezon na hinuli sa parang raid, pero wala palang record ang mga pulis ng naging operasyon na yun laban sa kanila, at may natagpuan na lang na mga sunog na bangkay na pinaghihinalaan na sa mga taong yun na pinagdadakip nga
  • yung kaso nung Australian, kung saan hindi nag-match yung statements ng mga arresting officers kumpara sa naging kuha ng CCTV, at may alegasyon pa ng tangkang pangingikil (this happened sometime before the current administration)
  • yung kaso involving Makati Police, kung saan inaresto ang isang OFW gamit ang gawa-gawa lang naman DAW na dahilan, at tinakot DAW na gagawing related sa ilegal na droga kung hindi magbibigay ang pamilya niya ng Php 500,000
  • yung kaso ng pagpatay sa Regional Chairperson ng Citizens Crime Watch sa Oriental Mindoro, kung saan Police Senior Inspector at Inspector (police awardee pa yung isa) yung nahuling mga suspect, at may mga kagamitan talaga sila na pang-riding-in-tandem
  • yung Mayor sa Mindanao at ang mga kasama niya na hinihinalang pinatay sa rubout
  • sa Ozamiz City, yung pagpatay o pagtumba daw ng mga pulis sa grupo ng mga suspek, at tila i-d-in-isplay pa ang mga bangkay nila sa harap ng munisipyo
  • yung kaduda-dudang raid laban sa mga Parojinog sa Ozamiz
  • yung pagkamatay ni Mayor Espinosa; nakakulong na, hinainan daw ng search warrant kahit na madaling araw na, nawawala ang kuha ng CCTV, at nakapanlaban daw
  • yung mabilis na pagre-reinstate dun sa Marcos (pulis ng Region 8 na sangkot sa kasalukuyang kaso/istorya ng mga Espinosa) at tila pagiging 'maluwag' ng mga kinauukulan sa iba pang pulis na involved
  • yung patuloy na pagkampi sa mga pulis ng Region 8, matapos ang findings na murder nga DAW yung ginawa nila laban kay Mayor Espinosa, hindi pa man sila napaparusahan pero may nakapangako na kaagad na absolute pardon para sa kanila
  • yung kidnapping ng isang civilian last October daw na nakunan ng CCTV, na ang sangkot ay mga pulis na hindi naka-uniform
  • yung kaso sa Lemery, Batangas kung saan may claim na nauna (higit na mas maaga) daw hinuli yung mga drug suspects nang mga naka-civilian na pulis na wala namang dalang warrant, pero hapon na noong kuhanan ng mga pictures at inventory na may kasama ng mga ebidensiya laban sa kanila
  • sa Tondo, yung 2 lalaki na napatay ng mga pulis dahil nanlaban daw, at tila binutas-butas pa daw yung katawan, pero nakunan naman ng CCTV yung maayos nilang pagsama sa mga pulis
  • sa Caloocan, yung ginawang pagtumba ng mga pulis sa 17 y/o na Grade 11 student na pinalabas nila na nanlaban
  • yung pagpatay ng isang pulis sa lalaking nanlaban DAW matapos mag-amok sa isang bangko sa Laguna na nakunan naman ng CCTV camera  
  • yung pamamaril ng isang lasing na pulis sa Misamis Oriental na ikinasugat ng 4 na katao 
  • yung nakainom na pulis sa Negros Occidental na namaril din at nakapatay
  • yung ginawang pananampal at panggugulpi ng isang sundalo sa isang bar sa Isabela, supposedly eh naka-duty daw siya, at nanggulo DAW doon dahil gusto ng nude dance/show
  • sa Sorsogon, yung pangho-holdap ng isang sundalo sa isang remittance center, na supposedly eh naka-duty rin siya during that time
  • yung pulis na nambugbog ng makulit na matandang lasing, at inilagay pa niya sa paso ang batas
  • sa Ozamiz, yung nakunan ng video na pananakit ng isang police chief inspector sa isang nahuling suspek
  • sa Quezon City, yung pulis na dati nang nasuspinde, na inaresto dahil sa pambubugbog daw sa kanyang stepson
  • sa Negros Oriental, yung pulis na nakunan ng video habang pinatapat ang tenga ng isang sibilyan sa muffler habang pinapaandar yung motorsiklo
  • yung pulis sa Sta. Mesa na namaril ng sibilyan na binu-bully DAW nito parati at sinaktan pa bago yung insidente, matapos na rumesbak yung biktima na may dalang bato at itak
  • yung buy-bust operation DAW sa Caloocan, na ginawa ng mga naka-sibilyan na naka-hood at mga naka-maskara at hindi na mga pulis, na natunugan DAW, kung saan 2 magbiyenan na drug-related suspects ang napatay sa loob ng kanilang pamamahay
  • yung napatay na 17 y/o sa Caloocan City na hindi naman target pero nadamay daw sa ginawang buy-bust operation, nakita daw siya na may baril kaya pinatay na
  • sa Maguindanao, yung 2 bata na edad 6 at 10 daw na nadamay at napatay sa ginawang anti-illegal drugs operation sa kanila, kung saan nasugatan rin daw yung 2 pa nilang mga bata rin na mga kapatid
  • yung pulis na namaril ng kapwa pulis sa Lipa City
  • sa Pasay City, yung miyembro ng army na nakainom, nagwala, at nakipagbarilan pa sa mga pulis
  • yung pulis na nang-rape ng sibilyan sa Calamba City, na ginamit DAW yung pagka-pulis niya para kunwari ay magpapatulong lang dun sa biktima
  • yung pulis na binaril yung menor de edad na isinasama lang DAW niya
  • yung pulis Mandaluyong na aksidenteng nakabaril sa Nasugbu, Batangas dahil DAW ipinagmamalaki niya yung baril na na-issue sa kanya
  • sa Manila, yung pulis na namaril sa isang bar, na napatigil gamit ang phaser gun
  • yung SAF na nambugbog ng traffic enforcer sa Bacolod matapos siyang masita na nagawa niyang traffic violation
  • sa Dumaguete, yung 5 pulis (hindi naman naka-uniporme o naka-duty) na nambugbog DAW dahil sa isang basketball game
  • yung nakunan ng CCTV na pulis (na naka-sibilyan) na nanggulpi ng lalaki na sinubukan na DAW humingi ng tulong sa mga pulis sa isang presinto ng QCPD, ikinulong pa nila yung lalaki at ipinaako DAW sa kanya lahat ng pagkakamali, at dahil yun sa away-trapiko pa rin
  • sa Mandaluyong, yung 2 lalaki na hinuli dahil sa pag-iinuman sa kalye, pero nakunan ng cellphone video na pinagpapapalo ng kahoy ng isang pulis
  • yung sa General Trias, Cavite, yung 3 pulis na nang-torture rin daw ng 2 preso at pinilit pa yung 2 na maghalikan habang nanonood sila
  • sa Manila, yung naka-AWOL na pulis na nagpaputok daw ng baril at nakatama ng 2 menor de edad, at nanapak pa daw
  • sa Antipolo City daw, yung jeepney driver na pinatay daw ng isang pulis Maynila dahil lang sa away-trapiko
  • yung nakunan sa CCTV na police escort na nakabundol ng batang estudyante, pero itinanggi daw na siya yung nakabundol at tinakasan pa yung biktima
  • sa Rodriguez, Rizal, yung road rage na nauwi sa barilan sa pagitan ng isang pulis at isang retired US navy, dahil dun ay nadamay at nabaril yung pasahero nung US navy 
  • sa Cabanatuan, yung 2 pulis na naka-droga na namaril at pumatay ng 2 katao, na ikinasugat ng 1 pa
  • yung CCTV footage na ibinigay kay Senator Lacson, na nagpapakita kung paanong tinaniman ng mga pulis DAW ng ebidensya ang isang opisina, tapos ay saka ni-raid yung lugar
  • yung na-hulidap na Korean, na nahingan na nga ng ransom yung pamilya, pero pinatay pa rin talaga yung biktima sa loob pa mismo ng kampo ng mga pulis
  • yung mga South Korean na na-hulidap sa Pampanga, na nakunan ng CCTV, na hinuli gamit ang alibi na sangkot sila sa illegal online gambling, na ilang oras ikinulong sa police station at pinakawalan lang matapos magbigay ng pera
  • sa Quezon City, yung 4 na pulis na nahuli dahil sa kaso ng kidnapping at extortion, isang lalaki at yung kasintahan niya ang naging mga biktima
  • sa Taguig, yung magkakasabwat na mga barangay officials at isang pulis sa pangingikil sa mga taong hinuhuli nila
  • sa Laguna, yung Kagawad at ang mga kasamahan niya na nangingikil daw ng mga dayuhan at mga kilalang personalidad bilang pangsuporta daw sa adhikain ng Hokage na Mahilig
  • sa Antipolo City, yung 4 na pulis na inaresto dahil sa pangingikil daw sa isang PWD, mukhang may mga props rin sila na mga baril at ilegal na droga
  • yung maramihang pagsibak sa mga pulis sa Parañaque dahil DAW sa mga kaso ng pangongotong
  • sa Ilocos Norte, yung 2 pasaway na pulis, na naka-off na daw sa duty, pero nahuli namang nag-iinuman sa kanilang presinto
  • sa malapit sa lugar ng giyera, yung kaso ng harassment ng isang sundalo yata yun laban sa mga estudiyante
  • ang patuloy at malaking bilang ng mga pulis na lumalabas na positibo sa paggamit ng ilegal na droga through drug test  (ang isa sa butas ng laban kontra sa ilegal na droga)
  • sa Las Piñas, yung opisyales na pulis na related sa PNP Crime Laboratory na nahuling gumagamit ng ilegal na droga sa isang drug den
  • yung PO1 na sangkot daw sa ilegal na droga at miyembro rin daw ng sindikato
  • yung 3 sundalo DAW na nahulihan ng mga drug paraphernalia sa Cebu City
  • yung nasa 160 pa na mga pulis na inire-recommend ng PNP-IAS na pagsisibakin na dahil sa involvement nila sa ilegal na droga
  • sa Bacolod, yung naka-AWOL na pulis na nahuli sa buy-bust operation
  • sa Catanduanes, yung nagbitiw na pulis na umamin na totoo DAW ang pagtatanim ng mga ebidensya at extrajudicial killings
  • sa Bacolor, Pampanga, yung government employee na biktima ng tanim-droga ng mga pulis at mga miyembro ng PDEA, yung hindi nagtugma yung written report sa kuha ng CCTV
  • sa Manila, yung 4 na senior citizen na naging biktima rin DAW ng tanim-droga at tanim-bala ng mga pulis, may kuha ng CCTV tungkol sa kuwestiyonableng operasyon nung mga pulis eh, namatay pa yung isang matanda sa loob ng kulungan
  • yung babaeng biktima daw ng tanim-droga teknik ng 11 Pulis Malabon
  • yung New Bilibid prison guard na sinubukang magpuslit ng hinihinalang ilegal na droga sa pamamagitan ng pagtatago nito sa loob ng kanyang brief
  • sa Cainta, Rizal, yung dating military intelligence officer na nahuling nagtutulak ng ilegal na droga

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
  • yung honor student na choir member na ginamitan ng karatula
  • yung 5 year old daw na bata na nadamay sa tangkang pagpatay ng mga hindi kilalang tao sa lolo niya
  • yung 5 year old na taga-Pasay na napatay habang natutulog dahil nadamay sa pagpatay sa tatay niya na siya daw target nung hindi nakilalang tao
  • yung pagkamatay ng bagong binyag na bata (na tinamaan ng ligaw na bala) sa Bulacan dahil nadamay sa pagpatay sa kanyang ninong na involved DAW sa droga
  • yung pagkadamay at pagkapatay sa isang manliligaw sa Quezon City dahil involved daw yung nililigawan niyang babae sa ilegal na droga
  • yung kaso sa NCR kung saan nadamay at natamaan ng bala ang isang sibilyan dahil sa paghahabulan ng mga pulis at ng isang suspek
  • yung 2 sibilyan sa Laguna na nagsisimbang-gabi lang sana, na nadamay (napatay yung batang babae) sa pamamaril  ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sa isang barangay tanod na related din daw sa ilegal na droga
  • yung tila 2 grupo ng tao na napatay sa Caloocan City, na either drug related daw yung isang grupo kung kaya't nadamay sa tumbahan yung mga miyembro daw ng frat, o dulot ng frat war na ang nadamay naman eh yung ilang drug related personalities
  • sa Caloocan, yung mag-live in partner na pinatay daw ng mga taong nagpakilala na mga pulis
  • yung 14 y/o na dalagita na nadamay sa pamamaril ng mga taga-tumba sa target nilang drug-related personality daw, sa Caloocan yata yun
  • sa Caloocan, yung 5 y/o na bata na nadaplisan ng bala dahil sa nangyaring tumbahan sa isang hinihinalang drug den, kung saan may mga napatay rin
  • hindi ko nakuha yung lugar, pero yung kaso kung saan may 1 napatay at 6 na nadamay sa pamamaril daw sa isang dating nagbebenta ng shabu
  • sa Tondo, yung 14 y/o na dalagita na natamaan sa mata at napatay ng ligaw na bala mula sa pamamaril ng riding-in-tandem, namaril DAW para takutin yung may pagkakautang sa kanila sa ilegal na droga eh
  • sa Makati, yung mga lalaking naka-uniporme daw ng pang-pulis na nakuhanan ng video habang nananakit DAW ng isang babae, may tutukan pa DAW ng baril na nangyari
  • yung Japanese na negosyante na mukhang planadong itinumba habang nasa bansa
  • sa Tondo, yung taxi driver, na kolektor daw na asset ng mga pulis, na itinumba ng riding-in-tandem, kaso ay tumagos pa yung bala sa ulo nito kaya may babaeng nadamay at natamaan din
  • yung pagtumba sa foreigner na sangkot daw sa ATM skimming
  • sa Caloocan, yung tricycle driver na itinumba sa hindi pa malamang dahilan dahil wala naman ang pangalan niya sa listahan ng mga drug-related personalities, at may nadamay at natamaan pa na ibang tao sa pamamaril na yun

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas at patakaran sa bansa:
  • sa Pasay, yung target ng buy-bust operation na nakapatay at nakasugat ng mga pulis, grupo sila eh, at yung main target daw ay marami ng record ng krimen pero talagang nakakalaya pa rin
  • sa Siquijor, yung 2 babaeng estudyante na napatay sa pananaksak ng isang lalaki ng naka-droga at lasing din daw noon, according sa istorya ay may iba sana siyang papatayin dahil natakot siya na isuplong siya tungkol sa paggamit niya ng ilegal na droga, kaso ay ibang mga inosenteng tao yung napaglabasan niya ng kanyang kasamaan 
  • regarding sa pag-determine ng edad na pasok sa criminal liability, yung pulis sa Dipolog na ginulpi ng mga kabataan at untik nang mapatay matapos niyang umawat lang sa rambulan ng mga ito
  • sa Tondo, yung nakunan sa CCTV na rambulan ng mga kabataan sa gabi, kung saan makikita na nagpapaputok ng baril yung isa at nanuntok pa yung isa ng umaawat lang daw sa kanila, butas pa rin ito sa sistema ng pag-regulate sa mga baril at sa pag-determine ng edad kung kailan may pananagutan na ang mga mamamayan sa batas
  • regarding sa batas trapiko, yung 2 lola na parehong namatay matapos mabangga ng humaharurot na tricycle habang tumatawid sila sa pedestrian lane
  • dahil pa rin sa kawalan ng kontrol sa mga armas, sa Cavite, yung lalaki na hinuli at dinala sa isang motel at balak i-hulidap ng mga lalaking nagpanggap na miyembro ng PDEA at PNP
  • yung lalaking binaril ng isang motorcycle rider na posibleng dahil lang DAW sa naharangan niya ito sa kalsada
  • ang naging pag-atake sa Resorts World Manila
  • yung nangyaring saksakan at patayan ng mga high profile inmates sa loob ng Bilibid kahit na pinataas na DAW yung seguridad doon at mga SAF pa ang nagbabantay
  • yung panibagong kaso DAW ng VIP treatment para sa mga high profile inmates na lumabas sa balita nitong February 2017
  • sa Dasmariñas, Cavite, yung ikinulong nang dahil sa sakla, na pinatay ng mga nakasama nitong preso habang nakaposas siya
  • sa Lanao del Norte, yung bilanggo na pinatay sa loob ng kulungan ng mga kakosa niya
  • yung sikretong kulungan na nadiskubre ng CHR sa isang station ng MPD
  • eh yung pagtutumba sa mga persons of interest na iniuugnay sa Bulacan Massacre, gayung dapat ay pinoprotektahan na sila ng mga pulis para naman mapalabas talaga yung totoo tungkol doon sa kaso
  • yung kapabayaan ng mga awtoridad sa pag-handle sa suspek sa pangre-rape at pagpatay sa isang pageant winner sa Samal Island na nauwi sa panlalaban DAW nito at sa pagpatay sa kanya
  • yung kapabayaan rin ng mga awtoridad sa pag-handle sa suspek sa pangre-rape at pagpatay sa isang 8 y/o na bata sa Nueva Ecija, na dahilan kung kaya't nagawa DAW nitong mang-agaw ng baril at makapagpakamatay
  • yung kagustuhan ng kasalukuyang DTI na ibigay na sa mga negosyante at/o mga kompanya ang kakayahan na i-regulate ang suggested retail price (SRP) para sa mga produkto nila
  • yung pagkampi ng Supreme Court sa photobomber
  • ang hindi pagtupad ng PHLPost sa kini-claim nilang bilis ng paggawa at pagde-deliver ng Postal ID, at ang kahinaan ng support center nila
  • yung mali at mapanlinlang na paraan ng evaluation ng Department of Tourism sa performance ng kasalukuyan at nakaraang administrasyon
  • yung mga isyu na lumalabas ngayon tungkol sa BOC at sa mga mambabatas dahil sa ginagawang pananabon ngayon sa Customs
  • yung problema sa mamahaling elevator para sa pedestrian overpass sa Lipa City
  • yung pagkabasura ng Commission on Appointments sa pagtatalaga kay Lopez bilang secretary ng DENR na obvious naman na iginapang
  • yung pagkabasura ng Commission on Appointments sa pagtatalaga kay Taguiwalo bilang secretary ng DSWD dahil DAW hindi magagamit na gatasan yung ahensya sa ilalim ng pamumuno niya
  • yung pagri-reveal ni Attorney Anderson sa tangka ng isang mataas na opisyales na mag-promote ng isang hindi qualified na tao para sa Bureau of Customs
  • ang kabulukan ng hustisya, yung ginawan na nga ng grupo nina Failon ng pabor ang buong bansa, pero talagang sila pa yung kinasuhan dahil lang sa binayaran na yung obvious na ninakaw na pera ng gobyerno noon
  • yung sapilitang pangunguha ng mga miyembro DAW ng Kadamay ng mga housing projects sa iba't ibang lugar, at ang pagkunsinti sa kanila ng gobyerno
  • ang kakayahan ng mga miyembro ng mga teroristang grupo na mapakawalan o makatakas pa sa kamay ng batas
  • yung naging pagsabog sa Quiapo na nakasugat ng nasa 14 na katao daw, at nangyari yun kung kailan supposedly eh mataas ang seguridad sa bansa lalo na sa NCR
  • sa Pandacan, yung 7 buwan na sanggol na nagtamo ng 3 tama ng baril dahil sa isinagawang anti-illegal drugs operation sa kanilang lugar
  • follow up para sa 7 months old na sanggol news, hindi pala nagkusa yung mga pulis na imbestigahan kung sinu-sino nga ang totoong nakabaril doon sa bata, at may claim pa na diniktahan lang daw para pumirma sa affidavit yung lola nito
  • sa Pasay, yung pulis na naglabas at nag-display ng kanyang baril habang nakikipagtalo sa 2 binatilyo
  • sa Pasay, yung itinumba na negosyante na may-ari ng furniture shop na hindi daw kaagad hinayaan ng mga pulis na maisugod sa ospital
  • yung 73 y/o na lalaki na nakaladkad at nagulungan pa daw ng bus, na hindi na naman hinayaan kaagad ng mga pulis na maisugod sa ospital
  • yung kuwestiyonableng naging kahinaan ng seguridad sa Marawi sa kabila nang patuloy na pagkilos ng mga terorista sa Mindanao, sa kabila ng patuloy na mga bantaan mula sa magkabilang panig, at sa kabila ng pagkakaroon ng malaking halaga ng intelligence fund
  • yung pagkatumba sa 4 na suspected na miyembro ng Maute habang ibinabiyahe sila, ito ay sa kabila nang may ipinapatupad ng Martial Law sa region na yun
  • yung lalaking napagkamalan daw na miyembro ng Maute at hinihinalang t-in-orture ng mga sundalo
  • yung may mga nangyayari pa rin daw na nakawan sa mga lugar sa Marawi na kontrolado na ng mga militar
  • yung posibilidad daw na nakatakas na yung mga lider ng mga terorista sa lugar ng digmaan, gayung may claim rin ang mga awtoridad na kesyo natunugan naman daw nila yung tungkol sa pagtakas
  • yung pagpapadala ng mga tiwaling pulis sa lugar ng digmaan, sa halip na sibakin na sila sa trabaho at hindi na pasuwelduhin pa ng mga mamamayan
  • yung pagpapababa daw ng DOJ sa kaso ng Marcos Police Group
  • kasali pala yung Dictator Clan sa problema ngayon sa Norte
  • ang pag-amin ng miyembro ng Dictator Clan na binalewala nga nila ang proseso ng bidding sa kanilang pamimili

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung pagkamatay ng isang 9 year old na bata, na pinaghihinalaang pinatay ng mga menor de edad; na natagpuan yung bangkay na nakagapos ang mga kamay, na binugbog daw, pinutulan ng mga daliri, at may hiwa pa sa tiyan
  • yung pagsu-suicide daw ng isang Director Villa ng ERC dahil sa katiwalian sa trabaho nila
  • isama na rin yung pagkalat ng mga fake news at paid trolls sa social media
  • ang maya't mayang pagpapalabas ng fake news o mind-conditioning news ng mismong mga nasa katungkulan
  • yung mali-maling listahan na inilabas ng Napolcom
  • yung Oplan Cyber Tokhang
  • yung mga sundalo sa Marawi na napatay sa sarili nilang air strike na laban sana sa mga terorista
  • yung isa pang air strike na sa labas naman daw ng Marawi nangyari
  • yung isa na namang air strike na nakapatay sa sariling mga kakampi, pangalawa yata yun na nakapatay at ikatlo ng error
  • ang maya't mayang pag-target ng gobyerno sa basic needs para gawing gatasan ng buwis
  • yung naaprubahan na 24% increase sa cargo handling tariff
  • eh yung pati pagkanta sa Pambansang Awit ay balak nang lagyan ng limpak-limpak na halaga ng penalty
  • yung pahayag ng ilang kabilang sa Bilibid 19 na babaliktarin nila ang kanilang nakaraang mga statements kung ililipat sila ng piitan
  • yung paggamit ng PNA sa logo ng kompanya ng agricultural products para sa Department of Labor and Employment
---o0o---


August 13, 2017...

eh yung ginamit yung logo ng kompanya ng Dole para sa Department of Labor and Employment...

holy crap!
sino na naman kaya ang pinapasuweldo para sa ganung level ng trabaho...?

nung sinabi ba nila na Change is Coming - ibig rin ba nilang sabihin na sa papa-tanga at papa-incompetent na ang mga empleyado ng gobyerno...?

was feeling , Kagawaran ng Pinya at iba pang Agricultural Products...?

---o0o---


August 14, 2017...

eh yung lampas 10 weeks na pero hindi pa rin nade-deliver ng PHLPost yung Postal ID...

anak ng mga inutil naman o'...

was feeling , ninakawan lang ba ako ng gobyerno ng more than Php 500...?

---o0o---


August 15, 2017...

ang galing PHLPost..
A.....M.....B.....I.....L.....I.....S..
end of [Name of Month] sa 2020 ang expiration ng ID ko, pero August ko pa lang mapapakinabangan..
20 working days daw ang delivery..
pero more than 10 weeks, o more than 50 working days yung inabot ng delivery ng sa akin...

pero ang nakakapagtaka..?
yung mga date dun sa envelope eh June 19, 21, and 22..
so anong ibig sabihin nun..?
pinalitan ba nila yung mga dates nung pantatak to make it look like na nasunod nila yung target date..?
o talagang lubos na pumalya sa delivery yung branch dito sa [Name of City]..?
gobyerno nga naman o'...

anyway..
ang importante ngayon eh meron akong less than 3 years na lang para mapakinabangan 'tong ID na 'to..
kailangan nang magpaikot ng mga pera...

---o0o---


August 16, 2017...

andami talagang walang kwentang tao sa gobyerno..
yung iba eh mga inutil sa trabaho, yung iba naman eh mga tiwali...

halos kumpleto nga yung investigative report na yun eh..
na pinaglumaang mga motor na yung binili, kapalit ng malaking halaga ng budget..
na kaduda-duda na sa malayong lugar pa ipinarehistro..
at na nilinis lang yung dumi noong iniimbestigahan na sila...

tapos sina Failon pa ngayon yung pagkakakitaan nila (sa pamamagitan ng piyansa)..?
ano bang masama sa pagbubunyag ng totoo..?
hindi ba dapat eh pasalamatan pa sina Failon dahil ginawa nila yung bagay na dapat ay ginagawa ng gobyerno..?
kung tutuusin nga eh hindi na dapat umabot pa sa punto na may nailabas na pera para sa ganung klase ng proyekto eh...

obvious na na may kalokohang ginawa yung grupo nung isa, pero i-assume pa rin daw na inosente..
ano bang gustong palabasin ng korte, na okay lang magnakaw basta ba at hindi mahuhuli..?
na hindi considered na pagnanakaw kung ibabalik yung pera kapag nagkakabukingan na..?
para na rin nilang sinasabi na gawin na lang ng mga pulitiko ang lahat ng gusto nilang paraan ng panghahalay sa gobyerno at sa bayan...

was feeling , magsama-sama kayong mga demonyo kayo...

>
tama naman yung ibang TNVS drivers eh...

kasalanan talaga yun ng kompanya nila..
inaawat na nga ng gobyerno, pero pagkaganid pa rin sa pera ang pinairal...

kaya tama lang yun..
dun sila sa kompanya nila manawagan ng pagbabago..
kung tutuusin..
lahat ng apektado na lehitimo nang mga TNVS driver eh baka pwedeng mag-demand ng danyos mula sa ganid nilang kompanya eh..
kundangan namang isinakripisyo na silang lahat na mga drivers nila, damay pa ang mga commuters, para lang sa pera...

pero tutol pa rin ako na mahikayat ang marami na mangutang at dagdagan pa ang mga sasakyan sa mga congested areas dahil lang sa malaki ang kita sa ganitong klase ng raket...

was feeling , palalalain niyo lang nang palalalain yan...

---o0o---


August 17, 2017...

ibinasura na rin si Taguiwalo..
isa na namang biktima ng pagpapanggap..
kunwari may magbabago na..
pero basically, ginamit lang naman para masabi lang na sinubukan nilang maging patas para sa lahat...

at talagang pati pala DSWD eh nagiging daan sa pagnanakaw...?

so mukhang yun nga yung plano..
magpatupad ng tax reform para mas lumaki yung mananakaw sa gobyerno..
at lahat ng matitino na naiintindihan kung ano ba yung magiging impact ng pagtataas ng buwis para sa mga ordinaryo at hindi umaasa sa suweldo na mga mamamayan eh ibabasura nila...

ang nakakapanghinayang lang dito..
wala sa mga opisyales na 'to yung talagang kayang maglabas ng mga pangalan ng mga magnanakaw sa gobyerno..
dahil kailangan parati ng ebidensya para masabi na may naganap na pagnanakaw..
dapat maganap yung mismong pagnanakaw, para masabi na may pagnanakaw nga..
pero gaya sa kaso nung Mahilig sa Playgirls, eh napatunayan na nababalewala rin ng gobyerno ang kaso ng pagnanakaw kapag binayaran yung nawalang pera...

sana kung gaano kadali bumulagta yung mga katawan ng mga ordinaryong tao sa kung saan-saang lansangan..
sana ganun din kadali mamatay ang mga nasa kapangyarihan na may access sa pera ng mga mamamayan..
masyadong mabilis ang hustisya pagdating sa mga walang pera..
pero pagdating sa mga maimpluwensiyang tao eh pahirapan...

was feeling , Change is Coming.. as in pagpapalit ng nasa katungkulan...

>
so meron palang naging kaso ng harassment mula sa panig ng mga awtoridad malapit sa lugar ng giyera..
hindi ko napanood yung mismong report noon eh..
akala ko kasi akusasyon pa lang ..
mga estudyante daw yung nabiktima eh...

pero lumalabas ngayon na totoo nga..
kasi nasibak na sa trabaho yung sundalo yata yun..
at kanina nga eh ginamit yung halimbawa na kesyo tinatamaan na ang mga sundalo ng stress dahil sa nangyayaring digmaan...

was feeling , sala ang target...

>
sa Caloocan..
yung Grade 11 na estudyante..
yung 17 y/o daw yun eh..
na sinasabi ng mga testigo na itinumba daw ng mga pulis...

kesyo nanlaban daw ayon sa depensa ng mga pulis..
pero nakakapagduda yun..
kasi may kuha ng CCTV kung paano daw dinala yung biktima sa lugar kung saan siya itinumba..
maging yung lugar kung saan siya napatay eh hindi mo masasabi na tatakbuhan ng isang taong nanlaban...

ganito kasi yung interpretation base dun sa kuha nung video..
the fact na binitbit na yung biktima ng mga pulis eh dapat nangangahulugan na nakapkapan na siya at nadisarmahan..
and most importantly, dapat naposasan na siya..
kung naposasan kasi siya sa likuran, eh wala nang magiging rason pa para makapanlaban siya..
pero hindi yun ginawa ng mga pulis dahil talagang may pakay sila...

isa pa..
ayon sa mga testigo..
binigyan daw yung menor de edad ng baril..
inutusan daw na iputok yun at saka tumakbo..
at saka ito itinumba pagkatapos nun...

mga putang ina kayong mga pulis kayo..
masyado nang nakakalito para masabi kung sinu-sino ba ang mga kriminal o hindi sa mga komunidad..
tapos kayo itong magtatago ng mga kahayupan ninyo sa likod ng inyong awtoridad..
kung meron mang mga lintik na kayang magtanim ng mga ebidensya na baril at droga, mga pulis yun dahil may access sila sa mga ganung bagay, at wala ring basta-basta mag-i-inspection sa kanila...

tapos talagang kino-congratulate pa kayo ng Hokage na Mahilig..?
ay putang ina mong Hokage ka, ganun ba kababaw ang utak mo..?
basta sabihin lang sa'yo na drug-related o kriminal ang isang tao eh maniniwala ka na...?

bakit hindi yung mga kriminal na paulit-ulit nang nahuhuli ng mga CCTV ang pagpapatayin ninyong mga putang ina kayo..
kasi the fact na nakakaulit-ulit nga sila sa mga kasamaan nila sa mga identified ng mga lugar, ibig sabihin eh napapabayaan nga yung mga kaso na yun...

was feeling , so ganito na lang yung mga accomplishment report..? trip-trip na lang..? basta may dalang props eh solve na, automatic na silang makakagawa ng mga kriminal...?

---o0o---


August 18, 2017...

UPDATE:
regarding dun sa itinumba na Grade 11 student sa Caloocan...

so ganito yung script nung mga putang inang mga pulis na yan..
pinutukan daw sila nung biktima noong makita na papalapit na silang mga pulis..?
kaya siya binaril...

ang depensa naman tungkol dun sa kuha nung CCTV..?
eh kesyo malawakan daw yung operasyon na ginawa, at hindi sila sigurado kung yung biktima nga ba yung nakunan nung CCTV na kinakaladkad na ng mga naka-civilian na mga pulis...

bakit daw naging target yung taong yun..?
kesyo itinuro daw siya ng isa nilang nahuli na supplier ng ilegal na droga...

mga demonyo kayo!
paano magiging buy-bust yun according sa script ninyo, kung pinutukan kaagad kayo nung biktima..?
edi wala kayong patunay na nagbebenta nga siya ng ilegal na droga, dahil wala namang naging deal..
at paanong mangyayari na nabaril nyo siya dahil sa nanlaban siya, samantalang may kuha ng CCTV na nagpapakita na bitbit nyo na yung menor de edad..?
kadali namang i-validate nung CCTV footage kung magtatanong lang TALAGA sila sa mga testigo eh..
ikukumpara lang yung timestamp sa oras nung nangyaring tumbahan..
at saan ka nakakita na may barilan daw na naganap, pero may mga tao pa sa background nung kuha nung CCTV na tila hindi naman nagpa-panic at nasa labas pa ng mga tahanan nila..?
at hindi rin naman ipinapakita dun sa CCTV na maraming dinakip yung mga pulis para malito pa ang mga mag-iimbestiga kung yun nga ba yung itinumba o hindi..
at tsaka akala ko ba eh mga piling pulis na lang yang mag-o-operate ng mga ganyan...

ang mahirap sa inyong mga demonyong mga pulis, madali lang para sa inyo na doktorin ang lahat..
madali lang para sa inyo na ilista ang pangalan ng kahit na sino diyan sa Death este Drug List ninyo..
madali na lang para sa inyo na mag-recycle ng mga baril, at itanim yun sa mga biktima ninyo..
at madali na lang para sa inyo na mag-recycle ng droga at itanim rin yun sa mga biktima ninyo...

ganun na lang ba kayo kabilis manghusga..?
basta may nag-namedrop, tumba na kaagad ang katumbas...?

eh putang ina..
kahit mapatunayan ninyo na pusher man yun o user..
kung wala naman siyang kaso ng pagnanakaw, pananakit, pagpatay, at panggagahasa..
at dahil may kuha nga ng CCTV na nagpapakita na supposedly eh nadakip na siya bago siya napatay..
eh walang karapatan ang mga shortcut-cops na itumba siya para lang sa pesteng accomplishment report...

naniniwala pa rin ako na yung mga nakakasagasa lang sa kapwa nila (gaya ng mga pulis na mahihilig mangtumba) ang dapat na mamatay...

eh epekto pa rin yata 'to nung threat na sisibakin ang mga opisyales kung hindi sila magiging aktibo eh..?
at dahil hindi nila mahuli yung mga sadyang mga kriminal, eh kahit sino na lang na madaling patayin ang tina-target nila...

was feeling , script writers...

>
UPDATE:
tungkol pa rin sa pagtumba dun sa Grade 11 student...

isolated case..?
ganun naman lagi ang paliwanag ninyong mga nasa tuktok eh..
kapag nabuking ang mga tao ninyo, eh isolated case..
pero kapag walang CCTV footage na ebidensya, eh kesyo legitimate yung operasyon..
kaya nga yung magagaling ninyong mga tauhan sa Ozamiz eh namumutol na ng kable ng CCTV eh, di ba...?

sa galing magtanim ng ebidensya ng mga tauhan ninyo..
eh ayun..
ni hindi naisip na right-handed pala yung itinumba nila..
samantalang kaliwang kamay nito yung nakahawak dun sa putang inang props ninyo na baril...

tapos ang parusa ninyo eh sibak lang sa puwesto yung mga demonyong pulis na yun..?
puwerket nabuking kayo..?
wow, ang galing!
so ano kayang next career move ng mga putang inang mga yun..?
full-time na miyembro ng Death Squad...?

tapos yung isang nasa tuktok..
eh ayun, hindi naitago yung pagkatuwa niya sa nangyaring tumbahan..
'happily' daw eh...

at yung mga tagasunod ng Hokage na Mahilig..
ayun, banatan niyo na ulit ang CHR dahil sa pakikisimpatiya nila dun sa menor de edad na biktima..
ang galing ng gobyerno ano..?
sobrang peaceful na ng bansa..
ramdam na ramdam ninyo ang kapayapaan sa araw-araw na mga patayan...

hindi pa rin dapat matigil ang paglaban sa kriminalidad at iba pang mga ilegal na gawain..
pero hindi dapat sa ganito ka-putang inang paraan..
hindi sa ganitong ka-hayop na paraan..
nagpapanggap ang mga putang inang mga awtoridad na nakakapatay sila ng mga kriminal gamit ang kanilang mga props, samantalang ang dami diyan na mga totoong kriminal na hindi naman nahuhuli kahit na ilang beses nang nakukuhanan ng mga CCTV sa mga kademonyohan nila..
dumadagdag lang sa bilang ng mga kriminal yang mga kriminal na mga pulis na yan...

was feeling , sige, pagtakpan niyo pa yang putang inang gobyerno ninyo na mahilig sa intelligence fund...

>
sa Cainta, Rizal...

yung dating military intelligence officer na nahuli dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga...

tsk, tsk, tsk..
ano ba yang hanay ninyo...?

was feeling , kung sino pa yung obvious, sila pa yung buhay...?

>
yung babaw ng mindset ni Bato ang isa sa mga dahilan kung bakit may mga pulis na pumapatay ng mga inosente para lang sa accomplishment report nila...

para sa kanya eh patunay yung mga napapatay sa mga anti-illegal drug operations na nagtatrabaho nga ang mga pulis nila...?

ay putang ina mong kalbo ka..
ilang riding-in-tandem na ba na na-feature sa mga CCTV footages ang nahuli ng mga pulis ninyo..?
ilang mga motor na ba na ginagamit ng mga riding-in-tandem ang na-track ng mga pulis ninyo..?
ilang mga umuulit-ulit na magnanakaw na ba sa mga kilalang mga public places ang nahuli ng mga pulis ninyo..?
ilang mga manufacturers na ba ng ilegal na droga ang nahuli ng mga pulis ninyo...?

was feeling , nagpapanggap lang kayo na aktibo kayo para sa pera...


No comments:

Post a Comment