Friday, August 11, 2017

Earthquakes and Missile-Galore

earthquakes with the 's', kasi tinamaan rin yung Empire kamakailan..
pero unfortunately, hindi pa rin talaga nila naiisip na magpakabait...

haaay.....
pagunaw na yata talaga ang mundo...

---o0o---


update ulit (144 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • ang pagpapalibing sa bangkay ng isang Diktador sa isang makabuluhang national cemetery
  • yung pagbibigay ng permiso sa isang Imperyalistang nasyon (na lantarang nang-aagaw at nang-aangkin ng mga teritoryo) ng kalayaan para mag-explore sa teritoryo na posibleng mapagkunan sana ng mahahalagang resources ng bansa
  • yung kagustuhan na kontrolin kung sinu-sino ang mga mamumuno sa mga Barangay hanggang 2020
  • yung pahiwatig na gusto niyang ipatupad yung Martial Law na katulad nung sa Dictator Clan
  • ang paulit-ulit na pagre-relate ng mga tao sa kanyang mga rape comments na para bang ginagawa pang katatawanan ang bagay na yun
  • ang pambabastos sa lider ng isang bansa na mahilig sa mga delikadong armas, kahit na hindi naman kaya ng bansa na lumaban in case na mapikon ang mga yun

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad:
  • yung mga lalaking itinumba kahit na naka-posas na sa likod
  • yung 4 year old daw na bata na nadamay sa pagpatay ng mga pulis sa tatay niya
  • yung army reservist na pumatay ng lalaking naka-bike matapos ang road rage at matapos nilang magsuntukan sa kalye, tapos may nadamay pang isang sibilyan sa pamamaril niya
  • yung OFW na dinakip sa checkpoint at naging biktima ng torture at pagpatay
  • yung mga taga-Quezon na hinuli sa parang raid, pero wala palang record ang mga pulis ng naging operasyon na yun laban sa kanila, at may natagpuan na lang na mga sunog na bangkay na pinaghihinalaan na sa mga taong yun na pinagdadakip nga
  • yung kaso nung Australian, kung saan hindi nag-match yung statements ng mga arresting officers kumpara sa naging kuha ng CCTV, at may alegasyon pa ng tangkang pangingikil (this happened sometime before the current administration)
  • yung kaso involving Makati Police, kung saan inaresto ang isang OFW gamit ang gawa-gawa lang naman DAW na dahilan, at tinakot DAW na gagawing related sa ilegal na droga kung hindi magbibigay ang pamilya niya ng Php 500,000
  • yung kaso ng pagpatay sa Regional Chairperson ng Citizens Crime Watch sa Oriental Mindoro, kung saan Police Senior Inspector at Inspector (police awardee pa yung isa) yung nahuling mga suspect, at may mga kagamitan talaga sila na pang-riding-in-tandem
  • yung Mayor sa Mindanao at ang mga kasama niya na hinihinalang pinatay sa rubout
  • sa Ozamiz City, yung pagpatay o pagtumba daw ng mga pulis sa grupo ng mga suspek, at tila i-d-in-isplay pa ang mga bangkay nila sa harap ng munisipyo
  • yung kaduda-dudang raid laban sa mga Parojinog sa Ozamiz
  • yung pagkamatay ni Mayor Espinosa; nakakulong na, hinainan daw ng search warrant kahit na madaling araw na, nawawala ang kuha ng CCTV, at nakapanlaban daw
  • yung mabilis na pagre-reinstate dun sa Marcos (pulis ng Region 8 na sangkot sa kasalukuyang kaso/istorya ng mga Espinosa) at tila pagiging 'maluwag' ng mga kinauukulan sa iba pang pulis na involved
  • yung patuloy na pagkampi sa mga pulis ng Region 8, matapos ang findings na murder nga DAW yung ginawa nila laban kay Mayor Espinosa, hindi pa man sila napaparusahan pero may nakapangako na kaagad na absolute pardon para sa kanila
  • yung kidnapping ng isang civilian last October daw na nakunan ng CCTV, na ang sangkot ay mga pulis na hindi naka-uniform
  • yung kaso sa Lemery, Batangas kung saan may claim na nauna (higit na mas maaga) daw hinuli yung mga drug suspects nang mga naka-civilian na pulis na wala namang dalang warrant, pero hapon na noong kuhanan ng mga pictures at inventory na may kasama ng mga ebidensiya laban sa kanila
  • sa Tondo, yung 2 lalaki na napatay ng mga pulis dahil nanlaban daw, at tila binutas-butas pa daw yung katawan, pero nakunan naman ng CCTV yung maayos nilang pagsama sa mga pulis
  • yung pagpatay ng isang pulis sa lalaking nanlaban DAW matapos mag-amok sa isang bangko sa Laguna na nakunan naman ng CCTV camera  
  • yung pamamaril ng isang lasing na pulis sa Misamis Oriental na ikinasugat ng 4 na katao 
  • yung nakainom na pulis sa Negros Occidental na namaril din at nakapatay
  • yung ginawang pananampal at panggugulpi ng isang sundalo sa isang bar sa Isabela, supposedly eh naka-duty daw siya, at nanggulo DAW doon dahil gusto ng nude dance/show
  • sa Sorsogon, yung pangho-holdap ng isang sundalo sa isang remittance center, na supposedly eh naka-duty rin siya during that time
  • yung pulis na nambugbog ng makulit na matandang lasing, at inilagay pa niya sa paso ang batas
  • sa Ozamiz, yung nakunan ng video na pananakit ng isang police chief inspector sa isang nahuling suspek
  • sa Quezon City, yung pulis na dati nang nasuspinde, na inaresto dahil sa pambubugbog daw sa kanyang stepson
  • sa Negros Oriental, yung pulis na nakunan ng video habang pinatapat ang tenga ng isang sibilyan sa muffler habang pinapaandar yung motorsiklo
  • yung pulis sa Sta. Mesa na namaril ng sibilyan na binu-bully DAW nito parati at sinaktan pa bago yung insidente, matapos na rumesbak yung biktima na may dalang bato at itak
  • yung buy-bust operation DAW sa Caloocan, na ginawa ng mga naka-sibilyan na naka-hood at mga naka-maskara at hindi na mga pulis, na natunugan DAW, kung saan 2 magbiyenan na drug-related suspects ang napatay sa loob ng kanilang pamamahay
  • yung napatay na 17 y/o sa Caloocan City na hindi naman target pero nadamay daw sa ginawang buy-bust operation, nakita daw siya na may baril kaya pinatay na
  • sa Maguindanao, yung 2 bata na edad 6 at 10 daw na nadamay at napatay sa ginawang anti-illegal drugs operation sa kanila, kung saan nasugatan rin daw yung 2 pa nilang mga bata rin na mga kapatid
  • yung pulis na namaril ng kapwa pulis sa Lipa City
  • sa Pasay City, yung miyembro ng army na nakainom, nagwala, at nakipagbarilan pa sa mga pulis
  • yung pulis na nang-rape ng sibilyan sa Calamba City, na ginamit DAW yung pagka-pulis niya para kunwari ay magpapatulong lang dun sa biktima
  • yung pulis na binaril yung menor de edad na isinasama lang DAW niya
  • yung pulis Mandaluyong na aksidenteng nakabaril sa Nasugbu, Batangas dahil DAW ipinagmamalaki niya yung baril na na-issue sa kanya
  • sa Manila, yung pulis na namaril sa isang bar, na napatigil gamit ang phaser gun
  • yung SAF na nambugbog ng traffic enforcer sa Bacolod matapos siyang masita na nagawa niyang traffic violation
  • sa Dumaguete, yung 5 pulis (hindi naman naka-uniporme o naka-duty) na nambugbog DAW dahil sa isang basketball game
  • yung nakunan ng CCTV na pulis (na naka-sibilyan) na nanggulpi ng lalaki na sinubukan na DAW humingi ng tulong sa mga pulis sa isang presinto ng QCPD, ikinulong pa nila yung lalaki at ipinaako DAW sa kanya lahat ng pagkakamali, at dahil yun sa away-trapiko pa rin
  • sa Mandaluyong, yung 2 lalaki na hinuli dahil sa pag-iinuman sa kalye, pero nakunan ng cellphone video na pinagpapapalo ng kahoy ng isang pulis
  • yung sa General Trias, Cavite, yung 3 pulis na nang-torture rin daw ng 2 preso at pinilit pa yung 2 na maghalikan habang nanonood sila
  • sa Manila, yung naka-AWOL na pulis na nagpaputok daw ng baril at nakatama ng 2 menor de edad, at nanapak pa daw
  • sa Antipolo City daw, yung jeepney driver na pinatay daw ng isang pulis Maynila dahil lang sa away-trapiko
  • yung nakunan sa CCTV na police escort na nakabundol ng batang estudyante, pero itinanggi daw na siya yung nakabundol at tinakasan pa yung biktima
  • sa Rodriguez, Rizal, yung road rage na nauwi sa barilan sa pagitan ng isang pulis at isang retired US navy, dahil dun ay nadamay at nabaril yung pasahero nung US navy 
  • sa Cabanatuan, yung 2 pulis na naka-droga na namaril at pumatay ng 2 katao, na ikinasugat ng 1 pa
  • yung CCTV footage na ibinigay kay Senator Lacson, na nagpapakita kung paanong tinaniman ng mga pulis DAW ng ebidensya ang isang opisina, tapos ay saka ni-raid yung lugar
  • yung na-hulidap na Korean, na nahingan na nga ng ransom yung pamilya, pero pinatay pa rin talaga yung biktima sa loob pa mismo ng kampo ng mga pulis
  • yung mga South Korean na na-hulidap sa Pampanga, na nakunan ng CCTV, na hinuli gamit ang alibi na sangkot sila sa illegal online gambling, na ilang oras ikinulong sa police station at pinakawalan lang matapos magbigay ng pera
  • sa Quezon City, yung 4 na pulis na nahuli dahil sa kaso ng kidnapping at extortion, isang lalaki at yung kasintahan niya ang naging mga biktima
  • sa Taguig, yung magkakasabwat na mga barangay officials at isang pulis sa pangingikil sa mga taong hinuhuli nila
  • sa Laguna, yung Kagawad at ang mga kasamahan niya na nangingikil daw ng mga dayuhan at mga kilalang personalidad bilang pangsuporta daw sa adhikain ng Hokage na Mahilig
  • sa Antipolo City, yung 4 na pulis na inaresto dahil sa pangingikil daw sa isang PWD, mukhang may mga props rin sila na mga baril at ilegal na droga
  • yung maramihang pagsibak sa mga pulis sa Parañaque dahil DAW sa mga kaso ng pangongotong
  • sa Ilocos Norte, yung 2 pasaway na pulis, na naka-off na daw sa duty, pero nahuli namang nag-iinuman sa kanilang presinto
  • ang patuloy at malaking bilang ng mga pulis na lumalabas na positibo sa paggamit ng ilegal na droga through drug test  (ang isa sa butas ng laban kontra sa ilegal na droga)
  • sa Las Piñas, yung opisyales na pulis na related sa PNP Crime Laboratory na nahuling gumagamit ng ilegal na droga sa isang drug den
  • yung PO1 na sangkot daw sa ilegal na droga at miyembro rin daw ng sindikato
  • yung 3 sundalo DAW na nahulihan ng mga drug paraphernalia sa Cebu City
  • yung nasa 160 pa na mga pulis na inire-recommend ng PNP-IAS na pagsisibakin na dahil sa involvement nila sa ilegal na droga
  • sa Bacolod, yung naka-AWOL na pulis na nahuli sa buy-bust operation
  • sa Catanduanes, yung nagbitiw na pulis na umamin na totoo DAW ang pagtatanim ng mga ebidensya at extrajudicial killings
  • sa Bacolor, Pampanga, yung government employee na biktima ng tanim-droga ng mga pulis at mga miyembro ng PDEA, yung hindi nagtugma yung written report sa kuha ng CCTV
  • sa Manila, yung 4 na senior citizen na naging biktima rin DAW ng tanim-droga at tanim-bala ng mga pulis, may kuha ng CCTV tungkol sa kuwestiyonableng operasyon nung mga pulis eh, namatay pa yung isang matanda sa loob ng kulungan
  • yung babaeng biktima daw ng tanim-droga teknik ng 11 Pulis Malabon
  • yung New Bilibid prison guard na sinubukang magpuslit ng hinihinalang ilegal na droga sa pamamagitan ng pagtatago nito sa loob ng kanyang brief

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
  • yung honor student na choir member na ginamitan ng karatula
  • yung 5 year old daw na bata na nadamay sa tangkang pagpatay ng mga hindi kilalang tao sa lolo niya
  • yung 5 year old na taga-Pasay na napatay habang natutulog dahil nadamay sa pagpatay sa tatay niya na siya daw target nung hindi nakilalang tao
  • yung pagkamatay ng bagong binyag na bata (na tinamaan ng ligaw na bala) sa Bulacan dahil nadamay sa pagpatay sa kanyang ninong na involved DAW sa droga
  • yung pagkadamay at pagkapatay sa isang manliligaw sa Quezon City dahil involved daw yung nililigawan niyang babae sa ilegal na droga
  • yung kaso sa NCR kung saan nadamay at natamaan ng bala ang isang sibilyan dahil sa paghahabulan ng mga pulis at ng isang suspek
  • yung 2 sibilyan sa Laguna na nagsisimbang-gabi lang sana, na nadamay (napatay yung batang babae) sa pamamaril  ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sa isang barangay tanod na related din daw sa ilegal na droga
  • yung tila 2 grupo ng tao na napatay sa Caloocan City, na either drug related daw yung isang grupo kung kaya't nadamay sa tumbahan yung mga miyembro daw ng frat, o dulot ng frat war na ang nadamay naman eh yung ilang drug related personalities
  • sa Caloocan, yung mag-live in partner na pinatay daw ng mga taong nagpakilala na mga pulis
  • yung 14 y/o na dalagita na nadamay sa pamamaril ng mga taga-tumba sa target nilang drug-related personality daw, sa Caloocan yata yun
  • sa Caloocan, yung 5 y/o na bata na nadaplisan ng bala dahil sa nangyaring tumbahan sa isang hinihinalang drug den, kung saan may mga napatay rin
  • hindi ko nakuha yung lugar, pero yung kaso kung saan may 1 napatay at 6 na nadamay sa pamamaril daw sa isang dating nagbebenta ng shabu
  • sa Tondo, yung 14 y/o na dalagita na natamaan sa mata at napatay ng ligaw na bala mula sa pamamaril ng riding-in-tandem, namaril DAW para takutin yung may pagkakautang sa kanila sa ilegal na droga eh
  • sa Makati, yung mga lalaking naka-uniporme daw ng pang-pulis na nakuhanan ng video habang nananakit DAW ng isang babae, may tutukan pa DAW ng baril na nangyari
  • yung Japanese na negosyante na mukhang planadong itinumba habang nasa bansa
  • sa Tondo, yung taxi driver, na kolektor daw na asset ng mga pulis, na itinumba ng riding-in-tandem, kaso ay tumagos pa yung bala sa ulo nito kaya may babaeng nadamay at natamaan din
  • yung pagtumba sa foreigner na sangkot daw sa ATM skimming
  • sa Caloocan, yung tricycle driver na itinumba sa hindi pa malamang dahilan dahil wala naman ang pangalan niya sa listahan ng mga drug-related personalities, at may nadamay at natamaan pa na ibang tao sa pamamaril na yun

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas at patakaran sa bansa:
  • sa Pasay, yung target ng buy-bust operation na nakapatay at nakasugat ng mga pulis, grupo sila eh, at yung main target daw ay marami ng record ng krimen pero talagang nakakalaya pa rin
  • sa Siquijor, yung 2 babaeng estudyante na napatay sa pananaksak ng isang lalaki ng naka-droga at lasing din daw noon, according sa istorya ay may iba sana siyang papatayin dahil natakot siya na isuplong siya tungkol sa paggamit niya ng ilegal na droga, kaso ay ibang mga inosenteng tao yung napaglabasan niya ng kanyang kasamaan 
  • regarding sa pag-determine ng edad na pasok sa criminal liability, yung pulis sa Dipolog na ginulpi ng mga kabataan at untik nang mapatay matapos niyang umawat lang sa rambulan ng mga ito
  • sa Tondo, yung nakunan sa CCTV na rambulan ng mga kabataan sa gabi, kung saan makikita na nagpapaputok ng baril yung isa at nanuntok pa yung isa ng umaawat lang daw sa kanila, butas pa rin ito sa sistema ng pag-regulate sa mga baril at sa pag-determine ng edad kung kailan may pananagutan na ang mga mamamayan sa batas
  • regarding sa batas trapiko, yung 2 lola na parehong namatay matapos mabangga ng humaharurot na tricycle habang tumatawid sila sa pedestrian lane
  • dahil pa rin sa kawalan ng kontrol sa mga armas, sa Cavite, yung lalaki na hinuli at dinala sa isang motel at balak i-hulidap ng mga lalaking nagpanggap na miyembro ng PDEA at PNP
  • yung lalaking binaril ng isang motorcycle rider na posibleng dahil lang DAW sa naharangan niya ito sa kalsada
  • ang naging pag-atake sa Resorts World Manila
  • yung nangyaring saksakan at patayan ng mga high profile inmates sa loob ng Bilibid kahit na pinataas na DAW yung seguridad doon at mga SAF pa ang nagbabantay
  • yung panibagong kaso DAW ng VIP treatment para sa mga high profile inmates na lumabas sa balita nitong February 2017
  • sa Dasmariñas, Cavite, yung ikinulong nang dahil sa sakla, na pinatay ng mga nakasama nitong preso habang nakaposas siya
  • sa Lanao del Norte, yung bilanggo na pinatay sa loob ng kulungan ng mga kakosa niya
  • yung sikretong kulungan na nadiskubre ng CHR sa isang station ng MPD
  • eh yung pagtutumba sa mga persons of interest na iniuugnay sa Bulacan Massacre, gayung dapat ay pinoprotektahan na sila ng mga pulis para naman mapalabas talaga yung totoo tungkol doon sa kaso
  • yung kapabayaan ng mga awtoridad sa pag-handle sa suspek sa pangre-rape at pagpatay sa isang pageant winner sa Samal Island na nauwi sa panlalaban DAW nito at sa pagpatay sa kanya
  • yung kapabayaan rin ng mga awtoridad sa pag-handle sa suspek sa pangre-rape at pagpatay sa isang 8 y/o na bata sa Nueva Ecija, na dahilan kung kaya't nagawa DAW nitong mang-agaw ng baril at makapagpakamatay
  • yung kagustuhan ng kasalukuyang DTI na ibigay na sa mga negosyante at/o mga kompanya ang kakayahan na i-regulate ang suggested retail price (SRP) para sa mga produkto nila
  • yung pagkampi ng Supreme Court sa photobomber
  • ang hindi pagtupad ng PHLPost sa kini-claim nilang bilis ng paggawa at pagde-deliver ng Postal ID, at ang kahinaan ng support center nila
  • yung mali at mapanlinlang na paraan ng evaluation ng Department of Tourism sa performance ng kasalukuyan at nakaraang administrasyon
  • yung mga isyu na lumalabas ngayon tungkol sa BOC at sa mga mambabatas dahil sa ginagawang pananabon ngayon sa Customs
  • yung problema sa mamahaling elevator para sa pedestrian overpass sa Lipa City
  • yung pagkabasura ng Commission on Appointments sa pagtatalaga kay Lopez bilang secretary ng DENR na obvious naman na iginapang
  • yung pagri-reveal ni Attorney Anderson sa tangka ng isang mataas na opisyales na mag-promote ng isang hindi qualified na tao para sa Bureau of Customs
  • yung sapilitang pangunguha ng mga miyembro DAW ng Kadamay ng mga housing projects sa iba't ibang lugar, at ang pagkunsinti sa kanila ng gobyerno
  • ang kakayahan ng mga miyembro ng mga teroristang grupo na mapakawalan o makatakas pa sa kamay ng batas
  • yung naging pagsabog sa Quiapo na nakasugat ng nasa 14 na katao daw, at nangyari yun kung kailan supposedly eh mataas ang seguridad sa bansa lalo na sa NCR
  • sa Pandacan, yung 7 buwan na sanggol na nagtamo ng 3 tama ng baril dahil sa isinagawang anti-illegal drugs operation sa kanilang lugar
  • follow up para sa 7 months old na sanggol news, hindi pala nagkusa yung mga pulis na imbestigahan kung sinu-sino nga ang totoong nakabaril doon sa bata, at may claim pa na diniktahan lang daw para pumirma sa affidavit yung lola nito
  • sa Pasay, yung pulis na naglabas at nag-display ng kanyang baril habang nakikipagtalo sa 2 binatilyo
  • sa Pasay, yung itinumba na negosyante na may-ari ng furniture shop na hindi daw kaagad hinayaan ng mga pulis na maisugod sa ospital
  • yung 73 y/o na lalaki na nakaladkad at nagulungan pa daw ng bus, na hindi na naman hinayaan kaagad ng mga pulis na maisugod sa ospital
  • yung kuwestiyonableng naging kahinaan ng seguridad sa Marawi sa kabila nang patuloy na pagkilos ng mga terorista sa Mindanao, sa kabila ng patuloy na mga bantaan mula sa magkabilang panig, at sa kabila ng pagkakaroon ng malaking halaga ng intelligence fund
  • yung pagkatumba sa 4 na suspected na miyembro ng Maute habang ibinabiyahe sila, ito ay sa kabila nang may ipinapatupad ng Martial Law sa region na yun
  • yung lalaking napagkamalan daw na miyembro ng Maute at hinihinalang t-in-orture ng mga sundalo
  • yung may mga nangyayari pa rin daw na nakawan sa mga lugar sa Marawi na kontrolado na ng mga militar
  • yung posibilidad daw na nakatakas na yung mga lider ng mga terorista sa lugar ng digmaan, gayung may claim rin ang mga awtoridad na kesyo natunugan naman daw nila yung tungkol sa pagtakas
  • yung pagpapadala ng mga tiwaling pulis sa lugar ng digmaan, sa halip na sibakin na sila sa trabaho at hindi na pasuwelduhin pa ng mga mamamayan
  • yung pagpapababa daw ng DOJ sa kaso ng Marcos Police Group
  • kasali pala yung Dictator Clan sa problema ngayon sa Norte
  • ang pag-amin ng miyembro ng Dictator Clan na binalewala nga nila ang proseso ng bidding sa kanilang pamimili

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung pagkamatay ng isang 9 year old na bata, na pinaghihinalaang pinatay ng mga menor de edad; na natagpuan yung bangkay na nakagapos ang mga kamay, na binugbog daw, pinutulan ng mga daliri, at may hiwa pa sa tiyan
  • yung pagsu-suicide daw ng isang Director Villa ng ERC dahil sa katiwalian sa trabaho nila
  • isama na rin yung pagkalat ng mga fake news at paid trolls sa social media
  • ang maya't mayang pagpapalabas ng fake news o mind-conditioning news ng mismong mga nasa katungkulan
  • yung mali-maling listahan na inilabas ng Napolcom
  • yung Oplan Cyber Tokhang
  • yung mga sundalo sa Marawi na napatay sa sarili nilang air strike na laban sana sa mga terorista
  • yung isa pang air strike na sa labas naman daw ng Marawi nangyari
  • yung isa na namang air strike na nakapatay sa sariling mga kakampi, pangalawa yata yun na nakapatay at ikatlo ng error
  • ang maya't mayang pag-target ng gobyerno sa basic needs para gawing gatasan ng buwis
  • yung naaprubahan na 24% increase sa cargo handling tariff
  • eh yung pati pagkanta sa Pambansang Awit ay balak nang lagyan ng limpak-limpak na halaga ng penalty
  • yung pahayag ng ilang kabilang sa Bilibid 19 na babaliktarin nila ang kanilang nakaraang mga statements kung ililipat sila ng piitan
---o0o---


August 7, 2017...

FREE Education


FREE Education sa college level is somewhat stupid...

kasi..
FREE Education para sa mayayaman na hindi naman kayang mag-maintain ng okay na grades eh pagsasayang ng pera..
FREE Education para sa mahihirap na hindi rin kayang mag-maintain ng okay na grades eh pagsasayang rin ng pera...

nag-aral din ako sa 2 State University at iba pang public schools kaya may ideya ako kung anu-ano ba ang klase ng mga estudyante..
kagaya ng pagkakaiba-iba ng mga tao, ganun din ang pagkakaiba-iba ng level ng pagpapahalaga ng mga estudyante sa edukasyon..
kailangang ma-realize ng gobyerno na hindi naman lahat ng mag-aaral sa college level ay siniseryoso ang pag-aaral..
at parehas yung sitwasyon, mayaman man o mahirap yung tao..
merong iba na ginagamit lang ang pag-aaral para sa baon..
merong mga pumapasok lang para lang makakuha ng diploma kahit hindi naman talaga sila nag-e-exert ng effort...

totoo na hindi naman naka-base sa grades ng estudyante yung magiging performance nila sa future work nila..
totoo rin na hindi naman lahat ng pinag-aaralan sa school eh maa-apply nga sa future career ng mga tao..
but then again, pera ng mga mamamayan ng bansa ang pinag-uusapan dito..
kaya hindi tama na maglaan rin ng pera para sa mga delingkwente...

dapat maging patas ang pamahalaan sa lahat..
dahil hindi naman katulad sa elementary at high school ang mga bayarin sa kolehiyo..
hayaang maka-apply para sa scholarship ang lahat, maging mayaman man o mahirap, pero dapat may target sila na dapat i-maintain kung gusto nilang manatili na libre ang pag-aaral nila..
bigyan ng full scholarship gamit ang pera ng bayan yung mga mahihirap na kayang panatilihin ang matinong marka..
bigyan ng levels of scholarship yung mga may-kaya sa buhay depende sa grade na napapanatili nila...

isa pang paraan para makatipid naman ang mga nagpapaaral sa mga estudyante..?
alisin na ang mga subjects na wala namang direktang kinalaman sa career na gustong tahakin ng mga mag-aaral..
alisin na rin ang mga miscellaneous fees na hindi naman talaga napapakinabangan..
hayaan na sila ang mag-decide kung kukuha ba sila ng additional subjects para sa dagdag na kaalaman...

sa bandang huli ay hindi naman kailangang i-consider ng pamahalaan yung mga taong hindi siniseryoso ang edukasyon..
dahil meron naman sila parating option para magbayad na lang ng tuition o ang huwag na lang mag-aral...

was feeling , yung FREE ay dapat na para sa mga deserving lang...

>
lagot na naman..
may mga ligaw na bomba sa katabing bayan ng Marawi...

maalin lang yun eh..
ganun ba talaga kalakas ang puwersa ng nasa 50 na lamang na terorista (base sa report noong isang araw pa)..?
o may iba na nagpapakalat ng kaguluhan...?

was feeling , paiba-iba na naman ng statements ang mga may mamahaling intel...

---o0o---


August 8, 2017...

medyo may kaduda-duda sa latest issue regarding a COMELEC official...

kasi kung alam mo na mataas yung posibilidad na nakuha yung limpak-limpak na pera sa masamang paraan..
eh bakit sila maghahangad ng 50-50 split nun..?
at bilang pruweba eh sinabi nga nung abugado na may settlement nang pinag-uusapan yung magkabilang partido noon..
so lumalabas na sinusubukan na nung babae na makihati, kahit na nakutuban ng third eye niya na hindi galing sa mabuti yung karamihan sa pera ng asawa niya...?

kung totoo man yung alegasyon..
edi sana isinumbong na lang niya yun bilang possible case ng corruption..
at kapag nakumpiska na yung ill-gotten wealth na sinasabi nila, edi saka nila pag-usapan yung hatian nilang mag-asawa sa kung anuman yung totoong sa kanila - at in private...

kaduda-duda rin na talagang naidiretso pa yung isyu sa Hokage na Mahilig..
considering nga na wala namang direktang kapangyarihan yung isa laban dun sa opisyales na inaakusahan..
pa-VIP 'tong mga ganitong klase ng tao...

sa ngayon kasi eh parang lumalabas na hindi niya lang makuha yung 50% nung sinasabi niyang posibleng ill-gotten wealth, kaya lang siya nag-decide na ipaalam na sa publiko yung tungkol dun... :(

was feeling , sana lang eh hindi nga 'to preparasyon para sa 2019 at 2022...

>
sa Laguna..
yung Kagawad at ang grupo niya na nangingikil sa mga dayuhan at mga kilalang personalidad..
kesyo pangsuporta daw yun sa adhikain ng Hokage na Mahilig eh...

was feeling , ang lakas talaga ng dating ng pangalan nila.. pati sa Customs eh...

>
The Commission on Human Rights


ano bang inaasahan ng mga tao sa Commission on Human Rights..
na kilala ng mga tauhan nun lahat ng kriminal..?
na saksi sila sa lahat ng krimen at pagmamalabis na nangyayari sa bansa para masabi nila kung sino nga ang masama at hindi..?
na sa mga utak-kriminal sila na mananawanagan na please naman huwag na silang gumawa ng masama laban sa kapwa nila..?
na huwag naman silang maging brutal laban sa mga inosenteng mamamayan..?
ano bang tingin nila sa CHR, mga Precogs...??

basic knowledge na dapat sa mga tao na hindi mabuti ang gumawa ng masama laban sa kapwa nila..
at simple lang ang batayan..
lagi mo lang dapat isipin kung anong mararamdaman mo kapag ikaw yung nasa alanganing sitwasyon..
kesyo matutuwa ka ba kung ikaw ang pagnanakawan..?
kesyo matutuwa ka ba kung ikaw ang aabusuhin..?
kesyo matutuwa ka ba kung ikaw ang pisikal na sasaktan..?
kesyo matutuwa ka ba at ang pamilya mo kung ikaw ang papatayin..?
sa ganung pananaw pa lang madali nang masabi kung anong ba yung mga bagay na pwedeng lumabag sa karapatang pantao..
dahil ang karapatang pantao ng iba ay kaparehas lang ng karapatang pantao mo..
walang mga excuse na pwedeng gamitin, na kesyo mahirap lang kami kaya kailangan naming maging masama, o mayaman o malakas kasi kami kaya pwede kaming umabuso...

pero uncontrolled factor ang mga utak-kriminal..
pwede na sigurong sabihin na hindi na sila normal na mga tao..
kaya nga hindi sila basta-basta nahuhuli at napapatay eh..
pero hindi ibig sabihin na walang pakialam ang CHR sa lahat ng krimen na nangyayari sa paligid..
lahat naman ng uri ng kasamaan laban sa kapwa ay kinokondena..
hindi na nga lang nabibigyan ng emphasis, kasi nga magiging redundant na kung magpapaulit-ulit lang..
at in fact, may iba ng gumagawa nun - ang simbahan, dahil hindi naman sila nagsasawa na ulit-ulitin ang mga kautusan..
pero nagtagumpay ba ang simbahan na puksain ang kasamaan sa pamamagitan ng mga sermon nila..?
hindi naman di ba..?
kaya bakit mo aasahan na ganun din ang gagawin ng CHR..?
eh ni wala nga silang sariling paraan para mapaabot ang mensahe nila sa lahat, bukod sa pagdaan sa media...

kaya hindi na dapat nagtataka ang mga mamamayan kung yung mga tao na supposedly ay nasa panig ng katarungan yung lagi na lang napapaalalahanan ng CHR..
kasi nga inaasahan ng mga tao na sila yung magiging makatarungan at maingat sa mga desisyon nila..
sila dapat yung may konsensya sa pagpapatupad ng batas, at ang CHR ang nagsisilbing reinforcement ng konsensya na yun...

totoong hindi lahat ng pinaniniwalaan ng CHR ay makatwiran..
gaya na lang ng aspeto ng edad pagdating sa pagkakaroon ng criminal liability..
pero mas tama ba na mawala na lang sila..?
mas tama ba na umasa na lang tayo sa mga tumbahan, at kumbinsihin ang mga sarili natin na 100% na masasamang tao nga ang itinutumba at ikinukulong..?
na 100% na mabubuti yung mga nagtutumba..?
na 0% ang tsansa na walang nadadamay na mga inosente..?
kukumbinsihin natin ang mga sarili natin na okay lang ang lahat basta ba hindi tayo ang napapahamak, basta ba walang nadadamay sa mga taong mahalaga para sa atin...??

was feeling , hangga't may mga abusado, tama lang na may CHR pa rin...

---o0o---


August 10, 2017...

may mga nakita na namang Oarfish sa Southern Leyte..
2 daw...

sa Leyte na naman..
eh sa may Leyte na nga yung huling lindol..
alangan naman na yun yung mga messenger para dun sa nangyaring lindol noong umpisa ng July...?

eh sa Manila Bay kaya..?
may makakadiretso pa kayang Oarfish dun kapag nagkataon..?
o malulunod na kaagad sila sa basura...?

was feeling , dapat sa Empire na lang yung mga lindol, kung nasaan man yung lintik na gobyerno at military forces nila dun...

>
napakasama ng North Korea..
yun pa lang threat nila para sa Guam eh hindi na patas eh..
nasa North America yung kabangayan nila, pero malayong state ang iho-hostage...

bakit hindi na lang sila maging katulad ng mga South Korean..?
yung peaceful..
mahilig sa mga K-Drama..
mahilig sa K-Pop..
bakit ba sila naghahabol ng basag-ulo sa panahon ngayon...?

pero nagkamali rin ang UN..
dapat g-in-enocide na lang yung mga siraulong mga yun noong nag-e-eksperimento pa lang ng bomba ang mga yun..
at dapat matagal nang itinigil ang pakikipagpalitan ng kalakal sa kanila..
dapat pinatay ang ekonomiya nila..
tutal hindi naman mauubos ang mga Korean kung uubusin ang mga North Korean, dahil may mga mabubuti namang South Korean...

ayan tuloy..
ang yayabang na nila ngayon dahil gumagana na yung mga missile nila..
balak pa yatang magpasimula ng World War III...

mahirap atakehin ang North Korea, dahil kapitbahay lang nila ang South Korea..
hindi naman siguro gugustuhin ng buong mundo na maging mga radioactive zombies ang mga taga-South..
pero dapat na talagang kalusin ang mga taga-North bago pa sila magkalat sa buong mundo...

was feeling , pa-request naman ng Magnitude 10 sa buong North Korea, at sana sa kanila sumabog yung mga missile nila...

---o0o---


August 11, 2017...

[Natural Calamities]

pa-3 na date..
pa-4 na lindol sa area ng Batangas..
at nangyari yun habang tulog ako...

sa Nasugbu daw ang origin nito..
at nasa Magnitude 6 plus...

talagang wala pang buwan na nababakante sa lindol simula noong April ah..
12 na yun kung pagkakaiba-iba sa date ang pag-uusapan..
pero bakit ba naman puros Batangas ang tinatadtad...?

ang request ko eh Magnitude 10 para sa Country of Missiles..
o di kaya eh sa Empire..
hindi sa pasira nang bansa ng Pilipinas..
ang gulo na nga ng bansa dahil sa pagtatakaw sa buwis, sa pag-aagawan sa kapangyarihan, sa mga tumbahan sa kung saan-saan, at sa mga giyera..
tapos may add-on pa na rasyon ng lindol buwan-buwan..?
ganun na ba talaga kagalit ang nasa itaas sa mga mamamayan na sumasamba sa Hokage...?

was feeling , alangan naman na yung Oarfish sa Leyte yung messenger nun...?


No comments:

Post a Comment