to think na nanggaling yung tanong mula sa isang opisyales ng pamahalaan..
bale, nasa ganung level na lang yung utak ng mga namamahala sa bayan..?
eh hindi na nakakapagtaka kung bakit paulit-ulit at tuluy-tuloy lang ang mga pag-abuso sa kapangyarihan..
eh wala na sa wastong katinuan ang mga nasa puwesto eh..
tinamaan na ng kabobohan...
hindi na nakakapagtaka kung bakit patuloy na may nakakapasok na mga ilegal na droga dito sa bansa..
hindi na nakakapagtaka kung bakit patuloy rin yung industriya ng ilegal na droga sa mga kulungan..
dahil gusto nila 'to..
ginagawa nila 'tong rason para magawa nila yung mga totoong pakay nila habang nakatago sa kapangyarihan ng pamahalaan...
may pag-asa pa kaya ang bansa at ang mga mamamayan sa ilalim ng ganitong kadilim at karahas at kapabaya na gobyerno...?
---o0o---
update ulit (154 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
- ang pagpapalibing sa bangkay ng isang Diktador sa isang makabuluhang national cemetery
- yung pagbibigay ng permiso sa isang Imperyalistang nasyon (na lantarang nang-aagaw at nang-aangkin ng mga teritoryo) ng kalayaan para mag-explore sa teritoryo na posibleng mapagkunan sana ng mahahalagang resources ng bansa
- yung kagustuhan na kontrolin kung sinu-sino ang mga mamumuno sa mga Barangay hanggang 2020
- yung pahiwatig na gusto niyang ipatupad yung Martial Law na katulad nung sa Dictator Clan
- ang paulit-ulit na pagre-relate ng mga tao sa kanyang mga rape comments na para bang ginagawa pang katatawanan ang bagay na yun
- ang pambabastos sa lider ng isang bansa na mahilig sa mga delikadong armas, kahit na hindi naman kaya ng bansa na lumaban in case na mapikon ang mga yun
are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad:
- yung mga lalaking itinumba kahit na naka-posas na sa likod
- yung 4 year old daw na bata na nadamay sa pagpatay ng mga pulis sa tatay niya
- yung army reservist na pumatay ng lalaking naka-bike matapos ang road rage at matapos nilang magsuntukan sa kalye, tapos may nadamay pang isang sibilyan sa pamamaril niya
- yung OFW na dinakip sa checkpoint at naging biktima ng torture at pagpatay
- yung mga taga-Quezon na hinuli sa parang raid, pero wala palang record ang mga pulis ng naging operasyon na yun laban sa kanila, at may natagpuan na lang na mga sunog na bangkay na pinaghihinalaan na sa mga taong yun na pinagdadakip nga
- yung kaso nung Australian, kung saan hindi nag-match yung statements ng mga arresting officers kumpara sa naging kuha ng CCTV, at may alegasyon pa ng tangkang pangingikil (this happened sometime before the current administration)
- yung kaso involving Makati Police, kung saan inaresto ang isang OFW gamit ang gawa-gawa lang naman DAW na dahilan, at tinakot DAW na gagawing related sa ilegal na droga kung hindi magbibigay ang pamilya niya ng Php 500,000
- yung kaso ng pagpatay sa Regional Chairperson ng Citizens Crime Watch sa Oriental Mindoro, kung saan Police Senior Inspector at Inspector (police awardee pa yung isa) yung nahuling mga suspect, at may mga kagamitan talaga sila na pang-riding-in-tandem
- yung Mayor sa Mindanao at ang mga kasama niya na hinihinalang pinatay sa rubout
- sa Ozamiz City, yung pagpatay o pagtumba daw ng mga pulis sa grupo ng mga suspek, at tila i-d-in-isplay pa ang mga bangkay nila sa harap ng munisipyo
- yung kaduda-dudang raid laban sa mga Parojinog sa Ozamiz
- yung pagkamatay ni Mayor Espinosa; nakakulong na, hinainan daw ng search warrant kahit na madaling araw na, nawawala ang kuha ng CCTV, at nakapanlaban daw
- yung mabilis na pagre-reinstate dun sa Marcos (pulis ng Region 8 na sangkot sa kasalukuyang kaso/istorya ng mga Espinosa) at tila pagiging 'maluwag' ng mga kinauukulan sa iba pang pulis na involved
- yung patuloy na pagkampi sa mga pulis ng Region 8, matapos ang findings na murder nga DAW yung ginawa nila laban kay Mayor Espinosa, hindi pa man sila napaparusahan pero may nakapangako na kaagad na absolute pardon para sa kanila
- yung kidnapping ng isang civilian last October daw na nakunan ng CCTV, na ang sangkot ay mga pulis na hindi naka-uniform
- yung kaso sa Lemery, Batangas kung saan may claim na nauna (higit na mas maaga) daw hinuli yung mga drug suspects nang mga naka-civilian na pulis na wala namang dalang warrant, pero hapon na noong kuhanan ng mga pictures at inventory na may kasama ng mga ebidensiya laban sa kanila
- sa Tondo, yung 2 lalaki na napatay ng mga pulis dahil nanlaban daw, at tila binutas-butas pa daw yung katawan, pero nakunan naman ng CCTV yung maayos nilang pagsama sa mga pulis
- sa Caloocan, yung ginawang pagtumba ng mga pulis sa 17 y/o na Grade 11 student na pinalabas nila na nanlaban
- yung pagpatay ng isang pulis sa lalaking nanlaban DAW matapos mag-amok sa isang bangko sa Laguna na nakunan naman ng CCTV camera
- yung pamamaril ng isang lasing na pulis sa Misamis Oriental na ikinasugat ng 4 na katao
- yung nakainom na pulis sa Negros Occidental na namaril din at nakapatay
- yung ginawang pananampal at panggugulpi ng isang sundalo sa isang bar sa Isabela, supposedly eh naka-duty daw siya, at nanggulo DAW doon dahil gusto ng nude dance/show
- sa Sorsogon, yung pangho-holdap ng isang sundalo sa isang remittance center, na supposedly eh naka-duty rin siya during that time
- yung pulis na nambugbog ng makulit na matandang lasing, at inilagay pa niya sa paso ang batas
- sa Ozamiz, yung nakunan ng video na pananakit ng isang police chief inspector sa isang nahuling suspek
- sa Quezon City, yung pulis na dati nang nasuspinde, na inaresto dahil sa pambubugbog daw sa kanyang stepson
- sa Negros Oriental, yung pulis na nakunan ng video habang pinatapat ang tenga ng isang sibilyan sa muffler habang pinapaandar yung motorsiklo
- yung pulis sa Sta. Mesa na namaril ng sibilyan na binu-bully DAW nito parati at sinaktan pa bago yung insidente, matapos na rumesbak yung biktima na may dalang bato at itak
- yung buy-bust operation DAW sa Caloocan, na ginawa ng mga naka-sibilyan na naka-hood at mga naka-maskara at hindi na mga pulis, na natunugan DAW, kung saan 2 magbiyenan na drug-related suspects ang napatay sa loob ng kanilang pamamahay
- yung napatay na 17 y/o sa Caloocan City na hindi naman target pero nadamay daw sa ginawang buy-bust operation, nakita daw siya na may baril kaya pinatay na
- sa Maguindanao, yung 2 bata na edad 6 at 10 daw na nadamay at napatay sa ginawang anti-illegal drugs operation sa kanila, kung saan nasugatan rin daw yung 2 pa nilang mga bata rin na mga kapatid
- yung pulis na namaril ng kapwa pulis sa Lipa City
- sa Pasay City, yung miyembro ng army na nakainom, nagwala, at nakipagbarilan pa sa mga pulis
- yung pulis na nang-rape ng sibilyan sa Calamba City, na ginamit DAW yung pagka-pulis niya para kunwari ay magpapatulong lang dun sa biktima
- yung pulis na binaril yung menor de edad na isinasama lang DAW niya
- yung pulis Mandaluyong na aksidenteng nakabaril sa Nasugbu, Batangas dahil DAW ipinagmamalaki niya yung baril na na-issue sa kanya
- sa Manila, yung pulis na namaril sa isang bar, na napatigil gamit ang phaser gun
- sa Agoncillo, Batangas, yung pulis na pumatay ng isang municipal nurse nang dahil lang sa away-pag-ibig
- yung SAF na nambugbog ng traffic enforcer sa Bacolod matapos siyang masita na nagawa niyang traffic violation
- sa Dumaguete, yung 5 pulis (hindi naman naka-uniporme o naka-duty) na nambugbog DAW dahil sa isang basketball game
- yung nakunan ng CCTV na pulis (na naka-sibilyan) na nanggulpi ng lalaki na sinubukan na DAW humingi ng tulong sa mga pulis sa isang presinto ng QCPD, ikinulong pa nila yung lalaki at ipinaako DAW sa kanya lahat ng pagkakamali, at dahil yun sa away-trapiko pa rin
- sa Mandaluyong, yung 2 lalaki na hinuli dahil sa pag-iinuman sa kalye, pero nakunan ng cellphone video na pinagpapapalo ng kahoy ng isang pulis
- yung sa General Trias, Cavite, yung 3 pulis na nang-torture rin daw ng 2 preso at pinilit pa yung 2 na maghalikan habang nanonood sila
- sa Manila, yung naka-AWOL na pulis na nagpaputok daw ng baril at nakatama ng 2 menor de edad, at nanapak pa daw
- sa Antipolo City daw, yung jeepney driver na pinatay daw ng isang pulis Maynila dahil lang sa away-trapiko
- yung nakunan sa CCTV na police escort na nakabundol ng batang estudyante, pero itinanggi daw na siya yung nakabundol at tinakasan pa yung biktima
- sa Rodriguez, Rizal, yung road rage na nauwi sa barilan sa pagitan ng isang pulis at isang retired US navy, dahil dun ay nadamay at nabaril yung pasahero nung US navy
- sa Cabanatuan, yung 2 pulis na naka-droga na namaril at pumatay ng 2 katao, na ikinasugat ng 1 pa
- yung CCTV footage na ibinigay kay Senator Lacson, na nagpapakita kung paanong tinaniman ng mga pulis DAW ng ebidensya ang isang opisina, tapos ay saka ni-raid yung lugar
- yung na-hulidap na Korean, na nahingan na nga ng ransom yung pamilya, pero pinatay pa rin talaga yung biktima sa loob pa mismo ng kampo ng mga pulis
- yung mga South Korean na na-hulidap sa Pampanga, na nakunan ng CCTV, na hinuli gamit ang alibi na sangkot sila sa illegal online gambling, na ilang oras ikinulong sa police station at pinakawalan lang matapos magbigay ng pera
- sa Quezon City, yung 4 na pulis na nahuli dahil sa kaso ng kidnapping at extortion, isang lalaki at yung kasintahan niya ang naging mga biktima
- sa Taguig, yung magkakasabwat na mga barangay officials at isang pulis sa pangingikil sa mga taong hinuhuli nila
- sa Laguna, yung Kagawad at ang mga kasamahan niya na nangingikil daw ng mga dayuhan at mga kilalang personalidad bilang pangsuporta daw sa adhikain ng Hokage na Mahilig
- sa Antipolo City, yung 4 na pulis na inaresto dahil sa pangingikil daw sa isang PWD, mukhang may mga props rin sila na mga baril at ilegal na droga
- yung maramihang pagsibak sa mga pulis sa Parañaque dahil DAW sa mga kaso ng pangongotong
- sa Ilocos Norte, yung 2 pasaway na pulis, na naka-off na daw sa duty, pero nahuli namang nag-iinuman sa kanilang presinto
- sa malapit sa lugar ng giyera, yung kaso ng harassment ng isang sundalo yata yun laban sa mga estudiyante
- ang patuloy at malaking bilang ng mga pulis na lumalabas na positibo sa paggamit ng ilegal na droga through drug test (ang isa sa butas ng laban kontra sa ilegal na droga)
- sa Las Piñas, yung opisyales na pulis na related sa PNP Crime Laboratory na nahuling gumagamit ng ilegal na droga sa isang drug den
- yung PO1 na sangkot daw sa ilegal na droga at miyembro rin daw ng sindikato
- yung 3 sundalo DAW na nahulihan ng mga drug paraphernalia sa Cebu City
- yung nasa 160 pa na mga pulis na inire-recommend ng PNP-IAS na pagsisibakin na dahil sa involvement nila sa ilegal na droga
- sa Bacolod, yung naka-AWOL na pulis na nahuli sa buy-bust operation
- sa Catanduanes, yung nagbitiw na pulis na umamin na totoo DAW ang pagtatanim ng mga ebidensya at extrajudicial killings
- sa Bacolor, Pampanga, yung government employee na biktima ng tanim-droga ng mga pulis at mga miyembro ng PDEA, yung hindi nagtugma yung written report sa kuha ng CCTV
- sa Manila, yung 4 na senior citizen na naging biktima rin DAW ng tanim-droga at tanim-bala ng mga pulis, may kuha ng CCTV tungkol sa kuwestiyonableng operasyon nung mga pulis eh, namatay pa yung isang matanda sa loob ng kulungan
- yung babaeng biktima daw ng tanim-droga teknik ng 11 Pulis Malabon
- yung New Bilibid prison guard na sinubukang magpuslit ng hinihinalang ilegal na droga sa pamamagitan ng pagtatago nito sa loob ng kanyang brief
- sa Cainta, Rizal, yung dating military intelligence officer na nahuling nagtutulak ng ilegal na droga
- sa Pagadian City, yung bahay ng nag-AWOL na pulis na nakunan ng nasa Php 89,000 worth daw ng ilegal na droga
are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
- yung honor student na choir member na ginamitan ng karatula
- yung 5 year old daw na bata na nadamay sa tangkang pagpatay ng mga hindi kilalang tao sa lolo niya
- yung 5 year old na taga-Pasay na napatay habang natutulog dahil nadamay sa pagpatay sa tatay niya na siya daw target nung hindi nakilalang tao
- yung pagkamatay ng bagong binyag na bata (na tinamaan ng ligaw na bala) sa Bulacan dahil nadamay sa pagpatay sa kanyang ninong na involved DAW sa droga
- yung pagkadamay at pagkapatay sa isang manliligaw sa Quezon City dahil involved daw yung nililigawan niyang babae sa ilegal na droga
- yung kaso sa NCR kung saan nadamay at natamaan ng bala ang isang sibilyan dahil sa paghahabulan ng mga pulis at ng isang suspek
- yung 2 sibilyan sa Laguna na nagsisimbang-gabi lang sana, na nadamay (napatay yung batang babae) sa pamamaril ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sa isang barangay tanod na related din daw sa ilegal na droga
- yung tila 2 grupo ng tao na napatay sa Caloocan City, na either drug related daw yung isang grupo kung kaya't nadamay sa tumbahan yung mga miyembro daw ng frat, o dulot ng frat war na ang nadamay naman eh yung ilang drug related personalities
- sa Caloocan, yung mag-live in partner na pinatay daw ng mga taong nagpakilala na mga pulis
- yung 14 y/o na dalagita na nadamay sa pamamaril ng mga taga-tumba sa target nilang drug-related personality daw, sa Caloocan yata yun
- sa Caloocan, yung 5 y/o na bata na nadaplisan ng bala dahil sa nangyaring tumbahan sa isang hinihinalang drug den, kung saan may mga napatay rin
- hindi ko nakuha yung lugar, pero yung kaso kung saan may 1 napatay at 6 na nadamay sa pamamaril daw sa isang dating nagbebenta ng shabu
- sa Tondo, yung 14 y/o na dalagita na natamaan sa mata at napatay ng ligaw na bala mula sa pamamaril ng riding-in-tandem, namaril DAW para takutin yung may pagkakautang sa kanila sa ilegal na droga eh
- sa Makati, yung mga lalaking naka-uniporme daw ng pang-pulis na nakuhanan ng video habang nananakit DAW ng isang babae, may tutukan pa DAW ng baril na nangyari
- yung Japanese na negosyante na mukhang planadong itinumba habang nasa bansa
- sa Tondo, yung taxi driver, na kolektor daw na asset ng mga pulis, na itinumba ng riding-in-tandem, kaso ay tumagos pa yung bala sa ulo nito kaya may babaeng nadamay at natamaan din
- yung pagtumba sa foreigner na sangkot daw sa ATM skimming
- sa Caloocan, yung tricycle driver na itinumba sa hindi pa malamang dahilan dahil wala naman ang pangalan niya sa listahan ng mga drug-related personalities, at may nadamay at natamaan pa na ibang tao sa pamamaril na yun
heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas at patakaran sa bansa:
- sa Pasay, yung target ng buy-bust operation na nakapatay at nakasugat ng mga pulis, grupo sila eh, at yung main target daw ay marami ng record ng krimen pero talagang nakakalaya pa rin
- sa Siquijor, yung 2 babaeng estudyante na napatay sa pananaksak ng isang lalaki ng naka-droga at lasing din daw noon, according sa istorya ay may iba sana siyang papatayin dahil natakot siya na isuplong siya tungkol sa paggamit niya ng ilegal na droga, kaso ay ibang mga inosenteng tao yung napaglabasan niya ng kanyang kasamaan
- regarding sa pag-determine ng edad na pasok sa criminal liability, yung pulis sa Dipolog na ginulpi ng mga kabataan at untik nang mapatay matapos niyang umawat lang sa rambulan ng mga ito
- sa Tondo, yung nakunan sa CCTV na rambulan ng mga kabataan sa gabi, kung saan makikita na nagpapaputok ng baril yung isa at nanuntok pa yung isa ng umaawat lang daw sa kanila, butas pa rin ito sa sistema ng pag-regulate sa mga baril at sa pag-determine ng edad kung kailan may pananagutan na ang mga mamamayan sa batas
- in general, ang pagiging maluwag ng batas laban sa mga menor de edad na mga kriminal
- regarding sa batas trapiko, yung 2 lola na parehong namatay matapos mabangga ng humaharurot na tricycle habang tumatawid sila sa pedestrian lane
- dahil pa rin sa kawalan ng kontrol sa mga armas, sa Cavite, yung lalaki na hinuli at dinala sa isang motel at balak i-hulidap ng mga lalaking nagpanggap na miyembro ng PDEA at PNP
- yung lalaking binaril ng isang motorcycle rider na posibleng dahil lang DAW sa naharangan niya ito sa kalsada
- ang naging pag-atake sa Resorts World Manila
- yung nangyaring saksakan at patayan ng mga high profile inmates sa loob ng Bilibid kahit na pinataas na DAW yung seguridad doon at mga SAF pa ang nagbabantay
- yung panibagong kaso DAW ng VIP treatment para sa mga high profile inmates na lumabas sa balita nitong February 2017
- sa Dasmariñas, Cavite, yung ikinulong nang dahil sa sakla, na pinatay ng mga nakasama nitong preso habang nakaposas siya
- sa Lanao del Norte, yung bilanggo na pinatay sa loob ng kulungan ng mga kakosa niya
- yung sikretong kulungan na nadiskubre ng CHR sa isang station ng MPD
- eh yung pagtutumba sa mga persons of interest na iniuugnay sa Bulacan Massacre, gayung dapat ay pinoprotektahan na sila ng mga pulis para naman mapalabas talaga yung totoo tungkol doon sa kaso
- yung kapabayaan ng mga awtoridad sa pag-handle sa suspek sa pangre-rape at pagpatay sa isang pageant winner sa Samal Island na nauwi sa panlalaban DAW nito at sa pagpatay sa kanya
- yung kapabayaan rin ng mga awtoridad sa pag-handle sa suspek sa pangre-rape at pagpatay sa isang 8 y/o na bata sa Nueva Ecija, na dahilan kung kaya't nagawa DAW nitong mang-agaw ng baril at makapagpakamatay
- yung kagustuhan ng kasalukuyang DTI na ibigay na sa mga negosyante at/o mga kompanya ang kakayahan na i-regulate ang suggested retail price (SRP) para sa mga produkto nila
- yung pagkampi ng Supreme Court sa photobomber
- ang hindi pagtupad ng PHLPost sa kini-claim nilang bilis ng paggawa at pagde-deliver ng Postal ID, at ang kahinaan ng support center nila
- yung mali at mapanlinlang na paraan ng evaluation ng Department of Tourism sa performance ng kasalukuyan at nakaraang administrasyon
- yung mga isyu na lumalabas ngayon tungkol sa BOC at sa mga mambabatas dahil sa ginagawang pananabon ngayon sa Customs
- yung problema sa mamahaling elevator para sa pedestrian overpass sa Lipa City
- yung pagkabasura ng Commission on Appointments sa pagtatalaga kay Lopez bilang secretary ng DENR na obvious naman na iginapang
- yung pagkabasura ng Commission on Appointments sa pagtatalaga kay Taguiwalo bilang secretary ng DSWD dahil DAW hindi magagamit na gatasan yung ahensya sa ilalim ng pamumuno niya
- yung pagri-reveal ni Attorney Anderson sa tangka ng isang mataas na opisyales na mag-promote ng isang hindi qualified na tao para sa Bureau of Customs
- ang kabulukan ng hustisya, yung ginawan na nga ng grupo nina Failon ng pabor ang buong bansa, pero talagang sila pa yung kinasuhan dahil lang sa binayaran na yung obvious na ninakaw na pera ng gobyerno noon
- yung sapilitang pangunguha ng mga miyembro DAW ng Kadamay ng mga housing projects sa iba't ibang lugar, at ang pagkunsinti sa kanila ng gobyerno
- ang kakayahan ng mga miyembro ng mga teroristang grupo na mapakawalan o makatakas pa sa kamay ng batas
- yung naging pagsabog sa Quiapo na nakasugat ng nasa 14 na katao daw, at nangyari yun kung kailan supposedly eh mataas ang seguridad sa bansa lalo na sa NCR
- sa Pandacan, yung 7 buwan na sanggol na nagtamo ng 3 tama ng baril dahil sa isinagawang anti-illegal drugs operation sa kanilang lugar
- follow up para sa 7 months old na sanggol news, hindi pala nagkusa yung mga pulis na imbestigahan kung sinu-sino nga ang totoong nakabaril doon sa bata, at may claim pa na diniktahan lang daw para pumirma sa affidavit yung lola nito
- sa Pasay, yung pulis na naglabas at nag-display ng kanyang baril habang nakikipagtalo sa 2 binatilyo
- sa Pasay, yung itinumba na negosyante na may-ari ng furniture shop na hindi daw kaagad hinayaan ng mga pulis na maisugod sa ospital
- yung 73 y/o na lalaki na nakaladkad at nagulungan pa daw ng bus, na hindi na naman hinayaan kaagad ng mga pulis na maisugod sa ospital
- yung kuwestiyonableng naging kahinaan ng seguridad sa Marawi sa kabila nang patuloy na pagkilos ng mga terorista sa Mindanao, sa kabila ng patuloy na mga bantaan mula sa magkabilang panig, at sa kabila ng pagkakaroon ng malaking halaga ng intelligence fund
- yung pagkatumba sa 4 na suspected na miyembro ng Maute habang ibinabiyahe sila, ito ay sa kabila nang may ipinapatupad ng Martial Law sa region na yun
- yung lalaking napagkamalan daw na miyembro ng Maute at hinihinalang t-in-orture ng mga sundalo
- yung may mga nangyayari pa rin daw na nakawan sa mga lugar sa Marawi na kontrolado na ng mga militar
- yung posibilidad daw na nakatakas na yung mga lider ng mga terorista sa lugar ng digmaan, gayung may claim rin ang mga awtoridad na kesyo natunugan naman daw nila yung tungkol sa pagtakas
- yung pagpapadala ng mga tiwaling pulis sa lugar ng digmaan, sa halip na sibakin na sila sa trabaho at hindi na pasuwelduhin pa ng mga mamamayan
- yung mukhang may nakapasok na daw ulit na mga armadong grupo sa lugar ng giyera
- yung pagpapababa daw ng DOJ sa kaso ng Marcos Police Group
- kasali pala yung Dictator Clan sa problema ngayon sa Norte
- ang pag-amin ng miyembro ng Dictator Clan na binalewala nga nila ang proseso ng bidding sa kanilang pamimili
at may kaso na iba-iba ang kategorya:
- yung pagkamatay ng isang 9 year old na bata, na pinaghihinalaang pinatay ng mga menor de edad; na natagpuan yung bangkay na nakagapos ang mga kamay, na binugbog daw, pinutulan ng mga daliri, at may hiwa pa sa tiyan
- yung pagsu-suicide daw ng isang Director Villa ng ERC dahil sa katiwalian sa trabaho nila
- isama na rin yung pagkalat ng mga fake news at paid trolls sa social media
- ang maya't mayang pagpapalabas ng fake news o mind-conditioning news ng mismong mga nasa katungkulan
- yung mali-maling listahan na inilabas ng Napolcom
- yung Oplan Cyber Tokhang
- yung mga sundalo sa Marawi na napatay sa sarili nilang air strike na laban sana sa mga terorista
- yung isa pang air strike na sa labas naman daw ng Marawi nangyari
- yung isa na namang air strike na nakapatay sa sariling mga kakampi, pangalawa yata yun na nakapatay at ikatlo ng error
- ang maya't mayang pag-target ng gobyerno sa basic needs para gawing gatasan ng buwis
- yung naaprubahan na 24% increase sa cargo handling tariff
- eh yung pati pagkanta sa Pambansang Awit ay balak nang lagyan ng limpak-limpak na halaga ng penalty
- yung pahayag ng ilang kabilang sa Bilibid 19 na babaliktarin nila ang kanilang nakaraang mga statements kung ililipat sila ng piitan
- yung paggamit ng PNA sa logo ng kompanya ng agricultural products para sa Department of Labor and Employment
---o0o---
August 19, 2017...
update ulit sa kaso nung itinumba na Grade 11 student...
eh yung may threat na rin daw para sa mga testigo..
as expected..
eh hindi pinatay yung mga kriminal na pulis eh..
natural babalikan nila lahat ng maglalabas ng katotohanan...
tapos yung magaling nilang opisyales eh kumbinsido pa rin na hindi yung biktima yung nakunan ng CCTV na kinakaladkad papunta doon sa lugar ng tumbahan..
hanggang ngayon eh iimbestigahan pa rin yung statement nila..?
putang ina!
ikukumpara lang nila yung timestamp sa CCTV sa oras na nangyari yung tumbahan..
(again, hindi naman maraming tao yung ipinakita na kinakaladkad doon sa CCTV footage eh)..
magtatanong sa mga testigo kung sino nga yung nakita nilang binitbit ng mga pulis noong mga oras na yun..
kahit malabo yung footage, iche-check kung nag-match ba yung kasuotan nung biktima sa kuha ng CCTV at yung nakitang suot ng bangkay niya (sapat naman na siguro yung shorts na suot niya bilang identifier)..
(also, meron bang nagbebenta ng droga na may bitbit rin na baril ang maglalako habang naka-boxer shorts lang daw ito, saan niya inilagay yung droga at baril kung ganun)..?
at iche-check rin kung yung lugar ba kung nasaan yung CCTV eh dadaanan nga mula sa lugar kung saan nahuli yung biktima (taliwas sa script na namaril kaagad ito pagkakita pa lang sa mga pulis, kaya siya binaril na rin) papunta doon sa lugar ng tumbahan...
eh baka naman sangkot rin yung opisyales sa pagpapatumba dun sa menor de edad kaya ang bagal ng aksyon nila...?
at tsaka wala namang lalabas na threat laban sa mga testigo kung tiwala nga ang mga basurang mga pulis na yun na inosente nga sila..
walang magiging threat kung tiwala rin sila sa sistema ng batas...
was feeling , lulutuin pa yata ang kaso na 'to...?
>
eh yung mukhang may nakapasok na daw ulit na mga armadong grupo sa lugar ng giyera...
wow, ang galing!
ang lakas talaga ng depensa..
ang galing talaga ng mga checkpoint under Martial Law...
was feeling , sino bang bantay dun, si Totoy Yantok...?
>
sa Agoncillo, Batangas..
yung municipal nurse na itinumba ng isang pulis nang dahil lang daw sa selos..
agawan daw sa girlfriend yung ugat nung pagpatay eh...
i believe noong isang araw pa ang balita na 'to..
pero kanina ko lang narinig nang mas maayos...
was feeling , basta pulis - nakamamatay...
---o0o---
August 20, 2017...
sa Pagadian City...
yung bahay ng nag-AWOL na pulis na nakunan daw ng nasa Php 89,000 worth ng ilegal na droga..
pero nakatakas daw yung suspek...
was feeling , kabaro nyo na naman yan...
>
update ulit sa kaso nung Grade 11..
yung katransaksyon daw nung biktima na source ng intel(?) ng mga pulis eh buhay..?
pero yung biktima eh itinumba..?
yan bang testigo ninyo eh testigo talaga, o planted evidence din para makapatay kayo ng mga tao...??
tapos ipinagkalat pa ni Kalbo sa buong bansa na drug-related rin daw yung ama at tiyo nung biktima..
ni hindi na dumaan sa buy-bust operation ah..
parang yung Hokage na Mahilig rin, hinusgahan na kaagad yung mga tao nang dahil lang sa listahan..
o baka naman idinagdag lang yung mga pangalan nila doon sa listahan para lang ma-justify na okay lang na napatay yung biktima...??
wow!
para lang i-justify na hindi pa rin pumapalya ang War Against Drugs nila..?
para lang i-justify na accurate pa rin ang trabaho nilang mga pulis..?
para lang makumbinsi ang mga mamamayan na tama rin lang na pinatay na yung suspected courier, na hindi naman siya kawalan sa mundo..?
para lang mabawasan yung mga nakikisimpatiya sa pamilya nung biktima...?
Kalbo..
isa-isang topic lang kasi ha..
bakit itinumba nung mga tauhan ninyo yung menor de edad...?
given na yung CCTV footage at yung salaysay ng mga testigo na nagma-match ha...
again, walang nangyaring buy-bust..
dahil nga base sa report ng mga tauhan ninyo eh pinutukan na kaagad sila nung suspek nang makita pa lamang sila na papalapit..
kaya saang bahagi nung mga pangyayari ninyo na-verify na nagbebenta nga ng ilegal na droga yung biktima..?
saang part nangyari yung dapat na palitan ng pera at droga...?
gusto ninyong i-prove na nanlaban siya na courier gamit yung mga ebidensya na nakuha sa bangkay niya..?
so paano ninyo ipapaliwanag kung paanong naglalako ng droga ang isang naka-boxer shorts..?
may bulsa ba yung boxers o yun bang mga plastik ng droga eh katabi nung titi nung biktima sa loob ng brief niya..?
eh yung baril, saan nakasuksok sa loob nung boxers, katabi rin ba nung titi o nakasuksok sa cleavage ng puwet..?
at yung baril ulit, so nag-panic ba yung menor de edad dahil nakakita siya ng mga pulis (na naka-civilian) at psychic siya kaya nalaman niya na mga pulis ang mga yun, at dahil sa pagmamadali niya eh kaliwang kamay yung nagamit niya sa pamamaril...?
ang galing mo ring Kalbo ka..
puwerket mamahalin yung intel ninyo ng Hokage na Mahilig, eh kumbinsido kayo na 100% accurate yun..
eh ni hindi nga kayo witness sa majority ng mga tumbahan na nagaganap para i-claim ninyo na tama ang ginagawang trabaho ng hanay ninyo eh...
drug-related man yung biktima o hindi..
ang mahalagang tanong eh bakit siya itinumba kahit wala na siyang laban (base sa kuha ng CCTV)..?
at bakit kinailangang mag-imbento ng script at scenario ng mga tauhan ninyo para lang maitumba siya...?
dahil sa sinabi mong Kalbo ka..
parang in-encourage mo na rin ang mga taga-tumba na patayin na rin yung mga kaanak nung biktima eh... :(
was feeling , kung meron mang dapat namamatay sa bansa na 'to, kayo-kayo yun na bahagi ng Death Squad...
---o0o---
August 21, 2017...
sa Albay daw..
yung bata na nakunan ng CCTV na nagnanakaw sa loob ng isang malaking bahay..
nauutusan daw siyang magnakaw kapalit ng shabu eh..
nahuli rin yung sinasabing nag-utos daw sa kanya...
ganung mga kriminal yung dapat pinapatay na..
yung nakailang ulit na na nakaperwisyo sa mga inosenteng tao..
combination ng pagiging mga drug-related at pagiging magnanakaw eh..
huwag nang isipin na kesyo bata pa yun..
kasi ang nakakatakot ay yung kakayahan niya na mag-akyat-bahay sa murang edad pa lang niya, na pwedeng madala niya sa kanyang paglaki kapag mas napabayaan pa siya...
was feeling , unfair talaga kayo...
---o0o---
August 23, 2017...
nakita niyo na yung kahalagahan ng mga camera...?
dati ang yayabang nilang lahat..
halos hindi mabaluktot ang mga ideya..
puros ang pagtatanggol sa masasama...
pero dahil lang sa isang pagkakamali ng mga tao nila..
dahil lang sa mataas na posibilidad na nakunan nga ng CCTV yung pagmamalabis nila sa kapangyarihan..
na para lang makapagkunwari na nagtatrabaho sila..
eh ayun at biglang tumiklop maging ang nasa pinaka-tuktok (na ang sarap tuktukan)...
pero obvious naman na pagpapanggap lang 'to..
batid na nila na marami ang nakikisimpatiya dun sa Grade 11 na biktima..
kaya naman hindi na uubra yung mga pangako ng 'quicky pardon'..
kaya naman ilalaglag na lang nila yung mga nabisto na pulis..
para lang magkunwari na hindi nila tino-tolerate ang pagpatay sa mga 'nanlaban'..
para lang maiwasan nila na mas dumami pa yung mga bumabatikos sa maling paraan nila ng paggagawa ng accomplishment report...
mga bugok kasi kayong mga pulis kayo..
gayahin nyo kasi yung mga pangkat nung pulis na Marcos..
at yung pangkat nina Espenido..
sirain niyo muna lahat ng mga CCTV bago kayo trumabaho...
was feeling , mga camera na lang ang kakampi ng mga tao sa panahon ngayon...
>
sa Sorsogon...
yung akyat-bahay na nahuli ng grill ng bintana..
naipit yung leeg niya dun sa grill eh, kaya na-stuck yung ulo niya..
hindi naman daw natuloy yung tangkang pagnanakaw dahil nga may nakakita kaagad dun sa kriminal na yun, dahilan para magmadali siyang tumakas...
ang masama sa istorya na 'to..?
menor de edad na naman yung involved..
16 y/o pa lang siya kaya naman kukunsintihin na muna ulit siya ng gobyerno..
ibig kong sabihin eh hindi siya mapaparusahan nang husto...
pero sa totoo lang..
nakakatawa yung itsura niya doon sa grill nung bintana..
ang itsura ng isang tao na handang bastusin ang kanyang kapwa para lang siya ang mabuhay - na nabalikan kaagad ng karma..
mas maganda nga sana kung natuluyan na siya doon, at hindi na nakahinga pa eh...
sana ganung kabilis ang karma para sa kanilang lahat na mga utak-kriminal...
was feeling , yun naman yung tinatawag na inilagay sa 'grill' ang batas...
>
[Natural Calamities]
so mukhang nangyari na yung lindol na naka-schedule para sa Leyte..
mukhang yun yung babala na nais iparating nung Oarfish na nakita rin sa Leyte area sometime around August 10...
nasa Magnitude 5 something yung nangyaring lindol eh...
August 10 tapos August 23..
tapos kung isasama pa sa computation yung panahon na lumangoy yung mga Oarfish hanggang marating nila yung baybayin..
halos 2 weeks na nilang na-predict ang isang lindol bago pa man ito tuluyang mangyari, kung base lang sa data na 'to...
ang isa pa kasing misteryoso tungkol sa mga Oarfish..
eh kung bakit mauntian lang talaga yung stranding na ginagawa nila, na madalas nga eh malapit rin sa panahon kung kailan may nagaganap na paglindol..
alangan naman na sa lawak na yun ng dagat at area na tatamaan ng lindol eh 1 hanggang 2 Oarfish lang yung natatakot at nagko-commit ng stranding...
was feeling , tama na daw kasi yung mga maling tumbahan...
>
may sense rin nga naman yung hakbang nina Hontiveros..
proyekto ng mga nasa tuktok ang pagpapatumba..
gaya rin ng gawain nila noon sa pinakamapayapang bayan..
kaya bakit nga naman ipagkakatiwala yung mga testigo sa panig ng mga yun...?
base pa lamang sa statements ng mga opisyales, eh masasabi na na hindi dapat ipagkatiwala sa kanila ang buhay ng mga witness..
kasi naman, paano ninyo ipagkakatiwala ang buhay nila sa mga tauhan ng gobyerno na iginigiit na walang mali sa nangyaring tumbahan..?
sa mga tauhan ng gobyerno na madaling makumbinsi na drug-related nga yung Grade 11..
sa mga tauhan ng gobyerno na naniniwala na hindi kawalan ang pagpatay sa mga drug suspect kahit wala pang sapat na pruweba..
sa mga tauhan ng gobyerno na pino-promote pa ang pagpatay sa mga 'scripted' na nanlaban..
sa mga tauhan ng gobyerno na naniniwala na wala namang pinagkaiba ang ginagawang pagpatay ng mga kriminal laban sa mga inosenteng tao, kumpara sa ginagawang pagtumba at pagpe-frame up ng mga pulis sa mga inosente rin na tao..
sa mga tauhan ng gobyerno na nagbubulag-bulagan pa rin, kahit na nasa harap na nila ang malalakas na ebidensya..
at sa mga tauhan ng gobyerno na hindi marunong umamin sa kanilang pagkakamali...
eh pinabayaan nga nilang mamatay ang source na si Mayor Espinosa..
yung kalakaran ng ilegal na droga sa Bilibid eh tuloy pa rin..
ganung klase ba naman ng mga tao yung mapagkakatiwalaan...?
was feeling , baka itumba lang sila para lalong mamatay yung kaso...
>
update ulit tungkol sa Grade 11...
paano ba yun..?
hindi na nga nag-match yung autopsy report..
tapos negative pa yung biktima sa paraffin test..
hoy mga panatiko, anong nangyari sa basura ninyong arguments..??
dahil dun, halos automatic nang nabasura yung report nung mga pulis na kesyo pinutukan sila nung itinumba nila...
pero ang dapat talagang malaman ay yung mismong rason kung bakit siya itinumba..?
baka naman may nagalit sa kanya na kaanak nung isa sa mga nagtumba sa kanya kaya talagang trinabaho siya...?
pero nakakalungkot yung argumento nung ibang mga tao..
pinapalabas kasi nila na drug-related personalities yung binibigyan ng simpatiya ng maraming tao..
na parang mga witness mismo sila para ma-verify na drug-related nga yung taong yun..
samantalang hindi daw nakakakuha ng kaparehong, sabihin na natin na atensyon, yung kaso nung mga taong nabiktima daw ng mga drug-related personalities...
mga bangag ba sila..?
iniisip ba talaga nila na puwerket hindi naging popular ang isang kaso, eh ibig sabihin na nun na okay lang yun sa mga tao..?
siyempre, walang matinong tao ang naghahangad na mamayani ang kriminalidad sa bansa...
pero ang nakakabahala kasi sa mga nangyayari lately..
eh dahil yung mismong mga dapat na napagkakatiwalaan na mga alagad ng batas ang gumagawa ng masasama..
yung mga kriminal, hindi madidiktahan ang konsensya ng mga yun eh..
pero yung mga awtoridad, sila yung pwedeng paalalahanan na gawin naman nila yung tama...
okay lang sa kanila na pumatay nang pumatay ng mga drug-related personalities..
pero sa tingin ba nila makakabawas sa antas ng kriminalidad maging ang pagpatay sa mga inosenteng tao..?
aba'y mag-isip-isip rin sana sila...
eh mga gunggong pala kayo eh..
bakit hindi ninyo suriin ang mga balita kung sinu-sino ba talaga yung mas nako-connect sa ilegal na droga..?
hindi ba't mga taga-pamahalaan...?
was feeling , kung tingin ninyo eh tama rin nga na pumatay ng mga inosente, at inosente kayo, edi kayo na lang ang magpatumba sa idol ninyong mga pulis...
---o0o---
August 24, 2017...
ayos yung circus sa Customs ah..
andaming lumalabas..
sige lang, ilabas nyo na lahat yan...
was feeling , abalang-abala na ang Senado...
sa Quezon City...
yung utak-kriminal na nang-hostage ng sarili niyang tiyo..
na ang gamit ay itak, at may dala pa daw balisong..
tapos umamin pa na gumagamit siya ng ilegal na droga...
anak kayo ng mga!
yun ang dapat na pinatay nyo na..
eh obvious na na delikado siya para sa ibang tao eh...
was feeling , unfair pa rin...