Friday, May 13, 2016

Election Afterthoughts

dahil hindi ko maiwasan na hindi mag-react sa mga nakikita at nababasa ko sa social media...


 
May 7, 2016...

tang ina!

mas sanay ako na mas matataas yung views ng mga naughty at gamer posts ko - hindi yung sa mga political views ko..
dammit! who's viewing them lately..?
kinakabahan tuloy ako na baka madiskubre ng mga basag-ulo-imbecile-criminal-trolls yung ideas ko..
sana lang sapat pa yung kakayahan ng mga utak nila para ma-realize at ma-process na puros based on facts (mostly mula sa bibig mismo nung tao) yung mga nakasulat dito... :(
feeling , freedom is.. sacrificing some lives to pretend that there is peace and order...?
---o0o---


May 8, 2016...

"...Remember, what you are assuming about Duterte hasn't happened yet."

i quoted this from someone na, i wouldn't say na siya yung nangopya since hindi ko naman alam kung kanino talaga nagmula yung short piece na yun..
pero may kaparehas siya na message for the Duterte supporters, at yung sa taong q-in-uote ko is almost the same (pinalitan lang yung wordings to fit those supporters of Roxas)...

nakakalungkot..
kasi meron nga pala talagang mga supporters na hindi gumawa ng research tungkol sa lahat ng possible candidates ngayong eleksyon..
tapos basta-basta magpo-post sila something online without basis..
and the effect can be misleading...

revolutionary government, government without or with less allies (countries), change in the form of government - totoong hindi pa nangyayari ang mga bagay na 'to (common sense lang, wala pa siya sa tuktok na posisyon para magawa ang mga 'to)..
pero may mga statements na yung candidate (sa news) na handa siyang gawin ang mga ganitong bagay..
so tama na assumptions lang ang lahat ng mga ito - for now...

but as for the facts:
  1. paglabag sa batas dahil sa paglalagay ng batas sa sarili niyang mga kamay (mula sa bibig niya mismo)
  2. paglabag sa batas dahil sa maling declaration ng SALN (mula sa bibig niya mismo)
  3. paglabag sa batas dahil sa pagtanggap ng mga mamahaling properties bilang regalo despite being a public official (mula sa bibig niya mismo)
  4. pagiging hindi magandang halimbawa para sa mga kabataan (at sa lahat na rin) in delivering his public statements (paano tayo..? wala na lang news para hindi na marinig ng mga bata ang mga masasamang bagay na nasasabi niya tungkol sa sex, kamatayan, at pagmumura..? o ie-edit na lang lahat ng public statements niya to filter the bad words..?)
  5. bloody government - nangyayari na 'to sa Davao since the late 90's dahil sa mga summary executions, even the Mayor claims na inilalagay niya ang batas sa sarili niyang mga kamay (for numbers 6 and 7 as well, totoong walang maipakitang proof na related ito dun sa Mayor, pero tino-tolerate 'to ng pamahalaan ng Davao base na rin sa haba ng panahon na nangyayari yung mga ganung klase ng krimen)
  6. sudden disappearance ng ibang tao sa Davao - recorded din ang mga ito, at kung sa tingin ninyo na walang nag-attempt na malaman yung katotohanan - then mag-research kayo
  7. ang mga minors na nakabilang sa mga summary executions/sudden disappearance (the same as for numbers 5 and 6, hindi safe na i-assume na lahat sila ay mga kriminal dahil lang sa na-tag sila bilang mga kriminal, hindi dumaan sa proseso ang mga pangyayari na 'to - thus hindi masasabi na 100% accurate ang mga naging parusa sa kanila)
  8. ang pagpabor ng pamilya nila (at least 2 of them) sa prostitusyon

nasaan ang assumptions diyan (5, 6, 7 - maybe)..?
pero what about the rest..?
(well, siyempre common sense ulit, hindi pa lahat ng 'to eh nararanasan sa buong bansa dahil wala pa nga sa kanya ang pinakamataas na posisyon)..
pero inamin na niya yung iba sa mga yun...

at kung gagamit ka ng arguments para manira ng ibang kandidato..
siguraduhin mo na valid (yung walang external variables na nakakaapekto)..
magaling lang kasi kayong manisi...
feeling , wala akong balak na mang-impluwensiya ng ibang tao.. pero sana maging maingat naman ang lahat sa mga inilalabas nilang mga statements.. gumamit kayo ng facts - hindi puros trash talk, mura, at paghiling na mamatay o magahasa ang mga tino-troll ninyo...
>
sinasabi mo na nahuhusgahan lang yung sinusuportahan mo na kandidato base sa mga ipinapakita niyang ugali sa media..?
pero ikaw, ano ba sa tingin mo yung demolition job na ginagawa mo..?
hindi ba hinuhusgahan mo rin lang niyan yung kandidato ng iba...?

hindi ba panghuhusga na ina-assume mo na magiging parehas na parehas ang pamumuno ni Roxas kay Aquino (kung sakali)..?
hindi ba panghuhusga na lahat ng naging pagpalya ni Aquino sa administrasyon niya eh kay Roxas mo na rin isinisisi..?
ang hirap kasi, dahil wala kayong makita na teribleng butas sa pagkatao nung isa, eh ipinasa nyo na nga lang kay Roxas lahat ng naging kakulangan ni Aquino para lang may mai-post kayo sa social media...

at unfair naman yun..
ibato nyo kay Roxas kung ano lang yung kapalpakan niya..
hindi yung automatic ipapasa nyo dun sa tao lahat nung basura nung kaalyado niya para lang madurog nyo yung pangalan niya...

ibibida nyo sa arguments nyo na kasalanan ni Roxas yung Yolanda at iba pang natural calamities na dumaan sa bansa..
pati pagkamatay ng SAF 44 kay Roxas nyo na rin isinisisi..
pati pananakop ng Chinese (Empire) kasalanan na rin niya...

ina-assume niyo na dapat 100% accurate na ma-predict ng gobyerno lahat ng paparating na kalamidad, ano - dapat ba harangin nila yung mga bagyo para sa mga tao..?
(nakakalimutan nyo yata na malaki ang kontribusyon ng lahat sa climate change na nararanasan ng buong mundo)..
yung maling management sa pag-distribute ng mga relief goods, yung mga nabulok na relief goods, at yung mga hinihinalang nawalang mga contributions..
sigurado may mali nga sa strategy at pamamahala ni Roxas at ng gobyerno, pero sa kanya ba naka-assign dapat lahat ng trabaho..?
siya ba dapat yung nag-ayos at nagpake ng lahat, siya ba yung dapat na humanap ng mga drop points, siya ba dapat yung gumawa ng mga alternative routes, siya ba dapat yung personal na nag-deliver nung mga goods mag-isa (sino siya, si Carrot Man?) para lang na-ensure niya sana na naging matagumpay ang lahat..?
(nakalimutan nyo yata na ibang mga tauhan ng gobyerno yung gumawa dun sa ibang mahalagang papel)..
at sa pagkawala DAW nung ibang contributions, eh magpakita muna kayo ng ebidensiya bago nyo automatic na sabihin na may nanakaw nga...

sa isyu ng SAF 44..
iniisip nyo na kasalanan ni Aquino na tumulong sila sa America sa paglaban sa mga terorista..
wala pang nangyaring mga pag-atake sa bansa noon, kaya iniisip nyo na unnecessary yung naging preventive action..
si Aquino ang sinisisi nyo dahil nakinig siya sa payo na ilihim yung operasyon sa militar dahil sa possible leakage nung impormasyon..
sa tingin ninyo kasalanan niya na palpak yung ibang gamit ng SAF noon (trabaho pa ba niya na i-check ang mga yun bago gamitin sa labanan)..?
sa tingin ninyo idea ni Aquino alone na cellphone at text na lang ang gamitin sa communication..?
sa tingin ninyo dapat kay Aquino pa nanggaling yung initiative na utusan yung mga SAF na backup para matulungan nila yung mga kasamahan nila na SAF (siya ba ang ground commander noon na andun sa field para gumawa ng tamang desisyon)..?
kay Aquino ba nanggaling yung mga bala na pumatay dun sa mga SAF..?
oo, kasalanan niya na napaniwala siya na handa na yung SAF para sa ganung klase ng operasyon..
oo, siguro nga kasalanan niya na hindi akuin nang buong-buo yung mga nangyari..
masama rin yung dating na ipinarating niya dun sa mga namatayan na patas na sila dahil pare-parehas na sila ngayong namatayan ng mga mahal nila sa buhay..?
pero sa tingin ninyo kasalanan ba niya talaga lahat ng nangyari..?
at isinisisi nyo na rin nga yun ngayon kay Roxas...

at sa isyu ng mga Intsik..
kasalanan ba ng gobyerno at ng ibang bansa na sobrang lakas ng puwersa ng mga mananakop..?
kahit pa may mga barkong pandigma ang bansa, i doubt na tamang paraan ang makipaglaban sa isang napakalaki at napaka-influential na hukbo...

marami pang problema diyan, puros sa maling mga tao isinisisi..
hindi na nila iniisip na hindi lang naman iisa o iilang tao ang tumatrabaho sa mga bagay na yan..
hindi nila iniisip na may mga pagkakataon na yung mga tao o empleyado sa ibaba yung mga may pagkukulang sa mga trabaho nila kaya pumapalpak yung buong sistema..
at siyempre, yung mga kahinaan sa mga kasalukuyang mga batas sa ngayon ay may kontribusyon rin sa pagpalpak ng sistema... :(

ang tanong, kasalanan ba ni Roxas lahat ng yan...?
feeling , sinasabihan mo ang ibang supporters na sarado na ang mga utak nila, pero ikaw mismo eh sarado din ang utak.. nagagamit yang utak, hindi lang yan nakapaloob sa bungo - subukan mong humanap ng facts bago ka manghusga...
>
mukhang maganda yung disiplina ng mga Duterte supporters pagdating sa kalinisan ng paligid..
pwede...

yun nga lang..
may mga kasama pa rin sila sa hanay nila na nang-harass sa daan ng supporters ng ibang kandidato..
nakakalungkot, dahil hindi naman dapat magkaka-'away' ang mga mamamayan tungkol sa isyu na 'to..
kaso may iba na parang kriminal na rin ang turing sa mga hindi nila kaalyado o 'kakulay'..
kahit wala namang masama o kasinungalingang statement o post sa social media yung tao..
yung iba makita lang yung pisikal na 'kulay' ng sinusuportahan ng ibang tao eh naka-auto-troll na... :(

feeling , maige pa ang kalinisan ng paligid at inirerespeto.. sana naman andun rin yung disiplina para sa kapwa tao lalo't wala namang ginagawa na masama sa inyo...
---o0o---


May 9, 2016...

nakatapos nang bumoto kanina...

kung anuman ang maging resulta, edi rerespetuhin..
(basta huwag lang failure of election, at ulitan ng botohan)..
as usual, neutral to the government kung sinu-sino man ang maupo dun..
magbayad ng tamang buwis, sumunod sa batas, at walang physical attacks...


if it brings us progress - edi mabuti..
kung bluff lang lahat ng masasamang sinabi - edi mabuti..
pero kapag nagkagipitan na - edi bahala na ang iba na lumaban..
matiwasay na katapusan ang goal ko - hindi yung bayolente...

at sa lahat ng gumawa ng masama sa kapwa nila nitong nakaraang campaign period..
at sa mga gumawa na noon at balak pang gumawa ng masama..
mga totoong kriminal at mga utak kriminal..
mga pumatay ng mga inosenteng tao..
mga nanira ng pagkatao ng iba ng walang basehan..
mga humiling ng masasamang bagay laban sa mga inosente na wala namang maling sinabi o ginawa..
mga pisikal na umatake sa kapwa nila na wala rin namang ginagawang mali..
mga nagbusal at humiling na busalan ang katotohanan..
mga direktang bumatikos sa demokrasya at sa mga taong lumaban noon para makamit ito (pero ang kakapal naman ng mukha ngayon na gamitin ang regalo nito na 'freedom of expression' para sabihin na hindi na lang sana yun ipinaglaban noon)..
kung maparurusahan kayo ng batas - edi mabuti..
pero kung hindi - edi bahala na lang ang kapalaran, o ang mga bagyo, lindol, at iba pang natural calamities na gawin ang mga tungkulin nila sa pagme-maintain ng balanse ng mundo...
feeling , ang pinakamaruming eleksyon na nasaksihan ko (so far)...
---o0o---


May 10, 2016...

putang ina naman mga taga-[Name of City]!

talagang [Name of Mayor] pa rin!!?

hindi ba kayo nag-research bago bumoto...?

okay lang talaga sa inyo na pipilitin na ipa-privatize ang [Water Service Provider] para sa komisyon, at ano - tataas ang singil ng bayad sa basic need na tubig..?
okay lang sa inyo na ibebenta at ililipat ng lugar ang City Hall para pa rin sa komisyon..?
ayos lang talaga sa inyo kung namomorsyento na sila sa buwis na napasok sa [Name of City], tapos eh namomorsyento pa rin sila sa mga inuutang nila para sa mga project para sa bayan (oo, halos utang lahat ng ginagastos para sa mga projects)..?
masaya na kayo sa [City Hospital] at sa [Sports Facility]..?
ni hindi ko nga alam kung nagbayad na ba sila sa [Electric Cooperative] para sa konsumo ng munisipyo eh... :(

tang ina!
Ombudsman, gawin mo naman ang tama this time!
ituloy na yang mga kaso niyan, wala ng T.R.O. - T.R.O....

kung hindi..
eh mukhang ipapa-Squad Goal na rin nga lang ang mga [Mayor's Clan]..
pati [Judiciary Personnel] ipa-Squad Goal na..
bahala ka na nga Duterte!
let's fix this city... :(
feeling , magsama-sama kayo sa impiyerno...
>
ang dami kong natutunan na campaign tricks ngayong halalan..
  • create your drama or storyline
  • make good photo captions for your camp (kahit kasinungalingan na)
  • make negative, bad, or humiliating photo captions about your rival and their endorsers/supporters (kahit kasinungalingan lang rin), sino ba naman kasing walang sariling will na supporter ang nanaisin na ma-tag as 'tanga'..?
  • edit or create bad videos about your rival
  • set traps for your drama, dapat yung malakas maka-bida, yung parang ikaw ang inaapi parati
  • label the media as being bias kapag naipapakita nila yung bad side ninyo
  • assassinate the truth if it is against your camp (i doubt na yung mga bata talaga ang concern kaya kinontra yung ad, wala silang pakialam sa mga bata pero ginamit lang yun bilang isa sa primary na depensa, maganda kasi yung mensahe nung ad na yun kung tutuusin, at hindi nila matanggap na mukha ng kandidato nila yung nandoon, nahiya sila dahil hindi gaya nung mga mura at messages tungkol sa karahasan eh hindi nila kayang ipaliwanag na hindi na iginalang at pinagnasahan pa ng taong yun ang isang patay na rape victim DAW)
  •  make false accusations about cheating, this way mas magiging vigilant ang mga supporters sa pagbantay ng mga boto nila, maeengganyo rin sila na bumoto talaga para masubukan yung sistema, at in case hindi masunod yung trend sa survey eh may mindset na sa mga tao na may naganap ngang dayaan
  • release false information about who's leading, eto yung last form of attack na nakita ko noong May 9, umaga pa lang (past 9:00 AM) lang ay may pekeng image na about sa result despite the fact na halos imposible yun dahil down yung website ng COMELEC at saka lang nagta-transmit ng result kapag nakatapos na ang isang presinto o umabot na sa deadline ng pagboto, ang magandang epekto nito ay mas mai-encourage ang mga supporters na bumoto pa, pwede rin itong mag-set ng trend sa kung sino ang iboboto, pwede rin nitong ma-discourage ang mga supporters ng rival (na hindi aware sa totoong sistema) dahil sa pagpapakita ng sobrang laking agwat, at in case ulit na hindi masunod yung projection nila ay may mindset na sila sa mga tao na kesyo nagkadayaan
  • deception gamit ang iba't ibang ugali

kung iisa man o iba-iba yung nakaisip ng mga strategy na yun, napakinabangan talaga nila ang social media at ang pagiging mapaniwalain ng maraming tao..
ang pag-atake sa mindset..
mahusay sila - pero marumi pa rin...

at least alam na ang mga babantayan sa susunod na eleksyon (kung meron pa)...
feeling , sa panahon kung gaano kadelikado ang pagpindot sa LIKE button...
---o0o---


May 11, 2016...

naawa naman ako dun sa Batang Marcos..
mukhang walang nakapag-explain sa kanya ng sistema ng pagpili sa halalan dito sa bansa..
dahil sa demokrasya, hindi obligado ang mga tao na bumoto nang base lang sa Partidong kinabibilangan ng kandidato..
at tsaka anong ibig sabihin ng pagkukumpara mo sa mga boto ng President at Vice-President, may usapan na ba ang pamilya ninyo at si Duterte kaya supposedly pantay lang dapat yung boto niya at ng Tatay mo..?
baka nakakalimutan nyo na si Miriam talaga ang ka-Partido o ka-tandem nyo (strictly looking at her stats), kaya kung tutuusin eh pumabor pa din sa inyo ang demokrasya..
ang mindset nyo kasi eh dinaya kayo kapag hindi kayo ang nanalo eh...


totoy..
kung alam mo lang..
baka hindi ka nakakagamit ngayon ng Twitter dahil sa magaling mong Lolo na sinuportahan lang ng ama mo sa pagiging diktador niya..
well, dahil Marcos ka eh baka nakagamit ka pala nun, pero wala namang masyadong Pilipino ang makakabasa ng tweet mo dahil sa kawalan ng freedom of expression para sa mga mamamayan..
ang existence ng NPA hanggang sa ngayon (sa kabila ng mahabang taon ng pamumuno ni Marcos) ay pruweba na ginamit lang silang dahilan para mas maisulong ang Martial Law noon...

walang nagbabawal sa pamilya ninyo na mabuhay..
magnegosyo kayo o kung ano pang trabaho..
kahit na ano, huwag lang sa gobyerno para lang linisin ang pangalan ninyo..
walang sinumang Marcos na gustong linisin ang pangalan ninyo at i-edit ang history ng bansa ang pwedeng mailuklok sa pamahalaan..
gumawa kayo ng sarili ninyong marangal na legacy kung gusto ninyo..
pero huwag na huwag ninyong buburahin ang masasamang nagawa ng mga Marcos sa history, at huwag na huwag ninyong ipilit na gawing bayani ang isang diktador na walang konsensya...

as for the generation of Bongbong..
at ang currently existing generations ng iba pang Marcos (na related dun sa diktador)..
unfortunately, hindi pa bayad ang pamilya ninyo sa taong-bayan..
wala kayong delikadesa..
hanggang sa ngayon kumakain pa rin kayo ng galing sa nakaw at pangungurakot ninyo noon..
kaya wala pa dapat kayong karapatan na bumalik sa pamahalaan...
feeling , utak Marcos...
>
dapat talaga pinatay na lang ang mga Marcos noon..
para naputol na ang lahi nila..
edi sana walang ganitong problema ngayon..
automatic pa na nabawi sana lahat ng mga ninakaw nila..
hindi ganitong nagagamit pa nila ngayon laban sa atin ang nakaw na yaman nila...

kasalanan pa rin 'to ng gobyerno eh... :(
feeling , patay na eh - nabubuhay pa tuloy ngayon...
---o0o---


May 12, 2016...

noong isang araw, isang utak-Marcos..
ngayon naman, isang utak-Romualdez..
wala nang gamitan ng facts, discrimination at paninira na lang talaga base sa 'kulay' o partido..
obviously, dulot ito ng impluwensiya ng mga magulang nila, dahil sa pulitika... :(

nakakalungkot ineng..
crush ko pa naman ang Nanay mo dati..
pero masama pala ang ugali ng anak niya..
matagal nang tapos ang Yolanda, mangangatwiran pa kayo..
eh wala namang kinalaman si Robredo dun sa delubyo na yun (ano, hahanapin nyo rin sa kanya ang mga nawawala DAW na pera puwerket DILAW siya..?)..
16 y/o ka na DAW, hindi ka na inosente - para hindi malaman ang tama at mali...

huwag kang mag-isip at kumilos nang base lang sa apelyido na dinadala mo...

tungkol naman sa reklamo ni Bongbong..
hindi basta-basta madadaya ang election kung magiging matapat ang bawat precinct..
kaya nga ita-tally rin ang lahat ng mga resibo para sa mirror-checking eh..
kaya alam nyo na dapat kung ano talaga ang dapat ninyong batayan...

NOTE na rin para sa ibang tao..
hangang-hanga kayo sa windmills, eh hindi naman si Bongbong ang nag-imbento nun..
akala nyo yata applicable kahit saan yung ganung klase ng energy source kaya kayo boto nang boto eh... :(
feeling , tadyakan ko kayong mga maka-Marcos eh - ang kakapal ng mga mukha niyo na gumamit ng freedom of expression para manira ng ibang tao...
>
deception..
paglilinis ng pangalan...

sa tantsa ko, sasabihin lang ng taong simbahan na dahil mga tao rin lang sila eh wala sila sa lugar para husgahan siya..
pero isa pa rin siyang tao na nagto-tolerate ng mga lawless na pagpatay, at siya mismo ay pumatay na rin nang hindi dumadaan sa tamang proseso (despite serving a system)..
kaya dapat pangaralan pa rin siya...


eh dun kaya sa pamilya nung namatay na foreign missioner na binastos niya sa harap ng maraming tao at pinagnasahan niya..?
maghuhugas-kamay rin kaya siya...?

hindi 'to lovelife kaya hindi applicable yung 'move on'..
dapat maging alerto parati sa mga gagawin ng mga taong 'to..
baka isang araw, maging bayani na lang ang naging sanhi ng paghihirap ng ibang inosenteng mamamayan...

hindi dapat muling makontrol ang media...
feeling , kontrolado pa nga kaya ni JoMa ang buong hanay ng mga komunista...?
---o0o---


May 13, 2016...

siraulo ang sinumang magpapalibing sa isang makasariling diktador sa Libingan ng mga Bayani..
kung sasabihin nila na mas matimbang ang economic growth kumpara sa pagmamalabis sa kapangyarihan at pagbubuwis ng mga inosenteng buhay - eh sangkatutak silang mga tanga..
hindi panahon ng giyera noon para sabihin na normal lang na may nabubuwis na mga inosenteng buhay dahil sa unlawful killings, baka nga palabas lang ang lahat ng naging kaguluhan noon para maging absolute ang control nila sa bansa..
pwede namang ilibing si Marcos eh - basta huwag lang sa Libingan ng mga Bayani...


after that, ano..?
iuutos na i-edit ang lahat ng libro tungkol sa history ng bansa..?
sasabihin na kontrabida ang mga Aquino dahil lumaban sila sa napakagandang Martial Law..?
na demonyo ang mga Aquino at lahat ng lumaban sa diktadurya..?
na dapat sana hanggang ngayon ay may Martial Law pa rin (c/o kung sinu-sinong rebeldeng grupo at mga terorista), at si Imelda na sana o si Bongbong ang pinuno ng bansa kung walang pumigil sa mga balak nila..?
na dapat purihin ang angkan ng mga Marcos...?

ang kakapal ng mga mukha ng mga taong 'to..
dapat sa mga ito eh pinaparanas din muna ng Martial Law..
tanggalan ng mga kuko sa kamay at paa..
punuin ng tubig ang bituka..
i-electrocute..
at puluputan ng barbed wire o pasukan ng kung anu-ano ang mga ari nila...

after that, saka kayo mag-decide kung dapat nga bang gawing bayani yang lintik na yan...

babrasuhin ba nila ang mga mamamayan na tutol sa mga Marcos para lang masunod ang mga gusto nila...?
feeling , kayo ang dapat ginagawang Squad Goal eh - mga taga-labag ng batas at taga-sira ng kasaysayan...

No comments:

Post a Comment