Friday, May 6, 2016

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - First Week of May 2016 (That Dangerous Feeling)

April 30, 2016...

[V-League]

kaya pala out for the Season si Morente..
academic problems...

abala talaga yang academics sa sports eh... XD
feeling , akala ko naman injury...

wala na 'to..
hindi maganda ang Championship Game ng Season 78..
hanggang 2nd Set lang maayos... :(

maganda talaga yung conversion ni Tan from Setter to Libero..
nakakatuwa naman yung farewell Attack, Block, at Service Ace ni Tajima..
si Gequillana, walang masyadong contribution..
si Maraguinot, ang daming error..
si De Leon, mas may speed talaga siya kumpara kay Tajima, pero sobra ang angas..
kaso - ang daming error ng ADMU..
may pagka-sacrificial ang mga substitution..
worst thing na nangyari sa kanila eh na-check ng depensa si Valdez...


maganda ang laro ngayon ng DLSU (except sa 1st Set)..
tapos nag-Spiker-mode pa si Fajardo..
si Dy, sobrang laki talagang factor na ginawa siyang key player...
feeling , no more history...
 next Season..
mukhang DLSU pa rin ang pinakamalakas sa kabila ng mga mawawalang players, this is considering na maglalaro pa nga next Season si Fajardo..
si Macandili siyempre ang isa sa pinakalamang nila kumpara sa iba..
UP siguro ang next na pinakamalakas, kahit na wala pang desisyon si Tiamzon...

deserving talaga si DY para sa Finals MVP..
siguro kung nabigyan na siya ng game time mula Season 76, baka walang history ngayon ang AMDU Lady Eagles...

this Season lumabas yung pagkakaiba nina Fajardo at Morado, Spiker si Fajardo (at hindi lang basta Spiker, malakas din siya)..
3rd Year na si Morado, with 2 Championship Titles..
sana lang may makilala pa siyang malalakas na players in the future...

pero mas nag-aalala ako ngayon kay Coach Bundit..
totoo kaya na aalisin na siya ng ADMU dahil hindi nila nakuha ang Championhship this Season...? :(
feeling , sa ibang generation na ulit aasa ang ADMU para sa 3-peat...
>
there is only one way to change this script..
there is only one thing that could twist the plot...

i've been here for 10,000 plus days...
feeling , i've got 8 months left...
---o0o---


May 1, 2016...

seems like a 17th retirement..
at sa mismong pagpasok pa ng 17th month... :(
feeling , okay lang, basta ba hindi ko target...
---o0o---


May 2, 2016...

noong mga oras na kasama kita..
noong mga panahon na hawak-hawak ko ang kamay mo..
noong ikinukuwento ko sa'yo kung gaano naghihirap ang damdamin ko..
noong mga oras na ini-encourage mo ako na ipagtapat ko yung nararamdaman ko sa babaeng nagugustuhan ko...

buong buhay ko, noon lang yata ako naging ganoong katapang pagdating sa pag-ibig...

nasa mismong harapan na kita, pero pinili kong hindi ipagtapat sa'yo ang bagay na yun..
hindi lang dahil sa hindi pa kita nai-evaluate nang husto..
pero dahil alam ko sa sarili ko na wala pa talaga akong kakayahan na ilapit sa'yo ang sarili ko at panindigan lahat ng gusto kong sabihin sa'yo...
feeling , dahil sa kagustuhan ko na hindi maging isang ordinaryong tao, napalampas ko tuloy yung pagkakataon na makakilala ng isang perpektong babae...
>
[Gadget-Related]

modular smartphone..
hindi original concept..
pero nice move sa LG para i-release yung idea sa mismong market...
feeling , konti pa, pira-pirasuhin nyo pa yang mga telepono na yan...
>
noon, hindi ko kailanman naisip na posible akong magkagusto sa isang babae na hindi na single..
at lalo naman sa isang babaeng naikasal na..
siguro dahil iniisip ko na lugi naman ako dun, since bachelor ako..
at akala ko kasi talaga na wala akong magugustuhan na ganun...

kaya naman hindi ko talaga napaghandaan yung feeling noong nalagay na ako mismo sa ganoong sitwasyon..
grabe yung change ng perspective..
kung sa single na babae pwede yung ligawan muna tapos saka na magplano ng kasunod na gagawin kung sakaling palarin na magkatuluyan kayo..
sa isang nanay, hindi pwede yung ganun..
dapat stable ka na kaagad..
kasi simula pa lang kailangan mo na ring i-consider lahat ng meron na siya..
anak, at bukod pa yung pamilya na sinusuportahan niya..
kailangan habang manliligaw ka pa lamang eh marunong ka ng maging provider..
siyempre, kasi kapag palarin ka na maging kayo na nga - eh magiging pamilya mo na ang pamilya niya...

at in case na ma-basted ka..
eh at least ready ka na kaagad sa next prospect na darating sa buhay mo since very stable ka na nga...
feeling , i've known you for 11 hours and 51 minutes...
---o0o---


May 7, 2016...

kung anuman ang mangyari..
basta huwag lang kayong hahadlang sa tulay na susubukan kong itayo...
feeling , so much in so little time...

No comments:

Post a Comment