Friday, January 15, 2016

K-ture: The Producers

si IU as Cindy sa The Producers..
ang bagong Korean TV series na libangan ko tuwing hapon, sa GMA 7..
nakakatuwa kasi yung role ni Cindy dito sa istorya na 'to..
isang OC pagdating sa mga gamit, na celebrity, na napaka-inosente pagdating sa pag-ibig..
may pagka-kontrabida yung role niya, pero cute siya sa ganung background ng character niya...

nagka-gusto siya dito sa producer na kasama niya sa picture sa itaas, si Christian Baek..
parang first time niya kasi na ma-expose sa isang lalaki na gaya ni Christian..
kaso, ito namang lalaking ito ay may gusto sa ibang babae..
magandang babae yung nagugustuhan niya noong una, kaso nawalan siya ng pag-asa sa isang yun dahil may boyfriend na yun noon..
tapos ngayon eh nagkakagusto na siya sa isang senior producer...

basta 4 silang bida sa kuwento na 'to... :)


No comments:

Post a Comment