bad hair day...
for some reason eh nagkagulu-gulo yung balahibo ni Yellow-Albino sa mukha niya, mostly sa right side..
pero hindi ko na nalaman pa yung rason kung paano yun nangyari - kung napalublob ba yung mukha niya sa tubig, o kung tinuka ba siya ni Yellow-Boy..?
pero sa ngayon naman eh okay pa siya...
---o0o---
May 26, 2014...
napansin kong malimit nang nasa ibaba ng kulungan si Yellow-Boy..
hindi nagkikikilos, at are - anlaki ng bukas ng mga mata na parang hindi mapakali...
napansin ko na rin noon na parang mamula-mula yung puwitan niya..
minsan, may mga sumasabit ditong ipot na parang hirap siyang ilabas..
sa mga oras na kinunan ko 'tong picture na 'to sa itaas eh parang wala na siyang lakas at unti-unti nang namamatay...
May 27, 2014..
Death of Yellow-Boy...
nagising na nga lang ulit ako noong araw na 'to na isa na siyang malamig na bangkay..
again, wala na akong nagawa para sa mga alaga ko..
naubos na yung mga original kong budgies na galing sa 1st batch..
at heto, dalawa na rin yung namamatay sa 2nd batch ko, na tumagal lang ang mga buhay nang mahigit sa 1 taon..
mga kawawang ibon na nadadamay lang sa mga kamalasan ko sa buhay..
parang kung paano lang pineste noon ang Ehipto... T,T
sa picture naman na 'to..
si Yellow-Albino, lapit nang lapit kay Yellow-Boy, kahit noong buhay pa ito..
ewan ko kung anong nasa isip niya, kung kino-comfort niya ba yung naghihingalong ibon o ano..?
anyway, i just hope na hindi naman siya mahawa sa kung anuman yung ikinamatay ni Yellow-Boy...
at yung Facebook post ko noong araw na iyon:
another dead bird..
kinuha na rin sa akin ng madilim kong kapalaran si Yellow-Boy..
sino ba talaga ang gumagawa sa akin nito..?
yun bang mga nasa itaas daw, o yun bang mga nasa ibaba..?
hindi ko na alam kung anong iisipin ko tungkol sa sarili ko neto..
7 ibon na yung napupunta sa poder ko..
at 4 na dun ang nadadamay sa kamalasan ko sa buhay..
2 dun ang nagmula lang sa batch 2, at tumagal lang sila sa akin ng mahigit sa 1 taon..
siguro Ehipsyo o Palestino ako sa nakaraang buhay ko, kung kaya't galit na galit sa akin ang mga panginoon...
tama na!
ako na lang yung kunin ninyo!
huwag niyo nang idamay sa mga kaparusahan ko yung mga ibon!
inosente sila..
at di hamak na mas may kabuluhan kesa sa akin yung mga buhay nila..
pagod na ako sa pagmamanipula niyo sa buhay ko..
magiging masaya ba talaga kayo na makita akong mag-suicide!?
sobrang salbahe ninyo pagdating sa akin..
grabe kayo sa akin...
— feeling , certified MALAS na Potassium...
---o0o---
at ang medyo good news..
malimit nang pumasok ng pugad lately si Yellow-Brown..
noon, kahit pinapasok na rin niya yung mas bagong pugad, eh parang ayaw niyang magtitigil sa loob nito..
kaya naman noong namatay na si Yellow-Boy at pinagsama-sama ko na ulit yung mga ibon, eh mas pinili na niyang lagian yung customized na lumang pugad na pinugaran na noon ni White..
so i guess that means na babae nga siya..(??)
i just hope na makapag-breed na ako this time..
para naman mag-iba-iba na yung tingin ko sa isinumpang buhay ko na 'to...
No comments:
Post a Comment