Friday, June 20, 2014

A Laptop Sideline - Third Week of June 2014 (Still Here)

'Still Here'..
as in andito pa rin siya..
June na pero wala pa ring trabaho..
ay sus!
pagsabulok... X|


June 15, 2014...

nanakawan na naman ako ng gamit..
at siyempre yung isang 'yun' ang may gawa..
mabuti pa talaga yung ibang tao - wala ng mga tatay..
yung iba naman, kahit mga pasaway eh mabubuti naman ang mga ama nila sa kanila..
hindi katulad ko, respeto na nga lang sa gamit ng may gamit - hindi pa maibigay... T,T
yung pakiramdam na ikaw na nga yung nagawan niya ng mali..
pero ikaw pa yung bubulyawan at mumurahin niya nang sobra-sobra..
sinabi ko lang naman sa kanya kung anong ginawa niyang mali para hindi na niya maulit eh...
  
feeling , yung pakiramdam na sinusubukan mong kumapit sa liwanag ng kabutihan, pero may mga diyablo sa paligid na pinipilit kang tumawid sa dark side at pinipilit buksan yung seal nung kasamaan sa loob mo...

---o0o---


June 17, 2014...

mukhang may pinagdaraanan na naman yung Babaeng Peke ang Kilay..
halos kagaya rin noong mga sitwasyon noon..
pakiramdam niya na walang nagpapahalaga sa kanya...

---o0o---


June 19, 2014...

mga pasado 5:00 PM na noon..
pinapalakad ko yung baby sa may kalsada sa tapat namin..
saktong dating naman nung kotse nila..
antanga ko nga eh, hindi ko kaagad na-realize na yun pala yung kotse nila..
akala ko eh may nag-park lang doon sa linya namin ng kalye, kaya ayun medyo napatingin ako sa kanila..
hindi ko na pinansin kung sino man iyong nagbukas ng gate nila noon, pero siguro siya yun...

tapos noong araw rin na yun, eh sinilip ko na ulit siya..
nagpunta kasi siya doon sa malapit na tindahan eh..
at napansin ko na nakabagong terno siya ng dress..
at saka ko pa naalala na Thursday-Samba Day nga pala noon..
dark blue to black na tee-shirt-like blouse na may round neck, skirt, at black flats o pumps yata..
tapos naka-low ponytail yung de-kolor niyang buhok..
talaga ngang mapanlinlang yung kutis niya..
iisipin mong maganda siyang babae..
pero kapag nasuri mo na siya nang harapan, saka mo lang mapapansin kung anong mga mali sa kanya...

---o0o---


June 20, 2014...

hindi ako sigurado sa entry na 'to..
pero i believe sa direksyon nila 'to nanggaling...

mga pasado 7:00 AM na noon..
parang narinig ko yung Stepmom niya na nagsabing, "..masyado pang bata si [Second Name nung Babaeng Peke ang Kilay] ..."..
naisip ko tuloy na may kabarkada nga yung Tatay niya na may gusto sa kanya, o di kaya eh balak itong ipagkasundo o ipakasal sa sarili niyang anak na lalaki para lang ma-preserba ang lahi nilang mga Iglesia..
o baka habol rin yung pera nila...

---o0o---


June 21, 2014...

sa ngayon, hindi ko na siya hinahangad..
pero yung natural na pagkakagusto ko sa mga detalye at facts eh pinapanatili akong curious tungkol sa katotohanan...

nagagawa ko na siyang hindi pansinin..
halos ituring ko na nga siya na hindi nag-e-exist sa tuwing nagkakataon na parehas kaming dadaan o nasa may labas ng kalye eh..
ayoko nang manatiling nakakarumi sa paningin niya...

yung totoo..
may mga kopya pa rin ako ng photos niya..
yung iba naka-private mode lang..
yung iba naman eh nasa back up storage..
meron pa rin akong pictures niya sa cellphone ko, though hindi ko na ginagamit ang mga iyon bilang wallpaper, at hindi ko na rin tinitingnan..
sa tablet ko naman eh binura ko na lahat ng pictures niya...

yung notes naman..
meron pa rin akong hard copy..
hindi ko kasi mapakawalan pa yung mga data na nakolekta ko..
pero binura ko na lahat ng reminders sa phone ko: yung tungkol sa heels, at pati sa date..
pero naka-save yung birthdate niya..
wala na akong magagawa sa bagay na yun, eh sa naging parte na siya ng buhay ko eh - hindi ko lang inakala na magiging masama pala siyang bahagi...

hindi ko alam kung anong mangyayari kapag dumating pa yung time na malalaman ko na yung totoo..
i mean, kung magagalit pa ba ulit ako nang sobra-sobra doon sa Babaeng Peke ang Kilay na peke rin ang ugali o hindi na..
pero yun lang talaga yung makapagbibigay ng 'tuldok' doon sa mga katanungan na nakolekta ko sa napakasaklap na maling desisyon na love story ko na 'to...


No comments:

Post a Comment