kinabahan ako dun ah..
mga bandang 7:00 PM na noon..
may bumili ng yelo sa amin..
at nagulat ako nung maaninagan ko sa screen na naka-dress yung babaeng bumibili..
naka-short sleeve blouse siya at skirt..
natakot tuloy ako na baka kumapal na yung mukha nung Babaeng Peke Ang Kilay na makipag-ice encounter na ulit sa akin..
tapos nagkataon pa na may silver na kotse na naghihintay sa may tapat, malapit doon sa tindahan..
pero noon namang sinilip ko na siya nang husto doon sa may pintuan, eh hindi pala siya yung inaakala ko..
mukhang siya yung maputing dalagita na kakilala nung anak nung mananahi sa amin..
cute rin yun eh..
skinny lang, at mukhang medyo boyish kung kumilos...
---o0o---
June 23, 2014...
before 4:28 PM noon..
nasa may kalye kami nung baby nang kunin ito sa akin nung demonyo niyang lolo..
at habang ibinibigay ko na ito sa kanya, eh bigla namang may pumarada na tricycle sa malapit sa amin..
dahil sa reflex, eh napatingin tuloy kami sa direksyon nito..
unfortunately, yung Babaeng Peke Ang Kilay pala yung bumaba mula doon sa tricycle na yun..
parang nagpigil pa nga yata siya nang pagngiti dahil nakita niya akong tumingin sa kanya eh..
yung parang itiniklop papaloob yung mga labi at bahagyang kinagat para mapigilan yung paglabas ng ngiti..
nakakaasar tuloy...
---o0o---
June 24, 2014...
i still hate it whenever i see her..
and whenever she sees me..
sobrang nakakabigat kasi yung pakiramdam..
na para bang tinutulungan ko pa siyang itaas ang ihi niya..
ang ihi nung Category B na yun na dinaan lang naman ang lahat sa kaputian at konting laki ng boobs..
parang parati ko siyang binibigyan ng dahilan para magmataas..
na kesyo ako yung lalaking pinaikot-ikot niya lang sa mga salita niya..
na basura niya lang ako - at wala ng ibang babae na gugustuhin pang mag-recycle sa akin..
kelan ka ba kasi mawawala sa lugar na 'to? o di kaya dito sa mundo...?
— feeling , ang disadvantage kapag na-basted ka sa lugar lang ninyo...
---o0o---
June 25, 2014...
before 5:00 PM..
as usual pinapalakad ko yung baby sa may kalye..
it has been a routine sa tuwing maganda ang araw, kasi gusto kong matutong maglakad yung bata bago pa siya umabot ng 1 year old..
at ito namang Babaeng Peke Ang Kilay eh mukhang lumabas ng mismong bahay nila, at malakas ang boses over the phone..
i'm not sure, pero mukhang siya rin yung lumabas noon para bumili sa malapit na tindahan..
dedma na lang..
basta hindi ko na tinitingnan kung sinong nalabas sa poder nila sa tuwing tumutunog yung gate nila eh..
inaalala ko kasi na baka mas tumaas pa ang ihi nung babaeng yun kapag naisip niya na tinitingnan ko pa siya...
---o0o---
June 26, 2014...
by morning, mukhang naiwan siyang mag-isa sa bahay nila..
by past 9:00 AM naman, mukhang may guy visitor na kusang pumasok sa kanilang gate..
sabay na umalis yung dalawa by past 12:00 NN..
pero mukhang yung biological brother lang pala niya yung lalaking yun..
akala ko kasi Luckiest Guy on Earth na eh...
---o0o---
June 27, 2014...
nakita ko na ulit si Bella by past 10:00 AM..
pero hindi ko pa rin nakuha yung pangalan at number niya, kasi nakasilip naman sa may screen yung biological demon brother ko..
at naisip ko lang..
medyo weird yung itsura nung boobs niya..
hindi kasi katulad ng sa karamihan ng mga babae na nai-stretch yung damit sa bandang gitna eh..
yung kanya eh may hubog naman, kaso magkahiwalay yung paka-umbok - hindi yung tipong nagdidikit sa gitna..
wala lang..
napansin ko lang...
yung yaya naman o kasambahay doon sa bahay na mahilig magpakawala ng aso sa tuwing oras ng pag-pupu..
bale mukhang nagpa-straight na siya ng buhok..
may itsura rin yun..
hindi naman kaputian..
tas puntong probinsiyana pa..
makulit din yung dalawang yun nung kasama niya parating babae eh...
before 11:00 NN..
mukhang bumili siya doon sa malapit na tindahan habang naglalaro kami nung baby sa gate nung inuupahan nilang bahay..
wala talagang respeto eh..
dapat hindi na lang siya lumalabas ng bahay nila sa mga pagkakataon na nasa labas rin ako...
---o0o---
sa dami na ng masasamang nangyari sa buhay ko, eh naging pessimistic na ako..
at dahil sa pinakahuli kong kabiguan eh hindi ko maiwasan na isipin na pinagtatawanan na lang ako nung Babaeng Peke Ang Kilay na yun - lalo na sa tuwing nakikita niya ako..
kung may ikinakatakot man ako sa pananatili namin parehas sa iisang lugar lang..
yun eh hindi dahil sa baka magkagusto na naman ako sa kanya..
pero dahil pakiramdam ko nga na isang kakatawanan na lang para sa kanya ang pagkatao ko sa tuwing nakikita niya ako..
na kesyo isa ako sa mga naging basura niya..
na ako yung lalaking madali lang niyang napaikot sa mga salita niya...
mas madaling maka-recover mula sa simpleng kabiguan lang ng puso..
pero ibang usapan na kapag may panggagago nang naganap..
yung umabot ka sa puntong willing kang ibigay yung lagpas pa sa 100% mo just to take that chance..
tapos lokohan lang pala ang lahat..
magkaibang bagay yung nadurog lang yung puso mo mula sa pagka-basted, kumpara sa nasira yung tiwalang ibinibigay mo sa ibang tao - na hindi mo na alam kung paano at kanino ka pa ulit magtitiwala...
ano..?
ganito na lang ba ang buhay..?
patingin-tingin na lang sa mga kababaihan..
pero takot namang makakilalang muli nung katipo nung Babaeng Peke Ang Kilay...
No comments:
Post a Comment