Saturday, September 15, 2018

The M.A.D. Zombies' Talk Show

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...


hindi naman masama na mamuhi laban sa kasamaan..
lalo na kung hindi pa naman nabibigyan ng totoong hustisya yung mga naging pag-abuso at pagnanakaw..
kung naparusahan na sila nang tama at patas, edi saka mo subukan na mag-move on...

pero malaking katangahan ang parati na lang na pagpapatawad sa masasamang tao at gawain..
pinatunayan na ng maruming history na wala naman talagang mabuting mapapala sa basta-basta na lang pagpapatawad..
dahil yun ang rason kung bakit may mga tao na umaabuso..
kasi alam nila na mas malaki pa di hamak yung napapala nila, kumpara naman sa nagiging parusa laban sa kanila..
yun ngang iba eh pera-pera lang ang palitan at malaya na kaagad..
meron namang iba na konting arte lang, konting costume, at parang malaya na rin...

citizen ako ng bayan..
pero wala naman talaga akong pakialam sa citizenship..
mas gusto kong ituring na pantay-pantay ang lahat ng mga namumuhay nang patas..
Pro- ako sa kung anuman ang patas at makatuwiran..
at Anti- naman ako sa lahat ng kuwestiyonable, mapagsamantala, at masama...

kagaya na lang ng istorya ng isang handler..
naimbitahan sila minsan ng isang makapangyarihan na angkan mula sa probinsiya kung saan binabalasa lahat ng mga empleyado na lumalaban sa katiwalian..
wala lang, luho lang nila na makakita ng hubad na katawan ng mga babae (models) sa kanilang private event..
wala sa deal ang torjack-an..
pero dahil malaki naman daw ang bayad, eh hinayaan na rin nung mga modelo na torjack-in sila nung anak nung makapangyarihan..
at sa tingin ng mga tao na nagagamit pa rin sa tama ang gatas na nanggagaling sa mga mamamayan...??

-----o0o-----


lumampas na sa 500 ang bilang eh, kaya mag-i-start na lang ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html

update ulit (503 + 32 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..

una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung nagluklok ng tao sa isang mahalagang branch, sa kabila ng kawalan ng kakayahan ng tao na iyon na sumunod sa sarili nilang mga patakaran
  • yung nagtuturo ng iba, maging yung hindi nila maidawit dun sa kaso, habang ipinagtatanggol naman yung ibang nalusutan DAW ng supply ng ilegal na droga
  • yung idolo noon si Hitler, pero noong nagpunta sa Israel eh ginamit pa yung alaala ng Holocaust para magkunwari na mabuti sila
  • yung inuna pa ang mga armas kesa sa isipin ang tungkol sa isyu ng kahirapan sa bayan
  • yung gustong bawiin yung amnesty na ibinigay noon sa isang taong lumaban sa tiwaling gobyerno, na ang sinisilip na butas ay yung pinagdaanan na proseso

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan:
  • sa Balete, Batangas, yung dating Konsehal ng bayan ng Balete na nahulihan ng hindi lisensyadong baril
  • sa Mabini, Batangas, yung Barangay Chairman na inaresto dahil sa pagtatago ng hindi lisensyadong M16 at mga bala
  • yung dating kaso sa Cebu, yung lumabas sa imbestigasyon ng NBI na baril nga ng pulis yung nakatama dun sa bata na nadamay lang sa anti-illegal drugs operation
  • sa Pangasinan, yung 17 y/o na binatilyo na player ng DOTA na sasali lang daw sa tournament sa Baguio na napatay DAW ng mga pulis sa engkwentro
  • sa Quezon City, yung may 3 nahuli mula doon sa grupo na responsable daw sa serye ng mga panghoholdap sa mga e-games at bingo establishments, isa sa mga nahuli ay kasalukuyang Barangay Kagawad ng Maynila, tapos ay dating pulis daw ang leader nung grupo
  • sa Tagaytay City, yung 5 naaresto dahil sa pagbebenta ng ekta-ektaryang lupa na may mga pekeng titulo, na ang lider ay dating empleyado ng DENR
  • yung airport security screener, yung hinalungkat ang bag at pinagnakawan ang isang pasaherong Taiwanese

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
  • (none as of the moment)

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung mga batas na pro-pets and pro-pet owners na mga asal peste naman
  • yung paglaganap ng mga batang palaboy na lantarang umaatake ng mga pasahero sa mga pampublikong jeepney
  • yung 2 MMDA Enforcer na magkaangkas sa motor na nasita ng ordinaryong motorista, yung blinker ang ginagamit na ilaw at hindi pa nakasuot ng tamang helmet
  • yung gustong sirain ng Bureau of Customs yung nasa Php 12,000,000 worth daw ng smuggled na mga sibuyas na nasabat nila sa halip na mapakinabangan ng mga mamamayan
  • yung may shortage na rin daw sa supply ng siling labuyo
  • yung reklamo na ipinarating sa Ombudsman, yung ipinambayad pala ng NFA sa utang yung pondo na nakalaan para sa pagbili ng bigas mula sa mga lokal na magsasaka
  • yung kagustuhan ng SSS na damay-damay ang mga miyembro sa pagsalo ng mga magiging dagdag na gastusin dulot ng pagpapalawig sa Maternity Leave and Benefits
  • yung dagsa kaagad sa Senado yung mga tuta at bobong mga pulis na sabik na mang-aresto ng Senador kahit na wala namang warrant
  • yung applicable yung seniority rule kahit na para sa mga taong gumagawa ng mali at hindi patas
  • yung inamin ng pinuno na ang Solicitor General ang trumabaho sa kaso ng Senador na dating nasangkot sa mutiny, pero iisang tao lang ang kanilang pinuntirya
  • yung hindi naman hinahabol ng Solicitor General yung mga sundalo at miyembro ng Philippine Constabulary na umabuso sa panahon ng Martial Law
  • yung premature campaigning na gumagamit ng term na "gusto namin ang boses mo sa ....."
  • yung may kalayaan si Kape na mag-post sa kanyang fake blog kahit na during office hours

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung mga taong ang kakapal ng mukha na magsabi ng "i feel you" patungkol sa krisis na hinaharap ngayon ng bayan, pero patuloy naman ang pagsuporta sa mga palpak at tiwaling mga pinuno
  • yung gustong gawin na Php 10 ang minimum na pamasahe sa jeep, at hindi na pasok dito yung kapritsosong modernization plan
  • sa Caloocan, yung tila tino-tolerate na ng maraming tao ang patayan, at talagang may mga tao pa na nagchi-cheer para mangyari ito
  • yung tila statistical defense na ginagamit ng ibang mga tao para bigyan ng katuwiran ang nangyayari ngayon sa ekonomiya ng bayan, sa kabila nang presensya ng mga totoong ebidensya
  • yung pinakamataas daw ang bilang ng mga insidente ng rape sa Safest City
  • yung pagiging balimbing ni MRT Man, na kaalyado na ngayon ng kaalyado ng mga dating magnanakaw at abusado sa katungkulan
  • yung may mga artista na gumagamit ng pangalan nila para sa demolisyon, para sa kapakanan ng kaalyado nila sa pulitika
-----o0o-----


September 8, 2018...

[Natural Calamities]

yung nasa Magnitude 6.4 na lindol sa Mindanao..
malapit sa may Davao Oriental ang origin...

isakto nyo na nandun siya...

is feeling , nagpaparamdam na ang katarungan...


>
yung inamin na ng Hokage na Mahilig..
yung Solicitor Assassin nga ang tumatrabaho na rin ngayon kay Oakwood Man..
kaya pala parehas nga ng ginawang assassination method sa J Branch, tinira ang dinaanang proseso sa nakaraan...

so ayun nga ang kasalanan ni Oakwood Man..
ang paimbestigahan ang pakikinabang ng kompanya nung pamilya ng Solicitor Assassin sa pera ng bayan... :(

o' ayan Patilya..
tingnan mo kung anong klase ang mga kakampi ng kakampi mo..
mga walang delikadesa ang kompanya na pilit nakikipag-deal sa pamunuan para makinabang sa pera ng bayan..
mga taong lumobo na nang lumobo ang kinikita habang nasa katungkulan..
ganyan ba sa tingin mo ang totoong makakatulong sa mga mamamayan...??

is feeling , attack of the crony...

---o0o---


September 10, 2018...

ang hindi kasi naiintindihan nung iba, eh hindi lang naman basta numero yung inflation rate..
hindi ako expert pagdating sa economics..
pero i highly doubt na yung numero ng inflation eh nakabase dun sa panahon kung kailan ang Php 1.00 ay katumbas pa ng USD 1.00, o noong panahon kung kailan kaya pang makabili ng Php 1.00 ng isang sako ng bigas, o kahit noong panahon na ang USD 1.00 ay katumbas na ng Php 25.00...

is feeling , ni hindi na kailangan ng Math dahil mas mararamdaman talaga ang negatibong epekto ng inflation rate kapag sadyang mahirap na ang buhay...


>
bakit ganun..?
may nagbago dun sa public network ko..
medyo matagal na ring ganun...

wala nang masyadong vocal sa pagsuporta nila:
  • wala yung mga tipong "thank you idol sa pagpapalaya at hindi ninyo paghahabol sa grupo nina Cosplayer"
  • wala yung mga tipong "thank you idol sa pagpapalaki ninyo sa kita ng kompanya at sahod ng Solicitor Assassin"
  • wala yung mga tipong "good job idol sa pagka-canvass ng mga armas mula sa ibang mga bansa"
  • wala yung mga tipong "good job idol sa pagpo-focus sa pagpapatalsik kay Oakwood Man nang hindi damay yung ibang involved habang naghihirap ang bayan"

bukod dun, wala na ring masyadong kumakalat na mga edited photos with evil captions...

is feeling , nasaan na ang energy ninyong mga pahamak kayo...?


>
thank you, PISTON..
ganitong klase ng mga transport group ang dapat tinutularan...

ang panukala nila..?
alisin muna ang VAT sa petroleum products..
at alisin rin muna ang related excise tax na dulot ng train...

hindi katulad nung mga tutang transport group na kasabwat sa pagpapahirap sa mga mamamayan..
na kesyo gusto na parating ipapasan lang sa mga mananakay ang lahat ng kailangan nilang dagdag kita...

pero anong palusot ng mga tao ng pamunuan..?
kesyo hindi na masusuportahan yung mga beneficiaries ng 4Ps..?
eh puta, may report na nga na maraming hindi kini-claim na ganun eh..
isa pa, kesyo mawawala daw ang Pantawid Pasada..?
eh mga siraulo pala sila, kasi sila nga itong mas nagpapalobo ng gastos sa paggamit ng petrolyo...

is feeling , laban lang po.. mamamatay rin lahat ng mga yan...

---o0o---


September 11, 2018...

yung may bago ng modelo ng tarpaulin..
yung kesyo gusto daw ang boses ng kung sino sa Senado...?

pero dahil walang pangil ang batas..
siyempre pipilosopohin na naman nila yun..
na kesyo hindi bawal basta't walang mga salitang 'iboto' or 'vote'..
na kesyo supporter naman nila ang nagpagawa ng mga yun at hindi sila mismo... :(

is feeling , motorcycle ads-mode...


>
yung gustong idamay ng SSS ang halos lahat sa isyu patungkol sa Maternity Leave...

putang ina!
unfair naman yun..
mga kaya lang magbuntis ang makikinabang, pero halos lahat ng members eh papasanin yung gatasan...?

hindi pa ba sapat yung pahabain yung leave..?
bakit pati benefits eh palolobohin..?
edi i-track nila kung sinu-sino lang ang makikinabang sa buntisan, tapos eh sila lang ang pagdagdagin ng kontribusyon o singilin ng dagdag na charge kapag nakabalik na sila mula sa leave..
o di kaya eh kung magkano man yung benefits sa kasalukuyan, edi yun ang i-divide sa duration ng leave...

at huwag ninyong isusumbat sa iba na mahirap magbuntis..
desisyon na ng mga tao kung magbubuntisan sila o ano..
kaya dapat harapin nila ang consequence(s) nun..
hindi yung damay ang lahat sa gagatasan para sa kapakinabangan ng pamilya nila...

kita sa mga investment at mga pautang ang dapat na ginagamit na dagdag pondo, hindi yung kontribusyon rin ang palolobohin... :(

is feeling , the best system...


>
tutal magaling naman palang mag-review ng mga dating kaso yung Solicitor Assassin..
iimbestigahan rin kaya niya lahat ng mga umabusong sundalo at miyembro ng Philippine Constabulary noong panahon ng Dictator's Law..?
para sa kapakanan ng lahat ng mga nawawala pa, ng lahat ng mga pinatay, ng lahat ng mga t-in-orture, ng lahat ng mga ginahasa, at ang iba pang mga kaso ng pang-aabuso ng uri nila...

tutal eh hindi pa naman napaparusahan nang tama yung mga yun..
at siguradong may mga buhay pa sa mga hinayupak na yun...

is feeling , kaso sa pagmamadali nila eh nahalata tuloy na may pinag-iinitan lang sila...


>
ano ba yung ginagawa nung iba..?
statistical defense..?
para sa ano, sa ngalan ng pagiging Panatikong Zombie..?
parang tanga lang na kung anu-anong figures pa ang tinitingnan nila... :(

samantalang nakalatag na lahat ng facts:
  • rate of taxation combos
  • mismanagement ng supply ng basic needs
  • importation para sa maluluhong projects na ni hindi nga well-distributed
  • corruption

is feeling , i-try ninyong isisi ang mga yan sa ibang mga nasyon...


>
M.A.D. Zombies...

Dictator Clan and cronies..
Cosplayer Clan and cronies..
Hokage na Mahilig's Clan and cronies..
plus lahat ng Zombie na sunud-sunuran sa mga angkan nila...

okay lang na magkamali ng mga taong pagkakatiwalaan..
normal lang yun lalo na't hindi mo naman personal na kakilala yung mga taong susuportahan mo..
kasi nga sa simula eh hindi mo naman alam yung mga baho nila...

pero yung magpapatuloy ka nang pananampalataya sa mga taong may record na..
at kahit na nakikita mo na yung mga maling gawain nila..
yung wala kang pakialam sa iba basta't matupad mo lang yung pagiging panatiko mo... :(

is feeling , kayo ang naglagay sa kanila diyan.. kayo rin ang gumawa ng paraan para mawala sila o ang mga maling gawain nila...


>
in case na wala pang nakakapuna dun sa totoong numero..
16 Million plus lang..
at 25 Million plus ang nadamay...

is feeling , damn...


>
so kasalanan ng angkan nina Oakwood Man ang lahat ng nangyayari ngayon sa bayan...?

bale nagnanakaw ngayon ang mga kaalyado ng Hokage na Mahilig bilang pagtulad sa sinasabi niyang pakikinabang DAW noon ng mga magulang ni Oakwood Man sa sistema...?

pero nasaan ang mga katulad na istorya tungkol sa Dictator Clan at sa Cosplayer Clan...??

PS: halatang-halata pa rin na pili ang inaatake nila..
dahil hindi naman iisang tao lamang ang nakinabang sa amnesty...

mukhang inaatake nila ngayon si Oakwood Man dahil sa koneksyon nito sa sandatahan..
parang siya ang balak nilang gamitin sa palabas nila na kesyo merong mang-aagaw ng kapangyarihan nila...
sa punto na 'to hindi imposible na magkaroon ng panibagong staged assassination o attack..
kapag nagkataon siguradong gagamitin nila yun para mas panghawakan ang kapangyarihan para sa gusto nilang maging tagapagmana nun...

is feeling , so kapag may mali pala - eh dapat ay tutularan sa halip na itatama...?

---o0o---


September 12, 2018...

sinong maniniwala sa intelligence nyo kuno...?

eh yun ngang Marawi..
sa dami ng c-in-laim nilang intelligence report habang at matapos yung giyera..
eh ayun at pinabayaan nilang mapasok kapalit ng biyahe sa ibang nasyon... :(

is feeling , non-intelligence...


>
hindi ko kailangan ng mabilis na internet..
okay na yung 5 Mbps kung tutuusin..
kung ako lang mag-isa ang nagamit, okay na kahit yung 1 Mbps lang basta walang monthly na data cap...

ang importante eh mapababa yung monthly rate..
walang kuwenta yung 20 or more Mbps kung wala pang 2 Mbps yung average na paggamit..
kahit na maging Php 999 lang yung 5 Mbps, pwede na yun...

is feeling , pucha, huwag ninyong gagawin na 20 Mbps plan ang minimum, tapos eh abot ng Php 1,500 ang monthly bill...

---o0o---


September 13, 2018...

sa Mabini, Batangas..
yung Barangay Chairman na inaresto dahil sa pagtatago ng hindi lisensyadong baril..
M16 daw at mga bala yung nakuha mula dun sa suspek eh...

advance mag-isip...?

is feeling , eh gusto daw kasing armasan ng diyos-diyosan kasi...


>
sa Tagaytay City..
yung 5 naaresto dahil sa pagbebenta ng ekta-ektaryang lupa na may mga pekeng titulo..
nakapambiktima sila ng Japanese investor at kasosyo nitong Filipina..
at lider daw nung grupo ang isang dating empleyado ng DENR...

is feeling , pamunuan talaga ang isa sa mga training grounds...

---o0o---


September 14, 2018...

[Pets / Pests]

kawawa talaga kaming mga non-pet owners..
malamang yung mga kalokohan ng batas at ng mga animal welfare groups ang dahilan kung bakit kami inaabuso ng mga basurang pet owners..
dahil nga alam nila na protektado sila, at na nasusunod ang mga luho nila..
at note, hindi ko naman nilalahat...

pero sa lugar kasi namin..
numero unong problema yung mga pusang pinabayaan na..
ganun na yung sitwasyon sa amin simula noong magdikit-dikit na ang mga kabahayan..
eventually may mga namamatay naman na mga pusang gala, pero kasi name-maintain ng breeding season nila yung kanilang basurang populasyon..
mapa-bubong man o buhangin o lupa sa bakuran eh ginagawa nilang kubeta..
at paborito nila yung mga bakuran na may mga natural portion pa, unfortunately - kagaya ng sa amin..
at kung hindi pa pamilyar yung ibang tao sa amoy ng dumi ng pusa, eh pucha - malaking kabaliktaran yun kung gaano sila kalinis sa mismong mga katawan nila...

pero ang mas bastusan na problema..?
una ay yung mga walang kwentang pet owners, specially dog owners, na pinababayaan lang na nakakawala sa kalsada yung mga alaga nila..
mostly eh mga asong kalye, at ang delikado dun ay yung mga tipo na territorial, yung nanghahabol ng mga tao na napapadaan sa kalye nila..
regardless kasi kung may rabies man o wala, eh nakakatakot pa rin na maatake ng isang bayolenteng aso..
minsan eh na-experience ko na na mahabol ng isang asong may breed, isang German Shepherd, habang nag-i-skateboard ako...

ikalawa, yung mga nakakulong o nakakadena nga ang mga alaga, pero hindi naman nililinis nang husto..
masama yun kung ganun ang kapitbahay ninyo, tapos eh nasa kabilang side lang ng bakod yung mga mababaho nilang alaga..
kasi naman amoy na amoy yung mga dumi ng ganung klase ng hayop kapag isang bakod lang ang pagitan ninyo..
at nakakahiya yun sa lahat ng pumapasok sa inyong bakuran..
kasi wala nga kayong alaga, pero amoy kubeta din naman ng mga hayop ang lugar ninyo...

ikatlo, ang pinakamatindi..
yung mga dog owners na kabisado ang oras nang pagdumi ng mga alaga nila, may breed man o wala..
yung iba eh sinasadya na isama sa paglalakad nila yung mga aso, tapos wala silang pakialam kung tumae man yung mga alaga nila sa tapat ng ibang may bakuran..
malalaman mo naman yun kung paulit-ulit mong nakikita yung routine nung amo at aso eh..
at yung mas tuso, eh yung gabi o madaling araw pinakakawalan yung mga aso nila para pabayaan na tumae sa tapat ng ibang may bakuran..
for some reason eh talagang nagkukusa yung mga hayop na dumayo pa sa ibang lugar, basta't hindi sa tapat nila...

may dog o animal pound naman ang bayan..
kaso ang purpose nun eh para may masabi lang na meron ngang ganun..
ni hindi taunan kung maglibot ang mga yun para manghuli ng mga ligaw na hayop..
tapos kapag panahon na nga ng pag-aksyon nila eh parang joke lang...

mahirap ang sitwasyon namin..
kasi hindi namin pwedeng atakehin yung mga hayop, dahil protektado sila ng batas..
hindi rin naman namin pwedeng atakehin yung mga may-ari na tao, dahil protektado rin sila ng batas..
bukod pa yung takot na baka balikan lang kami kapag nagsumbong kami..
so parang tanga yung mga patakaran, kasi halos parang walang nagpoprotekta sa amin na mga biktima ng pang-aabuso ng mga walang kwentang pet owners...

tapos ang gusto nila eh pabayaan na lang yung mga ganung klase ng mga makalat na hayop...?? :(

is feeling , mamatay na lahat ng mga iresponsable sa hanay ninyo...


>
yung mga batang palaboy na umaatake ng mga pasahero ng mga pampublikong jeepney..
yung madalas na lantarang umaatake bilang grupo...

yung latest eh lolo na ang inatake at sinubukang agawan ng dalang bag...

putang ina..
biktima pa rin sila..?
kung naabuso man ang mga taong yun, dapat alam na nila ang pakiramdam ng masaktan o malamangan..
kaya dapat alam na nila na hindi nila dapat yun ginagawa sa iba..
pero dahil mga utak-kriminal sila, eh sinasadya nilang mang-abuso ng mga walang laban sa kanila...

putang ina, ibaba na sa 9 y/o ang classification ng menor de edad..
dapat sa mga basurang yun eh pinagpapapatay na lang...

is feeling , kaya nagkaka-leche-leche ang bayan eh.. puros kayo pagpapatawad.. walang totoong hustisya...


Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of September 2018 (Substitute Picture)

Loveless Story


September 10, 2018...

nakakita ako ng babaeng kahawig nung taong hinahanap ko..
pero may specific lang na anggulo na magkahawig sila...

mom na rin yung babae..
tsaka thick type siya...

kaya ayun..
yun na munang picture niya ang wallpaper ng phone ko... <3

is feeling , substitute muna...

---o0o---


September 12, 2018...

[Book]

Updated/Revised Casting Proposal (Incomplete):
• Empoy Marquez as me..
• Marian Rivera as Almeja
• Justine Battung as Jacqueline (yun pala yung public name niya)
• Bela Padilla as Anne
• Megu Fujiura as Emoji-Girl
• Ana Capri as Miss A (pinalitan para bigyan ng daan si Miss V)
• Jinri Park as Miss J
• Julia Barretto as Strawberry (aaminin ko na, yun talaga yung kawangis niya, but with less cheeks)
• Valentina Nappi as Miss C (dahil sa cleft chin)
• Ava Dalush as Miss Ab (dahil sa body type)
• Lucy Li as Miss D
• Coraleen Waddell as Miss Co (yung simple look ni Cora, tapos yung may kasamang ngiti)
• Abby Poblador as Miss H
• Kylie Page as Miss P (pero brunette)
• Anna Polina as Miss S (yung face, pero gawin mong Sensual Jane yung body)
• Maja Salvador as Miss V
• Juliana Palermo as Miss Al (ang totoo mas Isabella de Leon yung facial details niya, pero dahil bata ang tingin ko dun eh Juliana Palermo na lang)
• Julz Gotti as Love Burger (pero fair skin)
• Cristine Reyes as The Korean
• Connie Sison as YAM (yung fit version ni Connie Sison dati)
• Cassandra Calogera as Dime (yung matabang version, tapos gawin ding morena)

is feeling , revision.. may nakita lang ako na mas kahawig ulit...

---o0o---


September 15, 2019...

pero wala akong magagawa..
hangga't may bahagi ng sarili ko na umaasa na makikita ko pa siyang muli..
hindi ako pwedeng basta na lang sumuko..
kung yun lang yung paraan para makasigurado ako sa nararamdaman ko..
dahil alam ko na yun lang yung makapagbibigay ng tuldok sa istorya na iyon...

is feeling , tuldok...

-----o0o-----


[V-League]


PVL Season 2 - Collegiate Conference - Finals


September 9, 2018...

AdU versus UST

ang 7th 5-setter match ng conference..
3-2, panalo ang UST..
extended pa yung 5th Set hanggang 15-17..
malas lang ng Lady Falcons dahil mga error pa talaga ang tumapos sa laro nila..
si Alessandrini ang nagdala sa UST, 31 points with 24 attacks, 6 kill blocks, at 1 service ace..
bukod pa yung tulong niya sa depensa na naman na 13 digs at 11 excellent receptions..
Eya Laure with 21 points plus 15 digs..
para naman sa Adamson, Soyud with 22 points..
Dacoron and Permentilla both with 18 points...

at talagang nanganib pa nga na walang makuhang award ang Adamson...


FEU versus UP

live ang Finals - Game 1..
ang 8th 5-setter match ng conference..
at ang 6th 5-setter match na hinarap ng FEU..
3-2, panalo ang UP..
ang lakas ng comeback ng UP mula sa 2-0 na kalamangan ng FEU..
Molde with 16 points..
Rosier with 15 points, na may 13 attacks and 14 digs..
Buitre with 14 points, na may 13 attacks...

na-injure pa pala si Domingo noong 5th Set..
Guino-o with 17 points, from 11 attacks and 6 service aces..
Domingo with 16 points, from 9 attacks, 3 kill blocks, and 4 service aces..
Ebon with 14 points...

is feeling , UP, pagkakataon nyo na 'tong mag-champion.. at wala pa nito si Caloy...

---o0o---


September 12, 2018...

AdU versus UST

3-1, panalo ang Adamson..
4 sets lang..
at dahil umabot ng 5 sets ang Game 1 nila, at natapos naman kaagad ng UP ang laban nila sa Game 2, eh mas tumaas ang quotient ng Adamson para makuha ang 3rd Place...

Soyud with 14 points..
Flora with 12 points..
Dacoron with 11 points..
sa UST naman..
Alessandrini got 22 points, with 15 attacks, 6 kill blocks, and 1 service ace..
nakakalungkot lang na walang nakuhang award si Alessandrini..
Eya Laure naman with 10 points...

well, kahit papaano eh nakakuha na rin ng 3rd Place si Coach Padda...


FEU versus UP

ang 9th 5-setter match ng conference..
at ang 7th 5-setter match para sa team ng FEU..
pero 3-2, panalo ulit ang UP...

Molde with 22 points, purong galing lang sa atake..
Buitre and Layug with 12 points each..
Estranero with 28 excellent sets..
for FEU naman..
Ebon with 13 points..
Malabanan with 12 points..
and FEU with 40 big errors...

malaking bagay talaga na nawalan ang FEU ng Ace Player na Outside Spiker..
pero totoo rin nga, ito yung UP team na pinakagutom sa Championship..
dati napakadali nilang mawalan ng loob kapag naibababa sila ng mga katunggaling koponan, pero this time eh lumaban lang talaga sila nang lumaban gamit yung best nila..
good job para kay Coach Okumu, sa wakas napakita rin nila yung mga natutunan nila sa ibang bansa...


Awards

Molde (UP) - Finals & Conference MVP
Molde (UP) - 1st Best Outside Spiker
Flora (Adamson) - 2nd Best Outside Spiker
Domingo (FEU) - 1st Best Middle Blocker
Gannaban (UP) - 2nd Best Middle Blocker
Soyud (Adamson) - Best Opposite Spiker
Igao (Adamson) - Best (Rookie) Setter
Ponce (Adamson) - Best Libero

is feeling , congratulations, UP! sa wakas, nakakuha rin ng Championship.. kaya magpagaling na ang lahat ng injured, humanda na para sa panibagong digmaan sa UAAP...

---o0o---


PVL Season 2 - Open Conference


September 13, 2018...

parang lugi na naman ang Creamline..
nasa 2018 Asian Women's Volleyball Cup kasi sina Baldo, Morado, Galanza, Sato, at Gohing..
may labanan from September 16 to 23..
pero sa September 22 na daw ang simula ng Open Conference... :(

para sa lineup ng mga teams..
dahil NU na ang naglalaro para sa BaliPure, kagaya nang pag-atras at hindi pagdepensa ng NU sa title nila sa Collegiate Conference, eh hindi na rin daw dedepensahan ng BaliPure-NU ang title nila sa Open Conference..
pasok pa rin naman ang Pocari-Air Force, BanKo, Petro Gazz, Tacloban, at Iriga..
hindi rin nabanggit ang PayMaya (Smart Giga Hitters yung team nila sa PSL)..
pero sasali sa digmaan ang Adamson-Akari (makakalaban na nila si Galanza) at ang ADMU-Motolite...

is feeling , teka.. that means na mas maliit at mahinang National Team ang ihaharap nila sa AVC 2018...

-----o0o-----


September 10, 2018...

ano ba yan..?
ang bagal pala ng customer support ng Patreon..
sa halip na napapag-aralan ko na yung sistema eh... :(

yung PSBank wala pa rin...

yung Globe SIM wala pa rin...

is feeling , still stuck...

---o0o---


September 11, 2018...

[Business]

tumaas na rin ulit ang presyo ng Breeze..
Php 10.25 na from Php 10.00...

pero walang magagawa..
sacrifice..
hanggang Php 11.00 pa rin lang ang bentahan...

kaya kayong mga abusadong kliyente..
putang ina!
intindihin ninyo ang sitwasyon..
tutal nakarami na kayo ng mga nahinging bunga ng puno namin..
eh unawain nyo naman na wala nang pasko para sa akin, ang totoo - matagal na, pero lalo na ngayon...
kaya bawal nang mag-caroling sa bahay namin, tapos eh magde-demand pa na tig-Php 1.00 per head, per night..
yung mga siraulo eh sa sobrang abusado eh November pa lang eh nagsisimula nang manggatas ng kapwa nila... :(

is feeling , yung mas madalas na akong mag-grocery lately.. pero walang estimate ng patubo na pumapalo sa Php 100 pataas...


>
[Business]

nakalimutan ko palang i-record last month..
sa wakas napaabot ko na sa Php 20,000 yung income nung ice raket..
August 2014 noong napaabot ko yun sa Php 10,000, from year 2009..
at inabot nga ako hanggang August 2018 para maabot naman yung Php 20,000...

to think na nagsimula ako sa Php 1.00, then Php 1.50..
tapos hindi na kinaya at kinailangan nang gawing Php 2.00..
mas malaki pa dapat dun yung resulta kung naging gahaman lang ako katulad ng iba..
pero sa halip, pinili ko pa rin na mag-compute at maging patas...

is feeling , yun nga lang, gross yun at hindi net...


>
[Business]

ang bad news..?
hindi na magiging bahagi ang TM ng loading raket ko... :(

bakit..?
kasi titigil na ang GCash ng Globe sa pagbibigay ng rebate sa paglo-load ng TM through *143#..
para sa Messenger at sa GCash App na lang daw yung may rebate..
at nakakatampo yung ganung uri ng diskriminasyon...

ano ba 'tong nangyayaring kamalasan sa akin..?
una, napadpad ako sa PSBank dahil nga palpak yung SIM replacement service ng Globe, at dahil gustong pakialaman ng BDO yung personal e-mail ko..
sunod, PSBank naman yung pumalpak na sa pagwi-withdraw ng PayPal fund..
tapos ngayon ibinabalik na naman nila yung problema ko sa GCash...? :(

ang mas matindi pang kamalasan dun..?
nag-reload ako kaninang umaga lang ng nasa Php 1,000, kasi hindi ko naman ini-expect na mawawala na nga yung serbisyo..
tapos bigla ngang dumating nitong hapon yung advisory na kesyo hindi na daw kami saklaw nung rebate... :(

ang isang problema..
wala akong smartphone na pasado sa system requirements ng parehong Messenger at GCash App..
sa totoo lang, wala akong sapat na rason para bumili na ng smartphone na medyo latest yung OS..
bukod pa yung nanghihinayang akong bumili ng device na baka hindi naman magtatagal..
7 years ko nang ka-partner yung Nokia 2730c ko, at kung magpapalit man ako ng phone, siyempre dapat mas matagal pa dun yung maging lifespan..
pero ang pangunahin talagang problema..
luma na yung SIM card ko at hinding-hindi ko yun mapapalitan sa Globe..
standard size pa yun, at hindi ko naman maisugal na i-cut dahil lampas 7 years na yun..
delikado dahil kung anu-ano ng accounts ang naka-link dun..
meaning, kailangan ko munang mapapalitan ng tri-cut yung SIM ko, bago ako bumili ng smartphone...

is feeling , titigil na lang ako, kesa naman sa magpatubo...


Friday, September 7, 2018

Sideburns Show & Freedom of Sexpression

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...


ngayon kumbinsido na ako..
hindi na nga magbabago ang bayan na 'to..
hangga't hindi nawawala yung klase ng mga mamamayan na paulit-ulit lang na kumakampi at sumusuporta sa mga taong dati nang may record ng katiwalian..
yung mga taong nagmo-move on na kaagad kahit na wala pa ngang nakakamit na hustisya..
patuloy lang na lulubog nang lulubog sa katangahan at kahirapan ang bayan hangga't merong ganung klase ng mga mamamayan... :(

-----o0o-----


lumampas na sa 500 ang bilang eh, kaya mag-i-start na lang ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html

update ulit (503 + 23 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..

una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung nagluklok ng tao sa isang mahalagang branch, sa kabila ng kawalan ng kakayahan ng tao na iyon na sumunod sa sarili nilang mga patakaran
  • yung nagtuturo ng iba, maging yung hindi nila maidawit dun sa kaso, habang ipinagtatanggol naman yung ibang nalusutan DAW ng supply ng ilegal na droga
  • yung idolo noon si Hitler, pero noong nagpunta sa Israel eh ginamit pa yung alaala ng Holocaust para magkunwari na mabuti sila
  • yung inuna pa ang mga armas kesa sa isipin ang tungkol sa isyu ng kahirapan sa bayan
  • yung gustong bawiin yung amnesty na ibinigay noon sa isang taong lumaban sa tiwaling gobyerno, na ang sinisilip na butas ay yung pinagdaanan na proseso

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan:
  • sa Balete, Batangas, yung dating Konsehal ng bayan ng Balete na nahulihan ng hindi lisensyadong baril
  • yung dating kaso sa Cebu, yung lumabas sa imbestigasyon ng NBI na baril nga ng pulis yung nakatama dun sa bata na nadamay lang sa anti-illegal drugs operation
  • sa Pangasinan, yung 17 y/o na binatilyo na player ng DOTA na sasali lang daw sa tournament sa Baguio na napatay DAW ng mga pulis sa engkwentro
  • sa Quezon City, yung may 3 nahuli mula doon sa grupo na responsable daw sa serye ng mga panghoholdap sa mga e-games at bingo establishments, isa sa mga nahuli ay kasalukuyang Barangay Kagawad ng Maynila, tapos ay dating pulis daw ang leader nung grupo
  • yung airport security screener, yung hinalungkat ang bag at pinagnakawan ang isang pasaherong Taiwanese

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
  • (none as of the moment)

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung 2 MMDA Enforcer na magkaangkas sa motor na nasita ng ordinaryong motorista, yung blinker ang ginagamit na ilaw at hindi pa nakasuot ng tamang helmet
  • yung gustong sirain ng Bureau of Customs yung nasa Php 12,000,000 worth daw ng smuggled na mga sibuyas na nasabat nila sa halip na mapakinabangan ng mga mamamayan
  • yung may shortage na rin daw sa supply ng siling labuyo
  • yung reklamo na ipinarating sa Ombudsman, yung ipinambayad pala ng NFA sa utang yung pondo na nakalaan para sa pagbili ng bigas mula sa mga lokal na magsasaka
  • yung dagsa kaagad sa Senado yung mga tuta at bobong mga pulis na sabik na mang-aresto ng Senador kahit na wala namang warrant
  • yung applicable yung seniority rule kahit na para sa mga taong gumagawa ng mali at hindi patas
  • yung may kalayaan si Kape na mag-post sa kanyang fake blog kahit na during office hours

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung mga taong ang kakapal ng mukha na magsabi ng "i feel you" patungkol sa krisis na hinaharap ngayon ng bayan, pero patuloy naman ang pagsuporta sa mga palpak at tiwaling mga pinuno
  • yung gustong gawin na Php 10 ang minimum na pamasahe sa jeep, at hindi na pasok dito yung kapritsosong modernization plan
  • sa Caloocan, yung tila tino-tolerate na ng maraming tao ang patayan, at talagang may mga tao pa na nagchi-cheer para mangyari ito
  • yung pinakamataas daw ang bilang ng mga insidente ng rape sa Safest City
  • yung pagiging balimbing ni MRT Man, na kaalyado na ngayon ng kaalyado ng mga dating magnanakaw at abusado sa katungkulan
  • yung may mga artista na gumagamit ng pangalan nila para sa demolisyon, para sa kapakanan ng kaalyado nila sa pulitika
-----o0o-----


September 3, 2018...

yung 2 MMDA Enforcer na magkaangkas sa motor..
yung blinker ang ginagamit na ilaw..
tapos eh hindi pa nakasuot ng tamang helmet..
at talagang ordinaryong motorista pa yung sumita sa kanila...

is feeling , ehemplo na naman...


>
gusto na nilang gawin na Php 10 ang minimum na pamasahe sa jeep..
at hindi na pasok dito yung kapritsosong modernization plan...

ayos yan..
nice plan..
abusuhin lalo ang mga naghihirap na mga mananakay...

samantalang yung sinusuportahan ninyo eh unti-unti nang pinapalaya ang mga dati ng mga magnanakaw sa bayan... :(

is feeling , gusto ninyo ng magandang solusyon...? - ou*t.


>
sa Quezon City..
yung may 3 nahuli mula doon sa grupo na responsable daw sa serye ng mga panghoholdap sa mga e-games at bingo establishments..
umabot na daw sa 12 establishments yung nabiktima nila...

isa sa mga nahuli ay kasalukuyang Barangay Kagawad ng Maynila..
tapos ay dating pulis daw ang leader nung grupo...

is feeling , hanay ng mga good example.. 2 ehemplo kaagad sa iisang kaso...


>
shut up, Widowed Bus Commuter!
anong karapatan mo na kuwestiyunin ang isang diyos-diyosan...?

tama lang ang ginagawa niya..
kapag sinabi niya na nare-rape ang mga babae dahil magaganda sila - eh tama yun..
kapag may nagnasa sa bangkay ng isang babae na biktima ng rape, na kesyo dapat siya ang nakauna dun - tama yun..
kapag sinabi niya na okay lang mang-rape ng mga babae kapag tinamaan ng L sa gitna ng digmaan - eh tama rin yun..
huwag mong kuwestiyunin ang karapatan sa pambabastos laban sa mga kababaihan in public - eh freedom of sexpression yun eh...

huwag na rin kayong magtaka kung bakit marami nga ang nabibiktima ng rape...

is feeling , lahat ng gawin niya eh tama.. tapos ang pulong...

---o0o---


September 4, 2018...

mga siraulo kayo..
ginagamit nyo pa ngayon ang Israel at ang alaala ng Holocaust..
pati si Obama ginamit rin..
para ano..?
para lang magmukha kayong mabubuting tao...? :(

pro-Dictator kang demonyong tuta ka..
una, hinayaan ninyong magkaroon ng karangalan yung bangkay na Diktador..
lahat ng mga nagnakaw noon sa bayan eh pinalaya ninyo at binibigyan na ng mga kapangyarihan, yung iba eh pinapanatili ninyo na tamihik lang para protektado ang listahan..
sinabi mo rin na gusto mong isang Diktador ang mamuno sa bayan..
at habang nasa Israel nga kayo eh kumikilos na ang alyansa ng kasamaan para gipitin ang mga posibleng tumutol sa inyong paghahari...

is feeling , puros pagpapanggap...


>
yung dating kaso sa Cebu..
yung batang nadamay sa anti-illegal drugs operation...

lumabas sa imbestigasyon ng NBI na baril nga ng pulis yung nakatama dun sa bata...

is feeling , sugod nang sugod.. hindi na pinag-aaralan ang area na aatakehin nila...


>
lagot si Oakwood Man..
binawi na yung amnesty sa paraang mala-Diktador..
siya na talaga ang diyos-diyosan..
batas na kaagad basta't sinabi niya, kahit na hindi na sumusunod sa saligang batas...

mga lumang kaso ang gustong buhayin..
garapalan na talaga..
habang nagkukunwari na nagpapakabait sila sa ibang bansa...

basta maprotektahan at mas mapalakas lang ang alyansa ng kasamaan..
halos iisang Branch na lang sila..
kunwari eh independent sa isa't isa, pero ang totoo eh mga tuta sila...

is feeling , Order 66...

---o0o---


September 5, 2018...

sa Balete, Batangas..
yung dating Konsehal ng bayan ng Balete na nahulihan ng hindi lisensyadong baril...

for protection lang daw..
kaso eh hindi pa rin tama dahil wala naman ngang lisensya...

is feeling , ehemplo sa lahat ng level...


>
gaya ng ginawang pag-assassinate sa dating top ng J Branch..
ang gusto nilang palabasin eh mga inutil ang mga tao noon na nagpatupad nung sistema o batas..
pinapalabas nila na may mali sa ginawang trabaho ng mga taong responsable dun sa naging outcome noon..
pero ang huling sisi parati ay sa tao lang na target nilang itumba...

is feeling , same evil script...


>
putang ina mo, Patilya!
makikidawdaw ka na naman gamit ang basura mong pangalan...

ang mga kagaya mo ang sumisira sa bayan..
ipinagyayabang mo yung absolute pardon na ibinigay sa'yo ng diyos-diyosan mo..?
putang ina mo!
ikaw ang nag-utak-kriminal, kaya ikaw ang walang karapatan sa kalayaan..
tapos ano, sinubukan mo pa dating ipagtanggol yung mga kakilala ninyong personalidad na gumagamit ng ilegal na droga, habang pinagpapapatay yung mga ordinaryong mga mamamayan na may mga kaparehong offense..
at ngayon idadamay nyo pa kami sa pagsira ninyo sa bayan...

hindi nga perpektong tao si Oakwood Man..
pero putang ina!
tingnan ninyo ang mga kaalyansa ninyo..?
mga utak-diktador..
mga magnanakaw sa bayan..
mga taong tino-tolerate ang pagpatay at pagto-torture..
mga taong nagpapanggap na may sakit..
mga pulis na taga-tumba..
mga drug lords na testigo..
pinuno ng mga pekeng NGO..
mapanirang bold star..
mga nasa katungkulan na may mga kompanya na nakikinabang sa gatas na ginagastos ng pamunuan..
mga taong nagpapapasok ng ilegal na droga sa bayan..
mga taong pinababayaan ang supply ng murang bigas..
mga taong ang alam lang eh gatasan nang husto ang mga mamamayan..
putang ina!
yan ba ang ipinagmamalaki ninyong pagbabago...??

kung ako ang tatanungin, eh dun na muna ako susuporta sa mga taong hindi ganyan ang listahan ng mga kaalyansa...

is feeling , mamatay ka na nga at ang buong pamilya mo...


>
sa Pangasinan..
yung 17 y/o na binatilyo na player ng DOTA na sasali lang daw sa tournament sa Baguio na napatay DAW ng mga pulis sa engkwentro..
ayon sa mga pulis ay sangkot daw yung biktima sa ilang insidente ng nakawan...

tapos may nawawala daw itong kasamahan na 15 y/o lamang...

is feeling , victim is beyond godlike, somebody kill him...


>
certified criminal..
gumawa ng offense na labag sa batas..
offense na personal ang motibo at ni walang kinalaman sa paglaban para sa kapakanan ng bayan..
nabigyan ng absolute pardon, na paspasan kumpara sa maraming mga matatandang preso na sa mga kulungan na nabubulok..
protektor ng mga artista na involved sa illegal drugs..
malaki ang kita at hindi masyadong naaapektuhan ng bumubulusok na train...

he is a Filipino..
and his leader is the devil puppy..
he is a pro-Holocaust...

— feeling , panibagong bayad-utang move...

---o0o---


September 6, 2018...

dun muna sa simpleng balita...

sa Lemery, Batangas..
yung 34 na hinuli sa loob ng sinehan dahil sa hindi pagtayo habang pinapatugtog ang Lupang Hinirang...

is feeling , okay.. seryoso nga sila...


>
yung airport security screener..
yung kinasuhan ng qualified theft ng isang pasaherong Taiwanese..
yung nakuhanan ng video..
2 pala sila na talagang hinalungkat yung bag nung biktima eh..
tapos pasimpleng kinuha nung isa yung target nila...

is feeling , nasaan na yung pagpapatupad ng displina sa pamamagitan nang pagbabanta sa mga empleyado...??


>
yung dagsa kaagad sa Senado yung mga bobong pulis na sabik na mang-aresto nang walang warrant...

obvious na kung sinong papanigan ng mga yun in case na magkaroon na nga ng pagmamalabis sa kapangyarihan..
definitely - hindi ang mga mamamayan ang kanilang kakampihan..
susunod lang sila sa mga abusadong nasa kapangyarihan...

is feeling , okay.. alam na kung kaninong tuta ang mga yun...


>
yung mga taong ang kakapal ng mukha na magsabi na "i feel you"..
yung patungkol sa krisis na hinaharap ngayon ng bayan..
pero tingnan mo naman ang mga taong sinusuportahan pa rin nila hanggang ngayon...

mga bobo kayo..
project nila yung mag-import nang mag-import..
plano nila yung manggatas nang manggatas ng mga mamamayan..
at mga tao nila yung mga nagpapabaya sa pagre-regulate ng mahahalagang supplies at mga presyo ng bilihin...
bukod pa nga dun yung pag-e-endorse sa masasamang tao...

tapos sasabihin ninyo na huwag batikusin ang ideal na pamunuan ninyo...??

is feeling , Panatikong Zombie-mode...


>
at dahil badtrip pa rin ako dahil sa pagyayabang ni racist Patilya...

nasaan kang gunggong ka noong at habang may mga tao na naghahabol ng katarungan laban sa Dictator Clan..?
nagyabang ka ba na katulad ng ginawa mo recently..?
nagmalasakit ka ba para sa mga meron pang nawawalang mga kaanak sa buhay..?
naglakas-loob ka ba na sabihin sa angkan na yun na ibalik ninyo ang mga ninakaw ninyo at harapin ang mga kaso regarding sa pang-aabuso sa kapangyarihan...??

nasaan ka noong merong mga nagkukunwari na masasama ang kondisyon ng kalusugan para hindi sila makulong..?
hinamon mo ba sila na harapin rin ang pagkakakulong na gaya mong kriminal ka..?
nasaan ka noong mga panahon na hinahanap ang mga pera ng mamamayan na nawala sa panahon ng paghahari nila..?
ano ka, kumbinsido ka na rin na nawala ang mga yun nang walang explanation...??

at nasaan ka habang bumabalik na ang mga ganitong klase ng mga demonyo sa pamunuan...??

is feeling , ang yabang mo, pero sa lahat ng mga nabisto ng COA recently, wala kang sinubukan na ipahiya o hamunin sa hanay nila.. dahil ang totoo, demolisyon lang ang habol mo ngayon...


>
eh impeachable naman talaga yung Hokage na Mahilig matagal na..
eh sa paulit-ulit pa lang niyang ginagawang katatawanan ang usapin tungkol sa rape, at yung pagsasabi niya noon na okay lang manggahasa ang mga sundalo sa gitna ng digmaan, eh pinatunayan na niya na wala siyang respeto sa mga mamamayan eh...

is feeling , hindi pa pwedeng sumirok ang sasakyan nilang eroplano...?


>
ang tanong ngayon eh kung maganda bang desisyon ang lumapit sa top level ng J Branch...?

totoong yun nga ang tamang proseso - noon..
pero paano na ngayon na wala ng integridad at dangal ang karamihan sa mga naroon..?
mga tuta ng Cosplayer sa mahabang panahon ng kanyang paghahari..
mga tuta ng Hokage na Mahilig...

itinumba nila ang dati nilang pinuno nang hindi naaayon sa batas, kundi sa paghahanap ng butas sa dinaanan nitong proseso noon..
so anong guarantee ni Oakwood Man na hindi ganun ang gagawin laban sa kanya...??

is feeling , tsaka inaamin ba talaga ang kasalanan..? i mean, kasalanan ba na matatawag ang paglaban sa tiwaling pamunuan...??


>
eh yung may kalayaan si Kape na mag-post sa kanyang fake blog kahit na during office hours... :(

astig, baka naka-flexitime siya... :(

is feeling , benefits ng pagiging bahagi ng alyansa ng kasamaan...


>
yung gustong sirain ng Bureau of Customs yung nasa Php 12,000,000 worth daw ng smuggled na mga sibuyas na nasabat nila..?
at talagang sa gitna pa ng kahirapan ng bayan...

bawal ibenta according sa batas..?
ang alam ko eh may mga nasabat na noon na mga perishable goods ang na-convert sa donation yata yun para sa mga nasalanta..
kung hindi pwedeng ipagbili, edi ipamigay na lang nila nang libre, matapos na i-check kung okay pa for human consumption..
mga bobo...

sa tingin ninyo nasasaktan ang mga smugglers sa tuwing sinisira ninyo ang mga nakukumpiska ninyo..?
eh baka masaya pa ang mga yun dahil wala rin namang nakikinabang sa mga items nila..
mas masasaktan ang mga smugglers kung makikita nila na iba ang nakikinabang sa mga items na balak nilang pagkakitaan...

is feeling , puros na nga kayo pahirap, puros pa kayo pagsasayang...


>
[Business]

naalala ko tuloy..
noong mag-start ako ng pagbebenta noong 2014-2015..
kaya ko pa noon na ibenta yung 200 ml ng isang partikular na brand ng suka at toyo nang Php 5.00 at Php 7.00 respectively..
i'm not sure sa toyo, pero nasa Php 4.00 plus lang kasi noon ang halaga ng suka...

pero magkano na ang bentahan nila noong huli akong nag-grocery this week..?
yung lumobo na ngang Php 5.90 na presyo ng suka at php 7.90 na presyo ng toyo..
ngayon eh mas umakyat pa sa Php 6.10 na para sa suka at Php 8.10 naman para sa toyo...

is feeling , at hindi makaka-relate dun yung mga taong hindi naman marunong mag-ulam ng toyo lamang...

---o0o---


September 7, 2018...

yung may shortage na rin daw sa supply ng siling labuyo...

is feeling , eh yung shortage sa oxygen, kailan mangyayari...?


>
yung pina-raid ng BOC na bodega ng bigas sa Bulacan..
yung may mga nakaimbak na bigas na galing sa Bestfriend Empire, at least eh base sa packaging..
pero ang alam daw nila eh nag-i-import lang ang bayan ng galing sa Thailand at Vietnam...

is feeling , kayo ang nagpahuli, pero sa hanay nyo rin naman yan dumaan.. ang alamin ninyo eh kung sinong nagpapadaan sa mga ganyan..? baka mamaya eh yun ring grupo na nagpapalusot ng mga ilegal na droga...


>
sabay kambyo ng Hokage na Mahilig..
susunod na daw sila sa patakaran..
maghihintay na daw muna sila ng warrant mula sa mga tuta nila... :(

is feeling , ang galing sumunod sa batas...


>
wala naman ngang problema dun sa leave..
ang problema lang naman talaga dun eh magkano ba ang dapat na benepisyo ng mga inang hindi pumapasok sa trabaho..?
iyon, habang nagpapasuweldo pa yung kompanya o opisina ng ibang tao na gagawa sa naiwan nilang trabaho...

is feeling , basta yung patas lang...


>
shut up, Oakwood Man!
anong walang ginagawa..?
ang ganda kaya ng plano ng grupo ng Hokage na Mahilig..
tumitingin-tingin sila ng mga armas sa Israel, di ba...?

ayun..
baka gagamitin nila yun para pagpapaslangin na yung mga naghihinaing tungkol sa kahirapan ng buhay..
baka palabasin nila na drug-related na lang lahat ng mga naghihirap, para may rason sila na pumatay na lang nang pumatay sa ngalan ng kapangyarihan...

is feeling , mahalaga ang mga armas sa panahon ngayon...


>
ano ba yan...?

balimbing din pala yung si MRT Man..
pinupuri daw pala niya dati sina Oakwood Man..
dahil daw kinalaban ng mga ito ang pamunuan ni Cosplayer...

tapos ngayon ano..?
nag-iba daw yung pagtingin niya noong na-relate kina P-Not si Oakwood Man..
seryoso..?
so sapat ng dahilan yun para kumampi naman ngayon sa alyansa ng kasamaan kung saan kabilang si Cosplayer..?
so mas okay na kumampi sa mga magnanakaw sa bayan na hindi kayang ipaliwanag kung saan napunta yung mga nawawalang pera sa panahon ng paghahari nila, kumpara sa ma-relate sa mga palpak na pinuno...??

is feeling , wala na ba talagang matinong abogado sa panahon ngayon...??


Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - First Week of September 2018 (Love for Skills)

Loveless Story


September 1, 2018...

lagot na..
na-inlove na yata ako..
sa skills... <3

wala na..
nahati na yung nararamdaman ko eh..
isang more on sa panlabas na anyo..
at isa sa pandamdam...

is feeling , siguro nawalan na nga ako ng kakayahan na magmahal...

---o0o---


September 5, 2018...

[Online Marketing]

okay..
so natanggap ko na yung kita ko for June and July..
nasa Php 500 plus yung charge para sa transfer, pero ayos na rin yun..
technically speaking, hindi pa rin naman maganda ang performance para sa Project #7 ko..
pero kahit papaano eh b-in-oost nung promo yung sales para sa first 5 issues..
at dahil dun eh nasalo na nga ang month of August ko...

halos patay na yung sales mula sa 1st store, hindi na siguro nakakapagtaka dahil dun nga nanggagaling yung mga pirata..
at yung 2nd store naman ang pumapalo sa ngayon, pero hindi ko alam kung hanggang kailan..
so far wala pa naman akong nakikita na pirated copy mula sa 2nd store..
kaso tumigil na nga rin pala ako sa pagpupulis, so hindi ko na rin talaga maoobserbahan yun...

ang iba pang okay na balita..?
sigurado na rin na may mare-release akong kita for both October and November..
yung sa October eh halos tinapatan itong natanggap ko ngayong September...

ang plano ko..?
babaliktarin ko yung sistema - kung uubra..
kung makakakuha ako ng malaking market sa Patreon, doon ko na muna gagawin ang initial release..
after a month, saka sa 2nd store..
tapos after a month ulit, saka naman sa 1st store...

is feeling , thank you, international people...

-----o0o-----


[V-League]


PVL Season 2 - Collegiate Conference - Semifinals


September 1, 2018...

bawi day...


UST versus FEU

3-1, panalo ang FEU..
nakabalik na nang husto si Domingo..
19 points from 9 attacks, 6 kill blocks, and 4 service aces - halimaw talaga..
Malabanan naman with 17 points..
si Alessandrini lang para sa UST ang umabot sa double digits na may 13 points...


AdU versus UP

3-0, panalo ang Adamson..
Soyud with 14 points from 12 attacks and 2 kill blocks..
Flora and Permentilla with 9 points each, may 9 digs at 9 excellent sets pa si Flora..
na-check nila si Buitre today, na naka-7 points lang, bale naka-score lang siya ng 6 out of 29 attack attempts...

is feeling , bukas na kaagad ang deciding matches nilang 4...

---o0o---


September 3, 2018...

AdU versus UP

3-1, panalo ang UP..
mula sa pagiging defender nitong mga nakaraang laban, lumabas ang pagiging Ace Player ni Molde..
27 points from 23 attacks at 4 kill blocks..
maging si Buitre eh bumawi, 19 points from 12 attacks at 7 kill blocks..
at Estranero with 35 excellent sets..
nakagawa ang UP ng 17 kill blocks laban sa Adamson...

Soyud with 15 points..
Perez with 14 points..
Permentilla with 12 points..
pero pinatunayan lang nito na hindi pa kaya ng Adamson na makuha ang Season 81 nang ganun kadali..
partida na wala pa nito si Caloy..
malaking sayang ulit para sa Lady Falcons, since last PVL Season eh maganda rin ang nilaro nila sa umpisa, but then nawala yung tsansa nila noong na-injure si Galanza..
tapos ngayon, from being an unbeaten team, tapos biglang napalaglag sila ng #4 Seed..
worst case pa nila kung hindi sila makakakuha ulit ng medal this time...


UST versus FEU

3-1, panalo ang FEU..
Malabanan with 13 points..
Negrito and Ebon both with 12 points..
yung kay Negrito ay 5 attacks, 4 kill blocks, at 3 service aces, plus 22 excellent sets...

si Eya Laure ang nanguna para sa UST with 15 points..
kaso eh nakagawa naman sila ng 33 errors...

is feeling , at talagang #3 at #4 Seeds pa ang nagtapat sa Finals...

-----o0o-----


2018 Asian Games - Women's Volleyball - 5th to 8th Classification


September 2, 2018...

Philippines Versus Indonesia

3-1 lang ulit, panalo ang Indonesia..
mas kuminang na ang laro ni Paat this time, with 10 points from attacks..
9 points naman ang kay Baldo...

ang lakas ng Thailand, natalo nila ang South Korea sa score na 3-1..
pero hanggang Silver Medal lang sila..
China ang nakakuha ng Gold Medal, tinalo nila ang Thailand sa score na 3-0..
Bronze Medal ang sa South Korea, at 4th Place naman ang Japan...

is feeling , wala, hanggang 8th Place lang, out of 11 teams...

-----o0o-----


September 2, 2018...

[Piracy]

wala na..
pagod na ako sa paglaban sa piracy..
mababaliw lang ako kung ipagpapatuloy ko pa 'to...

ang lesson sa buhay..?
never work on copyrighted materials, na may visual, lalo na kung gumagamit ng universal language..
considering na hindi ka naman kumikita ng millions of dollars mula sa actual sales mo..
magiging parang suicide lang yung laban kapag ganun...

so ngayon i'm trapped once again..
hindi ko na alam kung paano ko pa ipu-pursue yung bagay na gusto ko talagang gawin, habang nagkakaroon ng paraan para maka-survive sa napaka-bayolenteng mundo na ito... :(

i'm almost good as dead... :(

is feeling , 6/58, baka gusto mong tumulong...??

---o0o---


September 3, 2018...

[Piracy]

okay..
mula bukas hindi na ako magche-check ng mga pirate attacks..
ang takaw na sa oras, tapos eh nakaka-depress pa...

susubukan ko na ang Patreon..
kapag hindi umubra, edi saka na lang ulit ako mag-iisip...

is feeling , pero fastest way pa rin yung 6/58...


>
ano ba yan...?

Patreon ako nang Patreon..
eh hindi nga pala ako pwedeng mag-set ng rate na mas mura kumpara dun sa mga prices na andun na sa mga tindahan..
may kontrata nga pala ako sa kanila...

anyway..
salamat na lang dahil patuloy yung 2nd store sa pagsuporta sa akin..
ito ay sa kabila ng pambabastos sa copyright ko ng kung sinong mga users mula doon sa 1st store...

is feeling , paano kaya ang magandang diskarte nito...?


>
naggawa na nga ng Patreon account..
pero pinag-aaralan ko pa ang lahat...

probably my last chance para i-pursue ang hilig ko...

is feeling , let's see...

---o0o---


September 5, 2018...

[Climate Change / Natural Calamities]

please po..
tama na po ang pananalanta sa Japan..
basta pangalagaan lang lalo si Oda, at ang mga draft ng One Piece laban sa Bagyong Jebi...

is feeling , sa Empire po, malawak ang lugar at maraming masasamang opisyales.. pwede po dun ang mga archangel...


>
[Lottery]

ayun..
nanalo na ulit kaagad..
sa 6/58 naman..
7-8-41-25-13-30...

yun nga lang..
hindi naman yun yung nire-request ko na good karma eh..
hindi sapat..
3 numbers lang, kaya Php 20 lang..
eh Php 20 na, plus Php 4 documentary stamp tax ang basic na taya ngayon..
kaya lumalabas na talo pa rin ako ng Php 4... :(

ni hindi man lamang kasi gawing Php 25 yung lowest prize..
para kahit papaano eh parang naka-libre sa tax kapag nanalo...

is feeling , please naman.. tutal eh ipinagkanulo nyo na rin lang ang career ko sa mga pirata...

---o0o---


September 6, 2018...

[Natural Calamities]

at tinamaan pa ng Magnitude 6.7 na lindol ang Japan... :(

please naman po..
sa sobrang daming masasamang pinuno sa mundo..
sa sobrang daming mananakop na mga opisyales ng ibang bayan..
huwag naman po Japan...

hindi po masama ang Manga..
hindi po masama ang Anime..
hindi po masama ang JAV kung sa tama gagamitin..
at hindi po masama ang kabuuang kultura ng Japan..
kaya please..
huwag naman po sila...

is feeling , konting pagiging patas naman po sa pagrarasyon ng mga kalamidad...


>
done with all the renders..
took me a total of 71 days..
pero dahil sa naging klase ng schedule ko, dahil sa piracy at sa dating..
eh lumalabas na nasa 30 days akong naging idle..
so bale parang 41 days lang akong nagtrabaho...

photoshop-mode na ulit..
habang naghihintay sa sagot ng Patreon...

is feeling , panibagong turning point...

---o0o---


September 7, 2018...

ano ba yan..?
bawal na nga mag-transfer sa PSBank..?
tapos pati Metrobank eh wala na rin sa listahan ng PayPal...??

hindi naman ako pwede sa BDO..
kasi nga hinahanapan ako ng proof na ako rin yung artist side ko, na para bang may ID ako na nagsasabi na iisang tao lang nga kami...

is feeling , divine entities..? seriously..? mas masamang tao pa ba ako kumpara sa grupo ng Hokage na Mahilig, para danasin ko ang mga ganitong klase ng check...??


>
[Manga]

George Morikawa talaga o'..
at inakala ko pa naman na magiging inspirasyon si Hayami..
pero puros paasa lang talaga, tapos sabay ilalaglag din naman sa bandang huli...


>
[TV Series]

Sana Dalawa Ang Puso

yung sa sobrang daming ginawang masama, ilegal, at mapanganib nung daddy ni Liza..
tapos parang wala naman pala siyang kinalaman sa sindikato..?
bale ipinalit lang si Liza sa namatay nilang anak eh...

is feeling , so talagang overprotective at abusive lang yung character niya...??