Friday, October 20, 2017

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of October 2017 (Windows 10 Curse)

[V-League]

PVL Collegiate Conference - Worst Ending


October 14, 2017...

Battle for Third

AdU versus AUN

1-3 sets..
3rd Set yung nakuha ng Adamson, 25-19..
pero yung 4th Set eh umabot ng 29-31, panalo ang Arellano...
isinuko na nga ng Adamson ang lahat ng award..
sayang dahil ito na lang yung pagkakataon nila para makakuha ng award with their current lineup...

hindi na masama para sa Arellano, na non-UAAP team..
tinalo nila ang UP..
pinahirapan nila ang NU sa Game 2 ng Semifinals nila..
at 2 beses nilang tinalo ang Queen-less na Lady Falcons..
pero kung titingnan yung naging scoring nila laban sa Adamson sa Battle for Third, eh posibleng iba talaga ang kinalabasan kung nandun lang sana si Galanza...


Championship Match

NU versus FEU

3-1 sets..
Champion na ulit ang NU...

kailangan na lang wasakin ang Dynasty sa UAAP...

was feeling , sad ending...

-----o0o-----


Windows 10 Home Single Language Version 1703 = Evil


October 14, 2017...

[TV Series]

Home Sweetie Home

lagot si John Lloyd, kay Xander Ford na malilipat yung TF niya..
pero parang nagiging kamukha na ulit nun yung dati... XD

okay lang yung show basta't may mga Obet Jokes... :D

was feeling , perpekto talaga ang acting ni Jobert...

---o0o---


October 16, 2017...

seryoso, Kelsi Monroe...?

hindi ko talaga maintindihan ang mga taga-ibang bansa...

bagsak yung mga all-natural..
bagsak yung magaganda...

was feeling , ano bang meron sa peke...?

---o0o---


October 17, 2017...

Tuesday sideline-mode...

okay naman..
20 minutes na nakapila sa counter..
pero walang problema dahil andun naman si Emoji-Girl..
tapos kahit mahaba ang pila eh dun na rin nga ako nakilinya kay Pimples-Girl..
ang importante eh maganda o cute yung view..
pero hindi na pala siya tagihawatin ngayon, nagamot na niya siguro...

buti pa yung isa na yun..
nakuha ko na kaagad yung pangalan niya..
pero ewan ko ba kay Emoji-Girl, laging sa baliktad na direksyon kasi nakaharap yung ID niya eh...

was feeling , madami namang nakapila for rendering...

>
kinakabahan ako para sa October..
since April eh may mga recognizable na lindol buwan-buwan..
yung mga tipong nasa Magnitude 4.9 pataas...

pero wala pa ring nangyayaring malakas na lindol for October..
although halos arawan pa rin nga yung mga naitatalang pagyanig sa buong bansa, na kung titingnan eh sa pare-parehas lang na mga probinsiya nagaganap...

was feeling , tang ina! basta huwag kang makikisabay sa akin kapag nagbakasyon ako sa may fault line...

>
kawawa naman yung isang yaya..
mukhang nabalian daw ng buto sa bandang ribs noong isang araw..
dahil sa bata, napatuon yata sa crib eh..
hindi pa naman siya sigurado kung anong nangyari, pero patuloy daw yung pananakit eh...

pero hanggang ngayon eh pinipilit ang sarili niya na buhatin pa yung panganay..
eh wasang-mode pa naman yun kapag nagwawala...

tinanong ko nga, bakit kako hindi siya magsabi nang mabigyan siya ng pampa-X-ray man lang..?
pero wala eh, puros kahihiyan yung iniisip niya..
kesyo pa-allowance na daw yung paborito niyang anak..
kesyo nakikihati daw kami sa ulam sa tuwing may paluto ang mga yun..
ni hindi niya naiisip yung value ng ginagawa niyang pagkakatulong sa pamilya ng mga yun..
alam ko na kung bakit mahina rin siya sa pera, kasi nga bulok siya sa Math - ni hindi niya alam kung ano yung patas at hindi eh...

problema neto eh kapag lumala yun, o magkaroon ng internal bleeding kung may nabali ngang buto...

was feeling , buwis buhay...

---o0o---


October 18, 2017...

[Movies]

so far, yung kay Black Panther yung pinaka-astig na full body costume sa Marvel Universe...

at sila rin ang may pinaka-astig na bansa...

was feeling , roar!

>
Happy Birthday!

hindi ko alam kung kailan nga ba talaga ang birthday mo..
pero ito kasi yung sinabi mo sa akin noon eh..
kaya sa ngayon, eh ito na rin lang muna yung paniniwalaan ko...

sana lang talaga makakuha ako ng data kapag na-meet ko na yung mga dati mong katrabaho...

was feeling , kung nasaan ka man...

>
last 3 pages..
16 to render..
tapos 5 or more pa ang kailangan ng double render..
nasa 21 mahigit pa yun...

was feeling , konti pa.. tapos auto-pilot na...

>
[TV Series / Cuties]

La Luna Sangre

Kira Balinger..
credit for the photo goes to its original uploader...

hintay ako nang hintay na maging vampira o lobo 'tong bata na 'to..
yun eh pala eh iginaya siya kay Jane De Leon, na mortal lang na Moonchaser..
at since September pa pala siya nandun sa series, hindi ko lang napapansin dahil busy ako sa trabaho...

sobrang cute naman na vampire-slayer nito... <3

---o0o---


October 19, 2017...

[Medical Condition]

medyo matagal na rin ngang flat yung nabutas ko na cyst..
tapos since October 17 eh mala-toothpaste na ulit (kagaya noong simula) yung inilalabas niyang mass..
hindi na yung medyo malabnaw...

was feeling , basta huwag ka lang lalala...

---o0o---


October 20, 2017...

[Gadget-Related]

just had the worst Windows 10 update so far..
kahapon nag-update ng system ko eh...

bumagal yung startup ng computer ko..
yung 3D software ko eh parang naapektuhan rin..
pati yung Photoshop..
at pinalala pa niya yung internet usage...

kumain siya ng 800 MB within 2 hours..
tapos 1.2 GB within 3 hours..
pero ang mas masama, kahit yung 384 Kbps na internet speed eh hindi ko na mapakinabangan ngayon..
dati nagagamit naman yun nang unli, mabagal nga lang..
pero ngayong araw eh wala na siyang mabuksan sa mga websites na regular ko namang chini-check...

at talagang nangyari pa 'to kung kailan Friday...

was feeling , andami ko pang trabaho!

>
yung sinusubukan kong humanap ng peace of mind..
pero talagang pagkawasak lang parati yung naghihintay para sa akin...

gusto ko lang naman yung buhay na walang kamalasan...

parang paulit-ulit na lang yung mensahe..
magpakamatay ka na..
magpakamatay ka na lang..
wala ka ng patutunguhan dahil malas ka...

nakakasawa na 'tong kamalasan ko..
hindi nga sobrang malas..
pero unti-unti naman...

yung computer nga yung may problema dahil sa ginawang update ng Windows 10..
ewan..
pero hindi gaya dati, mas pina-prioritize na niya ngayon na i-update yung sarili niya..
at pagpatak nga sa 384 Kbps, eh yung internet browser na ang hindi halos magagamit..
parang pinababa nga rin nun yung performance nung render engine ko...

nasasalo naman nung iba kong device yung internet browsing..
pero nasasakripisyo naman yung mga battery nila...

ang masama pa nito ay may tinatapos akong project..
pero muli na namang pinababagal ng tadhana ang lahat...

anak ba talaga ako ng demonyo kaya ako pinaparusahan ng ganito...?

was feeling , minsan naiisip ko na mas masusuwerte pa sa akin yung mga itinutumba lately, at least tapos na yung laro nila sa buhay, tapos na ang paghihirap siguro, hindi gaya ko na halos arawan ang rasyon ng mga buwisit...

---o0o---


October 21, 2017...

[Gadget-Related]

wala na..
arawan na ang rasyon ko ng demonyo neto..
dahil sa pesteng Windows 10 update version 1703...

nag-reinstall na ako ng Google Chrome..
yung defer update na option eh wala na..
s-in-et ko yung network connection bilang metered, pero talagang nagda-download pa rin siya ng mga update..
hindi ko naman mapakialaman ang registry dahil takot ako na masira yung buong system...

800 MB kaagad ang naubos kahit na hindi pa ako nag-i-internet..
tapos pumalo na ulit ng 1 GB nang wala pa akong nagagawa...

ibig sabihin, wala na akong magagawa sa arawan kong routine nito..
pati yung pagta-track ko eh hindi ko na magagawa...

nakakapagod na...

fuck!
this also means na hindi na ako makakapag-submit ng project ko kahit na matapos ko pa yun...

is feeling , ginagawa ko ang lahat, pero talagang puros parusa lang ang inaabot ko...


Friday, October 13, 2017

CCTV Manipulation Technique

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...


talagang ipinagmamalaki mo pa rin yang 16 Million na panatiko mo..?
eh ni hindi mo nga alam kung nabawasan na yang bilang na yan nang dahil sa mga patayan eh...

unang-una, ni hindi nga yun katumbas ng majority ng mga botante..
halos nasa 60% ng voting population ang umiwas sa'yo..
unless paratangan mo kaming lahat na nagbenta lang kami ng mga boto namin..
kaya mo ba kaming igawa lahat ng mga pekeng bank accounts...?

at ikalawa..
nasa 100,000,000 plus na ang estimate ng populasyon ng bansa sa buwan na 'to..
at hindi rin naman siguro logical na isipin na majority ng non-voting population eh mga kaanak lang ng 16 Million mo...?

nagdedesisyon ka para sa Dictator Clan, para maibalik ang katiwalian sa tuktok, sa tulong ng 16 Million mo...?

so ano..?
magdedesisyon (este magyayabang) ka na lang para sa 16 Million at isasakripisyo na lang yung nalalabing populasyon..?
tapos sasabihin mo na ginagawa mo lang naman yung mga ipinangako mo..?
eh ni hindi ka pa nga nakakapag-jet ski at nakakapagtanim ng watawat ng bansa sa inagaw na teritoryo eh...

is feeling , slow genocide...

---o0o---


update ulit (187 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • ang pagpapalibing sa bangkay ng isang Diktador sa isang makabuluhang national cemetery
  • yung pagbibigay ng permiso sa isang Imperyalistang nasyon (na lantarang nang-aagaw at nang-aangkin ng mga teritoryo) ng kalayaan para mag-explore sa teritoryo na posibleng mapagkunan sana ng mahahalagang resources ng bansa
  • yung kagustuhan na kontrolin kung sinu-sino ang mga mamumuno sa mga Barangay hanggang 2020
  • yung pahiwatig na gusto niyang ipatupad yung Martial Law na katulad nung sa Dictator Clan
  • ang paulit-ulit na pagre-relate ng mga tao sa kanyang mga rape comments na para bang ginagawa pang katatawanan ang bagay na yun
  • ang pambabastos sa lider ng isang bansa na mahilig sa mga delikadong armas, kahit na hindi naman kaya ng bansa na lumaban in case na mapikon ang mga yun
  • yung pati kaso ng pagnanakaw sa bayan ay gustong iareglo para lang sa Dictator Clan kahit na pang-bobo yung alibi ng tagapamagitan nila
  • yung statement tungkol sa kagustuhang bombahin ang mga Lumad schools
  • yung pag-iimbento ng bank accounts at kuwento na rin tungkol dun at pagre-relate nun sa hindi nila kakamping opisyales, na inilabas pa sa publiko
  • yung 16 million lang ang gusto niyang i-consider, kumpara sa mahigit 100 million na mamamayan ng bansa

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad:
  • yung mga lalaking itinumba kahit na naka-posas na sa likod
  • yung 4 year old daw na bata na nadamay sa pagpatay ng mga pulis sa tatay niya
  • sa Lanao del Norte, yung mag-ina, kasama na rin yung bata sa sinapupunan, na nadamay sa pagkapatay ng mga pulis sa nanlaban daw na kapatid ng suspek nila
  • yung army reservist na pumatay ng lalaking naka-bike matapos ang road rage at matapos nilang magsuntukan sa kalye, tapos may nadamay pang isang sibilyan sa pamamaril niya
  • yung OFW na dinakip sa checkpoint at naging biktima ng torture at pagpatay
  • yung mga taga-Quezon na hinuli sa parang raid, pero wala palang record ang mga pulis ng naging operasyon na yun laban sa kanila, at may natagpuan na lang na mga sunog na bangkay na pinaghihinalaan na sa mga taong yun na pinagdadakip nga
  • yung kaso nung Australian, kung saan hindi nag-match yung statements ng mga arresting officers kumpara sa naging kuha ng CCTV, at may alegasyon pa ng tangkang pangingikil (this happened sometime before the current administration)
  • yung kaso involving Makati Police, kung saan inaresto ang isang OFW gamit ang gawa-gawa lang naman DAW na dahilan, at tinakot DAW na gagawing related sa ilegal na droga kung hindi magbibigay ang pamilya niya ng Php 500,000
  • sa Caloocan, yung bahay ng matandang babae na nilooban at pinagnakawan ng mga pulis at ng iba pa nilang kasamahan na hindi naman mga pulis
  • sa Maragondon, Cavite, yung miyembro ng SOCO na sangkot sa nakaw-ebidensya regarding sa kaso ng pagpatay sa mag-asawang matanda
  • yung kaso ng pagpatay sa Regional Chairperson ng Citizens Crime Watch sa Oriental Mindoro, kung saan Police Senior Inspector at Inspector (police awardee pa yung isa) yung nahuling mga suspect, at may mga kagamitan talaga sila na pang-riding-in-tandem
  • sa Zamboanga del Sur, yung nakunan sa CCTV na sundalo na pinagbabaril ng 2 na-identify bilang mga pulis
  • yung Mayor sa Mindanao at ang mga kasama niya na hinihinalang pinatay sa rubout
  • sa Ozamiz City, yung pagpatay o pagtumba daw ng mga pulis sa grupo ng mga suspek, at tila i-d-in-isplay pa ang mga bangkay nila sa harap ng munisipyo
  • yung kaduda-dudang raid laban sa mga Parojinog sa Ozamiz
  • sa Tondo, yung pulis na nakunan ng ibang CCTV na ipinaling sa ibang direksyon ang isa pang CCTV camera habang may police operation daw ang mga ito
  • yung pagkamatay ni Mayor Espinosa; nakakulong na, hinainan daw ng search warrant kahit na madaling araw na, nawawala ang kuha ng CCTV, at nakapanlaban daw
  • yung mabilis na pagre-reinstate dun sa Marcos (pulis ng Region 8 na sangkot sa kasalukuyang kaso/istorya ng mga Espinosa) at tila pagiging 'maluwag' ng mga kinauukulan sa iba pang pulis na involved
  • yung patuloy na pagkampi sa mga pulis ng Region 8, matapos ang findings na murder nga DAW yung ginawa nila laban kay Mayor Espinosa, hindi pa man sila napaparusahan pero may nakapangako na kaagad na absolute pardon para sa kanila
  • yung kidnapping ng isang civilian last October daw na nakunan ng CCTV, na ang sangkot ay mga pulis na hindi naka-uniform
  • yung kaso sa Lemery, Batangas kung saan may claim na nauna (higit na mas maaga) daw hinuli yung mga drug suspects nang mga naka-civilian na pulis na wala namang dalang warrant, pero hapon na noong kuhanan ng mga pictures at inventory na may kasama ng mga ebidensiya laban sa kanila
  • sa Tondo, yung 2 lalaki na napatay ng mga pulis dahil nanlaban daw, at tila binutas-butas pa daw yung katawan, pero nakunan naman ng CCTV yung maayos nilang pagsama sa mga pulis
  • sa Caloocan, yung ginawang pagtumba ng mga pulis sa 17 y/o na Grade 11 student na pinalabas nila na nanlaban
  • yung hinihinalang pagtumba dun sa 19 y/o na UP Passer
  • yung pagpatay ng isang pulis sa lalaking nanlaban DAW matapos mag-amok sa isang bangko sa Laguna na nakunan naman ng CCTV camera  
  • yung pamamaril ng isang lasing na pulis sa Misamis Oriental na ikinasugat ng 4 na katao 
  • yung nakainom na pulis sa Negros Occidental na namaril din at nakapatay
  • yung ginawang pananampal at panggugulpi ng isang sundalo sa isang bar sa Isabela, supposedly eh naka-duty daw siya, at nanggulo DAW doon dahil gusto ng nude dance/show
  • sa Sorsogon, yung pangho-holdap ng isang sundalo sa isang remittance center, na supposedly eh naka-duty rin siya during that time
  • yung pulis na nambugbog ng makulit na matandang lasing, at inilagay pa niya sa paso ang batas
  • sa Ozamiz, yung nakunan ng video na pananakit ng isang police chief inspector sa isang nahuling suspek
  • sa Quezon City, yung pulis na dati nang nasuspinde, na inaresto dahil sa pambubugbog daw sa kanyang stepson
  • sa Negros Oriental, yung pulis na nakunan ng video habang pinatapat ang tenga ng isang sibilyan sa muffler habang pinapaandar yung motorsiklo
  • yung pulis sa Sta. Mesa na namaril ng sibilyan na binu-bully DAW nito parati at sinaktan pa bago yung insidente, matapos na rumesbak yung biktima na may dalang bato at itak
  • yung buy-bust operation DAW sa Caloocan, na ginawa ng mga naka-sibilyan na naka-hood at mga naka-maskara at hindi na mga pulis, na natunugan DAW, kung saan 2 magbiyenan na drug-related suspects ang napatay sa loob ng kanilang pamamahay
  • yung napatay na 17 y/o sa Caloocan City na hindi naman target pero nadamay daw sa ginawang buy-bust operation, nakita daw siya na may baril kaya pinatay na
  • sa Maguindanao, yung 2 bata na edad 6 at 10 daw na nadamay at napatay sa ginawang anti-illegal drugs operation sa kanila, kung saan nasugatan rin daw yung 2 pa nilang mga bata rin na mga kapatid
  • yung pulis na namaril ng kapwa pulis sa Lipa City
  • sa Pasay City, yung miyembro ng army na nakainom, nagwala, at nakipagbarilan pa sa mga pulis
  • sa Caloocan, yung 2 pulis na nagbarilan ng dahil lang DAW sa toothpick
  • yung pulis na nang-rape ng sibilyan sa Calamba City, na ginamit DAW yung pagka-pulis niya para kunwari ay magpapatulong lang dun sa biktima
  • yung pulis na binaril yung menor de edad na isinasama lang DAW niya
  • yung pulis Mandaluyong na aksidenteng nakabaril sa Nasugbu, Batangas dahil DAW ipinagmamalaki niya yung baril na na-issue sa kanya
  • sa Angeles, Pampanga, yung 16 y/o na nagmomotor na aksidente daw na nabaril ng 1 sa mga pulis na sumita sa kanya
  • sa Manila, yung pulis na namaril sa isang bar, na napatigil gamit ang phaser gun
  • sa Agoncillo, Batangas, yung pulis na pumatay ng isang municipal nurse nang dahil lang sa away-pag-ibig
  • yung SAF na nambugbog ng traffic enforcer sa Bacolod matapos siyang masita na nagawa niyang traffic violation
  • sa Dumaguete, yung 5 pulis (hindi naman naka-uniporme o naka-duty) na nambugbog DAW dahil sa isang basketball game
  • yung nakunan ng CCTV na pulis (na naka-sibilyan) na nanggulpi ng lalaki na sinubukan na DAW humingi ng tulong sa mga pulis sa isang presinto ng QCPD, ikinulong pa nila yung lalaki at ipinaako DAW sa kanya lahat ng pagkakamali, at dahil yun sa away-trapiko pa rin
  • sa Mandaluyong, yung 2 lalaki na hinuli dahil sa pag-iinuman sa kalye, pero nakunan ng cellphone video na pinagpapapalo ng kahoy ng isang pulis
  • yung sa General Trias, Cavite, yung 3 pulis na nang-torture rin daw ng 2 preso at pinilit pa yung 2 na maghalikan habang nanonood sila
  • sa Tondo, yung pulis na pinaghahanap dahil sa indiscriminate firing, na posibleng handa lang daw para sa birthday yung pinag-ugatan
  • sa Manila, yung naka-AWOL na pulis na nagpaputok daw ng baril at nakatama ng 2 menor de edad, at nanapak pa daw
  • sa Antipolo City daw, yung jeepney driver na pinatay daw ng isang pulis Maynila dahil lang sa away-trapiko
  • yung nakunan sa CCTV na police escort na nakabundol ng batang estudyante, pero itinanggi daw na siya yung nakabundol at tinakasan pa yung biktima
  • yung pulis na nakabangga ng nasa pedestrian lane
  • sa Rodriguez, Rizal, yung road rage na nauwi sa barilan sa pagitan ng isang pulis at isang retired US navy, dahil dun ay nadamay at nabaril yung pasahero nung US navy 
  • sa Cabanatuan, yung 2 pulis na naka-droga na namaril at pumatay ng 2 katao, na ikinasugat ng 1 pa
  • yung CCTV footage na ibinigay kay Senator Lacson, na nagpapakita kung paanong tinaniman ng mga pulis DAW ng ebidensya ang isang opisina, tapos ay saka ni-raid yung lugar
  • yung na-hulidap na Korean, na nahingan na nga ng ransom yung pamilya, pero pinatay pa rin talaga yung biktima sa loob pa mismo ng kampo ng mga pulis
  • yung mga South Korean na na-hulidap sa Pampanga, na nakunan ng CCTV, na hinuli gamit ang alibi na sangkot sila sa illegal online gambling, na ilang oras ikinulong sa police station at pinakawalan lang matapos magbigay ng pera
  • sa Quezon City, yung 4 na pulis na nahuli dahil sa kaso ng kidnapping at extortion, isang lalaki at yung kasintahan niya ang naging mga biktima
  • sa Taguig, yung magkakasabwat na mga barangay officials at isang pulis sa pangingikil sa mga taong hinuhuli nila
  • sa Laguna, yung Kagawad at ang mga kasamahan niya na nangingikil daw ng mga dayuhan at mga kilalang personalidad bilang pangsuporta daw sa adhikain ng Hokage na Mahilig
  • sa Antipolo City, yung 4 na pulis na inaresto dahil sa pangingikil daw sa isang PWD, mukhang may mga props rin sila na mga baril at ilegal na droga
  • yung maramihang pagsibak sa mga pulis sa Parañaque dahil DAW sa mga kaso ng pangongotong
  • yung nasa 200 pulis daw na mukhang nandaya sa kanilang entrance exam
  • sa Ilocos Norte, yung 2 pasaway na pulis, na naka-off na daw sa duty, pero nahuli namang nag-iinuman sa kanilang presinto
  • sa malapit sa lugar ng giyera, yung kaso ng harassment ng isang sundalo yata yun laban sa mga estudiyante
  • ang patuloy at malaking bilang ng mga pulis na lumalabas na positibo sa paggamit ng ilegal na droga through drug test  (ang isa sa butas ng laban kontra sa ilegal na droga)
  • sa Las Piñas, yung opisyales na pulis na related sa PNP Crime Laboratory na nahuling gumagamit ng ilegal na droga sa isang drug den
  • yung PO1 na sangkot daw sa ilegal na droga at miyembro rin daw ng sindikato
  • yung 3 sundalo DAW na nahulihan ng mga drug paraphernalia sa Cebu City
  • yung nasa 160 pa na mga pulis na inire-recommend ng PNP-IAS na pagsisibakin na dahil sa involvement nila sa ilegal na droga
  • sa Bacolod, yung naka-AWOL na pulis na nahuli sa buy-bust operation
  • sa Catanduanes, yung nagbitiw na pulis na umamin na totoo DAW ang pagtatanim ng mga ebidensya at extrajudicial killings
  • sa Bacolor, Pampanga, yung government employee na biktima ng tanim-droga ng mga pulis at mga miyembro ng PDEA, yung hindi nagtugma yung written report sa kuha ng CCTV
  • sa Manila, yung 4 na senior citizen na naging biktima rin DAW ng tanim-droga at tanim-bala ng mga pulis, may kuha ng CCTV tungkol sa kuwestiyonableng operasyon nung mga pulis eh, namatay pa yung isang matanda sa loob ng kulungan
  • yung babaeng biktima daw ng tanim-droga teknik ng 11 Pulis Malabon
  • yung New Bilibid prison guard na sinubukang magpuslit ng hinihinalang ilegal na droga sa pamamagitan ng pagtatago nito sa loob ng kanyang brief
  • sa Cainta, Rizal, yung dating military intelligence officer na nahuling nagtutulak ng ilegal na droga
  • sa Pagadian City, yung bahay ng nag-AWOL na pulis na nakunan ng nasa Php 89,000 worth daw ng ilegal na droga

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
  • yung honor student na choir member na ginamitan ng karatula
  • yung 5 year old daw na bata na nadamay sa tangkang pagpatay ng mga hindi kilalang tao sa lolo niya
  • yung 5 year old na taga-Pasay na napatay habang natutulog dahil nadamay sa pagpatay sa tatay niya na siya daw target nung hindi nakilalang tao
  • yung pagkamatay ng bagong binyag na bata (na tinamaan ng ligaw na bala) sa Bulacan dahil nadamay sa pagpatay sa kanyang ninong na involved DAW sa droga
  • yung pagkadamay at pagkapatay sa isang manliligaw sa Quezon City dahil involved daw yung nililigawan niyang babae sa ilegal na droga
  • yung kaso sa NCR kung saan nadamay at natamaan ng bala ang isang sibilyan dahil sa paghahabulan ng mga pulis at ng isang suspek
  • yung 2 sibilyan sa Laguna na nagsisimbang-gabi lang sana, na nadamay (napatay yung batang babae) sa pamamaril  ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sa isang barangay tanod na related din daw sa ilegal na droga
  • yung tila 2 grupo ng tao na napatay sa Caloocan City, na either drug related daw yung isang grupo kung kaya't nadamay sa tumbahan yung mga miyembro daw ng frat, o dulot ng frat war na ang nadamay naman eh yung ilang drug related personalities
  • sa Caloocan, yung mag-live in partner na pinatay daw ng mga taong nagpakilala na mga pulis
  • yung 14 y/o na dalagita na nadamay sa pamamaril ng mga taga-tumba sa target nilang drug-related personality daw, sa Caloocan yata yun
  • sa Caloocan, yung 5 y/o na bata na nadaplisan ng bala dahil sa nangyaring tumbahan sa isang hinihinalang drug den, kung saan may mga napatay rin
  • hindi ko nakuha yung lugar, pero yung kaso kung saan may 1 napatay at 6 na nadamay sa pamamaril daw sa isang dating nagbebenta ng shabu
  • sa Tondo, yung 14 y/o na dalagita na natamaan sa mata at napatay ng ligaw na bala mula sa pamamaril ng riding-in-tandem, namaril DAW para takutin yung may pagkakautang sa kanila sa ilegal na droga eh
  • sa Makati, yung mga lalaking naka-uniporme daw ng pang-pulis na nakuhanan ng video habang nananakit DAW ng isang babae, may tutukan pa DAW ng baril na nangyari
  • yung Japanese na negosyante na mukhang planadong itinumba habang nasa bansa
  • sa Tondo, yung taxi driver, na kolektor daw na asset ng mga pulis, na itinumba ng riding-in-tandem, kaso ay tumagos pa yung bala sa ulo nito kaya may babaeng nadamay at natamaan din
  • yung pagtumba sa foreigner na sangkot daw sa ATM skimming
  • sa Caloocan, yung tricycle driver na itinumba sa hindi pa malamang dahilan dahil wala naman ang pangalan niya sa listahan ng mga drug-related personalities, at may nadamay at natamaan pa na ibang tao sa pamamaril na yun
  • yung pagpatay sa 14 y/o na supposedly ay kasama nung pinatay ng mga pulis na 19 y/o UP Passer, na sa Nueva Ecija na natagpuan

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas at patakaran sa bansa:
  • sa Pasay, yung target ng buy-bust operation na nakapatay at nakasugat ng mga pulis, grupo sila eh, at yung main target daw ay marami ng record ng krimen pero talagang nakakalaya pa rin
  • sa Siquijor, yung 2 babaeng estudyante na napatay sa pananaksak ng isang lalaki ng naka-droga at lasing din daw noon, according sa istorya ay may iba sana siyang papatayin dahil natakot siya na isuplong siya tungkol sa paggamit niya ng ilegal na droga, kaso ay ibang mga inosenteng tao yung napaglabasan niya ng kanyang kasamaan 
  • regarding sa pag-determine ng edad na pasok sa criminal liability, yung pulis sa Dipolog na ginulpi ng mga kabataan at untik nang mapatay matapos niyang umawat lang sa rambulan ng mga ito
  • sa Tondo, yung nakunan sa CCTV na rambulan ng mga kabataan sa gabi, kung saan makikita na nagpapaputok ng baril yung isa at nanuntok pa yung isa ng umaawat lang daw sa kanila, butas pa rin ito sa sistema ng pag-regulate sa mga baril at sa pag-determine ng edad kung kailan may pananagutan na ang mga mamamayan sa batas
  • in general, ang pagiging maluwag ng batas laban sa mga menor de edad na mga kriminal
  • yung kung sino pa yung mga aminado sa mga krimen na paulit-ulit na ginagawa nila o yung may solid na ebidensya regarding sa ginawa nilang krimen, eh sila pa talaga yung nananatiling buhay
  • sa Baguio, yung mga nahuling sangkot sa Basag-Kotse pero pinalaya rin naman kaagad matapos makapagpiyansa
  • regarding sa batas trapiko, yung 2 lola na parehong namatay matapos mabangga ng humaharurot na tricycle habang tumatawid sila sa pedestrian lane
  • dahil pa rin sa kawalan ng kontrol sa mga armas, sa Cavite, yung lalaki na hinuli at dinala sa isang motel at balak i-hulidap ng mga lalaking nagpanggap na miyembro ng PDEA at PNP
  • yung lalaking binaril ng isang motorcycle rider na posibleng dahil lang DAW sa naharangan niya ito sa kalsada
  • ang naging pag-atake sa Resorts World Manila
  • yung nangyaring saksakan at patayan ng mga high profile inmates sa loob ng Bilibid kahit na pinataas na DAW yung seguridad doon at mga SAF pa ang nagbabantay
  • yung panibagong kaso DAW ng VIP treatment para sa mga high profile inmates na lumabas sa balita nitong February 2017
  • sa Maynila, yung nakunan sa CCTV na matanda na tinutukan ng baril ng 2 naka-sibilyan na mga pulis dahil napagkamalan daw siyang magnanakaw 
  • sa Dasmariñas, Cavite, yung ikinulong nang dahil sa sakla, na pinatay ng mga nakasama nitong preso habang nakaposas siya
  • sa Lanao del Norte, yung bilanggo na pinatay sa loob ng kulungan ng mga kakosa niya
  • yung sikretong kulungan na nadiskubre ng CHR sa isang station ng MPD
  • eh yung pagtutumba sa mga persons of interest na iniuugnay sa Bulacan Massacre, gayung dapat ay pinoprotektahan na sila ng mga pulis para naman mapalabas talaga yung totoo tungkol doon sa kaso
  • yung kapabayaan ng mga awtoridad sa pag-handle sa suspek sa pangre-rape at pagpatay sa isang pageant winner sa Samal Island na nauwi sa panlalaban DAW nito at sa pagpatay sa kanya
  • yung kapabayaan rin ng mga awtoridad sa pag-handle sa suspek sa pangre-rape at pagpatay sa isang 8 y/o na bata sa Nueva Ecija, na dahilan kung kaya't nagawa DAW nitong mang-agaw ng baril at makapagpakamatay
  • yung kagustuhan ng kasalukuyang DTI na ibigay na sa mga negosyante at/o mga kompanya ang kakayahan na i-regulate ang suggested retail price (SRP) para sa mga produkto nila
  • yung pagkampi ng Supreme Court sa photobomber
  • ang hindi pagtupad ng PHLPost sa kini-claim nilang bilis ng paggawa at pagde-deliver ng Postal ID, at ang kahinaan ng support center nila
  • yung mali at mapanlinlang na paraan ng evaluation ng Department of Tourism sa performance ng kasalukuyan at nakaraang administrasyon
  • yung mga isyu na lumalabas ngayon tungkol sa BOC at sa mga mambabatas dahil sa ginagawang pananabon ngayon sa Customs
  • yung problema sa mamahaling elevator para sa pedestrian overpass sa Lipa City
  • yung pagkabasura ng Commission on Appointments sa pagtatalaga kay Lopez bilang secretary ng DENR na obvious naman na iginapang
  • yung pagkabasura ng Commission on Appointments sa pagtatalaga kay Taguiwalo bilang secretary ng DSWD dahil DAW hindi magagamit na gatasan yung ahensya sa ilalim ng pamumuno niya
  • yung pagri-reveal ni Attorney Anderson sa tangka ng isang mataas na opisyales na mag-promote ng isang hindi qualified na tao para sa Bureau of Customs
  • ang kabulukan ng hustisya, yung ginawan na nga ng grupo nina Failon ng pabor ang buong bansa, pero talagang sila pa yung kinasuhan dahil lang sa binayaran na yung obvious na ninakaw na pera ng gobyerno noon
  • yung sapilitang pangunguha ng mga miyembro DAW ng Kadamay ng mga housing projects sa iba't ibang lugar, at ang pagkunsinti sa kanila ng gobyerno
  • sa Alfonso, Cavite, yung 2 preso na nakatakas at nadala pa yung police mobile, matapos na maisipan na kumain na muna nung 4 na police escort nila
  • ang kakayahan ng mga miyembro ng mga teroristang grupo na mapakawalan o makatakas pa sa kamay ng batas
  • yung naging pagsabog sa Quiapo na nakasugat ng nasa 14 na katao daw, at nangyari yun kung kailan supposedly eh mataas ang seguridad sa bansa lalo na sa NCR
  • sa Pandacan, yung 7 buwan na sanggol na nagtamo ng 3 tama ng baril dahil sa isinagawang anti-illegal drugs operation sa kanilang lugar
  • follow up para sa 7 months old na sanggol news, hindi pala nagkusa yung mga pulis na imbestigahan kung sinu-sino nga ang totoong nakabaril doon sa bata, at may claim pa na diniktahan lang daw para pumirma sa affidavit yung lola nito
  • sa Pasay, yung pulis na naglabas at nag-display ng kanyang baril habang nakikipagtalo sa 2 binatilyo
  • sa Pasay, yung itinumba na negosyante na may-ari ng furniture shop na hindi daw kaagad hinayaan ng mga pulis na maisugod sa ospital
  • yung 73 y/o na lalaki na nakaladkad at nagulungan pa daw ng bus, na hindi na naman hinayaan kaagad ng mga pulis na maisugod sa ospital
  • yung hindi magkatulad na magkahiwalay na statements nung taxi driver na hinoldap daw nung 19 y/o UP Passer, na hindi rin tugma sa report ng mga pulis, at tila nagtatago na yung driver ngayon
  • yung kuwestiyonable at kusang pagpapa-DNA test ng mga pulis sa bangkay nung 14 y/o na kasama ni UP Passer kahit na wala namang nagre-request nito, at yung pagdedeklara na hindi naman dun sa 14 y/o yung bangkay na yun
  • yung hinihinalang bagong kaso ng paglabag sa Anti-Hazing Law kung saan napatay yung isang UST Law Student
  • yung kuwestiyonableng naging kahinaan ng seguridad sa Marawi sa kabila nang patuloy na pagkilos ng mga terorista sa Mindanao, sa kabila ng patuloy na mga bantaan mula sa magkabilang panig, at sa kabila ng pagkakaroon ng malaking halaga ng intelligence fund
  • yung pagkatumba sa 4 na suspected na miyembro ng Maute habang ibinabiyahe sila, ito ay sa kabila nang may ipinapatupad ng Martial Law sa region na yun
  • yung lalaking napagkamalan daw na miyembro ng Maute at hinihinalang t-in-orture ng mga sundalo
  • yung may mga nangyayari pa rin daw na nakawan sa mga lugar sa Marawi na kontrolado na ng mga militar
  • yung posibilidad daw na nakatakas na yung mga lider ng mga terorista sa lugar ng digmaan, gayung may claim rin ang mga awtoridad na kesyo natunugan naman daw nila yung tungkol sa pagtakas
  • yung pagpapadala ng mga tiwaling pulis sa lugar ng digmaan, sa halip na sibakin na sila sa trabaho at hindi na pasuwelduhin pa ng mga mamamayan
  • yung mukhang may nakapasok na daw ulit na mga armadong grupo sa lugar ng giyera
  • yung pagpapababa daw ng DOJ sa kaso ng Marcos Police Group
  • kasali pala yung Dictator Clan sa problema ngayon sa Norte
  • ang pag-amin ng miyembro ng Dictator Clan na binalewala nga nila ang proseso ng bidding sa kanilang pamimili
  • yung VIP treatment sa isang opisyales, kahit alam naman nila yung patakaran na nagbabawal nga sa kanila na pumunta sa mga casino
  • yung Representative na gusto ng VIP treatment para sa kanilang hanay regarding traffic violations
  • yung pagbibigay ng mga naluklok sa katungkulan ng Php 1,000 lamang na budget para sa CHR, at iba pang ahensya ng gobyerno para lang ipakita ang kakayahan nila na manggipit

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung pagkamatay ng isang 9 year old na bata, na pinaghihinalaang pinatay ng mga menor de edad; na natagpuan yung bangkay na nakagapos ang mga kamay, na binugbog daw, pinutulan ng mga daliri, at may hiwa pa sa tiyan
  • yung pagsu-suicide daw ng isang Director Villa ng ERC dahil sa katiwalian sa trabaho nila
  • isama na rin yung pagkalat ng mga fake news at paid trolls sa social media
  • ang maya't mayang pagpapalabas ng fake news o mind-conditioning news ng mismong mga nasa katungkulan
  • yung mali-maling listahan na inilabas ng Napolcom
  • yung Oplan Cyber Tokhang
  • yung mga sundalo sa Marawi na napatay sa sarili nilang air strike na laban sana sa mga terorista
  • yung isa pang air strike na sa labas naman daw ng Marawi nangyari
  • yung isa na namang air strike na nakapatay sa sariling mga kakampi, pangalawa yata yun na nakapatay at ikatlo ng error
  • ang maya't mayang pag-target ng gobyerno sa basic needs para gawing gatasan ng buwis
  • yung kagustuhan na patawan ng malaking buwis ang papremyo sa Lotto
  • yung naaprubahan na 24% increase sa cargo handling tariff
  • eh yung pati pagkanta sa Pambansang Awit ay balak nang lagyan ng limpak-limpak na halaga ng penalty
  • yung pahayag ng ilang kabilang sa Bilibid 19 na babaliktarin nila ang kanilang nakaraang mga statements kung ililipat sila ng piitan
  • yung paggamit ng PNA sa logo ng kompanya ng agricultural products para sa Department of Labor and Employment
  • yung naparangalan ang isang pulis na posibleng may ginawang iregularidad sa pagpapatupad ng batas 
  • yung ayaw mag-imbestiga nang husto puwerket may kilalang apelyido na nadadamay, di tulad sa kaso ng ibang mga tao na paspas ang mga pagpapahiya at panghuhusga
  • yung kapag nasa tuktok ang nagsasalita ng kung anu-anong masasama ay hindi nila kinokontra, pero kapag hindi na nila kakampi sa pulitika yung nagsasalita ng hindi kanais-nais para sa pananaw nila eh idinadaan nila sa sistema
  • ang pag-tolerate ng ibang mga mamamayan sa mga pinuno na obvious na mga magnanakaw
  • yung pakikilinis ng One Social Family Credit Cooperative sa pangalan ng Dictator Clan
  • yung sinasabing hacking daw ng mga e-mail address ng mga tauhan ng mga kalaban sa pulitika
---o0o---


October 7, 2017...

sa Angeles, Pampanga..
yung nagmo-motor na menor de edad na nabaril ng mga pulis na humabol at sumita daw sa kanya..
may kuha naman ng CCTV maliban yata dun sa instance na nabaril yung biktima..
may kasama rin na babaeng pulis sa insidente na yun, at parang sila yung nagpambuno nung biktima..
16 y/o lang daw eh..
wala naman daw masabi na kaso laban dun sa binatilyo, at accidental firing daw yung nangyari..
ang masama eh tinamaan daw sa spinal cord yung biktima...

3 pulis na rin daw naman yung inalis sa puwesto kaugnay ng kaso na 'to...

was feeling , bakit nakalabas yung baril..? pumutok tuloy...

---o0o---


October 8, 2017...

sana yung mga totoong problema ng mga mamamayan ng bansa eh ituring na rin na mga 'kalaban' ng mga nasa katungkulan...

para mabilis rin yung pag-aksyon nila..
ASAP ang pagkakampihan..
at paspas din ang mga usapan...

was feeling , ganyan kayo eh...

---o0o---


October 9, 2017...

sinungaling rin yung Panot na yun..
lolokohin pa ang international community...?

sa dami na ng mga napatay na nakaposas..
sa dami na ng mga napatay na persons of interest..
sa dami na ng mga napatay na pinagpatayan ng mga CCTV..
at sa dami ng mga napatay na mga inosente..
sa kabila ng lahat ng yun iginigiit pa rin nila na walang nangyayari na mali...?

sa bagay..
nasa maganda at ligtas na katatayuan kasi siya sa lipunan eh..
kaya hindi nga naman niya kailangan na mangamba para sa sarili niya...

was feeling , parang mga sarili na lang nila yung niloloko nila...

>
nag-sorry yung Kalbo..
anlakas na naman makabida nun..
iisipin na naman ng mga panatiko na mabuti yung marunong umamin sa nagawang pagkakamali at marunong humingi ng kapatawaran...

sa makapag-sorry sila..
kung nasa puwesto pa rin naman yung mga naninira ng CCTV..
eh wala ring silbi...

was feeling , puros pakitang-tao...

---o0o---


October 12, 2017...

ang tindi ng Congress...

parang assassins' guild...

was feeling , mga pokpok ng Hokage...

>
hindi ko narinig kung saan nangyari..
pero kumakalat na nga ang turo ng mga Mayor Slayer...

yung recent na balita..
tungkol sa CCTV camera na ipinihit sa gitna daw ng police operation...

regarding dun sa kaso dati..
ang depensa ng mga tiwali eh kesyo ginalaw daw nila yung mga CCTV para hindi matunugan ng mga target nila yung operation nila..
at para hindi daw makilala yung mga informant na kasama nila..
pero kung tutuusin eh parang pantanga yung alibi na yun..
ang tanging paraan lang kasi para matunugan sila ay kung may bantay na nanonood sa mga CCTV footages..
pero kung isasabotahe nila yung mga CCTV eh hindi ba maaalerto rin nun yung tagapagbantay, lalo na kung marami yung gamit nilang CCTV...?

kaya malamang ang rason lang talaga kung bakit sinasabotahe ang mga CCTV eh dahil may plano na talagang iregular at masama...

was feeling , naituro na ang Jutsu...

---o0o---


October 13, 2017...

update tungkol latest na insidente ng pagsabotahe sa mga bayani na CCTV...

sa Tondo pala yun nangyari..
at nahuli ng ibang CCTV yung ginawang paggalaw dun sa CCTV camera..
3 daw lalaki ang napatay kaugnay sa insidente na yun..
the usual story naman, kesyo mga drug-related daw noon pero hindi para manlaban..
ang palusot ng mga awtoridad..?
kesyo ch-in-eck daw kung gumagana yung CCTV kaya ipinaling..
samantalang mache-check lang naman kung nagana nga yung CCTV kung may access dun sa monitor...

was feeling , ang gagaling kasi ng mga teacher nila eh...

>
hala!
nagpakilos na ng mga e-mail hackers... :(

was feeling , ang galing talaga ng alyansa ng kasamaan...


Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of October 2017 (Advance Booking)

[V-League]

PVL Collegiate Conference - The Bad Ending


October 7, 2017...

Semifinals - Round 2

untelevised Saturday... :(


AdU Versus FEU

25-21 ang Set 1, nakuha yun ng Adamson..
mukhang nagdikdikan naman sa Set 2, umabot sa 25-27 ang score, nakatabla ang FEU..
tapos sa FEU na ulit ang Set 3, 20-25..
sa Set 4, nakabawi na ulit ang Lady Falcons with 25-23..
kaso sa pagkakataon na 'to eh sila na yung kinapos sa Set 5, 11-15...

according sa news..
wala sina Flora at ang service specialist ng Adamson na si Uy..
sila kasi yung na-assign na maglaro sa UAAP beach volleyball for this season..
maganda naman ang laro nina Soyud at Permentilla na mga dating Archers, with 20 points each daw eh..
kaso nagka-sprain ang Libero nila na si Tempiatura sa 5th Set..
tig-12 points sina Dacoron at ang ngayon na lang ulit ginamit ni Coach Padda na si Roque..
11 points naman ang naging ambag ni Perez..
kaso kahit na maganda yung naging performance nila sa scoring eh nagpakawala naman sila ng 43 points...

unang talo 'to ng AdU sa conference na 'to..
at dahil dito ay napalapit sila sa hulog sa Championship, na yun sana ang best gift para kay Galanza..
kailangan ring i-consider ng Adamson na delikado ring kalaban ang Arellano, kaya mas maige sana kung at least 2nd Place ang ipu-pursue nila...


NU versus AUN

sa NU ang Set 1, 25-17..
nanlaban ang Arellano sa Set 2, napaabot pa yung set sa 26-28..
nadala ng Arellano ang momentum hanggang Set 3, 17-25..
tila nagalit naman ang NU sa Set 4, overkill na nilaro-laro din, 25-13..
naunang mang-iwan ang Arellano, pero nakipagbawian ang NU ng lamang mula sa set point ng Arellano, natapos ang Set 5 sa 20-18...

sobrang gandang effort para kina Prado..
NU pa man din yung nakatapat nila..
tinapos ng NU ang Semifinals nang wala pa rin silang bahid ng pagkatalo..
at may bonus pa silang rest day bago ang Finals...

was feeling , team, pakibigay naman ng nararapat para kay Galanza...

---o0o---


October 9, 2017...

Semifinals - Do or Die Game 3

lagot, bitbit ng FEU si Pons just in case..
parehas ngang present ang mga Ace Player ng bawat team, pero ang pagkakaiba ay wala namang kakayahan si Galanza na maglaro ngayon... :(

maagang nang-iwan ang FEU sa Set 1 pero nakahabol naman ang Adamson..
putang ina ipinasok na si Pons sa Set 1, hindi na patas ang laban..
tuso 'tong FEU, naninigurado na ng Finals seat..
pero mula 19-21, eh lumaban ang Lady Falcons para tapusin yung set with 25-21..
medyo preview na 'to ng UAAP ngayon...

maaga ulit na nang-iwan ang FEU sa umpisa ng Set 2, pero okay rin yung ipinakita na paghabol ng Adamson hanggang 20-22, kaso sa 20-25 natapos yung set dahil sa mga errors..
dikitan ang laban sa Set 3 kahit na medyo nagagalit na si Coach Padda, kaso pinakawalan pa ng Falcons yung lead nila sa bandang dulo at natapos yung set sa 22-25..
sa FEU na ang Set 4, natapos ang laban 18-25, 1-3 sets...

bad news..
nawalan na ang Adamson ng pag-asa na makaabot sa 2nd Place..
masakit yun para kina Galanza at Coach Padda..
kund hindi lang sana nila pinakawalan yung Game 2..
maganda rin naman ang ipinakita ng team nila ngayon laban sa buong pwersa ng FEU, pero hindi pa rin consistent..
delikado rin sila laban sa Arellano...

was feeling , team naman, wala na ang 2nd Place, 3rd Place na lang ang maiaalay ninyo para kay Galanza...

---o0o---


October 11, 2017...

Finals

AdU versus AUN

ayun na nga ang nangyari dahil wala si Galanza..
0-3..
wala man lamang nakuhang set ang Adamson...

mukhang katapusan na 'to ng paghahabol nila ng award..
nasayang ang lahat nang dahil sa injury..
nasaktan lang si Galanza para sa wala... :(

kung gusto nila na masungkit pa rin ang 3rd Place, in case na tapusin na ng NU ang Championship sa 2nd game..
kailangan ng Adamson na talunin and Arellano within 3 sets..
at dapat tambakan nila sila, tipong 25-10 ang bawat set...


NU versus FEU

3-1 sets..
panalo ang NU...

at dahil rin sa pagkapanalo na yun ay mas lumiit na yung tsansa ng Adamson na masungkit ang 3rd Place kung matatapos na yung Championship match sa 2nd game pa lang...

was feeling , pati si Galanza at ang Adamson eh minalas na nang dahil sa akin eh...

-----o0o-----


October 8, 2017...

medyo may mga kinausap na ako...

si Miss Burger eh retirado na daw..
pero according to previous sources eh selective na lang yung operation na ginagawa niya..
so hindi magandang ipilit...

tapos medyo in-interview ko na rin si Cora..
wala naman siyang braces..
and she's already a mom..
parang gusto ko rin naman kasing makakita ng maganda-ganda...

sa potential sources naman ng data..?
well, there are 3 na matagal na niyang nakatrabaho..
pero kagagaling lang nung isa sa mahabang hiatus..
kaya bale 2 lang yung nakasama ni Miss C nang matagal nitong nakaraang dalawang taon..
si Miss Y at si Miss Al..
parehas na hindi naman looker, pero sila yung may data..
so pag-iisipan ko pa kung sino yung mas makabubuting i-pursue sa pagitan nilang 2...

para sa impormasyon..
kunwari na lang eh gagastos ako sa pagta-travel...

was feeling , Lottery, please guide me...

---o0o---


October 9, 2017...

[Movies]

Seven Sundays

una..
parang maganda yung Seven Sundays..
parang The Greatest Love din, istorya ng pamilya..
pero yung ama naman ang buhay sa version na 'to..
pero parang papalapit na rin siya sa kamatayan..
apat rin ang mga anak at hindi rin sila magkakasundo...



The Barker

LOL, Coco at Bella, parang Ang Probinsiyano lang..
balik-tambalan na sina Empoy at Shy (mula sa TV 5)..
ambangis ni idol sa action..
idol na idol rin ang buhok...

credit goes to the owner and uploader of that video...

— feeling , ambangis...

>
parang hindi ako aabot..
with less than 14 days..
tapos kailangan pa ng double render nung ibang eksena...

was feeling , 60-page target...

---o0o---


October 10, 2017...

sorry sa mga benefactor ko... :(

nakapag-set na kasi ako ng appointment kanina..
kina Cora at Miss Al...

pakiramdam ko lang na kailangan ko 'tong gawin..
para mahanap ko sa totoong mundo si Miss C..
alam kong hindi magandang timing..
ganun naman lahat sa buhay ko eh - parating wrong timing..
kasalanan ko rin dahil kung saan-saan ko nilalagay ang puso ko..
alam ko rin na posibleng mabigo na naman ako nang matindi sa bandang huli..
pero gusto ko talaga siya eh..
kung sa huli madidiskubre ko na happily married na siya at hindi separada - edi at least mawawala na yung "what if"..
edi makakasuko na ako nang tuluyan...

babawiin ko na lang yung mawawala kong kita gamit yung Google ko...

tsaka..
kapag inabutan ako ng lindol sa lugar na yun, eh alam na..
baka nga ako ang may dalang kamalasan sa mga tao sa paligid ko...

was feeling , Huling Sayaw...

---o0o---


October 11, 2017...

[Online Marketing]

pumasok na yung benta galing sa promo..
fortunately, yun rin yung may pinakamalaking palitan ng USD to PHP, dahil sa hina ng ekonomiya ng bansa ngayon..
fortunately - kasi in terms of number eh mas malaki talaga siyang tingnan, pero hanggang dun lang yun...

problema ko na lang talaga eh yung pag-transfer...

siguro kapag nagkaroon na ako ng 5th issue, eh dapat na akong maglabas ng volume sale..
kagaya sa mga manga..
siguro kada-5 issues eh pwede..
bilang marketing strategy na rin...

pero sa ngayon eh matrabaho talaga 'tong Halloween issue...

was feeling , salamat mga foreigners!

>
[Gadget-Related]

isip ako nang isip kung paano ko mate-testing yung PayPal to GCash..
yun pala eh Marshmallow yung isang panghiram na smartphone dito sa bahay..
yung panghiram nung marami nang nawasak na phone...

naman..
gumana ka please...

was feeling , andami kong sinayang na panahon...

>
[Gadget-Related]

ayun..
may nagawa pala akong pagkakamali according sa mga pro na sa 3D arts...

basically, hindi na lang sa display kayang tumulong ng GPU ng Graphics Card..
kundi pati na rin nga sa halos lahat ng may kinalaman sa graphics..
although tama naman na NVIDIA compatible yung nabili kong Graphics Card..
hindi ko naman na-consider yung CUDA cores, na software technology na mas kaya pang pataasin yung efficiency nung Graphics Card..
unfortunately for me, 96 lang yung CUDA cores nung sa akin..
samantalang at least 1024 nga yung sina-suggest sa akin...

CUDA cores, noted...

kaya ayun..
wala akong rason para mag-upgrade ng RAM kung hindi rin naman makakasabay yung Graphics Card...

was feeling , kaya pala hirap ako sa mga mas komplikadong renders...

---o0o---


October 13, 2017...

[Gadget Related]

ano ga yun..?
24 GB na ang kinakain ng Windows 10 sa kasusubok lang na i-download yung version 1703...

eh mahigit 40% na yun nung luma kong hard disk eh... :(

was feeling , ang aksaya...

>
[Gadget Related]

holy crap!
Php 12,600 para sa 1024 CUDA cores..?
eh makakabili na ng basic laptop sa ganung halaga eh..
samantalang yung sa akin ay Php 2,850 para lang sa 96 CUDA cores... :(

— feeling , 96 to 1024.. imagine the difference...

>
[TV Series]

Wild Flower

nakakaumay na yung istorya..
talo, panalo, talo, panalo, talo..
pero understandable naman kasi nga character story naman siya...

at kahit na hindi na realistic yung ginagawa nilang artistic at dramatic na pagpapatayan o attempt para magpatayan..
kung tutuusin eh naipapakita pa rin nga nun yung realidad dito sa bansa..
kung paano lumalaban yung mga matitino laban sa mga corrupted na mga mamamayan na patuloy na kumakapit sa kasamaan..
at kung paanong hinding-hindi talaga basta-basta natatalo ang kasamaan kung hindi rin lang sila papatayin...

was feeling , eh sa yun yung paraan ng sining nila eh...

---o0o---


October 14, 2017...

[Gadget Related]

another checkmate for me... :(

ewan ko ba kung nasaan yung balat ko at hari talaga ako ng kamalasan...?

walang silbi kahit na Marshmallow pa yung smartphone..
nabiktima na naman ako ng maling pagkakataon..
dahil standard SIM Card ang gamit ko na mula pa sa lumang panahon..
eh hindi nga rin pala ako pwedeng gumamit ng mga smartphone na gumagamit lang ng nano- at micro- SIM...

hindi ko rin naman pwedeng isugal na tapyasin yung standard SIM ko..
dahil bukod nga sa may mga pera pa yun..
eh konektado na rin yun sa maraming bagay..
kaya sobrang laking risk kung masisira siya...

putang ina!
BDO na lang pala talaga yung pag-asa ko..
problema ko pa ngayon dahil nakapagpa-book na ako...

is feeling , nice one, FATE! supalpal na naman ako...

-----o0o-----


[Public Interest]

Globe Changing the Time of Expiration of Prepaid Load - 2nd Experience


October 10, 2017...

busy day...

tapos nakiagaw na naman ng oras yung Globe..
nabitkima na naman ako ng delaying tactics ng mga bobo na taga-sagot ng telepono... :(

same bad experience..
sa padalawa kong Balance Inquiry eh napalitan na ulit yung date/time ng expiration ng load ko..
from past 9:00 AM eh napaaga na naman sa 12:00 AM..
tapos messages from the future na naman yung nangyari..
October 10 pa lang ngayon, pero lahat ng Balance Inquiry ko eh pang-October 11 na kaagad yung date...

ang weird..?
sinubukan ko ring mag-Balance Inquiry para sa ibang Globe prepaid number na nasa bahay..
pero tugma yung expiration nung sa number na yun sa date/time ng pagre-reload niya..
at tama rin na October 10 yung reply sa kanya ng system...

was feeling , si Emoji-Girl na lang ang pakunswelo ko ngayong araw eh...


Friday, October 6, 2017

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - First Week of October 2017 (She's Gone II)

[V-League]

PVL - Collegiate Conference


September 30, 2017...

triple match untelevised Saturday... :(


UP versus AUN

2-3..
pinahirapan ng Arellano ang UP..
pero paano kaya yun nangyari..?
25-22, 10-25, 19-25, 34-32, 3-15..?
talagang pinahirapan ng Arellano ang UP kung ganito yung score..
anak ng, sinu-sino lang ba ang naglaro sa UP..?
si Dorog lang naman yung na-mention na na-injure eh..
10-25 at 3-15 eh overkill eh..
pinakawalan na naman nila ang tsansa nila na makapasok sa Semifinals...

anyway, this could be a good news para sa Galanza-less na Lady Falcons..
hindi na importante kung maging 1st o 2nd seed sila ng grupo..
na-sweep nila noon ang Arellano..
so baka naman may tsansa pa sila sa Battle for Third...


CSB versus TIP

nice one, TIP, nakuha nila ang Set 1..
natapos sa 3-1..
last game ng Saint Benilde, at TIP lang ang natalo nila sa kanilang grupo..
2 sets naman lahat-lahat ang nakuha ng TIP sa pagsali nila sa PVL...


ADMU versus NU

at natapos na nga ang karera ng Ateneo..
1-3..
sige NU, ipakita ninyo sa amin kung paano ninyo wawasakin ang 3-peat attempt at ang dynasty sa Season 80...

was feeling , Team Caloy, anong nangyari...?

---o0o---


October 2, 2017...

End of Eliminations

nanonood si Galanza.. <3
nakalugay lang tuloy yung buhok niya ngayon...

siguro nga may rason kung bakit hindi malala yung naging injury niya, kahit na parang grabe na yung naging lagay ng ankle niya matapos yung aksidente na yun..
we'll see sa Season 80...

pasaway na pasyente..
itinutuon na yung paa..
hindi sinusuportahan ng saklay... XD

para sa credit sa photo, kindly check the watermark...

— feeling , panonoorin ko rin 'to kahit audience lang siya eh...


FEU versus LPU

ang weird..
bakit sila gumagamit ng point-system kung hindi naman nila yun susundin..?
magkakaroon daw ng additional game kapag nagtabla ang ADMU at FEU eh...

Pons-less at minus Libero na FEU..
si Basas na ang Captain..
bale galing pala si Pons sa international tournament, kasama si Rondina..
tapos gusto ng Coach nila na mag-focus na muna si Pons sa beach volleyball sa ngayon, under UAAP na yata yun..
since yun nga yung sadyang liga ng FEU, at parang pang-extra experience lang naman 'tong PVL..
pero tama rin naman yung desisyon na yun in case na yun nga yung sundin ng FEU, since halos obviously eh sa NU na ang tournament na 'to sa PVL...

nagkalat ang FEU sa Set 1, pero medyo nakahabol pa rin naman sa 18-25..
palaban talaga ang LPU at nag-e-error pa rin ang FEU, 6 Set Points ang pinakawalan para sa Set 2, natapos sa 28-26..
parang nawalan na ng lakas ang LPU sa Set 3, 25-15..
natapos ang laban 3-1 set, sa score na 25-17 sa Set 4...

nagpapakita lang 'to kung gaano kalaking kawalan ang mga Ace Player laban sa mga teams na may kakayahan..
kung ganun pa rin ang lineup ng FEU sa Semifinals, eh baka may pag-asa pa ang AdU hanggang sa 2nd Place...


AdU versus SBC

hindi na tuloy nagkalaban sina Galanza at Racraquin, na naging teammates sa Creamline..
pero kailangan na ulit maghabol ng AdU bilang 1st seed in case nga na ipapahinga si Pons ng FEU..
that way magkakaroon sila ng tsansa para sa 2nd Place na ending...

nasasamantala nga ng San Beda ang kawalan ni Galanza sa Set 1, 22-25..
pursigido rin 'tong sina Racraquin, nakadikit pa sa 25-23 sa Set 2..
nagkakaroon na ng confidence ang Adamson, sa 25-16 natapos ang Set 3..
napabayaan naman ng Adamson ang kalamangan nila sa Set 4, at naagaw yun ng San Beda sa score na 21-25, tapos na sana yung laban eh..
dikitan sa simula ng Set 5, pero tinapos rin naman ng Lady Falcons sa 15-11...

well, ibang-iba talaga ang depensa ng Adamson kapag wala si Galanza..
walang sure ball na sasalo ng bola sa bandang likod sa tuwing nahihila na yung depensa sa harapan..
sobrang dami rin nga nilang napakawalan na errors, kaya hindi maging consistent ang momentum nila..
pero a win is still a win kahit na medyo disappointed si Coach Padda..
sigurado namang masaya siya dahil nga marami silang tinalo na teams mula sa group nila..
na-sweep nila ang Eliminations with 5-0..
at FEU ang makakaharap nila sa Semifinals..
labanan ng mga walang Ace Player...

was feeling , salamat Lady Falcons sa pagpapangiti kay Galanza ngayong gabi...

---o0o---


October 4, 2017...

Semifinals


NU versus AUN

na 3-0 ang Arellano..
pero wala ng nakakagulat dun...


AdU versus FEU

televised yung laban nila..
at nanonood na naman ang Queen Falcon... <3

okay naman ang Set 1, dikitan ang laban, 21-25, si Duremdes pa talaga ang kumuha nung set point..
nakalayo ang Adamson sa kalagitnaan, pero hindi kaagad nila na-close yung Set 2, nagkalapit pa sa 25-22..
andaming error ni Emnas sa laban na 'to, nakabawi rin ang FEU sa tulong ng bench nila, natapos ang laban sa Set 3 sa 20-25..
maganda naman ang ipinakita ng Lady Falcons habang papalapit na sa 25, naisarado nila yung Set 4 nang may pinakamalaki nilang lamang, 25-14..
maganda ulit ang performance ng Adamson hanggang sa technical timeout, at masaya na silang naglalaro ngayon, isinara nila ang Set 5 sa score na 15-8..
natapos ang laban sa 3-2, in favor of Adamson...

was feeling , 1 na lang team, malapit na kayo sa pag-abot sa 2nd Place para kay Galanza...

-----o0o-----


September 30, 2017...

after almost 6 years..
ngayon ko lang nakita na kalbo si Valentina Nappi..
pero pakiramdam niya eh para siyang alien...

lovely.. <3
her best form..
perpektong babae na siya ngayon...

was feeling , pambawi naman sa masasamang karanasan...

>
[Career], pasensya ka na..
alam kong hindi ako dapat nagsasayang ng oras ngayon..
mas mahirap yung Halloween Special, dahil nga mas maraming characters..
at may target date na talaga tayo..
pero kasi pinagti-trip-an nila yung pinaghihirapan nating mga pera eh... :(

mahirap magtrabaho kapag may bumubwisit sa isip mo..
dapat payapa lang yung isip..
yung ideas lang para sa script ang dapat na andun..
dapat relax lang..
dapat inspired..
dapat yung mga alaala lang ng Pasig ang nananaig..
at dapat may halo ring L...

was feeling , Valentina Nappi, please inspire me...

---o0o---


October 1, 2017....

wasak na naman ang araw ko umaga pa lang..
may double threat para sa akin... :(

it'll be a very busy day..
schedule ng general cleaning..
kailangan pang gumawa at mag-e-mail ng report para sa micro-business..
maramihan na namang grocery sa Tuesday..
tapos may panibago na namang art project..
ang gusto pa eh rush..
and of course, that's for FREE... :(

it'll be another very busy day..
pero heto ako, at nagpapasa na naman ng masasama kong alaala at thoughts sa Facebook..
para lang maiwasan ko na makimkim ang lahat ng sama ng loob sa dibdib ko...

f*ck, may ginagawa akong Halloween Project...

wala eh..
wala talagang halaga yung mga ginagawa kong labor..
sa Php 104,000 ba eh tama lang na hawak na nila ang buhay ko...?

bukod dun sa art project eh mawawala pa ako ng isang buong linggo sa December..
f*cking babysitter job..
at kapalit nun eh madi-disable rin lahat ng 5 kong hawak na raket..
yung micro-remittance, yelo, nano-store, loading station, at lalo na yung comics..
so paano ako kikita ng pera sa panahon na yun..?
paano ako makakapag-ipon ng mga pambayad ko...?

bakit ba kasi hindi nila maintindihan na yung trabahong ginagawa ko ay hindi yung tipo na susuweldo ako kahit na tumangla lang ako sa maghapon..?
ni hindi nga yun yung klase ng trabaho na pwede kong ihabilin sa iba, at kikita pa rin ako sa bandang huli..?
kapag hindi ako kumilos, eh tigil rin ang daloy ng pera..
tapos ang gusto nila eh pati mga sideline ko eh ititigil para lang sa pamilya nila...?

kung tutuusin, kasalanan pa rin 'to ng mga gumawa sa akin eh..
kung hindi sana sila mga walang kuwentang magulang..
kung nag-family planning lang sana sila..
lalo na yung demonyong lalaki na yun na sa halip na makatulong sa pamilya, eh siya pang nakikihati sa pera dahil sa pagsusugal at iba pang mga bisyo at pangungutang niya..
kung sila sana ang gumawa sa mga responsibilidad nila sa akin simula noong bata pa ako, edi sana hindi naipasa yung mga utang na loob ko sa iba pang mga tao..
edi sana eh hindi alipin ang tingin nila sa akin ngayon... :(

bakit ba hindi pa nila ako diretsahin..?
bakit ba hindi pa nila sabihin na magsimula na akong maghukay ng libingan ko umpisa pa lang ngayon...?

ayoko sanang sumamba sa pera eh..
pero yun lang talaga yung makakapagpalaya sa akin eh..
Lotto na lang yata talaga ang makakatulong sa akin para mapagsasampal ko na ang mga taong yun ng pera...

pero hindi ako pwedeng sumuko..
wala akong sapat na motibasyon para mabuhay para sa sarili ko..
kaya kailangan kong humiram ng will mula sa mga benefactor ko...

gaya nga ng sabi ng isa kong kaibigan noon..
sure win naman ako sa ultimate goal ko eh..
someday mamatay na rin ako, at siguro magiging payapa na ang lahat after that..
kailangan ko na lang umiwas sa brutal na kamatayan..
pero bago yun, kailangan ko munang makabawi sa mga taong totoong nakatulong sa akin...

was feeling , tang ina! kailangan ko yata ng Pasig therapy...

---o0o---


October 2, 2017...

yan na nga ba ang sinasabi ko... :(

kache-check ko lang nung account ko gamit ang isang unit na hindi konektado dito sa kahit na anong degree..
at trackable na nga ako... :(

tsk..
kahit na sobrang ingat ko sa pagtatago ng mga totoong personal details ko, eh talagang nakikita at nakikita pa rin..
anak ng facial recognition yan..
kailangan nang mag-ingat sa pagta-tag simula ngayon...  :(

[Contact Detail] pa lang eh lason na... :(

was feeling , kaya nga ba ayokong nadadamay yung [Contact Detail] sa mga laban eh...

>
mas lumalala pa yung sitwasyon dito sa bahay... :(

nasasakripisyo na yung mga house chores..
pati pagbabayad ng mga bills eh kailangan pang i-adjust sa schedule ng pamilya nila..
yun ngang nano-store ko eh automatic nang sarado tuwing nawawala ako, kasi wala na akong ka-rilyebo dahil madalas eh nasa kabilang bahay na sila..
pero siyempre, hindi naman importante lahat ng ginagawa ko sa mata nila...

yung 4 y/o eh alagain pa rin hanggang ngayon, at andami ngang pinapasukan..
tapos yung bagong baby eh nagiging kapritsoso na rin, gusto lagi ay nakakarga..
kahit tulog na, kapag naibaba eh nagising at naiyak kaagad..
saka lang natutulog nang medyo mahabang oras sa higaan kapag talagang puyat na..
ewan ko ba sa pamilya nila..
parang lahi ng mga mang-aalipin eh...

was feeling , ubusan ng oras eh...

>
ni hindi ko nabuksan yung software ko ngayong araw..
hindi ko man lang nasilip yung totoong trabaho ko..
tapos halos wala rin akong magagawa bukas dahil grocery day...

meron na lang akong 29 days na palugit..
at hindi ko pa magagamit lahat ng yun...

was feeling , may rason kung bakit may mga alipin - para makaangat yung iba...

---o0o---


October 3, 2017...

wala na..
arawan na 'tong digmaan na 'to sa bahay... :(

gaya kanina..
napag-"putang ina mo" na nung matandang lalaki yung Autistic na bata..
wala eh..
maglaro na ng basura galing sa basuharan yung bagong trip..
yung inihuhuho yung laman ng mga basurahan at saka paglalaruan..
iba talaga kapag subnormal ang tao...

yung sanggol naman eh habambuhay na kargahan ang gusto..
gusto pa naman nung mga magulang nun ng masasarap na pagkain kapag nauwi na sila..
pero hindi rin basta makapagluto yung cook nila, dahil nga sa mga kapritso ng mga anak nila...

was feeling , pero dahil sa pera, nagpapanggap pa rin sila na kaya pa rin nilang maging mga yaya...

>
konting good news naman, kahit papaano...

si Emoji-Girl pa rin ang supervisor ngayong araw..
at ngayon ko na lang ulit nakita yung 2 pang cute na cashier sa branch nila..
yung medyo singkitin at yung tagihawatin...

was feeling , wala eh, kailangang i-appreciate kahit yung mga simpleng bagay.. sa kabila ng napakaraming lintik sa buhay...

---o0o---


October 4, 2017...

parang sa palala lang yung Autistic na bata sa kanyang pagtanda... :(

noong isang araw nga eh naglalaro na ng basurahan at ng mga basura...

tapos kanina eh napag-trip-an na rin na hugutin yung saksak ng UPS ko, na hindi naman niya ginagawa for years..
at delikado yun para sa computer ko..
delikado yun para sa investment ng mga benefactor ko..
kahit pa sabihin na saglit lang yun na mangyayari, eh parusa pa rin ang idudulot nun dun sa UPS..
ang masama kasi nun, eh simula't sapul ay nasa alanganing lokasyon na yung saksakan para dun sa computer..
at hindi rin naman ligtas na gumamit ng extension cord para sa mga device na kailangan ng stable na daloy ng kuryente...

bukod dun eh natututo na yung bata na manakit at magbato-bato ng mga gamit...

hindi yata magandang ideya na inihalo siya sa mga estudyante na may down syndrome at may mga violent tendencies... :(

was feeling , ito ba yung ginagastusan nila ng libu-libong piso..? sana lumipat na sila...

>
She's Gone II


broken-hearted na naman... :(

meron na kasing 42nd at 43rd retirement..
at isa yung babaeng gustung-gusto ko sa 2 yun...

i guess isang taon lang yung kontrata niya..
bumalik siya last year by late September bilang part-timer..
tapos naging regular ulit siya pagpasok ng January ng taong ito..
pero naging inactive na naman siya simula yata noong June ulit...

to think na pina-plano ko pa naman na i-meet siya soon..
andami kong gustong gawin..
pero wala na...

at kasalanan ko na naman 'to..
dapat nakipagkita ako sa kanya noong lumabas ako noong November last year..
para sana nakapag-usap na kami tungkol sa mga nangyari noong una siyang nawala..
pero hindi ko ginawa dahil sa tampo ko sa kanya..
dapat rin sinubukan ko na makipagkita sa kanya nitong nakaraang April..
pero sunud-sunod naman yung malalakas na lindol noon...

at heto na nga yung ikinakatakot ko..
wala na ulit siya..
at wala akong mahanap na kahit na anong lead tungkol sa kanya..
ni hindi ko alam kung kasama na ba ulit niya yung asawa niya..?
o kung yung Happily Married Rich Old Client..?
o baka ibang manliligaw..?
o baka naman wala, gaya nung iba pang mga nag-retire na...

parang tanga talaga ang level ng kamalasan ko..
parating wrong-timing... :(

mukhang kailangan ko talagang mag-break para subukan na makakuha ng lead...

was feeling , this is my curse...

---o0o---


October 5, 2017...

ano na bang nangyayari...?

may 44th retirement na kaagad..
bale tinanggal na nila lahat ng mga inactive...

paunti na sila nang paunti..
mukhang wala na talaga yung golden era nila...

was feeling , lalo akong nawawalan ng link eh...

---o0o---


October 6, 2017...

bakit ko kailangan na magpakita ng pruweba na may trabaho ako...?

TIN..?
company name..?
yung mismong ginagawa ko...?

kayo ba eh hinahanapan ko ng mga hinayupak na ganyan..?
nakikialam ba ako sa mga trabaho ninyo...?

bakit hindi yung Autistic ninyong anak ang pagtuunan ninyo ng pansin..?
lumalala na siya..
nagkakaroon na ng mga violent at destructive tendencies..
manang-mana nga sa angkan ninyo..
naakyat sa mesa at nagbabato ng mga gamit..
nagtutumba ng mga upuan..
naninira ng malalaking halaman sa bakuran..
at nananakit na rin...

baka mamaya eh natututunan yun dun sa mga maliligalig na may down syndrome eh...

was feeling , sobra na kayong manghimasok sa buhay ng iba.. parang pag-aari nyo kaming lahat eh...

>
anyway..
may bago akong sinusubukan na paraan nang paghahanap sa kanya...

gamit ang facial recognition..
well, sana nga gumana yun gaya nung sa iba..
sana makakita yun ng mga nagma-match na items...

was feeling , gusto ko pa ring malaman yung sagot sa tanong ko.. kahit pa maging masakit...

>
Php 18,000...?

okay lang ba na magbakasyon na worth Php 15,000 to 18,000..?
masusulit ba yun just in case...?

interesante sana na ma-meet si Cora..
pero parang nawalan ako ng drive noong mawala na ulit si Miss C..
ewan, pero parang dire-diretso na 'to sa pagkakataon na 'to..
pakiramdam ko hindi na siya babalik..
at kung tatantsahin yung level ng disiplina nila sa trabaho, kung gaano sila kalihim pagdating sa mga pribadong buhay nila..
hindi ko masigurado kung may makukuha ba akong personal information mula sa mga veterans nila...

meron akong alam na pangalan..
ideya ng birthdate at tantsa ng age..
civil status..
ideya kung ilan at ano ang anak niya..
province at tantsa ng distance sa NCR..
city kung saan siya nag-aral ng college..
kurso at kung ano ang naabot niya sa college..
ilang klase ng negosyo niya..
ideya kung ilan at anu-ano ang mga kapatid niya..
status ng parents niya...

pero hindi pa rin sapat lahat ng yun para mahanap siya..
at hindi ko rin alam kung alin sa mga yun ang totoo at hindi... :(

was feeling , gagamitin ko ba yung sahod ko mula sa sale o hindi...?

---o0o---


October 7, 2017...

andami ko pang hindi nagagawa kasama siya...

nasabi ko yun sa pinakahuli kong sulat sa kanya..
na gusto ko pa siyang maka-date na parang normal lang, tipong fine dining..
na gusto ko siyang makasama na mag-summer vacation sa kung saan..
at na gusto kong magkaroon ng picture niya kahit na labag yun sa mga patakaran...

pero lahat na lang eh wrong timing..
lahat na lang ng desisyon ko eh mali..
nahuli ako ng 2 taon bago ko sila nadiskubre..
at hindi rin nga naging tugma yung mga ginawa kong previous decisions para maisagawa ko lahat ng plano ko..
tapos pinakawalan ko pa nga yung pagkakataon noong bumalik siya...

kagaya nung latest plan..
i was supposed to ask her kung ano bang nangyari sa kanilang 2 ni Happily Married Rich Old Client..
gusto ko rin sanang malaman kung ano na yung totoong estado ng puso niya..
gusto kong malaman kung katulad rin ba siya nung iba na front lang ang pagiging single o single mom..
ire-request ko sana sa kanya na sabihin sa akin yung mga katagang yun, kahit roleplay lang ulit, sabay halik..
gusto ko talagang marinig siya na magsabi ng ganun...

pero nai-schedule na talaga ako ng FATE to acquire more damages compared to happiness...

is feeling , still couldn't track her...