Friday, January 13, 2017

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of January 2017 (Full-Time)

i hate HOPE... :(

madalas kasi yung concept na lang na yun yung nagbibigay sa akin ng ilusyon na baka naman kaya ko pa..
na may oras pa naman, kaya baka maidaan ko pa sa kasusubok...

but everytime i do..
everytime na nakikita ko na sinisira lang ng mga tao sa paligid ko yung efforts ko..
everytime na lumalala yung lagay ng katawan ko..
hindi ko magawang alisin sa isip ko na ilusyon na nga lang ang lahat para sa akin..
na parang idini-delay ko na nga lang ang sarili kong katapusan...

---o0o---


January 8, 2017...

may 31st retirement na rin kaagad..
newbie lang naman..
yung mala-Cristine Reyes ang mata...

anyway..
dahil sa episode ng MMK kagabi..
naisip ko tuloy ulit kung bakit nga ba naging ganun siya..
parehas ba sila ng nararamdaman nung character dun sa istorya..?
takot ba siyang magtiwala..?
takot ba siyang magmahal..?
wala na ba siyang tiwala sa mga lalaki..?
naniniwala ba siya na hindi na siya deserving para mahalin..?
naniniwala ba siya na hindi na siya pwedeng magbago..?
bakit ba bumabalik at bumabalik sila sa ganung industriya..?
dahil ba minsan na silang naloko at nagamit lang naman..?
at dahil ba nagawa na nila noon, kaya pwede na nilang ulit-ulitin anytime na gustuhin nila...?

was feeling , kumusta na kaya siya...?
>
[Anime / Movies]

kailan kaya magkakaroon ng live action movie ang Code Geass...?

nakaka-miss rin ang mga global na digmaan, at ang mga Knightmare Frame...
was feeling , Hollywood, please.....
---o0o---


January 9, 2017...

[TV Series]


The Greatest Love 

umalis si Gloria, at iniwan si Mareng Lydia..
mabuti na lang at kasama naman niya yung driver na h-in-ire ni Peter..
kaagad pinuntahan nina Peter ang may sakit..
sinabi nga ni Mareng Lydia na napansin niyang parang apektado na rin ang paraan ng pananalita ni Gloria ng sakit nito..
inamin ni Peter na siya ang nagsabi sa nga bata na ituloy lang yung plano para sa birthday party..
hindi naman nagalit sa kanya ang babae, pero bugnot pa rin ito...


andami na naman ng nasayang na pera ng pamilya nila..
yung mga utang ni Paeng..
yung mga ninakaw ni Paeng..
yung ipinangtubos nina Lizelle at Andrei sa titulo ng bahay..
at ngayon naman, yung mga nagastos para sa preparation para sa 60th birthday ni Mommy Glo...

hiniling na ni Z na sabihin sa kanya ng Tito Andrei niya kung ano talaga ang problema kung kaya't hindi na matutuloy yung party..
ikinuwento na nga ni Andrei ang naging problema dahil kay Paeng..
after that, tinawagan ni Z ang Mommy La niya para i-assure ito na pupunta pa rin siya at magbibigay ng regalo kahit hindi na nga nito ipatuloy yung party..
napasaya naman niya ang Mommy La niya kahit na papaano..
tapos nag-text si Mommy Glo ng "i love you" sa lahat ng mga anak niya, pero wala nang nag-reply sa mga ito...

dumating na nga ang araw ng birthday ni Mommy Glo..
pero nag-e-edit pa rin ng video si Z..
dumiretso siya sa coffee shop para doon ituloy ang ginagawa niya..
hanggang sa mabuksan nga niya yung pinaka-latest video recording ng Mommy La niya na nagsasabing may Alzheimer's ito..
nagulat si Z, at kaagad napa-research kung ano ba yung sakit na yun ng kanyang lola..
naalala niya tuloy yung araw na naabutan nilang pinagagalitan nito si Ate Melba at yung pagkalimot nito kaagad kay Y...

nagising si Mommy Glo na malungkot na malungkot pa rin..
may trabaho pa naman noon sina Amanda at Andrei..
nang i-text ni Mommy Glo ang 4 niyang anak na 'mamamatay' na daw siya..
na-shock yung 4 at nagmamadaling dumiretso sa San Ildefonso...
was feeling , pamilyar sa akin yung ginawa niya...
>
sa tantsa ko based on November and December 2016..
mga 5 years pa ang kailangan ko para ma-produce yung target money..
swerte na kapag napababa ko yun ng 4 years..
para mapatanggal ko na yung cyst ko..
para makapagpa-cryosurgery ng frenulum ko (dahil hindi ko kayang isugal yun sa Salicylic acid)..
at para makabili ng bago at sarili kong computer system...
 


andami ko na sanang kayang matutunan sa loob ng panahon na yun...
feeling , waste of time...

>
problema na kaagad..
delayed na nga yung monthly budget dahil nasa pautangan..
tapos Php 6,000 na lang yung ia-allocate...


Php 5,500 sana yung kailangan ko this month..
para mabayaran na yung mga nawawalang pera..
at para maiwasan naman ang mga panibagong utang para lang masalo ang mga bills..
pero mukhang mas mababa pa sa Php 4,000 yung hahati-hatiin...


problema pa yung putang inang panibagong tuition fee..
tuluy-tuloy na nga yung bayad sa boarding house at pagpapadala ng baon kahit na nagbakasyon na..
kesyo naggagawa pa rin daw ng project, na pinaniwalaan naman ng mga tao dito sa bahay...

bukod pa yung putang inang fiesta na yan..
nag-volunteer na naman yung mga kaanak nila na mami-miesta..
tang ina!
hindi na ba sila nagsawa..?
magpapanggap na naman ba yung mga tao dito sa bahay..?
masaya ba sila na ultimo ipapakain nila sa mga bisita nila eh galing sa utang...?

basta ako, hindi na ako magpapautang para lang sa mga tang inang kapritso na yan...
feeling , ang lesson..? huwag ipangutang ang ipambabayad sa utang.. unless hindi yun patutubuan...
---o0o---


January 10, 2017...

may 32nd retirement na rin kaagad..
newbie ulit..
mukhang mahina ang sikmura ng mga latest recruits nila..
5 na kaagad yun in just a month..
mukhang hindi maganda ang taon na ito for them...

was feeling , lalo na kapag naging obligado na ang SIM Card registration...

>
[Business] 

bagong rule para sa nano-store:
  • kumpletong bayad muna bago iabot ang produkto

putang ina!
hindi ko maintindihan kung bakit ako tinatarantado ng mga tao nang ganito..
bakit, kulang pa ba para sa kanila na nasa minimum of Php 0.10 ang patubo ko sa mga produkto ko..?
hindi pa ba ako nagiging makatao sa kanila sa paraan kong iyon...?


parehas lang yung kaso sa parehong mga bata at matatanda..
gaano ba kahirap para sa kanila na iuwi yung produkto at bumalik kaagad para bayaran yung kulang nila..
iniisip ba nila na Php 1.00 lang naman yung kulang, kaya okay lang na hindi na nila ako bayaran..
ay putang ina!
nasa piso na yun ang tubo ko!
ibig sabihin, everytime na ako ang nagbabayad ng mga kulang nila, eh lumalabas na ipinamimigay ko na yung mga produkto at lugi pa ako dahil ako rin ang nagbabayad para sa tubo nun...

mga demonyo!
mga mapagsamantala!
sinira na nila yung loading raket ko noon..
pati ba naman nano-store ko eh lulugihin rin nila..
hindi ko kailangang maging ka-close ang mga ka-subdivision ko..
ang kailangan ko eh magbayad sila nang tapat sa akin...
was feeling , mga anay ng lipunan...
>
[Scams / Online Marketing / Public Interest]

may ilan kasi akong napansin na mga tricks ng mga scammers lately..
mostly applicable 'to para sa mga products na ibinibenta online...

1) Time-Adjusting Comments
hindi lang basta-basta fake comments ang mga ito..
kadalasan nagagawa ito ng mga sellers na may sariling website..
ang assumption ay yung mga nagbebenta rin ng products ang sumulat ng mga comments na pabor sa kanila..
pero hindi nga basta-basta yung mga comments na yun, dahil naa-adjust yung date kung kailan i-p-in-ost yung mga comments..
napansin ko lang, kasi nabasa ko na yung mga posts last December 2016 pa..
pero noong makita ko ulit sila (same posts) this January 2017, eh about 2 to 4 days ago na lang yung date nang pagpo-post..
i'm not yet sure kung automated yung pandaraya nila, o kung mano-mano na binabago yung coding...

2) Automated Promo Timer
madalas eh sa mga website rin na pagmamay-ari ng seller..
madali lang mahuli ang teknik na 'to..
usually, nati-trigger yung promo timer by visiting the website..
either random o fixed yung limited time offer na pinapatakbo nila..
countdown timer yun, so ang tendency dapat ay paunti nang paunti yung remaining time..
malalaman mong peke yung timer kung aalis ka doon sa website, visit another website or websites, tapos bumalik ka rin..
kung nag-reset yung timer sa dati nitong oras (noong una mong pasok doon sa website), or worse eh kapag mas lumaki pa yung nalalabing oras - then that means na peke yung promo timer na yun..
ginawa yung teknik na 'to para malinlang yung mga unsuspecting buyers..
kunwari eh ilang minuto na lang yung nalalabi para sa pagtatapos ng super sale nila, hoping na makaka-attract sila ng buyers..
pero ang totoo ay peke yung sale promo...

3) Fake Notifications
same as numbers 1 & 2, applicable lang sa sariling website ng seller..
usually, mobile devices naman yung target nito..
usually eh random yung nalabas na notifications..
nagpa-flash siya ng mga kunwaring real-time activities nung website, like; kesyo kung gaano karami ang sabay-sabay na visitors nila during a certain time, kesyo may customer from a certain province na kabibili lang ng product nila, at kung anong product ang kabebenta lang nila..
ginawa naman yung teknik na 'to in order to create an illusion na meron ngang bentahang nagaganap, at na malakas yung bentahan ng produkto nila...
was feeling , mga ginagamit ang kaalaman sa teknolohiya para sa pandaraya...
>
[TV Series]

The Greatest Love 

mabilis na kumalat yung balita sa lahat ng characters sa istorya..
si Paeng eh napagastos na sa taxi diretso papuntang San Ildefonso..
sinabihan ni Andrei si Ken na nasa coffee shop pa..
si Ken naman ang nagbalita kay Z (na nabanggit na kay Y ang tungkol sa Alzheimer's ng kanyang lola)..
sinabihan naman ni Lizelle si Peter..
kaso hindi ma-contact ni Peter si Mommy Glo..
natawagan naman niya si Mareng Lydia, pero wala rin itong alam sa nangyayari kay Gloria dahil inuna nitong daanan yung cake na para sa birthday ng kanyang bestfriend...

si Amanda naman ang pinaka-apektado sa kanilang lahat..
sinalo na ni Alvin yung meeting niya sana..
sinabihan na rin niya si Chad..
sobrang nagi-guilty siya dahil sa kabila ng away nilang mag-ina eh hindi naman niya gusto na mamatay na ito..
hindi niya raw mapapatawad ang sarili niya kapag may nangyaring masama sa ina niya nang wala siya sa tabi nito...

unang nakarating si Andrei sa bahay nila..
hindi mababakas sa itsura ni Ate Melba na may problema doon, ang totoo eh nagtataka pa nga ito..
katok na nang katok si Andrei sa kuwarto ni Mommy Glo pero walang nagbubukas ng pinto nito, ipinakuha na tuloy niya kay Ate Melba yung susi..
halos sabay namang dumating sina Paeng at Lizelle..
nagkasalubong sila, at sa unang pagkakataon sa loob ng mahabang panahon eh nagbatian silang dalawa, at kaagad pumasok sa kanilang bahay nang marinig si Andrei..
nakarating na rin si Mareng Lydia doon nang maiabot ni Ate Melba yung susi...

kaagad silang lumapit sa kama ni Mommy Glo at ginising ito..
at nagising naman ito na parang walang problema..
masigla pa nga siya eh..
pero andami niyang nakalimutan sa mga nagawa niya..
naiintindihan naman ito nina Mareng Lydia at Paeng kaya g-in-uide nila si Mommy Glo sa pagsasalita nito..
hindi nagagalit si Paeng dahil alam niya ang sakit ng kanilang ina..
nakalimutan ni Mommy Glo yung i-t-in-ext niya sa mga anak niya..
ang naaalala lang daw niya ay yung pakiramdam na parang mamamatay na siya dahil wala ang kanyang mga anak, pero hindi yung text..
yung naging pagtatalo nila nina Andrei at Lizelle noong isang araw ay parang nakalimutan na rin niya..
at maging ang mismong birthday niya ay nakalimutan niya..
masaya siya na makita ang 3 niyang anak..
pero malungkot na hindi pa rin sila nakumpleto..
ganun daw pala kung sakali, maging sa mismong kamatayan niya eh hindi sila makukumpleto...

nang nasa hapag na yung 3 bata ay ipinaalala ni Mareng Lydia kay Gloria ang dapat nitong ipagtapat sa iba pa niyang mga anak..
pero nagdadalawang isip pa si Mommy Glo dahil nga wala si Amanda..
pero sinabi ng bestfriend niya na dapat niya na yung sabihin habang may pagkakataon pa..
at sumang-ayon na rin nga si Mommy Glo..
mabigat daw yun sa loob, pero baka yun na nga lang daw ang maging daan para maayos na ang pamilya niya..
after that eh umalis na muna si Mareng Lydia para kuhanin yung cake mula sa bake shop...

kahit kulang ay nag-celebrate na rin yung 4..
maging si Paeng eh nakikisali sa kanila..
sa pagdarasal eh hiniling ni Mommy Glo sa diyos na bigyan siya ng lakas ng loob para ipagtapat sa mga bata ang tungkol sa sakit niya..
parang may ideya na rin si Paeng sa plano ng kanilang ina..
pero kahit sa huling sandali eh hintay pa rin nang hintay si Mommy Glo para sa kanyang panganay...

dumating na si Amanda, pero hindi niya kaagad nagawang bumaba ng sasakyan niya..
bago pumasok sa kanilang bakuran eh naalala pa niya lahat ng masasamang bagay na nasabi niya kay Mommy Glo..
pero nang pumasok na siya sa kanilang bahay ay nagtaka siya na parang masaya pa ang lahat ng nasa itaas..
at nang umakyat siya, ay tila masayang kainan nga ang setup doon..
nasurpresa si Mommy Glo, at masayang-masaya siya na nakumpleto na ang 4 niyang anak..
yayakapin na sana niya ang kanyang panganay, pero nagalit na naman ito..
hindi naging maganda ang dating sa kanya ng invitation sa kanila ni Mommy Glo...
was feeling , mangyayari na nga yung pinaka-unang preview nung palabas.. drastic blackout na para kay Mommy Glo, at nahuli si Z nang dating...
---o0o---


January 11, 2017...

[TV Series]

The Greatest Love 

nga pala..
itinuro na ni Mommy Glo yung recipe niya ng mga paboritong pagkain ng kanyang mga anak kay Ate Melba..
para in case daw na hindi na siya makaalala...

galit na naman nga si Amanda..
magtatalo na sana sila ni Andrei, pero nakiusap ang ina na umupo na muna sila..
may ipagtatapat daw siya, nagbigay naman si Mommy Glo ng hint kay Paeng na ipapaalam na niya yung sakit niya sa kanilang lahat..
kaya nakiusap ang matanda na pakinggan muna ni Amanda ang lahat ng kanyang sasabihin..
pero inunahan na naman ni Amanda ang kanilang ina, na kesyo nagpapapansin lang ito at pinapaikot sila parati..
nasigawan ni Paeng ang ate nila, dahil alam nga niya na mahalaga ang sasabihin ni Mommy Glo..
pero dun nagsimula ang pagtatalo nilang lahat, yung 3 laban kay Amanda..
saktong dating ni Z, naiwan si Ken sa labas para i-park yung kotse niya..
at saktong binitawan rin ni Amanda yung linya niya, na parati na lang silang nagsasabong na magkakapatid tuwing nagkakasama-sama sila, at sana namatay na nga lang si Mommy Glo para tapos na..
sa puntong yun, nag-blackout na muli si Mommy Glo, lagpas pa sa panahon kung kailan may mga anak na siya, at parang bahagya niya lang nakikilala si Mareng Lydia..
na-shock ang kadarating lang na si Mareng Lydia, si Z, at si Paeng..
nagtataka naman sina Andrei at Lizelle..
pero tinuring lang ni Amanda na joke yun..
natatakot na si Mommy Glo sa kanila; andaming hindi niya kilalang tao sa bahay nila, nag-aaway-away sila, at maiingay..
hanggang sa inawat na mismo ni Z ang kanyang ina, at ni-reveal na may Alzheimer's ito, iniwan niyang naka-play sa isang cellphone yung video ng kanyang lola..
guho silang lahat sa revelation ni Z..
pinasamahan na muna ni Mareng Lydia si Mommy Glo kay Z sa loob ng kuwarto nito..
huwag daw ipakita ng binatilyo sa lola niya na umiiyak siya, at himas-himasin lang daw niya ito para ma-relax...

naupo si Amanda para panoorin yung video..
gusto sanang sundan ni Lizelle ang kanilang ina, pero inawat sila ni Mareng Lydia..
maguguluhan lang daw yung isa dahil hindi sila nito nakikilala..
naiyak silang lahat habang pinapanood yung revelation video ni Mommy Glo..
after that, hiniling ni Amanda kay Mareng Lydia na sabihin na hindi totoo yun, hindi daw siya magagalit..
pero yun ang totoo...

sa loob ng kuwarto..
naging over protective si Mommy Glo sa mga gamit nila..
itinatago niya yung iba dahil andami nga daw niyang hindi kilalang tao doon..
sinubukan naman ni Z na pakalmahin ang matanda at i-explain dito kung sinu-sino ba sila..
fortunately, hindi naman siya bayolente dun sa bata...

lumipat sina Mareng Lydia sa sala, para mailayo yung ingay kay Mommy Glo..
medyo bumukod si Paeng at tumahimik lang..
at nagsimula nga siyang mag-explain sa mga anak ng bestfriend niya..
mga 6 months na daw niyang alam yung tungkol sa sakit ni Mommy Glo..
na-guilty naman si Lizelle dahil na-realize niya na pasok sa time frame na yun yung panahon kung kailan iniwan niya ang kanyang ina..
bilin daw ni Mommy Glo na huwag munang sabihin sa mga bata yung tungkol sa sakit niya..
at everytime naman na plano na niyang aminin ang tungkol dun, eh laging may nangyayari at nag-aaway-away ang magkakapatid..
dahil dun ay hindi daw magawa nung isa na umamin, dahil ayaw nitong magkasundo lang ang mga bata para lang sa kanya, at na patawarin siya ng mga ito ng dahil lang sa may sakit siya..
dahil ginusto niya na maging sincere pa rin ang lahat...

balik sa kuwarto..
nakumbinsi ni Z na humiga si Mommy Glo..
takot siya na maiwan mag-isa..
nadaan niya ito sa music therapy by humming her favorite song..
at napatulog niya rin ito...

nasa San Ildefonso na rin sina Peter at Pareng Joma..
alalang-alala na siya para kay Gloria..
pero hindi niya ito mapuntahan dahil sa mga bata na galit sa kanya...

balik sa sala..
sinabi ni Mareng Lydia kung sinu-sino pa ang nakakaalam tungkol sa sakit ng bestfriend niya..
si Peter daw yung isa..
na-realize naman ni Lizelle na palihim siyang ini-encourage ng kanyang ama para alagaan ang kanyang ina..
at si Paeng daw yung isa, na ikinagulat nung iba..
bahagyang nagalit ang magkakapatid kay Paeng, pero si Andrei ang pinaka-nagalit..
alam na daw nito ang tungkol sa Alzheimer's ng kanilang ina noong muli itong tumira sa bahay nila, pero nagawa pa rin nitong lokohin si Mommy Glo, at ang kapal daw ng mukha nito..
kaya daw pala ang tahimik nito ngayon..
hindi na lumalaban si Paeng, at nakiusap na si Mareng Lydia sa mga bata na awat na at tama na ang away..
dahil kailangan nila ngayong magtulung-tulungan para kay Mommy Glo...
was feeling , swerte nila dahil nasa on and off stage pa naman si Mommy Glo...
---o0o---


January 12, 2017...

so bumalik na nga siya..
mukhang full time na ulit...

mag-aalala na naman ako para sa kanya..
iba pa kasi yung sitwasyon niya nitong mga nakaraang buwan..
at least noon eh filtered by someone yung mga clients niya..
hindi gaya ngayon na siya na ulit ang may hawak ng contact phone niya...


i don't know..
i'm not sure..
baka pinakiusapan siya ng management nila para tulungan yung current (small) roster..
baka ginagawa niya 'to dahil sa utang na loob...

worse..
andun na kaagad si Happily Married Rich Old Client..
takam na takam na ulit sa kanya...
was feeling , you're cruel, FATE!
>
[TV Series]

The Greatest Love 

umatras na sina Peter at Joma sa pagpunta sa San Ildefonso matapos sabihin ni Mareng Lydia na okay na si Gloria..
kailangan din daw kasing bigyan ng panahon para makapag-usap yung mga bata...

napa-MMK naman yung 4 na anak habang natutulog si Mommy Glo..
nagi-guilty sila sa mga nagawa nila sa kanilang ina..
pero pinakamalupit talaga yung ginawa ni Paeng na pangungutang at pagnanakaw..
si Amanda naman ay nag-research, at nalaman na may mga paraan nga para ma-delay man lamang yung progress nung sakit...

dumating na rin si Chad..
hindi na daw alam ni Amanda kung paano pa niya haharapin ang kanyang ina at maging yung iba matapos ang lahat ng nagawa niya dito..
pero sinabi ni Chad na siya ang panganay kaya kailangan niyang maging matatag para sa kanilang lahat..
palagi naman daw mapagtawad sa mga anak ang mga inang kagaya niya...

si Andrei naman eh takot na hindi niya alam kung paano aalagaan ang kanilang ina..
kaya pinayuhan lang siya ni Ken na mag-umpisa rin lang sa pagmamahal, na siyang kalakasan ni Andrei...

napatawag naman si Sandro kay Lizelle, nagbabakasakali na nasa San Ildefonso yung dalaga..
gusto kasi ng binata na batiin si Mommy Glo sa birthday nito, kaso hindi niya ito ma-contact..
hindi rin siya nakauwi sa San Ildefonso that day dahil sa trabaho niya..
ipinaalam nga ni Lizelle ang sakit ng kanilang ina sa kanyang manliligaw..
alalang-alala si Sandro at gusto nang sumugod sa San Ildefonso dahil sa kanyang nanay-nanayan, pero huwag na muna daw sabi ni Lizelle dahil late na rin, saka na lang daw kapag free na talaga si Sandro...

nagising na si Mommy Glo, at nakakaalala na ulit siya..
nagulat siya nang makita na nasa tabi na niya si Z..
nagising na rin si Z at sinabi sa kanyang lola ang nangyari..
malabo naman ang fragments ng memory ng matanda tungkol sa mga naganap earlier..
namalayan sila ni Mareng Lydia, kaya pinuntahan sila nito..
hindi niya muna pinasama yung iba para i-check kung nakakakilala na ba ang kanyang bestfriend..
sinabi nga ni Mareng Lydia na alam na ng mga bata ang tungkol sa Alzheimer's ni Mommy Glo..
nag-sorry naman si Z, kasalanan daw niya dahil kinopya niya yung mga video logs ng lola niya para sa birthday nito..
noon rin lang ulit naalala ni Mommy Glo na birthday niya pala..
at nagalak siya na malaman na nakumpleto pala sila para sa kaarawan niya...

lumapit yung iba sa kuwarto niya para makiramdam..
naunang lumabas si Mareng Lydia, at sinenyasan si Mommy Glo na salubungin na ang mga bata..
nag-sorry kaagad siya na hindi niya kaagad naipagtapat yung tungkol sa sakit niya, naunawaan naman siya ng kanyang mga anak..
at ipinaalala niya sa mga ito na kahit na makalimot na ang kanyang isipan, ay hinding-hindi naman sila makakalimutan ng kanyang puso..
kaagad napayakap sina Andrei at Lizelle sa kanilang ina..
nahihiya naman si Paeng dahil nga sa mga kasamaan niya, pero pinakita ni Mommy Glo na napatawad na niya ito..
at huli niyang inalo si Amanda, na sising-sisi rin sa mga nagawa niya sa kanyang ina..
maging sina Chad at Ken ay pinayakap rin ni Mommy Glo..
at natuloy rin nang maayos at mapayapa ang 60th birthday celebration ni Gloria..
at natupad pa yung kaisa-isa niyang hiling sa ngayon...
feeling , wala ng preview...

>
i texted her today to ask kung bakit nga ba siya ganap na bumalik..
kaso sumagot yung may hawak nung contact number na para bang hindi niya ako kilala..
so napaisip ako kung siya ba talaga yun..
sa ngayon, hindi ko alam kung sinong nagpi-piloto sa number na yun...

ang bigat sa pakiramdam..
gusto ko siyang tulungan..
pero hindi ko siya magagawang tulungan kung hindi ko rin matutulungan ang sarili ko..
at nakakabuwisit isipin na pagdating sa ibang tao eh hindi na nagtatanong yung mga kasama ko dito sa bahay, at bigay na lang nang bigay ng pera..
manakawan man ng pera, mabasagan man ng phone, mabasagan man ng salamin sa mata, mag-repeat man nang mag-repeat ng mga subjects, mawalan man ng phone, etc..
pero ako..
nanghihiram lang ng pambili ng laptop para lang masimulan ko na ang mga projects ko, para masabayan man lang yung panahon ng pag-iipon ko..
pero requirement pagdating sa akin na sabihin ko muna kung saan ko dinala yung Php 30,000..?
eh pera ko naman yun, at ginastos ko yun more than a year bago ko pa napagana yung 3D software..
bakit sobrang unfair nila pagdating sa akin...?

tapos ultimo mga kapitbahay namin eh ginagawa ding demonyo ng FATE against me at sa mga raket ko...
was feeling , bakit ganito ka-putang ina ang tadhana ko...?
---o0o---


January 13, 2017...

i texted her again last night..
on that same number na hindi ko alam kung sino ang nagha-handle..
told her how i feel..
na nag-aalala ako para sa kanya..
i also asked for a favor, na if ever hindi siya yung gusto ko talagang makausap, ay paki-relay naman nung message kay Miss C...

pero hindi na talaga siya nagre-reply...
was feeling , first question, how do i get out of this f*cking cursed loop...?
>
wait the f*ck...?

totoong Silent Sanctuary ba 'tong tumutugtog ngayon sa kabilang bakod, sa may [Religious Establishment]..?
may violinist at wild yung crowd eh...

(about an hour later..)
Makakating Bulate naman...

was feeling , FREE LIVE band...
>
[TV Series]

The Greatest Love 

nakabalik na nga sa pagpapa-checkup si Mommy Glo, at masaya siya ngayon..
kasama na kasi niya ang kanyang mga anak this time..
oras na ulit para sa clock test...

nandoon naman sa isa pang doktor yung mga bata, kasama si Mareng Lydia, si Z ay nasa lobby lang..
nagtaka yung male doctor kung bakit hindi na kasama si Peter, sinabi naman ni Amanda na sila na ang makakasama ng kanilang ina from now on..
kumusta naman daw si Mommy Glo..?
naikuwento nga ni Mareng Lydia yung tungkol sa death text nito, at yung pagiging emosyonal at malungkutin nitong nakaraan..
hindi naman makapagsalita yung mga bata dahil guilty silang lahat sa pagpapalungkot sa kanilang ina..
yung depression nga daw yung posibleng rason kung bakit ito unconsciously nag-text tungkol sa kamatayan nito..
pero ano ba daw kaya yung nag-trigger nun...?

si Z naman eh tinawagan si Y..
nag-aalala na rin yung dalagita para kay Mommy La..
isipin na lang daw ni Z na kasama niya lang si Y sa ganitong panahon..
ipagdasal na lang daw nito na bumuti na ang lahat, at na magka-ayos-ayos na ang mga anak ni Mommy La...

balik sa clinic..
no choice na si Andrei kundi sabihin na sa doktor yung totoong nangyari..
si Amanda eh medyo naghuhugas kamay pa..
at yun nga daw, nag-snap si Mommy Glo sa pagtatalong iyon ng magkakapatid..
kung ganun daw ay mukhang malaki ang naging pag-decline ng kondisyon ni Mommy Glo dahil sa depression niya..
pero 8 months pa lang naman daw simula noong ma-diagnose na may Alzheimer's yung kanilang ina..
pero ipinaliwanag ng doktor na possible kasing late na rin na-detect yung sakit, dahil nga hindi siya madaling ma-detect kung hindi familiar yung mga tao..
sabihin daw sa kanila yung lahat tungkol sa sakit ng kanilang ina at kung paano pa sila makakatulong...

pumasok na yung babaeng doktor para sabihin yung latest evaluation kay Mommy Glo..
ikinumpara niya yung dating drawing ng orasan ng pasyente at yung latest..
magkaiba na nga yung 2, parehas na mali yung oras, pero paiwa-iwarang na yung latest..
mukhang mas malala na daw ngayon si Mommy Glo, apektado na ang motor skills nito, at nasa moderate-severe na ang stage..
sa puntong yun ay nagsimulang magsisihan at magtalo ang magkakapatid, maliban kay Lizelle..
Andrei at Paeng versus Amanda..
inawat naman sila ni Mareng Lydia..
alam na daw ngayon nung doktor kung bakit hindi isinasama ng pasyente ang mga anak niya noon, dahil magugulo ang mga ito..
family disease daw ang Alzheimer's, kaya kailangan nilang matutong magtulungan at magmahalan, or else eh magkakawatak-watak sila...

nakahabol naman si Peter sa ospital..
pinag-alala daw siya ng biyuda, nag-sorry naman yung babae, okay na daw yun, at binati niya ito ng Happy Birthday..
gusto niyang makausap ang mga bata, at si Gloria..
dapat na daw nilang harapin ang problema..
natatakot si Gloria, pero si Peter na daw ang bahala...

nag-usap muna sina Peter at Lizelle..
natatakot daw yung dalaga na baka magalit sina Amanda at Paeng..
si Z naman ay pumunta na muna sa coffee shop..
oras na ng pag-uusap..
hindi na um-order ang mga bata, direct to the point na daw..
nagpasalamat si Peter para sa pagkakataon na yun..
nagpaliguy-ligoy, at muling ipinaalala ni Amanda na diretsahin na sila..
gusto daw alagaan ni Peter si Mommy Glo..
kung ganun daw ay sumabay na lang ito sa schedule o turn ni Lizelle kapag meron na..
pero gusto daw pakasalan ni Peter si Gloria, napangiti naman si Lizelle sa sinabi ng kanyang ama..
ano yun, babakuran daw niya si Mommy Glo, kung kailan pa nagkaka-ayos na sila..?
pero willing daw si Peter na patuluyin yung mga bata sa bahay nila..
tutol naman si Amanda, hindi daw niya gagawin kina Peter yung ginagawa ni Peter sa pamamahay ng kanilang ama na si Andres..
pero mahal daw ni Peter si Gloria noon pa man..
kaya bakit hindi daw nila hayaan na ito ang magdesisyon para sa sarili nito, habang kaya pa nito..?
kahit daw si Gloria pa mismo ang hindi pumayag sa proposal ni Peter, eh mamahalin pa rin niya ito at aalagaan hanggang sa huli..
medyo naging emosyonal na rin sina Amanda at Paeng sa puntong iyon..
nagpa-excuse si Mr. A dahil nagiging emosyonal na rin siya..
natuwa naman sa kanya sina Andrei at Lizelle...
was feeling , nope, wala pang Change is Coming for them...
>
[Medical Condition]

since late last year mas nararamdaman ko na yung cyst ko..
na para bang may bigat na siya..
na sinisiksik na nung mass niya yung mga lehitimo kong laman sa loob ng aking katawan...

noong una, akala ko nagda-darken lang yung kulay ng balat ko dahil nababanat na nga siya..
pero nag-start na ngang magkaroon ng parang namumuong dugo sa loob...

this is bullshit!
sunud-sunod ang mga kaparusahan ko..
pero wala man lamang akong pag-asang lumaban...

>
i was surprised kanina..
bale nitong gabi lang..
bigla kasing may nag-text sa akin...

ang sabi niya pauwi na daw siya sa probinsiya..
pero she'll talk to me next week kapag nasa NCR na ulit siya..
so nagtaka ako..
napaisip ako kung para sa akin ba yung message na yun..
nasabi ko na kasi sa kanya yung gusto kong sabihin, kaya wala akong makitang dahilan kung bakit mag-uusap pa kami over the phone..
kaya ayun, t-in-ext ko siya na kesyo parang na-wrong send yata siya..
baka kako may ibang tao na naghihintay nung reply niyang yun...


tapos nag-reply siya..
para daw talaga sa akin yung text niya na yun...

ewan..
honestly, hindi ko na inaasahan na kakausapin niya nga ako by next week..
i'm assuming kasi na magiging busy na ulit siya eh..
at madali lang makalimutan yung ganung mga maliliit na bagay...

ano pa nga bang kaya kong gawin..?
hindi na ako makakabalik..
hindi ko na mababago yung mga naging desisyon ko na sa buhay ko..
matanda na ako..
my diseases (abnormalities) are consuming me..
my inner demon is corrupting me sa pamamagitan nang madalas niyang pagsulpot lately..
lahat ng gawin kong effort eh nasisira o eventually humihina..
parang kulang na nga lang talaga eh makita ko na ang sarili kong kamatayan eh...
was feeling , if you're really there..? kung sa tingin mo wala na akong pag-asa at deserving talaga ako para sa apoy ng impiyerno.. baka naman kahit man lamang sa kanya eh pwede kang maging mabait.. please save her...

The Fanbase Who Cried 'Wolf'

FACT

wala eh..
ayaw na talagang paawat sa pagtaas ng presyo ng mantika..
hindi ko alam kung kailan siya ulit nagtaas..
pero Php 218 na siya nitong January 13, 2017...


since it hit Php 204 late last year, hindi na siya tumigil..
207..
210..
215..
218...

kung ikukumpara noong 2015..
(2015 dahil wala pa namang masyadong data for 2017, at karugtong pa ng 2016 data yung ikinukumpara ko)..
Php 200 ang ceiling price na naitala ko noon, Php 174 naman yung pinaka-mura..
bale nasa Php 26 lang yung range na yun, na Php 180 nga yung naging average (i mean yung pinaka-malimit na naging presyo niya dati)..
pero yung recent price ngayon ay Php 44 na ang deperensya mula sa lowest price noon..
Php 38 ang iminahal compared sa dating average price..
at Php 18 naman na mas mahal compared sa naging ceiling price noon...
Change is Coming sa prices ng mga bilihin.. sa papataas nga lang...
---o0o---


yung Change is Coming kung saan pinapalitan o ini-edit yung mga original photos para lagyan ng maling impormasyon at bigyan ng malisya... :(

ang gagaling nyo talaga e 'no...?

---o0o---


update ulit (36 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • ang pagpapalibing sa bangkay ng isang Diktador sa isang makabuluhang national cemetery
 
are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad:
  • yung mga lalaking itinumba kahit na naka-posas na sa likod
  • yung 4 year old daw na bata na nadamay sa pagpatay ng mga pulis sa tatay niya
  • yung OFW na dinakip sa checkpoint at naging biktima ng torture at pagpatay
  • yung mga taga-Quezon na hinuli sa parang raid, pero wala palang record ang mga pulis ng naging operasyon na yun laban sa kanila, at may natagpuan na lang na mga sunog na bangkay na pinaghihinalaan na sa mga taong yun na pinagdadakip nga
  • yung kaso nung Australian, kung saan hindi nag-match yung statements ng mga arresting officers kumpara sa naging kuha ng CCTV, at may alegasyon pa ng tangkang pangingikil (this happened sometime before the current administration)
  • yung kaso involving Makati Police, kung saan inaresto ang isang OFW gamit ang gawa-gawa lang naman DAW na dahilan, at tinakot DAW na gagawing related sa ilegal na droga kung hindi magbibigay ang pamilya niya ng Php 500,000
  • yung kaso ng pagpatay sa Regional Chairperson ng Citizens Crime Watch sa Oriental Mindoro, kung saan Police Senior Inspector at Inspector (police awardee pa yung isa) yung nahuling mga suspect, at may mga kagamitan talaga sila na pang-riding-in-tandem
  • yung Mayor sa Mindanao at ang mga kasama niya na hinihinalang pinatay sa rubout
  • yung pagkamatay ni Mayor Espinosa; nakakulong na, hinainan daw ng search warrant kahit na madaling araw na, nawawala ang kuha ng CCTV, at nakapanlaban daw
  • yung mabilis na pagre-reinstate dun sa Marcos (pulis ng Region 8 na sangkot sa kasalukuyang kaso/istorya ng mga Espinosa) at tila pagiging 'maluwag' ng mga kinauukulan sa iba pang pulis na involved
  • yung kidnapping ng isang civilian last October daw na nakunan ng CCTV, na ang sangkot ay mga pulis na hindi naka-uniform
  • yung kaso sa Lemery, Batangas kung saan may claim na nauna (higit na mas maaga) daw hinuli yung mga drug suspects nang mga naka-civilian na pulis na wala namang dalang warrant, pero hapon na noong kuhanan ng mga pictures at inventory na may kasama ng mga ebidensiya laban sa kanila
  • yung pagpatay ng isang pulis sa lalaking nanlaban DAW matapos mag-amok sa isang bangko sa Laguna na nakunan naman ng CCTV camera  
  • yung pamamaril ng isang lasing na pulis sa Misamis Oriental na ikinasugat ng 4 na katao 
  • yung nakainom na pulis sa Negros Occidental na namaril din at nakapatay
  • yung ginawang pananampal at panggugulpi ng isang sundalo sa isang bar sa Isabela, supposedly eh naka-duty daw siya, at nanggulo DAW doon dahil gusto ng nude dance/show
  • sa Sorsogon, yung pangho-holdap ng isang sundalo sa isang remittance center, na supposedly eh naka-duty rin siya during that time
  • yung pulis na nambugbog ng makulit na matandang lasing, at inilagay pa niya sa paso ang batas 
  • yung pulis sa Sta. Mesa na namaril ng sibilyan na binu-bully DAW nito parati at sinaktan pa bago yung insidente, matapos na rumesbak yung biktima na may dalang bato at itak
  • yung buy-bust operation DAW sa Caloocan, na ginawa ng mga naka-sibilyan na naka-hood at mga naka-maskara at hindi na mga pulis, na natunugan DAW, kung saan 2 magbiyenan na drug-related suspects ang napatay sa loob ng kanilang pamamahay
  • ang patuloy at malaking bilang ng mga pulis na lumalabas na positibo sa paggamit ng ilegal na droga through drug test  (ang isa sa butas ng laban kontra sa ilegal na droga)

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
  • yung honor student na choir member na ginamitan ng karatula
  • yung 5 year old daw na bata na nadamay sa tangkang pagpatay ng mga hindi kilalang tao sa lolo niya
  • yung 5 year old na taga-Pasay na napatay habang natutulog dahil nadamay sa pagpatay sa tatay niya na siya daw target nung hindi nakilalang tao
  • yung pagkamatay ng bagong binyag na bata (na tinamaan ng ligaw na bala) sa Bulacan dahil nadamay sa pagpatay sa kanyang ninong na involved DAW sa droga
  • yung pagkadamay at pagkapatay sa isang manliligaw sa Quezon City dahil involved daw yung nililigawan niyang babae sa ilegal na droga
  • yung kaso sa NCR kung saan nadamay at natamaan ng bala ang isang sibilyan dahil sa paghahabulan ng mga pulis at ng isang suspek
  • yung 2 sibilyan sa Laguna na nagsisimbang-gabi lang sana, na nadamay (napatay yung batang babae) sa pamamaril  ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sa isang barangay tanod na related din daw sa ilegal na droga
  • yung tila 2 grupo ng tao na napatay sa Caloocan City, na either drug related daw yung isang grupo kung kaya't nadamay sa tumbahan yung mga miyembro daw ng frat, o dulot ng frat war na ang nadamay naman eh yung ilang drug related personalities

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system ng bansa:
  • sa Pasay, yung target ng buy-bust operation na nakapatay at nakasugat ng mga pulis, grupo sila eh, at yung main target daw ay marami ng record ng krimen pero talagang nakakalaya pa rin
  • yung pulis sa Dipolog na ginulpi ng mga kabataan at untik nang mapatay matapos niyang umawat lang sa rambulan ng mga ito

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung pagkamatay ng isang 9 year old na bata, na pinaghihinalaang pinatay ng mga menor de edad; na natagpuan yung bangkay na nakagapos ang mga kamay, na binugbog daw, pinutulan ng mga daliri, at may hiwa pa sa tiyan
  • yung pagsu-suicide daw ng isang Director Villa ng ERC dahil sa katiwalian sa trabaho nila
  • isama na rin yung pagkalat ng mga fake news at paid trolls sa social media
  • yung Oplan Cyber Tokhang
---o0o---


January 9, 2017...

VP Leaks...?

parang tanga nga na ini-leak yun sa ganung paraan...

pero base sa mga previous facts:

  • kampo o mga panatiko ng diyos-diyosan ang mahihilig maglabas ng mga pekeng news at documents and edited photos sa online media
  • kampo ng diyos-diyosan ang mahilig sa mga traps at mental game
  • at halos lahat ng mga batikos na natatanggap ng diyos-diyosan eh mismong siya rin naman ang may kagagawan

kaya sa ngayon..
mas mukhang pag-atake ito ng kanilang hanay sa kanilang sariling hanay..
para pagmukhain na naman na inaapi ang kanilang sinasambang diyos-diyosan..
isang paraan para sabay na durugin ang reputasyon ng kanilang mga kalaban, habang pinapaigting ang sarili nilang depensa...

PS:
congrats kay Hokage Cesar..
ito talaga yung tinatawag na Friends with Benefits eh...
was feeling , eh kung sina-subsidise na lang ng gobyerno ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo...?
---o0o---


January 10, 2017...

inabot ng mahigit 22 hours yung latest Traslacion..
does that mean na marami na ulit adik ang nakasama doon sa prusisyon noong pagabi na...?

ang punto ay..
may research ba na magpapatunay na mga adik ang nagpapabagal sa taunang prusisyon na yun...?
was feeling , parang kahit na ano lang eh, basta ma-justify lang yung reckless war...
>
aprubado na yung kalahati ng dagdag pensyon sa SSS..
para lang mapasaya ang mga nagrereklamong panig..
after nga naman nun eh problema na yun ng SSS..
ang importante eh mukha na naman silang bida...

ang problema ngayon eh mukhang sa mga active na naghuhulog ipapasalo yung dagdag pensyon para sa mga pensioners na..
may target date na na May this year eh..
which is unfair..
dahil parang sila na yung sasagot sa dagdag pensyon ng iba kung ganun - hindi ang kita nung institusyon..
hopefully eh hindi naman yun nga ang maging solusyon...

pwede lang yun kung itataas rin ang suweldo ng lahat ng mga empleyado..
pero lugi pa rin yung umaasa lang sa mga sariling business nila..
ang tanging good choice lang talaga ay yung mula sa kita ng SSS...

haaay.....
mabuti na lang pala at hindi ko hinuhulugan yung SSS ko..
kung nagkataon eh parang namimigay lang ako ng pera..
mukhang sa palugi na rin naman pala ang punta nun eh, parang yung CAP...

PS: 
eh kung sa mga panatiko na lang kaya kunin lahat ng magiging increase - will they say YES...?
was feeling , pabida moves...
---o0o---


January 11, 2017...

survey lang..
sa mga nasa legal age daw..
nasa 74% na ang hindi pabor sa Martial Law just in case...

for now, this is good to hear..
at least marami pa ang nasa matinong pag-iisip..
the next question is, handa ba silang kumontra dun if ever..?
dahil technically speaking, nasa kamay lang ng iilang tao parati yung desisyon kung magpapatupad ba nun o hindi..
ang magagawa lang ng mga mamamayan ay kumontra after maipatupad na yun...


kung hindi pa alam ng mga tao..
ang isang key feature ng Corrupt Martial Law ay edited at fake government records..
it's not deadly..
pero kaya nung magpaikot ng mga tao even after so many years...

regarding naman sa mga panatiko..
eh wala nang maaasahan sa mga yun..
sunud-sunuran ang mga yun na walang sariling pag-iisip eh..
kulang na lang eh himasin at isubo ng mga yun ang tutut ng kanilang diyos-diyosan...
was feeling , nasa katinuan pa...
---o0o---


January 12, 2017...

regarding overpopulation..
kailangan na ng batas para dun..
maximum of 2 offspring..
multi-plets eh exempted..
tapos pwedeng mag-reproduce ulit kapag namatayan ng anak at bumaba sa 2 yung bilang, at if kaya pa naman makabuo ng baby..
kapag lumabag dun, dapat ang parusa ay kaponin na yung lalaki..
lalaki na lang, dahil mga lalaki naman ang mas mahilig mangaliwa..
kesa naman dumami pa lalo yung mga tino-tolerate sa Kitchen at hinahayaan na lang na umasa lang sa kapwa nila for survival...


regarding HIV..
wala talagang solusyon kundi ang permanent identification ng mga carrier..
tutal eh wala pang lunas eh..
siguro tatoo-an ng bar code identifier sa ibabaw ng kanang kamay (kabaliktaran ng palad) o puwersahang pasuotin ng kung anong non-removable identifier..
condom kasi eh hindi solusyon..
i'm not sure pagdating sa mga kababaihan..
pero may mga lalaki kasi na ang totoong habol sa sex ay yung LIVE penetration o worse eh yung maka-devirginize nang LIVE at yung marami ang makaparehang babae..
kasi for them, parang medal of honor ang katumbas nun..
hindi sila yung tipong nag-iisip pa tungkol sa HIV or STD or STI..
basta sila yung tipong saka nagrereklamo kapag may naramdaman na sila sa kanilang ari..
so kung hindi matakot-takot ang mga tao sa posibleng maging sakit kapag nahawa na ng HIV, eh baka matuto silang matakot at hindi na mag-engage sa sex kapag nakita nila na properly identified na ang mga carrier...

ibang topic naman..
regarding illegal parking..
kailangan nang palitan ang parusa dahil makukulit eh..
kapag umulit pa ng violation (twice na) in the same road o street, dapat samsamin na yung sasakyan at ban na sa pagmamay-ari ng driver's license yung pasaway..
government property na kumbaga yung auto..
tapos ipa-chop-chop sa harapan nung dating may-ari bago ibenta yung parts..
this way, mababawasan na ang mga pasaway sa kalye, at mababawasan pa ang volume ng mga active na sasakyan...

regarding 5-6 sa pautang..
sa tingin ko yung kawalan ng tax nung sistema yung talagang target ng gobyerno...
feeling , nasaan na ang pangil ng gobyerno ngayon...?
>
panibagong kaso na naman..
yung pulis na nambugbog ng matandang lasing, dahil DAW napikon o napuno na siya..
sayang dahil may magandang background story DAW eh..
pero dapat hindi inilagay sa paso ang batas..
yung disiplina ng isang alagad ng batas ay dapat isinasabuhay niya, regardless kung naka-uniform man siya o hindi..
dapat rin ay strikto na ang psychological test para sa hanay nila...


pero kawawa rin naman yung isang pulis sa Dipolog..
na siya namang ginulpi ng nagrarambulan na mga kabataan..
umawat na nga eh, tapos siya pa ang untikang patayin..
pwede na dapat bitayin yung mga basura ng lipunan na mga yun...
was feeling , nakakahiya naman sa mga bisitang Miss.. siguro cable ang pinapapanood sa kanila...
>
andami ng trap para sa Vice President..
parang talagang pino-provoke siya para magkamali ah..
ano ba 'to..? anything for the Dictator Clan...?

una yung pagiging parte niya ng Gabinete..
it was an intelligent move..
kunwari binigyan ng posisyon, para makuha ang simpatiya ng mga nagtatanong kung bakit nga ba hindi bigyan ng extra job yung isa..
tapos biglang pasimpleng pagsipa, na kesyo balak na daw kasing patalsikin yung diyos-diyosan..
isang palabas para pagmukhain na naging mabuti sila sa kanilang katunggali, at walang utang na loob naman yung isa...


second, eh yung pamboboso incident, na sakop pa ng panahon ng VP sa Cabinet...

third..
yung kaugnay nitong nagdaang bagyo sa region ng VP..
unang tinira yung konsepto ng regionalism, na kesyo parang responsibilidad niya na sagupain ang bagyo sa lugar nila..
at lately yung mga captioned still photos kung saan naglilibot yung VP at walang masyadong tao na nasa paligid niya..
yung mga bobong panatiko naman eh naka-auto-LIKE na akala mo eh yun nga ang katotohanan para sa buong bansa...

at ang pinaka-recent ay yung pagbawi ng invitation para dun sa New Year tradition sa palasyo..
kasi pino-provoke nila ang media, para ma-provoke naman nila yung Vice President..
gusto nilang magkamali yung biyuda na kesyo against ito sa buong pamunuan (at hindi lang sa kung ano ang mali)...

pero ang mas nakakabahala sa ngayon..?
yung electoral protest para sa Vice President seat..
kasi kung totoong may nangyaring dayaan noon, the 2 types of hard copy reference (balota at resibo) should be enough to validate that..
kung totoong may pangil rin ang kasalukuyang gobyerno, eh dapat mabilis na yung pag-aksyon dun (kasimbilis nung kina Dictator, Patilya, Cosplayer, Region 8 Marcos)..
pero 6 months na eh wala pa rin..?
kung tatagal pa kasi yun nang tatagal eh lalaki lang yung possibility na mae-edit na yung mga ebidensya...
was feeling , kahit Breeze hindi kaya yang ganyang antas ng dumi...
>
panibagong kaso..
Sta. Mesa naman...

yung pulis na pumatol at namaril ng sibilyan..
medyo mahirap husgahan yung kaso eh..
ang initial arguments ay kinalampag daw nung biktima yung sasakyan nung pulis, versus sa claim nung panig ng biktima na pinag-trip-an lang ito at inuntog-untog pa sa pader..
bully daw yung pulis dun sa biktima according to previous claims naman...


ang masama nito..
inatake nung biktima ng bato at itak yung pulis dahil sa galit niya..
nanlaban siya, malas lang na hindi nabunot yung itak..
kaya ayun, pinagbabaril na siya nung pulis..
pero yung grupo rin naman ng pulis yung nagsugod dun sa biktima sa ospital...
was feeling , bully na pulis...?
>
Sugar Tax...!!?

putang inang mga mambabatas 'to ah..
maiintindihan ko yung sa softdrinks eh..
pero yung sa 3 in 1 na kape at sa juice sa sachet..?
tang ina naman!
pampagising yung kape, at konting pampasaya na rin sa sarili yung cream nun..
ako nga eh hati-hati pa ang pagtitimpla nun para lang makatipid..
hindi naman Starbucks yun na luho eh!
at yung juice naman eh simpleng pang-entertain sa mga bisita naming mahihirap lamang tuwing may okasyon..
ano bang gusto nilang ipainom na lang sa amin - kape na walang asukal at tubig na lamang..?
ano ba talaga ang gusto nilang gawin sa aming mahihirap, ibaon pa nang ibaon sa ilalim...?


tang inang gobyerno yan!
ang alam ko, dapat may mga negosyo at investments rin silang hawak..
para hindi puros sa limos at buwis kinukuha yung pondo nila..
kung kulang ang tax, edi bawasan din nila ang gastos nila...

mga demonyong walang isip...

PS: 
yung oxygen wala pang tax, baka gusto niyo ring i-propose sa susunod, mga bobo kayo!
was feeling , patay na naman kami...
---o0o---


January 13, 2017...

hindi na natigil yung trend ng paiba-ibang statements ng mga nasa tuktok ah...

nag-imbita..
binawi ang invitation dahil limited lang daw ang kayang guests..
tapos sabay palit ulit ng dahilan - dahil daw hindi kasundo nung diyos-diyosan yung isa..
eh sino bang mga tanga ang nag-invite mula sa umpisa...?


siyempre bukod pa dito yung tungkol sa mas mahahalagang usapin..
at ang punto ay hindi sila mapagkakatiwalaan...

mga sinungaling..
mga peke..
mga mapanlinlang...
was feeling , Change is Coming nga.. pati sa mga statements, papalit-palit...
>
may punto naman yung mga ipinaglalaban nung mga Comfort Women..
hustisya kasi yun for them...

ewan ko lang kung sasabihan rin sila ng mga panatiko na kesyo mag-'move on' na lang yung mga pekpek nila dahil magpapautang na ang Japan (gaya ng ginagawa nila lately sa mga biktima ng Martial Law)...

kaso..
yung paghingi ng apology na talagang nararapat para sa kanila eh dapat noon pa ginawa..
noong right after the war..
noong ang mga nasa posisyon pa ay yung mga Japanese na talagang naging involved doon sa Imperyalismo...

sa ngayon kasi, ibang-iba na ang Japan..
oo, parte pa rin ng culture nila (sa parehong babae at lalaki) ang pagiging ma-'L', na kita naman sa JAV industry nila..
pero sa ibang bagay na kasi sila naka-focus sa makabagong panahon eh..
makikita naman yun sa contribution nila sa arts at science & technology..
ganun din sa pagtulong nila sa Pilipinas...

so ayun nga..
sana noon nagawan ng paraan para lumuhod sa harapan nila ang dating Emperor ng Japan at yung mga manyakis na kasundaluhan nila...
was feeling , wala na yung dating Emperor.. unless gusto pa rin nilang kolektahin at pabalikin dito sa bansa yung mga sexual offender nila to do the apology...
---o0o---


January 14, 2017...

heto naman yung news na na-miss ko kahapon ng umaga...

sa Caloocan..
yung magbiyenan na napatay..
buy-bust operation DAW yun, medyo nakunan ng CCTV..
mga naka-motor lang yung mga pulis eh, mga naka-hood, at halong may mask at wala, at mga armado..
according naman dun sa mga kaanak ng mga napatay eh wala daw buy-bust, dahil 19 sila noon sa loob ng kanilang bahay at may mga bata pang kasama, at puwersahan silang pinasok at pinatay yung mga drug-related suspects sa itaas ng kanilang bahay...


ang weird lang..
may lusot yung pagdadamit sibilyan nila, kasi nga entrapment muna eh..
kaso..
nasa 7 motor daw yung dala ng mga pulis, at lahat sila ay naka-disguise..
so bakit kailangan na ganun karami ang magkunwaring buyer o sibilyan..?
at base rin sa CCTV..
hindi naman pasimple yung kilos nila pagdating doon sa lugar ng target, mabilisan na akala mo eh palusob na kaagad sila..
(though pwede nilang sabihin na earlier naganap yung pagpo-poser buyer nila, at karipas lang na sinundan yung mga suspects after their transaction)...

pero ang sunod na tanong ay, bakit walang marked money na nabanggit..?
bakit ang alibi ng mga pulis ay supposedly ay buy-bust nga yun, kaso eh natunugan sila...?

at bukod pa ito sa sobrang dami pa rin ng mga kriminal na nakakagala sa Pilipinas...
is feeling , parang nagiging katulad na nga yung paraan ng mga pulis sa paraan ng mga riding-in-tandem na mga taga-tumba...

Friday, January 6, 2017

Guns, Discipline, & Coffee

pasira na nang pasira ang bansa...

---o0o---


update ulit (32 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • ang pagpapalibing sa bangkay ng isang Diktador sa isang makabuluhang national cemetery
 
are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad:
  • yung mga lalaking itinumba kahit na naka-posas na sa likod
  • yung 4 year old daw na bata na nadamay sa pagpatay ng mga pulis sa tatay niya
  • yung OFW na dinakip sa checkpoint at naging biktima ng torture at pagpatay
  • yung mga taga-Quezon na hinuli sa parang raid, pero wala palang record ang mga pulis ng naging operasyon na yun laban sa kanila, at may natagpuan na lang na mga sunog na bangkay na pinaghihinalaan na sa mga taong yun na pinagdadakip nga
  • yung kaso nung Australian, kung saan hindi nag-match yung statements ng mga arresting officers kumpara sa naging kuha ng CCTV, at may alegasyon pa ng tangkang pangingikil (this happened sometime before the current administration)
  • yung kaso involving Makati Police, kung saan inaresto ang isang OFW gamit ang gawa-gawa lang naman DAW na dahilan, at tinakot DAW na gagawing related sa ilegal na droga kung hindi magbibigay ang pamilya niya ng Php 500,000
  • yung kaso ng pagpatay sa Regional Chairperson ng Citizens Crime Watch sa Oriental Mindoro, kung saan Police Senior Inspector at Inspector (police awardee pa yung isa) yung nahuling mga suspect, at may mga kagamitan talaga sila na pang-riding-in-tandem
  • yung Mayor sa Mindanao at ang mga kasama niya na hinihinalang pinatay sa rubout
  • yung pagkamatay ni Mayor Espinosa; nakakulong na, hinainan daw ng search warrant kahit na madaling araw na, nawawala ang kuha ng CCTV, at nakapanlaban daw
  • yung mabilis na pagre-reinstate dun sa Marcos (pulis ng Region 8 na sangkot sa kasalukuyang kaso/istorya ng mga Espinosa) at tila pagiging 'maluwag' ng mga kinauukulan sa iba pang pulis na involved
  • yung kidnapping ng isang civilian last October daw na nakunan ng CCTV, na ang sangkot ay mga pulis na hindi naka-uniform
  • yung kaso sa Lemery, Batangas kung saan may claim na nauna (higit na mas maaga) daw hinuli yung mga drug suspects nang mga naka-civilian na pulis na wala namang dalang warrant, pero hapon na noong kuhanan ng mga pictures at inventory na may kasama ng mga ebidensiya laban sa kanila
  • yung pagpatay ng isang pulis sa lalaking nanlaban DAW matapos mag-amok sa isang bangko sa Laguna na nakunan naman ng CCTV camera  
  • yung pamamaril ng isang lasing na pulis sa Misamis Oriental na ikinasugat ng 4 na katao 
  • yung nakainom na pulis sa Negros Occidental na namaril din at nakapatay
  • yung ginawang pananampal at panggugulpi ng isang sundalo sa isang bar sa Isabela, supposedly eh naka-duty daw siya, at nanggulo DAW doon dahil gusto ng nude dance/show
  • sa Sorsogon, yung pangho-holdap ng isang sundalo sa isang remittance center, na supposedly eh naka-duty rin siya during that time
  • ang patuloy at malaking bilang ng mga pulis na lumalabas na positibo sa paggamit ng ilegal na droga through drug test  (ang isa sa butas ng laban kontra sa ilegal na droga)

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
  • yung honor student na choir member na ginamitan ng karatula
  • yung 5 year old daw na bata na nadamay sa tangkang pagpatay ng mga hindi kilalang tao sa lolo niya
  • yung 5 year old na taga-Pasay na napatay habang natutulog dahil nadamay sa pagpatay sa tatay niya na siya daw target nung hindi nakilalang tao
  • yung pagkamatay ng bagong binyag na bata (na tinamaan ng ligaw na bala) sa Bulacan dahil nadamay sa pagpatay sa kanyang ninong na involved DAW sa droga
  • yung pagkadamay at pagkapatay sa isang manliligaw sa Quezon City dahil involved daw yung nililigawan niyang babae sa ilegal na droga
  • yung kaso sa NCR kung saan nadamay at natamaan ng bala ang isang sibilyan dahil sa paghahabulan ng mga pulis at ng isang suspek
  • yung 2 sibilyan sa Laguna na nagsisimbang-gabi lang sana, na nadamay (napatay yung batang babae) sa pamamaril  ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sa isang barangay tanod na related din daw sa ilegal na droga
  • yung tila 2 grupo ng tao na napatay sa Caloocan City, na either drug related daw yung isang grupo kung kaya't nadamay sa tumbahan yung mga miyembro daw ng frat, o dulot ng frat war na ang nadamay naman eh yung ilang drug related personalities

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system ng bansa:
  • sa Pasay, yung target ng buy-bust operation na nakapatay at nakasugat ng mga pulis, grupo sila eh, at yung main target daw ay marami ng record ng krimen pero talagang nakakalaya pa rin

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung pagkamatay ng isang 9 year old na bata, na pinaghihinalaang pinatay ng mga menor de edad; na natagpuan yung bangkay na nakagapos ang mga kamay, na binugbog daw, pinutulan ng mga daliri, at may hiwa pa sa tiyan
  • yung pagsu-suicide daw ng isang Director Villa ng ERC dahil sa katiwalian sa trabaho nila
  • isama na rin yung pagkalat ng mga fake news at paid trolls sa social media
  • yung Oplan Cyber Tokhang

---o0o---


January 2, 2017...

12 pa lang daw since kaninang umaga yung mga naitalang tinamaan ng ligaw na bala..
mahirap pang sabihin sa ngayon kung kanino galing yung mga yun, dahil natural namang walang aamin...

pero sa Misamis Oriental..
4 ang sugatan matapos mamaril ang isang lasing na pulis...

sa Iloilo rin..
Hungarian national naman yung binaril at napatay ng kapitbahay niya dahil daw sa away sa paputok...

again, problema 'to sa mga baril..
hindi naman pwedeng i-generalize, pero may mga tao talaga na yumayabang puwerket may baril sila...
was feeling , sinong lalaban sa mas matinding threat na 'to...?
>
additional cases...

sa Negros Occidental..
isa ring nakainom na pulis ang namaril at nakapatay...

sa Ilocos Norte naman..
sundalo yung nagpaka-trigger happy...

sa NCR..
meron ring nagpaputok na army reserve..
dahil daw sa away mag-asawa at sa pag-iisip sa kamamatay lang na anak...

bukod dun..
may iba pang mga sibilyan na nagmamay-ari ng baril ang hindi napigilang magyabang...
was feeling , disiplinado...
---o0o---


January 3, 2017...

kung wala namang tamang pagkukunan ng dagdag na pensiyon sa SSS, eh tama nga lang na hindi na yun ipatupad muna...

hindi naman kasi yun simpleng tornohan..
dapat nakabase sa paglago nung pera ang anumang idadagdag sa pensiyon..
hindi kailanman magiging tama yung primary option nila na ipapasan sa mga kasalukuyang contributors ang pangdagdag sa perang natatanggap ng mga nagpe-pension na...
was feeling , hindi kasi dapat gamitin na pampa-pogi yun ng mga author nun...
>
excise tax sa petrolyo..?
bakit, wala pa ba..?
o tataasan pa...?

dapat nga eh wala na, dahil nagmamahal na nga yung presyo nun sa world market..
pati ba naman dito sa loob ng bansa eh pagkakakitaan pa rin yun..?
hindi ba pwedeng alisin na muna yung pagiging ekonomista, tutal basic needs na yun eh..
dapat nga eh gobyerno na muna mismo yung sumasalo sa mga pagtaas na nangyayari..
hindi yung makikidagdag pa sila sa mga bayarin...

was feeling , paano na kaming mahihirap...?
>
madali lang malaman kapag demolition job ang ginagawa ng isang (kilalang) tao...

kapag yung ultimo mga bagay na hindi naman matatawag na mali o masama eh tinira pa niya sa social media..
kapag ultimo pagkakataon at ang unpredictable natural phenomenon eh ginamit na niyang dahilan para lang makapangmantsa ng reputasyon ng ibang tao..
eh ayun - masasabi mo nang paninira lang talaga ang pakay niya/nila...

ewan ko lang kung binabayaran ba sila para gawin yun o ano...
was feeling , ang sasama ninyo...
---o0o---


January 4, 2017...

[Climate Change]

mga kiki kayo ng mga ina ninyo, mga panatiko at mga tagasulong ng demolition job!

gumaganti ba kayo sa mga taong kumuwestiyon kung bakit wala rin dito noon (noong naunang sakuna) ang diyos-diyosan ninyo..?
wala na kayong mga utak, kagaya nila!
ni hindi na ninyo naisip na kahit nape-predict ang ruta ng bagyo, eh hindi rin naman talaga masasabi kung gaano kalaking damage ang magagawa nun..
alam nyo lang ngayon na nakapanalanta yun dahil nga nangyari na...


mga tao lang ang mga government officials..
hindi yan mga diyos..
eh kahit yung diyos-diyosan ninyo eh sa tingin ko naman eh hindi kayang magpatigil at magpawala ng bagyo..
kaya kahit nandoon pa sila noong time na yun, wala rin silang magagawa kundi umimik lang at magdasal..
dapat matuto kayo sa diyos-diyosan ninyo..
na ultimo pamimigay ng relief goods eh hindi sila ang directly na responsable..
pera yan ng taong bayan, o ng ibang bansa..
hindi yan galing sa bulsa ng mga leader ng ating bansa, o kung meron man ay kaunti lang..
kung may magagawa man sila, yun eh ang siguraduhin na magiging effective ang pamimigay ng tulong, but still iba pa ring mga indibiduwal ang mismong gagawa nung trabahong yun...

ano bang ini-expect ninyo..?
na titirahin nung tao ng Kame Hame Wave ang Bagyong Nina para maglaho yun..?
and they will all live happily ever after...?

again..
isa rin ito sa masamang dulot ng sobrang pagiging attached ng mga Filipino sa konsepto ng regionalism..
ang masyadong pagpapahalaga sa pagkakahati-hati ng bansa in terms of provinces at major islands...

kayo ang mga dapat mawala sa bansa na 'to..
kayong mga utak alimango at anay ng lipunan..
kayo na nagpapakalat ng kabobohan at mga maling balita...
was feeling , huwag kayong magyabang lalo na kung may kontribusyon kayo sa Climate Change, mga bugok!
>
sa Isabela naman...

ayun..
isang sundalo na supposedly naka-duty ang nanampal at nanggulpi sa isang bar..
ginulpi yung umawat lang naman sa pananampal na ginawa niya...

hindi daw nasiyahan yung sundalo sa pagsasayaw ng mga GRO..
ang gusto daw niya eh walang saplot na pagsasayaw eh...

hindi mabuti na may mga inosenteng nasaktan..
pero mabuti na rin na wala namang napatay...
was feeling , disiplinado part ii...
---o0o---


January 5, 2017...

patay na yung 15 y/o na babae sa Malabon City na tinamaan ng ligaw na bala...

isa na namang biktima dahil sa kawalan ng disiplina ng mga tao sa paggamit ng baril...

siguro dapat mga babae na lang ang hayaang magdala ng mga baril dito sa bansa..
parang sobrang rare kasi ng mga kaso kung saan namamaril ang mga babae nang mali ang rason o dahilan nila eh..
tapos gawing ilegal na para sa lahat ng mga lalaki na humawak ng baril...

was feeling , ano nga kaya kung ganun...?
>
sa Pasay naman..
pulis ang napatay dahil sa buy-bust operation nila..
bistado sila for some reason eh..
at walang proteksyon sa katawan, though hindi rin nga yun posible noon...

ang masama sa kaso na 'to..?
matagal nang may records yung main target ng operasyon..
bata-bata pa lang daw yun ay snatcher na..
tapos may robbery din, at drug-related na rin nga ngayon..
demonyo nga ang turing sa kanya ng kaniyang mga magulang...

again, bunga ito ng mali o hindi na akmang penal system ng bansa..
ang piyansa system..
ang areglo system..
yung sistema ng pagbabawas ng panahon ng pagkakakulong..
well, depende rin nga yun sa nature ng krimen..
pero kapag paulit-ulit na - dapat may forever na sa kulungan, o sa slavery, o dapat may death penalty na nga...
was feeling , wala pa rin bang magre-reporma sa penal system...?
>
lagot!
nasakop na ng (dating?) BOC consultant na si Kape ang MTRCB..
iba talaga kapag friend ka ng diyos-diyosan..
Martial Law na kaya ito para sa film and TV media..?
ABS-CBN, maghanda na kayo...

parang tanga lang na isang kagaya niya yung iniluklok dun..
someone na bahagi ng mga paninira..
someone na nagpapakalat ng mga mali at maging pekeng mga impormasyon..
paano niya ire-regulate nang tama yung industry kung ganung klase siya ng tao...?
feeling , RIP sa essence ng MTRCB...?
---o0o---


January 6, 2017...

ang weird din nung si Kape..
kagabi ko lang nalaman na naghahanap rin pala siya ng hustisya para sa ama niya..
(baka naman pati yun eh ibintang na niya sa kulay...?)

kaya paano niya naatim na suportahan yung desisyon ng diyos-diyosan nila na ipagkait ang hustisya sa mga biktima ng Martial Law..?
at suportahan ang naging pagyurak sa dangal ng bayan..?
parang walang sense na naghahangad ng hustisya ang isang taong walang pakialam sa hustisya na nararapat sa kanyang kapwa..

o baka naman ginamit lang niya yung istorya ng kanyang ama para makakuha ng simpatiya mula sa ibang tao...?

at totoong hinuhusgahan ko na ang pagkatao niya..
dahil certified na masamang babae siya..
hindi dahil sa dati niyang craft..
pero dahil maraming beses na siyang nagpakalat ng mga bintang, paninira, at ng mga maling impormasyon...
was feeling , kalokohan...
>
[Pets]

kawawa naman yung mga gumawa nung film na Oro..
pero kung wala ngang ginawang mali yung aso - eh mali nga na pinatay yun for the sake of the film..
ang lesson for them..?
mag-invest sa props o di kaya eh sa computer graphics..
though base sa mga napapanood ko sa TV at sa local movies, eh hindi pa pang-Hollywood ang level ng mga Filipino CG artists..
ibig kong sabihin eh hindi pa realistic...


pero napaisip rin nga ako..
nabatikos na rin 'tong topic na 'to noon eh..
yung tungkol sa mga pusang pinapatay at ginagamit sa pag-aaral naman ng medisina..
bakit ba sobrang bias ng mga tao pagdating sa mga domesticated pets..?
beast-mode kapag gusto nila yung uri nung involved na hayop, pero walang pakialam kapag hindi..
bakit hindi sila ganoong ka-concern kapag mga palaka at daga ang pinapatay for the sake of science...?
was feeling , mga tao talaga o'...
>
bagong kaso na naman...

sa Sorsogon..
yung sundalo na nang-holdap sa isang remittance center..
ginawa pa niya yun sa oras daw ng duty niya..
yung baril at granada na ginamit eh mukhang mga loose firearm at explosive pa...



wala talagang mapagkakatiwalaan...
was feeling , akala ko ba tinaasan na ang suweldo nila...?
>
ta-target-in mo kamo yung mga soft porn sa local TV..?
(parang palabas ng isang sikat na loveteam ang tinutukoy mo dun ah...?)

anong klaseng Kape ka..?
oo, maganda yung layunin..
pero umpisa pa lang eh nagsisinungaling ka na..
about 7 years ago na yung mga ginawa mong pagpapa-sexy...?


baka ang tinutukoy mo lang eh yung nude painting session mo na na-cover sa news...?

eh paano yung dirty dancing ng grupo ninyo..?
yung pagpapahawak mo ng boobs sa radio program o podcast at yung implied na panghihipo mo rin ng ari ng lalaki, na may video anyway..?
yung mga ginawa mong pagde-demo ng adult toys sa videos..?
yung mga pang-adult na videos ninyo ni former EB Babe Mae at ng iba pang mga babae...?

hindi 7 years ago nangyari yung mga yun..
at hindi puwerket hindi na-cover yung mga yun sa TV eh ibig sabihin eh wala nang nakakaalam ng tungkol sa mga yun..
hindi ko sinasabing mali yung mga yun..
it's just an adult craft na dapat ma-regulate nang husto..
pero bakit parang ini-edit niya yung details o numbers niya ngayon para magmalinis...?

at kanina ko rin lang naisip..
without parental control..
ultimo yung pag-Google Image Search sa pangalan niya at ng grupo nila eh delikado para sa mga menor de edad..
dugtungan lang ng ibang mga kataga (maging yung pangalan lang ni Mae) at mabubuksan na ang pinto patungo sa adult world...

ang punto ko ay..?
hindi naman sa sinasabi na hindi na dapat bigyan yung tao na yun ng pagkakataon para magbago..
pero pwede naman niyang gawin yun nang hindi na siya pumapasok sa gobyerno..
may ibang tao kasi na mas deserving para dun sa posisyon, yung tipo na walang mga files sa internet na related sa adult o sex world...
was feeling , sinungaling...

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - First Week of January 2017 (Those Memorable Kisses)

napalitan na naman ang schedule ko..
this time, kailangan ko nang humanap ng oras kung kailan ako makakahiram ng laptop...
  
---o0o---


January 1, 2017...

tama na ang kalokohan..
mali yung ginagawa ko noong ilang taon na nagdaan..
mali na nakailang beses kong sinabi sa sarili ko na susubukan kong maging mas mabuting tao..
mali - dahil it won't happen sa ganitong klase ng setup...

kung may tinatawag na crossfire, eh ito naman siguro yung tinatawag na cross FATE..
hindi mo pwedeng baguhin yung tadhana ng mga direktang nakapaligid sa'yo..
well, pwede mo silang permanently na alisin sa equation - makukulong ka nga lang kapag hindi mo malinis na nagawa yun... XD

kaya bago pala mawala yung inner demon ko..
heto ang tamang recipe:
  • get rich
  • get the hell out of hell
  • at boom! mababawasan na ang inner demon ko
  • live the rest of my life fulfilling my craft, at habang tinatapos ang bawat nalalabing chapter ng One Piece

kaya naman..
bawal na munang makipagkita sa mga babae (unless manalo ako sa lotto)..
wala na munang educational sex..
focus on DAZ...
was feeling , 11,215 days after...
---o0o---


January 3, 2017...

[TV Series]

The Greatest Love 

nakuha na ni Mommy La ang blessing ni Z, suportado naman kasi niya parati ang lola niya..
pero sinabi naman ng matanda na hindi pa naman siya ikakasal..
nagpa-plano na rin si Z ng birthday gift para sa Mommy La niya sa tulong ni Y..
kaso mukhang magkaka-third party na sa istorya ng 2 bagets, dating bestfriend na babae ni Y eh...


nagtampo naman si Amanda kay Chad dahil tuwing si Mommy Glo ang pag-uusapan nila eh hindi makakita ng kakampi sa kanya ang asawa..
pero may punto naman kasi si Chad, na hindi nila alam ang buong istorya sa pagitan nina Mr. A at Mommy Glo...

at ipinaalam na nina Amanda at Paeng kay Andrei ang balak nila na ibenta na ang ancestral house nila..
tutol naman sa bagay na yun si Andrei, dahil sa karapatan nina Mommy Glo at Lizelle dun sa bahay na yun...

1 week na lang at mareremata na yung bahay..
excited na ang pinsan ni Andres na makuha iyon...

kaagad pinuntahan nina Amanda at Paeng si Mommy Glo para kumbinsihin ito na ibebenta na nila ang bahay..
medyo nag-aalala naman si Paeng na baka maalala ng kanilang ina na nasa kanya yung titulo..
noong una eh tutol ang matanda, mahalaga kasi para sa kanya ang mga alaala nila sa bahay na yun (i don't think kasama si Andres sa pinahahalagahan niya, kundi yun lang pagiging ama nito sa mga anak nila)..
pero nakumbinsi siya ni Paeng nang ulitin nito yung kamalasang inabot ni Amanda dahil dun sa Ulirang Ina Scandal..
na-guilty si Mommy Glo at pumayag na nga sa kagustuhan nung 2..
pero na-stress naman siya sa kahahanap dun sa titulo..
gusto sana ni Paeng na magpagawa na lang ng bagong copy, pero matagal na proseso daw yun sabi ni Amanda...

kaya ayun, lumiban na si Mommy Glo sa checkup niya sana..
katulong niya si Mareng Lydia sa paggalugad sa bahay nila..
at nabanggit nga nila kay Peter yung problema ngayon sa bahay nina Gloria..
naulit rin ni Mareng Lydia sa lalaki na nagiging iritable na ang bestfriend niya...

papunta sina Andrei at Lizelle sa San Ildefonso dahil nga sa balak nina Amanda..
nabanggit tuloy ni Peter sa anak niya yung tungkol sa nawawalang titulo..
nagtaka naman si Lizelle dahil kilala niya ang ina niya sa pagiging organized nito..
pagdating sa San Ildefonso, sinabi nga ni Gloria na pumayag na siya sa balak nina Amanda..
medyo nagtampo si Andrei dahil nga hindi na sila kinonsulta ni Lizelle, humingi naman ng paumanhin si Mommy Glo na hindi na niya naisip yung opinyon nung 2..
gusto daw kasing magsimula ulit nina Amanda at Paeng sa buhay, duda naman si Lizelle na seryoso si Paeng sa bagay na yun...
was feeling , komplikado si Mommy Glo.. nagagawa niyang i-treasure yung mga alaala na naging bunga ng pangre-rape sa kanya...
---o0o---


January 4, 2017...

heto malungkot..
bale, natuloy na nga yung pag-alis ni Miss H sa grupo nila..
meaning, mukhang hindi ko na nga sila makikitang magkasama ni Miss C..
wala na yung pinaka-seksing magdala ng high heels sa kanila..
wala na yung babaeng pinaka-malambing sa akin at yung pinaka-masarap humalik...

tama rin yung tip noon ni Happily Married Rich Old Client..
kumalas na nga yung faction nila sa grupo..
wala na rin si Miss Ab, at isa pang veteran member...

bale, 28th, 29th, at 30th retirement na yun..
sabay-sabay this early 2017...

but i guess good news rin yun for me..
at least hindi ako mate-tempt na maghabol ng mga goal ko sa fantasy world for now...
was feeling , thank you sa magagandang alaala, at sa mga halik mo...
>
[TV Series]

The Greatest Love 

okay lang kay Lizelle kung mabebenta man yung bahay, para magkasama na ulit sila ng kanyang ina...

pagdating sa San Ildefonso..
naungkat tuloy yung tungkol sa pagkupit ni Paeng nang mahigit Php 80,000 sa junk shop nila..
bukod pa yung nawawalang mga hikaw ni Mommy Glo..
nagulat naman si Andrei sa mga nalaman niyang iyon..
in-assume tuloy ni Lizelle na baka na kay Paeng na yung titulo ng bahay...

nagkita sina Andrei at Amanda sa ad agency..
ipinaalam ni Amanda na napapayag na nila si Mommy Glo na ibenta yung bahay..
binalaan naman ni Andrei ang kanyang ate tungkol sa pagsusugal ni Paeng, na hindi naman pinaniwalaan ni Amanda dahil kay Lizelle galing yung kuwento...

sa office rin nina Amanda nakiki-online si Paeng para maibenta yung bahay sa social networking site..
nagmamadali siya sa kabila nang wala naman sa kanila yung titulo..
mukhang plano ni Paeng na either; saka tutubusin yung titulo kapag may natanggap na silang bayad, o pabayaan na yung buyer at yung pinagsanglaan ng titulo ang mam-roblema after..
pero natanong na rin nga ni Amanda si Paeng tungkol sa pagsusugal nito at tungkol sa nawawalang titulo ng bahay..
siyempre itinanggi yun ni Paeng, naniwala naman si Amanda, pero sinabihan din ang paborito niyang kapatid na huwag nitong sisirain ang tiwala niya..
nakahanap na rin sila ng babaeng buyer, sinabihan na nila si Mommy Glo na ihanda ang bahay for viewing...

ang pinsan naman ni Andres eh bumisita sa ancestral house nila..
nagpaparamdam siya dahil nga mataas na ang tsansa na makukuha na niya yung bahay..
at dahil sa frustration at sakit ni Gloria ay hindi niya naiwasan na pagbintangan ito at masaktan nang bahagya..
mabuti na lang at naawat siya ni Mareng Lydia...

nagpatulong naman si Lizelle kay Sandro para mapatunayan yung hinala niya..
mula sa dating pinagsusugalan ni Paeng eh na-trace nila ang mas big time nitong pinaglalaruan..
maingat rin si Sandro kay Lizelle, hindi niya ito pinabababa sa mga ganung klase ng lugar para hindi mapag-trip-an ang ganda nito..
at yun nga, nagkaroon ng lead si Sandro sa posibleng ginawa ni Paeng dun sa titulo..
sa halagang Php 5,000 eh nakumbinsi ni Lizelle yung katiwala sa pasugalan na bigyan siya ng kopya ng mga pangalan ng nagsangla ng bahay at lupa..
at boom! kasama nga dun si Paeng na isinangla yung bahay nila sa halagang Php 500,000...

balik sa San Ildefonso..
hindi pa rin mapakali si Mommy Glo sa kahahanap dun sa nawawalang titulo..
sinubukan siyang i-distract ni Mareng Lydia sa pamamagitan ng pagpapaalala dito ng dapat gawin nilang preparation para sa 60th birthday niya..
madali rin ngang nakumbinsi si Mommy Glo, kaso saktong tumawag si Amanda para sabihin sa kanya na ihanda nga yung bahay para sa viewing...
was feeling , huli na ang itim na tupa...
---o0o---


January 5, 2017...

naalala ko lang..
December 29 was the last day na naka-online yung phone ni Miss H..
same day sa anniversary namin..
iniisip ko noon whether to greet her or not..
pero knowing na isa siya sa mga very professional na hindi sumasagot sa mga non-transactional conversations, eh pinalagpas ko na lang yung araw na yun...

the next day, wala na siyang Viber account..
Miss Ab's last online activity was also dated December 29, 2016..
so posibleng that time pa lang eh kumalas na sila sa grupo..
at recently nga lang nag-surrender ng mga gadgets nila at officially nag-retire...

sana lang naikumusta nga ako ni Miss H kay Miss C bago sila naghiwa-hiwalay...
was feeling , Facebook, ikaw na ang bahalang maghanap sa kanila...
>
[Movie]

Inferno 

honestly, the first time na nakita ko yung trailer noon..?
inakala ko na "hala! magiging supernatural na yung istorya..?"..
pero hindi pala...


andun pa rin yung usual elements..
mga historical settings..
historical art works (focusing on Dante Alighieri this time)..
puzzle-solving..
at ang konsepto ng pagiging non-fighter na character, pero magaling umiwas at tumakas mula sa pagkahuli, haha...

okay naman yung ginawang twist..
magaling rin na nag-start yung film sa total mystery for Professor Langdon..
tungkol yun sa Inferno virus (bioaerosol ang form) na ginawa ng isang psychopath geneticist (a Dante fan) para parehas na wasakin at iligtas ang sangkatauhan..
ang supposed Black Plague ng kasalukuyang mundo, ang magdadala ng supposed 6th extinction (though hindi naman talaga extinction yung idea)..
nahati yung mga characters sa; mga taong gustong i-contain yung virtus, mga taong gustong pagkakitaan yung virus, at mga taong gustong gamitin at pakawalan yung virus...

marami silang ginamit na concepts..
gaya ng chemically induced memory loss..
staged rescue para makumbinsi si Langdon na i-solve yung clue..
yung Faraday pointer..
yung drone aerial surveillance (na dapat matutunan ng mga awtoridad dito sa Pilipinas)..
ang pag-hire at paglinlang sa isang private elite organization, ang The Consortium..
ang pagkakaroon ng traydor sa linya ng World Health Organization (WHO) na gustong pagkakitaan yung virus..
ang paggamit sa Istanbul, Turkey bilang setting para dun sa virus, dahil nagsisilbi siyang gateway for both the East and the West..
ang mabisang paggamit ng signal jammers laban sa mga cellphone detonated bombs..
at maging past at long distance relationship...

andun sa film si Jyn Erso, na unang naging sidekick ni Professor Langdon..
though nagbigay rin naman ng hint na mas komplikado pa dun yung character niya, since yung eksena na pinakita yung record niya bilang isang batang genius..
nakapatay nga siya ng 2 elite assassins ng The Consortium eh..
eventually, na-reveal nga na obsessed lover siya nung gumawa nung virus at na parehas sila ng ideology, after nilang ma-realize ni Langdon kung saan nakatago yun..
para na silang sina Dante at Beatrice..
at saka nga nagkampi-kampi ang mga totoong magkakakampi..
nagawa niyang maging suicide bomber para lang mai-launch yung Inferno virus...

nakakatawa yung eksena dun sa Dante Death Mask..
yung nag-iimbestiga ka, tapos magugulat ka na isa ka pala sa mga nagnakaw nung item..
maraming butas yung part na yun nung istorya kung ia-apply sa real world, pero pwede namang palagpasin..
sa huli..
ibinalik nga ni Professor Langdon yung Dante Death Mask doon sa museum na parang walang nangyari..
pasimple lang, gaya kung paano nila yun ninakaw...

pero tama yung sinabi dun..
"Humanity is Inhuman"..
ang mga tao ang sumisira sa lahi nila at sa buong mundo..
pero pinili pa rin nung movie na magbigay ng message of Hope para sa sangkatauhan...
feeling , Cerca Trova...
>
[Gadget-Related]

after 5 years..
unti-unti nang bumibigay yung mga plastic parts ng Nokia 2730c ko..
okay pa naman yung software niya..
gumagana pa rin naman nang maayos..
yung mga plastic parts lang talaga yung unti-unti nang kumakalas nang kusa...

was feeling , kulang pa ang 5 years...
>
[TV Series]

The Greatest Love 

hindi nga pala isinali ni Amanda si Lizelle sa magiging hatian nila sa benta ng bahay...

dumating na nga ang araw ng viewing..
napaisip rin nga si Amanda tungkol sa mga alaala nila sa bahay na yun..
ipinakita nina Amanda at Paeng sa mag-asawang buyer yung buong bahay, parang balak nilang gawing restaurant o kung anong business establishment yung ancestral house na yun..
nadatnan nila sina Andrei at Lizelle sa loob, pero hindi naman gumawa ng eksena yung dalawa...

habang nagbu-viewing..
pinili namang lumabas ni Gloria kasama si Peter..
nag-che-chess sila habang okupado yung isip ni Gloria tungkol dun sa bahay..
nasabi ni Peter na mukhang mahalaga talaga para sa babae yung bahay na yun..
sinabi naman ni Gloria na natutunan na niyang pahalagahan rin yun dahil sa mga anak niya..
dahil sa ganung statement, naisundot tuloy ni Peter yung tanong kung paano nga ba naging sina Gloria at Andres..?
nagkunwari naman si Gloria na hindi na niya maalala yung dahilan..
maging kay Peter ay balak na niyang itago yung kasamaan ni Andres...

balik sa bahay..
Php 12,000,000 gustong ibenta nung 2 yung bahay, discounted na nga daw yun from Php 15,000,000..
pag-iisipan muna daw ulit ng buyers at ng kanilang mga business partners..
after ng viewing, saka minabuti nina Andrei at Lizelle na kausapin si Amanda tungkol kay Paeng..
inihatid naman ni Paeng palabas yung mga buyer..
sinamantala niya yung pagkakataon para palihim na makipag-deal sa mga yun..
pwede daw niyang gawing Php 11,500,000 na lang yung presyo nung bahay..
kaso kailangan daw kaagad nilang mag-advance ng Php 500,000, na balak namang gamitin ni Paeng para tubusin yung titulo nun...

hindi madirtekta nina Andrei at Lizelle si Amanda..
tinanong tuloy siya ni Andrei kung kaya ba niyang ibenta yung bahay kung sakaling hindi siya galit sa kanilang ina..?
labag rin sa loob ni Amanda na ibenta yung bahay dahil nga sa mga alaala dun ng pamilya nila, pero gusto niyang gawin yun dahil na rin kay Paeng..
sinabi ni Lizelle na hindi daw dapat kinukunsinti nina Amanda at ng kanilang ina si Paeng..
ayaw naman talagang maniwala ng Ate nila sa anumang sinasabi ni Lizelle..
hanggang pumasok na ulit si Paeng..
nagkasumbatan na sila, napag-initan ni Paeng si Lizelle, hanggang napilitan na rin yung bunso na ipakita yung titulo nung bahay na tinubos nila ni Andrei, kasama yung proof ng pagtubos dun..
hindi makapaniwala si Amanda, at nagawa niyang saktan ang paborito niyang kapatid...

si Mommy Glo naman ay nagpababa kay Peter sa medyo malayo pang lugar, para maiwasan na makita ulit siya ng mga anak niya..
at saka siya nag-tricycle pauwi..
saktong nadatnan niya na sinasaktan ng panganay si Paeng, kaya umawat siya..
noong makita niya yung titulo ay saka niya na-realize yung nangyayari..
muli silang nagkasumbatan, inungkat ni Paeng yung pagiging bakla ni Andrei dahil sa usapin ng kahihiyan, kaya nagpangbuno yung 2..
umawat sina Mommy Glo at Lizelle, nagpapatulong sana si Lizelle kay Amanda, pero nawalan na ito ng pakialam sa kanila..
hanggang nagwala na at nagsira si Mommy Glo, at natigil rin ang pagtatalo ng magkakapatid..
kaagad namang umalis si Amanda dahil pagod na daw siya sa pamilyang yun..
sumibat na rin si Paeng..
isinauli naman ni Lizelle yung titulo ng bahay sa kanilang ina..
naalala ni Andrei yung tungkol sa birthday nito, at in-assure ito na matutuloy pa rin yun..
sinabi naman ni Mommy Glo na ayaw na niya ng party, dahil pagod na pagod na rin siya...

after that, kanya-kanya na muna ulit sila..
si Lizelle eh kin-omfort ng tatay niyang si Peter..
si Ken naman para kay Andrei..
si Amanda ang pinaka-nawasak na naman sa kanilang lahat, dahil na-realize niya na ginamit lang siya ng paborito, pinagkatiwalaan, at yung pinagmamalasakitan niyang kapatid..
andun naman si Chad para i-comfort siya..
samantalang si Paeng eh mga beer lang ang karamay, at parang nagsisisi naman sa nagawa niya...
was feeling , mukhang sa video presentation pa na gift ni Z mari-reveal ang tungkol sa sakit ni Mommy Glo...
---o0o---


January 6, 2017...

[TV Series]

The Greatest Love 

binisita saglit ni Peter si Gloria at mukhang malungkot na malungkot ito dahil sa nangyari sa kanila...

nag-video log ulit si Mommy Glo that night..
at nasabi nga niya na siya yung may sakit na Alzheimer's pero nauna pa siyang makalimutan ng kanyang mga anak..
mukhang dun nagsimula ulit ang paglala ng sakit niya...

hindi naman malaman nina Andrei at Lizelle kung itutuloy pa yung party..
napansin rin ni Lizelle yung pagiging mainitin na ng ulo ng ina nila, at na hindi na nila 'to makumbinsi..
kaya tumulong na si Mr. A..
nag-meeting sila, at ituloy lang daw ng mga bata yung plano nila, tutulong daw siya sa finance, at hindi rin siya pupunta dun sa party para hindi na makagulo lalo..
hindi naman nila isinali sa meeting si Z dahil hindi nito alam ang tungkol sa nangyaring gulo...

nag-focus na lang si Z sa video project niya sa tulong ni Y..
at naisip niya na isali sa video presentation yung video countdown na ipinagawa niya sa Mommy La niya..
kinabukasan, pumunta nga sila ni Y sa San Ildefonso..
inabutan nila na pinagagalitan ni Mommy La si Ate Melba..
inutusan kasi ng matanda si Ate Melba na ilipat yung mga pictures, kaso nakalimutan niya yung utos niyang yun, kaya ayun nasabihan niya si Melba na mangloloko at marunong nang sumagot..
pero biglang bait ulit nang trato nito sa kasambahay nang dumating na sina Z..
maging si Y ay nakalimutan na ulit ni Mommy La..
sa kusina, napag-usapan nina Ate Melba at Z yung naging kilos ni Mommy La, at naging maunawain pa rin naman si Ate Melba..
after that, d-in-istract ni Y si Mommy La gamit yung mga photo albums..
si Z naman eh palihim na kinopya yung mga video files mula sa iPhone ng lola niya papunta sa kanyang laptop..
naisip pa niya yung privacy nung matanda, pero naisip niya rin na joint project naman nila yun kaya okay lang siguro..
untik na rin siyang mahuli ni Mommy La..
sumibat na yung loveteam after, pero naulit ni Z na tuloy yung party..
nagalit tuloy si Mommy Glo sa mga anak niya...

pupuntahan na sana ni Mommy Glo sina Andrei..
pero saktong dating nina Andrei at Lizelle na dala yung red gown niya..
galit ni Mommy Glo ang sumalubong dun sa 2, at sinisisi niya yung 2 kung bakit daw hindi na pupunta sina Amanda at Paeng sa birthday niya..
nagawa rin ng matanda na itapon at tapakan yung gown na dala ni Andrei..
naisip tuloy ni Andrei na paborito nga talaga ng kanilang ina sina Amanda at Paeng, at nasaktan siya dahil nabalewala yung efforts nila..
si Lizelle naman eh hindi na masyadong nagsalita..
gusto sanang magpaliwanag ni Mareng Lydia sa mga bata, dahil alam niyang dahil yun sa sakit ng kaibigan niya kung bakit ganun ang kilos at ugali nito ngayon, kaso ay nakapangako siya sa bestfriend niya, kaya pinili na lang niyang sundan si Mommy Glo...
feeling , gulo na naman...