Saturday, July 9, 2022

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - First Week of July 2022 (Suspended & Origin)

Loveless Story


July 5, 2022...

ano na bang nangyayari sa kanila..?
suspended pa rin hanggang ngayon sina Attendant Ry at Attendant C..
pero binibisita pa rin naman nila ang kanilang mga account from time to time...

kanina..
inalis na rin ng management ang mga pangalan nila mula sa listahan ng mga account names...

tapos..
maging sina Attendant M at Attendant Y eh matagal na ring hindi gumagawa ng aktibidad..
although kasama pa rin naman sila sa mga listahan...

is feeling , problema ba saan..? sa venue...??


>
[Gadget-Related]

kaninang umaga, nag-reset ang monitor ko matapos na saglit na tumunog yung UPS..
sinilip ko naman yung system box, at mukha namang hindi siya namatay...

before lunch time, nag-render naman ako gaya ng halos araw-araw kong ginagawa, habang naglalaro ako ng Axie Infinity Pyramid Scam sa smartphone..
kaso after ng render, eh kataka-taka na ayaw magpa-save nung file..
pero hindi din naman siya nagka-crash gaya ng mga nangyayari noon..
dahil dun, ni-reset ko na lang muna yung program..
inulit ko yung render, at gumana naman na siya nang maayos...

huwag naman..
huwag naman sana pati ang graphics card ko... 🙁

is feeling , pakiusap, huwag naman sunud-sunod...


>
paano ko pa lilinisin ang isip ko mula sa mga negative thoughts kung maya't maya ang pagdating ng mga masasamang bagay sa buhay ko..?? 🙁
sa totoo lang, wala na akong nakikitang maayos na kinabukasan para sa sarili ko...

mas nare-realize ko lately kung bakit ko pinagdaanan lahat ng mga masasamang naranasan ko..
kasi simula't sapul, may kamalasan talaga na nakabuntot sa akin..
kung hindi pa ako pumasok sa cryptocurrency trading, hindi ko makikita nang harap-harapan kung paano ako magdala ng kamalasan sa lahat ng bagay na nagkakaroon ng koneksyon sa akin... 🙁

hindi nawasak ng 4 beses yung Dream Date dahil sa nagkataon lang..
hindi ako inutangan nang inutangan ng pera, sabay pinalabas na namimigay daw ako ng pera, dahil sa nagkataon lang..
hindi lumagpas sa Php 120,000 yung original na Php 60,000 ko na budget para doon sa Dream Date dahil sa nagkataon lang..
hindi bumulusok yung token earnings ko from Php 40,000 plus down to Php 9,000 plus na lang dahil sa nagkataon lang...

nangyari lahat ng 'yon dahil ganun ang gusto nilang mangyari sa akin..
hindi ako dapat nag-exist..
kaya siguro gustung-gusto nila na ako mismo ang tumapos sa existence ko..
walang idudulot ang existence ko maliban sa kamalasan lang... 🙁

pero kailangan ko pa ng konting palugit..
more than 3 years pa yung natitirang time allowance..
hindi ko hiniling ang buhay na 'to..
pero tutal nandito na rin lang ako..
kukunin ko lahat ng mga memories na pwede ko pang makuha mula sa mundo..
at huwag na huwag ninyong susubukan na patayin si Oda bago pa man mangyari iyon...

is 💀 feeling , nabubuhay na lang ako para mamatay...

---o0o---


July 6, 2022...

sa ngayon plano nilang i-move sina Attendant Ry at Attendant C sa sister establishment nila..
not sure kung para lang i-boost yung market nung kabila..
o kung penalty din nga for something...

ang importante ay hindi naman sila kumakalas sa management..
at least may paraan pa rin ako para makita ulit sila in case of emergency...

is 💘 feeling , good to know...

---o0o---


July 7, 2022...

noong isang araw, nag-delete na pala si YAM ng line of communication namin..
pero active pa naman yung mobile number niya sa ibang communication app..
i guess that means na wala na talagang pag-asa yung sinabi niya noon sa akin na may ipapakilala siya na pwede kong makatrabaho..
bilang kapalit niya...

is 💔 feeling , sayang...

-----o0o-----


July 2, 2022...

[Game]

lagot na..
kumikilos na ang ibang mga players..
naglalaro yung ranking ko sa ngayon from 2,000 plus to 3,000 plus..
at nasa 2nd day pa lang...

is feeling , tama na.. mag-retire na kayong lahat.. huwag na kayong maglaro ng Axie Infinity Pyramid Scam...


>
[Trade]

wala akong mapasukan na investment..
average ang performance ng karamihan matapos kong malugi na naman..
from Php 40,000 plus sana..
nasa Php 9,000 plus na lang ako ngayon... 🙁

patuloy din sa pagbabawas ng supply ang USDT sa ngayon..
mukhang balak din nilang wasakin yung stablecoin na iyon...

LUNC..
pakiusap..
gawin mo na..
sumipa ka na nang todo-todo hanggang USD 0.05...

is feeling , ano bang klase ng madilim na kapalaran 'to...??

---o0o---


July 4, 2022...

[Game]

after 345 days..
nagawa namang makapanlaban ng team ko..
601 SLP, o parang 40 per day...

nasa Php 0.20 ang palitan per SLP..
so parang nasa Php 120 lang..
sobrang layo sa dating 5 digits.. 🙁
para sa fees ng mga transactions ko, umabot lang naman siya sa USD 0.000161007..
so hindi pa rin masama...

sa ngayon, nasa USD 791 na ang original value ng lahat-lahat ng assets ko..
at nasa USD 1,375 naman ang kailangan kong habulin sa Php 3.00 per SLP na palitan...

pagdating naman sa Origin..?
kahit papaano eh may mga nakakalaban pa rin naman akong mga hindi sobrang lalakas..
after 4 days, naglalaro pa sa 2,000 plus to 3,000 ang ranking ko..
kaso mahaba pa ang natitirang 24 days..
bukod pa sa sobrang malas ko pagdating sa Crafting..
ang dami ko nang nasasayang na resources, pero wala pa rin akong napapala na matino..
sana lang talaga ma-discourage na lang yung iba at hindi na lang maglaro..
para magawa kong manatili sa top 10,000 kahit na papaano...

is feeling , kailangan ko ng USD 2,000 para makapag-retire na ako at kalimutan ang lahat tungkol doon sa bangungot na laro...

---o0o---


July 6, 2022...

[Game]

so may nasubukan akong strategy para medyo mapataas ang chances na makakuha ng mas makabuluhan na mga Runes and Charms..
at malaking boost nga ang naibigay nun sa mahina kong team...

sa ngayon, nakapasok na ako sa top 1,400 players..
pero wala pa rin akong ideya kung gaano na lang kadami ang naglalaro nung mapanakit at bayolenteng game..
masyado pang maaga para masabi ko na hindi na ako mapapatalsik pa mula sa rankings..
pero sana..
sana talaga..
sana magawa ko namang makakuha ng AXS this time...

is feeling , last 22 days...

---o0o---


July 7, 2022...

[Trade]

simula noong magbenta ako nang palugi ay hindi pa ulit bumababa ang market sa selling point ko..
lumalabas na tinakot at pinuwersa lang talaga nila ako para malugi..
tapos ay pinaangat na ulit nila ang lahat para hindi na ako makapag-trade pa...

is feeling , hit and run.. winawasak nila lahat ng investment ko.. tapos saka ipapakita kung paano lumago ang iba pang mga assets...

---o0o---


July 8, 2022...

[Game]

mukhang malabo din nga na makakuha ako ng AXS mula sa Origin...

noong isang araw, nakaabot nga ako sa 1,000 plus na ranking..
pero after that ay kumilos na ulit ang FATE para wasakin ako... 🙁

kahapon, natalo ako sa 11 matches ko..
madami sa mga talo ko eh dahil nagso-short ako sa atake sa huling palitan, sobrang dalas na shield o useless card ang nabubunot ko..
at kaduda-duda iyon dahil pinakaunang namamatay lagi sa team ko yung may mga shield, kaya dapat una kong nabubunot ang mga iyon para maglaho...

kaninang umaga, akala ko na natapos na yung game-fixing..
baka kako puros program lang yung kalaban ko kahapon..
sunud-sunod yung panalo ko kaninang umaga..
kaso, pagdating ng hapon ay nagpatupad ng update ang mga basurang developers...

dahil dun..
may skill ang mga kalaban na mas lumakas pa lalo..
samantalang may skill ako na nasira..
sobrang dehado ako, dahil automatic na talo na ako oras na magloko yung skill na iyon... 🙁

sa 11 na talo eh 2,000 na rank na ibinababa ko..
sa paggising ko naman eh mas nalalaglag ako ng nasa 1,000 na rank..
nasa lagpas rank 4,000 na ako ngayon..
nasa 8th day pa lang..
at palapit ako nang palapit sa palabas sa top 10,000... 🙁

is feeling , last 20 days.. mga kriminal talaga sila...

---o0o---


July 9, 2022...

[Trade]

nangyari na naman..
paulit-ulit na lang talaga...

sa OGN..
selling point ko USD 0.31..
ang inabot lang noong madaling araw ay USD 0.305...

tapos kanina naman..
nasa USD 17 na sana yung nakuha kong interes..
kaso ayaw talagang umangat kapag may investment ako..
USD 7 na lang tuloy yung nabawi ko...

is feeling , ewan ko sa inyo.. kukubrahin ko na lang yung sa Lottery...


Saturday, July 2, 2022

Coordinated Gagging

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...



ang unang 3,327 na mga rason kung bakit hindi talaga umuunlad ang bayan...

---o0o---


daily prayer...

sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mai-serve na kaagad ang totoo at ganap na hustisya laban sa lahat ng miyembro ng alyansa para matigil na ang kasamaan nila...

at sana maging maayos na ulit ang mundo...

is 💀 feeling , day 721...

-----o0o-----


lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2019/08/war-against-schools-victims.html
http://blogngpotassium.blogspot.com/2020/05/the-greater-citizens.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2020/11/lies-embracing-demolition.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2021/06/gauging.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2022/01/defenders-of-tax-evasion.html

update ulit (503 + 501 + 516 + 507 + 502 + 500 + 298 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung dinoble nila ang naabutan nilang mga utang ng bayan
  • yung batas para sa pagsasayang ng pondo para sa Sangguniang Kabataan o SK, samantalang pwede naman ang libreng leadership training sa mga paaralan
  • yung pag-amin na nagkamali daw siya sa 6 months na promise niya tungkol sa ilegal na droga, may 6 daw kasi noon na PNP generals ang may kaugnayan doon sa trade
  • yung pagsisinungaling na wala daw nangyaring extrajudicial killing sa giyera kontra sa ilegal na droga, sa kabila ng pagkakaroon ng mga kaso ng taniman at tumbahan
  • yung pag-veto sa SIM card registration na patakaran dahil sa concern nila para sa registration ng social media accounts
  • yung suggestion para sa paggamit ng mapanganib na nuclear energy, samantalang may mga renewable options naman na hindi banta laban sa kalikasan
  • wala daw kasalanan yung mga management nung mga sabungan kung saan galing ang mga nawawalang sabungero, samantalang January pa may mga nagrereklamo pero hindi naman nakikipagtulungan ang mga sabungan 
  • yung pagbatikos na naman laban sa Senado dahil sa pagsita sa naging bentahan sa Malampaya
  • yung lantarang red-tagging na mula mismo sa tuktok
  • yung suggestion para sa mga Vice Mayor na ipa-ambush na lang ang mga Mayor
  • yung requirement daw para maging Mayor na matuto munang pumatay
  • yung pagtatanggol ngayon na kesyo wala daw nakaw na yaman ang Dictator Clan, pinapalabas din niya na bata pa noon yung tax evader para mapag-iwanan ng nakaw na yaman
  • yung hiling na suportahan daw ang sindikato ng katiwalian
  • yung tama daw ang hindi pagdalo sa mga debate
  • yung hindi na daw mawawala ang korupsiyon sa sistema ng pamahalaan
  • yung binigyan ng posisyon sa COMELEC yung abogado nung tax evader
  • yung kaya pala hindi magawang mapanigan ang Ukraine laban sa Northern Empire, eh dahil pinagbabantaan ng Eastern Empire

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • yung isang empleyado ng LGU sa Daet, Camarines Norte na arestado matapos na mahulihan ng hinihinalang shabu
  • sa Masbate, yung SK Chairman na nahuli matapos na magbenta ng ilegal na droga para sa pulis na nagpanggap na buyer
  • sa La Loma, Quezon City, yung nasa P800,000 na halaga ng hinihinalang ilegal na droga na nasabat sa buy-bust operation, 1 nasibak na miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at 4 na iba pa ang nahuli
  • sa Iloilo City, yung pulis na nakatalaga sa Regional Drug Enforcement Unit na naaresto sa buy-bust operation
  • sa Manila, yung pulis na mula sa CALABARZON na nahuling tumataya sa online sabong, na kinasuhan ng illegal gambling at estafa
  • sa Isabela, yung Barangay Chairman at 2 anak niya na naaresto matapos na mahulihan ng mga baril at mga granada
  • sa Zamboanga City, yung babaeng empleyado ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na nahuli ng NBI dahil sa kasong pangingikil laban sa isang babaeng negosyante na may-ari ng panaderia at grocery store
  • sa Davao City, yung isang dating pulis na naaresto dahil sa kasong pangingikil, tumatanggap daw kasi siya ng recruitment fee mula sa mga aplikante ng PNP sa Davao region
  • sa Palo, Leyte, yung 3 pulis na naaresto dahil sa kasong extortion, kung saan hinihingan daw nila ng pera yung babaeng dating nabilanggo bilang kapalit ng pagre-release ng motorsiklo na napunta sa kustodiya ng PNP
  • sa Pampanga, yung nasa 10 pulis na inaresto dahil daw sa pagkakasangkot sa hulidap modus laban sa ilang mga sabungero
  • sa Calamba, Laguna, yung pulis na miyembro ng Police Security and Protection Group na nahuling gumagamit ng nakaw na sasakyan
  • sa Sto. Tomas, Batangas, yung Pulis-Laguna daw na nagnakaw sa isang gasolinahan na sangkot din daw sa ilang nakawan sa Laguna
  • sa Oriental Mindoro, yung pulis na nalulong sa online sabong na nagtangkang magnakaw sa isang hardware store
  • sa Angeles City, Pampanga, yung 8 pulis na nagpakilala bilang mga miyembro ng CIDG, at 3 iba pa, kabilang ang 2 Imperial citizen, na hinuli dahil sa kasong attempted robbery
  • sa Caloocan City, yung 6 na pulis na inireklamo dahil sa pagnanakaw daw laban sa isang vendor
  • sa Quezon City, yung 2 pulis at 9 na iba pa na inaresto dahil daw sa pagnanakaw sa warehouse ng isang negosyante na Imperial citizen yata iyon
  • sa Laguna, yung mga pulis na itinuturo bilang dumukot sa ibang mga nawawalang sabungero
  • sa Las Piñas City, yung pulis na hinuli matapos ireklamo ng pangmomolestiya laban sa isang menor de edad
  • sa Maynila, yung pulis ng Cagayan Valley na nagpakita ng kanyang ari sa isang 18 y/o na babae sa isang restaurant
  • sa Quezon City, yung pulis na nanutok ng baril laban sa isang lalaki, na may mga dati ng kaso at madalas daw manggulo kapag under the influence of alcohol
  • sa General Emilio Aguinaldo, Cavite, yung mag-live-in partner na napatay sa pamamaril ng kanilang manugang na isang Kagawad
  • sa Quezon City, yung pulis na nakainom daw ng alak, na namaril ng estudyante dahil lang sa problema sa kalsada 
  • sa Camarines Sur, yung Captain sa Philippine Army na namaril at nakapatay ng superior niya na isang Major, at nakasugat din ng isa pa daw na sundalo, patay rin matapos na magbaril ng kanyang sarili yung suspek
  • sa San Fernando, Cebu, yung 3 na aktibong pulis at isang dating pulis na sumuko dahil sa pagpatay sa mag-asawa sa isang robbery-slay case
  • sa Surigao del Norte noong year 2020, yung kaso nung napatay na Spanish national na suspected bilang drug-related, kung saan 3 pulis yung suspect sa kaso, at lumalabas na hindi naman nanlaban yung Spanish at tinaniman din daw ng mga ebidensya
  • yung kaso ng nawawalang negosyante at pinatay na ahente niya, kung saan suspek ang 5 kabilang sa PNP-HPG ng Calamba
  • sa Lanao del Sur, yung Barangay Chairman na dating Mayor na napatay matapos daw na manlaban sa mga awtoridad, hahainan lang daw sana siya ng kaso kaugnay sa paglabag umano niya sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulations Act
  • sa Romblon, yung Mayor, kasama ang nasa 200 pang katao, na naaresto dahil sa ipinagbabawal na sabungan
  • sa Surigao del Sur, yung Vice Governor at ang kanyang maybahay na inaresto dahil sa kasong Estafa
  • yung kandidato daw bilang Representative sa Palawan na nahuli dahil sa pag-i-issue ng talbog na tseke
  • sa Quezon City yata iyon, yung inireklamo ng vote-buying yung babaeng related daw sa kaduda-dudang kompanya na naka-deal ng PS-DBM para sa DOH, na tumatakbo bilang Representative
  • sa Ilocos Sur, yung komprontasyon sa pagitan ng kandidato sa pagka-Mayor at Barangay Captain na supporter ng ibang kandidato tungkol daw sa vote-buying, na nauwi naman sa pagkamatay ng 4 na tauhan nung kandidato sa pagka-Mayor

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • yung breach daw sa partner ng COMELEC na Smartmatic
  • yung video ng mga awtoridad na nagpupunit ng mga balota
  • yung video kung saan mga awtoridad na ang nagsilbi daw na mga election officer sa presinto at may mass shading pa ng mga balota
  • sa Quezon Province, yung chief volunteer ng isang kandidato na nawawala daw
  • yung pamamaril laban sa Mayor ng Infanta, Quezon, na kilalang tutol sa pagpapatayo ng Imperial dam
  • yung pulis na suspek sa pag-atake sa 5 taga-Bureau of Customs, na nahuli pero napatay naman matapos DAW na manlaban
  • sa Port Area, Manila, yung pulis na napatay ng intelligence officer ng Bureau of Customs (BOC), nagtangka daw mang-agaw ng baril yung biktima pero nadaig lang nung taga-BOC sa barilan

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung adviser na nagpapanukala na dapat payagan na ang hindi pagsusuot ng face mask
  • yung adviser na nagsusulong naman ngayon ng booster cards, samantalang may posibilidad daw na maging regular tulad ng flu vaccine ang mga COVID-19 vaccine
  • yung adviser na nagsabing ipaubaya na lang daw sa mga LGU ang pagdedesisyon tungkol sa pagsusuot ng face mask, samantalang hindi na aggressive ang COVID-19 testing lalo na sa mga borders at wala pang booster shots ang iba
  • yung planong gamitan na ng expiration ang mga vaccination cards
  • yung 2nd COVID-19 booster shot na ang pinag-uusapan ngayong April pa lang, kasabay ng plano ng expiration para sa mga vaccination cards
  • yung pinagyayabang nila na mababa lang ang bilang ng COVID-19 cases, samantalang pinahina na nila ang testing
  • yung pagmamadali sa pagbaba sa Alert Level 2 sa panahon ng Omicron variant kahit na nasa 5 digits pa rin naman ang nade-detect na mga kaso araw-araw
  • yung aalisin na rin yung No Vaccination, No Ride policy under Alert Level 2, na para bang magkaiba ang epekto ng virus sa tao sa iba't ibang Alert Level
  • sa NCR, yung pwede na ulit isama sa public places ang mga bata, under Alert Level 2, samantalang sinasabi nila dati na delikado ang mga hindi pa bakunado laban sa COVID-19
  • yung planong gawin na lang once a week ang paglalabas ng report tungkol sa COVID-19 cases
  • yung ang higpit-higpit nila dati tungkol sa mga health protocol, regarding testing, isolation ng mga may symptoms, vaccination, at ang pagre-require ng mga vaccination documents, pero walang halaga ang lahat ng iyon sa panahon ng Eleksyon 2022
  • yung patakaran sa Cebu Province na hindi na required ang magsuot ng face mask sa pampublikong lugar, na hindi ikinonsulta sa DOH
  • sa San Juan City, yung ibinalik na ang kanilang festival kung saan may kasama na basaan, kung kailan dumadami na ulit ang mga kaso ng iba't ibang variant at subvariant ng COVID-19
  • yung planong mag-donate ng mga malapit nang ma-expire na COVID-19 vaccines para sa ibang mga bansa
  • yung nasa 3.6 Million daw na COVID-19 vaccines ang na-expire na
  • yung sinasabi ng Bureau of Quarantine (BOQ) na nasa 300 na international travelers araw-araw ang nade-detect bilang mga COVID-19 carriers, pero meron pa ring mga may gusto na luwagan ang quarantine protocol para sa kanila
  • yung aalisin na ang quarantine protocol para sa mga fully vaccinated na international traveler, na para bang 100% na gumagana ang mga vaccine upang hindi na maging carrier ang isang vaccinated na tao, at na para bang imposible na sa mismong biyahe sila makasagap ng virus
  • yung muling pagsuway ng Cebu sa health protocol ng bayan, handa silang tumanggap ng mga unvaccinated na foreign tourist sa ngalan ng turismo
  • sa airport, yung mga umuuwi na international travelers at ang mga sumusundo sa kanila na nilalabag na nang husto ang mga basic na safety protocol, wala ng physical distancing at yung iba eh nagbababa na rin ng face mask
  • yung may na-detect ng kaso ng Omicron subvariant na nakapasok sa bayan, foreigner na nagpunta daw sa Baguio ang carrier
  • sa Puerto Princesa, Palawan, yung nasa 15 dayuhang turista na na-detect bilang mga COVID-19 carriers
  • yung may local transmission na daw sa bayan ng isang COVID-19 Omicron subvariant
  • yung may nakapasok na daw sa bayan na subvariant ng COVID-19 Omicron variant, na mas madali daw makahawa at kaya ding mangbalewala ng epekto ng vaccine
  • yung napasok na ang bayan ng panibago na namang sublineage ng COVID-19 Omicron variant, 2 daw ang na-detect na carrier na wala namang travel history sa labas ng bayan
  • yung mga hotel na naniningil ng nasa Php 1.5 Billion daw na utang ng OWWA kapalit ng pagsisilbi ng mga establishment nila bilang quarantine facility
  • yung sinabi ng DBM na meron daw nasa Php 100 Billion na pandemic response fund for 2021 ang hindi pa naman nagagamit
  • sa Quezon Medical Center sa Lucena City, Quezon, yung tambak ng hazardous waste sa sarili nilang compound kabilang ang mga ginamit para sa COVID-19 cases
  • sa Virac, Catanduanes, yung laboratory na nasita ng DENR dahil sa pagtatapon ng mga medical waste nila sa dagat
  • sa Virac, Catanduanes, yung nasa 7 daw na bata na naging carrier ng COVID-19, nangyari daw iyon matapos nilang mapaglaruan ang mga medical waste gaya ng syringes sa kanilang lugar
  • yung benepisyo para sa mga health workers ng Lung Center of the Philippines na hindi pa rin naibibigay ng DOH hanggang sa ngayon
  • yung pagpapatigil ng Commission on Higher Education (CHED) sa application for scholarship ng mga incoming freshmen dahil kulang daw sa budget, sa kabila ng mga nasita ng COA na mga pondo na hindi naman nagagamit nang maayos
  • sa DepEd, yung nakalusot na module para sa demolisyon, yung laban sa isang pinuno at laban din sa isang pinabagsak na TV network
  • sa Negros Oriental, yung mga elementary students na nagkaroon ng hinihinalang food-borne illness, baka daw kasi kontaminado ang gatas na ipinamahagi sa School-Based Feeding Program (SBFP)
  • yung kapalpakan sa website ng SSS dahil ayaw gumana nang maayos ang pagsa-submit ng online registration data
  • yung paglilipat ng regulation ng vape sa Department of Trade and Industry (DTI) sa halip na sa Food and Drug Administration of the Philippines (FDA)
  • yung nasa Php 300 Billion na daw na halaga ng smuggled na mantika ang nakapasok sa bayan mula sa Malaysia mula 2016 to 2021
  • yung asukal naman ngayon ang gustong idaan sa maramihang importation
  • yung nabisto sa Senado, yung ginagawang manipulasyon ng Sugar Regulatory Administration (SRA) sa merkado ng asukal
  • yung hindi natatapos ang problema sa mga smuggled na gulay dahil may koneksyon daw ang mga sangkot dito
  • sa Divisoria, yung nasabat na nasa 100 kilograms daw ng smuggled na carrots
  • sa Occidental, Mindoro, yung bagsak presyo at may nabubulok na sa tone-tonelada ng mga  sibuyas
  • sa Nueva Ecija, yung nadamay na rin sa pagkalugi ang mga magsasaka ng sibuyas doon dahil nga sa pagbagsak ng presyuhan
  • yung Department of Agriculture ng MIMAROPA na nagsabi na mababa ang kalidad ng mga sibuyas doon kaya bumagsak ang presyo
  • sa La Trinidad, Benguet, yung nasa Php 10 na lang ang bentahan ng per kilo ng carrots
  • yung pag-i-import na rin DAW ng Deparment of Agriculture ng asin at patis
  • yung dati nang nagawa na pansamantalang Php 10 ang minimum na pamasahe sa mga jeep, pero hindi mapagbigyan ngayon kung kailan sobrang taas na ng presyuhan ng petrolyo
  • yung kalokohan ng patakaran ng Window Hour para sa mga provincial bus sa EDSA na parang nawawalan ng saysay yung franchise ng mga bus operators at pagme-maintain ng mga terminal sa loob ng NCR, bukod pa sa pagiging pabigat sa mga ordinaryong mananakay
  • yung problema sa kakulangan ngayon ng PUV sa Manila dahil sa problema sa petrolyo
  • ang pagpayag ng LTFRB sa Php 2.00 na increase sa minimum na pamasahe sa mga jeepney
  • yung planong i-ban ang Binance sa bansa
  • yung hindi daw humihina ang halaga ng piso at malakas lang daw talaga ang halaga ng dolyar, samantalang maya't maya nga ang usapan tungkol sa interest rate hike sa USA dahil sa sarili nilang laban sa inflation sa kanila
  • yung may mga website pa rin na patuloy sa pag-o-operate ng online sabong sa kabila ng kautusan
  • yung Coron Bay Development Project na sumira na doon sa area dahil sa reclamation, 2007 yata sila unang nakakuha ng Environmental Compliance Certificate (ECC), sinira na parehas ang bundok at dalampasigan 
  • sa Pasay City, yung walang kuwentang SK Chairman na nagpalaro ng street boxing kung saan walang headgear na gamit ang mga kalahok
  • yung drone o unmanned aerial vehicle (UAV) ng Philippine Air Force (PAF) na nag-crash sa Cagayan de Oro City
  • sa Cagayan, yung 9 na katao na namatay, bukod pa sa mga sasakyan, bahay, at iba pang nasalpok ng isang van na dala-dala daw ng mga Army Reservist
  • sa EDSA, sa Quezon City, yung 3 namatay na miyembro ng Philippine Air Force sa nasunog na sasakyan, nabangga daw sila sa mga concrete barrier dahil nagmaneho daw under the influence of alcohol yung survivor
  • sa Camarines Norte, yung 2 sugatan matapos na mabangga at bumaliktad ang sinasakyan nilang tricycle dahil sa kotse na minamaneho ng isang pulis
  • yung latest na chopper crash para sa PNP, nagpasundo daw pala noon yung PNP Chief mula sa personal na lakad niya sa Balesin Island
  • yung kaso nung security guard na binangga ng mayayamang tao, kung saan hindi kaagad nahuli ang suspek samantalang nagagawa naman iyon laban sa ibang tao
  • sa Laguna, yung matandang babaeng environmental defender na hinuli sa bisa ng warrant, dahil lang sa hinala na siya yung rebeldeng tinutukoy para sa kaso noong 2008 pa
  • sa Quezon City, kaugnay nung kaso nung estudyante na binaril ng nakainom daw na pulis, yung mga pulis ng QCPD na kinasuhan ng neglect of duty at administrative cases dahil hindi daw rumesponde doon sa insidente dahil nag-iinuman sila noong mga panahon na iyon
  • sa Quezon City, kaugnay nung kaso nung estudyante na binaril ng nakainom daw na pulis, yung natuklasan na may cover-up na ginawa yung 2 pulis na nag-imbestiga doon sa kaso
  • yung pinakakasuhan ng NBI na nasa 22 daw na opisyales, pulis, at doktor ng PNP NCRPO, dahil daw sa pagsasabwatan nila tungkol sa pagkamatay ng ilang mga preso na pinalabas na nahawa ng COVID-19
  • sa Pilar, Abra, yung nangyaring barilan noon laban sa grupo ng Vice Mayor, lumalabas kasi sa imbestigasyon ngayon ng NBI na madaming kasinungalingan ang sinabi ng mga pulis sa kanilang mga statement
  • yung red-tagging laban sa mga aklat na patungkol sa masamang paghahari ng Diktador
  • yung pagpapa-block ng mga websites matapos na i-red-tag
  • yung pagpapatibay sa kautusan ng Securities and Exchange Commission na ipatigil na ang operasyon ng Rappler dito sa bansa
  • yung ginawang restriction ng NTC sa blocktime agreement sa mga TV station
  • yung Prosecutor General na nagsabi na wala daw kinalaman sa kaso ng isang Senador ang ginawang pag-amin ng isang pinuwersa na maging testigo noon, samantalang patunay ang ginawang pagtumba sa ama nung taong iyon na posibleng madami pa ang mga ginipit na tao para lang makagawa ng kaso
  • yung dating OIC ng Bureau of Corrections na binawi na rin ang kanyang testimonya laban sa isang Senador, na nagsasabi na nadiktahan lang daw siya noon
  • yung sinabi kaagad ng DOJ na wala ring magiging epekto sa kaso ng isang Senador yung pagbawi sa mga dating testimonya ng dating OIC ng Bureau of Corrections
  • yung niloloko ang mga mamamayan na kesyo mas maganda daw ang lagay ng ekonomiya ngayon kumpara sa dati, pero nangungutang na naman ng panibagong nasa USD 400 Million mula sa Asian Development Bank
  • sa Asian Development Bank ulit, yung inaprubahan na nasa Php 227 Billion na pautang para sa South Commuter Railway Project
  • yung nasa USD 178 Million na gustong utangin mula sa World Bank, panlaban daw sa pagkabansot ng mga bata
  • yung nasilip ng COA na nasa Php 700 Billion daw na hindi pa nagagamit na pondo mula sa 2021 national budget
  • yung nasilip ng COA sa mga offshore gambling companies, yung umaabot daw sa Php 2.3 Billion na fees mula 2021 ang hindi nasisingil mula sa kanila
  • yung napuna ng COA sa PCGG, yung madaming ari-arian na iniuugnay sa angkan ng mga tiwali na hindi naman pala naka-record sa kanila
  • yung nasilip ng COA sa Philippine Information Agency na kaugnay daw ng PCOO, yung nasa Php 206 Million na discrepancy sa halaga ng kanilang mga gamit
  • yung nasilip ng COA na mga kuwestiyonable daw na paggamit ng National Youth Commission sa pondong inilaan para sa kanila, gumastos daw para sa mga bagay na walang kinalaman sa kanilang function
  • yung nasilip ng COA sa Office of Civil Defense, mababa daw kasi ang budget utilization nila para sa humanitarian and disaster relief operations at maging sa COVID-19 response for 2021
  • yung nasilip ng COA sa Department of Agrarian Reform, yung nasa Php 900 Million na unliquidated cash transfer daw nung ahensiya for 2021 
  • yung nasilip na tax deficiency doon sa kaduda-dudang kompanya na naka-deal ng PS-DBM para sa DOH na para sa bilyones na purchases
  • yung isang recommendation tungkol sa kaso nung kaduda-dudang kompanya na naka-deal ng PS-DBM para sa DOH, yung panay yung kompanya lang ang sinisisi pero walang kasalanan yung mga nag-approve na maka-deal yung kompanya, kahit na nga madami ang kaduda-duda tungkol sa kanila
  • yung mga Senador na ayaw pumirma sa report ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng kaso ng kaduda-dudang kompanya na naka-deal ng PS-DBM para sa DOH
  • yung nakahanda na rin ang Anti-Terror Law kahit na sobrang daming kakulangan sa accuracy nung patakaran
  • yung red-tagging laban sa UP Mindanao campus
  • yung sinabi ng DOJ na hindi nga sumunod sa mga patakaran yung ginawang live interview daw sa isang convicted kidnapper na awtoridad
  • yung pagpanig ng COMELEC sa faction na nang-hijack lang daw
  • yung masyado nga namang nagtatagal ang desisyon nung na-assign na division ng COMELEC tungkol sa kaso ng public servant na ilang taon na hindi nag-file ng income tax
  • ang pagpanig ng COMELEC sa naging public servant na tax evader
  • ang pagbabasura ng COMELEC sa maraming motion for reconsideration laban sa isang tax evader
  • yung perpetual disqualification pala ang parusa nila para sa kabiguan na magsumite ng tamang statement of contributions and expenditures (SOCE), samantalang katanggap-tanggap para sa kanila ang tax evasion na violation ng isa mismong naging public servant
  • ang pag-atake ng COMELEC laban sa mga campaign materials na nasa private properties naman
  • yung babala ng COMELEC na kasuhan laban sa mga volunteer na gagamit ng campaign materials sa loob ng kanilang property, samantalang wala naman silang ginagawa laban sa mga nagpapakalat ng FAKE content sa internet
  • yung commissioner ng COMELEC na nagbanta na ipapaaresto ang mga pupuna sa kanila
  • yung hindi pagpa-file ng income tax ng isang basurang public servant eh tama para sa kanila, pero ang pagbibigay ng suporta ng mga volunteer eh labag daw sa batas nila
  • yung patas na pagbibigay ng suporta ng mga volunteers eh sobrang sinisita nila, samantalang ang pagkalat ng mga FAKE at edited content para lokohin ang mga mamamayan eh ni hindi nila magawang sitahin
  • yung mga sumbong tungkol sa kapalpakan ng online voter verifier o precinct finder ng COMELEC
  • yung mga nahuling hackers daw ng Smartmatic, nasa 3 yung latest
  • yung pagkaantala ng pagbibigay ng fuel subsidy sa ibang PUV drivers dahil sa ban ng COMELEC sa mga paggastos ng pamahalaan
  • yung may mga mahihirapan na sa pagpunta sa padebate ng COMELEC dahil kailangan nilang mag-reschedule dahil sa naging isyu nila sa pagbabayad
  • yung ang mahal pala ng padebate ng COMELEC
  • yung hindi daw 100% na nalilinis ng COMELEC ang listahan ng mga botante, regarding doon sa mga namatay na
  • yung mga aberya sa testing ng mga Vote-Counting Machine o VCM
  • yung madami pa ring mga machine ang pumalya noong araw ng halalan samantalang naidaan na ang mga iyon sa testing
  • nakakapagtaka lang na kahit na madami ang mga bumigay na Vote-Counting Machines ay naging sobrang bilis pa rin nung transmission ng mga bilang
  • sa bakanteng lote sa Cavite, yung mga itinambak na mga kahon na ginamit para sa nagdaang Eleksyon 2022, kahon ng mga voting receipt yung iba
  • yung pakikialam ng F2 Logistics sa paghahakot ng election paraphernalia, samantalang sa vote-counting machines lang pala sila naka-assign
  • yung ayon sa COMELEC ay wala daw kuwestiyonable sa ginawa ng F2 Logistics na pagbabiyahe noon ng election paraphernalia na mula sa Tondo papunta sa bakanteng lote sa Cavite
  • yung mga nawawalang Certificate of Canvass (CoC) sa mga ballot box na ipinadala sa Congress
  • yung tao ng COMELEC na nagsasabi na hindi daw dapat isisi sa pagpalpak ng mga Vote-Counting Machine ang pagkaantala ng eleksyon
  • yung declaration ng failure of election sa maraming lugar sa Lanao del Sur
  • sa Rizal province, yung madami daw silang naobserbahan na iregularidad sa nangyaring halalan, isang halimbawa ay ang hindi daw pagpapapasok ng poll watcher sa mga presinto
  • yung maraming iregularidad na napansin ng International Observers Mission (IOM) sa buong proseso ng Eleksyon 2022
  • yung pwede ang paggamit ng mga mascot sa pangangampanya habang nasa serbisyo ng pagtuturok ng COVID-19 vaccine para sa mga bata
  • sa Bataan, yung sasakyan ng gobyerno na ginamit sa pangangampanya ng grupo ng tax evader
  • yung ayon sa governor ay gobyerno daw ng Nueva Ecija ang namimigay ng ayuda noong panahon ng kampanya ng kampo ng tax evader
  • yung mabilis na pagkilos ng mga biglang naalarma sa deal ng COMELEC sa Rappler
  • yung pagpanig ng Supreme Court sa tax evader
  • yung gustong maging elected official pero tutol naman sa pagsasapubliko ng SALN
  • yung hindi nagbabayad ng estate tax ang angkan ng mga tiwali dahil sa mismong mga kaso ng bawian, bilyones na ang estimate na halaga ng mga nawawala sa bayan
  • yung 1999 pa pala may kasulatan ang Supreme Court tungkol sa estate tax ng mga tiwali, at 1997 pa daw yung desisyon kung tutuusin
  • yung Senator na nagtataka tungkol sa timing ng paniningil laban sa kanilang angkan, na para bang kasalanan pa ng bayan na mga tax evader sila for more than 2 decades na
  • yung hindi na daw mawawala sa mga tao ang corruption
  • yung tax evader na naniniwala na hindi mare-regulate ang mga information online kasama na ang mga FAKE content dahil nakikinabang sila mula doon
  • yung pati claim na pagiging biktima ng FAKE news eh ninanakaw na rin niya
  • ang pagyurak ng mga magnanakaw laban sa uring manggagawa
  • yung pagsisinungaling nung katambal na kesyo hindi daw magnanakaw at kurakot yung isa, sa kabila ng lahat ng existing na ebidensya laban sa kanila
  • yung claim na hindi daw papanig ang tax evader sa mga kalaban ng bayan, samantalang marami sa hanay nila ay kalaban ng bayan pagdating sa katiwalian
  • yung paulit-ulit na paggamit sa mga komunista para sa kanilang mga kampanya at mga ini-endorse, dati ay magkakaibigan ang palabas nila at ngayon naman ay magkaaway na ulit
  • yung mahalin daw ang bayan pero nag-promote naman ng mga kriminal
  • yung huling-huli na pangangako ng isang kandidato tungkol sa franchise sa isang celebrity na supporter ng alyansa nila
  • yung Representative na nagre-request ng pa-security ng sistema para sa tax evader
  • yung Senador na ipinagtanggol ang pamilya na matagal nang hindi nagbabayad ng estate tax, samantalang totoong kaso iyon
  • yung mga kandidato na adhikain daw ang paglaban sa katiwalian, pero kumakampi naman sila sa mga proven na na mga tiwali
  • yung mga pinuno na naghahangad ng unity, pero nasa panig kung saan may mga kriminal
  • yung mga kandidato na hindi na rin magandang ehemplo ngayon pagdating sa pagsusuot ng face mask in public at pati pagdating sa physical distancing
  • yung limitado lang ang mga media na pinapalapit sa kanya
  • yung red-tagging laban sa mga supporters na dumadalo nang maramihan
  • yung alegasyon na may bayaran DAW na nangyayari kapalit ng pag-attend nang maramihan, pero wala namang ipinapakita na ebidensya
  • yung demolisyon tungkol sa pagpapaatras daw sa kandidatura, kung saan iba naman daw ang nagsasabi sa kanila kumpara sa kanilang idinidiin
  • yung mas maghihigpit pa ang Mayor ng Maynila sa No Permit, No Rally policy dahil batid nila na may mga nagrereklamo dahil sa mga nabistong anomalya sa halalan
  • yung mga kaduda-dudang Party-list na mukhang gagamitin lang para makapagpalawak ng kapangyarihan
  • yung madami din ngang mga kampon ng sindikato ang nakapasok sa non-territorial seats
  • sa Bukidnon, yung grupo ng mga kandidato at mga katutubo na pinaputukan ng baril dahil daw sa kagustuhan nila na mabawi ng mga katutubo ang ancestral land ng mga ito
  • sa Pasig City, yung campaign materials na nasa loob mismo ng city hall, sa portion daw kung saan nag-aalok ng libreng insurance
  • sa Baler, Aurora, yung nabisto na pag-iimprenta ng campaign materials sa loob ng gusali ng gobyerno
  • yung mga sample ballots ng alyansa ng mga masasama na ipinamimigay sa kung saan-saang area sa mismong araw ng eleksyon
  • yung lantarang red-tagging laban sa ibang grupo sa mga lugar na malapit sa mismong mga presinto, yung ibang lugar ay meron pa talagang awtoridad na nagbabantay
  • sa Lanao del Sur, yung insidente ng gulo kung saan may sinira pang Vote-Counting Machine
  • sa Legazpi, Albay, yung kandidato sa pagka-Councilor na inireklamo ang Mayor dahil daw sa vote-buying sa pamamagitan ng pamimigay ng ayuda
  • sa Pilar, Abra, yung Vice Mayor na may aktibong mga armadong tauhan sa panahon ng election gun ban, nagawa pa daw nung mga bodyguards na makipagbarilan sa mga pulis
  • sa Biñan City, Laguna, yung higit sa 30 daw na tauhan ng magkapatid na tumatakbo bilang Congressman at Mayor, nagawa daw nung ibang bahagi nung grupo na mangkuyog ng isang pulis
  • sa Negros Occidental, yung teacher na magsisilbi sana bilang poll worker na pinatay sa pamamaril bago pa ang araw ng eleksyon
  • sa Nueva Ecija, yung 5 sugatan at nasa 19 na iba pa na arestado matapos na magbarilan ang mga tauhan ng 2 Mayoral candidate
  • sa Buluan municipality, sa Mindanao, yung 3 security guards na napatay, at 1 pa na sugatan matapos na pagbabarilin ang isang polling station
  • yung mga iba't ibang insidente ng pagpapasabog at pamamaril sa area ng Mindanao
  • yung Dictator's Youth na ang kapal ng mukha ngayon na magmalinis tungkol sa substitution, samantalang siya nga itong pasaway na overaged na dati
  • yung pagnanakaw ng credits para sa masustansyang tinapay na ipinangtulong noon ng USA sa bayan
  • yung gustong palitan ang Constitution, pero wala naman palang nakahandang konkretong plano para sana ipapasa na lang kaagad lahat ng mga panukala
  • yung gusto daw buhayin ang Death Penalty, samantalang ang daming may history ng katiwalian sa kanilang hanay
  • yung planong i-blend na sa mainstream media ang mga vloggers
  • yung planong ibigay sa may record ng katiwalian ang accountability committee
  • yung mas preferred ang pamimigay ng ayuda dahil paraan yun ng pasimpleng pamimili ng suporta

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • sa Davao City, yung restobar na nag-operate nang wala daw business permit, bukod doon ay pinabayaan din nila ang kanilang mga customer na labagin ang mga health protocol
  • ang mas seryoso ng banta ng COVID-19 dahil sa mga magaganap na kampanyahan
  • yung tiwaling survey na nagsasabi na pinakamataas pa rin DAW ang tiwala ng mga tao sa mga tiwali, na patunay na hindi nga reliable yung survey
  • yung pinapalabas na ang paparating na pilian ang dahilan kung bakit kinakasuhan ngayon ng ibang bansa ang isang kulto
  • yung voice talent na pinagbabantaan ngayon ng mga supporters ng isang kulto, gayong nag-share lang naman siya ng totoong balita
  • yung mga kulto na endorser ng mga kriminal
  • yung panibagong kulto na nag-endorse ng mga kriminal at protektor ng mga kriminal
  • yung madaming babae na involved o dating involved sa sex trade ay mga pro- sa katiwalian
  • yung mga mamamayan na supporter ng Representative na protektor ng kaduda-dudang kompanya na naka-deal ng PS-DBM para sa DOH
  • yung mga mamamayan na sinasabi na paninira ang pagbatikos sa pagiging magnanakaw at tax evader, na para bang hindi kasalanan ang mga iyon
  • yung mga kaso ng vote-buying na kapag nahuhuli ay pinapalabas na kesyo paninira lang laban sa kanila
  • yung paggamit sa isyu ng pagpapabagsak laban sa isang makabuluhang TV network para i-demolish ang suporta ng maraming mga celebrity
  • yung pagnanakaw ng mga content ng mga supporters ng kasamaan, mga image at video file na ini-edit nila para sa kanilang demolisyon
  • yung pagnanakaw ng pangalan ng isang kandidato para sa isang FAKE website na nagre-redirect naman sa website ng tax evader
  • yung pagnanakaw maging sa pangalan ng mga singer at banda, para lang maka-engganyo ng a-attend sana sa kanilang campaign rally
  • yung 2016 interview video naman ngayon ng isang madre ang ninakaw para palabasin sa Imperial platform na pabor sa kanila
  • yung pati Guinness record eh ninanakaw na nila
  • ang pagnanakaw ng 2016 na event sa Kuwait para palabasin na naki-celebrate yung bansa sa pagkapanalo ng mga kriminal
  • yung FAKE claim sa probinsya na kaya daw ibalik ang presyuhan ng mga bilihin sa panahon bago pa man napatalsik ang kasamaan
  • yung sex scandal attack ng mga social media farm employees
  • yung broadcaster na yung mga babae pa ang sinisisi sa pagkalat ng FAKE news tungkol sa kanilang video scandal, na para bang walang posibilidad na ginawa nga iyon ng social media farm ng mga tiwali
  • yung pagnanakaw ng 2016 social media post ng biktima ng link scandal para palabasin na umamin na yung babae na may existing scandal nga siya
  • yung mga basurang demolition unit mula sa social media farm, na nakiki-blend sa mga supporter para lang makagawa ng mga mapanirang social media posts
  • yung in public ay huminahon ang mensahe niya para sa kanyang mga tagasunod, pero behind the scenes, eh patuloy naman ang kanilang social media farm employees sa demolisyon at pagpo-provoke ng mga pagtatalo dahil sa mga FAKE content
  • yung paalala na huwag daw hayaan ulit na manakaw ang mga suporta, samantalang siya itong natalo sa kanyang reklamo
  • yung pag-uugnay ng isang kandidato sa pinuno ng mga komunista
  • yung mind-conditioning na kesyo may mananabotahe daw sa selection process bilang paghahanda kapag natalo na naman sila
  • sa Ilocos Sur, yung maagang pagrereklamo na kesyo may suporta daw para sa tax evader na nalilipat sa mabuting tao pero wala naman daw maipakita na ebidensya 
  • yung paninisi ng mga social media farm employees sa isang piling kandidato dahil sa protesta na nangyayari ngayon laban sa COMELEC
  • kumikilos na rin ang mga social media farm employees para ipakulong ang isang kandidato dahil isinisisi nila lahat ng mga nangyayaring protesta doon sa tao
  • kumikilos na naman ang mga social media farm employees laban sa mga scholar ng bayan, gusto nilang mawala ang demokrasya ng pagpoprotesta
  • noong sila ang nagrereklamo noon eh dahil 'yon sa karapatan nila, pero ngayong hindi nila kasama sa hanay ang mga nagrereklamo, eh pinapalabas nila na mali na humiling ng mga paglilinaw tungkol sa mga bagay na kuwestiyonable
  • yung celebrity na nagsabi na bahay ng mga diktador na magnanakaw at tax evader ang official residence ng pinuno ng bayan
  • yung personalidad na protektor ng mga celebrity na drug users, na binabatikos ang isang direktor na lumalaban naman sa katiwalian
  • yung mga kandidato na pinapalabas na pakikipag-away ang paglaban sa katiwalian
  • yung mga kandidato na laging sinasabi na paghihiganti ang paglaban sa katiwalian
  • yung mga kandidato na nagsasabi na tutuldukan daw nila ang paglaban sa kasamaan, samantalang wala namang nagbibigay ng hustisya para sa lahat ng mga naging biktima
  • yung kakampi ng mga tiwali na nakikiusap sa ibang mga kandidato na huwag daw balaan ang mga mamamayan tungkol sa pagsuporta sa mga magnanakaw
  • yung character assassination daw ang pagsasabi ng totoo laban sa mga kriminal na naghahangad ng kapangyarihan
  • yung kampo na bumabatikos sa simbahan dahil sa paglaban ng mga ito sa katiwalian at kasamaan
  • yung bawal daw makialam ang mga relihiyon, pero nagpapaendorso naman sila sa kung anu-anong kulto
  • yung paratang na bias daw laban sa kanila ang isang kilalang broadcast journalist para lang makaiwas sa isang mahalagang interview
  • yung nakakahiya daw ang pagpoprotesta sa ibang bansa, kumpara sa pagsuporta sa mga kriminal
  • yung report ng Anti-Money Laundering Council na may malakihang halaga daw ng pera na na-withdraw sa may area ng Ilocos Sur sa panahon ng Eleksyon 2022
  • yung ginawang hacking laban sa isang official social media account ng University of the Philippines
  • yung walang pakialam yung iba na napayagan nang ituloy ang pagtataas ng singil sa PhilHealth dahil libre ang mga insurance nila at sinasalo lang ng mga nagbabayad
  • sa Davao Oriental, yung na-stranded na rare na Hotaula Beaked Whale, na namatay matapos na abusuhin ng mga lokal na mamamayan doon
  • yung nasa 921 na daw ang lumalabag sa gun ban simula noong January 9, 2022
  • yung mga pasaway na na-disqualify sa pag-take ng digital Bar Exam
  • sa Pasay, yung senior citizen na MMDA Enforcer, na isa sa mga nakuyog dahil sa paglaban ng mga violators na e-trike drivers
  • sa Rizal yata iyon, yung 7 y/o daw na batang lalaki na napatay ng sarili niyang ama matapos na ihambalos sa kalsada ang katawan ng bata, nasa impluwensiya daw ng ilegal na droga yung killer
  • sa Quezon City, yung Imperial citizen na nangbangga ng mga concrete barriers, lasing daw na nagmaneho at wala pang lisensya
  • sa NAIA, yung Imperial citizen na paalis na sana sa bansa na nabistong gumagamit ng pekeng Philippine passport
  • yung nasabat ng Bureau of Customs na nasa Php 6 Million na halaga ng mga puting sibuyas na idineklara bilang steamed buns mula sa Imperyo
  • yung mga nasamsam ng NBI na counterfeit na Imperial insecticides sa iba't ibang lokasyon sa bayan
  • sa Quezon City, yung nakumpiska ng mga pulis na kahon-kahon ng mga pekeng brand ng sigarilyo na pagmamay-ari ng isang Imperial citizen
  • sa Maynila, yung negosyanteng Imperial citizen na hinuli dahil sa pagbebenta ng mga smuggled na COVID-19 antigen test kits
  • sa Valenzuela City, yung nasa Php 1.1 Billion daw na halaga ng ilegal na droga na nakalagay sa mga pakete ng Imperial tea, 1 Imperial citizen at 1 babaeng lokal na mamamayan ang naaresto kaugnay nung kaso
  • sa Quezon City, yung nasa higit Php 20 Million na halaga ng ilegal na droga na nakasilid na naman sa mga pakete ng Imperial tea, 2 namang Imperial citizen ang nahuli kaugnay nun
  • sa Makati City, yung Imperial citizen na nahuli dahil sa pagbebenta ng shabu pills daw
  • sa Bacoor City, Cavite, yung Imperial citizen na nahulihan ng baril sa panahon na may umiiral na gun ban
  • sa Parañaque City, yung 4 na Imperial citizen na biktima daw ng forced labor sa pinapasukan nilang offshore company, nahuli naman ang mga operator nung kompanya na isang Indonesian at 2 Imperial citizen din
  • sa Parañaque City, yung 3 Imperial citizen na nahuli matapos na dukutin ang isang kapwa nila Imperial citizen na inalok daw para magtrabaho sa Makati City
  • sa Parañaque City, yung 3 Imperial citizen na napatay sa engkuwentro dahil sa kasong kidnapping laban sa kapwa nila mga Imperial citizen
  • sa Pasay, yung 4 na nahuli na sangkot daw sa kidnapping ng mga Imperial citizen, kung saan ang 2 unang nahuli ay mga Imperial citizen na nagbebenta ng mga hindi lisensyadong baril
  • sa Cebu, yung mga Imperial citizen na napatay sa engkuwentro dahil daw sa pandurukot laban sa kapwa nila Imperial citizen
  • sa isang condominium complex sa Taguig City, yung 1 napatay na security guard at 2 pa na sugatan dahil sa pamamaril ng isang Imperial citizen
  • sa karagatan sa may Palawan, yung 2 barko na inarkila upang magsagawa ng seismic survey, na sinundan ng mga basurang Imperial coast guard
  • yung panibagong COVID-19 surge sa loob ng Imperyo
  • yung banta ng recombinant bioweapon, may record na ng DeltaCron
  • yung banta ng Monkeypox na kumalat na sa iba't ibang Western countries
  • yung mga basurang mamamayan ng bayan na 'to na anti-Ukraine, para lang palabasin na ang mga tiwali na hindi kaalyado ng USA ang dapat na maging pinuno
  • yung sinasaltik na rin yung isang kakampi ng Imperyo ngayong panahon ng Imperial virus, sabik na rin na manakop
  • yung pagwawasak ng Northern Empire sa isang nuclear power plant
  • yung pag-atake ng Northern Empire maging sa mga ospital
  • sa karagatan sa may Japan, yung pagpapasabog ng mga submarine ng Northern Empire ng mga missiles
  • habang abala sa paglaban sa bioweapon ang karamihan ng mga tao sa mundo, eh abala naman sa pagpaparami ng armas ang mga teroristang Imperyalista
-----o0o-----


June 25, 2022...

base sa setup na ginagawa nila ngayon..
ng mga kriminal na decision makers..
at ng mga kriminal na armadong empleyado..
eh plano na ulit nilang protektahan ang isa't isa sa ngalan ng kayamanan...

is ⚠ feeling , gagamitin ulit nila ang mga itinuturing nilang kalaban kuno, para busalan ang mga tao...

---o0o---


June 26, 2022...

yung problema sa kakulangan ngayon ng PUV sa Manila...

ayaw pa kasing pakawalan muna yung ibang tax..
kahit para sa mga pang-maramihan na PUV lang, tutal madami nga ang nagse-share sa iisa lang na sasakyan..
nandiyan pa din naman ang mga mayayaman para magbayad ng buwis nila para sa petrolyo...

walang kuwenta ang paraan ng ayuda..
madaming nagrereklamo na hindi naman daw sila nakatatanggap eh..
baka kagaya din yun ng nangyayari sa 4Ps na:
- hindi naman eligible, pero ipinapasok ng mga naglilista kapalit ng porsyento
- tumatanggap ng ayuda, pero hindi naman pinag-aaral ang mga anak at pinapakalat pa nga upang mamalimos
- ginagamit lang na pangsugal
- ginagamit lang sa bisyo ng alak at sigarilyo
- ginagamit na pambili ng ilegal na droga

is feeling , madaling sabihin na may listahan.. kaso mahirap ma-countercheck kung tama ba ang napupuntahan nung pondo...

---o0o---


June 27, 2022...

sa Pasay..
yung senior citizen na MMDA Enforcer, na isa sa mga nakuyog dahil sa paglaban ng mga violators na e-trike drivers..
nagtatrabaho nga, ilegal naman...

is feeling , mga kriminal sa itaas, mga kriminal maging sa lansangan...

---o0o---


June 28, 2022...

yung tama daw ang hindi pagdalo sa mga debate..
dahil daw limited lang ang oras ng pagsasalita..
samantalang ganun naman talaga ang patakaran sa mga debate...

is feeling , so nagpa-debate ang sistema nila, para lang palabasin sa bandang huli na mali ang pagde-debate...??


>
yung hindi na daw mawawala ang korupsiyon sa sistema ng pamahalaan...

is feeling , dahil sa mga taong kagaya ninyo...


>
yung pagpanig ng Supreme Court sa tax evader...

COVID-19..
Dengue..
natural calamities..
kayo na lang ang maaasahan...

is feeling , mga walang kuwenta...

---o0o---


June 29, 2022...

yung pagpapatibay sa kautusan ng Securities and Exchange Commission (SEC) na ipatigil na ang operasyon ng Rappler dito sa bansa...

is feeling , pwede ang FAKE news at online content.. bawal na ang mga balita...


>
yung ginawang restriction ng National Telecommunications Commission (NTC) sa blocktime agreement sa mga TV station...

is feeling , hindi na maganda ang ikinikilos nilang lahat.. sabay-sabay na...


>
ang kauna-unahang tax evader na public servant na ginawa na nilang diyos..
diyos ng mga makina...

is feeling , walang kuwentang sistema...


>
ang pagpayag ng LTFRB sa Php 2.00 na increase sa minimum na pamasahe sa mga jeepney...

is feeling , hindi nila kayang pakawalan ang ibang buwis.. kaya mga driver at mananakay pa rin ang pababayaan nilang sumalo sa mga problema...


>
sana talaga dumating ang panahon na pagbabayaran ng lahat ng mga nagsabwatan ang mga kasalanan nila...

masyadong delikado ang Magnitude 7 para magdala ng hustisya..
kailangan ng mas accurate na pamamaraan kung saan hindi madadamay ang mga taong may halaga para sa akin...

is feeling , kumikilos na ang kadiliman...

---o0o---


July 1, 2022...

[Natural Calamities]

sa itaas..
nasa Magnitude 6 na lindol..
sa may area ng Cagayan...

is feeling , kalamidad na lang ang pwedeng magbigay ng hustisya...


>
yung nasabat ng Bureau of Customs (BOC) na nasa Php 6 Million na halaga ng mga puting sibuyas..
na idineklara bilang steamed buns mula sa Imperyo...

is feeling , i-export naman natin kapalit ng pera...


>
yung nasilip ng COA sa Department of Agrarian Reform (DAR)..
yung nasa Php 900 Million na unliquidated cash transfer daw nung ahensiya for 2021...

is feeling , saan na naman napunta...??


>
yung pinakakasuhan ng NBI na nasa 22 daw na opisyales, pulis, at doktor ng PNP NCRPO..
dahil daw sa pagsasabwatan nila tungkol sa pagkamatay ng ilang mga preso na pinalabas na nahawa ng COVID-19...

is feeling , lagot na...


Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Week of June 2022 (Erroneous Being)

Loveless Story


June 26, 2022...

[Gadget-Related]

after 1 year and 9 months..
umabot na sa 100 charges ang Nokia 2.3 ko...

meron pa akong 400 na natitira para sa average cycle...

is feeling , gusto ko mas matipid pa...


>
[Gadget-Related]

wasak na naman ang schedule ko ng trabaho ngayong araw... 🙁

for more than 12 years, kanina ko lang nalaman na mali pala ang paraan ko ng paggamit ng UPS..
mas mahalaga kasi para sa akin dati ang hindi ako makasunog, kaya lagi kong ina-unplug yung UPS ko basta hindi ako nagamit ng computer..
since umiinit ang UPS ko, at hindi naman air-conditioned ang kuwarto ko...

mas mabuti pala para sa kanyang battery na palagi lang siyang naka-plug..
so mukhang malakas siyang mag-self-discharge kung ganun..
hindi kailangan na naka-on yung device, basta nakasaksak lang..
at iyon ang paraan para totoong magamit yung 3 to 5 years na battery life niya...

kaninang umaga, nagulat na lang ako noong pagkabukas ko ng UPS ay blinking ang light indicator niya at may constant tone..
ibig pa namang sabihin kapag ganun ay either kulang lang sa charge yung battery or depektibo na talaga yung battery..
so kinabahan ako nang husto..
dahil nga pinag-iipunan ko pa ang Dream Date ko sa ngayon..
nasa 2 years and 4 months pa lang siya, at 42 power interruptions pa lang ang kanyang nasasalo..
hindi tulad noong una kong APC UPS na umabot ng 2 years and 11 months matapos na sumalo ng nasa 83 na power interruptions at maraming kung anu-anong electrical inconsistencies..
so kulang na kulang pa ang nagiging serbisyo niya para sa akin...

sa ngayon, nadaan ko pa naman siya sa recharge..
after 5 hours ay nawala na yung constant tone niya, at nagagamit ko na nga ngayon..
after this, hindi ko na siya huhugutin sa outlet..
yung monitor at system box na lang ang idi-disconnect ko, para wala namang mangyari sa kanila na masama in case of emergency..
hoping na mae-extend ko pa yung 2 years and 4 months of service niya...

is feeling , kahit 2 years lang.. huwag mo munang sabayan yung Dream Date...

---o0o---


June 27, 2022...

[Gadget-Related]

unang araw ng walang hugutan para sa UPS ko..
at nanatili lang siyang mainit...

hindi siya umiinit kapag iniwan lang siya na nakasaksak, pero walang pinapagana o pinagana na device..
samantalang kapag uminit na siya dahil nagamit para mag-operate ng mga device, eh hindi pala siya lumalamig kahit i-off pero iniwanan naman na naka-plug...

is feeling , basta manatili ka lang na gumagana...


>
patuloy lang ako sa pagkadiskubre sa mga sources..
nasa more than 35 na ang mga nahahanap ko..
pero kahit na ganun..
yung kaisa-isang babae na totoong hinahanap ko, eh hindi ko pa rin mahanap-hanap sa mga network nila... 🙁

bakit ba laging ganun..?
kung sino yung kailangan kong mahanap, sila lagi yung hindi ko makita... 🙁

para tuloy akong magaling maghanap..
na magaling maka-recognize..
pero bulok at pakpal pa rin... 🙁

is feeling , for reference lang naman.. walang emotional attachment...

---o0o---


June 29, 2022...

ano kayang nangyari..?
may mga na-suspend sa kanila..
si Attendant Ry, si Attendant C..
1 common attendant, at 2 pa na nasa sister establishment nila...

the last time na nangyari iyon, eh parang tinangka nila na mag-shutdown ng isa sa mga hawak nilang establishments..
pero inayos din naman kaagad nila ang lahat..
ano kaya ang rason nila this time...??

is feeling , sana naman hindi nag-away yung mga 'yon...

---o0o---


June 30, 2022...

[Gadget-Related]

so pumalpak din yung plano ko na iwanan lang na naka-plug yung UPS ko..
padalawang paramdam na niya..
kaninang umaga, ilang oras akong na-delay sa trabaho dahil nag-constant tone na naman yung device...

so hinugot ko muna siya ng ilang oras..
tapos ilang beses na sinubukang i-on at off..
hanggang sa umayos na ulit siya..
at naging stable naman din sa buong maghapon...

pero pumalpak nga yung unang plano..
malamang dahil pa rin sa taglay kong kamalasan..
second mode naman..
mukhang kailangan ko na ring iwanan na naka-plug at naka-on lang yung UPS..
idi-disconnect ko na lang yung mga device na nakasaksak sa kanya...

is feeling , pwera sunog.. kayanin mo pa sana hanggang 5 years...

-----o0o-----


June 25, 2022...

[Trade]

dahil naka-auto sell ang asset ko kanina, eh nagising ako nitong hapon na nabenta na nga siya..
after that ay na-release na ulit mula sa sumpa ko ng kamalasan ang RSR...

hindi na ulit ako makabili dahil tumaas na siya..
nagbenta ako ng nasa USD 0.0093..
pero ngayon eh namamalagi na ang RSR around USD 0.0094..
at nagawa na rin nga niyang makaakyat sa totoo kong target na USD 0.0095...

ang anomaly sa pangyayari na 'to..?
steady lang naman sa level USD 21,400 plus ang Bitcoin..
at nabawasan pa nga ng trading volume ang RSR..
pero kahit nga ganun ay nagagawa niyang manatili sa mas mataas na level kumpara noong may investment ako...

nai-imagine ko na pinagtatawanan ako ng mga maligno ng kamalasan..
dahil laban pa ako nang laban, kahit na alam ko naman na kokontrahin lang nila lahat ng mga ginagawa ko..
tinuturing nila akong tanga, since automatic nga na nagiging mali lahat ng mga desisyon ko..
isa lang akong pampalipas oras ng mga sadistang entity..
patuloy nila akong gigipitin hanggang sa wala na talaga akong makakapitan, dahilan para patayin ko na sa wakas ang sarili ko...

is feeling , bawal kumita para mabawi ang mga nawalang pera, pero laging iinggitin sa tagumpay ng ibang mga investor...


>
[Trade]

at hindi pa nga natapos doon... 🙁

5 15-minute candlesticks nang pula ang direksyon ng parehong RSR at Bitcoin..
at usually nagre-recover ang mga cryptocurrency after that, provided na hindi sila nanggaling sa super whale pump...

so from above USD 0.0091, nag-predict ako na magdi-dip ang RSR hanggang USD 0.009..
tapos kahit ibenta ko na lang kako sa USD 0.0092..
nasa USD 100 plus pa lang naman noon ang ibinababa ng Bitcoin..
at nangyari naman nga yung hula ko..
pero ang problema..?
malaking crash ang nangyari after kong makabili..
lumagpas pa nga by 20 levels ang pagbaba ng palitan mula sa target ko..
at sa mga oras na ito ay nangungulit pa rin ng pagbaba ang Bitcoin...

hindi maganda 'yon..
dahil nasa 20 to 30 levels lang ang short term recovery ng RSR kapag may sapat siyang trading volume..
at dahil sa nangyari eh nasa 40 levels na ang layo ko mula sa aking target... 🙁

is feeling , na-trap na naman ako...

---o0o---


June 26, 2022...

[Game]

at nangyari na nga..
gumanti na kaagad ang Axie Infinity Pyramid Scam..
ano nga bang karapatan ko na kumita ng SLP, eh 20 lang ang Energy ko.. 🙁
barya lang..
kaya dapat bigyan ng maraming Critical at favorable cards ang mga may 40 at 60 Energy, at ang mga bumili ng mga mamahaling Axie, gamit, at land...

mula 16 wins noong isang araw, at 13 wins kahapon..
pinarusahan ako ng mahahabang losing streak..
3 wins at 1 draw lang ang nakuha ko today..
mula 1200 plus MMR..
nasa bingit na ulit ako ng pagkahila sa 1 SLP zone below 1000 MMR...

is feeling , mga demonyong mandaraya talaga.. aanhin ang 150 plus shield kung regular ang Critical ng mga kalaban...


>
[Trade]

so sablay pa rin nga ako..
bumagsak nga ang Bitcoin at RSR kagabi bago ako natulog..
60 levels pa ang ibinaba ng RSR mula sa entry point ko...

pagkagising ko kaninang umaga..
nasa magandang level na ulit ang Bitcoin, USD 21,500 plus..
paakyat na rin ang RSR, kaya naisip ko na ipilit pa rin yung USD 0.0092 na target ko..
ang ending..?
hanggang USD 0.00915 lang ang naakyat ng RSR, dahil sa point of resistance na likha ng kamalasan ko..
hindi na nga ako nakabenta, tapos eh bagsak na ulit ang RSR at kauntian na lang ang pump... 🙁

sa ngayon eh nabawasan na ng around USD 30 Million na trading volume ang RSR mula kahapon..
pero safe pa naman siya hanggang sa USD 28 Million..
safe naman ang level niya hanggang USD 0.008, para masabi na may kakayahan pa rin siyang makabalik sa USD 0.0091...

maya't maya na lang akong mali... 🙁

is 💀 feeling , isa lang akong erroneous being na kailangan nang mamatay...


>
[Trade]

nakakapagod na 'tong kamalasan na 'to..
buong araw pa rin akong naka-trap..
nag-pump nga ang Bitcoin by 400 plus levels..
pero wala namang sapat na trading volume ang RSR para maabot yung target ko..
kinapos siya ng 20 levels... 🙁

imposibleng nagkakataon lang ang lahat..
paulit-ulit ko nang sinusubukan..
at pare-parehas lang ang resulta..
lalo na simula noong na-trap ako sa RSR simula April...

is 💀 feeling , walang kuwentang buhay...

---o0o---


June 27, 2022...

[Trade]

mahirap na 'to..
nasa threat level na ang RSR, lumalagpas below level 800..
dahil na rin sa panghihila ng Bitcoin...

papalayo ako nang papalayo sa selling point ko.. 🙁
gusto ko lang magising sa isang umaga na maganda naman ang palitan..
para mai-exit ko ang pondo ko...

o di kaya..
sana pumalo ang LUNC sa USD 0.05 man lamang..
para makuha ko na lahat-lahat ng mga kailangan kong pondo...

is feeling , kung sino man ang nagre-represent ng awa.. kahit ngayon lang.. hayaan nyo lang akong makatakas saglit mula sa mga kamalasan...

---o0o---


January 28, 2022...

[Trade]

kaninang umaga umangat ang RSR..
pero talagang kontrolado na siya ng FATE..
hanggang sa USD 0.00899 lang siya umabot..
kasi nga naman eh entry point ko ang USD 0.009... 🙁

tapos ganun pa din..
harap-harapan kong nakita ang anomaly ngayong araw..
hapon ulit..
parehas na pataas noon ang RSR at Bitcoin..
nag-pump nang malakihan ang Bitcoin, umabot sa lagpas USD 300..
pero habang ginagawa niya 'yon, eh kaduda-duda na nasa ones lang ang level ng galaw ng RSR..
samantalang nasa USD 100 Million naman ang trading volume niya..
pero pagkatapos noon, eh sumabay naman siya nang husto sa medyo malalim na dip ng Bitcoin...

4 na beses lumagpas ang RSR sa USD 0.0089..
pero hindi ko pinili na magbenta nang palugi..
maganda din kasi yung itsura ng graph kung tutuusin, kasabay pa nga ng malaking trading volume..
kaya umasa ako na mami-meet pa rin yung binabaan kong selling point..
pero heto at paubos na ulit ang palugit, at lumalayo na naman ang RSR sa kailangan kong halaga...

wala akong kakayahan na magising sa isang umaga na may malakihang good news... 🙁

is feeling , LUNC, gawin mo na.. USD 0.05...

---o0o---


June 29, 2022...

[Trade]

bagsak na ulit ang Bitcoin..
at patuloy pa ang threat niya ng lalong pagbagsak..
nasa below threat level na rin ang RSR..
sobrang layo sa entry point ko...

ang dami ko nang nasayang na pagkakataon..
nagte-trade na sana ako sa level 800 noong mga nagdaang araw..
pero wala na rin iyon, dahil malapit nang sumadsad sa level 700 ang palitan ng RSR..
nasayang lahat ng mga maliliit kong kinita noong mga nauna pang araw...

is feeling , lahat ng iyon, dahil lang sa malas ako...

---o0o---


June 30, 2022...

[Manga]

One Punch Man

mula sa light na script, eh biglang naging mabigat ang dating ng lahat sa twisted plot..
grabe yung cosmic radiation ni Garou..
winasak na niya si Genos..
seryosohang labanan na ito...

is feeling , sana lahat kayang lumaban sa mga diyos...


>
[Game]

reset ng Origin..
back to zero lahat..
hanggang sa tutorial mode...

3 klase ng cards ko ang na-demote na naman..
lahat pinapahina yung user kapag ginamit bilang first attack...

is feeling , aping-api sa laro na ito...


>
[Trade]

tinamaan na naman ng malubhang kamalasan... 🙁

kanina naisip ko na ilabas na muna ang pondo ko sa RSR..
malaki na ang nawawala sa akin dahil nasa USD 0.0071 na lang ang palitan niya that time..
habang pina-process ko ang mga asset ko palabas mula sa savings, noon na umatake ang FATE laban sa akin..
laking gulat ko na below USD 0.007 na ang palitan ng RSR..
at nalaman ko nga na nag-dip pala nang husto ang Bitcoin..
dahil doon ay napilitan akong ibenta pa nang mas mura ang aking RSR sa USD 0.0067... 🙁

noong isang gabi, iniisip ko kung magpapalugi ba ako ng USD 3 sa bentahan..
pero dahil nga malapit lang siya sa selling point ko, eh naisip ko na baka maabot pa naman niya yung target..
at bilang kapalit, nawalan ako ngayong araw ng tumataginting na USD 55..
ilang baryang dolyar ang kinita ko noong ibang araw, tapos gagantihan ako ng tadhana ng ganito...?? 🙁

is feeling , walang pag-asa ang buhay ko.. manipulado nila ang lahat.. desidido sila na puwersahin akong magpakamatay dahil sa kawalan ng pag-asa...


>
[Trade]

pumapatay ng mga decimal zeros ang LUNC..
may burning mechanism pala sila na ginagamit..
at may paparating din na game na layunin na i-burn ang mga LUNC na ipambabayad sa kanila...

maganda ang performance niya lately..
in fact, nakagawa na siya ng more than 200% increase..
kaso banta pa rin ang panghihila ng Bitcoin...

is feeling , kayanin mo LUNC...

---o0o---


July 1, 2022...

[Game]

wala pang SLP..
pero may AXS na reward na para sa Alpha Season ng Origin...

base sa rank ko last test season, pasok pa naman ako sa top 10,000 players..
pero hindi masyadong active noon dahil wala ngang mapapalang reward...

sana hindi ma-realize nung iba na may AXS na nakataya sa Origin..
sana ma-discourage sila ng reset..
kahit ngayon lang..
kailangan ko lang talaga ng pera...

is feeling , tumigil na kayo sa paglalaro..kailangan kong manatili within 10,000...


>
[Trade]

nasaksihan ko na naman kanina ang dulot ng kamalasan ko..
araw-araw na lang... 🙁

bumagsak kanina sa USD 18,000 ang Bitcoin..
baka kako lumala pa..
kaya naman bumalik na muna ako sa savings..
pero anong nangyari matapos iyon..?
na-release ang RSR at Bitcoin mula sa sumpa ko ng kamalasan..
nakabalik sa USD 20,000 ang Bitcoin..
samantalang USD 20 sana yung na-provide sa akin na recovery ng RSR...

t*ng ina..
kapag nag-iisip ako na magbenta ng asset, eh nagdi-dip sila..
samantalang kapag naghahanap ako ng safe na buying point, eh umaangat naman sila..
at saktong-sakto pa talaga sa mismong oras kung kailan ako kumikilos..
kagaya na lang ngayon, wala akong mapasukan na asset dahil nasa average price ang lahat...

is feeling , isang malaking kasalanan para sa universe ang existence ko...