Saturday, September 27, 2025

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Week of September 2025 (Greek god-like Treatment)

Loveless Story


September 20, 2025...

nakatapos na rin sa pagpapalit ng template ngayong araw..
para sa year 2025..
parang sa ilang projects na lang tuloy magagamit...

rumatsada na rin ng mas maraming rendering ngayong araw..
at nagawa ko nga ring matapos na iyon..
10 renders in a single day...

is feeling , tuluy-tuloy lang.. kahit sobrang imposible nang mag-exist nang stable...

---o0o---


September 22, 2025...

hindi talaga biro ang sanib sa bubong namin..
simula noong ako na yung nagre-repair..
palaging naaayos ang problema sa tulo ng bubong namin sa simula..
pero mala-milagro na lumilipat naman yung mga spot kung saan may natulo...

katulad na lang kagabi..
yung kauna-unahang spot na naayos ko dati..
na ilang buwan nang hindi natulo..
eh bigla na lang naging sobrang aktibo ulit sa pagtulo... 🙁

bawal ang peace of mind para sa akin..
makakasagabal nga naman sa paglala ng depression ang peace of mind... 🙁

is feeling , basura lang talaga ako sa paningin ng mga utak Greek gods...


>
[Pets]

nag-aalaga ng 6 na inakay ngayon..
bagay na hindi ko naranasan noon sa madami kong budgies... 🙁

nagpatak kasi mula sa itaas ng puno..
inilagay namin sa ibang puno sa labas ng bahay..
kaso wala namang pumupunta na mga magulang..
manual na pagpapakain muna ng dinurog na oats..
titingnan sa ibang araw kung mahahanap na sila ng mga magulang nila...

is feeling , busy pa naman ako sa project.. kaso nakakaawa...

---o0o---


September 23, 2025...

[Pets]

sa sumunod na araw..
nawala na lahat yung 6 na inakay..
pinakain ko muna sila matapos akong mag-breakfast bago ko sila inilabas, just in case kako na babalikan sila ng mga magulang nila..
pagkatapos kong mag-lunch around 11:00 NN, muli ko silang pinakain dahil mukhang wala namang umaaligid sa pugad nila..
surprisingly, 5 na lang ang natira sa kanila..
mga 4 na oras ang lumipas noon..
at wala namang bakas na nahulog lang yung nawawala mula doon sa pugad..
after ng Eat Bulaga, so mga 3 oras yung nakalipas..
muli kong sinilip yung pugad..
kaso wala na akong nakita na inakay doon... 🙁

base sa itsura ng tuka nila, kahawig nila ang Chestnut Munia..
parang malabo daw na kinuha sila ng mga magulang nila..
so if ever predator ang may kagagawan..?
eh hindi ko alam kung anong klase..
pero base sa pagkakasabit at sa takip nung pugad kanina..
eh malamang na ibon din lang ang suspek...

is feeling , ano nga kaya ang nangyari sa kanilang 6...??

-----o0o-----


September 20, 2025...

[Trade]

day 648...

at nanggugulo na nga ulit ang Bitcoin matapos yung FOMC meeting... 🙁

level 24.8 to 26.1..
USD 21 sana iyon para sa akin..
level 25.3 to 26.4..
USD 17 naman sana iyon... 🙁

gabi nang muli silang bumaba hanggang level 25.3..
pero bigla din naman silang nag-pump..
patuloy pa silang umaakyat hanggang sa mga oras na ito...

is feeling , gawin nyo na.. level 100...

---o0o---


September 21, 2025...

[Trade]

day 649...

level 25.3 pero huminto hanggang 26.9 lamang..
USD 25 sana iyon para sa akin..
level 25.5 to 26.4..
USD 14 naman sana iyon... 🙁

pero muli din silang bumagsak sa level 25.5... 🙁

is feeling , wala.. ayaw talaga nilang kumilos pataas at palagpas sa entry point ko...

---o0o---


September 22, 2025...

[Trade]

day 650...

level 25.5 to 26.7..
USD 19 sana iyon para sa akin..
pero paulit-ulit silang pina-dip ngayong araw..
bukod pa sa nanghila ang Bitcoin crash... 🙁

level 24.9 to 26.2 yung isa sa mga resulta ng mga dip ng C..
USD 21 sana iyon para sa akin..
pero bigla na nga lang nanabotahe ulit ang Bitcoin, at hinila sila hanggang level 21.1 na bottom sa ngayon... 🙁

sa ngayon ay umaabot na sa USD 26,000 lahat-lahat ng napapakawalan kong posibleng kita sa Binance simula noong Imperial New Year ng 2024..
bukod doon eh pumalo na rin sa USD 3,000 lahat-lahat ng napapakawalan ko sa C pa lamang... 🙁

is feeling , matapos ang ilang araw na nakadikit ang C sa level 25.. eh heto at naligo na naman ng kamalasan...

---o0o---


September 23, 2025...

[Trade]

day 651...

lagas na naman ng nasa USD 100 ang pondo ko... 🙁

level 21.1 to 23.6..
USD 49 sana iyon para sa akin..
level 20.6 to 22.3..
USD 34 naman sana iyon..
level 21.1 to 22.2..
USD 21 naman sana iyon... 🙁

ako ang gumawa nito sa C..
simula noong nakapasok ako sa kanila..
bumagsak na lang sila basta..
at hindi na kailan man naka-recover nang lagpas sa entry point ko... 🙁

is feeling , wasak na wasak na ako.. pero hindi pa rin sapat ang depression na taglay ko...

---o0o---


September 24, 2025...

[Trade]

day 652...

umaabot na ulit sa level 21 ang bottom ng C dahil sa taglay kong kamalasan... 🙁

level 21 to 21.9 ngayong araw..
USD 17 sana iyon para sa akin..
bago sila bumaba sa mas mababang level na 20.8... 🙁

is feeling , wala talagang kuwenta ang buhay na ito...

---o0o---


September 25, 2025...

[Trade]

day 653...

panibagong bottom na naman para sa C..
dahil nasa kanila ako..
dahil hindi ako nagbebenta nang palugi... 🙁

sa mga oras na ito ay sumasadsad na sila hanggang level 19.1..
sobrang lapit na ulit sa dati nilang bottom na 18.8... 🙁

is feeling , walang kuwenta araw-araw ang buhay ko...

---o0o---


September 26, 2025...

[Trade]

day 654...

bagong all-time bottom para sa C..
level 18.2 yung nadatnan ko paggising ko ngayong umaga..
pero kaagad din namang nasundan iyon ng pagbaba pa sa level 18.1..
at umabot pa talaga sila sa level 17.6... 🙁

lahat ng ito..
dahil lang sa investor nila ako..
at kailangan kong malunod sa depression... 🙁

is feeling , d*e will be done...


No comments:

Post a Comment