Saturday, September 27, 2025

After the Throne: FAKE Protest & Social Media Farm Activities

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...



record ng ekonomiya..
record ng palitan ng piso sa dolyar..
record ng mga inutang..
record ng mga kinamkam at pinagnakawan..
record ng mga inabuso..
record ng mga itinumba..
record ng mga nawawala..
record ng mga kaso...

mga wala kayong utak..
at lahat kayo ay masasama...

is šŸ’€ feeling , from Php 3.91 to Php 20.46 na exchange rate.. from USD 599 Million to USD 26.7 Billion na utang.. sa kanila nagsimula ang pagkawasak...

---o0o---


daily prayer...

sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mai-serve na kaagad ang totoo at ganap na hustisya laban sa lahat ng miyembro ng alyansa para matigil na ang kasamaan nila...

at sana maging maayos na ulit ang mundo...

is šŸ’€ feeling , day 1904...

-----o0o-----


bagong impiyerno, bagong listahan..
lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..

update (512 + 501 + 205 + 184 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una, ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • sa ICC, yung ginagamit na ngayon ng nakaraang pangulo ang technique ng isa pang dating pangulo, na paggamit sa isyu ng kalusugan, upang matakasan ang takbo ng hustisya
  • mahalaga daw ang mental health, pero walang nagpapahalaga sa mental health ng mga non-pet owner na inaabuso ng mga pet owner at ng mga pet na dumi nang dumi sa tapat ng mga bahay nila

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • sa Cavite yata iyon, yung babaeng abogado na binitbit ang traffic enforcer sa minamaneho niyang sasakyan
  • sa Caloocan City, yung ama na d-in-etain daw ng ilang pulis kahit wala namang kaukulang kaso, na namatayan naman ng anak dahil sa Leptospirosis, na nakuha daw dahil sa paglusong sa baha dahil sa kakahanap sa kanyang ama
  • sa Caloocan City, yung isa pang hinuli na kasabayan daw nung ama na namatayan ng anak dahil sa Leptospirosis, na d-inetain daw nang wala namang kaso, at saka na lang ginawan ng kaso na related sa illegal-gambling
  • sa Manila Police District, yung 7 pulis na iniimbestigahan ngayon dahil sa ilegal na pag-aresto, na nanguha din daw ng pera mula sa e-wallet ng 1 sa kanilang mga biktima
  • sa Caloocan City, yung lasing na pulis na nagpaputok ng baril
  • yung 9 na tauhan ng Customs na sinibak dahil daw sa reklamo ng pangingikil sa may NAIA Terminal 3
  • yung sinibak na 5 airport police sa NAIA dahil nangingikil daw ng 40% sa mga taxi driver doon
  • sa General Santos City, yung 5 pulis na inireklamo dahil sa pangingikil sa isang motorista
  • yung dating Commanding Officer ng HPG na kinasuhan ng mga dati niyang tauhan dahil daw sa pagtanggap ng milyun-milyong suhol mula sa taong kanilang inaresto noon
  • yung opisyales sa Olongapo LGU na inaresto dahil sa pangingikil laban sa isang negosyante
  • sa Tiwi, Albay, yung dating Konsehal na nahuli sa entrapment operation dahil sa pangingikil laban sa isang kompanya
  • yung Mayor ng San Simon, Pampanga na naaresto dahil sa pangingikil laban sa isang negosyante, Php 80 Million daw para hayaan silang makapagtayo ng negosyo doon sa area
  • sa Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro, yung 2 opisyales ng BuCor na nabisto sa tangkang pagpapapasok ng kahon-kahong alak at sigarilyo
  • sa Lanao del Sur, yung 1 Barangay Kawagad at 1 miyembro CAFGU na nanlaban sa drug buy-bust operation
  • yung 2 junior officer na nag-file ng rape case laban sa isang high-ranking Philippine Air Force official, through sexual assault daw
  • sa Philippine National Police Academy, yung kadete na minolestiya daw ng isang opisyales sa barracks
  • sa Ilocos Sur, yung pulis na nahuli sa entrapment operation dahil sa tangkang sextortion
  • sa Marikina City, yung 2 pulis na inireklamo ng pangmomolestiya ng kapwa nila pulis
  • sa Santa Maria, Bulacan, yung 1 dating pulis at 2 niyang kasabwat, na nangholdap ng isang senior citizen na negosyante
  • yung negosyanteng babae na dinukot ng nasa 11 yata iyon na katao, kabilang daw ang 3 dating sundalo
  • sa isang hotel sa Tuguegarao City, yung nakunan ng video na 2 opisyales ng LTO, na nakitang nananakit ng 2 daw na binatilyo doon sa event
  • sa Argao, Cebu, yung lalaking pinatay sa pamamaril ng SK Federation President nang dahil lang daw sa selos
  • sa DasmariƱas, Cavite, yung Barangay Captain at 2 Kagawad na napatay sa pamamaril ng isang Barangay Tanod habang nasa flag ceremony sila
  • sa Ibajay, Aklan, yung Vice Mayor na pinatay sa pamamaril ng isang Konsehal, dahil daw sa personal na alitan
  • sa Davao City, yung babaeng negosyante na napatay sa pamamaril ng karelasyon daw nito na pulis
  • sa Digos, Davao del Sur, yung lasing na pulis na pinatay sa pamamaril ang kanyang kinakasama na babae

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • yung dating Spokesperson na nasa 3 daw ang passport ayon sa DOJ
  • sa mismong Senado, yung staff ng isang Senador na hinihinalang gumamit ng marijuana sa restroom
  • yung mga anonymous na contractor na nagsabi na nagbibigay DAW ng paunang bayad ang mga Discaya sa mga tiwaling taga-gobyerno bago pa ma-award sa kanila ang mga project
  • yung ilegal daw yung 1xBet dito sa bayan, pero nagawa pa nilang dalhin ang endorser nila na si Eva Elfie dito at nagdaos pa ng event

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung napasok na rin ng Monkeypox ang probinsiya ng Iloilo
  • yung napapasok na rin ng Monkeypox ang iba pang rehiyon sa bayan
  • yung 500% na pagtaas ng naitala na kaso ng HIV para daw sa age group na 15 to 25 y/o
  • yung pagtatapon ng pera ng SK Federation para sa seminar nila sa Thailand
  • yung ginulpi dati na PWD na lumalabas na may violent tendencies talaga, na malaya pa ring nakakaperwisyo doon sa EDSA Bus Carousel
  • yung pambabarat ng mga trader sa palay ng mga magsasaka, kasi kesyo daw ay may Php 20 ng bigas
  • sa Benguet daw, yung itinatapon na yung ibang carrots dahil sa oversupply
  • sa Nueva Ecija, yung Governor na sinuspende ng DILG dahil sa pag-i-issue ng napakarami daw na ilegal na quarry permit sa probinsya nila
  • sa bagong pamunuan ng DOTr, yung higit daw sa kalahati ng mga napautang na para sa jeepney modernization ang hirap namang makabayad
  • yung 2 traffic enforcer na lumabag sa batas gamit ang kanilang mga sasakyan, na t-in-icket-an ng MMDA
  • sa Baguio City, yung hepe ka sa LTO, pero nahuli ka dahil sa drunk driving
  • yung nagagamit na ngayon yung mga Dalian train para sa MRT, bagay na hindi ginawan ng paraan ng nakaraang administrasyon
  • yung lumalabas na palpak yung safety bollards sa NAIA na kasama sa projects para doon sa airport noong 2019, Php 8 Million daw yung budget para dun kaso nabuking na iyon yung mababaw lang ang pagkakabaon
  • yung deal para sa isang gusali ng NBI na nasa Php 2.4 Billion daw ang halaga, na napag-alaman na maanomalya pala ang nanalong contractor
  • sa PeƱaranda Park sa Legazpi, Albay, yung mga estudyante na nabagsakan ng bumigay na bubong ng stage
  • yung Philippine Film Heritage Building sa may Intramuros, na nakikitaan na ng mga kapalpakan
  • yung nasa 1,000 classrooms na t-in-urn over na daw ng DPWH sa DepEd, na hindi naman daw magagamit dahil hindi naman daw tapos
  • yung pag-amin ng Secretary ng DPWH na may nag-e-exist nga na mga ghost flood control projects
  • yung Undersecretary sa DPWH na nagpadala ng message sa staff ng isang bagong panalo na Senador, na nagtatanong kung may gusto silang gawing budget insertion
  • yung Undersecretary ng DPWH na may kinalaman din daw sa mga katiwalian doon sa kagawaran
  • sa Oriental Mindoro, yung joint inspection sana sa gumuhong dike na hinarang ng mga tauhan nung contractor, kesyo kailangan daw muna ng sulat mula sa DPWH
  • sa DPWH, yung may mga empleyado na daw na nagsisira ng mga dokumento o record
  • sa Quezon City, yung mga contractor daw na hindi na ipinapaalam sa LGU ang paggawa nila ng mga project, kahit na may ordinansa naman yung lungsod
  • lahat ng palpak na flood control project ng DPWH at ng kanilang mga nakukuhang contractor, na ngayon lang nakakalkal
  • lahat ng flood control projects sa iba't-ibang panig ng bayan na declared nang completed at bayad na, pero hindi naman talaga tapos
  • yung mga flood control project daw na tapos na, pero pinondohan pa rin para sa taong 2026
  • sa Matag-ob, Leyte, yung nasa Php 96 Million daw na halaga ng flood control project na inabandona na lang
  • yung artista na Representative sa Leyte na naglantad sa social media ng mga pangalan at contact information ng mga c-um-ontact sa kanya na taga-media na gusto lang naman hingin ang kanyang panig tungkol sa kuwestiyonableng flood control project
  • yung mga halal na opisyal ng bayan na idinadawit sa isyu ng katiwalian sa pamamagitan ng mga infrastructure project tulad ng flood control
  • sa Batangas, yung Representative na nagpapaimbestiga sana ng mga maanomalyang project ng DPWH, na tinangkang suhulan ng District Engineer ng DPWH para daw ipatigil yung imbestigasyon
  • yung demonyong contractor, na naglaban-laban ang sariling iba't ibang kompanya para sa bidding sa project
  • yung nabisto ng NBI, yung mga kompanya daw ng mga contractor na may common o rotating lang na board of directors
  • yung mga tao o kamag-anak ng mga taong related sa DPWH at mga contractor na ibinabalandra pa sa social media ang natatamasa nilang mga yaman
  • yung mga obvious na naging contractor ng gobyerno, na pinababayaan lang ng COMELEC na makatakbo sa mga eleksyon
  • yung mga contractor na may deal sa gobyerno, na nag-donate sa mga pulitiko sa mga nakaraang eleksyon
  • yung mga tauhan ng DPWH na nakakapaglaro sa mga casino
  • yung Representative na related sa mga contractor, na sa ibang bansa pa talaga nagpapasuri ng blood pressure
  • yung Senador na gustong gawin na testigo ang mga Discaya, sa kabila ng mga patunay na may mga palpak nga silang proyekto habang nagtatamasa ng yaman mula sa kanilang mga deal
  • yung bagong testigo daw na iniharap ng isang Senador, yung itinatanggi naman ng nakapangalan na abugado na siya daw ang nag-notarize nung affidavit
  • yung mga personalidad na nasa panig ng dating Pangulo na nagpasimula ng sarili nilang protesta, na target na mapa-resign ang kasalukuyang Pangulo upang makuha ng kuwestiyonable din naman na Vice President ang kapangyarihan
  • yung may FAKE protest na rin sa panahon ngayon, na ang layunin ay ang maagaw ang kapangyarihan upang mapagtakpan nila ang sarili nilang mga katiwalian
  • yung pekeng protesta nung mga mararahas na kabataan na ayon sa DILG ay may bayad daw na Php 3,000 per head
  • yung mga lokal na mamamayan na nagsusunog sa protesta, na nagrereklamo tungkol sa mga baha pero lalo namang pinapalala ang Climate Change dahil sa pagkakalat ng polusyon
  • yung mga demonyong kabataan na nakikisama sa protesta, na mukhang inatasan na magdulot ng kaguluhan, na nananakit pa maging ng mga taga-media
  • sa Maynila, yung hotel na pinagnakawan ng mga bayolenteng nagpoprotesta, nanguha daw ng vault at nagnakaw din daw ng mga gamit ng mga tao sa loob nun
  • yung ayon sa DICT ay may lagpas 1 milyong hacking attempts daw laban sa mga ahensya ng gobyerno sa panahon nung protesta kung saan ilang website daw, kabilang ang sa DPWH, ang na-deface
  • yung regular na mahabaang brownout sa Siquijor dahil sa kapalpakan ng supplier nila ng kuryente, na pagmamay-ari din ng pamilya ng mga Senador
  • sa OWWA, yung hindi aprubadong pagbili ng nasa Php 1.4 Billion daw na halaga ng lupain ng dating administrator last year
  • sa GSIS, yung mga opisyales na bumili ng nasa Php 1.45 Billion na halaga ng shares sa Alternergy Holdings Corporation
  • yung nag-invest daw ang GSIS ng lagpas Php 1 Billion sa online gambling company at lugi na ngayon ang shares nila, bukod pa sa nag-invest din daw sila sa ilang kompanya na walang malinaw na track record
  • yung namigay nang namigay ng lisensya ang PAGCOR sa mga online gambling company, pero ngayon ay target na silang i-ban ng ilang mga Senador
  • sa Antipolo City, yung babae na basta-basta na lang nanaksak ng isang lalaki sa dibdib, kahit na madami na din daw ang nasaksak niya noon
  • yung kaawa-awang matanda na kakasuhan matapos na makapatay ng 15 y/o na bahagi ng peke at marahas na protesta na ginawang biktima ang mga inosenteng mamamayan sa halip na yung mga sangkot sa katiwalian
  • yung ginagawa ng maraming Senador na komplikado ang isyu sa online gambling, dahil ginagamit nila yung isyu bilang pantakip sa mas masahol na kasalanan laban sa bayan, ang pagtakpan ang pagnanakaw sa buwis ng mga mamamayan
  • yung Senador na gustong i-regulate ang mga online streaming platform, samantalang regulated na yung age ng mga user ng kanilang payment processor, at yung may-ari na lang ng account ang dapat gumabay sa minors na pagagamitin nila nung account
  • kay Senator Hontiveros, yung laging tinataniman ang panig niya ng mga testigo na bigla na lang binabaliktad ang mga nauna nilang testimonya
  • yung naganap daw na pagbabawas ng boto ng ilang transparency server para sa eleksyon, kesyo may mga nagdoble daw kasi ng transmission kaya itinama
  • sa Dumaguete at Zamboanga, ayon sa PPCRV, yung hindi nagtugma ang actual na bilang ng mga bumoto kumpara sa mga balota na nabilang, di hamak na lamang yung nabilang na balota kumpara sa naging botante
  • yung mga reklamo na mali daw ang nabilang na kandidato sa resibo, kumpara sa totoong mga ibinoto nila
  • sa social media, yung pagkalat ng mga pekeng election survey gaya nung para sa Davao City
  • yung maagang demolisyon laban sa dating Vice President, kesyo wala daw itong plano na isuko sa ICC ang dating Pangulo kung nagkataon at kaibigan din daw ng kasalukuyang Vice President
  • yung tagapagtanggol noon ng anomalous deal sa Pharmally ang head na ngayon ng Senate Blue Ribbon Committee
  • yung interpretation ng Supreme Court na nalabag daw ng impeachment laban sa Vice President yung 1-year rule
  • yung iginiit ng Supreme Court na immediately executory daw ang maling desisyon nila, pero ang pagprotekta sa bayan laban sa mga magnanakaw ay pwedeng ipagpaliban nang matagal na panahon
  • noong may nagsampa na dati ng impeachment case eh sobrang bagal umaksyon ng Senado, pero ngayon namang may utos na i-dismiss na iyon eh ang bilis nilang kumilos
  • yung mga Senator judge na nag-aabogado para sa mismong nasasakdal
  • yung manipulasyon ng maraming Senator judge sa impeachment case, sa pamamagitan ng pagbabalik nung articles of impeachment sa Lower House
  • yung Senador na itinuturing kaagad na witch hunt lang ang impeachment laban sa Vice President
  • yung Senador na kakampi ni Tanggol sa paglaban sa katiwalian, pero ayun at takot palang lumaban sa katiwalian sa totoong buhay
  • yung Senador na matapang lang sa pakikipaglaban sa kasamaan sa mga programa nila sa TV, pero takot din palang bumangga sa alyansa ng mga tiwali
  • yung Senador na nakipag-argue pa, may party-list pa sila na lumalaban kuno sa kuropsiyon, pero kasama din naman pala siya sa mga magmamanipula sa konstitusyon
  • sa Senado, yung video na nagpapakita na talagang kaalyado ng mga tutol sa impeachment trial ang 1 akala mo eh partial na Senador, para guluhin sa pagsasalita ang 1 Senadora na pabor na bigyan ng katarungan ang bayan
  • yung Senador na ang suggestion sa paglaban sa tiwaling opisyal ng gobyerno ay ang labanan at talunin na lang daw iyon sa darating na eleksyon, sa halip na parusahan nang naaayon sa batas
  • yung Senador na nag-endorse ng AI-generated video, kung saan gumamit ng parang estudyante na pinapalabas na pamumulitika lang ang impeachment laban sa Vice President
  • yung walang pakialam yung isang Senador kung FAKE AI news ang ipinapakalat niya
  • yung Senador na gumawa ng Senate resolution para ibasura na kaagad ang impeachment laban sa kaalyado nilang Vice President
  • yung FAKE news ng isang Senador, na kesyo guided siya ng holy spirit
  • yung Senador na gumawa naman ng Senate resolution para i-dismiss na kaagad ang kaso ng impeachment laban sa kaalyado nilang Vice President
  • yung Senador na gustong magpasunog, na patunay na ang katapatan niya ay hindi para sa bayan, kundi para sa kaalyado niyang angkan lamang
  • yung Senador na naninindak ng kapwa niya Senador, dahil lang sa hindi kaagad masunod ang kagustuhan ng alyansa nila na maibasura na kaagad ang impeachment case laban sa kaalyado nilang Vice President
  • yung mga walang kuwentang Senador na sang-ayon sa Supreme Court na protektahan ang katiwalian
  • yung Representative ng isang Party-list na ipinagtatanggol ang pagwawaldas ng OVP ng pondo para sa pagpapasama ng mga empleyado sa mga personal travel ng kanilang pinuno
  • yung kasalukuyang Mayor ng Davao City na binatikos ang pagtalaga sa latest na PNP Chief, samantalang ang tatay niya mismo ay nagtalaga kaagad ng 1-Star General lamang bilang PNP Chief noong panahon nito
  • yung Mayor ng Davao City na nag-endorse din nung AI-generated video na nagpapakalat ng FAKE na opinyon ng kabataan
  • yung acting Mayor ng Davao City na gustong makipagsuntukan sa PNP Chief
  • yung suntukan daw na walang gloves ang gusto, puwerket mas bata siya
  • yung Representative mula sa Davao City na kinasuhan ng physical injuries at grave threats
  • yung pagpabor ng Vice President sa pagpapakalat ng AI-generated content na nagpapakalat ng FAKE news
  • yung ipunin daw ang tubig-baha at i-deliver sa MalacaƱang, na para bang may nagawa ang kanyang ama noon upang masolusyunan ang mga problema sa pagbabaha
  • yung nagyabang na kaya daw matukoy sa loob lamang ng 1 araw lahat ng sangkot sa katiwalian sa mga project ng DPWH, samantalang inamin dati ng kanilang ama na talamak ang ghost project doon sa ahensiya noong kapanahunan niya, pero ni wala man lamang naparusahan
  • yung FAKE news ng Vice President na kesyo ang mga Senador na sumusunod sa konstitusyon at lumalaban sa katiwalian DAW ang mga bias
  • yung Imperial citizen na negosyante, na mining company daw ang hawak, na nagawang maging auxiliary member ng PCG at nagawaran pa ng honorary rank ng nakaraang administrasyon
  • yung ayon sa PCG, na nasa 36 na Imperial citizen na d-in-elist nila mula sa pagiging miyembro ng kanilang hanay

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung lumalabas na majority ng mga botante sa kabuuan ng Mindanao at sa Cebu Province eh supporters at protektor ng katiwalian
  • sa Abra, yung nakunan ng video na 2 poll watcher na nagse-shade ng mga balota para sa mga botante
  • yung walang kuwentang survey na nagpapakita na pabor ang maraming botante sa mga kriminal
  • yung panibagong walang kuwentang survey tungkol sa impeachment, kesyo 42% daw ng 1,200 ang gustong protektahan ang katiwalian
  • yung ayon sa isang bagong survey na maraming mahihirap na lokal na mamamayan ang mula sa Mindanao, samantalang nasa kanila rin ang maraming supporters ng mga tiwali
  • sa Liwasang Bonifacio, yung isang madre na kinuyog ng mga supporter ng dating Pangulo dahil sa paghahayag niya ng suporta para naman sa kasalukuyang Pangulo
  • yung mga mamamayan na naloko ng FAKE news tungkol sa CMEPA at mga savings account sa banko
  • yung ang seselan ng mga lokal na mamamayan, siguro 2021 to early 2022 pa pinagpapaslang yung mga nawawalang sabungero, pero ngayon pa sila nandidiri sa mga isda mula sa Taal Lake
  • yung nasa 9 na aso na namatay matapos na kumain ng kanin na may lason dahil pinabayaan lang silang nakakawala ng kanilang mga amo sa kabila ng abiso
  • yung rider na aksidenteng nabundol ng SUV dahil sa biglang pagtawid ng isang walang kuwentang aso, na ikinamatay ng kanyang angkas
  • sa Kidapawan sa North Cotabato, yung estudyante na naka-motor na namatay matapos na sumemplang dahil umiwas daw na makabangga ng aso, kung saan nasundan pa yung aksidente noong naroon na yung mga rescuer
  • yung video nung mga rider na literal na nag-iinuman habang nagmo-motor
  • sa Central Mindanao Colleges, yung 19 na Criminology student na nasunog ang mga balat matapos na spray-an ng mga senior ng likido na may suka, sili, at battery solution
  • sa Boracay, yung anak at pamangkin ng isang Senador na basta na lang ginulpi ng mga kalalakihan
  • sa Santiago City, Isabela, yung solo rider na basta na lang binugbog at pinalibutan ng isang grupo na may mga naka-motor din
  • sa Isabela City sa Basilan, yung estudyante na binugbog ng 2 kapwa niya estudyante matapos daw tumanggi nung biktima na gumamit ng sigarilyo
  • sa Bambang, Nueva Vizcaya, yung babaeng estudyante na binugbog ng mismong mga kaibigan niya sa labas ng paaralan, na nagsimula lang daw dahil sa negatibong komento
  • sa Iligan City, yung 1 Grade 3 student na kritikal ngayon sa ospital matapos na gulpihin ng 4 to 5 na high school students
  • sa Tondo, matapos yung nangyaring sunog, yung mga utak-kriminal na lokal na mamamayan nila na tulung-tulong na nagnakaw ng mga kable ng kuryente puwerket patay yung daloy
  • sa Tondo, Manila, yung 2 binatilyo na huli sa CCTV camera at ng isang residente na nagnanakaw ng kable ng kuryente kahit wala namang sunog
  • yung mga sindikato na nang-uubos daw ng Beep Card para maibenta nila iyon sa overpriced na halaga
  • sa Makati City, yung French daw na tinurukan ng pampatulog ng mga lokal na mamamayan habang nakasakay sila taxi upang mapagnakawan
  • sa ParaƱaque City, yung menor de edad na estudyante na nahulian ng lagpas Php 200,000 daw na halaga ng ilegal na droga at ng patalim sa loob mismo ng kanilang paaralan
  • sa Abra, yung estudyante na sugatan matapos na barilin ng kapwa niya estudyante
  • sa Balabagan, Lanao del Sur, yung guro na napatay sa pamamaril ng kanyang 20 y/o na Grade 11 na estudyante na binigyan niya ng bagsak na grado
  • ang patuloy na paghahasik ng lagim ng Houthi sa Red Sea sa pamamagitan ng pagpapalubog ng mga cargo ship
  • yung pagsisimula naman ng Israel ng giyera laban sa Iran
  • yung nasa lagpas Php 40 Million na halaga ng smuggled vape products na galing sa Imperyo na d-in-eclare daw na mga gamit sa kusina
  • sa Plaridel, Bulacan, yung nasa Php 605 Million na nasabat na mga smuggled na sigarilyo sa isang warehouse na galing daw sa Imperyo at sa Vietnam
  • yung nasa lagpas Php 200 Million na halaga ng smuggled na isda mula sa Imperyo na nasabat ng Customs at DA sa Maynila
  • yung paglaganap daw ng iba't ibang klase ng sakit sa hanay ng mga nahuling illegal POGO workers
  • yung Imperial citizen na naaresto sa NAIA, nagpanggap daw kasi bilang lokal na mamamayan at gumamit ng mga pekeng dokumento
  • sa Sual, Pangasinan, yung nasa 9 daw na menor de edad, na mga lokal na mamamayan, na sinamantala ng mga Imperial citizen nilang amo, kesyo hindi daw pinapasahod nang tama para sa trabaho nila doon sa fish pen
  • sa Bunawan, Agusan del Sur, yung 13 katao, kabilang ang 4 na Imperial citizen, na nahuli dahil sa illegal mining
  • sa Masbate, yung 9 na Imperial citizen na nahuli dahil sa illegal mining
  • yung 2 Imperial citizen na nabisto na sangkot sa insurance fraud, yung nagsasagawa ng pekeng carnapping para maka-claim ng insurance
  • sa ParaƱaque City, yung 2 Imperial citizen na pinapatubos ang passport ng kapwa nila Imperial citizen, kung saan nanuntok pa ng mga awtoridad ang isa sa mga suspek noong hinuhuli na sila
  • sa Pasay City, yung Imperial citizen na ninakawan ng Php 15,000 ang kapwa niya Imperial citizen
  • sa Mariveles, Bataan, yung 10 nahuli na Imperial citizen na nagpapatakbo ng love at cryptocurrency scam hub
  • sa isang condominium unit sa ParaƱaque City, yung nabisto na scam hub kung saan nagsisira na yung mga Imperial citizen ng ebidensya sa pamamagitan ng paghahagis ng mga gadget palabas ng kanilang bintana
  • sa Pasay City, yung naaresto sa isang scam hub na 1 Imperial citizen at 2 Korean
  • yung 2 Imperial citizen na nahuli sa scam hub sa Quiapo, na gumagamit daw ng AI na character na babae at voice para sa love scam
  • sa Manila, yung Imperial citizen na ayaw daw magbayad sa bar, at nagwala pa, na nahulihan din daw ng ilegal na droga
  • yung kaibigan nung Imperial citizen na nagwala sa bar at nahulihan ng ilegal na droga, na hinuli naman dahil sa tangkang panunuhol para aregluhin ang kaso ng kanyang kaibigan
  • sa Cavite, yung naaresto na 2 Imperial citizen na sinubukang tumakas sa checkpoint, na mukhang sangkot daw sa kidnapping
  • sa ParaƱaque City, yung 4 na Imperial citizen na dinukot ang kapwa nila Imperial citizen na nagpapapalit lang daw sana ng foreign currency
  • sa Makati City, yung babaeng Vietnamese na dinukot at ginahasa ng 3 Imperial citizen, na sinubukan pang manghingi ng ransom sa asawa nung biktima
  • yung FAKE news daw ng Imperyo na kesyo may naharang silang barko ng bayan
  • yung plano ng Imperyo na gumawa ng nature reserve nila sa may Bajo de Masinloc
  • sa Pulilan, Bulacan, yung 2 Imperial citizen na nahulihan ng IMSI catcher
  • yung Imperial research vessel na namataan sa may baybayin ng Sta. Ana, Cagayan na wala daw pakialam sa mga radio challenge
  • yung 3 barko ng Imperial coast guard na lumapit na sa Batanes
  • malapit sa may Pag-asa Island, yung umaabot sa 464 square meters ng coral reef na nasira ng parachute anchor ng isang Imperial fishing militia
  • yung mga naharang na Imperial citizen na tinangkang lapitan ang BRP Sierra Madre
  • sa may Bajo de Masinloc, yung eroplano ng PCG na binuntutan ng fighter jet ng Imperyo
  • yung barko ng BFAR na binomba ng water cannon ng Imperial coast guard
  • sa may Bajo de Masinloc din, yung barko ng BFAR na binomba na naman ng tubig ng barko ng Imperyo
  • malapit sa may Bajo de Masinloc, yung 2 barko ng Imperyo na nagkabanggaan dahil sa panghahabol nila sa barko ng PCG
  • sa Bajo de Masinloc, yung barko ng BFAR na pinagtulungang i-water cannon ng mga barko ng Imperyo, dahilan upang mabangga iyon sa barko ng mga Imperyalista
-----o0o-----


September 21, 2025...

yung nasa 1,000 classrooms na t-in-urn over na daw ng DPWH sa DepEd..
na hindi naman daw magagamit dahil hindi naman daw tapos...

is feeling , baka pagawa nung dating pinuno ng DepEd...??


>
sa Liwasang Bonifacio..
yung isang madre na kinuyog ng mga supporter ng dating Pangulo dahil sa paghahayag niya ng suporta para naman sa kasalukuyang Pangulo...

is feeling , wala naman talagang maaasahan sa mga tagasunod ng kulto nila...


>
yung mga lokal na mamamayan na nagsusunog sa protesta..
mga wala talagang utak..
nagrereklamo tungkol sa mga baha..
pero lalo namang pinapalala ang Climate Change dahil sa pagkakalat ng polusyon...

ang tamang gawin..?
sugurin ninyo ang properties ng lahat ng mga identified na tinatarando ang bayan..
patalsikin ninyo lahat ng mga nasa loob ng bakuran nila..
at kunin lahat ng yaman nila para maibayad sa mga utang ng bayan...

is feeling , may problema na nga sa kalikasan ng mundo, pero lalo pa ninyong pinapalala...


>
yung mga demonyong kabataan na nakikisama sa protesta..
na mukhang inatasan na magdulot ng kaguluhan..
na nananakit pa maging ng mga taga-media...

mukhang mga kabataan sila na madalas na laman ng mga riot sa lugar nila...?

is feeling , mga duwag naman na nakatakip ang mukha...


>
yung mga tiwali din naman na pulitiko, na nasa panig ng dating Pangulo..
na nagpasimula ng sarili nilang protesta..
na target na mapa-resign ang kasalukuyang Pangulo..
upang makuha ng kuwestiyonable din naman na Vice President ang kapangyarihan...

is feeling , mga palabas ninyo...


>
walang halaga ang mapayapang pagkilos..
ang estado sa kasalukuyan ng Dictator Clan ang patunay doon..
ang batas ay para lang sa mga makapangyarihan..
ang hustisya ay para lang sa mga makapangyarihan..
ang demokrasya na ipinaglaban noon ay siya ring ginamit ng Dictator Clan at ng mga kaalyado nila para muling paikutin ang bayan..
na siya ring ginagamit ng mga tiwali sa panahon ngayon para gayahin ang tinamasa ng Dictator Clan...

walang ibang paraan..
kung hindi tatapusin ang existence ng masasamang tao..
kung hindi tatapusin ang existence ng mga bulag na sunud-sunuran sa kanila..
ay mauulit lang nang mauulit ang pamamayagpag ng katiwalian...

is feeling , mahalaga na mabura ang mga existence nila...

---o0o---


September 22, 2025...

may FAKE accounts sa social media..
may FAKE media..
may FAKE news..
at ngayon naman..?
may FAKE protest na rin... šŸ™

mga demonyo na ang purpose lang ay ang maagaw ang kapangyarihan..
para magawa ng kanilang mga idol na paikutin muli ang sistema..
at nang hindi na makalkal ang kanilang mga katiwalian...

is feeling , kabado na sila na baka makalkal ang mga pagnanakaw nila noon...


>
sa Maynila..
yung hotel na pinagnakawan ng mga bayolenteng nagpoprotesta..
nanguha daw ng vault..
at nagnakaw din daw ng mga gamit ng mga tao sa loob nun... šŸ™

anong kinalaman nung hotel sa mga katiwalian sa gobyerno..?
naparusahan ba yung mga tiwali sa ginawa nilang krimen...??

'yan ba ang pangako sa inyo ng kampo ng mga idol ninyo..?
na maghasik kayo ng lagim para maagaw ang kapangyarihan..?
at bilang kapalit ay pwede kayong magnakaw laban sa mga inosente..?
na walang ipinagkaiba sa pagnanakaw ng mga kurakot... šŸ™

is feeling , FAKE protest...


>
yung ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT)..
yung lagpas 1 milyong hacking attempts daw laban sa mga ahensya ng gobyerno sa panahon nung protesta..
kung saan ilang website daw, kabilang ang sa DPWH, ang na-deface...

is feeling , cyber...


>
sa Department of Public Works and Highways (DPWH)..
yung may mga empleyado na daw na nagsisira ng mga dokumento o record...

is feeling , baka 'yan na yung records na ikinakatakot lumabas nung mga gustong agawin ang pinakamataas na katungkulan...??

---o0o---


September 23, 2025...

yung pekeng protesta nung mga mararahas na kabataan..
na ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ay may bayad daw na Php 3,000 per head...

is feeling , mga kriminal sila.. pati ang mga nag-hire sa kanila...

---o0o---


September 24, 2025...

yung mga halal na opisyal ng bayan na idinadawit sa isyu ng katiwalian sa pamamagitan ng mga infrastructure project tulad ng flood control...

is feeling , sinu-sino nga kaya sila...??


>
yung Undersecretary ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na may kinalaman din daw sa mga katiwalian doon sa kagawaran...

is feeling , sa panahon pa daw siya nung santo.. kasama yung 1 Senador doon sa kagawaran...


>
[Heroes]

yung matanda na nanaksak at nakapatay noon ng 15 y/o sa panahon ng marahas na pekeng protesta..
upang ipagtanggol ang puwesto ng kanyang hanapbuhay..
tama lang ho yung ginawa ninyo..
ang totoong paglaban sa katiwalian ay yung mga tiwali ang susugurin..
walang sisirain, at sa halip ay kukunin lang lahat ng property upang i-auction at nang makabayad ang bayan sa mga utang..
hindi katulad ng ginawa nung mga bayaran na 'yan na puros inosente ang inatake para lang matakot nila ang Pangulo...

mga kriminal din sila na dapat isama sa mga kailangang ubusin...

is feeling , bayani.. hindi dapat maparusahan...

---o0o---


September 25, 2025...

sa Masbate..
yung 9 na Imperial citizen na nahuli dahil sa illegal mining...

is feeling , tapos magkukunwari sila na gagawa sila ng nature reserve...?

---o0o---


September 26, 2025...

yung bagong testigo daw na iniharap ng isang Senador..
yung itinatanggi naman ng nakapangalan na abugado na siya daw ang nag-notarize nung affidavit...

is feeling , lagot na.. nagtatanim na naman sila ng witness...


Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Week of September 2025 (Greek god-like Treatment)

Loveless Story


September 20, 2025...

nakatapos na rin sa pagpapalit ng template ngayong araw..
para sa year 2025..
parang sa ilang projects na lang tuloy magagamit...

rumatsada na rin ng mas maraming rendering ngayong araw..
at nagawa ko nga ring matapos na iyon..
10 renders in a single day...

is feeling , tuluy-tuloy lang.. kahit sobrang imposible nang mag-exist nang stable...

---o0o---


September 22, 2025...

hindi talaga biro ang sanib sa bubong namin..
simula noong ako na yung nagre-repair..
palaging naaayos ang problema sa tulo ng bubong namin sa simula..
pero mala-milagro na lumilipat naman yung mga spot kung saan may natulo...

katulad na lang kagabi..
yung kauna-unahang spot na naayos ko dati..
na ilang buwan nang hindi natulo..
eh bigla na lang naging sobrang aktibo ulit sa pagtulo... šŸ™

bawal ang peace of mind para sa akin..
makakasagabal nga naman sa paglala ng depression ang peace of mind... šŸ™

is feeling , basura lang talaga ako sa paningin ng mga utak Greek gods...


>
[Pets]

nag-aalaga ng 6 na inakay ngayon..
bagay na hindi ko naranasan noon sa madami kong budgies... šŸ™

nagpatak kasi mula sa itaas ng puno..
inilagay namin sa ibang puno sa labas ng bahay..
kaso wala namang pumupunta na mga magulang..
manual na pagpapakain muna ng dinurog na oats..
titingnan sa ibang araw kung mahahanap na sila ng mga magulang nila...

is feeling , busy pa naman ako sa project.. kaso nakakaawa...

---o0o---


September 23, 2025...

[Pets]

sa sumunod na araw..
nawala na lahat yung 6 na inakay..
pinakain ko muna sila matapos akong mag-breakfast bago ko sila inilabas, just in case kako na babalikan sila ng mga magulang nila..
pagkatapos kong mag-lunch around 11:00 NN, muli ko silang pinakain dahil mukhang wala namang umaaligid sa pugad nila..
surprisingly, 5 na lang ang natira sa kanila..
mga 4 na oras ang lumipas noon..
at wala namang bakas na nahulog lang yung nawawala mula doon sa pugad..
after ng Eat Bulaga, so mga 3 oras yung nakalipas..
muli kong sinilip yung pugad..
kaso wala na akong nakita na inakay doon... šŸ™

base sa itsura ng tuka nila, kahawig nila ang Chestnut Munia..
parang malabo daw na kinuha sila ng mga magulang nila..
so if ever predator ang may kagagawan..?
eh hindi ko alam kung anong klase..
pero base sa pagkakasabit at sa takip nung pugad kanina..
eh malamang na ibon din lang ang suspek...

is feeling , ano nga kaya ang nangyari sa kanilang 6...??

-----o0o-----


September 20, 2025...

[Trade]

day 648...

at nanggugulo na nga ulit ang Bitcoin matapos yung FOMC meeting... šŸ™

level 24.8 to 26.1..
USD 21 sana iyon para sa akin..
level 25.3 to 26.4..
USD 17 naman sana iyon... šŸ™

gabi nang muli silang bumaba hanggang level 25.3..
pero bigla din naman silang nag-pump..
patuloy pa silang umaakyat hanggang sa mga oras na ito...

is feeling , gawin nyo na.. level 100...

---o0o---


September 21, 2025...

[Trade]

day 649...

level 25.3 pero huminto hanggang 26.9 lamang..
USD 25 sana iyon para sa akin..
level 25.5 to 26.4..
USD 14 naman sana iyon... šŸ™

pero muli din silang bumagsak sa level 25.5... šŸ™

is feeling , wala.. ayaw talaga nilang kumilos pataas at palagpas sa entry point ko...

---o0o---


September 22, 2025...

[Trade]

day 650...

level 25.5 to 26.7..
USD 19 sana iyon para sa akin..
pero paulit-ulit silang pina-dip ngayong araw..
bukod pa sa nanghila ang Bitcoin crash... šŸ™

level 24.9 to 26.2 yung isa sa mga resulta ng mga dip ng C..
USD 21 sana iyon para sa akin..
pero bigla na nga lang nanabotahe ulit ang Bitcoin, at hinila sila hanggang level 21.1 na bottom sa ngayon... šŸ™

sa ngayon ay umaabot na sa USD 26,000 lahat-lahat ng napapakawalan kong posibleng kita sa Binance simula noong Imperial New Year ng 2024..
bukod doon eh pumalo na rin sa USD 3,000 lahat-lahat ng napapakawalan ko sa C pa lamang... šŸ™

is feeling , matapos ang ilang araw na nakadikit ang C sa level 25.. eh heto at naligo na naman ng kamalasan...

---o0o---


September 23, 2025...

[Trade]

day 651...

lagas na naman ng nasa USD 100 ang pondo ko... šŸ™

level 21.1 to 23.6..
USD 49 sana iyon para sa akin..
level 20.6 to 22.3..
USD 34 naman sana iyon..
level 21.1 to 22.2..
USD 21 naman sana iyon... šŸ™

ako ang gumawa nito sa C..
simula noong nakapasok ako sa kanila..
bumagsak na lang sila basta..
at hindi na kailan man naka-recover nang lagpas sa entry point ko... šŸ™

is feeling , wasak na wasak na ako.. pero hindi pa rin sapat ang depression na taglay ko...

---o0o---


September 24, 2025...

[Trade]

day 652...

umaabot na ulit sa level 21 ang bottom ng C dahil sa taglay kong kamalasan... šŸ™

level 21 to 21.9 ngayong araw..
USD 17 sana iyon para sa akin..
bago sila bumaba sa mas mababang level na 20.8... šŸ™

is feeling , wala talagang kuwenta ang buhay na ito...

---o0o---


September 25, 2025...

[Trade]

day 653...

panibagong bottom na naman para sa C..
dahil nasa kanila ako..
dahil hindi ako nagbebenta nang palugi... šŸ™

sa mga oras na ito ay sumasadsad na sila hanggang level 19.1..
sobrang lapit na ulit sa dati nilang bottom na 18.8... šŸ™

is feeling , walang kuwenta araw-araw ang buhay ko...

---o0o---


September 26, 2025...

[Trade]

day 654...

bagong all-time bottom para sa C..
level 18.2 yung nadatnan ko paggising ko ngayong umaga..
pero kaagad din namang nasundan iyon ng pagbaba pa sa level 18.1..
at umabot pa talaga sila sa level 17.6... šŸ™

lahat ng ito..
dahil lang sa investor nila ako..
at kailangan kong malunod sa depression... šŸ™

is feeling , d*e will be done...


Saturday, September 20, 2025

Courtesy for Corruption: Fecal Defense System

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...



record ng ekonomiya..
record ng palitan ng piso sa dolyar..
record ng mga inutang..
record ng mga kinamkam at pinagnakawan..
record ng mga inabuso..
record ng mga itinumba..
record ng mga nawawala..
record ng mga kaso...

mga wala kayong utak..
at lahat kayo ay masasama...

is šŸ’€ feeling , from Php 3.91 to Php 20.46 na exchange rate.. from USD 599 Million to USD 26.7 Billion na utang.. sa kanila nagsimula ang pagkawasak...

---o0o---


daily prayer...

sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mai-serve na kaagad ang totoo at ganap na hustisya laban sa lahat ng miyembro ng alyansa para matigil na ang kasamaan nila...

at sana maging maayos na ulit ang mundo...

is šŸ’€ feeling , day 1897...

-----o0o-----


bagong impiyerno, bagong listahan..
lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..

update (512 + 501 + 205 + 169 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una, ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • sa ICC, yung ginagamit na ngayon ng nakaraang pangulo ang technique ng isa pang dating pangulo, na paggamit sa isyu ng kalusugan, upang matakasan ang takbo ng hustisya
  • mahalaga daw ang mental health, pero walang nagpapahalaga sa mental health ng mga non-pet owner na inaabuso ng mga pet owner at ng mga pet na dumi nang dumi sa tapat ng mga bahay nila

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • sa Cavite yata iyon, yung babaeng abogado na binitbit ang traffic enforcer sa minamaneho niyang sasakyan
  • sa Caloocan City, yung ama na d-in-etain daw ng ilang pulis kahit wala namang kaukulang kaso, na namatayan naman ng anak dahil sa Leptospirosis, na nakuha daw dahil sa paglusong sa baha dahil sa kakahanap sa kanyang ama
  • sa Caloocan City, yung isa pang hinuli na kasabayan daw nung ama na namatayan ng anak dahil sa Leptospirosis, na d-inetain daw nang wala namang kaso, at saka na lang ginawan ng kaso na related sa illegal-gambling
  • sa Manila Police District, yung 7 pulis na iniimbestigahan ngayon dahil sa ilegal na pag-aresto, na nanguha din daw ng pera mula sa e-wallet ng 1 sa kanilang mga biktima
  • sa Caloocan City, yung lasing na pulis na nagpaputok ng baril
  • yung 9 na tauhan ng Customs na sinibak dahil daw sa reklamo ng pangingikil sa may NAIA Terminal 3
  • yung sinibak na 5 airport police sa NAIA dahil nangingikil daw ng 40% sa mga taxi driver doon
  • sa General Santos City, yung 5 pulis na inireklamo dahil sa pangingikil sa isang motorista
  • yung dating Commanding Officer ng HPG na kinasuhan ng mga dati niyang tauhan dahil daw sa pagtanggap ng milyun-milyong suhol mula sa taong kanilang inaresto noon
  • yung opisyales sa Olongapo LGU na inaresto dahil sa pangingikil laban sa isang negosyante
  • sa Tiwi, Albay, yung dating Konsehal na nahuli sa entrapment operation dahil sa pangingikil laban sa isang kompanya
  • yung Mayor ng San Simon, Pampanga na naaresto dahil sa pangingikil laban sa isang negosyante, Php 80 Million daw para hayaan silang makapagtayo ng negosyo doon sa area
  • sa Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro, yung 2 opisyales ng BuCor na nabisto sa tangkang pagpapapasok ng kahon-kahong alak at sigarilyo
  • sa Lanao del Sur, yung 1 Barangay Kawagad at 1 miyembro CAFGU na nanlaban sa drug buy-bust operation
  • yung 2 junior officer na nag-file ng rape case laban sa isang high-ranking Philippine Air Force official, through sexual assault daw
  • sa Philippine National Police Academy, yung kadete na minolestiya daw ng isang opisyales sa barracks
  • sa Ilocos Sur, yung pulis na nahuli sa entrapment operation dahil sa tangkang sextortion
  • sa Marikina City, yung 2 pulis na inireklamo ng pangmomolestiya ng kapwa nila pulis
  • sa Santa Maria, Bulacan, yung 1 dating pulis at 2 niyang kasabwat, na nangholdap ng isang senior citizen na negosyante
  • yung negosyanteng babae na dinukot ng nasa 11 yata iyon na katao, kabilang daw ang 3 dating sundalo
  • sa isang hotel sa Tuguegarao City, yung nakunan ng video na 2 opisyales ng LTO, na nakitang nananakit ng 2 daw na binatilyo doon sa event
  • sa Argao, Cebu, yung lalaking pinatay sa pamamaril ng SK Federation President nang dahil lang daw sa selos
  • sa DasmariƱas, Cavite, yung Barangay Captain at 2 Kagawad na napatay sa pamamaril ng isang Barangay Tanod habang nasa flag ceremony sila
  • sa Ibajay, Aklan, yung Vice Mayor na pinatay sa pamamaril ng isang Konsehal, dahil daw sa personal na alitan
  • sa Davao City, yung babaeng negosyante na napatay sa pamamaril ng karelasyon daw nito na pulis
  • sa Digos, Davao del Sur, yung lasing na pulis na pinatay sa pamamaril ang kanyang kinakasama na babae

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • yung dating Spokesperson na nasa 3 daw ang passport ayon sa DOJ
  • sa mismong Senado, yung staff ng isang Senador na hinihinalang gumamit ng marijuana sa restroom
  • yung mga anonymous na contractor na nagsabi na nagbibigay DAW ng paunang bayad ang mga Discaya sa mga tiwaling taga-gobyerno bago pa ma-award sa kanila ang mga project
  • yung ilegal daw yung 1xBet dito sa bayan, pero nagawa pa nilang dalhin ang endorser nila na si Eva Elfie dito at nagdaos pa ng event

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung napasok na rin ng Monkeypox ang probinsiya ng Iloilo
  • yung napapasok na rin ng Monkeypox ang iba pang rehiyon sa bayan
  • yung 500% na pagtaas ng naitala na kaso ng HIV para daw sa age group na 15 to 25 y/o
  • yung pagtatapon ng pera ng SK Federation para sa seminar nila sa Thailand
  • yung ginulpi dati na PWD na lumalabas na may violent tendencies talaga, na malaya pa ring nakakaperwisyo doon sa EDSA Bus Carousel
  • yung pambabarat ng mga trader sa palay ng mga magsasaka, kasi kesyo daw ay may Php 20 ng bigas
  • sa Benguet daw, yung itinatapon na yung ibang carrots dahil sa oversupply
  • sa Nueva Ecija, yung Governor na sinuspende ng DILG dahil sa pag-i-issue ng napakarami daw na ilegal na quarry permit sa probinsya nila
  • sa bagong pamunuan ng DOTr, yung higit daw sa kalahati ng mga napautang na para sa jeepney modernization ang hirap namang makabayad
  • yung 2 traffic enforcer na lumabag sa batas gamit ang kanilang mga sasakyan, na t-in-icket-an ng MMDA
  • sa Baguio City, yung hepe ka sa LTO, pero nahuli ka dahil sa drunk driving
  • yung nagagamit na ngayon yung mga Dalian train para sa MRT, bagay na hindi ginawan ng paraan ng nakaraang administrasyon
  • yung lumalabas na palpak yung safety bollards sa NAIA na kasama sa projects para doon sa airport noong 2019, Php 8 Million daw yung budget para dun kaso nabuking na iyon yung mababaw lang ang pagkakabaon
  • yung deal para sa isang gusali ng NBI na nasa Php 2.4 Billion daw ang halaga, na napag-alaman na maanomalya pala ang nanalong contractor
  • sa PeƱaranda Park sa Legazpi, Albay, yung mga estudyante na nabagsakan ng bumigay na bubong ng stage
  • yung Philippine Film Heritage Building sa may Intramuros, na nakikitaan na ng mga kapalpakan
  • yung pag-amin ng Secretary ng DPWH na may nag-e-exist nga na mga ghost flood control projects
  • yung Undersecretary sa DPWH na nagpadala ng message sa staff ng isang bagong panalo na Senador, na nagtatanong kung may gusto silang gawing budget insertion
  • sa Oriental Mindoro, yung joint inspection sana sa gumuhong dike na hinarang ng mga tauhan nung contractor, kesyo kailangan daw muna ng sulat mula sa DPWH
  • sa Quezon City, yung mga contractor daw na hindi na ipinapaalam sa LGU ang paggawa nila ng mga project, kahit na may ordinansa naman yung lungsod
  • lahat ng palpak na flood control project ng DPWH at ng kanilang mga nakukuhang contractor, na ngayon lang nakakalkal
  • lahat ng flood control projects sa iba't-ibang panig ng bayan na declared nang completed at bayad na, pero hindi naman talaga tapos
  • yung mga flood control project daw na tapos na, pero pinondohan pa rin para sa taong 2026
  • sa Matag-ob, Leyte, yung nasa Php 96 Million daw na halaga ng flood control project na inabandona na lang
  • yung artista na Representative sa Leyte na naglantad sa social media ng mga pangalan at contact information ng mga c-um-ontact sa kanya na taga-media na gusto lang naman hingin ang kanyang panig tungkol sa kuwestiyonableng flood control project
  • sa Batangas, yung Representative na nagpapaimbestiga sana ng mga maanomalyang project ng DPWH, na tinangkang suhulan ng District Engineer ng DPWH para daw ipatigil yung imbestigasyon
  • yung demonyong contractor, na naglaban-laban ang sariling iba't ibang kompanya para sa bidding sa project
  • yung nabisto ng NBI, yung mga kompanya daw ng mga contractor na may common o rotating lang na board of directors
  • yung mga tao o kamag-anak ng mga taong related sa DPWH at mga contractor na ibinabalandra pa sa social media ang natatamasa nilang mga yaman
  • yung mga obvious na naging contractor ng gobyerno, na pinababayaan lang ng COMELEC na makatakbo sa mga eleksyon
  • yung mga contractor na may deal sa gobyerno, na nag-donate sa mga pulitiko sa mga nakaraang eleksyon
  • yung mga tauhan ng DPWH na nakakapaglaro sa mga casino
  • yung Representative na related sa mga contractor, na sa ibang bansa pa talaga nagpapasuri ng blood pressure
  • yung Senador na gustong gawin na testigo ang mga Discaya, sa kabila ng mga patunay na may mga palpak nga silang proyekto habang nagtatamasa ng yaman mula sa kanilang mga deal
  • yung regular na mahabaang brownout sa Siquijor dahil sa kapalpakan ng supplier nila ng kuryente, na pagmamay-ari din ng pamilya ng mga Senador
  • sa OWWA, yung hindi aprubadong pagbili ng nasa Php 1.4 Billion daw na halaga ng lupain ng dating administrator last year
  • sa GSIS, yung mga opisyales na bumili ng nasa Php 1.45 Billion na halaga ng shares sa Alternergy Holdings Corporation
  • yung nag-invest daw ang GSIS ng lagpas Php 1 Billion sa online gambling company at lugi na ngayon ang shares nila, bukod pa sa nag-invest din daw sila sa ilang kompanya na walang malinaw na track record
  • yung namigay nang namigay ng lisensya ang PAGCOR sa mga online gambling company, pero ngayon ay target na silang i-ban ng ilang mga Senador
  • sa Antipolo City, yung babae na basta-basta na lang nanaksak ng isang lalaki sa dibdib, kahit na madami na din daw ang nasaksak niya noon
  • yung ginagawa ng maraming Senador na komplikado ang isyu sa online gambling, dahil ginagamit nila yung isyu bilang pantakip sa mas masahol na kasalanan laban sa bayan, ang pagtakpan ang pagnanakaw sa buwis ng mga mamamayan
  • yung Senador na gustong i-regulate ang mga online streaming platform, samantalang regulated na yung age ng mga user ng kanilang payment processor, at yung may-ari na lang ng account ang dapat gumabay sa minors na pagagamitin nila nung account
  • kay Senator Hontiveros, yung laging tinataniman ang panig niya ng mga testigo na bigla na lang binabaliktad ang mga nauna nilang testimonya
  • yung naganap daw na pagbabawas ng boto ng ilang transparency server para sa eleksyon, kesyo may mga nagdoble daw kasi ng transmission kaya itinama
  • sa Dumaguete at Zamboanga, ayon sa PPCRV, yung hindi nagtugma ang actual na bilang ng mga bumoto kumpara sa mga balota na nabilang, di hamak na lamang yung nabilang na balota kumpara sa naging botante
  • yung mga reklamo na mali daw ang nabilang na kandidato sa resibo, kumpara sa totoong mga ibinoto nila
  • sa social media, yung pagkalat ng mga pekeng election survey gaya nung para sa Davao City
  • yung maagang demolisyon laban sa dating Vice President, kesyo wala daw itong plano na isuko sa ICC ang dating Pangulo kung nagkataon at kaibigan din daw ng kasalukuyang Vice President
  • yung tagapagtanggol noon ng anomalous deal sa Pharmally ang head na ngayon ng Senate Blue Ribbon Committee
  • yung interpretation ng Supreme Court na nalabag daw ng impeachment laban sa Vice President yung 1-year rule
  • yung iginiit ng Supreme Court na immediately executory daw ang maling desisyon nila, pero ang pagprotekta sa bayan laban sa mga magnanakaw ay pwedeng ipagpaliban nang matagal na panahon
  • noong may nagsampa na dati ng impeachment case eh sobrang bagal umaksyon ng Senado, pero ngayon namang may utos na i-dismiss na iyon eh ang bilis nilang kumilos
  • yung mga Senator judge na nag-aabogado para sa mismong nasasakdal
  • yung manipulasyon ng maraming Senator judge sa impeachment case, sa pamamagitan ng pagbabalik nung articles of impeachment sa Lower House
  • yung Senador na itinuturing kaagad na witch hunt lang ang impeachment laban sa Vice President
  • yung Senador na kakampi ni Tanggol sa paglaban sa katiwalian, pero ayun at takot palang lumaban sa katiwalian sa totoong buhay
  • yung Senador na matapang lang sa pakikipaglaban sa kasamaan sa mga programa nila sa TV, pero takot din palang bumangga sa alyansa ng mga tiwali
  • yung Senador na nakipag-argue pa, may party-list pa sila na lumalaban kuno sa kuropsiyon, pero kasama din naman pala siya sa mga magmamanipula sa konstitusyon
  • sa Senado, yung video na nagpapakita na talagang kaalyado ng mga tutol sa impeachment trial ang 1 akala mo eh partial na Senador, para guluhin sa pagsasalita ang 1 Senadora na pabor na bigyan ng katarungan ang bayan
  • yung Senador na ang suggestion sa paglaban sa tiwaling opisyal ng gobyerno ay ang labanan at talunin na lang daw iyon sa darating na eleksyon, sa halip na parusahan nang naaayon sa batas
  • yung Senador na nag-endorse ng AI-generated video, kung saan gumamit ng parang estudyante na pinapalabas na pamumulitika lang ang impeachment laban sa Vice President
  • yung walang pakialam yung isang Senador kung FAKE AI news ang ipinapakalat niya
  • yung Senador na gumawa ng Senate resolution para ibasura na kaagad ang impeachment laban sa kaalyado nilang Vice President
  • yung FAKE news ng isang Senador, na kesyo guided siya ng holy spirit
  • yung Senador na gumawa naman ng Senate resolution para i-dismiss na kaagad ang kaso ng impeachment laban sa kaalyado nilang Vice President
  • yung Senador na gustong magpasunog, na patunay na ang katapatan niya ay hindi para sa bayan, kundi para sa kaalyado niyang angkan lamang
  • yung Senador na naninindak ng kapwa niya Senador, dahil lang sa hindi kaagad masunod ang kagustuhan ng alyansa nila na maibasura na kaagad ang impeachment case laban sa kaalyado nilang Vice President
  • yung mga walang kuwentang Senador na sang-ayon sa Supreme Court na protektahan ang katiwalian
  • yung Representative ng isang Party-list na ipinagtatanggol ang pagwawaldas ng OVP ng pondo para sa pagpapasama ng mga empleyado sa mga personal travel ng kanilang pinuno
  • yung kasalukuyang Mayor ng Davao City na binatikos ang pagtalaga sa latest na PNP Chief, samantalang ang tatay niya mismo ay nagtalaga kaagad ng 1-Star General lamang bilang PNP Chief noong panahon nito
  • yung Mayor ng Davao City na nag-endorse din nung AI-generated video na nagpapakalat ng FAKE na opinyon ng kabataan
  • yung acting Mayor ng Davao City na gustong makipagsuntukan sa PNP Chief
  • yung suntukan daw na walang gloves ang gusto, puwerket mas bata siya
  • yung Representative mula sa Davao City na kinasuhan ng physical injuries at grave threats
  • yung pagpabor ng Vice President sa pagpapakalat ng AI-generated content na nagpapakalat ng FAKE news
  • yung ipunin daw ang tubig-baha at i-deliver sa MalacaƱang, na para bang may nagawa ang kanyang ama noon upang masolusyunan ang mga problema sa pagbabaha
  • yung nagyabang na kaya daw matukoy sa loob lamang ng 1 araw lahat ng sangkot sa katiwalian sa mga project ng DPWH, samantalang inamin dati ng kanilang ama na talamak ang ghost project doon sa ahensiya noong kapanahunan niya, pero ni wala man lamang naparusahan
  • yung FAKE news ng Vice President na kesyo ang mga Senador na sumusunod sa konstitusyon at lumalaban sa katiwalian DAW ang mga bias
  • yung Imperial citizen na negosyante, na mining company daw ang hawak, na nagawang maging auxiliary member ng PCG at nagawaran pa ng honorary rank ng nakaraang administrasyon
  • yung ayon sa PCG, na nasa 36 na Imperial citizen na d-in-elist nila mula sa pagiging miyembro ng kanilang hanay

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung lumalabas na majority ng mga botante sa kabuuan ng Mindanao at sa Cebu Province eh supporters at protektor ng katiwalian
  • sa Abra, yung nakunan ng video na 2 poll watcher na nagse-shade ng mga balota para sa mga botante
  • yung walang kuwentang survey na nagpapakita na pabor ang maraming botante sa mga kriminal
  • yung panibagong walang kuwentang survey tungkol sa impeachment, kesyo 42% daw ng 1,200 ang gustong protektahan ang katiwalian
  • yung ayon sa isang bagong survey na maraming mahihirap na lokal na mamamayan ang mula sa Mindanao, samantalang nasa kanila rin ang maraming supporters ng mga tiwali
  • yung mga mamamayan na naloko ng FAKE news tungkol sa CMEPA at mga savings account sa banko
  • yung ang seselan ng mga lokal na mamamayan, siguro 2021 to early 2022 pa pinagpapaslang yung mga nawawalang sabungero, pero ngayon pa sila nandidiri sa mga isda mula sa Taal Lake
  • yung nasa 9 na aso na namatay matapos na kumain ng kanin na may lason dahil pinabayaan lang silang nakakawala ng kanilang mga amo sa kabila ng abiso
  • yung rider na aksidenteng nabundol ng SUV dahil sa biglang pagtawid ng isang walang kuwentang aso, na ikinamatay ng kanyang angkas
  • sa Kidapawan sa North Cotabato, yung estudyante na naka-motor na namatay matapos na sumemplang dahil umiwas daw na makabangga ng aso, kung saan nasundan pa yung aksidente noong naroon na yung mga rescuer
  • yung video nung mga rider na literal na nag-iinuman habang nagmo-motor
  • sa Central Mindanao Colleges, yung 19 na Criminology student na nasunog ang mga balat matapos na spray-an ng mga senior ng likido na may suka, sili, at battery solution
  • sa Boracay, yung anak at pamangkin ng isang Senador na basta na lang ginulpi ng mga kalalakihan
  • sa Santiago City, Isabela, yung solo rider na basta na lang binugbog at pinalibutan ng isang grupo na may mga naka-motor din
  • sa Isabela City sa Basilan, yung estudyante na binugbog ng 2 kapwa niya estudyante matapos daw tumanggi nung biktima na gumamit ng sigarilyo
  • sa Bambang, Nueva Vizcaya, yung babaeng estudyante na binugbog ng mismong mga kaibigan niya sa labas ng paaralan, na nagsimula lang daw dahil sa negatibong komento
  • sa Iligan City, yung 1 Grade 3 student na kritikal ngayon sa ospital matapos na gulpihin ng 4 to 5 na high school students
  • sa Tondo, matapos yung nangyaring sunog, yung mga utak-kriminal na lokal na mamamayan nila na tulung-tulong na nagnakaw ng mga kable ng kuryente puwerket patay yung daloy
  • sa Tondo, Manila, yung 2 binatilyo na huli sa CCTV camera at ng isang residente na nagnanakaw ng kable ng kuryente kahit wala namang sunog
  • yung mga sindikato na nang-uubos daw ng Beep Card para maibenta nila iyon sa overpriced na halaga
  • sa Makati City, yung French daw na tinurukan ng pampatulog ng mga lokal na mamamayan habang nakasakay sila taxi upang mapagnakawan
  • sa ParaƱaque City, yung menor de edad na estudyante na nahulian ng lagpas Php 200,000 daw na halaga ng ilegal na droga at ng patalim sa loob mismo ng kanilang paaralan
  • sa Abra, yung estudyante na sugatan matapos na barilin ng kapwa niya estudyante
  • sa Balabagan, Lanao del Sur, yung guro na napatay sa pamamaril ng kanyang 20 y/o na Grade 11 na estudyante na binigyan niya ng bagsak na grado
  • ang patuloy na paghahasik ng lagim ng Houthi sa Red Sea sa pamamagitan ng pagpapalubog ng mga cargo ship
  • yung pagsisimula naman ng Israel ng giyera laban sa Iran
  • yung nasa lagpas Php 40 Million na halaga ng smuggled vape products na galing sa Imperyo na d-in-eclare daw na mga gamit sa kusina
  • sa Plaridel, Bulacan, yung nasa Php 605 Million na nasabat na mga smuggled na sigarilyo sa isang warehouse na galing daw sa Imperyo at sa Vietnam
  • yung nasa lagpas Php 200 Million na halaga ng smuggled na isda mula sa Imperyo na nasabat ng Customs at DA sa Maynila
  • yung paglaganap daw ng iba't ibang klase ng sakit sa hanay ng mga nahuling illegal POGO workers
  • yung Imperial citizen na naaresto sa NAIA, nagpanggap daw kasi bilang lokal na mamamayan at gumamit ng mga pekeng dokumento
  • sa Sual, Pangasinan, yung nasa 9 daw na menor de edad, na mga lokal na mamamayan, na sinamantala ng mga Imperial citizen nilang amo, kesyo hindi daw pinapasahod nang tama para sa trabaho nila doon sa fish pen
  • sa Bunawan, Agusan del Sur, yung 13 katao, kabilang ang 4 na Imperial citizen, na nahuli dahil sa illegal mining
  • yung 2 Imperial citizen na nabisto na sangkot sa insurance fraud, yung nagsasagawa ng pekeng carnapping para maka-claim ng insurance
  • sa ParaƱaque City, yung 2 Imperial citizen na pinapatubos ang passport ng kapwa nila Imperial citizen, kung saan nanuntok pa ng mga awtoridad ang isa sa mga suspek noong hinuhuli na sila
  • sa Pasay City, yung Imperial citizen na ninakawan ng Php 15,000 ang kapwa niya Imperial citizen
  • sa Mariveles, Bataan, yung 10 nahuli na Imperial citizen na nagpapatakbo ng love at cryptocurrency scam hub
  • sa isang condominium unit sa ParaƱaque City, yung nabisto na scam hub kung saan nagsisira na yung mga Imperial citizen ng ebidensya sa pamamagitan ng paghahagis ng mga gadget palabas ng kanilang bintana
  • sa Pasay City, yung naaresto sa isang scam hub na 1 Imperial citizen at 2 Korean
  • yung 2 Imperial citizen na nahuli sa scam hub sa Quiapo, na gumagamit daw ng AI na character na babae at voice para sa love scam
  • sa Manila, yung Imperial citizen na ayaw daw magbayad sa bar, at nagwala pa, na nahulihan din daw ng ilegal na droga
  • yung kaibigan nung Imperial citizen na nagwala sa bar at nahulihan ng ilegal na droga, na hinuli naman dahil sa tangkang panunuhol para aregluhin ang kaso ng kanyang kaibigan
  • sa Cavite, yung naaresto na 2 Imperial citizen na sinubukang tumakas sa checkpoint, na mukhang sangkot daw sa kidnapping
  • sa ParaƱaque City, yung 4 na Imperial citizen na dinukot ang kapwa nila Imperial citizen na nagpapapalit lang daw sana ng foreign currency
  • sa Makati City, yung babaeng Vietnamese na dinukot at ginahasa ng 3 Imperial citizen, na sinubukan pang manghingi ng ransom sa asawa nung biktima
  • yung FAKE news daw ng Imperyo na kesyo may naharang silang barko ng bayan
  • yung plano ng Imperyo na gumawa ng nature reserve nila sa may Bajo de Masinloc
  • sa Pulilan, Bulacan, yung 2 Imperial citizen na nahulihan ng IMSI catcher
  • yung Imperial research vessel na namataan sa may baybayin ng Sta. Ana, Cagayan na wala daw pakialam sa mga radio challenge
  • yung 3 barko ng Imperial coast guard na lumapit na sa Batanes
  • malapit sa may Pag-asa Island, yung umaabot sa 464 square meters ng coral reef na nasira ng parachute anchor ng isang Imperial fishing militia
  • yung mga naharang na Imperial citizen na tinangkang lapitan ang BRP Sierra Madre
  • sa may Bajo de Masinloc, yung eroplano ng PCG na binuntutan ng fighter jet ng Imperyo
  • yung barko ng BFAR na binomba ng water cannon ng Imperial coast guard
  • sa may Bajo de Masinloc din, yung barko ng BFAR na binomba na naman ng tubig ng barko ng Imperyo
  • malapit sa may Bajo de Masinloc, yung 2 barko ng Imperyo na nagkabanggaan dahil sa panghahabol nila sa barko ng PCG
  • sa Bajo de Masinloc, yung barko ng BFAR na pinagtulungang i-water cannon ng mga barko ng Imperyo, dahilan upang mabangga iyon sa barko ng mga Imperyalista
-----o0o-----


September 15, 2025...

ano kayang pinaplano ng minority ng Senado..?
gusto nila na mapalapit sa kanila ang mga suspek..
at gusto din nila na gawing testigo yung iba...

is feeling , plano na naman ba nila na bigyan ng script yung mga kriminal...??


>
yung 2 Imperial citizen na nahuli sa scam hub sa Quiapo..
gumagamit daw ng AI na character na babae at voice para sa love scam...

is feeling , dapat mawala na ang AI sa mundo...

---o0o---


September 16, 2025...

yung mga anonymous na contractor..
yung nagsabi na nagbibigay DAW ng paunang bayad ang mga Discaya sa mga tiwaling taga-gobyerno bago pa ma-award sa kanila ang mga project..
tapos eh gusto silang basta-basta na lang gawin na testigo ng isang Senador...??

bakit..?
dahil kasabwat ang sindikato nila sa panahon ng Build Build Build program...??

is feeling , mga protektor kayo ng katiwalian...


>
yung demonyong Representative ng isang Party-list..
na ipinagtatanggol ang pagwawaldas ng Office of the Vice President (OVP) ng pondo para sa pagpapasama ng mga empleyado sa mga personal travel ng kanilang pinuno...

is feeling , apelyidong basura.. political dynasty...

---o0o---


September 17, 2025...

sa Bajo de Masinloc..
yung barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)..
na pinagtulungang i-water cannon ng mga barko ng Imperyo, dahilan upang mabangga iyon sa barko ng mga Imperyalista...

is feeling , mga demonyo...

---o0o---


September 18, 2025...

yung plano ng Imperyo na gumawa ng nature reserve nila sa may Bajo de Masinloc...

nature reserve..?
huwag tayong maggaguhan..
ang dami nyo nang winasak na coral reef..
tapos magpapanggap kayo ngayon na may malasakit kayo sa kalikasan..
gusto nyo lang gumawa ng palusot para tanggalan ng kabuhayan ang mga lokal na mangingisda ng bayan...

is feeling , monopolyo sa karagatan ang habol ninyo.. at ang maging exporter at smuggler ng mga isda para sa bayan...


>
yung deal para sa isang gusali ng National Bureau of Investigation (NBI)..
na nasa Php 2.4 Billion daw ang halaga..
na napag-alaman na maanomalya pala ang nanalong contractor...

is feeling , congratulations...


>
yung nabisto ng NBI..
yung mga kompanya daw ng mga contractor na may common o rotating lang na board of directors..
nasa 8 yata iyon...

is feeling , sa pagbibigay pa lang ng business permit, dapat nasisiyat na sila...

---o0o---


September 19, 2025...

[Natural Calamities]

sa bandang itaas..
nasa Magnitude 5.5 na lindol..
sa may area ng La Union...

is feeling , nagagalit na ang mundo...


Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of September 2025 (Reactivated Contact)

Loveless Story


September 13, 2025...

hmmm..?
so lumalabas na hindi pa naman pala dini-dispose ni Attendant Y yung mobile number niya para sa industry..
meaning, nakarehistro iyon..
parehas niyang ni-reactivate yung 2 messaging app na ginagamit niya..
pero bakit kaya...??

is šŸ’Œ feeling , iniwanan ka ba ng boyfriend mo...??

---o0o---


September 14, 2025...

high blood... šŸ™

meron sa mga demonyong kalapit-bahay namin ang nag-level up..
bukod sa mga item na nasa tapat na ng bakuran namin..
ngayon naman eh nagtatambak na rin sila ng mga basura sa tapat..
sa halip na sa tapat ng bahay nila...

sigurado ako na bahagi sila ng mga kamalasan na dala-dala ko..
dahil likas silang nang-aabuso ng kapwa nila..
hindi sila sumusunod sa mga batas, para lang makapang-bully sila ng ibang tao sa paligid nila...

sa sobrang galit ko kanina..
yung kahon nila ng mga basura..
itinapon ko sa gitna ng kalsada..
kahit pa alam ko na may CCTV yung bahay sa tapat namin...

is feeling , gusto ko talagang tumapos ng mga buhay.. hindi lang pwede.. dahil hindi ko naman matatapos ang alamat ng One Piece kung makikialam ang mga awtoridad...


>
[Music]

Scandal - Fanfare


release nila noong 2024..
nakakatuwa lang na malaman na magkakasama pa rin silang 4 hanggang sa ngayon..
at nakakagawa pa rin sila ng magagandang Japanese music..
last August 21, 2023, nakuha nila ang Guinness World Record bilang longest active female rock band with the same members...

2006 sila nabuo..
nalaman ko naman ang tungkol sa kanila bandang 2010, dahil sa mga OST nila para sa mga Anime..
una kong nagustuhan si Rina, dahil maganda talaga siya, at ang linis mag-drums..
hanggang sa napunta ang atensyon ko kay Mami, dahil maganda yung pagiging astigen niya sa lead guitar..
si Sasazaki-san..
na sinubukan kong igawa ng Manga noon, pero nawala naman yung will ko, dahil sa kadiliman ng mga pangyayari sa paligid ko noon...

is feeling , tumatanda.. pero hindi naman ganung kabilis...

---o0o---


September 15, 2025...

[Manga Theory]

in addition pala sa One Piece Theory #18..
mukhang Galleila Giants ang gumawa sa barkong Noah ng mga Fishman, sa request ni Joy Boy...

Buccaneer..
so iyon pala ang dahilan kung bakit kaya ni Blackbeard ang negative effect ng darkness na Devil Fruit niya..
dahil likas na mataas ang endurance ng mga Buccaneer, kaya okay lang sa kanya na mag-absorb ng double damage ng anumang atake...

base sa experience kay Emet sa Egghead..
lumalabas na sobrang lakas ng Haki na taglay ni Joy Boy..
na sa sobrang lakas ay stored Haki lang iyon, pero ramdam hanggang sa lokasyon ni Im, at kayang pawalang bisa ang mga Devil Fruit ng Gorosei..
bukod doon eh sobrang lakas din ng cartoon ability ng Nika Devil Fruit..
at malalakas din ang allies ni Joy Boy noong Void Century, tulad ng mga Buccaneer at Giant..
tapos mataas pa ang kalidad ng technology na gamit ng kanilang alliance dati..
kaya naman posible na traydor ang totoong naging dahilan ng pagkatalo ni Joy Boy noon...


One Piece Theory #21

mukhang Yami Yami no Mi o yung darkness na Devil Fruit ni Blackbeard ang gamit noon ng kanilang ninuno na si Davy D Jones..
Buccaneer siya, kaya naman kaalyado siya ni Joy Boy..
posibleng nakumbinsi ni Im si Davy D Jones na patraydor na i-nullify ang Nika ability ni Joy Boy, upang matalo na nila ito..
anong posibleng rason sa pagtanggap doon sa offer..?
inggit lang siguro...??

sa pagkuwestiyon ni Nefertari D Lili sa motibo ni Im matapos nilang manalo sa digmaan..
ginamit naman ni Im si Davy D Jones bilang fall guy para sa pagkawala o pagkamatay nung Nefertari..
iyon siguro ang dahilan kung bakit sobra-sobra ang poot ng mga Tenryuubito sa Davy Clan..??
dahil pinalabas ni Im na tumapos ito ng Tenryuubito...

baka ang curse na tinutukoy sa alamat, na maninirahan daw si Davy D Jones sa ilalim ng karagatan..
ay ang manifestation ng Devil Fruit ability niya sa lahat ng karagatan sa mundo..
nagawa siguro siyang ihalo ni Im sa karagatan sa kung paanong paraan..?
bilang kaparusahan nga kuno dahil sa nangyari kay Nefertari..
at dahil kakayahan nung darkness ability na i-nullify ang anumang Devil Fruit, kaya naman naging kakayahan na rin iyon ng tubig-dagat at ng mineral na nakukuha doon..
at dahil bahagi naman ng plano na palubugin ang majority ng mundo sa tubig-dagat..
eh mababawasan ang banta laban sa mga Tenryuubito ng mga Devil Fruit user nilang kalaban...

is feeling , ganun siguro...


>
may kakaibang nangyari matapos na mag-reactivate ng contact number niya si Attendant Y..
ch-in-eck ko kasi noon kung naroon pa rin ba yung account niya sa isang escort website, at visible pa din nga naman..
pero ngayong araw ay hindi na nahahanap ng Google yung account niyang iyon...

nag-reactivate ka ba para maglinis ng mga naiwan mong record online..?
o bubuhayin mo ba ulit yung account mo...??
bandang gabi naman nang naging searchable at visible na ulit yung account niya...

is feeling , anong ginagawa mo...??

---o0o---


September 17, 2025...

[Anime]

yung sobrang ganda ng design ng Super Saiyan 4 sa Dragon Ball GT..
pero ngayon ko lang nalaman na hindi pala sila official part ng istorya nung creator..
anime-exclusive lang pala yung series na iyon..
kaya pala parang humina yung istorya paglabas nung Dragon Ball Super..
kaya pala ang pangit nung mga design...

is feeling , mas magaling ang Toei Animation para ma-consider yung Oozaru form...


>
araw na naman ng paniningil..
maaalala ko na naman ang sumpang dala-dala ko... šŸ™

53 months ng mga utang..
35 months na walang inihuhulog na bayad..
21 months nang pinutol na communication..
ilang buwan ng retokadong ilong..
ilang buwan ng pagtatago kasabwat ang mga kapamilya... šŸ™

wala kayong ipinagkaiba sa tiwaling gobyerno ng bayan na ito... šŸ™

is feeling , maagnas sana 'yang peke mong ilong...

---o0o---


September 19, 2025...

nakatapos na sa paggawa ng lahat ng kailangan kong scenes para sa project #25..
render..
tapos post edit na lang ang kailangan...

is feeling , ang official first project para sa taong 2025...

-----o0o-----


September 13, 2025...

[Trade]

day 641...

USD 0.50..
USD 0.75..
USD 1.00..
iyon lang ang mga option ko...

is feeling , 4 days left bago ang sunod na FOMC...

---o0o---


September 14, 2025...

[Trade]

3 beses nang lumalagpas ang C sa level 26 simula noong makulong ako sa kanila..
pero katulad ng naging karanasan ko sa iba ko pang napasok dati na assets..
eh pauli-ulit din silang bumabagsak dahil sa dala-dala kong kamalasan... šŸ™

ang path ng C simula noong maisip ko na pumasok sa kanila...??

level 30 to 46.5 noong hindi ko nagawang makabili dati, dahil level 20 sana ang gusto kong presyo..
nakaakyat sana ako noon sa USD 646... šŸ™

tapos nakapasok ako..
at nagsimulang malugi ang C, dahil nga nabitag na nila ako..
level 18.8 to 22.2
nakaakyat sana ang pondo ko sa USD 762..
level 18.8 ulit to 22.1..
akyat sa USD 894..
level 19.4 to 26.7..
akyat sa USD 1,229..
level 20.1 to 27.9..
akyat sa USD 1,704..
level 22.3 to 27.4..
akyat sa USD 2,091... šŸ™

at ni minsan..
hindi na nila nagawang makalagpas muli sa entry point ko..
dahil ang goal lang naman parati ay ang lunurin ako sa depression... šŸ™

is feeling , d*e will be done...


>
[Trade]

day 642...

level 22.3 to 24.8 yung unang naakyat ng C kagabi..
USD 46 sana iyon para sa akin..
level 23.5 to 27.4 yung sumunod ngayong araw..
USD 68 naman sana iyon... šŸ™

pero hindi na naman nila magawa yung malakihang pump na kayang gawin ng maraming assets..
dahil ang existence ko ang nagdidikta sa kamalasan na sasapitin nila... šŸ™

is feeling , 3 days left bago ang sunod na FOMC...

---o0o---


September 15, 2025...

[Trade]

day 643...

nakagulo nga yung short dip ng Bitcoin kagabi..
umangat nga ang C, pero galing naman sa pinababa ulit na level... šŸ™

4th time na na nakabalik ang C sa level 26..
pero ganun pa rin sila..
nananatiling supot para sa recovery ko... šŸ™

level 23.7 to 26.9..
USD 55 sana iyon para sa akin..
level 25.4 to 27.9..
USD 40 naman sana iyon... šŸ™

is feeling , 2 days left bago ang sunod na FOMC...

---o0o---


September 16, 2025...

[Trade]

day 644...

5th time na nagawang lumagpas ng C sa level 26..
pero talagang supot pa rin sila... šŸ™

level 24.1 to 27.7..
USD 61 sana iyon para sa akin..
level 25.6 to 29.6..
USD 64 naman sana iyon..
level 26.1 to 28..
USD 29 naman sana iyon... šŸ™

sobrang hirap magdesisyon..
hindi naman kasi lumalagpas ang C sa entry point ko..
nasa mataas silang level kumpara sa usual bottom nila..
pero wala namang kita para sa akin kung sakaling tatakas na ako...

is feeling , 1 day bago ang sunod na FOMC...


>
[Trade]

FOMC meeting na bukas o sa susunod pang araw...

gusto ko na lang talagang makatakas..
kahit na ano..
USD 0.50..
USD 0.75..
USD 1.00..
kailangan ko lang magising bukas na nasa ganyang level ang C..
hayaan lang sana ako na magising sa isang umaga na nasa ganyan ang level ng C...

pagod na pagod na akong maging mali... šŸ™

is feeling , tigilan nyo na ako sa ugaling Greek gods ninyo...

---o0o---


September 17, 2025...

[Trade]

day 645...

nasa delikadong araw na para sa FOMC..
pero wala pa rin talagang nagagawang massive move ang C... šŸ™

level 25.3 to 26.8 yung pahabol nilang pump kagabi..
USD 24 sana iyon para sa akin..
level 25.2 to 26.5 yung sumunod ngayong araw..
USD 21 naman sana iyon... šŸ™

pero bumaba na ang trading volume nila, simula pa kahapon..
at bumababa na rin nga ang kanilang palitan... šŸ™

is feeling , mga araw ng FOMC...

---o0o---


September 18, 2025...

[Trade]

day 646...

level 24 to 25.7 yung naging recovery ng C mula kagabi..
USD 29 sana iyon para sa akin..
level 24.9 to 26.2 ang sumunod..
USD 21 naman sana iyon..
level 24.9 to 26.4 ang sumunod..
USD 24 naman sana iyon... šŸ™

sa ngayon..
ngayong gabi..
eh umaakyat pa naman ang C..
sana lang talaga eh pabayaan na nila akong makalaya...

is feeling , kailangan ko ng nasa 300% increase para makalaya...

---o0o---


September 19, 2025...

[Trade]

day 647...

50 days na ako sa C..
kaya nga ba hindi ko maiwasan na isipin na ako talaga ang may dala-dala ng malagim na kamalasan.. šŸ™
ang daming mga bagong asset ang nagawa na ring abutin yung USD 1.00 zone, nang basta-basta na lang..
samantalang ang C..
nagpayaman na sa ilalim ng entry point ko..
at nang ni hindi man lamang lumalagpas sa level na iyon, para makalaya man lang sana ako...

mukhang ako nga lang talaga ang hinihintay nila..
kailangan kong mawala sa C..
at saka sila bubulusok hanggang level 100...

level 24.9 to 27.2 yung naakyat ng C simula kahapon..
USD 38 sana iyon para sa akin..
level 26.4 to 27.6 yung maiksing sumunod..
USD 18 naman sana iyon... šŸ™

is feeling , ayaw talaga...