Saturday, June 21, 2025

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of June 2025 (Month-long Trap)

Loveless Story


June 14, 2025...

[Gadget-Related]

nakatapos nang maglipat ng lahat ng 3D assets kagabi..
nag-install na rin ng Genesis 8 ngayong araw, para ma-test ang ganung klase ng assets..
unfortunately, hindi kaya ng graphics card ko yung ganung level ng mga model...

is feeling , malapit nang makapagsimula...

---o0o---


June 15, 2025...

[Gadget-Related]

nakatapos na sa pagtse-check ng lahat ng gamit ko na base model..
kaso may mga na-detect na missing assets simula kahapon..
yung iba, lumalabas na na-skip ko lang ang pag-copy papunta sa library..
yung iba naman, eh lumalabas na program-generated..
meaning na-create yung folder at files habang ginagamit ko noon yung program..
pero mabuti na lang at nadaan sa pagkopya ng folder mula doon sa lumang library mula doon sa dating hard drive...

is feeling , ayos na.. handa na ang lahat sa pag-test render...

---o0o---


June 16, 2025...

[Gadget-Related]

gagawa na sana ng test scenes..
nagta-try na ng iba't ibang combination ng outfit..
kaso nadiskubre ko naman na may mga asset pala na iba ang paraan nang pag-interpret nung bagong 3D software, kumpara doon sa lumang version..
kaya naman balik muna ulit ako sa pagre-repair simula bukas...

is feeling , problema na naman...

---o0o---


June 17, 2025...

nakakaruming araw na naman ng paniningil ng mga utang..
50 months ng combined na mga utang..
32 months nang walang inihuhulog na bayad..
at 18 months na umiiwas sa communication...

paano ko ba bibigyan ng hustisya ang sarili ko sa napaka-unfair na mundo na ito...?? 🙁

is feeling , maagnas sana 'yang peke mong ilong na inuna mo pang pagkagastusan sa halip na magbayad sa akin...

---o0o---


June 18, 2025...

[Gadget-Related]

nakatapos na sa pagre-repair ng mga model..
mabuti na lang at 3 lang naman yung tinamaan nung problema sa pagpapalit ng software version..
ang hindi lang maganda..?
mas malalaki ang file size nung mga sini-save nung program..
ang takaw na naman nito sa storage space per project...

is feeling , umpisa na ng mga test...

-----o0o-----


[V-League]


AVC Nations Cup 2025 (Finals)


June 14, 2025...

Philippines versus Vietnam..
labanan para sa #2 spot sa Southeast Asia..
lalo pang ginabi ang oras ng laro..
at mas lalo pang ginabi dahil napahaba ang sinundan na match..
ang laki ng gap pagdating sa power at speed, bukod pa sa may floor defense sila..
2 ang Ace Player nila, tapos malalakas din ang mga kakampi..
Set 2 nang ginamit si Nitura, hanggang Set 3..
pero mas nananaig talaga kung sino ang mas magaling sa pag-atake...

3-0, panalo ang Vietnam..
ayun nga, malaki pa rin ang gap dahil kina T4 at Bich..
parang sobrang lakas na team, pero ni hindi pa sila qualified para sa VNL..
kailangan pang maka-develop ng bansa ng ilang Jaja Santiago para siguro matapatan ang Thailand at Vietnam...

Best Setter - Morado

is 💔 feeling , sorry, team.. sorry Morado at Nitura.. pero malaki pa rin ang gap ng bansa kumpara sa Vietnam...

-----o0o-----


June 14, 2025...

[Trade]

day 550..
4 days bago ang sunod na FOMC...

nasa luging level pa rin...

is feeling , nawasak ko na yata nang tuluyan ang HAEDAL...

---o0o---


June 15, 2025...

[Trade]

day 551..
3 days bago ang sunod na FOMC...

level 9.6 to 10.4, bago muling bumaba ang HAEDAL..
USD 46 sana iyon para sa akin... 🙁

is feeling , matuto naman kayong magpakita ng kabutihan...

---o0o---


June 16, 2025...

[Trade]

day 552..
2 days bago ang sunod na FOMC...

gumawa ng 35% na pump ang HAEDAL ngayong gabi..
na-list yata sila sa ibang exchange..
level 9.7 to 13.1..
USD 195 sana iyon para sa akin... 🙁

is feeling , mag-100% naman kayo.. huwag ninyo akong iwanan parati...

---o0o---


June 17, 2025...

[Trade]

day 553..
last day bago ang sunod na FOMC...

umangat ulit ang HAEDAL ngayong araw..
pero pump then dump na naman ang nangyari..
pagkauwi ko ay pababa na ulit kaagad ang palitan nila..
level 11.1 to 12.8..
USD 85 din sana iyon para sa akin... 🙁

nakakarumi na lagi nilang ibinabalik kaagad sa ilalim ang palitan..
sa halip na i-pump nang husto ang HAEDAL..
talagang alam na alam nila kung nasaang asset ako... 🙁

is feeling , wala na ngang nagbabayad ng utang.. lagi pang minamalas sa Binance...

---o0o---


June 18, 2025...

[Trade]

day 554..
araw na ng FOMC...

naangat naman ang HAEDAL, kaso eh nakakontra ang Bitcoin..
USD 50 noong umakyat from level 10.9 to 11.9..
USD 38 naman from level 11.6 to 12.4...

is feeling , sumabog muna kayo hanggang level 20...

---o0o---


June 19, 2025...

[Trade]

day 555...

naka-decouple pa din naman ang HAEDAL mula sa Bitcoin ngayong araw..
level 11.9 to 12.6, so USD 32 sana para sa akin..
level 12.1 to 12.8, so USD 31 naman sana iyon... 🙁

sa puntong ito..
wala pa man akong 1 buwan sa HAEDAL..
eh umaabot na kaagad sa USD 1,000 plus ang napapakawalan kong kita sa poder nila...

is feeling , ako naman.. ako naman muna sana...

---o0o---


June 20, 2025...

[Trade]

day 556...

umakyat ang Bitcoin..
pero di tulad noong naka-decouple sa kanila ang HAEDAL, eh wala namang masyadong hila sa ngayon sa HAEDAL paitaas..
level 12.3 to 12.7, USD 17 sana iyon para sa akin..
level 12.4 to 12.9, USD 22 naman sana iyon... 🙁

is feeling , pakiusap.. umabot ka na muna ulit sa level 20, HAEDAL...


No comments:

Post a Comment