Sunday, February 2, 2025

Coconut Surveillance

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...



record ng ekonomiya..
record ng palitan ng piso sa dolyar..
record ng mga inutang..
record ng mga kinamkam at pinagnakawan..
record ng mga inabuso..
record ng mga itinumba..
record ng mga nawawala..
record ng mga kaso...

mga wala kayong utak..
at lahat kayo ay masasama...

is šŸ’€ feeling , from Php 3.91 to Php 20.46 na exchange rate.. from USD 599 Million to USD 26.7 Billion na utang.. sa kanila nagsimula ang pagkawasak...

---o0o---


daily prayer...

sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mai-serve na kaagad ang totoo at ganap na hustisya laban sa lahat ng miyembro ng alyansa para matigil na ang kasamaan nila...

at sana maging maayos na ulit ang mundo...

is šŸ’€ feeling , day 1666...

-----o0o-----


bagong impiyerno, bagong listahan..
lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
update (512 + 501 + 114 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una, ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung sinalungat yung mga dati niyang bintang sa Pangulo, kesyo wala daw yung tao sa narco-list ng PDEA
  • yung panawagan ng dating Pangulo sa militar na patalsikin na ang kasalukuyang Pangulo, siyempre para sa kapakanan ng kanyang pamilya at mga kaalyado
  • nitong October 2024, yung pumalo na pala sa Php 16 Trillion ang utang ng bayan
  • yung mga pulitiko na ayaw i-impeach ang Vice President, ibig lang sabihin na gusto nilang i-tolerate ang pananatili sa katungkulan ng mga tiwali

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • yung natanggal noon sa pagiging sundalo, na nahuli bilang parte daw ng security ng Godfather ng POGO dito sa bayan
  • sa Negros Oriental, yung mga estudyante na nabangga ng isang pulis na rider sa mismong pedestrian lane, kung saan isang 18 y/o na babae ang namatay
  • sa NBI, yung 11 na nahuling fixers, kabilang ang 4 na empleyado mismo ng NBI na ilegal na nagpoproseso ng mga NBI clearance
  • yung 1 appointed government official at 1 sundalo na kabilang sa mga nahuli sa paglabag sa election gun ban
  • sa Kabugao, Apayao, yung Administrative Aide ng kung anong LGU na nahulihan daw ng ilegal na droga sa kanyang bahay
  • sa Tuburan, Cebu, yung SK Chairman na nagnakaw daw sa opisina ng Mayor ng nasa Php 35,000
  • sa ParaƱaque City, yung nahuli ng NBI na 1 dating sundalo at 3 iba pa na nagbebenta daw ng high-powered firearms na hindi gawa dito sa bayan
  • sa Quezon City, yung High School Principal na inaresto dahil sa pangmomolestiya daw sa 4 na menor de edad na estudyante
  • sa Lapu-Lapu City, Cebu, yung 6 na pulis na sinibak dahil sa police brutality, nambugbog daw kasi ng Criminology student dahil sa bintang na magnanakaw ito
  • sa Santa Ana, Manila, yung menor de edad na binatilyo na napatay sa pambubugbog ng 1 SK Kagawad at ng kasama nito
  • sa Negros Occidental, yung sundalo na napatay sa pamamaril ng kapwa niya sundalo habang nasa birthday party ng kapwa din nila sundalo
  • sa Makilala, Cotabato, yung pulis na namaril sa checkpoint, kung saan 1 security guard ang namatay at 2 kapwa niya mga pulis ang nasugatan
  • sa Baguio City, yung natagpuan na bangkay ng ch-in-op-chop na pulis, kung saan mag-asawang pulis ang suspek sa pagpatay

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • yung kasalukuyang Senador na pinilit lang daw si Kerwin Espinosa na idawit sa kalakaran ng ilegal na droga ang isang dating Senadora
  • lahat-lahat ng rebelasyon ng dating pulis na si Royina Garma tungkol sa drug war ng nakaraang administrasyon

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung lumalabas na may mga blanko ngang item sa bicameral report para sa 2025 national budget
  • yung nasita ng COA sa DOH, yung lagpas Php 11 Billion daw na halaga ng mga gamot at bakuna na na-expire na lang noong 2023
  • yung original budget sana ng PhilHealth para sa kanilang anniversary celebration na pumapalo hanggang Php 130 plus Million
  • yung zero subsidy daw ang PhilHealth para sa taong 2025, kesyo may Php 600 Billion pa daw kasi ng reserve fund
  • yung mga mambabatas na ang expectation ay uubusin dapat taun-taon ang budget ng PhilHealth, na para bang wala dapat pondong nakareserba para sa mga naghuhulog na member na hindi naman regular ang mga sakit
  • yung Representative na ang solusyon sa problema sa PhilHealth ay edi huwag daw dapat magkasakit ang mga member
  • sa Baguio City, yung panibago at padalawang kaso ng Monkey Pox na na-detect doon, wala daw travel history sa labas ng bayan yung carrier
  • yung pagpabor na naman ng gobyerno na lalong magdagdag ng mga sasakyan ang mga kompanya ng ride-hailing apps, kesyo kailangan daw para sa paparating na holidays
  • yung ipinagbawal daw ng MMDA ang mga mall-wide sale, na hindi nga tugma sa ginawa ng LTFRB na pagpapadagdag naman sa mga sasakyan ng mga kompanya ng TNVS
  • yung sasakyan ng DILG na ilegal na dumaan sa EDSA Busway, na muntikan pang mangbundol ng enforcer
  • yung Representative na anak din ng isang Senador, na nahuling dumaan sa EDSA Busway
  • yung umarangkada na kaagad ang mga taas-singil sa NAIA dahil sa privatization, kahit wala pa namang improvement
  • yung nasita ng COA sa SSS, yung nasa Php 89 Billion daw na halaga ng hindi nakokolektang kontribusyon mula sa mga employer
  • sa SSS, yung gumagamit na rin sila ngayon ng OTP via SMS for added security, pero regular pa rin ang expiration ng password ng mga member
  • yung bukod sa 15% na ang share ng SSS sa kita simula ngayong 2025, eh tinaasan din nila ang minimum na declared na kita sa Php 5,000, lagpas 100% na increase iyon in less than a decade
  • yung basurang polymer banknote series kung saan tuluyan nang tatanggalin ang mga tao bilang palusot para matanggal nila ang alaala ng biktima ng isang makapangyarihang angkan
  • katulad noong 2023, yung halos 2 weeks pa lang ang nakalilipas eh 4 na kaagad sa lotto games ng PCSO ang nakuhanan ng pinalaking jackpot prize dahil sa kanilang anniversary
  • kapapasok pa lang ng Bagong Taon pero sunud-sunod na kaagad ang mga panalo ng jackpot prize sa iba't ibang lotto games, 3 sunud-sunod na araw
  • yung nasilip ng COA sa TUPAD Program ng DOLE, yung mga hindi qualified at yung mga pinasahod nang doble
  • yung pulis, tauhan ng Bureau of Corrections, at security guard na kabilang sa mga unang nahuli dahil sa indiscriminate firing ngayong papatapos na ang taong 2024
  • sa BiƱan, Laguna, yung POGO hub na natunugan daw ang pagsalakay ng PAOCC, kaya nagawa nung mga suspek na wasakin ang mga hard drive na posibleng magamit bilang ebidensya laban sa kanila
  • yung pagkuha daw ng mga pulis sa tulong ng suspek sa 1998 Textbook Scam para makuha yung dating Mayor ng Bamban, Tarlac sa Indonesia, suspek na dati na daw pinatay ang kanyang identity para matakasan ang kanyang kaso
  • sa Bohol, yung senior citizen na ina na ginagahasa daw ng nasa 40 y/o niyang anak na dati nang nakulong dahil sa kasong murder
  • sa Makati City, yung isang Representative na babae na naipit sa pamamaril ng mga pulis na may tinutugis habang nasa ma-traffic daw na lugar
  • yung dating Presidential Spokesperson na nakaalis na din pala sa bayan, sa kabila ng imbestigasyon sa kaugnayan niya sa mga ilegal na POGO
  • yung pag-i-issue ng Supreme Court ng TRO patungkol sa disqualification laban sa ilang kandidato, kahit na alam nilang nagpi-print na ng mga mamahaling balota ang COMELEC
  • yung online personality, na matapos na i-grant ng Supreme Court ng TRO laban sa pagtanggal sa kanya sa pagka-Senador eh bigla namang nag-withdraw para daw sa kaapelyido niya
  • yung mga kandidato na tutol sa utos ng COMELEC na iparehistro ang mga gagamitin nilang social media accounts para sa pangangampanya
  • yung mga kandidato sa pagka-Senador na gumastos na ng bilyones para sa mga pasimpleng premature campaign advertisement nila sa TV at radyo
  • yung mga pulitiko na ginagamit ang TUPAD Program para sa pasimpleng pangangampanya
  • yung tusong Senador, na gustong imbestigahan ang sariling kaso ng grupo nila patungkol sa dating drug war
  • sa Senado, yung kasama sa mga nag-iimbestiga sa dating drug war yung ilang kabilang sa mga akusado
  • yung mga Senador na nakikibantay na rin sa na-detain na tauhan ng Vice President
  • yung mga Senador na tututol na kaagad sa impeachment kahit wala pa namang nagsisimula
  • yung Chief of Staff ng OVP na nagbiyahe papunta sa ibang bansa sa panahon na iniimbestigahan ang paggastos ng kanilang opisina
  • yung umaabot na sa 4 na opisyales ng OVP ang hindi dumadalo sa hearing patungkol sa kanilang budget
  • yung 1 pang babaeng tauhan ng Vice President na isinugod sa ospital matapos DAW na sumama ang pakiramdam sa hearing
  • yung hindi sumusunod ang Vice President sa security protocol ng House of Representatives dahil sa na-detain niyang tauhan
  • yung tinangka ng Vice President at mga tauhan nito na ilipat sa private hospital mula sa public hospital yung isa niyang na-confine na tauhan, nanunulak pa sila ng pulis
  • noong 2022, yung nasa Php 16 Million daw na halaga ng confidential fund ng OVP na ginastos lang para sa pagrenta ng safe houses sa loob lamang daw ng 11 days
  • sa OVP, yung nasa 158 daw na kuwestiyonableng mga resibo na nauugnay sa paggastos nila ng confidential fund
  • ayon sa PSA, yung wala daw nahahanap na Mary Grace Piattos sa database nila
  • sa PSA, yung wala din daw mahanap sa records nila na Kokoy Villamin, bukod pa sa hindi daw dapat ginagamit ang palayaw lang sa official documents
  • yung mahigit daw sa 400 na recipient ng confidential fund mula sa OVP at DepEd ang wala namang record sa PSA
  • yung ipinag-utos daw ng Vice President na ipasa ang confidential fund ng parehas na OVP at DepEd sa ilang security officer
  • yung puros paninira na lang ang ginagawa ngayon ng Vice President, at wala naman silang nagagawang maganda para sa bayan, matapos ang mga nabubuking sa kanilang mga hinawakan at hinahawakan na opisina
  • yung pagbabanta daw ng Vice President laban sa buhay ng President, First Lady, at House Speaker
  • yung hindi naman sumipot ang Vice President sa hearing sana ng NBI tungkol sa kanyang mga pagbabanta
  • yung pagtatangka na gamitin ang reputasyon ng EDSA para lang sa pagtatakip sa kuwestiyonableng paggamit ng pondo ng bayan, lalo na yung confidential fund
  • yung mga mamamayan na nagpe-prayer vigil para sa ikalulusot ng katiwalian ng kanilang mga idolo
  • yung sekta na magsasagawa ng rally para tutulan ang impeachment laban sa isang obvious na tiwaling opisyales
  • yung hindi DAW peaceful ang impeachment process, samantalang naaayon naman iyon sa batas
  • yung dapat daw na patawarin na lang ang katiwalian at wala na lang gawin upang maiwasan na sana iyon
  • yung nasa Php 276 Million daw ng ill-gotten wealth case na ibinasura na lang ng Sandiganbayan dahil sobra na daw kasing napatagal yung kaso
  • yung mga ibinasurang kaso ng ill-gotten wealth na kaugnay sa ilegal na paggamit noon sa Coco Levy Fund, dahil iniurong daw ng mismong pamahalaan yung mga kaso
  • yung mga excited na magyabang na napagsabihan tungkol sa preso ng Indonesia na ililipat sana sa bayan
  • yung Imperial citizen na binigyan ng local citizenship ng mismong mga Senador kahit pa may koneksyon ito sa POGO sa Porac, Pampanga

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • sa Sampaloc, Manila, yung rambulan ng 2 grupo ng kabataan sa kalye sa oras ng simbang gabi, kung saan may gumagamit daw ng improvised na baril at Molotov bomb
  • sa Sta. Mesa, Manila, yung nakunan ng CCTV na rambulan ng 2 grupo ng mga kabataan
  • sa Davao City, yung 1 estudyante at 1 call center agent na bigla na lang ginulpi ng mga lalaki sa magkaibang insidente
  • sa Siquijor, yung grupo na sinisira ang Php 10 coin para gawing mga singsing
  • sa GCash ng Globe, yung mga unauthorized fund transfer sa kung saan-saang mobile numbers ng tig-Php 2,000
  • yung pinuno ng USA na promotor ng Climate Change
  • yung nakikisawsaw na rin nga daw ang Half Empire sa digmaan ng Northern Empire laban sa Ukraine
  • yung nasabat na nasa Php 178 Million na halaga ng smuggled na Mackerel na galing daw sa Imperyo
  • sa Metro Manila, yung nasa 2 toneladang smuggled na frozen poultry products na mula daw sa Imperyo
  • sa isang resort sa Moalboal, Cebu, yung nasa 38 daw na Imperial citizen na nabuking na walang mga kaukulang dokumento
  • sa NAIA, yung 2 Imperial citizen na inaresto matapos na mabisto na peke ang kanilang mga dokumento
  • sa Paracale, Camarines Norte, yung ilegal na minahan kung saan nasa 11 Imperial citizen ang naaresto
  • sa Homonhon Island sa Eastern Samar, yung 13 Imperial citizen na nahuli sa 2 ilegal na minahan
  • sa Davao del Norte, yung 3 Imperial citizen na nahuli dahil sa illegal mining
  • sa ParaƱaque City, yung sinalakay na POGO hub kung saan 20 sa higit 30 na nahuli ay mga Imperial citizen
  • yung mga sanggol at mga buntis na iniwan ng mga POGO workers dito sa bayan matapos ang ban laban sa kanilang operasyon
  • sa Tagaytay City, yung resort na ni-raid dahil sa POGO operation, kung saan nasa 17 Imperial citizen ang naaresto, nagsasagawa din daw ng torture doon
  • sa Makati City, yung 17 na dayuhan, na majority ay Imperial citizen, na nahuli ng NBI sa isang scam hub
  • sa ParaƱaque City, yung scam hub na inatake ng NBI, kung saan may nahuli na 18 na Imperial citizen, at may nagtangka din na manuhol para hindi na sila hulihin
  • sa ParaƱaque City, yung scam hub na nabisto matapos na ikulong ng mga among Imperial citizen ang kanilang lokal na kasambahay na unang nakadiskubre sa kanilang operasyon
  • sa Makati City, yung 5 foreigner na naaresto dahil sa pagnanakaw at carnapping, at nadagdagan din ang mga kaso nila ng illegal possession of firearms, kung saan 2 sa mga suspek ay Imperial citizen na nawalan ng trabaho dahil sa POGO ban
  • sa isang restaurant sa Makati City, yung nakunan ng CCTV na Imperial citizen na pinatay ng kapwa niya mga Imperial citizen
  • hindi ko nakuha yung lugar, yung Imperial citizen na pinagbabaril at inagawan ng kotse ng mga kapwa niya Imperial citizen
  • yung FAKE news daw ng Imperyo, na kesyo gumagamit ang mga lokal na mangingisda ng lason at electric net sa West Philippine Sea
  • yung hiling ng Imperyo na igalang daw sana ang mga karapatan at interes ng mga Imperial citizen na nahuhuling nagloloko dito sa bayan
  • sa Pag-asa Island, yung mga basura ng Imperyo na napapadpad na sa kanilang dalampasigan
  • yung Imperial citizen at 2 lokal na mamamayan na nahuling nag-eespiya daw sa mga EDCA site sa bayan, kasamang nasamsam ang mga device na ginagamit daw nila sa kanilang gawain
  • yung 5 Imperial citizen sa Palawan at Manila na hinuli dahil sa suspected espionage, naglagay daw ng CCTV na nakaharap sa dagat at kinukunan din ng mga larawan ang mga barko ng PCG
  • yung paglalayag ng monster ship ng Imperyo malapit sa may Capones Island sa Zambales
  • sa Masbate, yung underwater drone na nakuha sa dagat ng mga lokal na mangingisda na mukhang produkto daw ng Imperyo
  • sa may Rozul Reef, yung mga lokal na mangingisda na hina-harass ng helicopter ng Imperyo
  • sa may Hasa-Hasa Shoal, yung 2 barko ng BFAR na tinutukan ng mga barko ng Imperyo ng high-intensity LASER
  • sa malapit sa Zambales, yung ginamitan daw ng Imperial coast guard ng sonic device ang barko ng PCG
  • sa West Philippine Sea, yung muling pagbomba ng mga barko ng Imperyo sa 2 daw barko ng BFAR
  • sa malapit sa may Pag-asa Island, yung bangka ng BFAR na binangga ng barko ng Imperial maritime militia
  • sa may Bajo de Masinloc, yung 2 barko ng BFAR at 2 barko ng PCG na ginamitan ng water cannon at pinagbabangga na naman ng mga barko ng Imperyo, kung saan nakikisali na rin daw ang warship ng Imperyo
  • sa marine research sana sa West Philippine Sea, yung mga barko ng BFAR na ginitgit ng mga barko ng Imperial coast guard, at yung mga rubber boat nila na niliparan nang malapitan ng helicopter ng Imperial navy
  • sa West Philippine Sea, yung missile ship ng Imperyo na humabol nang humabol sa barko ng BFAR
-----o0o-----


January 25, 2025...

sa Sta. Mesa, Manila..
yung nakunan ng CCTV na rambulan ng 2 grupo ng mga kabataan...

is feeling , dapat tapusin ang existence habang maaga pa...


>
sa marine research sana sa West Philippine Sea..
yung mga barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na ginitgit ng mga barko ng Imperial coast guard..
at yung mga rubber boat nila na niliparan nang malapitan ng helicopter ng Imperial navy...

is feeling , kailangan silang irespeto, pero hindi magbibigay ng respeto...

---o0o---


January 26, 2025...

sa Davao del Norte..
yung 3 Imperial citizen na nahuli dahil sa illegal mining...

is feeling , walang balak itira sa mundo...

---o0o---


January 27, 2025...

sa malapit sa Zambales..
yung ginamitan daw ng Imperial coast guard ng sonic device ang barko ng Philippine Coast Guard (PCG)..
long-range acoustic device (LRAD) daw...

is feeling , kailangan na talaga ng archangel na magte-teleport sa lahat ng assets ng Imperyo pabalik at pabagsak mula sa kalangitan sa loob ng kanilang teritoryo...

---o0o---


January 28, 2025...

sa Baguio City..
yung panibago at padalawang kaso ng Monkey Pox na na-detect doon..
wala daw travel history sa labas ng bayan yung carrier...

is feeling , ibig sabihin na pasimple pa din ngang kumakalat yung sakit...


>
sa NAIA..
yung 2 Imperial citizen na inaresto matapos na mabisto na peke ang kanilang mga dokumento...

is feeling , peke naman lahat sa kanila...


>
yung Representative na anak din ng isang Senador..
na nahuling dumaan sa sikat na sikat na EDSA Busway...

is feeling , taeng-tae na yata kaya nagmamadali...


>
yung lumalabas na may mga blanko ngang item sa bicameral report para sa 2025 national budget..
kesyo iko-compute na lang daw kasi...

is feeling , blanko daw para sa problem solving...


>
yung Imperial citizen na binigyan ng local citizenship ng mismong mga Senador.. šŸ™
kahit pa may koneksyon ito sa POGO sa Porac, Pampanga...

is feeling , nabisto na yung modus sa birth certificate.. Senado naman ang gagamitin nila ngayon.. mga traydor...

---o0o---


January 29, 2025...

yung 5 Imperial citizen sa Palawan at Manila na hinuli dahil sa suspected espionage..
naglagay daw ng CCTV na nakaharap sa dagat at kinukunan din ng mga larawan ang mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG)...

is feeling , basta kailangan na mabuti ang trato sa kanila.. mga Imperial citizen lang ang pwedeng mamutol ng daliri ng ibang lahi...

---o0o---


January  30, 2025...

namatay na si Edcel Lagman..
bawas na naman tuloy ang puwersa ng kabutihan...

is feeling , bakit ba talaga mas naghahari ang kasamaan sa mundo na'to...??


No comments:

Post a Comment