Loveless Story
January 25, 2025...
i see..
so year 2000 pala siya ipinanganak..
maling number pala yung 91..
palaki nang palaki ang nagiging agwat ng edad ko sa mga taong nagkakaroon ng significance sa buhay ko...
is 💌 feeling , i wish you well...
---o0o---
January 27, 2025...
almost 3 years ng paliligo sa kamalasan..
hindi..
ang totoo, lagpas 3 years pa..
unang beses kong napansin noong naiwala noon ng LBC ang Lotus ko..
year 2012 pa noon..
pero posibleng mas maaga pa kesa doon..
mas naging obvious lang talaga simula noong nag-trade na ako sa Binance... 🙁
wala na akong nagawang tama..
sa lahat ng beses na tumaya ako, ganun din kadami ang beses na nalugi ako.. 🙁
kahit pa may event..
Bitcoin ETF noon..
Presidential Inauguration recently..
Imperial New Year..??
hindi ko na alam kung anong mangyayari...
perpekto ang taglay kong kamalasan..
dahil sa d*e will be done..
ang will na lumikha sa mga anghel..
ang will na lumikha sa mga naging demonyo..
ang will na lumikha sa kasamaan..
ang will na ayaw bumura sa mga demonyo at kasamaan..
laro lang ang lahat para sa kanila..
at wala na akong magagawa sa ipinataw nilang will..
hindi ko lang sinusunod..
pero hindi nun mababago ang katotohanan na naliligo ako sa kamalasan sa araw-araw na hindi ko sinusunod yung demonyong will na iyon... 🙁
is feeling , March 2022 noon.. kaya sa March makukumpleto ang 3 years ko sa malagim na pagkalugi...
---o0o---
January 28, 2025...
3 years ago..
nakilala ko si Attendant Y..
matapos akong traydurin ni Miss B sa Dream Date D...
hindi ko siya nakatrabaho para sa isang Dream Date..
pero siya yung kauna-unahan kong nakatrabaho sa massage sector ng industriya..
siya yung bagay sana noon para sa 3 hours na deal, pero hindi ko in-expect kasi na siya yung pinakamaganda at pinaka-sexy sa 3 nakatrabaho ko during that time...
wala akong pinagsisisihan na sumugal ako sa kanya noon..
kahit pa lumuwas lang naman ako dahil sa galit at sa kagustuhan na maghiganti sa masama kong kapalaran..
eventually, siya na rin nga yung babae na kumumpleto sa Dream Date E..
hindi perpekto..
dahil sinira nung resort yung plano..
at puyat at may injury pa ako that time..
pero at least ay nagawa ko na..
nagawa ko na bago pa man ako mawala sa mundo...
yung tipo ng babae na hindi ako kailanman inisahan..
na habang gumagawa yung iba ng mga tusong estilo nila, eh pinili pa rin niyang maging patas at mapagbigay sa lahat ng pagkakataon...
is 💌 feeling , habambuhay akong magpapasalamat sa'yo...
---o0o---
January 29, 2025...
dati..
iniisip ko pa na hindi na kawalan yung Php 45,000 na naibigay ko doon sa p*ta..
yung Php 45,000 na bukod pa doon sa mga inutang niya..
naisip ko noon na baka magagawa ko namang bawiin yung halaga na iyon sa cryptocurrency trading..
pero hindi nga ganun ang nangyari..
dahil yung pondo na gagamitin ko sana para maka-recover doon sa lagpas Php 60,000 na pa-easy-easy lang na nakuha mula sa akin..
eh sa halip na madagdagan, ay patuloy pa ngang nababawasan... 🙁
kapag naaalala ko ngayon..
hindi ko na maiwasan na manghinayang..
edi sana nabili ko na yung mga mamahalin na Star Wars action figure na required sa collection ko..
yung mga sobrang mas mahal kumpara sa iba..
ganun din naman kasi eh..
madaming nawala sa akin na pera..
edi sana sa may kabuluhan ko na lang ginastos...
is feeling , maagnas sana 'yang ilong mo...
>
i-embrace ang kamalasan..?
eh katumbas na rin yun ng katapusan ng buhay..
imposibleng mabuhay nang mag-isa dito sa mundo habang araw-araw na naliligo sa mga kamalasan..
nagagawa ko lang sa ngayon na maka-survive dahil may sumasalo pa sa majority ng mga gastusin ko... 🙁
is feeling , talagang sasagarin na ako ng d*e will be done ngayong 2025...
---o0o---
January 30, 2025...
[Online Marketing]
patapos na ang buwan..
kulang pa ako ng nasa USD 13 para makapag-release ng quota sa 2nd store para sa buwan ng March..
nasa USD 24 naman ang kulang ko pa mula sa advertisements...
is feeling , kailangan ko kayong lahat before April...
---o0o---
January 31, 2025...
[Manga]
buwisit ang Ippo..
inulit ng author laban kay Mashiba ang ginawa niya kay Ippo..
natalo noon si Ippo sa isang Filipino Boxer na naghahabol lang ng pera..
lamang na lamang si Ippo sa lahat ng aspeto, pero natsambahan siya ng Counter ng kalaban dahil lang sa ipinipilit niyang gamitin ang New Dempsey Roll...
tapos ngayon eh ganito..?
lamang si Mashiba sa majority nung laban..
walang practice ang World Champion dahil nakulong ito sa kanilang bansa..
nanghina din ito dahil pumalya siya sa weight control at kinailangan na madalian na magbawas ng timbang..
nalagpasan ni Mashiba ang mga pandaraya ni Rosario sa pamamagitan ng paglaban nang patas..
tinalikuran ni Mashiba ang pagpapadala niya sa galit at init ng ulo..
tinulungan din siya ni Ippo sa paghahanda para sa laban na ito..
pero siya pa talaga ang kinapos sa bandang dulo..?
dahil din sa Counter habang mahina na ang kalaban...
is ⚠ feeling , iniisip ba ng author nito na may sapat pa siyang buhay para matapos ang Manga niya...??
>
[Online Marketing]
konting good news..
naayos na nung 3rd store ang gusot nila sa PayPal..
so wala na yun sa mga problema ko sa ngayon...
ang problema talaga..?
sobrang konti ng sales ko doon sa kung anong dahilan...
sa ngayon, meron pa akong 4 projects na hindi nari-release doon...
is feeling , takot yata sila na malaman ko ang mga e-mail address nila...??
>
[Online Marketing]
may isa pa palang konting good news..
doon naman sa platform..
originally, for subscription lang kasi siya..
pero ngayon, pinayagan na nila kaming mga nasa adult content na magbenta per post..
para sa mga taong takot sa automatic na kaltas ng subscription type...
testing muna gamit ang una kong 15 projects...
is feeling , sana nga makatulong sa laban ko...
>
kapag nagbayad na yung p*ta nung natitira niyang Php 16,000 na utang sa akin..
eh wala na akong pakialam sa mundo..
wala na akong pakialam sa mga problema ko..
basta gagamitin ko na yung pera na pambili ng mga mamahalin na Darth Revan at Darth Nihilus...
grabe..
Php 3,300 ang iniakyat ng presyo nila matapos ang 1 dekada...
is feeling , sana noon ko pa sila binili...
---o0o---
February 1, 2025...
after so many years..
ngayon na lang ulit ako sumilip sa mga toy store dito sa [Name of City]..
nakakita kasi sa Google ng mga bagong Star Wars action figure from 2024..
kaya naman nagbakasakali na merong napadpad sa mga local toy store dito..
para sana makatipid...
unfortunately..
may Marvel..
may McFarlane..
kaso wala ng mula sa line ng 3.75 inch scale na Star Wars ng Hasbro...
is 💔 feeling , walang bagong Darth Revan.. wala ding mga Scarif Stormtrooper...
-----o0o-----
[V-League]
PVL All-Filipino Conference 2025
January 28, 2025...
Creamline versus Nxled..
kaso hindi maglalaro si Atienza dahil daw sa minor injury..
balik Libero muna tuloy si de Jesus..
magandang pagkakataon na rin para maipahinga si Atienza habang hindi pa masyadong malakas ang kalaban...
Set 1, Baldo-Caloy-Pons triangle muna ulit, dikitan ang laban sa simula pero nakaagwat ang Creamline sa bandang gitna, buhay na buhay ang opensa ni Pons kaya naman nagawa na rin nilang magpasok ng bench, nanaig ang Creamline dahil sa kanilang 17 attacks, 1 kill block, at 2 service aces..
Set 2, Galanza-Gumabao-Vargas triangle naman plus Bernardo for BDL, una ulit nakalamang ang Creamline, Caloy for Gumabao, nakadikit ang Nxled sa bandang dulo, pero nanaig pa rin ang Creamline dahil sa kanilang 17 attacks and 3 kill blocks kontra sa sarili nilang 10 huge errors..
Set 3, Baldo-Caloy-Pons plus Bernardo for Panaga naman, una namang nakalamang ang Nxled pero habol nang habol ang Creamline, Rodriguez sa likod sa halip na Libero, at gaya nga ng madalas nilang gawin eh naagaw pa nila ang set mula sa Nxled...
3-0, panalo ang Creamline...
is feeling , salamat, team.. para kina Morado at Galanza...
---o0o---
February 1, 2025...
Creamline versus Cignal..
ang daming live audience..
lalo pang nabawasan ang puwersa ng Cignal matapos na mawala si Gonzaga..
sina Molina at Meneses ang sunod na umalis mula doon sa team...
Set 1, Galanza-Gumabao-Pons triangle muna this time, na-promote ng Cignal si Abil sa pagiging attacker, maagang nakalamang ang Cignal pero nakadikit din naman ang Creamline, medyo maagang Caloy for Gumabao at naagaw na nga nila ang kalamangan, naitawid nila iyon sa tulong ng kanilang 5 kill blocks..
Set 2, m-in-aintain na ang Galanza-Caloy-Pons triangle, una namang nakaagwat ang Creamline, subok ng Baldo dahil nababantayan si Galanza, di rin makapuntos si Baldo kaya pinagpalit ulit sila, dumikit ang Cignal sa bandang dulo, Gumabao for Negrito so Caloy for Setter, pumalpak ang Challenge ng Cignal pero sinalo ng Referee's Challenge, nanaig ang Creamline dahil sa kanilang 17 attacks..
Set 3, injured na naman pala ang tuhod ni Baldo, maagang nakalayo ang Cignal, buhay na buhay ang floor defense nila, Gumabao for Caloy, naghabol ang Creamline sa bandang dulo, pero nanaig ang Cignal dahil sa kanilang 18 attacks..
Set 4, una pa ring nakalamang ang Cignal, hirap na hirap na ang attackers ng Creamline laban sa kanila, Gumabao at Galanza sa double substitution, naghabol ulit sila sa bandang dulo pero muling nanaig ang Cignal dahil sa kanilang 19 attacks..
Set 5, nauna nang nakalamang ang Creamline, nalagpasan na nila ang floor defense ng kalaban, at nagawa nga nilang maitawid ang match na ito...
3-2, panalo ang Creamline...
is feeling , salamat, team.. para kina Morado at Galanza...
-----o0o-----
January 25, 2025...
[Trade]
day 410...
nakakasama na talaga ang pag-akyat ng Bitcoin..
bawat konting pagbaba kasi nila eh nagpapa-crash sa karamihan ng assets... 🙁
mabuti pa ang BTTC at hindi naaapektuhan ng Bitcoin...
wasak na naman tuloy ang AST at SLP bago pa man sila maka-recover..
USD 36 sana para sa akin yung huling naakyat ng AST, bago muling pinagbasak ng Bitcoin.. 🙁
mas bumaba na naman tuloy ang level nila sa 82...
is feeling , Imperial New Year, gayahin ninyo yung ginawa ninyo last year...
---o0o---
January 26, 2025...
[Trade]
day 411...
mas mataas na naman ang level ng ARDR kumpara sa AST..
bakit ba ganito talaga ang kapalaran ko..?
sobrang obvious na na laging nagiging maganda ang performance ng asset kung saan wala ako... 🙁
naka-recover ng USD 37 ang AST ngayong araw..
pero kulang na kulang pa rin kumpara sa exit point ko... 🙁
AST..
SLP..
magpakita naman kayo ng konting awa..
lumabag kayo sa d*e will be done...
is feeling , 3 days left.. Imperial New Year, iligtas nyo naman ako...
---o0o---
January 27, 2025...
[Trade]
day 412...
paggising ko, nasa okay na level naman ang AST..
kaso biglang nag-dip na naman bago mag-7:00 AM, dahil sa pesteng panghihila ng Bitcoin.. 🙁
lalo ding bumagsak ang SLP...
malagim na mas bumaba pa ang bottom ng parehas na AST at SLP..
wasak na ulit ang lahat ng meron ako..
matatag na ang LIT from level 59 to 56..
ganun din ang BTTC from level 105 to 99 lang..
kumita naman ng USD 43 ang ARDR bago bumagsak ng 11 levels hanggang 80..
samantalang ang AST..?
bulok..
level 85 to 75 ang ibinagsak, kahit wala namang nagagawang matinong pump..
maging sa SLP na pinasok ko sa level 37 noon, eh nasa 27 na lang sa ngayon... 🙁
sa mga oras na ito..
USD 131 na ang nalalagas sa akin sa AST..
USD 40 sa SLP ko sa Ronin..
at nasa Php 700 na sa SLP ko sa Coins..
pati BNB ko eh nasa talong level na rin..
so nasa USD 180 plus na ng pagkalugi..
dagdag na naman sa mga maysa-demonyo kong karanasan sa trading... 🙁
is feeling , 2 days left.. Imperial New Year, gumawa naman kayo ng paraan...
---o0o---
January 28, 2025...
[Trade]
day 413...
nag-pump ang LIT mula sa mababang level..
kahit pa malapit na nga silang i-delist..
USD 84 sana iyon para sa akin...
AST..
SLP..
gumaya naman kayo sa ibang assets na bumabastos sa Bitcoin..
balewalain ninyo ang masamang kautusan ng d*e will be done...
is feeling , bukas na ang Imperial New Year.. kailangan ko ng magandang pangyayari sa buhay ko...
---o0o---
January 29, 2025...
[Trade]
day 414...
nagsimula ang araw ng Imperial New Year nang pababa na naman ang market..
at siyempre nahila na naman ang AST at SLP, maging ang BNB..
USD 55 sana para sa akin yung huling na-recover ng AST... 🙁
kaso heto..
basura ang Imperial New Year..
walang nangyaring pump..
ibig sabihin..?
2 beses akong na-trap; sa Presidential Inauguration at nitong Imperial New Year..
napapaniwala nila ako na gaganda ang market..
pero sa halip ay nalugi na lahat ng pondo ko sa Binance, Ronin, at Coins... 🙁
lumalabas tuloy na nangyari lang yung pump last year dahil na-trigger ng Curse Release ko.. 🙁
dahil sa pag-exit ko noon sa pagkalugi ko sa BONK..
biglang nag-pump noon ang buong market kasabay ng Imperial New Year...
is feeling , wala na.. ano pang event ang masasakyan ko ngayon...??
---o0o---
January 30, 2025...
[Trade]
day 415...
nakagawa nga pala ng USD 27 na recovery ang AST kahapon..
tapos nahila ulit sila hanggang level 77...
sana naman magtuluy-tuloy na ang pag-akyat nila ngayong araw..
kailangan lang na maging stable ang Bitcoin..
at mag-decouple sila mula sa trend...
is feeling , AST, gumaya ka man lang sa ibang DeFi...
---o0o---
January 31, 2025...
[Trade]
day 416...
sobrang nakakatakot ang panahon na ito..
ang panahon na nasa lagpas USD 100,000 ang Bitcoin..
noong panahon ng US Election at binalewala ng ibang assets ang pagbagsak ng Bitcoin mula USD 100,000 pabalik sa 90,000, napapaniwala ako na hindi na nga sila maaapektuhan nung primary cryptocurrency..
pero base sa mga nangyayari lately, lumalabas na hindi lang sila nahila noon dahil nakaabang ako sa level 80 na buying point..
hindi sila hinayaan na bumagsak noon upang hindi ako makabili sa mababang level..
at dahil nga napapaniwala nila ako, eh saka nila paulit-ulit na ginawa na sa bawat pagbaba ng Bitcoin eh nagka-crash ang ibang assets... 🙁
sa ngayon eh umaakyat naman ang market..
kailangan ko lang talaga silang magpatuloy lang hanggang sa maka-exit na ako...
is feeling , AST, SLP, huwag muna kayong magpapaapekto sa Bitcoin...
---o0o---
February 1, 2025...
[Trade]
day 417...
2 beses na nakaakyat ang AST simula kahapon..
USD 40 yung una..
USD 32 naman yung sumunod..
at saka sila muling bumaba dahil sa hila ng Bitcoin...
umaabot na sa USD 36 ang nare-recover ng BTTC...
nag-pump naman na ulit ang LIT ngayong araw..
USD 188 sana iyon para sa akin..
kaso mahirap pumusta sa LIT ngayong malapit na silang i-swap...
is feeling , AST, SLP, tumulad naman kayo sa mga nagpa-pump na asset...
No comments:
Post a Comment