Loveless Story
April 22, 2024...
[Medical Condition]
malapit na akong umalis, pero madami pang depekto ang katawan ko..
may 4 points pa ako ng body pain..
matagal na din akong gumagamit ng MX3, pero this time parang wala siyang magawa laban sa mga namamaga kong body part..
pabalik-balik din ang plema ko tuwing gabi, kapag medyo lumalamig na ang paligid...
umayos ka na..
dapat nasa kondisyon ka..
lalo na at bawal na akong gumamit ng PassionMax...
is feeling , makisama ka...
---o0o---
April 23, 2024...
[Medical Condition]
nagamit ko pa kanina ang left hand ko..
hanggang hapon pa nga eh..
pero hindi heavy duty para sana maka-recover nga..
pero after kong magpalit ng gasul, dumanas na siya ng extreme body pain...
put*ng ina..
naka-MX3 ako..
naka-Maxvit din..
ilang araw na..
so bakit ganito...??
tama na please..
kailangan kong lumuwas bukas..
hindi na ako pwedeng malugi sa Dream Date sa ikatlong pagkakataon...
is feeling , pakiusap.. alisin ninyo lahat ng sakit sa katawan ko...
---o0o---
April 25, 2024...
na-late na nang pag-deactivate sa 48-Hour Rule..
ginabi na sa pagbukas ng Facebook...
is feeling , ang importante nakapag-deactivate...
>
ang problema..?
may 4 pa akong maninipis na kapote..
tapos dinagdagan ko pa nga ng 3 backup..
7..
so nakakapanghinayang naman na hindi na gamitin...
is feeling , masyadong napalabis...
>
thank you..
hinayaan ninyo na mairaos ko yung Dream Date nang walang pananakit ng kamay...
April 24 ng madaling araw..
masakit pa rin ang kaliwang kamay ko..
noong gabi, naisip ko na sayangin na lang yung Php 5,000 plus na ibinayad ko doon sa venue..
tapos ka-cancel-an ko na lang si Attendant Y, at babayaran ng Php 24,000 dahil napaasa ko siya doon sa deal..
pero nanghinayang ako sa pera..
kaya naman nag-decide ako na tumuloy...
noong madaling araw na iyon, ni hindi ko magamit ang kaliwa kong kamay sa pagsa-shampoo ng buhok ko..
pero for some reason, noong magkasama na kami ni Attendant Y ay nagagamit ko na siya..
although nagpatuloy siya sa pagpaga, eh hindi naman na siya nanakit para makasira sa mga plano ko...
masaya ako na hindi na nasira ang Dream Date sa 4th time na naglabas ako ng pera para sa reservation..
okay na ako..
kuntento na ako..
masaya ko nang lilisanin ang mundo kapag natapos na ang One Piece...
is 💌 feeling , pseudo romantic...
-----o0o-----
[V-League]
PVL All-Filipino Conference 2024
April 25, 2024...
Creamline versus PLDT, para sa kanilang 11th at last match para sa preliminaries..
not sure kung may habol pa ang PLDT..
pero kung tama yung nabasa ko, maximum of 3 points na lang ang pwedeng makuha ng PLDT, kapos ng 1 para malagpasan nila ang Creamline sa standings...
ginabi na ang laro dahil nagpagabi ang Tiggo at Galeries...
Set 1, Binibining Gumabao muna para kay Caloy, dikitan ang laban, pero mas nanaig ang Creamline kahit halos dikitan ang lahat ng stats..
Set 2, maagang nakalayo ang PLDT, nababantayan na ang mga atake ng Creamline bukod pa sa madami silang error, kaya natambakan sila ng PLDT dahil sa 13 attacks, 3 kill blocks plus 7 errors ng Creamline..
Set 3, Pons para kay Baldo, palitan ng kalamangan, pero mas nanaig ang PLDT sa bandang huli dahil sa kanilang 17 attacks plus 7 errors ng Creamline..
Set 4, Baldo at Caloy naman ang nag-start kasama ni Galanza, kinailangang ilabas sa laro si Arado pero ibinalik din sa bandang dulo, at naagaw pa nga ulit ng PLDT yung set...
3-1, panalo ang PLDT..
hindi din nga sila nagawang talunin ng Creamline dahil sa kanilang import..
Set 3 and 4 ang nagawang maagaw ng PLDT sa bandang dulo..
bumalik sa dati ang laro ng Creamline, madami silang attacks na nasasalo ng mga defender, at madami din silang pangit na set kaya sumisimple lang ang palo..
pero kahit ganun eh pasok pa rin nga ang Creamline sa Semifinals..
delikado ang conference na ito para sa kanila...
is 💔 feeling , sorry Galanza.. sorry din Morado.. malaki ang inihina ng team this conference...
-----o0o-----
April 20, 2024...
[Trade]
day 130 mula sa pagkalugi...
ang mga na-miss ko sa BTTC simula kahapon..?
USD 36..
lagpas pa rin sa daily requirement ko... 🙁
is feeling , wala akong kakayahan na gumawa ng tamang desisyon dahil sa demonyong d*e will be done...
---o0o---
April 21, 2024...
[Trade]
day 131 mula sa pagkalugi...
ang na-miss ko sa BTTC..?
USD 38..
lagpas na naman sa daily requirement ko... 🙁
is feeling , wala na ba talagang pag-asa...??
---o0o---
April 22, 2024...
[Trade]
day 132 mula sa pagkalugi..
hindi pa rin sapat ang nagagawang pag-angat ng mga asset... 🙁
is feeling , may mangyari naman sana na maganda...
---o0o---
April 26, 2024...
[Trade]
day 136...
ang mga posibleng kinita ko sana..?
USD 10 noong isang araw, bago ako nawala..
USD 11 simula kanina..
USD 38..
USD 18..
USD 14..
USD 29..
total ng USD 120...
is feeling , sana...
No comments:
Post a Comment