Saturday, April 20, 2024

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of April 2024 (Modified Reservation)

Loveless Story


April 14, 2024...

naglaan ng oras ngayong araw para mamili ng mga gagamitin..
kasama na ang gamot sa sipon..
kailangan ko nang gumaling kaagad...

is feeling , dapat tumigil na sa pagloloko ang katawan ko.. hindi nakakatuwa ang timing...

---o0o---


April 16, 2024...

dumating na yung 2nd order ko ng 1 kilo ng roasted almonds..
na may mahabang shelf life..
Php 572 ang total..
pero nagawa kong Php 371 na lang..
sa tulong ng discount mula sa games sa Lazada...

is feeling , kesa naman yung Php 270 na 140 grams lang.. sobrang laking difference...

---o0o---


April 17, 2024...

araw na naman ng singilan..
3 years na yung pinakauna niyang utang, yung ipinambayad daw niya kuno sa upa nila ng bahay..
pero baka ginamit lang niya para sa birthday party noon ng dati niyang boyfriend...?? 🙁

3 years ng mga utang..
18 months nang walang inihuhulog..
maikli pa ba yung ganung klase ng palugit para sa isang abusado at manloloko na mangungutang..? 🙁
na tipo na kayang idahilan maging ang pagkitil sa sarili niyang buhay, para lang makakuha siya ng pera...

pero talagang no reply ang kapatid niya..
isa pang walang konsensya..
no choice..
kailangan ko nang lumapit sa kapatid nila na nasa showbiz next month...

is feeling , hindi ako yung walang konsiderasyon, ikaw lang talaga yung mapagsamantalang demonyo...


>
nag-asikaso na ako ngayong araw ng reservation namin..
naliyo ako at naubos ang oras sa kakaisip ng matinong dinner..
hindi naman fine dining..
pero bahala na..
ang importante ay wala siyang allergy sa kahit na anong pagkain...

pero nagulat ako sa pricing nila ngayon..
under ng rebranded na branch..
nasa Php 100 or more ang itinaas ng regular rice meals nila, mga nasa Php 70 na difference compared sa recent pricing sa Sogo..
tapos Php 20 yung difference naman nila para sa 500 ml lang ng bottled water..
ang lupit.. 🙁
pero kakayanin ko naman for this occasion..
actually, mas mura naman siya compared doon sa Php 3,500 na romantic dinner date package doon sa resort...

is feeling , kailangan kong maging maayos ang lahat...

---o0o---


April 18, 2024...

nag-withdraw na kaninang umaga ng pambayad kay Attendant Y..
tapos fund transfer naman nitong hapon para ma-settle na yung reservation..
ang sakit sa mata nang tuluy-tuloy na nakatutok sa computer...

so ayun..
nawala nga yung dinner date package doon sa resort..
hindi ko naman ma-consider na kumuha ng 1 pang extra na room doon sa bagong venue, dahil sa limit sa budget..
so nag-request ako ng dinner date setup sa garage, para lang maging surprise, kaso imposible naman dahil sa klase ng klima sa panahon ngayon..
kaya ayun, nag-decide ako na ibigay na lang nila sa akin lahat nung mga props at ako na ang bahalang mag-set up ng lahat...

is 💌 feeling , improvise nang improvise...

-----o0o-----


[V-League]


PVL All-Filipino Conference 2024


April 13, 2024...

Creamline versus Nxled, para sa kanilang 9th match...

Set 1, palitan muna ng kalamangan hanggang sa nakakuha na ng komportableng lead ang Creamline, nakuha nila ang set sa tulong ng 10 errors ng Nxled..
Set 2, dikitan sa simula hanggang sa nakaagwat na ang Creamline, natambakan nila ang Nxled dahil sa kanilang 17 attacks plus 5 errors ng kalaban..
Set 3, palitan na ulit ng kalamangan, at nakaagwat lang ang Creamline sa bandang dulo...

3-0, panalo ang Creamline...

Cignal na lang ang may banta laban sa Angels..
PLDT naman ang may malakas na banta laban sa Tiggo, unless makagawa din ng himala ang Akari at si Santiago..
samantalang 2 pa ang malalakas na banta laban sa Creamline; ang Choco Mucho at ang PLDT..
kung walang magagawa ang Creamline laban sa 2 team na iyon ay hindi sila makapapasok sa Semifinals for this season...

as for Morado..?
matapos na mag-Champion ang naging team sa Thailand ni Domeng..
eh nakuha din ng Japan team ni Morado ang championship para sa sumunod nilang tournament..
pero mabilis lang yung liga na iyon...

is  feeling , para kay Galanza.. at para kay Morado pa rin...

---o0o---


April 18, 2024...

Creamline versus Choco Mucho, para sa kanilang 10th match..
labanan na ulit sa pagitan ng sister teams..
BDL and Lazaro versus Choco Mucho..
wala si Tolentino kaya bawas ang puwersa ng Choco Mucho...

Set 1, unang nakaagwat ang Creamline dahil sobrang active ng reflexes nila, nakuha nila ang set dahil sa kanilang 15 attacks plus 6 kill blocks kontra sa 8 big errors nila..
Set 2, una namang nakaagwat ang Choco Mucho, pero nakahabol ang Creamline at naagaw pa yung set dahil sa exactly kaparehas na stats gaya sa Set 1..
Set 3, maagang nakalayo ang Creamline at hindi na nga nagawang makadikit pa ng Choco Mucho...

3-0, panalo ang Creamline..
bukod sa buhay na buhay ang blocking nila, eh ang ganda din ng floor defense ng buong team..
maging si Lazaro eh naging effective sa reception dahil siyempre ay nakakasama niya sa practice noon ang Choco Mucho...

pero wala pang kasiguraduhan ang lahat para sa Creamline..
para hindi maging komplikado ang Semifinals..
dapat manalo ang Akari laban sa Tiggo..
dapat manalo ang Cignal laban sa PLDT..
at dapat na matalo pa din ng Creamline ang PLDT...

is  feeling , para kay Galanza.. at para pa rin kay Morado.. may pag-asa pa...

-----o0o-----


April 13, 2024...

[Trade]

day 124 mula sa pagkalugi...

at tama nga yung sinabi doon sa bad news..
bumaba nga ang Bitcoin..
hila-hila ang halos buong market... 🙁

hindi nga din talaga nagawang lumagpas ng BTTC sa entry point ko.. 🙁
para lang sa put*ng inang luho ng mga makapangyarihan upang lalong palalain ang depression ko..
gigipitin nila ako hanggang wakasan ko na ang existence ko...

sa loob ng lagpas 1 buwan..
2 beses nang inaabot ng BTTC yung level nila kahapon na malapit lang sa bandang ibaba ng entry point ko..
pero hinding-hindi nila nilalagpasan..
para lang hinding-hindi din ako makalaya mula sa pagkalugi... 🙁

USD 24 ang na-miss ko sa BTTC ngayong araw..
lagpas na naman sa daily requirement ko...

pati pusta ko sa SLP at AXS eh nadamay na din sa pagkalugi..
sa halip na kumita na ako ng USD 3 noong isang araw..
eh nalugi pa tuloy ako nang nasa USD 6 dahil sa market dip... 🙁

is feeling , ang manifestation ng kapangyarihan ng mga demonyong makapangyarihan.. laging below sa entry point...

---o0o---


April 14, 2024...

[Trade]

dahil sa pagbagsak ng market..
napalapit na ulit ngayon ang AST at ARDR sa safe trading point nila...

is feeling , iyon ay kung hindi tuluyang mawawasak kaagad ang market...


>
[Trade]

day 124 mula sa pagkalugi..
delubyo ang nangyari.. 🙁
at mas bumagsak pa nga ang Bitcoin at ang halos buong market ngayong araw..
dahil daw sa digmaan sa Middle East...

ang sablay ko sa BTTC..?
USD 43 mula kahapon ng umaga..
USD 31..
USD 36..
total ng USD 110..
lagpas na naman sa daily requirement ko.. 🙁
posibleng kumita kahit bagsak ang market...

65% na ulit tuloy ang layo ko mula sa selling point ko... 🙁

is feeling , BTTC, kumilos naman kayo para sa akin...

---o0o---


April 15, 2024...

[TV Series]

nakakatawa talaga ang mga mamamayan sa bayan na 'to..
ginaya daw ng Eat Bulaga yung concept ng dating game sa It's Showtime..
mga walang utak...

early 1990's pa lang hanggang early 2000's..
nagsasagawa na talaga ang Eat Bulaga ng dating game gaya nung Heart to Get nila..
2009 lang nagsimula ang It's Showtime..
so paanong mangyayari na sila ang nakaimbento ng dating game para sa telebisyon...??

ni hindi nga dating game yung bagong segment ng Eat Bulaga kung tutuusin..
dahil more on talent show lang iyon, ibinibida ang mga katangian ng isang boyfriend..
pero i agree na hindi masyadong nakakalibang yung segment na iyon..
mas gusto ko pa rin yung mga gamitan ng utak, at yung street jokes...

is feeling , may panahon para mang-bash, pero walang panahon para mag-research.. kalidad ng mga mapanirang mamamayan ng bayan na ito...


>
[Trade]

day 125 mula sa pagkalugi...

ang mga na-miss ko sa BTTC..?
USD 31 mula kahapon..
USD 11..
USD 11..
USD 30..
total ng USD 83..
lagpas pa rin sa daily requirement ko...

is feeling , makalaya ka naman sana...

---o0o---


April 16, 2024...

[Trade]

day 126 mula sa pagkalugi..
at pababa na naman kaagad ang market, kasama ang BTTC... 🙁

ang mga na-miss ko sa BTTC..?
USD 26 mula kahapon..
USD 11..
total ng USD 37..
lagpas pa rin talaga sa daily requirement ko... 🙁

is feeling , ang sumpa na laging manatiling below sa entry point...

---o0o---


April 17, 2024...

[Trade]

day 127 mula sa pagkalugi...

ang mga na-miss ko sa BTTC..?
USD 19..
USD 35..
total ng USD 54..
at talagang lagpas pa rin sa daily requirement ko... 🙁

is feeling , pumalo na rin sa USD 2,000 plus yung mga sablay ko sa mga asset kung saan ako nakukulong...

---o0o---


April 18, 2024...

[Trade]

day 128 mula sa pagkalugi...

USD 15 ang na-miss ko sa BTTC ngayong araw... 🙁

is feeling , Bitcoin Halving, awa na.. huwag kang magiging scam dahil sa manipulasyon ng mga makapangyarihan...

---o0o---


April 19, 2024...

[Trade]

day 129 mula sa pagkalugi..
ito yung sinasabi nila noon na araw ng Bitcoin Halving..
pero talagang dumaan pa ulit sa dip ang BTTC... 🙁

ang mga na-miss ko sa BTTC simula kahapon..
USD 11..
USD 11..
USD 11..
total ng USD 33..
lagpas na naman sa daily requirement ko... 🙁

tapos OAX na naman ang malakas at kayang mag-pump... 🙁

is feeling , hindi na yata talaga darating ang pagkakataon para sa akin...


No comments:

Post a Comment