Loveless Story
December 14, 2023...
yung 400 grams ng oat meal tumatagal ng 14 days o 2 weeks..
at may alternative brand pa ngayon na Php 70 lang din, pero umaabot sa 500 grams ang timbang...
yung 140 grams naman ng almond nuts eh tumatagal ng 14 days..
kaso kailangan ng alternative para dun sa mamahalin na tig-Php 270 na brand..
sana okay lang yung tig-Php 500 na per kilo sa Lazada..
parang Php 70 lang ang patak nun per 140 grams...
is feeling , magastos maging healthy...
-----o0o-----
[V-League]
PVL All-Filipino Conference II 2023 (Semifinals)
December 9, 2023...
Game 2 ng Creamline versus Chery Tiggo...
naagaw pa ng Creamline ang Set 1 dahil sa kanilang attacks and kill blocks..
napangalagaan naman ng Creamline ang naging kalamangan nila sa Set 2 dahil sa kanilang madaming attacks..
muli ngang napangalagaan ng Creamline ang nagawa nilang kalamangan para sa Set 3...
3-0..
ang ganda ng distribution ng score para sa Creamline, 3 sets lang yung game pero 4 sa players nila ang nasa double digits ang score..
at dahil dun ay pasok na nga sila sa Finals..
makakapagpahinga din sila ng 1 game day dahil nagtabla pa ang laban ng Choco Mucho at Cignal...
is feeling , para kay Galanza.. at kay Morado pa rin...
---o0o---
PVL All-Filipino Conference II 2023 (Finals)
December 14, 2023...
Game 1 ng Creamline versus Choco Mucho..
labanan ng sister teams..
interesanteng digmaan..
Caloy versus Molde..
Pons versus Rondina..
Galanza versus Wong..
Baldo versus Ateneo...
lagot na..
bumigay yung website nila..
sacrifice muna ng mga teleserye..
hindi siguro kinaya ang dami ng live viewers ngayong araw...
maagang nakaagwat ang Creamline sa Set 1, pero nabuhayan din ang laro ng Choco Mucho, naitawid pa din naman ng Creamline ang set dahil sa kanilang 19 attacks kontra sa kanilang 7 errors..
Choco Mucho naman ang nakaagwat sa Set 2, napanindigan nila ang kanilang kalamangan dahil nakuha nila lahat ng scoring stats..
na-injure daw si Molde..
maagang nakalamang ang Choco Mucho sa Set 3, pero naagaw pa ng Creamline sa bandang dulo dahil sa kanilang 17 attacks..
palitan ng kalamangan sa Set 4, pero mas nanaig ang Creamline dahil na-activate na lahat ng outside hitters nila...
3-1, at nakuha nga ng Creamline ang Game 1..
pero mahirap na laban 'to..
malalakas ang attackers ng Choco Mucho, ang Middle Blockers nila parehas na malalakas sa attacks at kill blocks..
maganda ang floor defense nila kahit na matatangkad sila..
at siyempre hindi nakakatulong sa Creamline ang maramihan nilang errors..
off the block ang isa sa mga susi para patayin ang bola laban sa Choco Mucho...
is feeling , salamat kay Binibining Gumabao para sa pag-convert sa off the block na offense.. para kay Galanza.. at kay Morado pa rin...
-----o0o-----
December 9, 2023...
[Game]
so nagkaroon ako ng bidder para sa 1 kong Origin era na Axie..
nasa around Php 700 each yung 2 noong binili ko September last year..
ibinibenta ko sana ng Php 1,000 each, para naman kako makabawi ako sa nawalang halaga nung mga original Axie ko..
pero tinanggap ko na nga din yung bid..
nasa USD 0.28 din mahigit yung kaltas sa akin ng iba't ibang fees..
pero okay na, lagpas Php 300 din naman yung nabawi ko...
is feeling , paiikutin na din lang sa trading...
>
[Trade]
82 days left bago wasakin ng SEC ng bayan ang Binance..
ni hindi aabot para sa totoong Bitcoin Halving..
ibig sabihin, kailangan kong maka-recover ng USD 6 sa bawat araw na daraan...
is ⚠ feeling , USD 439 pa ang kulang...
>
[Trade]
panay JTO miss ako noong umaga..
USD 156 noong madaling araw na pump..
USD 26 para sa nadatnan kong palitan pagkagising ko hanggang sa naging peak nun..
USD 13 mula sa naabutan kong dip kaso ay kasabay sa pagbaba ang Bitcoin..
USD 13 para sa dip noong lunch time, kaso ay kinapos ang baba para sa buying point ko..
USD 13 pa ulit bago magpatay ng computer noong tanghali..
USD 221 na total...
pero nakabenta naman ako sa pump ng QI ngayong araw..
USD 12, kahit pa hindi ko mina-maximize yung selling point kung saan kayang umabot sa USD 29 each ang kita..
at nakadalawa pa nga ako, USD 13 yung kasunod...
dahil dun ay nalagpasan ko na yung USD 463 na required level ng recovery..
ang next target ay USD 572 naman..
bale, USD 85 pa ang layo ko...
is feeling , USD 25 in 1 day.. salamat.. sana ganito na araw-araw...
---o0o---
December 10, 2023...
[Trade]
ang laging tendency para sa akin..?
tuwing papasok ako sa isang asset, bumababa muna ang palitan nila..
after that, ime-maintain ako nang matagal below sa selling price ko..
pero once na umakyat na at malagpasan ang selling price, eh saka naman gumagawa ng sudden pump para makarating ang palitan sa mas matataas na level...
is feeling , ang gulo mo kasi Bitcoin, kung hindi pababa ang mga direksyon mo today, eh pupustahan ko talaga yung BTTC na 'yon...
>
[Trade]
kanina, na-curious ako sa BTTC kasi nasa %2 yung increase nila mula kahapon, at may sapat naman na dami ng traders...
umaga, nag-short sell ako at kumita naman ako ng USD 3..
hapon, pumasok ulit ako sa trade, kaso sinubukan kong mag-sell ng market price lang ang gamit, sa halip na kumita ulit ako ng USD 3 eh nalugi pa tuloy ako ng USD 1 dahil sa biglang pagpapalit ng presyo..
sa ikatlong pasok ko, nag-short sell pa rin ako dahil nanghihila ang Bitcoin pababa, USD 7 naman yung kinita ko doon plus yung nabawi kong USD 1 na nalugi..
sa ikaapat na pasok, dumaan muna ang BTTC sa dip, pero nakabalik din naman sa taas para makakuha ako ng isa pang USD 7..
total ay USD 17...
pero ganito nga ang mga nangyari..
after ng una kong benta sa BTTC, biglang gumana ang Curse Release ko..
lagpas 33% kaagad ang naging pump nila..
USD 122 sana na kita iyon para sa akin..
akala ko iyon na 'yon..
hindi ako nagte-trade ng mataas kanina, kasi nga nag-pump na sila nang mataas, bukod pa sa nanghihila naman pababa ang Bitcoin..
pero laking gulat ko matapos yung ikaapat kong pagbebenta..
kasi muling nag-pump nang mataas ang BTTC, nag-Curse Release na naman..
USD 134 sana iyon para sa akin..
USD 256 na total, pero gaya ng nangyari sa JTO kahapon, eh wala na naman akong na-maximize...
is feeling , USD 17 lang for today.. USD 69 pa ang kulang...
---o0o---
December 11, 2023...
[Trade]
bakit ba talaga ganito..?
lahat ng napipili kong asset, lumalabas na tama..
na lahat sila ay kayang mag-pump para sana tuluyan ko nang mabawi lahat ng mga nalugi kong pondo noon...
gaya na lang ngayong araw..
QI, BTTC..
naiisip ko na kaya nilang mag-pump..
pero sa tuwing bumibili na ako ng asset, nagka-crash muna ang lahat..
pwede sana silang mag-pump na kaagad para naman maabot yung target price ko..
pero lahat sila walang kakayahan habang nasa loob pa ako ng trade..
lagi nila akong tinatakot ng crash para umatras ako..
at saka sila nagpa-pump nang sobrang tataas kapag nasa labas na ako... 🙁
milyun-milyon na yung halaga ng nawawala sa akin na pagkakataon... 🙁
is feeling , sobrang hirap labanan ng matinding kamalasan na ito...
>
[Trade]
umaga pa lang ang dami ko na kaagad miss sa QI..
USD 29 para sa inabutan kong mababang palitan..
USD 13 sa 2nd miss, dahil nanglilito ang hila ng Bitcoin pababa..
USD 28 sa 3rd miss, kasi kinapos ng pagbaba hanggang sa buy point ko..
tapos USD 12 pa sa 4th miss...
after ng mga oras na iyon, lalo pang naging delikado ang takbo ng araw na ito..
3 beses na na-activate ang Reverse Midas ko sa bawat pasok ko sa QI..
meaning, laging nagiging pababa ang direksyon ng Bitcoin sa tuwing nasa loob na ako ng trade.. 🙁
sa unang pasok ko, nakapaglabas naman ako ng USD 4..
sa ikalawang pasok, USD 4 ulit ang na-recover ko..
pero sa ikatlong pasok ko ay gumawa pa ng mega crash ang Bitcoin, dagdag sa mga una na niyang naging pagbaba, halos USD 3,000 ang nalagas sa kanilang palitan..
sinubukan kong maghintay, pero wala talagang nangyayari na big pump para maabot ang aking selling point..
natakot ako na baka bumagsak pa lalo ang Bitcoin, at naisip ko na pwede naman akong mag-trade sa mas mababang level kung saka-sakali..
kaya naman nagpalugi ako ng USD 7, at USD 1 na lang nga ang natira sa mga kinita ko noong umaga... 🙁
pero hindi ko naman pala kinailangan na malugi kung tutuusin..
na-activate na naman ang Curse Release ko matapos akong magpalugi..
as in continuous big pumps para sa QI..
mula sa entry point ko ay abot sa USD 80 sana ang kinita ko hanggang sa mag-pause yung dire-diretsong pag-kayat nila..
pero hindi pa doon natapos iyon..
after that ay pumalo pa sila sa hanggang sa tumataginting na USD 434...
sa loob lamang ng araw na ito..
nakita ko ang pagkakataon na mabawi lahat ng pondo na nawala sa akin since 2021..
at may kasama pa yung kita..
ang total kong na-miss sa QI alone ay lagpas pa sa halaga ng current na pondo ko, umabot nga sila sa USD 596...
is feeling , ano ba talagang klase ng demonyo ang nakabantay sa lahat ng ginagawa ko...??
>
[Trade]
pagkagising ko nitong hapon, nangyari naman na nga kaagad ang inaasahan ko sa BTTC..
inisip ko pa naman na maghintay na mas bumaba yung palitan bago ako pumasok sa kanila..
para sa inabutan kong level ay USD 77 na kaagad yung nawala sa akin na pagkakataon... 🙁
anyway, nag-trade na lang ako sa kung ano man yung inabutan ko pa sa BTTC..
sa unang pasok ay USD 16 yung nakuha ko, so parang kumita ako ng additional na USD 9 kung ibabawas yung mga nalugi sa akin noong umaga..
sinubukan ko ulit mag-trade para man lang maabot ko yung USD 20 na quota, at nagawa ko ngang makakuha ng panibagong USD 6...
after that ay nakarami pa ng pump ang BTTC, pero dahil sa lagay ng Bitcoin, eh nag-decide ako na hindi na mag-take ng risk..
tutal naman eh lumagpas na din ako sa USD 20 na gusto kong kitain sa araw-araw...
is feeling , salamat sa pagliligtas sa akin, BTTC.. USD 23 ang na-recover para sa araw na ito.. USD 46 na lang ang kulang...
---o0o---
December 12, 2023...
[Trade]
early miss sa BTTC dahil nag-pump sila kaagad sa halip na bumaba muna..
USD 47 yung nakawala sa akin mula sa oras ng paggising ko..
USD 18 sa padalawa, kasi nag-cancel ako ng buy dahil pababa noon ang Bitcoin..
USD 37 sa patatlo, dahil kinapos na naman ang buy point ko..
total na sablay USD 102...
sa 1st try ko naman matapos yung mga nauna kong kabiguan, habang pataas noon ang Bitcoin, nakapag-short sell ako ng USD 9..
2nd try, mataas pa din noon ang Bitcoin, pero biglang nag-dip ng kanya ang BTTC..
isang buong level kaagad, at naging mas delikado ang lahat dahil nag-reverse sila sa chart ng Bitcoin..
pagbaba ng Bitcoin ay sumabay na nga sila..
at nitong gabi ay nag-dip na naman sila ng isa pang level, muling kabaliktaran sa pataas na direksyon ng Bitcoin... 🙁
lagpas USD 70 na ang nawawala sa akin hanggang sa mga oras na ito... 🙁
is feeling , BTTC ano ba..? huwag kayong magpa-control sa kasamaan ng mga makapangyarihan.. mag-pump kayo hanggang USD 0.0000016 ngayong madaling araw...
>
[Trade]
kahapon..
nilugi nila ako at tinakot..
hindi ako naghintay nang mas matagal, at sumabog ang QI matapos kong magbenta nang palugi..
ngayong araw naman..
pataas ang Bitcoin, pero nagsariling bumaba ang BTTC dahil lang sa taglay kong kamalasan..
naghintay ako nang naghintay, pero walang pump na dumarating...
put*ng ina ninyo..
gusto ko lang mabawi lahat ng mga nawala sa akin..
tigilan nyo na ang pagpapaulan sa akin ng masasamang kapalaran sa araw-araw...
is feeling , itong basurang kakayahan na 'to na gawing pangit lahat ng sitwasyon.. BTTC, mag-pump ka pamaya at gisingin ninyo ako sa isang magandang umaga...
---o0o---
December 13, 2023...
[Trade]
day 1 ng pagkalugi sa BTTC..
mataas na naman ang blood pressure ko nang husto..
walang nangyayaring maganda... 🙁
nagtapon na ako ng USD 72 na pondo.. 🙁
lahat ng mga pinaghirapan ko sa mga nakaraang araw nawala na naman nang ganun lang kadali..
lagpas USD 200 na ang major losses ko simula noong July...
sa sobrang malas ko ni hindi ko nagawang makapasok sa ARDR nang mababa lang ang palitan..
sa bawat bid ko tumataas lang nang tumataas kanina ang kanilang palitan..
natakot ako na baka mag-pump na sila, kaya naman napabili na ako nang mas mahal..
tapos anong nangyari..?
as usual, bumaba kaagad ang palitan matapos kong makapasok sa ARDR..
pagpaparamdam na naman ng kapangyarihan ng mga makapangyarihang maligno... 🙁
kailangan ko na namang umasa..
maalin sa USD 0.11 na pump para makalapit ulit ako sa point bago ang pagkalugi ko..
o USD 0.14 para ma-recover ko na hanggang sa USD 622...
is feeling , ARDR, sundin ninyo ang scheduled pump ninyo, please.. kailangan na yung mangyari...
>
[Trade]
gusto kong mapatunayan sa sarili ko na hindi totoo ang kamalasan na nakakubabaw sa buong existence ko..
na lahat ng mali-maling desisyon ko eh hindi kontrolado ng mga put*ng inang makapangyarihang maligno...
nakakapagod kumilos kapag naiisip mo, kapag batid mo, na lubos ang kakayahan ng mga kalaban para lang wasakin lahat ng ginagawa mo...
sa tuwing natatakot ako sa pagbaba ng Bitcoin at nagpapalugi na lang, bigla na lang nagpa-pump at yumayaman lahat ng mga naiiwan ko..
pero sa tuwing sinasabi ko sa sarili ko na gusto kong panindigan ang isang asset, eh walang nangyayari at nagtutuluy-tuloy lang ang aking pagkalugi..
na para bang may kumu-control talaga sa lahat ng may kinalaman sa akin... 🙁
parang sinasabi ng FATE na wala akong karapatan na makabawi sa buhay..
na walang kaparalan na nararapat para sa akin kundi ang wakasan ko ang malas kong existence sa pinaka-depressing na paraan..
na mawawala lang ang mga arawang rasyon ng kamalasan kapag nagwakas na ang mismong buhay ko... 🙁
is feeling , sabi nga sa religious show, kailangan na mabuhay bilang slave ng mga makapangyarihan...
---o0o---
December 14, 2023...
[Game / Scam]
NFT Pests
sumusobra na talaga ang Axie Scam..
nagbayad kami ng lagpas Php 20,000 kada pesteng Axie noon..
pero patraydor nilang binabaan at tinanggal ang mga reward...
pinili lang nila ang mga peste na pwedeng manatiling malalakas..
bakit..?
para yung mga biktima ng skills imbalance eh mapilitan na bumili ng mga peste na binigyan nila ng pabor...
tapos ngayon, ano na..?
pupuwersahin nila ang players na bumili at mag-breed nung mga peste..
pupuwersahin din nila na bumili para magpakawala ng mga peste..
at iyon lang ang tanging paraan para mapa-evolve yung mga piling peste na ginawang malalakas ng developers...
is feeling , ito ang paraan nila para maidispatsa yung sobrang mamahal noon pero pinahina nila ngayon na NFT pests...
>
[Trade]
day 2 mula sa pagkalugi...
dahil sa good news para sa buong market..
after 25 days naabot na ng OAX yung dati kong target sa kanila, at nilagpasan pa nga nila iyon..
USD 81 sana iyon para sa akin..
at umulit pa sila nitong hapon for USD 62...
sumabog na din kaagad ang AST na kasasabog lang 10 days ago..
USD 225 sana iyon para sa akin..
mukhang pinipili ng mga whale na i-pump yung mga asset na below USD 30 Million lang ang market cap...
pati FIDA nakigaya na din nitong hapon, kahit pa nasa USD 40 Million ang market cap nila..
USD 183 sana iyon para sa akin...
yung DREP nauna nang umangat kahapon..
USD 85 sana iyon para sa akin...
lahat ng 4 na asset na under monitoring ko noon..
kasama na yung 2 delikado na matanggal daw sa Binance..
lahat sila sumabog na para lang ipakita sa akin na mga tamang asset nga sila...
is feeling , ARDR, pakiusap.. gawin nyo na yung monthly schedule ninyo nang pag-pump...
>
[Trade]
sablay kaagad ako sa ARDR..
hindi pa man sila nagpa-pump dahil sa good news..
eh heto at nahila na kaagad sila ng Bitcoin pababa..
USD 22 sana iyon na recovery para sa akin, hanggang sa may peak kanina ng ARDR.. 🙁
tapos pasok ulit sa huli kong entry point sa kanila..
pero binura nga lahat iyon kaagad ng Bitcoin dip...
is feeling , ARDR, pakiusap, mamayang madaling araw.. mag-pump na kayo para maiwasan na ang mga banta ng Bitcoin...
---o0o---
December 15, 2023...
[Trade]
day 3 mula sa pagkalugi..
isa na namang painful day...
na-realize ko na kung sinakyan ko lang yung dip ng 1000SATS kahapon..
USD 0.00056 hanggang 0.00092 ngayong hapon..
eh USD 297 sana yung na-recover ko sa loob lamang ng isang araw...
bakit..?
bakit wala akong maranasan na huge pumps...??
is feeling , ARDR, pakiusap, balewalain nyo na yung FATE na nagko-control sa inyo.. mag-pump na kayo...
No comments:
Post a Comment