Loveless Story
November 26, 2023...
lagot..
nag-pull out na yung magkapatid doon sa last agency nila..
paano na ngayon magbabayad yung p*ta ng mga utang niya...??
ano..?
magpapabuntis na ulit sa lalaki..?
para may makukunan na siya ng sustentong pera...??
is feeling , sisingilin ko na ba ang kapatid niya...??
---o0o---
December 1, 2023...
libreng strawberries pasalubong ng galing sa Baguio..
salamat sa libreng panlaban sa bad cholesterol...
is feeling , titipirin.. 1 piece per meal lang...
-----o0o-----
[V-League]
PVL All-Filipino Conference II 2023
November 28, 2023...
9th match ng Creamline..
test laban sa Chery Tiggo, ang isa pang team na maganda ang standing sa liga...
naitawid ng Creamline ang Set 1 dahil sa kanilang massive 17 attacks kontra sa delikado nilang 10 errors..
naagaw pa ng Tiggo ang Set 2 dahil sa mga errors ng Creamline sa bandang dulo, lumamang din sila sa attacks..
Team B ng Creamline, nagawa nilang makalayo dahil sa kanilang attacks..
maagang lumamang ang Tiggo, pero binaliktad ng Creamline ang takbo ng laban at iniwanan pa ang Tiggo...
3-1..
at tinalo din nga ng Creamline maging ang Chery Tiggo...
regarding naman sa mga overseas na laro..
so far maganda pa ang performance ng team nina Domingo sa Thailand..
samantalang nasa delikado ng spot ang team nina Morado sa Japan...
is feeling , para sa Birthday Girl na si Galanza.. at para pa din kay Morado...
---o0o---
November 30, 2023...
10th match ng Creamline..
laban naman sa Akari..
ang nag-iisang team noong una na nagawang makatalo sa Chery Tiggo...
natambakan kaagad ang Creamline sa Set 1 pero ang laki ng hinabol nila para ma-extend yung set, ngunit nanaig pa rin ang Akari dahil sa 8 big errors ng Creamline..
Akari naman ang natambakan kaagad sa Set 2, nakuha ng Creamline yung set dahil sa kanilang madaming attacks at kill blocks..
dikitan ang Set 3, pero nakuha ng Creamline dahil sa kanilang huge 19 attacks kontra sa sarili nilang massive 12 errors..
Team B na ng Creamline kaso ang daming error ni Pons, mabuti na lang at nairaos pa din nila ang Set 4...
3-1..
panalo sa game at nananatiling walang talo sa conference ang Creamline..
errors ang pinakamabigat nilang kalaban...
is feeling , para kay Galanza.. at Morado pa din...
-----o0o-----
November 25, 2023...
[Trade]
3rd day sa OAX..
nakakatuntong na sila sa may entry point ko...
pataas ang direksyon nila ngayong araw..
before 8:00 PM ay umabot na sila sa USD 0.1865..
kaso naging pababa din ang direksyon, epekto na din siguro ng hila ng Bitcoin...
sana naman ay tumuloy lang ang pump pamayang madaling araw..
sana ay hindi sila bumaba sa USD 0.18...
is feeling , USD 0.20 pump.. kapit lang.. gusto kong magising sa isang magandang umaga...
---o0o---
November 26, 2023...
[Trade]
missed opportunity sa OAX kagabi..
chance sana para makapag-exit nang may USD 22 na kita..
kaso hindi ako umabot..
after that ay pagkakataon din sana para pumasok ulit sa mababang entry point, though hindi kasing-baba ng huli kong pinasukan...
4th day sa OAX..
nanghila ang Bitcoin noong umaga..
at nanghila din sila noong gabi...
is feeling , tama na.. OAX, mag-pump ka na hanggang USD 0.2 ngayong gabi...
---o0o---
November 27, 2023...
[Trade]
missed opportunity ulit sa RON..
2nd time na 'to na pumalo sila sa lagpas 100% increase..
lagpas 300% noong unang pagkakataon..
at nasa 150% naman this time...
possible sanang mag-trade sa Coins.ph...
is feeling , pumalo ka sa USD 5.00, at mag-e-exit ako sa RON farming...
>
[Trade]
5th day sa OAX..
so mali na naman nga ang ginawa ko..
nag-crash na ulit sila dahil sa pump and dump na ginagawa ng Bitcoin..
nasa USD 700 lang na pump and dump pero sobrang laki ng epekto laban sa OAX..
may USD 11 sana ako na kinita kahapon..
pero nasayang na nga ulit ang pagkakataon dahil bumaba na ulit ang OAX below sa entry point ko... 🙁
brutal crash pa nitong hapon..
nasa USD 300 lang ang ibinaba ng Bitcoin, pero kaagad nung pinasadsad muli ang OAX sa USD 0.17..
meaning USD 0.01 na ulit ang layo ko mula sa entry point ko...
tapos parang gusto na talagang bumaba ng Bitcoin ngayong gabi..
may resistance na this time ang OAX..
kaso delikado ang paulit-ulit na panghihila ng Bitcoin...
again, OAX ang asset kung nasaan ako..
ang asset kung saan hinding-hindi ako kumikita nang malaki..
pero kumikita sila nang malaki sa tuwing lumalabas na ako mula sa kanila...
is feeling , please, OAX.. gawin nyo na.. 20% pump hanggang USD 0.20...
---o0o---
November 28, 2023...
[Trade]
6th day sa OAX...
hindi 'to maganda..
hindi talaga 'to maganda..
paulit-ulit nang pinababagsak ng Bitcoin ang OAX..
umabot na sa USD 0.02 ang layo niya sa entry point ko, USD 0.04 naman ang layo mula sa aking target price... 🙁
DREP, stable..
FIDA, stable..
AST, stable..
LINA, stable..
ARDR, halos stable lang..
maging ang RON at SLP eh halos stable din lang..
lahat ng iba pang binabantayan kong asset eh nasa stable na level lang..
pero bakit ang OAX eh wasak na wasak..? 🙁
dahil ba talaga sa kamalasan na dala-dala ko...??
tapos may nag-post pa na posible daw i-delist na ng bagong management ang OAX, dahil nasa Innovation Zone ito..
ito ay kahit pa March 2023 lang ulit isinali ng Binance ang OAX sa kanilang trading platform..
kaya heto, nag-exit na ako at muling nagtapon ng USD 23..
sa halip na kumita ng USD 33, eh nagtapon pa ako ng USD 23... 🙁
is feeling , kasalanan ko.. lagpas USD 130 na lugi in just 4 months...
>
[Trade]
so lumipat na nga ako ng asset..
Defi muna..
kaso paulit-ulit talaga ang panghihila ng Bitcoin...
nag-short sell na muna ako..
as in short lang talaga, 0.0814 to 0.0820..
nag-recover lang ng USD 3...
is feeling , wala pa ulit mapasukan...
---o0o---
November 29, 2023...
[Trade]
7th day na nakatigil ang pondo ko, bukod pa sa nalugi pa nga ulit...
panibagong bad news..
so balak tapusin ng SEC ng bulok na bayan na 'to ang Binance... 🙁
bilang Bashing Capital ng buong mundo, baka posibleng hindi mangyari 'yon..
dahil mahalaga para sa maraming online platform ang maiingay na mamamayan..
pero in case na gulo talaga ang hanap ng SEC, na silang nagbigay ng permit sa sindikato ng Pharmally, eh ibig sabihin na nasa 3 buwan na lang ang palugit ko para makatakas sa Binance...
is feeling , USD 500 na nawawalang pera.. 3 months ng recovery...
---o0o---
November 30, 2023...
[Trade]
8th day..
mali ang napasukan na asset..
sa 3 assets na binabantayan ko ngayon, pinakamaikli ang pag-angat nung napili ko...
sana kayaning maabot ngayong gabi...
is feeling , USD 20 pa ulit ang layo ko bago ako makapagsimula ng recovery pabalik sa USD 463...
---o0o---
December 1, 2023...
[Trade]
kung sakaling mawawala ang Binance..
hindi option ang Coins.ph, dahil sobrang mahal ng exchange rate nila doon, kaya imposibleng kumita sa maliitang mga pump..
mawawalan ako ng choice kundi ilipat sa Ronin wallet ko ang mga asset at umasa sa palitan sa Katana...
is feeling , mga gahaman...
>
[Trade]
9th day..
nag-short sell lang kagabi para sa USD 3 na recovery...
pataas na naman nang pataas ang Bitcoin puwerket wala akong investment ngayon...
is feeling , USD 17 pa ang layo ko...
No comments:
Post a Comment