Loveless Story
November 18, 2023...
[Online Marketing]
release ng project #20 ko sa 1st store..
naabot naman kaagad ang quota para may matanggap akong kita sa simula ng December...
is feeling , salamat sa lahat ng mga sumusuporta sa laban ko para maabutan ang wakas ng One Piece...
---o0o---
November 19, 2023...
dumaan nga pala ang araw ng paniningil ng utang noong isang araw..
13 months nang walang ibinabayad.. 🙁
6 months nang hindi man lamang nagre-reply...
hindi ko 'to gusto..
gaguhan na talaga 'to..
ginagamit niya yung pagiging malayo ko para takasan niya ang mga utang niya... 🙁
is feeling , ano na ba ang gagawin ko sa demonyong babae na iyon...??
---o0o---
November 21, 2023...
galing sa bayaran kaninang umaga...
tigil na talaga ang paniningil ng PhilHealth dahil dun sa hacking incident... 🙁
nasa 5 years naman na ang hulog ko sa SSS..
5 years na lang sana at makakatapos na ako..
kaso nasa 2 years na lang ang palugit ng existence ko dito sa mundo..
hindi ko alam kung anong mangyayari after that...
is feeling , paano na, PhilHealth...??
---o0o---
November 23, 2023...
malungkot..
after weeks na inactive ang communication app niya..
after weeks na hindi na nakakasama ang pangalan niya sa listahan ng kanilang management..
ngayong araw ay s-in-uspend na yung account ni Attendant M... 🙁
baka naka-graduate na siya from college...
sayang..
kasi pwede sana siya para dun sa Dream Date..
bakit kasi hindi niya tinanggap noong mga panahon na handa na ako para sa kanya...?? 🙁
is 💔 feeling , graduate na yata siya sa service...??
---o0o---
November 24, 2023...
mukhang may bago ng boyfriend yung p*ta ah..
nakahanap na ulit siya ng bagong mahuhuthutan at matitirhan..
may air conditioner ang bahay..
so bakit hindi pa rin nagbabayad ng mga utang niya yung p*ta...??
is feeling , ayaw na ayaw masisingil, pero hinding-hindi naman nagbabayad...
-----o0o-----
[V-League]
PVL All-Filipino Conference II 2023
November 19, 2023...
digmaan sa Cagayan de Oro..
ang daming live audience, almost 10,000..
7th match ng Creamline..
test ng PLDT at ng kanilang import...
nadali kaagad ang mata ni Negrito early in the match..
nairaos ng Creamline ang Set 1 dahil sa kanilang attacks and kill blocks kontra sa madami nilang errors..
ang lakas ng blocking ng PLDT sa Set 2, pero nakontra iyon ng sobrang laking attack difference sa kanila ng Creamline..
maagang nakalamang ang PLDT sa Set 3, pero nabaliktad pa din ng Creamline ang takbo nung laban...
3-0, hindi consistent ang laro ng PLDT..
at si Baldo pa ang ibinabad ni Coach para sa laban na ito...
is feeling , para kay Galanza.. at Morado pa rin...
---o0o---
November 23, 2023...
8th match para sa Creamline..
laban sa NxLed...
naagaw pa ng Creamline ang Set 1 dahil sa kanilang 15 attacks kontra sa madami nilang 10 errors..
nakuha naman nila ang Set 2 dahil sa kanilang massive 18 attack points..
Team B naman ng Creamline para sa Set 3, dikitan ang naging laban, pero tinapos na ni Galanza sa bandang dulo..
Player of the Game siya with 4 service aces...
3-0, at nairaos na din nga ng Creamline ang hamon sa kanila ng NxLed...
is feeling , para kay Galanza.. at kay Morado pa rin...
-----o0o-----
November 18, 2023...
[Trade]
sa OAX..
nakakatawa talaga ang kapalaran ko.. 🙁
gumana ang Curse Release ko after kong lumabas sa kanila..
USD 22 sana mula sa entry point ko..
USD 30 naman kung na-maximize ko yung bottom...
pwede silang mag-pump habang nasa kanila ako at tama pa ang declaration ng selling price..
pero bakit hinding-hindi nangyayari...?? 🙁
after that eh madami pa ang ginagawang pump ng OAX..
ginagawa, as in active pa rin hanggang ngayon..
declare ako nang declare ng USD 0.20 noong mga nakaraang araw, pero walang nangyayari.. 🙁
tapos ngayon eh ganito..?
unscheduled na pagsabog ng market nila, lahat ng iyon dahil lang sa Curse Release ko...
is feeling , my Satanification...
>
[Trade]
sa AST..
USD 7 yung napakawalan ko kaninang umaga.. 🙁
again, naniwala na naman ako na may mangyayaring maganda..
pero nawasak ang lahat dahil sa Reverse Midas ko..
bumagsak ulit dahil sa hila ng Bitcoin..
pero kahit wala ng lakas ang hila ng Bitcoin, eh patuloy lang na bumaba ang AST patungo sa impiyerno...
at nag-iba-iba na nga ang takbo ng chart ng Bitcoin, OAX, at AST..
steady lang ang Bitcoin..
pataas nang pataas ang OAX dahil sa Curse Release ko..
samantalang pababa na lang ang AST... 🙁
kapag pinanindigan ko ang asset ay siguradong malulugi iyon..
kaya pala lahat ng asset na tinigilan ko noon ng maraming buwan ay nauwi lahat sa pagkalugi..
at kaya pala nakakagawa sila ng mga massive pump sa tuwing umaalis na ako sa poder nila...
is feeling , pinabayaan na talaga ako.. sobrang lagim ng Satanification na ito...
---o0o---
November 19, 2023...
[Trade]
kagabi..
bumaba na sa safe level nila parehas yung LINA at OAX..
kaso nakakulong naman ako noon sa AST... 🙁
after ng trauma ko sa AST kahapon, nag-exit na lang ako sa kanila pagkagising ko kaninang umaga nang may USD 3 na recovery..
pero lumabas sa araw na ito na posible pa pala yung USD 8.. 🙁
pagkalabas ko eh wrong timing na din para makapasok pa sa LINA...
sa FIDA, USD 39 kaagad yung naging isang pump nila mula sa bottom nila kahapon..
sa LINA, USD 21 naman mula din sa naging bottom nila kahapon..
missed opportunity naman sa OAX kanina, dahil as usual, eh hindi na naman naabot ang buying point ko..
USD 17 sana iyon para sa akin kung hanggang sa peak niya hanggang sa oras na ito... 🙁
is feeling , kailan kaya ako makalalasap ng suwerte sa buhay...??
>
[Trade]
kung gustong maging hanapbuhay ang cryptocurrency trading..
para sa isang tao na nag-iisa lang sa buhay..
eh dapat nasa USD 20 ang kita niya per day, for 5 days a week...
is feeling , samantalang yung kabulukan ko, nasa USD 32 for 4 months lang.. mas malaki pa yung halaga ng mga nalugi, at least USD 110...
---o0o---
November 20, 2023...
[Trade]
nag-testing ng Layer asset..
since madalas mag-pump yung mga ganun...
nag-exit kaagad na may USD 3 na recovery, tapos bumalik ulit sa trade..
bandang tanghali, nagtagumpay ako sa target selling price ko..
ngayon na lang ulit 'to nangyari para sa akin, at nakakuha ako ng USD 30 na recovery dahil dun..
tapos nagtaas ako ng buying price, kalahati ng naging pump, at nagtagumpay naman ulit ako sa pagpasok..
then nag-short sell na lang na may kabig na USD 4..
short sell ulit nitong gabi na worth USD 5...
salamat sa ARDR..
finally, after many months, nakatapak na ulit ang trading fund ko sa USD 400...
is feeling , sana ganito na araw-araw.. magtiwala sa Layer assets...
---o0o---
November 21, 2023...
[Game]
bukas na magtatapos ang Season 6..
may sapat naman akong allowance para manatili sa top 20,000..
nasa 7,000 plus din iyon noong tumigil ako kanina..
hindi na naglalaro masyado..
ayokong dumaan na naman sa karagdagang stress dahil lang sa nasa Php 115...
is feeling , nagte-testing lang every season kung magiging patas pa ba ang management...
>
[Trade]
entry then short sell sa ARDR habang nasa labas ako kaninang umaga..
gumana naman, bago nagtuluy-tuloy ang pagbaba nung asset..
nakakuha naman ako ng USD 6 mula doon...
is feeling , salamat at hindi ako nakagawa ng mga kapalpakan ngayong araw...
---o0o---
November 22, 2023...
[Game]
end of Season 6..
nasa sapat na puwesto naman..
Off Season muna ulit...
wala eh..
walang bumibili ng mga Axie kong patapon... 🙁
is feeling , titingnan kung anong mangyayari sa Season 7...
>
[Trade]
market dip dahil sa Binance..
may big bad news kasi..
nag-resign na din ang CEO nila dahil sa criminal case... 🙁
double dip kaagad kaninang umaga..
USD 2,000 ang ibinaba ng Bitcoin..
maganda sana ang level ng LINA at ARDR pagkagising ko, kasi posibleng kumita, then saka papasok sa mas mababang level..
kaso inakala ko na dip lang iyon..
hindi ko kaagad na-research na may masama na palang nangyari... 🙁
napamahal tuloy ang bili ko sa OAX..
USD 0.012 level kaagad ang naging layo ko sa entry point ko.. 🙁
level iyon na 1 month nang hindi nababalikan ng OAX..
pero kalma lang..
walang negative Karma..
tiwala lang..
tiwala sa kakayahan ng OAX na pumalo sa USD 0.2, kung hindi din naman magbabago ang circulating supply..
if ever ay pwede din naman akong mag-exit sa level ng USD 0.19..
hindi ko na 'to pakakawalan this time...
is feeling , may possible schedule ng pump para sa OAX.. sana lang ituloy ng mga trader sa kabila ng lumabas na balita...
---o0o---
November 23, 2023...
[Trade]
madali lang nakabawi ang Bitcoin..
ganun din ang LINA..
bumalik lang sa mga dati nilang level bago ang market crash..
pero hindi makahabol sa recovery ang OAX at nananatili lang hanggang ngayon below sa entry point ko...
1st day sa OAX..
hindi ko gusto 'tong paulit-ulit kong deja vu sa OAX...
is feeling , kailangang mawalan ng bisa ang Reverse Midas...
---o0o---
November 24, 2023...
[Trade]
2nd day sa OAX..
bumalik din sila sa last bottom nila from yesterday..
meaning..?
2 beses ko na dapat napagkakitaan ang ganung dip...
mas mababa din ang peak level nila for today...
is feeling , sana mag-pump na ang OAX mamayang madaling araw.. lagpas USD 0.20 ang target...
No comments:
Post a Comment