Loveless Story
November 12, 2023...
teka..
ano na ba talaga ang nangyayari..?
katatapos lang ng eleksyon ah..
wala akong naiintindihan...
not yet very sure..
pero nag-match kasi yung 3 accessories niya sa katawan..
yung ate ni Attendant Ry, pumasok na din doon sa establishment na huli niyang pinanggalingan... 🙁
pero bakit..?
madalas na laman ng kung anong hotel yung kapatid niya..
nakakabiyahe sila sa ibang bansa..
nakakabili sila ng mga pagkain na libu-libo ang halaga..
may sasakyan sila..
at last week nga eh kagagaling lang nila sa bakasyon..
kaya bakit siya pumasok sa ganung klase ng trabaho...??
meaning..?
na alam niya kung ano ang trabaho ng kapatid niya na si Attendant Ry..
at okay lang iyon para sa kanya..
kahit pa alam niya din na may boyfriend ang kanyang nakababatang kapatid...
is feeling , ano yun..? natanggal na siya sa trabaho niya sa hotel, kaya nanlibre siya ng outing...??
---o0o---
November 13, 2023...
[Manga]
One Piece
anak ng..?
menor de edad lang si Jewelry Bonney..
12 y/o pa lang siya sa ngayon..
at noong 10 y/o siya, eh siya ang naging pinakabata at nag-iisang babae na napabilang sa 11 Supernovas...
nagiging dalaga lang siya dahil sa Devil Fruit ability niya...
is feeling , astigen...
>
[Gadget-Related]
hindi ko alam kung anong laro na naman 'tong ginagawa ng FATE laban sa akin... 🙁
hindi ko pa rin ma-check ang bank account ko..
ninanakawan lang ako ng load, pero wala talagang ibinibigay na OTP..
yung magbabayad tuloy ng utang sa akin eh naka-hold, sa halip na nag-iinteres na yung bayad..
pati yung ita-transfer kong pera mula sa PayPal eh naka-hold din...
November 3 ako nagsimulang mag-e-mail dun sa bangko..
2 beses lang sumagot last week..
puros palpak ang suggestions..
at sobrang tagal nga ng response time..
tapos hindi pa ma-contact yung mga telepono nila... 🙁
is feeling , lahat ng basurang bagay sa mundo gagamitin ng basurang FATE para lang wakasan na ang existence ko gamit ang Hypertension...
-----o0o-----
[V-League]
PVL All-Filipino Conference II 2023
November 14, 2023...
F2 test na ulit para sa Creamline..
3-0, parang wala sa mood ang version na ito ng F2 laban sa Cool Smashers..
dahil dun eh may 6 wins na ang Creamline, at 5 na lang ang natitirang laro nila...
maganda ang pagkakakuha ng Creamline sa Set 1 gamit ang kanilang attacks, at sa tulong na din ng madaming errors ng F2..
madalas ulit lamang ang Creamline para sa Set 2 sa tulong ng madami pa ding errors ng kalaban..
then halos ganun pa din ang takbo ng laro para sa Set 3...
update naman tungkol kina Morado at Domingo..?
sa Japan..
hindi maganda ang perfomance ng team nina Morado..
muntik na nilang matalo ang Champion team nina Jaja noong sila ang naglaban, pero after that eh tuluy-tuloy nang sumama ang record ng team nina Morado..
pangit din ang schedule ng mga laban sa liga nila kasi parang concentrated lang ang mga match during weekends..
sa Thailand naman..
ang Champion team naman nina Domingo eh natalo sa una nilang match laban sa team nina Kuttika Kaewpin...
is feeling , para kay Galanza.. at kay Morado pa rin...
-----o0o-----
November 11, 2023...
[Trade]
sa FIDA..
USD 85 sana hanggang madaling araw dahil sa big pump..
USD 49 naman sana nitong afternoon pump...
sa OAX..
USD 17 na recovery mula sa Bitcoin dip...
sa LINA..
nag-exit ako kaninang umaga nang may USD 13 na recovery..
may dagdag iyon na USD 5 na kita mula sa huli kong recovery level..
USD 31 sana ang kinita ko hanggang sa exit point ko kung na-maximize ko lang sana yung dip.. 🙁
USD 15 naman yung sa ikalawang akyat niya...
is feeling , wala akong ma-maximize...
>
[Trade]
nag-dip kaagad ang OAX pagkapasok ko sa kanila kanina..
sa dami ng hila ng Bitcoin kanina, sobrang naging malakas noong pumasok na nga ako sa OAX..
OAX trap na naman..
ilang beses na ito... 🙁
sayang kaagad yung dip after ng pasok ko..
USD 10 din iyon bago nag-dip ulit..
may chance sana ako na maka-exit kanina nang may USD 4 na kabig..
kaso naisip ko na baka maaabot pa yung selling price ko..
gumawa lang ako noon ng review para sa Lazada..
tapos pagkabukas ko ulit ng Binance ko eh nasa below entry point na nga ulit ang palitan... 🙁
is feeling , kailangan kong maka-exit kaagad...
---o0o---
November 12, 2023...
[Trade]
kahapon ng hapon..
umakyat ang LINA at sumabog pa nga..
USD 59 sana iyon para sa akin... 🙁
sa OAX naman..
napamahal ang selling point ko, kaya kinapos yung pump kaninang madaling araw..
USD 12 sana iyon para sa akin kung na-maximize.. 🙁
kaso nasa USD 4 na lang yung naisalba kong tubo pagkagising ko...
is feeling , mali pa rin talaga...
>
[Trade]
so bumalik ulit ako sa OAX, since iyon yung malapit pa sa safe na entry point..
nakapag-exit ulit kanina nang may USD 3 na recovery, sa halip na na-maximize yung USD 5...
noong pagabi na..
biglang nag-dip nang mag-isa ang OAX..
kahit pa maikli lang naman ang pagbaba ng Bitcoin..
yung parang nangloloko na nasa USD 0.194 plus pa daw ang palitan..
na biglang bumaba sa USD 0.191..
tapos ay biglang nag-dip pa ulit hanggang USD 0.186..
napamahal tuloy ulit ako ng pasok..
bumalik ako sa USD 0.1901, samantalang pwede naman pala yung dati na USD 0.188... 🙁
lagot..
magiging delikado ito kapag nanghila nang malakas na pababa ang Bitcoin..
pero kailangan kong umasa sa cycle ng OAX...
is feeling , USD 0.20 naman na pump ngayong gabi...
---o0o---
November 13, 2023...
[Game]
iba 'to..
light game lang...
dahil sa paglalaro ko sa Lazada..
nakakuha ako ng Php 200 worth na voucher..
at naging applicable siya sa item na kailangan naming bilhin..
item na usually ay nasa Php 600 plus ang retail value...
is feeling , makabuluhan at hindi maaksaya sa oras na mga laro.. hindi din nagko-cause ng Hypertension...
>
[Trade]
pataas sana ang direksyon ng OAX kaninang umaga..
kaso ang aga-aga eh bigla namang nag-dip at nanghila ang Bitcoin..
USD 1 na lang tuloy yung naisalba ko na kita, sa halip na USD 4.. 🙁
at USD 12 sana iyon kung na-maximize ko yung naging bottom ng OAX kagabi...
nitong tanghali naman..
nag-pump then dump ang Bitcoin..
mahina ang hila paitaas, pero ang lakas ng hila paibaba..
USD 4 yung hindi ko nai-exit na kita mula doon.. 🙁
bukod pa sa naging posible ulit na pumasok sa USD 0.188 na entry point...
bandang gabi naman..
winasak ng Bitcoin ang sa papaganda sanang chart ng OAX..
biglang nanghila na naman pababa..
USD 2 yung hindi ko nakuhang kita dahil dun..
at mas bumaba pa ulit ang OAX sa USD 0.188 na level... 🙁
is feeling , put*ng ina ninyong lahat.. USD 0.24 naman ngayong gabi...
---o0o---
November 14, 2023...
[Game]
so sumugal ako sa pag-Craft ngayong araw..
250 SLP yung isinugal ko..
lagpas Php 30 din iyon..
pero hanggang ngayon eh wala talagang kuwenta ang mga nagagawa kong item... 🙁
yung mga Axie ko, puros bulok..
ni isa, wala man lamang nabiyayaan ng Debuff..
sa mga treasure chest eh ganun din, panay average lang ang nakukuha kong reward..
tapos pati nga sa pagka-Craft eh ni minsan eh hindi pa ako nakagawa ng mamahalin na Rune... 🙁
is feeling , walang kuwentang kapalaran sa lahat ng aspeto sa buhay.. isa lang akong buhay na basura...
>
[Trade]
bad news pagkagising ko kaninang umaga..
nagpatuloy sa pagbaba at panghihila ang Bitcoin..
USD 0.01 tuloy kaagad ang ibinaba ng OAX mula sa entry point ko... 🙁
tapos..
nasayang yung inakyat ng OAX sa buong maghapon..
kasi nanghihila na naman papunta sa impiyerno ang Bitcoin simula noong 5:00 PM..
pero pasado 6:00 PM nang magsimulang unti-unting lumaki ang trading volume para sa OAX..
is feeling , USD 0.20 naman.. awa na...
---o0o---
November 15, 2023...
[Trade]
ang dami kong sablay sa OAX kaninang madaling araw..
so tama nga yung na-predict kong schedule ng pagpa-pump sa OAX..
ang problema..?
worst timing, dahil mas malagim pa ang naging panghihila pababa ng Bitcoin this time... 🙁
3 chances sana para kumita sa OAX, kaso sa oras na tulog na ako..
USD 3 yung napakawalan ko sa unang pag-akyat..
USD 14 sa padalawa..
USD 10 sa patatlo, kung saan kinapos na naman ang OAX sa selling point ko..
at USD 13 sa pang-apat na recovery after ng malaking Bitcoin dip...
pagkagising ko, konti na lang ulit yung possible earnings para sa akin..
patuloy din noon sa panghihila pababa ang Bitcoin..
kaya naman nag-exit na muna ako na may USD 3 na kabig...
is feeling , USD 40 sana noong madaling araw...
>
[Trade]
ginusto kong bumalik sa OAX sa USD 0.19 na level..
pero sa lahat ng naging bid ko, eh umangat lang nang umangat ang palitan nila..
mukhang pataas noon ang kanilang palitan, at sa papaganda din ang chart..
kaya naman nag-decide ako na pumasok sa USD 0.1921...
kaso doon na nagsimula ang trahedya..
nagsimulang bumaba ang OAX, kahit pa may mga hila ang Bitcoin na paitaas, na palatandaan ng anomaly na gawa ng FATE.. 🙁
pababa hanggang sa gusto ko sanang entry point na USD 0.19..
tapos pababa sa USD 0.189..
tapos pababa sa USD 0.188...
ang mga demonyo ng kapalaran..
masaya sila na paulit-ulit 'tong ginagawa laban sa akin..
na ipakita sa akin lahat ng mga kita na napapakawalan ko..
at na ipakita sa akin kung paano nila ako nakukumbinsi na mas bumili sa mas mataas na presyo, tapos saka nila biglang ibababa para maipakita sa akin ang pagkalugi ko..
walang katapusan at perpektong effort ng FATE para ibaon ako sa depression... 🙁
dahil sa mga nangyari, eh nag-decide ako na ibaba ang selling point ko sa USD 0.194 na lamang..
dahil nga may mga nangyari ng pump kagabi..
at dahil baka bumaba na naman ang market ng OAX hanggang USD 0.18..
pero isang malaking setup lang pala ulit ang lahat laban sa akin, this time sa tulong ng Bitcoin... 🙁
pagkagising ko nitong hapon..
hindi pa din noon gumagalaw masyado ang palitan ng OAX..
gumawa lang ako noon ng review sa phone para sa Lazada..
pagkabukas ko ng computer ko, at pagkabukas ko ng browser para sa Binance..
natakot muna ako noong makita ko na nasa USD 0.18 plus na lang ulit yung nakasulat sa tab..
but then biglang nagpalit yung nakasulat..
sinilip ko nga yung tab para sa OAX, at nasurpresa ako na nangyari na ulit ang bagay na hinangad ko..
USD 14 ang napakawalan ko dahil sa palabas na ginawa ng FATE..
USD 3 lang ang kinita ko dahil sa kasamaan ng kapalaran laban sa akin... 🙁
ginusto lang nilang makasigurado na wala talaga akong mapapakinabangan mula sa trade...
is feeling , USD 14 nang magsimula na yung pump...
>
[Trade]
USD 21 sa sumunod na pump ng OAX..
USD 10 sa ikatlo...
wala talaga eh..
sa buong history ko sa Binance..
hindi nangyayari yung big pump habang naka-declare yung totoo kong target price..
laging may nangyayari muna na masasama, para magbaba ako ng selling price..
then saka nila hahayaan na mangyari yung sudden big pump kapag sigurado na sila na konti lang ang kikitain ko..
paulit-ulit na strategy na lang laban sa akin... 🙁
put*ng ina ninyo..
ngayon kayo mag-crash ulit hanggang USD 0.18...
is feeling , dagdag pa na USD 31 na sablay...
---o0o---
November 16, 2023...
[Trade]
wala..
lumalabas talaga na nagloko lang ang Bitcoin kahapon para masira yung projection ko sa OAX.. 🙁
kasi heto na ulit ngayong araw at approaching na sila sa USD 38,000 dahil wala na ako sa trade...
kung hindi sana ako tinarantado ng Bitcoin kahapon..
hindi ako aalis sa OAX nang hindi nami-meet yung target ko na selling price..
pero hindi kasi biro yung USD 37,000 to 35,000 na palabas na crash nila...
wala na tuloy akong mapasukan..
yung DREP matagal nang wala sa safe range ko..
yung FIDA naloko nga ako kamakailan at biglang umakyat na rin sa USD 0.2 level..
nang-iwan na din ang LINA at nasa USD 0.012 na..
AST at OAX na lang ang natitira na malapit-lapit pa sa safe level nila...
is feeling , mag-crash kayo...
---o0o---
November 17, 2023...
[Trade]
hinila na ulit ng Bitcoin pababa ang market..
tama lang naman yung naging entry point ko noong madaling araw..
pero dalawang USD 4 kaagad yung napakawalan kong kita noong umaga... 🙁
nag-exit ako dahil bumababa ulit ang market..
akala ko na mauulit lang yung 2 scenario na na-miss ko..
USD 1 lang tuloy ang nakuha ko..
pero after that ay umakyat na naman nang umakyat ang OAX at na-meet yung original na selling price ko..
USD 9 tuloy ang napakawalan ko dahil dun... 🙁
is feeling , USD 17 kaagad na sablay noong umaga.. USD 463 ang ikalawang target level na kailangan kong mabalikan...
>
[Trade]
bistado na naman ang FATE..
bumababa nga ang palitan sa tuwing nasa asset ako.. 🙁
tumataas lang sila kapag nagbebenta na ako nang mura o palugi...
kanina, nagawa kong makabalik sa OAX sa USD 0.188..
pero bigla siyang nag-crash hanggang USD 0.184..
konti lang ang ibinababa noon ng Bitcoin, pero ang laki ng ibinagsak niya...
dahil sa mga kapalpakan..
at sa likas na kamalasan na taglay ko..
USD 5 lang tuloy ang na-recover ko ngayong araw...
is feeling , AST, USD 0.1 naman nang makabawi-bawi ako...
---o0o---
November 18, 2023...
[Trade]
after 4 months..
nasa USD 32 pa lang ang nare-recover ko...
is feeling , USD 107 pa ang layo ko sa 2nd target level ng recovery...
No comments:
Post a Comment