Friday, September 11, 2020

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of September 2020 (Gift & Curse)

Loveless Story


September 7, 2020...

may panibago na akong suspect sa kung sino ang may gawa kaya nahanap ako noon ni Miss Racal..
so far yung taong yun pa lang yung nakikita kong connected dun sa naging informant ko..
lalaki..
nobyo nung ate ni Miss Racal...

is feeling , possible...

---o0o---


September 8, 2020...

umakyat din ulit kaagad..
51 sources na..
at 3 verified staff...

in a way, magkakakilala nga yung magkaka-batch na iyon..
nasurpresa din ako kung paanong kaya ng babae na mag-iba nang husto ng itsura base lang sa drawing ng kilay niya..
untikan ko na siyang hindi makilala...

ang god's Eye..
a gift and a curse..
isang natural na facial recognition system..
na kayang balewalain ang kung ano mang pag-e-edit na ini-apply..
parang isang biyaya, para mahanap mo kung ano man yung gusto mong mahanap..
pero para ring isang sumpa, na sasaktan ka nang husto kung hindi mo rin naman totoong makukuha yung hinahangad mo...

is feeling , huwag mo akong sasaktan sa dulo ng journey na 'to.. huwag mo akong tuluyang gawing isang masama at mapangwasak na tao...


>
ngayon lang natapos para sa Sunday ko...

parang gusto kong ubusin lang ang September ko sa pagsusulat ng mga sulat na kailangan kong pakawalan sa panahon na maayos na ulit ang takbo ng lahat...

is 💌 feeling , may 22 days pa...

---o0o---


September 9, 2020...

[Music]

Jom & Crakky - Araw Araw ng Puso


"Lalambingin ka't aalagaan
Ikaw lang ang tatabihan sa higaan
Di na kukupas ang pagmamahal
Kaya pagdating sayo handang sumugal..."

is  feeling , sobrang lambing ng kantang 'to para maging isa lang maikling piece...


>

Sam Concepcion, Tippy Dos Santos, Quest - Dati


isa sa best local pop songs ever..
considering na rin na para sa contest siya nabuo or unang na-release..
nakakatuwa rin na tribute para sa 90's...

"Ngunit ngayo'y malayo ka't malabong mangyari
Ang aking pagtingin
Oh ibulong nalang sa hangin
Pangarap na lang din
Na gaya pa rin ng
Dati..."

ang layo mo dahil sa COVID-19, Miss Racal... 🙁

is 💔 feeling , ang ganda.. pero ang sakit-sakit...


>

The Juans - Hindi Tayo Pwede


"Sabi ko na nga ba, dapat no'ng una pa lamang
'Di na umasa, 'di naniwala
Hindi tayo pwede
Pinagtagpo pero 'di tinadhana
Hindi na posible
Ang mga puso'y huwag nating pahirapan
Suko na sa laban
Hindi tayo pwede..."

pinapaniwala na nga..
hindi na kami nagtagpo, hindi pa talaga itinadhanang makabawi siya sa akin..
gaano ba sila ka-brutal...?? 🙁

araw-araw na lang umiiyak..
dahil sa lyrics ng ganitong mga klase ng kanta..
araw-araw kong pinagsisisihan ang mga bagay na dapat naman talaga na nangyari, pero hindi natuloy... 🙁

all featured music videos are not mine..
credit(s) goes to their original creators and uploaders...

is 💔 feeling , suko na sa laban...??

-----o0o-----


September 7, 2020...

[Gadget-Related]

so may 2 na ngayong depekto yung Lenovo na smartphone:
  1. hindi na kayang i-charge habang naka-on.. pwedeng i-charge habang nakapatay.. na nagko-cause ng pag-init nung phone.. tapos kailangan munang alisin yung battery, bago ulit subukang buhayin...
  2. time freeze error.. kahapon ko lang siya na-experience.. hindi ako nagising kanina sa alarm, kasi na-stuck pala yung oras niya kahapon...

ang bigat-bigat..
kung hindi ko sana kinailangan ng salamin..
kung hindi din sana nasira kaagad yung UPS ko..
edi yun sana yung ipambibili ko ng Nokia na Android...

sa ngayon kailangan ko ng Php 230,000..
para maihanda ang mga future plans ko..
at para mabalewala ko ang year 2020...

Nokia 5.1 at 6.1..
nasa Android 10 daw, na 2019 lang naman na-release..
pero Android Oreo to Pie lang yung kasya sa hanggang Php 7,000..
kapag Oreo ay from 2017 pa iyon..
the last time na bumili ako ng Android device, bigla naman akong naratsadahan ng mga update, hanggang "sorry, you're f*cked, we no longer support that old device"...
ang sakit sa ulo nito... 🙁

is feeling , pero anong kasiguraduhan ko na hindi kaagad wawasakin ng FATE kung ano man yung Nokia na bibilhin ko...??

---o0o---


September 9, 2020...

t*ng ina..?
seryoso ba sila..?
idinamay nila ang progress ng AstraZeneca sa mga kamalasan ko...?? 🙁

mga hayop talaga kayo..
puwerket yun yung inaasahan kong vaccine..
hari talaga kayo ng kademonyohan..
wala kayong awa... 🙁

is 💀 feeling , wala talaga kayong plano na hayaan akong makalaya mula sa parusa ng hinayupak na pa-COVID-19 ninyo at ng Imperyo, ano...??

---o0o---


September 11, 2020...

pinapalayas ako sa bahay..
may sakit kasi yung empleyado na mula sa ibang probinsya..
so gusto nila na siya yung gumamit ng bahay para mag-home quarantine... 🙁

may matagal nang bakanteng bahay ng mayaman na kaanak..
pero automatic na tumatanggi sila na subukang makigamit...

ayaw sa ospital, dahil baka daw doon mahawa ng COVID-19 in case na hindi COVID-19 yung sa kanya...

sobrang unfair..
ako lang yung mahirap dito sa bahay, maliban dun sa matandang lalaki na libreng nakukuha lahat ng mga pera niya..
kaya bakit kailangan na trabaho ko yung ititigil for 2 weeks...??

nakalimutan na ba nila..?
ilang smartphone na ang naibili nila para sa isang iyon..?
ilang laptop na..?
at gaano kadaming mga luho..??
kaya bakit ako ang magsasakripisyo sa ngayon...??

biktima rin ako ng hinayupak na pa-COVID-19 na 'to ng pamunuan..
marami siyang kinuha sa akin..
trabaho..?
pera..?
kalusugan..?
lahat yun pwede pa nilang mabawi in case na malagpasan nila yung sakit..
pero yung mga bagay na nawala sa akin, hindi ko pwedeng pilit na bawiin..
at kailangan pang umasa sa desisyon ng ibang mga tao..
kailangan ko ng lahat ng pera na pwede kong maipon, hoping na 'yon ang magsasalita para sa akin...

besides, mali yung ginagawa nila..
nasa ibang probinsya, possible COVID-19 case, pero gusto nilang itawid pauwi..
bakit..?
dahil sa emosyon..?
dahil kadugo..?
sinabi nang hindi pwede ang home quarantine kung hindi sapat ang kakayahan ng bahay..
pero talagang gusto pa nilang personal na alagaan..?
eh paano kung COVID-19 nga..?
idadamay nila ang lahat..?
sa halip na idiresto na lang sa ospital sa probinsya na 'yon..?
hindi puwerket kakilala - eh automatic na negative sa COVID-19..
yun ang madalas na pagkakamali ng mga tangang tao..
naturingan silang mga may medical background, pero saka lang nila planong mag-ingat once na lumabas na yung test result...??

is 💀 feeling , gipit na.. mas gigipitin nyo pa...


No comments:

Post a Comment