Loveless Story
kahirapan..
pagiging miserable..
at pagkakaroon ng kabuntot na kamalasan...
ako na nga talaga ang Most Undesirable Guy on Earth..
at ito ang aking brutal na loveless story... :(
---o0o---
August 29, 2020...
yung mga lalaki na kayang araw-araw na magpadala ng bouquet para sa babaeng sinusuyo nila...
magkano yun..?
nasa Php 1,000 to 3,000 or more..
tapos eh arawan pa ang pagpaparamdam..
eh ni hindi naman nakakain yun...
nakakainggit lang..
yung kakayahan para balewalain lang ang pera..
yung kakayahan na para ka lang humihinga ng hangin at kikita ka na... 🙁
is feeling , Miss Racal.. hintayin mo yung Disyembre ko na malungkot...
---o0o---
August 30, 2020...
[Gadget-Related]
loko ka talaga, Facebook..
sumilip lang naman ako ng flower shop..
para sa panahon ng COVID-19..
in case of emergency..
pero ini-record mo kaagad na relevant siya sa account ko...
alangan namang araw-araw mong ire-remind sa akin yung tungkol sa babaeng 'yon..?
sasali ka pa sa arawang torture na nararamdaman ko...?? 🙁
is feeling , yung facial recognition ang pag-igihin ninyo...
---o0o---
August 31, 2020...
[Strange Dream]
nakausap ko daw siya..
naglalabas ng sama ng loob..
i'm not sure kung nayakap ko ba siya..
pero i remember na hinayaan ko siyang sumandal sa balikat ko...
is feeling , i'm broken.. kaya paano ko magagawang buuin ang ibang tao...??
>
hindi nakakatuwa yung pinagdadaanan niya ngayon..
parang simple lang, na pwede namang balewalain..
pero pwedeng hindi healthy, depende sa exposure level..
at bata pa siya para i-absorb yung mga ganung klase ng kasamaan... 🙁
hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ng ibang tao na alisin sa kanya yung magandang ngiti niya... 🙁
gusto kong maging knight para sa kanya..
pero ni wala nga akong pambili ng armor..
dahil isa lang akong inutil..
mahina..
walang patutunguhan..
panandalian lang kung ano man ang kaya kong i-offer para sa kanya...
alam ko na walang basehan yung nararamdaman ko sa ngayon..
hindi ko siya kakilala..
isa lang 'tong high level ng attraction, katulad din sa maraming pagkakataon na nahulog ako para sa maling babae..
pero wala rin naman akong choice kundi dalhin at i-probe 'to sa ngayon..
wala akong gustong mangyari, kundi ang makita sa personal yung mga labi niyang iyon...
wala akong mahiling kundi ang maging matatag pa sana siya..
kayanin mo lang sana..
ikaw na ang lumayo sa problema, kung may iba ka pa namang mapupuntahan..
hanggang sa mawala na ang lahat ng kasamaan sa paligid natin...
is 💔 feeling , i'll be selfish sa request ko.. pero kailangan mong panagutan yung ginawa mo sa akin...
>
2014 noong huling beses kong sinubukan na gumuhit ng larawan ng isang tao...
after 6 years..
gusto ko ulit subukan..
gusto kong subukan na gayahin ang mga labi niyang iyon...
wala akong magawa para pakawalan lahat-lahat ng nararamdaman ko sa ngayon..
kailangan ko ng outlet...
is feeling , kailangan ko na ulit ang tulong ng lapis ko...
---o0o---
September 1, 2020...
umakyat pa ulit yung bilang ng sources ko..
50 na..
at 3 verified staff...
kakilala pala talaga niya yung isa niyang ka-batch...
is feeling , not bad...
>
lagot na..
mukhang may umaaligid nga sa kanya na lalaki...
at mukhang mayaman para pag-agawan pa ng mga babae... 🙁
hindi 'to patas...
put*ng inang probinsya naman 'yan..
hindi ba pwedeng paghigpitan muna ang mga residente..?
wala munang gala nang gala..
bawal muna yung mga non-essential na biyahe..
at lalong bawal muna dapat ang mga ligawan.. 🙁
'tang inang mga pabaya kayo...
malanding lalaki..
ingatan mo naman siya..
eh kung madalhan mo siya ng COVID-19..
lumayo ka muna..
este, layuan mo pala talaga dapat siya dahil ipinapahamak mo lang siya..
mas maige, humithit ka na ng COVID-19 para hindi ka na makagulo sa loveless story naming dalawa...
is ⚠ feeling , huwag naman.. may more than 3 months pa ako.. huwag nyo namang ipadanas sa akin 'to, FATE...
---o0o---
September 2, 2020...
tapos na sa pagguhit..
matapos ang ilang taon na hindi ako nakahawak ng lapis...
kaso wala ng scanner dito sa bahay..
yun ang last step..
i-convert sa digital..
tapos burn tool...
is feeling , was it destined..? na makilala ko lang siya, pero ang hinding-hindi ko siya ma-meet...??
---o0o---
September 3, 2020...
[Gadget-Related]
bangungot..
ang sabi ko suporta, hindi pahamak... 🙁
gumawa ako ng safe mode, kasi ayoko nang mabiktima ng diskriminasyon..
gusto ko ng patas na pagkakataon..
patas na pagtrato..
hindi yung hinuhusgahan kaagad ako bilang masama...
pero anong nangyari..?
ipinahamak ako nung palyadong smartphone..
siya na nga lang yung nag-iisang may maaasahan na Android, pero siya pa talaga yung tumanga..
dahil sa hang at error..
tinawagan yung number ni Miss Racal..
eh gamit pa naman nun yung picture niya..
so anong iisipin nung tao...??
gusto ko sanang umasa na offline siya talaga noon, para hindi mai-register yung tawag..
para hindi niya mapag-connect-connect ang mga bagay-bagay..
kaso parang imposible..
kasi sa hinayupak na pagkakataon eh biglang online na ulit yung status niya ilang saglit lang matapos yung tawag na iyon...
mas mahihirapan na ako nito sa plano ko... 🙁
bakit..?
bakit ba sobrang malas ko talaga..?
hinayaan nyo akong makita siya..
hinayaan nyong makuha ko yung sagot niya..
pero tinraydor ninyo ako..
at ipinalamon sa put*ng inang COVID-19 na 'to..
hinayaan ninyong mahanap niya ako..
hinayaan ninyong mahanap ko rin yung totoong siya..
pero bakit ganito..?
ang sakit ng paraan ninyo ng pag-torture sa akin.. 🙁
tapos ini-expose nyo pa siya sa ibang mga lalaki..
alam kong hindi simple yung gusto kong mangyari sa amin..
pero nangyari na dapat yun noong January kung hindi ninyo nilaro yung tadhana ko..
tapos na sana 'tong nararamdaman ko ngayon kung hinayaan nyo lang sana siya na sumunod sa usapan namin noon...
ngayon, mali ba na naghahangad ako na mabawi yung pagkakataon na kinuha ninyo sa akin...?? 🙁
is 💀 feeling , ang hirap maging tau-tauhan sa ilalim ng sumpa ninyo...
>
put*ng ina..
sunud-sunod talaga na kamalasan..
internet connection naman this time...
parati na lang..
kung kailan may emergency, saka biglang nawawasak..
kung kailan kailangan kong ma-monitor yung aksyon nila dahil sa katangahan na ginawa nung palpak na smartphone na yun... 🙁
put*ng ina, kailangan ko yung simula Thursday para sa observation..
tadtad naman ng tasks ang Friday ko..
ganun din ang Saturday, depende kung gaano na kasama ang lagay ng lipunan..
tapos gusto nyo pang idikit yung nasiksik kong schedule sa general cleaning sa Sunday..??
at nakisabay din nga yung kuwentahan ko ng mga padalang bayad...
is 💀 feeling , hanggang kailan ninyo ipaparamdam sa akin 'to..? hanggang magawa kong laslasin yung pulso ko...??
---o0o---
September 5, 2020...
i don't know..
wala naman siyang ginawa laban sa akin..
pero hindi ko rin alam kung nagsumbong na ba siya sa koneksyon niya...
hindi ko pa rin nabe-verify kung sino sa kanila yung nag-recruit sa kanya..
ilang probinsya yung sakop nila..
pero maging mga common acquaintance nila eh well-distributed...
hindi pwedeng masira ang maskara ko ng dahil lang sa palpak na smartphone... 🙁
is feeling , kailangan ko munang makilala kung sino yung taong kumuha sa kanya.. para malaman ko kung gaano ba siya kadelikado...
---o0o---
September 6, 2020...
sa kalagitnaan pa ng 2021, WHO..?
seryoso kayong mga tuta rin kayo ng Imperyo...??
nasaan ang pag-asa dun..?
matapos ninyong paasahin ang buong mundo na kesyo hindi dapat basta-basta matakot noon sa put*ng inang COVID-19 na yan...
put*ng ina..
sobrang haba na nung 1 year kung tutuusin..
pero gusto nyo pang i-extend ang paghihintay ko...?
maganda siya..
nasa liberated na region..
kung saan sobrang luwag din ng quarantine protocol..
kaya gaano kalaki yung chance na mananatili siyang single hanggang sa katapusan ng problema na 'to, lalo't may umaaligid sa kanya na malanding desirable na lalaki..?
gaano kalaki yung chance na hindi siya mabubuntis...??
AstraZeneca, pag-eksperimentuhan nyo na ako... 🙁
is 💀 feeling , mga hayop kayo.. yung combo ninyo laban sa akin, eh infinite...
>
[Music]
Magnus Haven - Imahe
pinagtagpo pero hindi itinadhana... 🙁
kalimutan siya..??
tigil-tigilan nyo ako sa suggestion ninyo..
ni hindi pa nga kami totoong nagtatagpo eh...
credit goes to the original creator(s) and uploader...
is 💔 feeling , kagaya rin kayo ng iba.. ang sasakit ninyo kung kumanta...
>
[Strange Dream]
nasa parang isang building daw kami..
kasama ko ang ilang mga kakilala sa parang lobby..
may iba ring mga tao doon, random character..
merong dental clinic sa may likuran ko..
at yun daw talaga ang pakay ko sa lugar na iyon...
biglang pumasok doon sa place na yun si Miss H, at nasurpresa ako..
naka-dress siya..
hindi ko siya pinapansin, bilang respeto sa kanya..
and i thought na hindi niya rin ako papansinin..
kinausap niya yung taong medyo malapit sa akin..
pero while doing that, nagulat ako kasi humawak siya sa likod ko, na para bang binabati niya ako..
after nilang mag-usap, noon na lumapit sa akin si Miss H..
ang first question niya sa akin ay, "may nakakuha na ba sa'yo"..?
sa totoo lang, hindi ko na-gets yung tanong niya..
i actually assumed na kung meron na ba akong na-hire na katrabaho ang tinutukoy niya..
dahil dun, sinabi ko sa kanya na hindi ganun, na yung dental clinic ang pakay ko doon..
nagkumustahan kami..
napansin ko rin na medyo tagihawatin na siya..
nakakatuwa lang yung feeling..
na kinaya niyang makihalubilo sa akin, kahit na sa harap nung iba kong mga kakilala..
anyway..
biglang sumulpot itong isa kong makulit na kakilala..
dumaan siya sa pagitan namin..
at nilakdawan pa talaga ang nakaupong si Miss H..
dahil dun eh natapunan ng liquid yung babae..
napangiti na lang ako dun sa nangyari..
tapos hindi ko na maalala kung saan na napunta at kung paano nawala si Miss H...
then si Miss Ab naman yung dumating..
nasurpresa din ako dahil parang hinila niya ako papunta sa isang mataas na desk..
o ako ba yung sadyang sumunod sa kanya..?
hindi ko matandaan nang husto..
halata daw sa kanyang mukha na yamot siya..
yung tipo na alam mong yamot na yung babae, pero willing pa rin namang makipag-usap..
tinatanong ko daw siya kung galit pa rin ba siya sa akin, dahil sa nagawa ko noon kay Miss Co..
tapos basta may sinasabi siya sa akin na paalala na kesyo basta huwag na daw si Miss C..
i'm not sure kung ang ibig ba niyang sabihin eh kesyo huwag na huwag na akong magtatanong tungkol sa isang 'yon..
at doon na nagtapos yung panaginip ko...
is feeling , alam ko.. may kasalanan pa ako sa inyong 4.. at susubukan ko ring gawin yung tama para dun...
-----o0o-----
August 29, 2020...
pero paano nga kaya kung itong 2020 na ang last year para sa sangkatauhan...??
sobrang dami ng kasamaan na nangyayari ngayon..
man-made man o hindi...
paano kung babalik nga ang nilalang na 'yon sa December..?
paano kung wawasakin na nila ang lahat...??
hindi ko magawang maniwala sa kabutihan..
kasi kitang-kita naman sa panahon ngayon ang pamamayagpag ng mga masasamang tao..
mga miyembro ng alyansa..
ang Imperyo..
eh para nga tuloy na sila pa ang mga nakatanggap ng god's favor eh..
na parang sila ang mga pinipili para matira dito sa mundo...
ayokong isipin na tuluyang mawawala sa akin yung pagkakataon na nawala na sa akin noong January..
ayokong isipin na hindi ko na talaga makikita ang babaeng 'yon sa personal...
is feeling , ano ba ang totoong mensahe...??
---o0o---
September 2, 2020...
[Gadget-Related]
pasaway..
nagloloko na naman yung kaisa-isa kong reliable na Android... 🙁
ano ba..?
madami pa tayong trabaho hanggang January..
o hanggang hindi pa tapos ang kalokohan ng COVID-19...
huwag nga kayong kumakampi dyan sa hinayupak na FATE na yan..
ginigipit lang ako niyan para patayin ko na ang sarili ko eh..
damayan nyo muna ako hanggang sa maayos ko na ang lahat ng mga sinira nila sa buhay ko...
is 💀 feeling , huwag nyo naman akong sukuan sa gitna ng mga kamalasan ko...
---o0o---
September 5, 2020...
more than 50 hours na walang internet..
kung kailan siya kailangang-kailangan..
tapos sasabihin sa akin na nabunot yung cable namin sa loob nung cabinet nila..?
na naputol 'yon, dahil totoong napuputol yun sa pagtagal ng panahon...??
ay put*ng inang Satanistang pagkakataon naman iyon...
so ganito na talaga yung last more than 4 years ng buhay ko..?
araw-araw ninyong ipapamukha sa akin yung kamalasan ko..?
at araw-araw ire-remind sa akin yung tanging purpose kung bakit ako nabuhay..?
kasi kailangan kong maging matapang para patayin na ang sarili ko...??
ayos din talaga kayo eh..
bakit ba ako ang ginagawa ninyong laruan at libangan..?
sobrang challenging ba na kumbinsihin ako na mag-suicide..??
pasira na 'tong mundo ninyo..
bakit hindi nyo na lang pagpapapatayin yung mga tao na higit na masahol kumpara sa akin...??
is 💀 feeling , mahigit 4 years pa ng mga kamalasan...
---o0o---
September 6, 2020...
ang gugulo ninyo..
pangaral kayo nang pangaral simula noong may religion pa ako..
na kesyo naaayon sa kalooban niya lahat ng mga nangyayari sa mundo...
edi ibig sabihin..
good or evil..
basta nangyari at nangyayari - eh approved sa kanya yun..
huwag ninyo akong kumbinsihin na tanging kabutihan lang ang inire-represent nila..
dahil sa kanila din nagmula ang kasamaan..
siguro nga makapangyarihan lang sila - pero hindi mabuti..
mas malapit sila sa Greek Mythology...
don't expect na makikita ko yung kagandahan ng buhay..
dahil sa tuwing sinusubukan kong lumaban..
pero sinisira din naman nila lahat ng mga ginagawa ko..
mas nagiging malinaw para sa akin na katapusan ko lang ang tanging nakalaan para sa akin na kapalaran...
is 💀 feeling , Yin and Yang are one...
No comments:
Post a Comment