Loveless Story
April 9, 2018...
hala!
bakit malamig at maulan ang panahon..?
talagang kung kailan pa malapit na daw i-declare ang Tag-araw eh...
tapos wala pang rasyon ng lindol for April...
at na-realize ko pa na 13th ko na 'to..
as in isang numero lang talaga siya...
is feeling , naman, FATE.. walang siraan ng date ha.. huwag mo siyang ipapahamak nang dahil lang sa akin...
>
gagamitin muna ulit yung 48-Hour Rule..
effective mula bukas ng 5:00 AM...
sana lang talaga makuha ko na yung kailangan kong sagot..
nakailan na rin ako ng mga wrong timing na desisyon..
hindi naman sa hindi sulit..
pero sala lang talaga sa panahon...
is feeling , kailangan ko lang talaga ng matinong lead...
---o0o---
April 11, 2018...
natapos na..
at hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko...
naghalo-halo na..
masaya naman..
na malungkot..
na parang gusto ko na lang sumuko...
madaming hindi nasunod sa mga plano ko..
though may nagawa rin naman akong bago na hindi ko inasahan..
nasagot din naman lahat ng katanungan ko..
at nasabi ko rin lahat ng ginusto kong sabihin sa kanya sa 2 taon na nakalipas...
madami akong nalaman about her..
gaya kung paanong ilang buwan na na ibang tao naman pala yung nagte-text sa akin..
kung paano ko siya naipahamak noon..
at meron ring mga bagay na sobrang nakaka-discourage...
practically speaking, it was not worth the money..
may mga nangyari rin kasi...
pagkapasok pa lang niya ng pintuan eh naalala ko na kung bakit ko siya nagustuhan..
pero mas na-realize ko rin kung anong kaibahan niya sa iba - kung anu-ano yung kulang sa kanya..
at naaasar ako kung bakit iba yung reaksyon ng katawan ko sa kanya...
binigyan niya ako ng information..
though it doesn't seem like a very reliable one..
hindi ko alam kung anong motibo niya..
pero sinabi niya rin sa akin na magkikita at magkikita rin kami someday...
is feeling , she's out of my league...
>
sa totoo lang..
hindi kayang ma-imagine ng utak ko kung paanong nangyari yun..?
malamang dahil hindi ko pa naman nararanasan yun...
kung paanong may mga taong kayang maglabas ng Php 5,000 to Php 8,000 per week, or even twice or more..
kung paanong may mga taong kayang gumastos ng ganung kalaki, kapalit lamang ng oras at coffee date..
kung paanong may mga tao na hindi na nangangailangan pang pag-isipan yung paglalabas ng Php 30,000 to Php 45,000...
kung paanong may mga taong minamani lang yung pagbabakasyon ng twice per month..
yung mga taong kayang gumastos ng Php 7,000 or more para sa accommodation..
o di kaya eh hanggang Php 10,000 to Php 12,000...
pinaparamdam nila sa akin na sobrang liit ko..
sa totoo lang nakaramdam ako ng inggit..
gusto kong maging ganung klase ng tao..
yung parang itinatae na lang ang pera nang walang effort..
that way, baka sakaling malabanan ko na yung pagiging undesirable ko...
is feeling , WTF, ano bang trabaho ng mga yun...?
---o0o---
April 12, 2018...
i can see her now..
pero limitado lang..
i don't know kung paano niya nagawa..
i have a data from a non-smart device..
pero she initially has my data on a smart device..
kaya nasurpresa ako kung paanong na-convert yung device niya..
i mean, obvious naman kung paanong nagagawa yun..
pero ang totoong tanong ay - bakit...?
isa pa..
mas kinabahan ako sa mga nadiskubre ko kanina..
ngayon kasi, yung 4 na suspected account ni Happily Married Rich Old Client ay nali-link na ng iisang klase ng baril..
at anong klaseng coincidence naman yun, na pare-parehas yung account name, tapos eh pare-parehas din ang paboritong linya ng baril...?
is feeling , if ever sa baril na calibre .45 ako mamatay.. then that could mean na na-track ako nung matandang yun...
>
hindi pa rin ako makapaniwala na after almost 3 years..
eh nasa 17 hours and 1 minute pa lang yung pinagsamahan naming dalawa...
masyado nang malaki ang nagastos ko para sa pag-aaral na 'to..
more than Php 128,500..
na dapat sana ay nasa Php 123,900 lang kahit papaano..
at panahon na para magretiro..
tutal naman eh kahit na Robust Extreme eh hindi magawang maging reliable sa lahat ng pagkakataon..
hindi yun yung na-imagine ko na katapusan..
andami kasing pumalya..
pero kailangan ko na rin ngang tapusin...
hindi na ako makikipaglaro sa kanya na gamit ang pera..
tutal naman eh hindi ko talaga linya ang pera..
binigyan niya na rin lang ako ng konting pag-asa para mahanap ko siya..
edi doon na lang ako dadaan...
is feeling , 17 hours out of 3 years...
-----o0o-----
[V-League]
UAAP Season 80 - Women's Volleyball (Round 2)
April 7, 2018...
AdU versus FEU
mukhang end na ng campaign ng Adamson...
ang 15th 5-setter match ng season..
sa MOA na ang labanan eh..
panalo ang FEU...
sa Set 1, lahat ng stats ay nadomina ng FEU, maging ang errors..
natapos yun sa 25-22..
sa Set 2 naman, 8-2 at 16-6 yung naging resulta ng mga score sa bawat technical timeout, in favor of Adamson..
hindi ko na napanood yung game after that..
nagulat ako noong nabalitaan ko na umabot pa sa 27-25 yung labanan, pero nakuha pa rin naman ng Lady Falcons yung set..
overkill naman ang Set 3, 25-14, pabor sa Adamson..
pero parehas na naagaw pa daw ng FEU ang Set 4 at 5, 25-22 at 15-11...
panibagong upset para sa Adamson..
at nabawian pa sila ng FEU..
sa resulta pa lang ng Set 2, 4, at 5 eh nakikita na ang pagiging pabaya ng Lady Falcons..
sayang ang mga kalamangan kung parating nababaliktad yung resulta nung laro...
ADMU versus UP
Battle of Katipunan..
tapos parang tanga pa ang Ateneo..
3-0..
panalo ang UP..
sa Set 1, Ateneo pa ang nakabawi at nauna sa set point, pero natalo pa rin sila ng UP sa set na yun..
pero for Set 2 and 3, eh nakakahiya na parehas na naagaw pa ng UP yung mga set mula sa Ateneo...
ayun..
tumabla pa tuloy ang UP sa Adamson..
at UE pa talaga ang last game nila...
is feeling , nasayang yung recovery ni Galanza dahil sa mga diskarte nila...
---o0o---
April 8, 2018...
NU versus UE
3-0..
nanalo na ang NU sa Round 2..
sa UE na sana yung Set 1, pero naagaw pa nina Jaja...
importante yung panalo na yun para sa NU, dahil naging void na ang kampanya ng UP at UST since hindi na aabot sa 7 ang wins nila...
DLSU versus UST
3-0 rin..
pero close fight..
panalo ang La Salle..
sa UST sana ang Set 1, pero nabaliktad pa ng DLSU yung set...
at nakapaglaro pa ang bench ng La Salle...
is feeling , kapag hindi nanalo ang Adamson laban sa La Salle, eh tapos na ang pangarap ni Galanza...
---o0o---
April 11, 2018...
End of Campaign
AdU versus DLSU
3-1..
nag-Roque experiment naman ngayon si Coach Padda..
panalo ang La Salle..
nakaganti na nga sila sa Adamson..
at tuluyan pa nilang inalis yung team sa Top 4...
FEU versus UE
3-0..
panalo ang FEU as expected...
is feeling , nasayang lang talaga ang campaign ni Galanza, though may nagawa rin nga silang memorable for this season...
-----o0o-----
April 7, 2018...
bad news...
bawas na ng tagapag-alaga yung 2 bata..
may mga nararamdaman na yung matandang lalaki..
atungal nang atungal na gusto na niyang mamatay..
pero request rin naman nang request ng pampa-checkup, ng mga gamot, at mga healthy (expensive) natural food...
holy crap!
sino bang nagsabi sa kanya na sugal at pangungutang ang gawin niyang career sa buhay..?
sino bang nagsabi sa kanya na sigarilyo ang gawing bisyo at panulak ng tae..?
sino bang nagsabi sa kanya na i-upgrade yung madalas niyang almusal noon na pandesal na isinasawsaw sa kape, para gawing araw-araw ang pagkain ng cholesterol..?
sino bang nagsabi sa kanya na parating kumain ng matatamis na pagkain..?
sino bang nagsabi sa kanya na gabi-gabi ay kumain ng maaalat na junk food bago matulog...?
at lahat ng yun eh nagagawa niya nang hindi niya pinagtatrabahuhan yung pera...
nakakaawa lang yung biological mother ko..
halos siya na ang nagpakain sa asawa niya simula noong ipagbili nung lalaki yung tricycle na binili niya para dito, para lang magkaroon ito ng puhunan noon para sa sugal..
tapos magpaparamdam pa siya nang magpaparamdam ngayon na pati yung kalusugan niya eh dapat naming pagkagastusan..
eh hindi naman kami ang sumira nun eh - kundi siya rin at ang bulok na lifestyle niya...
ang masama pa nito..
eh nakakakain na naman ang oras ko sa pag-aalaga dun sa baby..
samantalang yung pamilya nila eh masayang kumikita ng pera...
is feeling , kung ako ang masusunod.. hindi ko para ipangutang ang buhay ng isang palamunin...
>
naalala ko tuloy yung isa kong uncle-in-law..
noong nalaman niya na may sakit siya..
cancer of some sort yata yun if i'm not mistaken..
hindi na niya inabala pa yung buong pamilya niya para sa pagpapagamot o ano..
considering the fact na nakaaangat naman sa buhay yung pangalawa niyang anak..
during those times na kaya pa niya eh patuloy lang siyang nagtatrabaho para sa negosyo nila..
na parang ordinaryong mga araw lang yun para sa kanya..
tapos noong nararamdaman na niya siguro na malapit na siyang mawala, nag-request siya na magbakasyon sa bahay ng isa sa mga blood-aunt ko..
at isang araw, mapayapa siyang namatay habang nanonood ng TV...
bukod dun..
napakabuti rin niya sa aming lahat na magkakamag-anak (sa mother side ko)...
yung pakiramdam na may kakilala kang mabuti at napakaresponsableng tao na piniling mawala sa mundo na 'to nang hindi nagiging pabigat para sa mga nakapaligid sa kanya..
tapos makikita mo yung isang walang kuwentang tao na puros pagrereklamo pa ang ginagawa...?
is feeling , short cut, please.. nakakabingi na eh...
>
[Business]
puros delubyo ang dala ng pamunuan na 'to... :(
tumaas na rin nang husto ang presyo ng Milo, Php 12.50 na ang nadagdag..
hindi ko na kaya na ibenta pa yun ng Php 6.00 per sachet..
yung washed sugar naman eh tumaas na ulit ng Php 1.75...
at hindi lang yun..
dahil yung mga binili kong non-grocery items eh tumaas rin ang mga presyo..
yung mga multivitamins..
pati energy drink, na sakop nga pala ng gatasan...
wala bang makakapigil sa kanila..?
kahit dun sa gatasan man lamang..
puros pagsasayang lang naman sila ng pera eh..
sa ayuda rin lang napupunta yung karamihan...
is feeling , at ang pagkakataon nga naman.. nakita ko na ulit si Emoji-Girl kanina.. pero hindi naka-uniform habang nasa trabaho...
---o0o---
April 13, 2018...
Friday na Friday..
araw ng maraming trabaho..
pero may lihim na schedule ng short brownout... :(
ang masama pa nito..
wala ng pinapaikot na tagapaghatid ng advisory ang [Name of Electric Cooperative]..
asa na lang sila sa Facebook...
is feeling , sobra kayong mang-discriminate nung mga walang internet o data connection...
---o0o---
April 14, 2018...
[TV Series]
The Good Son
okay naman yung mga last episodes niya..
at tungkol nga siya sa pagpapatawad...
yung ginawang pagliligtas ni Joseph kina Obet at Enzo ay lubhang nagpabago dun sa 2 niyang kapatid..
mula sa pagpapaubaya nila na lamunin sila ng kanilang mga galit, eh natutunan nila na ipaglaban muli yung tamang hustisya...
sa huli, na-reveal na si Olivia nga talaga yung lumason kay Victor..
at ginawa niya yun bago ito umalis noon para magtungo sa bahay nina Raquel..
masakit ang naging mga huling sandali ni Olivia sa mundo, pero pinatawad pa rin naman siya ni Joseph..
at maging si Joseph ay humingi rin ng tawad sa kanya dahil sa pagiging pamilya nila sa labas...
na-justify rin yung ginawa ni Anthony na pagkuha dun sa pera nung kompanya..
na prinotektahan niya lang talaga yun para sa kanyang mga pamangkin..
bale, ibinilin niya na hindi nila yun makukuha hangga't hindi pa natutukoy kung sino ba talaga ang pumatay kay Victor..
pinatunayan rin nun na totoong minahal ni Anthony yung mga bata..
though, hindi na talaga na-reveal kung ano ba yung sinasabi niya noon na kasalanan na nagawa niya sa kanyang Kuya Victor..
pero posibleng yung pagtutol niya sa pagdidikta nito sa mga gagawin niya sa kanyang buhay ang tinutukoy niya...
maging si Arthur eh mukhang nagbago rin sa loob ng kulungan...
is feeling , sa wakas.. makakatulog na ulit nang maaga...
No comments:
Post a Comment