Loveless Story
April 3, 2018...
so sinubukan ko na nga ulit kahapon na mag-set ng appointment with her..
kaso, wala na ulit sagot eh..
mas mabilis pa ang reply niya noong nag-request ako ng pag-vouch...
tapos nagtanong na rin ako sa isang veteran niya na kagrupo kanina..
active pa naman daw..
kaso eh madalang na lang talagang rumaket...
ang sakit lang na isipin na sa ganito na lang matatapos ang lahat..
na parang sobrang bitin...
nawala siya..
then nagbalik..
tapos hindi ko siya nakita for almost 2 years na..
almost 4 months ko na rin na sinusubukang mag-set ng appointment..
pero wala na talaga eh...
ni hindi ko pa siya nakakausap tungkol sa mga bagay na noon pa nangyari...
naiisip ko nga kung iri-reveal ko na lang ba sa kanya yung plano ko eh..
na baka sakaling pumayag siya kapag nalaman niya na safe yung proposal ko..
kaso..
sa ngayon, ayokong isipin na papayag lang siyang makipagkita sa akin puwerket safe yung deal...
is feeling , i hate you, FATE.. tutuldukan mo na rin lang yung istorya, ayaw mo pang tuldukan nang maayos...
---o0o---
April 4, 2018...
wala na naman sa sarili..
lutang ang isip..
hindi na naman makapag-focus...
nag-reply na siya kanina..
okay daw..
pero wala naman talagang kahulugan yung 'okay' sa mundo nila...
nagkamali ako..
akala ko makukumbinsi ko siya puwerket April na..
sa ilang buwan kong paghihintay para sa kanya, ngayong April ko lang naramdaman na ang tagal na nga pala ng ipinaghintay ko..
na parang katumbas na rin ng 'NO' yung mahabang ipinaghihintay ko...
ang dami ko pang kailangang gawin..
mag-open ng bank account..
project para sa birthday ng bata..
at kailangan ko ring bumalik sa trabaho..
pero inaabala ako nitong paghahanap ko sa kanya...
is feeling , 26 days left para sa April...
---o0o---
April 6, 2018...
naman o'...
nasurpresa ako kanina..
bigla siyang nag-text sa akin..
humihingi ng update..
akala ko naman eh na-wrong send lang siya...
yun pala eh akala niya na tuloy kami ngayong April 6..
yung 'okay' niya pala last April 4 eh confirmation ng date namin for today..
ang problema, hindi ko naman na-gets yung ibig niyang sabihin..
akala ko eh reply niya yun sa iba kong message...
sobrang nakakahiya..
parang naging scammer pa tuloy ako..
alam ko kung gaano kaimportante sa kanila yung bawat oras nila..
tapos napaasa ko pala siya sa isang date na hindi ko naman napaghandaan...
she knows how badly i want to see her..
kaya hindi ko siya para lokohin pa pagdating sa mga appointment..
kung kaya ko lang, magte-teleport kaagad ako ngayon papunta sa kanya eh..
kaso imposible talaga, wala pa akong mga gamit na naka-prepare, at araw pa ng uwian ngayon...
is feeling , sobrang mapaglaro mo, FATE.. tsansa ko na sana yun para makita siya, pero talagang binaliktad mo pa rin yung pagkakataon...
---o0o---
April 7, 2018...
note..
hindi pwedeng maging excited..
walang sigurado hangga't hindi siya pumapasok sa pinto...
kailangan ko ring matulog nang maayos...
is feeling , 3+3...
-----o0o-----
[V-League]
UAAP Season 80 - Women's Volleyball (Round 2)
April 4, 2018...
ADMU versus UST
ang 14th 5-setter match ng Season 80..
dikitan ang laban..
nakuha ng Ateneo ang Set 1..
ang Set 2 at 3 ay napunta naman sa UST..
nakabawi naman ang Ateneo sa Set 4..
sa Set 5, sobrang nakalayo ang Lady Eagles, 11-4..
nagawa rin namang makahabol ng UST, 12-9..
pero tinapos na ng Ateneo yung match sa score na 15-9...
wala ng pag-asa ang UST na makahabol sa Top 4, panggulo na lang ng record ang papel nila para sa season na 'to..
pero kailangan pang tulungan ng FEU ang Adamson, para hindi umabot sa 8-6 ang record ng NU..
siguradong mahihirapan ang Lady Falcons dahil puros malalakas na team na lang yung makakalaban nila...
NU versus UP
3-0..
panalo ang UP..
at nasa Rank #2 na pala sa scoring si Caloy..
sirang-sira na ang NU..
dahil sa kakulangan sa magagaling na kakampi, eh nasasayang na yung mahusay na positive approach ni Coach Babes sa pagko-coach...
wala na ring pag-asa ang UP para makapasok sa Top 4, at hanggang panggulo na rin lang ng record ang papel nila...
is feeling , kailangan na lang talaga ng Adamson na manalo pa nang higit kesa sa NU para makapasok pa sila sa Top 4...
-----o0o-----
March 31, 2018...
backup mode muna..
andami na namang nadagdag sa mga files ko...
tapos..
general cleaning muna bukas..
isasakripisyo na muna ang mga grocery..
bahala na muna ang mga kliyente sa mga sarili nila...
is feeling , 122 days left...
---o0o---
April 1, 2018...
[Movie]
Kita Kita
kanina ko lang napanood...
brilliant script..
brilliant title..
kumbaga eh tipong nasa level siya ng My Sassy Girl, pero mas matalino yung pagkakasulat sa kanya..
kumbaga eh mas kumpletos rekados siya; may story yung bidang babae, at may story rin yung bidang lalaki..
yun nga lang, love story yung My Sassy Girl..
samantalang tragic love story naman yung Kita Kita...
sa simula parang istorya lang siya ng pagmo-move-on para dun sa bidang babae..
naloko sa pag-ibig, tapos eh nabulag pa..
pero dumating sa buhay niya yung bidang lalaki at tinuruan siyang magmahal ulit..
eventually, bumalik yung paningin niya..
but then, saka pa talaga namatay yung lalaki...
after his death, saka na-reveal yung side nung story nung bidang lalaki..
na isa rin pala siyang bigo o naloko sa larangan ng pag-ibig noon..
na matagal na pala silang magkakilala nung bidang babae, though not in a formal way..
mula sa pagiging palaboy, hanggang sa pagiging kalapitbahay..
mas nauna palang nakatulong yung babae sa buhay nung lalaki, na naging daan sa pagbabago nito..
and he's been there for her ever since - kaso hindi nga lang siya napapansin..
na-reveal na parang scripted na lang yung paraan ng pagkakakilala nila noong panahon na bulag na yung babae..
kumbaga eh pinalabas na back to zero, at na-edit na rin yung ibang katotohanan regarding the guy..
at na-reveal rin lahat nung mga ginawang effort nung lalaki para dun sa babae...
literal na building a bridge of chance yung ginawa nung lalaki...
ang sakit lang..
yung tinulungan kang maka-recover nung taong minsan mo na rin palang natulungan na maka-recover..
tapos biglang magiging tragic yung ending nung love story nila... :(
bagay sa akin yung ending ng character ni Empoy..
though mas gusto ko siyempre yung hindi naman brutal at walang wasakan ng katawan na magaganap..
basta yung tipong payapa lang at hindi na magigising sa kinabukasan...
idol talaga si Empoy..
pinaiyak ako eh...
is feeling , makapaghanap na rin nga ng magandang bulag na babae...
---o0o---
April 2, 2018...
panibagong record na naman..
kahit pa 3 violations yung inabot ko nitong nakaraang buwan...
is feeling , 120 days left...
---o0o---
April 3, 2018...
[Business]
ang dami ko nang kailangan na iretiro na mga produkto..
humabol na rin yung mga Nestle na powdered drink sa Tang eh..
nasa Php 16.00 na rin...
pwede pa namang magbenta kung tutuusin..
kaso..
yung dating nasa Php 10.00 sila eh hindi na nga ganoong ka-demanding..
ngayon pa kaya na aabot na sila sa Php 17.00 kung ako ang magpe-presyo...?
tapos pagdating naman sa 3 in 1 na kape..
eh nawala na rin yung tig-Php 9.00 lang na twin pack...
tiis-tiis na lang tayo sa tubig...
is feeling , bawal nang mag-juice at tea ang mga mahihirap...
>
ganun pala yung taong maraming ginagawang panlalamang sa kapwa niya...
dahil batid niya yung mga kasamaan niya eh siya mismo ay nagdududa na rin sa sarili niya..
sobrang defensive..
na akala mo eh parati na lang siyang pinagbibintangan..
na akala mo eh parati na lang siyang sinisisi..
yung tipong makakita lang na parang nagbubulungan ang ibang mga tao, eh galit na kaagad...
nakakatawa lang, na nakaka-badtrip rin na isipin..
yung tipong napakaayos naman ng tanong sa kanya nung kausap niya..
tapos biglang sasagot nang pabalang at pasigaw na akala mo eh pinaghihinalaan siya na kumukupit ng pera at kakuntsaba nung mandarayang mekaniko...
is feeling , sakit na yan...
---o0o---
April 4, 2018...
[Online Marketing]
sa good news naman..
na medyo may bad din...
well, pumasok na yung 1 kong sahod para sa nakaraang February..
kaso, dahil sa bagong policy ng PayPal eh nadagdagan na naman yung cost para sa akin..
nasa 4.5% ang fee para sa transfer (though naiintindihan ko naman na kalabisan na nga yung libreng transfer)..
at as usual, nasa 2.5% ang kaltas para sa currency conversion...
secured na rin ang April ko dahil sa release nung latest project ko sa first store...
is feeling , magtuluy-tuloy ka lang.. kung hindi man para sa akin, eh kahit para sa mga benefactor ko...
>
[Gadget-Related]
hindi 'to maganda..
ang sama at ang lakas nung tunog nung fan pagkabukas ko nitong computer ngayong hapon...
nag-stabilize rin naman siya kahit papaano after a few minutes...
naaasar lang ako dahil kamakailan lang lumagpas ng 1 year 'tong computer..
tapos eh nagpapakita na kaagad ng senyales ng ilang depekto... :(
is feeling , malas na nga sa babae.. malas pa sa computer.. lahat na lang ba, FATE...??
>
holy crap!
inatake ang YouTube ng isang babae..
at dahil lang sa issue sa advertisements...?
is feeling , anong klase yang trend sa West...?
>
balik muna sa pag-aaral ng skin settings..
natuklasan ko na kung paano gawin yung wet look..
at sobrang liit lang nung kailangang file..
importante yun para mas maging convincing yung mga renders...
is feeling , panibagong mga adjustments para sa mga characters...
---o0o---
April 5, 2018...
[TV Series]
The Good Son
naipaliwanag na rin kung bakit nagsira noon ng mga ebidensya si Arthur..
dahil natakot lang siya na baka sini-setup na siya nina Olivia at Dado noong napatay si Anthony...
is feeling , ubusan serye...
>
[Gadget-Related]
mukhang yung rear fan nga nung casing ang may deperensya..
makalog na siya sa tuwing bagong bukas lang yung computer..
tapos ay mukhang nag-a-adjust rin siya ng bilis at gumagawa ng ingay sa tuwing nagra-run yung NVIDIA ko...
is feeling , basta pwera sira.. kung fan lang, edi fan lang...
---o0o---
April 6, 2018...
hala!
nagkaroon pala ng data breach sa Facebook..
dumaan daw sa personality quiz app eh..
kaso posible daw na nakuhanan rin ng information yung mga Friends nung mga nag-install nung app... :(
is feeling , ay si-ya, bayaran nyo kaming lahat ng danyos...
No comments:
Post a Comment